TYRO'S POV
"Anong ginagawa mo rito?"-Crenz
Nasa bahay niya ako dahil hinahanap ko si Nina, napaka busy niya ata kaya Hindi na kami nakakapag usap ng matino kaya yayayain ko sana siya mag date.
"Wala kang pasok?"
"Nauna akong mag tanong sa'yo diba?"-Crenz
Ang sungit talaga.
"Dahil kay Nina, ikaw? Di ka papasok?"
"Hindi pero aalis ako."
"Sa'n ka pupunta?"
"Dapat ba alam mo?"-Crenz
"Nauna akong mag tanong."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Joke lang! Hehe.. pupunta ka sa bahay ng parents mo?"
"Oo, ang dami mong tanong."
Nag suot siya ng sapatos kaