Nakwento ko kay Mama ang mga nangyari sa'min.
Ang sakit nga ng hampas niya no'ng nalaman niyang muntik na akong mag pakasal nang hindi niya nalalaman.
Unti unti namang nawala ang inis ko kay Allen.
Bumili siya ng bahay at sa ngayon ay mag kakasama na sila nila Ate Yen at Yohan. Hindi niya alam kung gaano gumaan ang pakiramdam ko nang dumating siya, gusto kong tumakbo sa kaniya at mag sumbong gaya no'ng ginagawa ko noong bata pa ako. Natatakot kasi ako, para sa organization mapipilitan akong mag pakasal sa babaeng hindi ko gusto. Hindi masamang tao si ate Yen pero ayoko rin kasing matali agad, pero kung may mapaparusahan o mamamatay baka nga isalang ko ang sarili ko kung wala nang pag pipilian lalo na kapag importanteng tao sa'kin.
"Jhonny!"
Napa lingon ako sa labas ng pinto.
Nag grocery si Mama kahit sabi ko ako nalang ang mag gogrocery.
"Katherine?"
Napapadalas ang dalaw niya ah? Hindi ba siya busy?
"Hey, teka na uuhaw ako."
Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig.
Inaalala ko pa ngayon si Papa, wala na si Allen sa bahay kaya wala nang kasama si Papa.
Sanay na akong nandito siya kaya hinahayaan ko nalang siya.
"Papasok ka?"
"Oo."
"Ba't pumunta ka rito?"
Nag papaka pagod lang talaga siya.
"Wala lang, malapit lang naman dito ang school ko, dumaan na ako."
Paano naging malapit?
Wirdo niya, aabot pa ng almost 1 hour and byahe niya kung dito siya dadaan at kung sa bahay niya ay baka almost 30 mins lang.
"May bago kang dini date? Sino? Malapit lang dito?"
Iyon lang ang naiisip kong dahilan para mapadaan siya rito.
"Sinasabi mo?"
Natatawang tanong niya at saka nag iwas ng tingin.
Matanda siya sa'kin ng isa't kalahating taon at magka edaran lang sila ni Raya.
"Alam mo na bang nag pakasal na si Allen?"
Natahimik siya saglit at saka tumango.
"Buti napa payag niyo siyang pumirma ng divorce -"
"Si ate Vanessa."
Ha? Si ate Vanessa?
Anong kinalaman ni ate?
"Ha?"
"Siya ang kumausap kay Allen. Nagulat nalang din ako nang ayusin na ng attorney ang papers namin."
Ate Vanessa? Mama ni Vandro
Si Vandro ay anak ni kuya Cedric
Si Kuya Cedric ay kapatid ni Crenz Yara.
Pinsan na nga pala.
Now it makes sense when Raya showed up in wedding venue.
Napa ngiti nalang ako.
It's Raya after all.
"Why are you smiling? Something happened?"
I shook my head.
"Unti unti na kasing naayos lahat. Ang problema ko ngayon ay si Dad. Wala nang kasama si Dad sa bahay."
Nalungkot nalang ako.
May sarili nang pamilya si Allen at sana lang mag ka ayos na si Mama at Papa.
"Kahit pinalayas kayo? Hindi ka galit kay Papa?"
Gusto kong patigilin siya sa pag sasabi ng Papa kay Dad pero kasi alam kong mahirap baguhin ang nakasanayan.
"Hindi."
"Ahh.. ok."
"Naiintindihan ko siya pero sa pananaw ko mali pa rin siya kahit nagigets ko naman."
Ginulo ni Kath ang buhok ko.
"Mature na ang Liphyo namin."
Bihira niya akong tawaging Liphyo kaya nakaka panibago kapag sinasabi na niya.
"Ano ba?"
Inalis ko ang kamay niya.
"Hindi na ako bata."
Natatawang tugon ko.
"Ikaw pa rin ang basagulerong batang nakilala ko."
"Matagal na akong nag bago."
Si Papa nalang ang huling naka sapak sa'kin.
Pero part pa rin naman ako ng problema
(。ŏ﹏ŏ)
"Sige sabi mo eh. May gagawin ka ba bukas?"
Bukas? Bukas ay linggo.
Wala namang sinabi sa'kin sila Mike kung may pupuntahan kami.
"Hindi ko alam."
"Let's eat outside."
Natigilan ako.
Hindi naman date 'yon diba?
"Huwag na, sabayan nalang natin si Mama rito sa bahay."
Nakita ko ang disappointment sa mata niya.
"Kath-"
"Gusto pa rin kita Jhonzel."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Para akong napako sa kinatatayuan ko.
Yung tibok ng puso ko hindi na rin normal.
Tulala akong napakamot sa noo ko.
Parang sobrang late na, I mean dati ko 'yon hinihiling.
"W-why are you telling me this?"
Nag iwas siya ng tingin.
"I asked you before if you like me."
"It's bullshit Kath, you're engaged."
"I'm not engaged anymore nor have a husband."
Hindi niya ba naririnig ang sarili niya?
"Kaka divorce niyo lang-"
"I don't even like Allen."
"Kath! Wake up!"
Natigilan kami pareho sa sigaw ko.
"I- I mean kaka tapos lang ng relasyon ko. Magulo pa ang parehong pamilya natin dahil sa nangyari sa inyo at.."
Tumingin ako sa mata niya.
"May iba na akong nagugustuhan."
Tama bang naging totoo ako sa kaniya?
"W-who? That Crenz?"
Tumango ako.
Ayoko siyang saktan pero ayoko rin siyang paasahin.
"She has Ryker already."-Kathy
Nakalimutan ko ang katotohanang 'yon. Mas maraming magagawa si Ryker para kay Raya kumpara sa'kin.
"She told she likes me."
"She just think of you as a younger brother that needed to be take care of."
Pinigilan kong mapaluha kaya parang sinasakal ako sa sobrang sakit ng lalamunan ko para pigilan ang emosyon ko.
"Whatever she'll think of me I'll still pursue her. I don't want to hold back my feelings anymore just to give way for the others. She's complicated too but she's not engaged to anyone."
"Jhonzel-"
"I can't Kathy. Tama na 'yong ilang taon. Nakapag move on na ako-"
Tumulo ang luha niya kaya mabilis akong tumalikod.
Kaibigan ko pa rin siya at naiinis pa rin akong ako ang dahilan kung bakit nasasaktan ang isa sa mahalagang tao para sa'kin.
"I'm not going to give up yet. I know I can still make your feelings back."
"Kathy-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nag madali na siyang lumabas ng bahay.
Napahilamos nalang ako sa mukha ko.
"Shit!"
Napa padyak ako at tumama pa ang daliri ng paa ko sa kanto ng upuan.
ANSAKIIIIT!!
"AHH!"
ANG BOBO KO!
NAKAKAINIS NAMAN! BWISET! NAPAKA SAKIT!
So ang ending ko ay naka higa lang ako habang nag babasa ng libro dahil hindi ko maigalaw nang maayos ang paa ko.
Dumating si Mama at medyo hinilot ang Paa ko at sinabihan ng tanga which is totoo naman (。ŏ﹏ŏ).
Paika ika akong nag lakad hanggang matapos ang hapunan, tanging ang mga sinabi lang si Kathy ang naiisip ko.
Nag check ako ng social media at tiningnan ang account ni Raya, wala pa rin siyang friend bukod sa'kin.
Iniisip ko tuloy kung anong ginagawa niya ngayon.
*Ring*
Papatayin ko na sana ang ilaw ko nang may tumawag sa'kin.
Caller: Raya
Mag hahating gabi na, anong trip niya.
"Hel-"
"Is this Pula?"
Ha?! Pula?
"Y-yeah kind of, bakit nasayo ang cellphone ni Raya? Sino ka?"
Nag simula akong kabahan.
"Waiter po ako sa Chivalry Pub, si Ma'am po kasi lasing na baka pwede niyo siyang sunduin?"
Uminom si Crenz Yara?!
Iba trip niya kapag umiinom siya.
Bigla siyang nagiging korni dahil sa mga jokes niya at nagiging parang ibang tao.
"Hoy, ibigay mo nga sa'kin 'yang phone ko. Hindi mo ba alam kung magkano 'yan?"-Raya
Shit! Lasing na nga.
"Uhm.. text me the location sir, pupunta po agad ako."
Binaba ko ang tawag at nag bihis ng jogging pants at white shirt, kinuha ko ang phone at wallet ko at paika ikang lumabas ng kwarto.
"Sa'n ka pupunta?"
Lumabas si Mama sa kwarto niya.
"Ma, sunduin ko lang si Raya. Nakainom daw."
"Bakit ikaw? Nasa'n ang parents niya? May mga kuya siya diba?"
"Yung waiter lang ang tumawag sa'kin, iilan lang ang nasa phonebook no'n panigurado. Aalis na muna ako Ma."
"Na ganiyan ang paa mo?!"
Tanong niya sa'kin no'ng naka labas na ako.
"Isarado niyo po ng mabuti ang pinto! May susi po ako. Matulog na po kayo!"
Pahabol ko no'ng nakalabas na ako ng gate at saka pumara ng taxi.
Tiningnan ko ang phone ko kung sa'n ang address.
Sinabi ko agad sa driver.
THIRD PERON'S POV
Halos mag kasabayang dumating si Ryker at Liphyo sa pub kung nasa'n si Crenz.
"Tinawagan ka rin?"-Ryker
"Oo, ikaw rin?"-Liphyo
Tumango sila pareho sa isa't isa.
"Tara na."
Nag madali silang pumasok at hinanap si Crenz. Wala sa first floor si Crenz.
"Teka? Anong nangyari sa paa mo?"-Ryker
"Tumama sa kanto ng upuan."
Napangiwi si Ryker habang iniisip kung gaano kasakit 'yon.
"Kaya mo pang mag lakad?"
Halos hindi na nga niya mailapat ang paa niya.
"Kaya ko syempre. Eh ikaw? Anong nangyari sa braso mo?"
May gasa ang braso ni Ryker.
"Napaso ako kaninang umaga sa mainit na kaldero."
Napangiwi sila pareho.
"Tara na nga lang"-Liphyo
Nag elevator sila at pag ka kita nila sa 2nd floor ay hindi gaano karami ang tao unlike sa 1st floor. Ang 2nd floor ay parang para lang sa mayayaman.
Hinanapan sila ng ID bago sila pinatuloy sa loob.
"Ayun."-Ryker
Nakatalikod si Crenz na naka harap sa bar counter habang nag iikot ng whiskey nang padahan dahan.
Nakatulala ito at naka ngalumbaba.
"Excuse me. Kami 'yong mag susundo sa kaniya. Tinawagan niyo po kami kanina."-Liphyo
"Mr. Pula and Mr. Ryker?"
Mabilis silang tumango.
"Sabi niya ibabalibag daw po niya kayo kapag pumunta kayo."
Bahagyang napa atras ang dalawa.
Pareho na silang may karanasang maibalibag ni Crenz kaya pareho silang may takot na.
"Binalibag niya 'ko no'ng dumating ako rito sa bansa, iyon ang bungad niya sa'kin."-Ryker
"Kababalibag niya lang sa'kin noong nakaraan."-Liphyo
Sabay silang napa iling habang nag tatanong ang mata nila kung sino ang aalalay kay Crenz.
"Masakit ang kamay ko."-Ryker
"Injured ang paa ko."-Liphyo
Bigla nalang may umakbay sa kanilang dalawa kaya nagulat sila pareho.
"Hiya! Hehehehe..."-Crenz
Napadaing sila dahil na puruhan ang sugat nila pareho.
"M-mabigat."-Liphyo
"Y-yung sugat ko."-Ryker
Pareho silang bahagyang naka tagilid ngayon dahil kay Crenz.
"Uh? You're handsome."
Tingin niya kay Ryker tapos nag lipat naman siya ng tingin kay Liphyo.
"Wow, handsome too. May girlfriend na kayo?"
Tanong ni Crenz na lutang na lutang na talaga ngayon.
"Hey, nakita mo na siyang ganito dati?"-Ryker
"Yeah, one time."-Liphyo
"Mas lumala siya ngayon."-Ryker
Wala man lang gamit na dala si Crenz kaya hindi na sila nahirapan.
Kung sa ibang babae ay may mga bag pang kung anu anong abubot ang dala ibahin niyo si Crenz na tamad mag bitbit ng gamit.
"Tara na Crenz uwi na tayo."-Ryker
Lalong nag pabigat si Crenz sa kaniya at nagawa pang mag swing sa hangin.
"U-uy! Mabigat."-Liphyo
"T-teka Crenz- uy!"-Ryker
Nag labas ng card si Ryker at mabilis prinocess ng waiter ang bill ni Crenz.
"Isang buong bote ng whiskey? Nag tequila pa? Tapos nag order pa siya ng 1 glass ng whiskey?"-Ryker
Tanong niya pag ka kita niya sa resibo.
"Gano'n? Andami? Ano 'yan walang tayuan?"-Liphyo
Tanong nila sa waiter.
"Hindi po siya tumayo simula no'ng dumating siya."
Nagulat ang dalawang binata.
"Uy, Raya? Hindi ka ba naiihi?"
Inis na tanong ni Liphyo sa kaniya.
"Bakit kilala mo 'ko?! Sino ka?!"-Crenz
"Crenz, don't shout."-Ryker
"Ikaw rin?! Masasamang tao kayo 'no?!"-Crenz
Nababaliw na 'to-Liphyo
She's insane-Ryker
Isip isip nila.
"Why you're still hanging on us if we're bad person?"
Inis na tanong ni Liphyo.
Pinaka titigan siya ni Crenz nang mabuti.
"Liphyo?"
Tapos tumingin siya sa isa pa
"Ryker?"
Nag aalangang ngumiti ang dalawa.
Paakbay na tumalon muli si Crenz sa dalawa at napuruhan na naman ang mga iniinda nila.
"You know what? You're both so important to me. Isasama ko ang buong batalyon kapag may kumanti sa inyo, tandaan niyo 'yan."
Nagkatinginan si Liphyo at Ryker na parehong natatawa.
"Bakit ka pumunta rito Crenz?"-Ryker
"I'm just celebrating."
Parehong napatanong si Liphyo at Ryker sa kung ano ang sini celebrate ni Crenz ngayon.
"Celebrating the what?"-Ryker
"Celebrating because I already talked to Arya about our problem. I missed her so much-"
Nakapikit na si Crenz habang nag sasalita.
"You're sleepy, uwi na tayo."-Liphyo
"She told me that I'm selfish, I only cared about myself."
Kinakabahan si Ryker na baka may masabi itong hindi dapat sa harap ni Liphyo at sa mga naka tingin sa kanila.
"Let's not talk about it. Liphyo, hold her for a while I'll get something to carry her on."
Sabay nilang inalalayan si Crenz paupo habang hawak ni Liphyo si Crenz.
Mabilis na lumabas si Ryker at humanap ng pwedeng makatulong sa kanila para mabuhat si Crenz. Nag tanong siya kung may wheelchair ang pub pero wala naman daw. Sa gilid naman ay naka kita siya ng push cart.
"Pwede na 'to, tatanggap nalang ako ng sapak bukas."
Pinasok niya sa loob ng VIP room ang push cart.
Gulat naman si Liphyo nang makita 'yon maging ang mga waiter doon.
"Wait."
Pinigilan ni Liphyo matawa habang naiimagine na roon isasakay si Crenz.
"Natatawa rin ako Liphyo."
"Handa kang dagdagan ang paso mo ng baling buto?"-Liphyo
"Dalawa tayo rito, bakit ako lang?"-Ryker
Natatawa sila pareho.
"Teka, Pfft! Uy Crenz, Raya.. uy, gising."
Nakatungo ngayon si Crenz at saka nag angat ng ulo.
Tumingin si Crenz sa paligid at saka matamis na ngumiti nang makita niya si Liphyo.
"Pogi."-Crenz
Kinabahan si Liphyo pero sinusupil niya.
"Upo na rito."
Pinaharap nila si Crenz sa push cart.
"We'll take a ride?"-Crenz
Nag pigil si Liphyo at Ryker sa pag tawa.
"Yeah, we can't carry you so-"
"Sure!"
Umakyat sa stoll si Crenz kaya nagulat silang lahat.
"Teka, dahan dahan."
Nilapit ni Ryker ang cart sa kaniya at inalalayan naman siya ni Liphyo para maka upo roon.
"Gusto ko mabilis na mabilis!"
"Shhh! Huwag ka sumigaw."-Ryker
Nahihiya silang tinulak nalang ang cart para maka alis na roon.
"Open sesame!"-Crenz
Aniya habang kumukumpas na bumukas ang pinto.
"Crenz."
Saway nila pareho na hiyang hiya na sa sobrang ingay ni Crenz.
Pag dating nila sa elevator ay nanahimik si Crenz kaya tumingin sila sa dalaga.
"Buhay pa naman siya diba?"-Liphyo
Sinalang ni Ryker ang daliri niya sa ilalim ng ilong ni Crenz at naramdaman niyang humihinga pa ito.
"Buhay pa- AAAAAHHHHHH!!"
Kinagat ni Crenz ang daliri ni Ryker.
Nanlaki ang mata ni Liphyo at tinulungan niya si Ryker na alisin ang daliri nito sa ngipin ni Crenz.
"WOOOH! WOOOH! DAHAN DAHAN LIPHYO, MAPUPUTOL NA ATA!"-Ryker
"TEKA! DINADAHAN DAHAN KO NA!"-Liphyo
"IBUKA MO ANG BIBIG NIYA!"-Ryker
"PAANO?! TEKA! SAGLIT LANG! RAYA! BITAW!"-Liphyo
"AHHH!"
Halos mabaliw na si Ryker sa sakit.
"RAYA!"
Inalog ni Liphyo ang ulo ni Crenz na nakapag pahilo lalo kay Crenz at nakapag pabitaw sa pag kagat niya sa daliri ni Ryker.
Mabilis na namilipit sa sakit si Ryker at inipit iyon sa pagitan ng hita niya habang iniinda pa ang sakit.
"Uy pre? Ayos ka lang? Buo pa ba?!"
Dinaluhan niya si Ryker para kumustahin.
"Muntik nang maputol."
Pinakita niya ang daliri niyang pulang pula.
"U-uy!"
Tumayo si Crenz sa push cart kaya mabilis naalarma si Ryker.
"Uy! Upo!"-Liphyo
Pareho nilang hinawakan ang cart at ang kamay ni Crenz para paupuin siya.
"Grabe siya malasing."-Liphyo
"Nakakadala ka namang hawakan."-Ryker
Pinasandal nila si Crenz.
"We'll go down, behave yourself."-Ryker
Turan niya kay Crenz, dahan dahan naman si Crenz na tumango.
Si Ryker ang nag tutulak habang naka alalay lang si Liphyo sa gilid ng cart.
Pag bukas ng elevator ay papasok na sana sila nang hindi sila maka usad papasok ng elevator.
"Uh? Anong nangyari?"-Ryker
"Tara na, itulak mo na."-Liphyo
Tumingin si Ryker sa ilalim ng push cart dahil baka may humaharang sa mga gulong.
"Ayaw niya eh."-Ryker
"Anong ayaw?"
Pasara na sana ang elevator nang pindutin ulit ni Liphyo para hindi mag sara.
Ilang beses nilang inatras abante pero iisa lang ang kinalalabasan, ayaw pumasok sa elevator.
"Sira na ata yung cart."-Ryker
"Ha? Paano 'yan?"-Liphyo
"Ehehehehehe.."-Crenz
Tumingin silang dalawa kay Crenz na nasa harap nila pareho habang nakatalikod sa kanila.
Ngayon nakikita na nila kung bakit hindi sila maka usad usad papasok ng elevator.
Naka kapit si Crenz sa edge ng pader na malapit sa kanila.
"Crenz!"-Liphyo
Inis na inalis ni Liphyo ang kamay ni Crenz na ngayon ay napaka ganda ng ngiti habang mapupungay ang mata.
"Is she bleeding?"-Ryker
Tiningnan nila ang kamay ni Crenz na may kaunting dugo dahil sa pwersang ginawa ng mga lalaki para lang maipasok ang cart.
"Shiii-"
Inis na tiningnan ni Liphyo si Crenz.
"Hold on. I'll get a first aid kit."-Ryker
Nag mamadaling pumasok si Ryker sa VIP room at nanghiram ng first aid kit.
Dinaluhan siya ng isa sa mga staff para matulungan sila.
Pinagagalitan naman ni Liphyo si Crenz habang naka pikit si Crenz at nakangiti.
"Kung anu ano pinag gagagawa mo! Doctor ka kaya dapat alagaan mo 'yang kamay mo! General surgeon ka tapos hindi mo inaalagaan ang kamay mong pinaka importante sa pag susurgery?! Hey! Wake up!"
Hindi na maka dilat ng maayos si Crenz dahil sa bagsak na bagsak na ang mata niya.
"Ito na ang first aid."
Kinuha ni Liphyo 'yon at kinuha niya ang alcohol.
Tiningnan lang ni Ryker at nung isang staff ang gagawin niya.
"Huwag mong sabihing uulitin na naman niya ang kinaaayawan ni Crenz?"
Bulong ni Ryker sa sarili dahil ilang beses niya nang narinig kay Crenz ang pag susumbong nito na ilang beses nang inisprayhan ni Liphyo ang sariwang sugat ni Crenz ng alcohol.
Kinuha ni Liphyo ang kamay ni Crenz.
"U-uy, sigurado ka?"-Ryker
Maging ang staff ay nahahapdian na kahit naiisip palang niya.
"Oo."-Liphyo
Huminga nang malalim si Liphyo at saka
*SPRAY SPRAY*
Nakangiwi si Ryker pati na ang staff sa ginawa niya kay Crenz.
Nang maramdaman ni Crenz ang hapdi ay...
*SLAP!*
Nanlaki ang mata ni Ryker at nung isang staff na bahagya pang napa atras dahil sinampal ni Crenz si Liphyo nang sobrang lakas. Hindi alam ni Crenz ang nangyayari pero nakakaramdam siya ng hapdi.
*Blow blow*
Hinipan ni Crenz ang kamay niya habang nang hihina siya at naka ungol ng "Ansakit."
Napahawak naman si Liphyo sa unahan ng push cart na binabawi ang balanse niya.
Naka hawak si Liphyo sa mukha niyang nasampal at tumingin kay Crenz na naka pikit lang habang umiihip sa kamay niya.
Tumayo siya nang maayos at inalis ang pag kakatakip sa pisngi niyang nasampal.
"Grabe, ang lakas niyang sumampal!"-Liphyo
Matatawa na sana si Ryker nang makita niyang dahan dahang tumulo ang dugo sa ilong ni Liphyo.
"U-uy, dugo-"-Ryker
Takang tumingin si Liphyo kay Ryker at sa isang staff na naka turo sa ilong niya.
"Ha?"
Naramdaman niya ang pagtulo ng basang kung ano sa ilong niya.
"T-teka-"
Naguguluhan na ngayon si Ryker kung sino ang uunahin niya.
Aligaga siyang kumuha ng bulak at pinang punas sa ilong ni Liphyo.
"Gagi Pre, ayos ka lang?"-Ryker
"Ano bang gatas niyan no'ng bata siya? Grabe, ngayon nalang ulit ako dinugo."-Liphyo
"Hindi 'yan nag gatas noon, diretsong kapeng barako ang ininom niya."
Natatawang tinulungan niya si Liphyo sa pamamagitan ng pag bibigay ng bulak.
"Sir."-staff
Sabay silang lumingon sa staff na kasama nila.
"T-teka? Nasa'n si Crenz?"-Ryker
"Raya?!"
Pareho nilang hinanap si Crenz na nawala sa push cart.
"Nasa'n siya kuya?!"-Ryker
"Pumasok sa elevator eh."-staff
"Ano?!/What?!"-Liphyo/Ryker
Pag tingin nila sa elevator ay naka sara na nga 'to at pa baba na.
"Shit!"
Naaligaga na naman sila.
Kumuha si Liphyo ng limang band aid.
"Kunin ko na 'to ah? Pasok na po ulit kayo sa loob."
Nag paalam ang staff at pumasok na nga sa VIP room.
"Stay here and I'll use staircase. Baka bumalik siya dito nang nakasakay pa rin sa elevator."
Nag madaling tumakbo si Ryker at bumaba sa unang palapag.
Pag baba naman ni Ryker ay siyang pag bukas ng elevator at nakita ni Liphyo na nakasandal na nakaupo lang doon si Crenz.
"Raya!"
Mabilis niya itong dinaluhan kahit paika ikang nag lakad.
"Wake up. Raya!"
Tinapik tapik niya ang mukha ni Crenz pero hindi ito nagigising.
"Shit!"
Binuhat niya si Crenz kahit nahihirapan at pinindot ang 1st floor.
Gulat naman si Ryker na binuhat ni Liphyo si Crenz kahit sobrang sakit ng paa ng binata.
Kahit alam niyang walang pag asa ay nag seselos pa rin siya sa presensya ni Liphyo kahit alam naman niyang nag tapat na si Crenz na gusto talaga nito si Liphyo.
"Uy, dapat dinala nalang natin 'yong cart."
"Hayaan mo na. Tara na."
Paika ikang nag lakad si Liphyo palabas habang bitbit ang tulog na tulog na si Crenz.
"Sa'n 'to dadalhin?"-Liphyo
"Tara sa kotse ko, doon na natin pag usapan."
Nag madali si Liphyo sa abot ng makakaya niya.
"Dito."
Binuksan ni Ryker ang pinto at pinag tulungan nila si Crenz na i ayos sa back seat.
"Hindi ba 'to mahuhulog rito?"-Liphyo
"Yaan mo siya, masamang damo 'yan, hindi mag pi 50/50 'yan kapag mahulog diyan."-Ryker
"Sabagay."-Liphyo
Nag kibit balikat siya at sinara ang backseat.
Sabay silang pumunta sa passenger seat at driver seat at nag suot ng seatbelt.
"Where should we take her?"-Liphyo
"To a Doctor."-Ryker
"Doctor?"-Liphyo
"Kailangan nating mag pagamot. Kita mo 'to?"
Pinakita ni Ryker ang namumula niyang daliri at ang paso niya kaninang umaga.
"Yeah, I think I need to see a doctor too."
Napa tingin siya sa rear mirror at ramdam pa rin niya ang lakas ng pag kakasampal ni Crenz sa mukha niya. May dugo pa mula sa kamay ni Crenz na kumapit sa mukha ni Liphyo at may bulak pa rin sa ilong niya. Gusto niya rin ipa tingin ang injury niya sa paa.
"Nina is a good first aider."-Ryker
"Raffy too."-Liphyo
Nag katinginan sila.
"Sa'n tayo? Sa mataray na maingay o sa tahimik na mataray?"-Ryker
"I'll choose the tahimik na mataray."-Liphyo
"Then let's go to Raffy's condo."
Natawa sila pareho. Kilala nila kung ano ang pwedeng gawin ni Nina at Raffy.
Nakaka intimidate pareho si Nina at Raffy pag seryoso pero ang pinag kaiba nila ay maingay si Nina dahil sa sobrang pag aalala at tahimik si Raffy na parang mas nakakatakot pa dahil hindi nila alam ang tumatakbo sa isip ng dalaga.
RAFFY'S POV
*Ring*
Naalimpungatan ako nang tumunog ang phone ko.
Hating gabi na, sinong pastilan naman ang mag tatangkang tumawag sa kalagitnaan ng gabi?
Gumalaw ang katabi ko.
"Hmm.."
Ungot niya.
"Sorry, just sleep."
I gave Chelsea a peck on her temple and answer the call before I left the room.
"Ryker, ano ba? Hindi mo ba nakikita kung anong oras na?"
Inis na tanong ko sa kaniya pag sara ko ng pinto ng kwarto.
"We need your help. We are outside of your building. I'm with Crenz and Liphyo, we need a wheelchair or something to hold and carry Crenz."
Nawala bigla ang antok ko at napa pasok ulit sa kwarto.
"Bababa na."
Pinatay ko ang tawag at nag madaling nag suot ng bra para bumaba sa lobby. Naka pajama naman ako at t-shirt kaya ayos lang ang ganitong itsura.
Kumuha na rin ako ng jacket.
"Where are you going."
Nagising si Chelsea.
"Matulog ka lang. Susunduin ko lang sa baba sila Ryker."
Tumango siya at bumalik sa pag higa.
Nag madali na akong lumabas ng unit ko at pinindot ang elevator papuntang lobby.
Pag baba ko ay nag tanong agad ako sa receptionist kung may wheelchair sila. Nag labas agad sila matapos kong mag lista ng pangalan sa logbook.
Agad kong tinulak 'yon at lumabas ng building.
"Ayon!"-Liphyo
Liphyo was holding the unconscious Crenz at sa malayo pa lang alam ko nang naka inom si Crenz.
"Ilagay niyo na rito."
Inayos namin ang wheel chair at pinaupo roon si Crenz. Pinulsuhan ko agad siya.
"Ano? Kumusta?"-Liphyo
Maayos naman ang tibok ng puso niya.
"Ok pa 'to, pwede pa sa second round ng inuman."
"Cheewrs."
Ungot ni Crenz na ikinatawa namin nang mag salita siya habang tulog.
Nag tanggal ako ng jacket at pinatong sa katawan ni Crenz na tulog na tulog na ulit.
Napansin ko ang pasa sa mukha ni Liphyo.
"Sinapak ka ba ni Ryker?"
Nag hahamong tanong ko.
"Ano?! Teka, bakit ako agad?"-Ryker
"Syempre ikaw ang kasama eh."
"Hindi, 'yang malupit mong kaibigan ang sumampal sa'kin."
Turo niya kay Crenz kaya napa tingin ako sa kanilang tatlo.
"Sinampal ka nito? Nag away kayo?"
"Inisprayhan niya kasi ng alcohol ang sugat ni Crenz kaya nasampal ni Crenz nang hindi niya namamalayan."
Napangiwi ako.
Anong problema ni Crenz at nag papaka lango siya ngayon?
"Eh ikaw? Ano 'yang gasa mo sa braso?"
"Eto? Display."-Ryker
"Ssibal! Gusto mong mamatay?"
Tinatanong ko siya nang maayos tapos ganiyan niya ako sasagutin.
"Joke lang, eto naman masyadong highblood."-Ryker
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Na paso ako kaninang umaga tapos ito-"
Tinaas niya ang hintuturo niyang na mamayolet.
"Kinagat ng aso."-Ryker
*Point at Crenz*
Napangiwi ako.
"Tara na sa taas. Mukhang maraming kalokohang nagawa si Crenz ah?"
"I hack mo yung CCTV nung pub, baka mabaliw ka habang nanonood."-Ryker
Ngayon pa nga lang natatawa at naaawa na ako sa kanila paano pa kapag napanood ko na talaga.
"Oo bukas, pasok na."
Mukhang magiging busy ako bago ako bumalik sa pag tulog ah.
CRENZ'S POV
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.
"Bwiset."
Bulong ko at saka nag dilat ng mata.
Pag tingin ko sa paligid ay hindi agad ako naging pamilyar.
Nasa'n ba ako?
Inamoy ako ang paligid at naamoy ko ang amoy ni Raffy.
Ok, nasa unit ako ni Raffy.
Naka pan tulog na akong damit.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto habang naka hawak sa ulo ko.
"Oh? Gising ka na."
Bati sa'kin ni Raffy habang nag hahanda ng kung ano sa kusina.
Napako ang tingin ko sa dalawang mag kayakap sa sala na natutulog sa sahig.
"Ang sweet diba?"
Napakamot ako sa ulo ko. Wala akong maalala kagabi.
"Aw."
Napahinto ako sa pag kamot nang makaramdam ako ng hapdi.
Tiningnan ko ang kamay kong may band aid.
"Anong- bakit may sugat ako sa kamay?"
Takang tanong ko.
Natatawa lang siyang nag kibit balikat at bumalik sa kusina.
Dumiretso ako sa CR para mag hilamos at mag ayos ng sarili ko.
Masakit pa rin ang ulo ko.
Pag labas ko ay nakita ko si Chelsea na naka upo na sa hapagkainan.
"Nandito ka?"
Tanong ko sa kaniya at umupo sa harap niya.
"Good morning Crenz. Nag luto ako ng hangover soup."
Nilipat niya sa harap ko ang sabaw na umuusok pa.
"Anong ginagawa ko rito?"
"Hinatid ka lang kahapon no'ng dalawa rito."
Nguso niya sa dalawang magkayakap na natutulog ngayon sa sala.
"After a bottle of whiskey wala na akong maalala."
"Ang tibay mo talaga 'no? Iwasan mo 'yan, nakakabugbog ka nang hindi mo nalalaman."-Raffy
Ako? May nabugbog?
Weh?
"Eh bakit ako ang may sugat?"
Natatawang napa iling nalang ang dalawa at saka nag labas ng laptop si Raffy at iniharap sa'kin.
"I just hacked it this morning. Masasagot niyan ang mga tanong mo."-Raffy
Nanood ako habang humihigop ng sabaw.
Nandidiring nag patuloy ako sa panonood. Ako ba talaga ang nasa CCTV?
Parehong may iniinda si Ryker at Liphyo kaya nahihirapan silang buhatin ako.
Parang ibang ibang tao ako roon.
Kinagat ko si Ryker at nakita ko rin kung bakit ako nag ka sugat.
Nakangiwing naka tingin ako sa mga daliri ko.
Kumuha ng kit at inisprayhan ni Pula ang kamay ko.
"Ginawa na naman niya- oh?!"
Gulat na bulaslas ko.
Malakas na nasampal ko si Pula.
"Pfft!"-Raffy
Nag dugo ang ilong niya tapos dinaluhan siya ni Ryker para tulungan tapos ako ay bumaba ng cart.
Wow! Hindi talaga ako makapaniwala.
Hanggang sa natapos ko ang footage ay namamangha pa rin ako.
"WOAH!/SHIT!"
Sabay sabay kaming tatlong napa silip mula sa kusina at tumingin sa dalawang lalaking gulat na gulat ngayon sa isa't isa.
"Mukhang naka gisingan nilang mag kayakap sila."-Chelsea
"Sheeems... Bromance."-Raffy
Binalik ko kay Raffy ang laptop niya.
"Hoy, kayong dalawa mag ayos na kayo, mag bibreakfast na."-Chelsea
Nag madaling pumasok si Ryker sa CR at walang tingin tingin sa gawi namin.
Nag ligpit naman si Pula ng hinigaan nila.
Nagaalala ako sa kaniya.
Dumugo ang ilong niya kagabi at hindi rin maayos ang pag lakad niya pero nagawa pa niya akong mabuhat.
Naghihikab na lumapit sa'min si Pula na hindi pa bukas nang maayos ang mga mata.
"Gising na ba si Raya?"
Inaantok na tanong niya sa mag jowa.
"Idilat mo na 'yang mata mo."
Seryosong sabi ko sa kaniya habang kumakain ng tinapay.
"Pfft.."-Raffy
Nanlaki ang mata ni Pula at napa dako ang tingin sa'kin.
"Ikaw na Attien-"-Ryker
Sobrang bilis na nakapasok ni Pula sa loob ng CR.
"Anong nangyari doon?"-Ryker
"Nahiya."-Chelsea
Hindi ko na sila pinansin. Ayokong malaman nilang nakita ko ang CCTV ng pinag gagagawa ko kagabi.
"Oh? Good morning Crenz."
"Morning."
Simpleng sagot ko.
"Gusto mo ba ng kwento? Sariwang kwento na nangyari kagabi."
Bigla akong nahiya pero tinago ko lang sa walang emosyon kong mukha.
"Hindi ko kailangan ng kwento."
"Hahaha.."-Raffy
"Pfft!"-Chelsea
Walang kwenta kong tiningnan ang dalawa sa harap ko.
"May naalala ka ba sa mga pinag gagagawa mo kagabi."
Nag maang maangan ako habang napapahimas sa gilid ng pisngi ko.
"May ginawa ako kagabi? Wala akong maalala."
Totoong wala akong maalala pero kasi alam ko naman ang nangyari dahil sa CCTV.
"Ow.. I see."
Natatawang tugon ni Ryker, tapos pinakita niya sa'kin ang hintuturo niya.
"Alam mo bang may asong kumagat sa'kin kagabi? Grabe nga eh parang hindi na aso 'yon, parang halimaw na. Muntik nang matanggal ang daliri ko."
Tumawa si Chelsea at Raffy habang gustong gusto kong mapakunot noo pero hindi ko magawa dahil act as innocent ako ngayon. Ginawa pa akong aso tapos halimaw pa nga.
"Oh? Buti hindi ka niya nilamon nang buhay."
"Oo nga 'no? Kailangan ko bang mag thank you sa kaniya?"
Tumango ako.
"Ok, thank you Ashariya Acer dahil hindi mo pa ako nilamon ng buhay kagabi."
Nginitian niya ako ng matamis.
Inirapan ko lang siya.
Kumakain na rin siya at maya maya lang ay lumabas ng CR si Pula.
"Ba't may pasa sa gilid ng labi mo?"
Takang tanong ko kay Pula nang makarating sa pwesto namin.
"Sinampal ako nung lasing na aso kagabi."
Nagulat ako dahil ako nga pala ang sumampal sa kaniya kagabi.
Nag iwas ako ng tingin.
Malakas na tumawa yung tatlo.
"Psh."
Singhal ko.
Mukha ngang nakakabugbog ako nang hindi ko nalalaman.
"Nasa'n cellphone ko?"
Tanong ko sa kanila.
"Wait kunin ko-"-Chelsea
"Ako na, nasa'n?"
Kaya ko naman eh.
"Nasa tabi lang nung unan na ginamit mo."-Raffy
Tumayo na ako.
"Tapos na ako."
Paalam ko sa kanila at pumasok ulit sa loob ng kwarto kung saan ako natulog.
Chineck ko kung may message ako.
Syempre present si Nina dahil hindi ako umuwi pati na rin si Yasy at Chiggy.
Mukha namang nag sabi na si Raffy sa kanila kaya natigilan na rin siya.
Napa sabunot nalang ako sa sarili ko.
Nag away kasi kami ni Arya kahapon. Natapos ang hindi pag kakaunawaan sa pagitan namin.
*FLASHBACK*
Pumunta ako sa malaking bahay para bisitahin si Charrie, kaso pag dating ko doon ay nandoon din si Arya.
Napapadalas na ang pag punta niya rito sa bahay, anong ginagawa niya rito?
"May inuutos ba sa'yo sila Mr. Acer?"
Kunot noong tanong ko sa kaniya habang naka talikod siya.
"Wala ka na ro'n."
Nilampasan niya ako pero hinila ko lang siya.
"Ano ba?!"
Singhal niya saka winaksi niya ang kamay ko.
"Bakit naiinis ka? Inaano kita?"
"Tss!"
Nababaliw na siya? Hindi ko naman siya inaano.
"Arya!"
Inis na singhal ko.
Pareho na kami ngayong naka kunot noo.
"Leave me alone Ashariya!"
Nag init ang buo kong katawan.
Hindi sa ayaw ko ng pangalang Ashariya, ayaw ko lang na galing 'yon sa kaniya mismo.
Kapag binabanggit niya 'yon parang wala akong karapatang lumapit sa kaniya o kausapin man lang siya.
"What's wrong with you?!"
"Naiinis ako kapag nakikita ko ang pag mumukha mo! Hindi mo ba 'yon maintindihan?!"
Gaya ko rin siya mag salita, wala rin siyang pakealam kung makakasakit ang sasabihin niya basta mag sasalita siya.
"Then why you are here?!"
"Whatever the reason is, it has nothing to do with you!"
Yung tensyon sa pagitan namin mas lalo lang atang tumaas.
"Bakit ba ganiyan ka? Aarte na ok tayo tapos mag susungit ka sa susunod."
Pinakalma ko ang boses ko.
Ako ang dapat nag bababa ng pride rito dahil may kasalanan pa ako sa kaniya.
"Kasi selfish ka! Basta ok ka lang wala ka nang pake sa iba!"
Gusto kong itanong kung naririnig ba niya ang sinasabi niya.
Wala si Arya sa listahan ng mga gusto kong saktan.
Nakakasakit talaga tayo nang hindi natin nalalaman o hindi sinasadya.
"Ilang sorry pa ba ang gusto mong marinig-"
"HINDI SORRY ANG GUSTO KONG MARINIG MULA SA'YO!"
Dahil siguro sa inis at galit niya sa'kin may tumulo mula sa mga mata niya.
Ang bilis ng pangyayari, nag tatanong lang ako kanina tapos napunta na kami sa past.
"ALAM MONG HINDI AKO MAGALING SA GANITONG BAGAY! MAAASAHAN MO AKO SA ACADEMIC PERO HINDI SA PAG BABASA NG KUNG ANONG NARARAMDAMAN NG TAO! SABIHIN MO SA'KIN KUNG ANONG GUSTO MO?! GUSTO MO AKONG MAMATAY GAYA NI ALEXANDER?! SABIHIN MO NANG MATAPOS NA 'TO!"
Nag sasawa na akong makipag habulan sa kaniya. Lagi niyang sinasabi na magiging ayos lang kami kung mararamdaman ko ang pag sasuffer naramdaman ni Alexander dati.
Namatay si Alex, iyon ba ang gusto niyang gawin ko rin?
"BAHALA KA SA BUHAY MO!"
Tumalikod siya kaya mabilis ko siyang hinarang.
Nag susumamo akong tumingin sa kaniya. Ayaw kong umiyak, ayoko na sana.
"Just tell me what you want."
Ang bigat bigat na sa ng dibdib ko.
Nasa iisang room kami sa school pero may gap kaming mahahalata ng mga nakapaligid sa'min.
Nasa iisang grupo kami pero hirap akong lapitan siya dahil natatakot akong mas lalo siyang magalit sa'kin.
"It's what Axel wants too. I'll give you 5 seconds to think about it. Kapag hindi mo nasabi huwag ka na ulit lalapit sa'kin mapa Ashariya o Crenz Yara."
Ano?!
Teka!! Anong gusto ni Axel?!
Bakit may oras pa?!
Inalala ko kung ano ang gusto ni Axel
"5, 4, 3-"-Arya
"Wait!"
Bakit mas mahirap pa 'to kesa sa pag kakabisa sa isang libro ng medical book!
"2, 1-"
"AYOS KA LANG BA?! ANONG NARARAMDAMAN MO-"
Hinihingal na tanong ko para lang maabutan ang pag bibilang niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilin ang pag iyak ko. Natatakot akong mag kamali at hindi na kami magka ayos ulit.
"S-sobrang nag alala ako sa inyo."
Naiilang na sinalubong ko ang tingin niya.
Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya.
Tama ba ang sinabi 'ko? Iyon ang gusto ni Axel na itanong ko no'ng namatay ang kuya niya.
Ilang taon niyang hinintay i comfort ko siya kahit ako mismo ang pumatay sa kapatid niya so naisip ko na baka 'yon din ang gusto niyang marinig.
"M-mali ba- u-uy-"
Bigla nalang siyang lumapit sa'kin at yumakap na naging dahilan para mahulog kami sa damuhan.
Akala ko nga tatama ang ulo ko sa bato o kung saan pero isinalang niya ang kamay niya bago kami matumba.
"Hwaaaa!"
Para siyang batang ngumangawngaw sa ibabaw ko.
"Bakit? May masakit ba?"
Nag aalalang tanong ko, baka kasi may tumama sa kaniya no'ng mahulog kami.
"You stupid! I hate you! *Sobs* I really really hate you!"
Umiyak siya sa dibdib ko.
Mabigat siya pero ayoko siyang paalisin.
"Umalis ka no'n tapos hindi ka na bumalik. Matapos mong ipaalam sa mga matatanda kung nasa'n kami isang buwan ka nang nawala *sobs* N-natakot ako, sobrang natakot ako para sa buhay nating lahat."
Iyak lang siya nang iyak.
Nalulungkot ako pero natutuwa rin ako at nag oopen na siya ulit sa'kin.
"Sorry, pinag bawalan nila akong lumabas dahil natakot silang maulit uli ang nangyaring kidnapping. Gusto kong pumunta at mag sorry sa harap ng pamilya ni Alexander pero pinag bawalan nila ako. Huwag daw akong mag papakita ng kahinaan sa harap ng maraming tao at alam niyo namang hindi ako pwedeng mag pakita sa publiko."
Lumuluha ako habang naka tingin sa punong nasa ibabaw ko.
Marami silang pinag babawal sa'kin kaya madalas akong tumakas para makawala kahit saglit sa kadenang naka pulupot sa leeg ko.
"Hindi ka namin sinisi dahil nakita naming willing si Alexander mag sacrifice, narinig namin kung paano siya mag makaawa sayong tapusin na siya para sa'min."
Tinakpan ko ang mata ko gamit ang braso ko.
Naalala ko na naman ang bagay na 'yon.
Hindi ko pwedeng I express ang sarili ko dahil hindi pwede pero gustong gusto ko silang puntahan at mag makaawa na patawarin nila ako.
Umalis siya sa ibabaw ko at umupo sa tabi ko.
Ako naman ngayon ang umiiyak nang mahina.
"Galit sila Tita dahil namatay ang anak nila. Kahit nag paliwanag na ang parents mo nandoon pa rin ang galit nila sa'yo."
Naiintindihan ko 'yon.
"Arya-"
"Sige tara."
Inalis ko ang braso ko sa mata ko dahil mukhang nakuha niya agad ang sasabihin ko.
"Sasamahan kita."
Napalunok ako kasabay ng pag tulo ng luha ko.
"Patatawarin pa ba nila ako? Sobrang late ko na."
"Maiintindihan nila."
"Paano kapag hindi?"
Niyakap niya ako.
Natatakot ako na baka pag tungtong ko palang sa bahay ng mga Vermon ay palayasin na nila ako.
"Mas ok nang late kesa wala kang ginawa. Buhay si Axel kapalit ni Alexander, pero kung wala kang ginawa baka pati si Axel patay na rin, pati na rin kami ni Drei."
*END OF FLASHBACK*
Pumunta kami sa bahay nila Axel at humingi ako ng tawad sa magulang niya dahil sa ginawa ko noong mga bata pa kami.
Kahit pinatawad nila ako at sinabi nilang naiintindihan na nila ngayon kung bakit nagawa ko 'yon at nag pasalamat sila dahil sa pag ligtas ko kay Axel ay hindi pa rin nawala ang bigat, nabawasan pero hindi na ata talaga mawawala.
*Knock*
Pumasok si Raffy at sumandal sa may pinto.
"Narinig ko ang ginawa mo kahapon."-Raffy
Kahapon? Hindi kagabi? As in kahapon?
"Tapos?"
"Hindi ka ba papagalitan nila Mr. Acer dahil sa ginawa mo?"
Isa rin 'yon sa iniisip ko. May pakpak ang balita, sana lang talaga walang ibang nakakita sa'min.
"Hindi ba masyado na akong matanda para pagalitan pa nila sa bagay na 'yon."
I can make my own decision and do what I want.
Matagal ko na gustong gawin 'yon at kahapon lang ako nag kalakas ng loob para gawin 'yon.
Gusto pa sana ako samahan ni Axel kagabi pero tinakasan ko siya. Gusto kong mag isip no'n at mapag isa.
"Ok, just tell me if you need something."
"Are showing off your money?"
Nakangising tanong.
"Why not? I can live on my own. Hindi na ako humihingi sa magulang ko."
We both chuckle.
Sabay na kaming bumalik sa kanila, sila sa kusina at ako sa sala.
Nag so scroll ng kung anong latest sa newsfeed ko.
Si Pula lang naman ang friend ko so mga photos niya lang kadalasan ang nakikita ko bukod pa sa mga advertising news.
Tunog nang tunog ang phone ko kaya napapa tingin sila sa gawi ko.
"Tsk."
Nag silent mode ako dahil sa ingay.
Pumunta ako sa friend request ko at lahat silang mga kaibigan ko ay inaccept ko.
Naging mabait naman sila sa'kin these past few weeks dahil hindi nila ako pinilit i accept sila.
May nag pop up sa notification ko.
~Arya Felendez ~
(You finally accepted our request. How's your feeling?)
She chatted on me.
(Ayokong pag usapan)
(Sungit! Damot!)
Bigla akong napa ngiti dahil parang naririnig ko ang boses niyang nag tataray.
(Wake up early tomorrow and don't be late to school.)
Paalala ko sa kaniya at saka binaba ang phone ko.
Pag tingin ko sa mga kasama ko pasilip silip sila sa'kin.
"Bakit?"
Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanila at sumandal.
"Naiinis ka sa'min kapag ngumiti kami habang may ka chat kami tapos ikaw ngiting ngiti rin pala? Sino kausap mo?"-Raffy
"Chismosa."
"Sino nga? May boyfriend ka na? Ayiiieeh..."-Chelsea
Napatingin ako kay Pula na busy sa pag hiwa ng hotdog sa plato ni Ryker nang panakaw dahil ang atensyon ni Ryker ay nasa'kin.
"Ayun oh."
Nguso ko kay Pula.
Naguguluhang tumingin silang lahat sa'kin kasama na si Pula roon.
"Anong ayon? Si Attienza?"-Chelsea
"Kinuha niya hotdog mo."
Maangas na sumbong ko kay Ryker.
Mabilis na sinubo ni Liphyo ang hotdog saka umiling.
Napangiti ako kasi ang cute niya sa ginagawa niya.
"Kinuha mo?! Iluwa mo 'yan!"-Ryker
"Ano?! Wala akong kinukuha!"
Ngumunguyang tugon ni Liphyo.
"Kadiri naman 'tong dalawang 'to."-Chelsea
Iling niya habang naka tingin sa dalawa.
*Pak*
*Pak*
Tinuktukan pareho ni Raffy ang dalawa ng servings spoon dahil sa ginagawa nila.
"Nasa harap kayo ng pagkain tapos ang haharot niyo."
"Si Liphyo kasi/Si Ryker."
Sabay na sumbong nila.
"May hotdog pa sa ref, mag luto kayo kung gusto niyo."-Raffy
Sabay na tumayo ang dalawa at binuksan ang ref.
"Kahit Ilan ba pwede?"-Liphyo
"May sausages din."-Ryker
"Bahala kayo."-Raffy
Tumayo ako at pumunta rin sa pwesto nung dalawa para tingnan ang freezer kung may Ice cream, kaso pag bukas ko sakto namang nag angat din ang ulo ang dalawa.
*Tug!*
*Tug!*
"AH!/SHIII..."
Napa atras din ako sa gulat habang ang dalawang babae ay tumatawa na ngayon.
"Ano ba 'yan Crenz Yara?!"
Singhal ni Pula
"Nag excuse ka man lang sana."-Ryker
"Excuse."
Paalam ko.
Pareho silang naka hawak sa mga ulo nila.
"Sakto may Ice tube rito, gusto niyo?"
Inosenteng tanong ko sa kanila.
"Hays! Huwag na. Tara luto na tayo."-Liphyo
Nag tungo ang dalawa sa sink at ako naman ay nag patuloy sa pag hahanap.
May nakita naman akong ice cream kaya agad ko 'yon nilabas.
"Gusto niyo?"
Tanong ko sa dalawa.
"Umay na 'ko diyan."-Raffy
"No thanks, kaka kain ko lang kagabi."-Chelsea
Kumuha ako ng kutsara at umupo sa harap nila saka kumain.
"Hindi pa ba kayo?"
Takang tanong ko sa kanila.
Napanganga sila at tumingin sa likod ko kung saan nandoon sila Pula na nag hahanda ng lulutuin nila.
"May something sa inyo?"-Liphyo
"Weeh? Lesbian ka Chelsea?"-Ryker
Gaano ba sila ka slow para hindi nila mapansin 'yon?
Mygosh, nakaka stress sila.
"Stupid! I'm not lesbian."-Chelsea
"Ahh.. bisexual kayo pareho?"-Liphyo
Nakinig lang ako sa kanila.
"Yeah."-Raffy
"Kelan pa?"-Ryker
"Tama na nga 'yan. So hindi pa nga kayo?"
Naiiritang tanong ko.
"Hindi."-Raffy
"Ahh.. so kayo na?"-Me
"Ha? Hindi pa."-Chelsea
Anong trip nila? Bakit pinapatagal pa nila?
"Halos mag kasama na kayo gabi gabi tapos hindi pa kayo?"
"Yara!"
Saway sa'kin ni Raffy.
Mga ganiyan tono at tingin ni Raffy halatang pinapahinto na ako.
"Hindi pa namin napag uusapan."-Chelsea
Nag papalit palit lang ako ng tingin sa dalawa habang kumakain.
"I'm slowly choosing myself Raffy, I want you to do the same. Enough for regrets, let's live happy."
Dalawang beses ko pang tinaas baba ang noo ko sa kaniya para alam niyang susupport ako sa kanila.
"Lalim mo ngayon ah."-Raffy
Nag kibit balikat nalang ako.
"Bakit kailangan niyo pang patagalin? Gusto kong maka kain ng handa tuwing monthsary niyo tapos chocolate na ibibigay niyo sa isa't sa sa valentines."
Napangiwi silang habang natatawa.
"Para lang doon? Gusto mo araw araw pa kitang bilhan ng chocolate."-Chelsea
"Mas matamis kapag galing kay Raffy, diba Raffy?"
Nginitian ko sila nang may pang asar at pareho pa silang namula.
"Para na kayong kakulay ni Pula."
Turan ko sa kanila.
Narinig ko nalang ang pag buntong hininga ni Pula sa may sink na mukhang nag rereklamo na naman dahil nadamay na naman ang pangalan niya.
"Lakas mong mang asar."-Raffy
Nag kibit balikat ulit ako sabay ngisi sa dalawa.
Tumayo si Chelsea at sinipa yung dalawang lalaki sa sink.
"Lumayas nga kayong dalawa diyan, ako na mag luluto. Kung anu ano pinag gagagawa niyo!"-Chelsea
"Waaah! Bakit sadista kayong dalawa ni Raffy?!"-Ryker
*Tok*
Natawa ako nang mahina nang marinig kong tinuktukan na naman ng kung ano ni Chelsea si Ryker.
"Aray!"
"Alis!"
Nag madala yung dalawang bumalik sa pwesto nila.
"Mas friendly ang mga lalaki 'no?"-Me
Pansin ko lang kasi madali silang nakakapag palagayan ng loob. Konting kwento lang o common sa kanila pwede na silang maging friends.
"Wala silang arte sa kaibigan unlike girls."-Raffy
Tiningnan namin yung dalawa na proud sa mga sarili nilang lalaki sila.
"Syempre-"-Ryker
"Sa sobrang friendly niyo nga natural na sa inyong mambabae."
Dugtong ko.
"Pfft!"-Raffy
Nag iwas ng tingin yung dalawa.
"Hindi naman lahat babaero."
Dipensa nila.
"Talaga ba? O hindi pa na aactivate ang babaero mode niyo? Paano ba maactivate 'yon?"
Simpleng tanong ko.
"Hoy, ano ba?! Nang aakusa ka diyan!"-Liphyo
Nag tatanong lang eh.
"Sa panahon kasi ngayon parang nagiging natural na sa lalaking mambabae, kapag babae ang nanlalaki "Malandi" pero kapag lalaki ang nambabae "Natural kasi lalaki" so napapa isip ako kung saan galing ang kakapalan ng mukha niyo?"
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!"-Raffy/Chelsea
Bukod sa tawa nilang dalawa wala nang ibang maingay.
An'sama ng tingin ni Ryker at Liphyo sa'kin.
"Bakit?"
"Bakit nilalahat mo?"-Pula
"Oo nga."-Ryker
Nilahat ko ba?
"Wala naman akong sinabing lahat ng lalaki-"
"Pero sa tono mo nag generalized ka na."-Liphyo
"Talaga? Sige, isipin niyo ang mga gusto niyong isipin."
Pinag patuloy ko ang pagkain.
"Hahaha.. huwag kayong makikipag talo sa kaniya, hindi kayo mananalo."-Raffy
Compliment ba 'yon o insulto?
"Hoy? Gusto mo mamatay?"
Seryosong tanong ko kay Raffy.
"Gusto mo itapon ko 'yan?"
Seryosong turo niya sa ice cream na kinakain ko.
Parang batang dahan dahan kong nilayo sa kaniya ang ice cream.
"Ayoko."
"Oh edi ayoko rin"-Raffy
Ok! Madali akong kausap.
"Ganiyan kayo mag banta sa isa't isa?"-Ryker
Kilalang kilala ako ni Raffy to the point na kaya niya akong bantaan gamit ang mga gusto kong bagay lalo na kapag nasa harap ko na.
"Kala niyo mahirap intindihin si Crenz? Mababaw lang 'yan, pwede niyo siya utuin gamit ang salitang-"
Malakas na tinusok ko ang kutsara sa ibabaw ng ice cream at tumingin ng seryoso kay Raffy.
Bahagyang napa atras si Ryker na nasa tabi ko kaya nag ka untugan sila ni Pula at gano'n din si Raffy na natigilan sa pag sasalita.
"May sinasabi ka?"
Mabilis na umiling si Raffy.
"Ok, akala ko may sinasabi ka."
Iaangat ko na sana ang kutsara kaso malalim ang pag baon.
"Ako nga."-Ryker
Hindi niya rin nakuha kaya kinuha ko ulit sa kaniya ang container pero nung natanggal ko na ang kutsara.
*Flop*
May nasalok ang kutsara na ice cream at lumipad 'yon sa likuran ko, muntik na nga sana akong matamaan no'n kung hindi lang ako umilag.
*Flap*
May binagsakan 'yon na kung saan pero hindi ko na tiningnan.
Nakita kong napakagat si Raffy sa kamao niya at tumingin sa likod ko na parang takot na takot.
"Huwag mo sabihing-"
Kinabahan ako bigla.
Hindi naman diba? Hindi kay Chelsea tumama 'yon.
"SHIIII- SINO?!"
Biglang umangat ang balikat ko sa gulat.
Si Chelsea at Nina ang pinaka huli sa listahan ko sa mga gusto kong magalit.
Kabado si Ryker at Liphyo na nakatingin sa likod namin.
Dahan dahan kong inurong sa harap ni Ryker ang ice cream, hindi niya 'yon makikita dahil nakalingon siya sa likod.
Tinaas ko ang kamay ko at tinuro si Ryker.
"Si Ryker."
Turo ko sa kaniya saka lingon kay Chelsea.
Tumama pala ang ice cream sa ulo niya.
Muntik na akong mapangiwi sa itsura niya.
"A-ano? B-bakit ako-"
"WALA KA TALAGANG GAGAWING MATINO 'NO?!"
Tumayo na Ryker at nag simulang tumakbo.
*SKEETCH!*
Hinila ni Ryker ang upuan ni Raffy at doon sila nag habulan ni Chelsea.
Dahan dahan ko ulit kinuha ang ice cream at nag simulang kumain ulit habang pinapanood sila mag habulan.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag iling ni Pula habang naka tingin sa'kin.
*Tok!*
Napasinghap at nanlaki ang mata ko habang nasa bibig ko ang kutsara.
Natamaan ni Chelsea si Raffy ng sandok na hawak niya sa ulo, natigilan din yung dalawa sa pag hahabulan at sabay na napa atras.
Mariing napapikit si Raffy at tumayo, feeling ko mas tumangkad pa lalo siya ngayon.
"Hoy, kayong dalawa? Naliliitan ba kayo sa'kin?"
Sabay umiling yung dalawa.
"SINABI KO NA KASING TUMIGIL NA KAYO!"-Raffy
Sinipa niya si Ryker.
"Umupo ka na!"
Tapos tumingin siya kay Chelsea.
"Ikaw bubwit, fix yourself. Ako na mag luluto."
Inis na kinuha niya ang sandok na hawak ni Chelsea.
"At ikaw naman."
Turo niya sa'kin gamit ang sandok.
"Behave yourself, nakakabaliw kayo antatanda niyo na."
Nag kaniya kaniya na sila ng layasan.
Si Chelsea sa CR, si Ryker sa tabi ko at si Raffy sa sink.
"Si Crenz kasi."
Singhal sa'kin ni Ryker.
Nag peace sign ako sa kanila.
"Mian."
Atleast nag sorry ako
v^_^
Matapos ni Raffy mag luto ay naka ngiti ngayon ang dalawang kulugo.
"Thank you!"-Pula
"Ako na mag huhugas."
Presenta ko sa kanila.
"No thanks, wala pa ako sa mood bumili ng mga bagong plato."-Raffy
Napanguso ako.
Damot! Tinutulungan na nga siya ayaw pa niya.
Hindi ko naman babasagin mga plato niya eh.
"Nag hugas din ako sa bahay ni Pula, wala naman akong nabasag sa kanila."
"Kasi plastic ang gamit namin pero ilang beses ka ring nakalaglag ng plato no'n, ang ingay ingay mo kaya."-Pula
Aba siraulo 'to ah!
"Bakit hindi ka nag reklamo noon?!"
"Kasi hindi na nga tamang pinag hugas kita roon dahil bisita ka tapos mag rereklamo pa ako?!"-Liphyo
May gano'n pala?! Bakit hindi ko alam?!
"Walang tinurong gano'n sa school!"
"It's Filipino tradition! Kasama 'yon sa values kaya hindi na ako nag tataka kung bakit hindi mo alam!"-Pula
"Hey!"-Raffy
"Ansakit sa tenga!"-Ryker
"NASA'N ANG SUNOG?!"-Chelsea
Napa tingin kami kay Chelsea na dala nang fire extinguisher, kakalabas niya lang sa CR.
Anong kalokohan ang ginagawa niya?
"Ano- ano bang ginagawa mo bubwit?"
Naiiritang tanong ni Raffy
"Nag sisigawan kayo kaya akala ko- HUWAG KASI KAYONG MAG SIGAWAN!"-Chelsea
Binalik niya sa kung saan niya kinuha ang fire extinguisher.
"Pfft!"-Ryker
"Hindi ka mamamatay kapag siya ang kasama mo, sa sobrang nerbyosa niya baka hindi ka na niya patuluyin sa pupuntahan mo."
Napailing lang siya sa sinabi ko.
"Penge ah."
Nagulat ako nang nasa kabilang tabi ko na si Pula at tangkang sasandok na.
"Hep!"
Pigil ko sa kaniya at nilayo ang container.
"Ano?"-Pula
Hindi talaga ako nag papahati ng kung ano ang gusto ko dahil minsan ko lang magawa o makain ang gusto ko pero-
"Kumuha ka ng bagong kutsara."
Utos ko sa kaniya.
"Tsk! Ang arte."
Tumalikod siya at kumuha ng kutsara
"Baka mamaya may kanin pa yung kutsara mo kanina eh."
Sinamaan niya lang ako saglit ng tingin at nilapit sa kaniya ang container.
"Wow.. ngayon lang ako nakakita ng buhay pang taong humati sa gusto niya."-Raffy
"Ha?"-Pula
"Hindi nag papahati 'yan, gusto niya kaniya lang lahat pag dating sa mga gusto niya."-Ryker
Tiningnan ako ni Pula pero hindi ko siya pinansin.
Pasalamat talaga siyang gusto ko siya.
Nawawala ang mga patakaran ko sa sarili kapag nakakasama ko siya at nagiging totoo ako kapag siya ang kaharap ko.
"So-"-Pula
"Kakain ka o ilalayo ko 'tong container?"
Seryosong tanong ko sa kaniya.
Mukhang mang aasar pa kasi siya.
"Haha.. eto na, kakain na."-Pula
Sige tumawa ka.
Bumalik si Chelsea at umupo sa tabi ulit ni Raffy.
"Wow... Nag share si Iya."
Asar sa'kin ni Chelsea
Nickname ko 'yon sa Ashariya.
"Matagal na akong nag si share. Kaya nga katabi mo ngayon si Raffy kasi marunong akong mag share."
Ang pinaka misyon ni Raffy ay bantayan ako kahit saan ako mag punta kaya buntot nang buntot sa'kin 'yan. Sinabi ko namang ok lang ako at piliin niya ang gusto niya.
"Pfft! Pinersonal."-Ryker
"Oo na, bukas isusuli ko na sa'yo si Raffy."-Chelsea
"What?!"-Raffy
Sinamaan ko ng tingin si Raffy, mukhang may ginawa siyang kalokohan kay Chelsea ah?
"Wala akong ginawa."
Dipensa agad niya nang makita ang masamang tingin ko.
"Anong ginawa ko? Bakit mo 'ko isasauli? Mukha ba akong bagay?"-Raffy
"Joke lang. Kahit mambabae o manlalaki siya mag si stay pa rin ako para mag suffer din siya, hindi 'yong ako lang."-Chelsea
Siraulo rin 'to.
"Ano na naman 'yan Chelsea"
Maktol ni Raffy.
"Just reminding you."
Sweet na aniya sa nobya.
Napangiwi ako.
"Respeto sa single, tatlo kaming single sa harap niyo."-Ryker
Alam ko namang gusto na nilang mang asar dahil kasama ko si Pula pero hindi nila ako ma asar dahil nandito rin si Ryker, alam nila ang namamagitan sa'ming tatlo.
"Tsk! Oo nga pala Crenz pumunta ako sa school ni Charrie nung Friday."-Raffy
Ang bilis lang nilang naka hanap ng school para kay Charrie.
"Oh? Tapos?"
"Yung anak mo umakyat sa puno dahil ayaw niya nung lesson nila, masyado raw easy."
Napa kamot ako sa ulo.
"Bakit nandoon ka?"
"Syempre dalawa tayong guardian ni Charrie at ako yung nandoon no'ng nag enroll siya."
Kaya pala walang text sa'kin.
"Next time i text mo agad sa'kin kung anong nangyayari sa kaniya-"
"I was about to but they hurried me up. At yung mala anghel mong anak, nasa tuktok nga talaga ng puno, Tsk! Manang mana talaga sa'yo. Gano'n ka rin nung bata ka."
"Because it's really shallow."
Irap ko sa kaniya.
"Kaya hindi ka na nag tanong kung ok lang anak mo dahil gano'n din ang ginawa mo?"
Maka bintang naman 'to.
"I saw Charrie last day kaya hindi na ako nag tanong, mukha naman mas good pa siya sa better."
Kumain ulit ako.
Mukhang may papagalitan ako mamaya 'pag uwi ko ah.
"See? She's really after you."
Ngayon ako naman ang pinag sasabihan ni Raffy at hindi ko siya makontra dahil tama naman siya.
"Umakyat ka rin sa puno dati?"-Pula
"Chismoso."
Bulong ko.
"Yeah! Sobrang gulat talaga ako nung nakita ko siya sa taas ng puno tapos naka dapa siya sa pa slant na sanga ng puno and she's freakin' sleeping-"-Chelsea
"I'm not sleeping."
Kontra ko.
"Edi naka pikit ka."-Chelsea
"No, she's playing a rubics cube."-Ryker
Oo, 'yon nga ang ginagawa ko no'n.
"Nang naka pikit ang mata?"-Pula
"I'm practicing my memorization."
Titingnan ko at tatandaan ang pagkakagulo ng rcube tapos pipikit ako at susubukan ko 'yon ayusin.
"Ok? Ilang taon ka no'n?"-Pula
"5 or 6?"
Di ko na maalala, maraming beses ko 'yon ginawa pero most of the time natutulog ako.
"Wow bata ka pa lang sutil ka na."-Pula
"Iyon ang pag papakita ng tunay na kulay habang maaga pa."
Ngisi ko sa kaniya.
"Hanep, proud ka pa ah?"
Oo naman.
Isang kilay ko nalang ang pinang tango ko sa kaniya.
"Mukhang mag papa accelerate na rin sila ni Vandro. Lintek naman 'yang lahi niyo-"-Raffy
"Nag salita ang hindi accelerated."-Me
"Ako lang naman ang accelerated sa'ming apat na mag kakapatid pero kayong mag kakapatid- WOW."-Raffy
"Huwag mo sabihing papalahi ka sa kanila?"-Chelsea
Anong klaseng usapan 'yan?
Mga mahahalay ang utak.
"Chelsea -"-Raffy
"Ok fine, my bad."-Chelsea
Inirapan niya si Chelsea
"So ayun na nga baka next school year nasa elementary na sila which is dapat lang naman kung sa age nila pero baka nasa grade 3 above."-Raffy
Hindi makukuntento si Charrie kung mababa pa rin 'yon, kapag may bago siyang natutunan mas willing siya matuto ng mas mahirap pa, napaka kumplikado rin ng utak niya.
"Ang galing."-Liphyo
"May utak ka naman diba?"
Maangas na tanong ko sa kaniya.
Siya yung sinabihan ko noon ng Mr. Perfect at ang siraulong sumagip sa'kin no'ng muntik nang may sumagasa kay Hans.
"Ayusin mo nga 'yang tanong mo."
"Di ka rin naman maayos."
"Pero hindi ako ganiyan mag tanong, may utak ako pero hindi kasing talino ng inyo."
"Bakit? May sinabi ba akong kailangan mong ma meet ang standard ng utak na meron kami? Ok na 'yang talino mo, above average na 'yan. Lamang ka lang sa'kin sa respeto at height which is enough."
Isasama ko pa sama yung salitang "to be my partner" kaya lang natuto ata akong makiramdam kahit papaano sa nararamdaman ng iba.
Namumula na naman ngayon si Pula, napa iling nalang ako.
*Ring*
It's Rykers phone.
"Excuse me."
Ngiting paalam sa'min ni Ryker.
Nakatitig lang sa'kin yung dalawang nasa harap ko.
"Ice cream?"-Me
HANDRIKO'S POV
"W-Woah!"
Gulat na napa hawak ako sa bibig ko.
"Bakit?"-Sandra
Pinakita ko sa kaniya ang cellphone ko.
"She accepted my request!"
Yung friend request ko kay Crenz inaccept na!
Ilang linggo na ata 'yon.
"So?"-Sandra
Nag labas siya ng cellphone at
"Omy- look!"-Sandra
Pinakita niya rin sa'kin ang phone niya.
"She accepted mine too."-Sandra
Nakakatuwa naman.
Isa sa mga bagay na inoffer namin na hindi kami namilit na tanggapin niya, kusa niyang tinanggap kahit alam naming nasa dulo na kami ng mga nag add sa kaniya sa sobrang daming gustong mag follow sa kaniya.
"GUYS! INACCEPT NA AKO NI MASTER!"-Jigs
"AKO RIN!"-Migs
Humahangos silang lumapit sa'min.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Sandra dahil gusto raw niyang mag pasama umuwi at tumambay na rin.
"So loud."-Cess
"Inggit ka lang, si ka inaccept 'no?"-Migs
Nauubusan ng pasensiyang pinakita ni Cess ang phone niya.
"She accepted my request. Mukhang lahat naman tayo inaccept na niya."-Cess
Old or new friends natutuwa sa pag accept ni Crenz sa'min sa new world niya.
Ilang beses ko na siyang sinabihang gumawa ng account sa social media pero ayaw niya, si Liphyo lang pala ang makakahila sa kaniya gumawa no'n.
"Then let's celebrat- *Pok*"-Jigs
May binato si Sandra kay Jigs.
"Ang aga aga pa! Walang iinom ngayon ah. Maawa kayo sa laman loob niyo."-Sandra
"Nag sungit na naman ang spoiled brat."-Nemi
"Shut up."-Sandra
Nakakapanibago pa rin, wala si Jm.
Nawala ang kasiyahan ko nang maalala ko na naman siya.
"Tara rito."
Pumasok si Sandra sa maliit na kubo na nasa garden nila.
Tambayan talaga namin 'to kapag nag pupunta kami rito.
"Eto na ang juice mga anak."
Sabi ng kasambahay nila sa'min.
"Thank you, Tita Rina."-Jigs
Nag pasalamat kami bago umalis si Tita.
We addressed her as Tita because we don't want her to feel down if ever we'll call her Yaya at saka ang bait bait kaya niya sa'min. Tita nga rin ang tawag sa kaniya ni Crenz eh.
Bata palang kasama na ni Sandra si Tita Rina kaya parang nanay niya na rin si Tita.
"Nasa'n pala si Crenz?"-Sandra
"I don't know. Ang balita ko nalasing siya kagabi at sinundo siya ni Ryker."-Me
Nag iwas agad ng tingin si Sandra. Alam ko naman ang nararamdaman niya pero alam naman niya na may matagal nang gusto si Ryker, ang kaiban nga lang ay noon wala siyang idea kung sino 'yon pero ngayon alam na niyang hindi lang kung sino sinong babae ang nagugustuhan ni Ryker.
"Sinundo rin ni Liphyo si Crenz kagabi."-Nemi
So nag kita silang tatlo?
Nag pang abot kaya sila?
"Pfft! You should watch this."-Cess
Pinakita niya sa'min ang phone niya at galing ang video na pinapanood niya sa'min kay Raffy.
It's a CCTV footage.
Matapos naming mapanood ay tawa lang kami nang tawa dahil kawawa nga talaga ang dalawa sa sinapit nila sa lasing na Crenz Yara. Ewan ko kung ano ang mas malala kasi naalala ko noong nalasing siya noong mga bata kami.
"I share mo 'yang nasa isip mo Hans para aware kami sa tinatawa mo mag isa."-Nemi
Nakangiting tumingin ako sa kanila.
"Noong mga bata kasi kami nasunog ni Crenz at Crescia ang buong taniman ng palay pati na rin ang ilang mga punong nandoon sa bukid."
Natahimik ako kung tama ba ang sinasabi ko.
"Ay mali pala, umabot pala sa kabilang baryo ang sunog."
Gulat ang rumehistro sa mukha nila.
"Talaga? Anong ginawa nila?"-Nemi
"Nasa iisang bahay lang kasi kami noong mga bata kami at bakasyon 'yon kaya kasama namin sila Crenz. Umuwi noon si Bern na hila ang kapatid niyang bagsak nang dahil sa alak at si Bern naman ngiting ngiti dahil lutang sa alak habang sinasabi kay Mr. Tan na nasusunog ang palayan."
Tapos nagising nalang si Crenz kinabukasan na maraming pulis at bumbero sa lugar nila dahil nag iimbestiga at hindi pa rin tuluyang napapatay ang apoy.
"Tapos?"
"Nag bayad ang pamilya nila sa mga taong naapektuhan ng sunog kaya karamihan sa mga bahay na nakita natin sa bukid at sa kabilang baryo ay mga simentado na, dahil 'yon sa pagbabayad nila Tito Craig sa mga nasunugan. Bumili sila ng materials at kumuha ng tao para gumawa ng bahay."
Na amaze sila.
"Anong iniisip ni Crenz noon? Siya ba talaga ang gumawa?"-Sandra
Si Crenz? Kakaiba maging concern 'yon. Minsan sa pamamagitan ng sermon niya ilalabas na concern siya at minsan sa mga kalokohang bagay niya ilalabas ang kakaibang pag iisip na meron siya.
"She's one of a kind."
Nakangiting ani ko habang inaalala ang nakaraan.
"We all knew that."-Jigs
"Pero siya nga talaga?"-Migs
Tumango ako.
"It's afternoon that day, her training is far ahead on how the organization trained us. Her training is more cruel than us and because of that she really hates the organization."
"Dahil na hirapan siya?"-Cess
"No, dahil nahihirapan kami."
Iyon talaga ang pinaka nakakalungkot na part. She cared for the other more than she cared on herself. Pero dahil naman doon naging strong woman siya at independent na pinaka minahal namin sa kaniya.
"Uhm.. agree."-Nemi
"Galing siyang training at tumakas siya. Sobrang dami niyang galos sa katawan dahil sa kutsilyo at wala ring binibigay sa kaniyang tubig o pagkain ang nag titrain sa kaniya kaya sobrang nanghina siya. Sabi no'ng mga nakakita sa kaniya halos hindi na siya makadilat at putlang putla na siya kaya dinala nila si Crenz sa kabilang baryo para ipatingin sa pinaka magaling na manggamot doon. Nakatulog si Crenz ng halos dalawang araw noon habang sila Mr. Tan ay pinag hahahanap na siya. Sabi ni Bern noon kwinento raw sa kaniya ni Crenz ang mahirap na kalagayan ng mga taga kabilang baryo. Umuulan noong nawala siya at ang bahay daw na pinag dalhan sa kaniya ay maraming butas at ang tanging side na walang tulo ay doon siya nilagay habang tulog siya. Naka upo lang ang mag anak na tumulong sa kaniya habang natutulog kaya raw siguro naawa si Crenz at sinunog ang palayan na kunektado sa kabilang baryo."
"Nakakamangha 'yon pero arsonist na siya no'n. Hindi tama ang ginawa niya."-Jigs
Nag kibit balikat ako.
"Walang nakaka alam hanggang ngayon sa kung sino talaga ang dahilan ng pag apoy no'n at noong nasunog ang lugar nila sa kabilang baryo, nasa fiesta ang lahat kaya walang natira sa mga nasunog na bahay at wala ring nasugatan o napahamak. Pinalabas nalang na nag donate ang may ari ng lupa sa mga taga baryo at karatig baryo kaya hindi na rin nag kagulo pa ang lahat. Ang pinaka problema lang noong sunugan na 'yon ay ang mga importanteng dokumentong nasunog pero liban doon at wala na."
Parang nakita kong naka hinga sila nang maayos.
"Kakaiba talaga siya mag pasalamat."-Nemi
"Alam niyang kalahati sa minana niyang yaman mula sa namatay niyang Lola ang kukunin sa kaniya nila Tito Craig dahil sa ginawa niya pero wala siyang pakealam doon. Bukod sa mag anak na 'yon ay sinabi niya rin kay Bern na mag kikita raw sa palayan ang mga taong nakita niyang may binaon na illegal na bagay sa may palayan at babalik noong gabing 'yon para kunin 'yon. Hindi raw papayag si Crenz na dungisan ng mga 'yon ang lupain nilang magkapatid kaya gano'n ang naisip niyang gawin."-Me
"Hindi kumontra si ate Bern?"-Sandra
Iyon pa ba?
"Oo nga, lupa nilang dalawa 'yon."-Migs
"Hindi kokontra 'yon. Kapag kalokohan, tangay 'yon sa agos ni Crenz at saka alam niyang may dahilan si Crenz kaya niya ginagawa 'yon. Kaya kami sumusunod lang kay Crenz sa lahat ng sasabihin niya dahil wala pa kaming na encounter na utos ni Crenz na ikinasama namin."
Proud ako sa bagay na 'yon.
"Gano'n naman talaga tayo ah, lalo pa noong bodyguard ko pa siya. Minsan lang siya mag salita noon pero lahat ng utos niya sinusunod natin."-Sandra
"Hoy spoiled brat, panay ka kaya kontra sa kaniya."-Nemi
Oo nga.
"May dahilan din naman ako 'no."-Sandra
"At ano naman 'yon?"-Nemi
"Ayoko lang na parusahan siya ng mas nakakataas sa kaniya kaya pinu point out ko ang mga estado sa organization ng mga sinasagot sagot niyang nang pabalang. Malay ko bang mag pipinsan sila nila Ate Nina at Yasy."
Ahh.. kung sabagay.
"First love namin siya. Ako, Ryker, Daniel at Tyro pero wala siyang ka alam alam doon dahil busy siya pahirapan ang mga nag hahandle ng org sa mga ginagawa niyang kalokohan para gantihan ang organization. Aabot sa 10 million ang perang nilabas ng organization dahil nagawa niyang kalokohan. Sabi ni Crenz noon ay ang pag bayarin lang ang organization financially ang tangi niyang magagawa para pahirapan din sila kapalit ng paghihirap niya sa kamay ng org. Make sense diba?"
Grabe rin talaga gumati si Crenz. Kung hindi mayaman ang organization baka pinalitan na si Crenz sa posisyon niya.
"Kaya crush ko siya eh."-Nemi
"Crush ko rin kaya siya."-Sandra
Nag tawanan kami.
"Ikaw Cess? Hindi ka humahanga sa kaniya?"-Sandra
Nag angat ng tingin si Cess mula sa cellphone niya.
"Yung kapatid yung crush niya."-Nemi
"Siraulo."
Komento ni Cess habang kami ay tinatawanan lang siya.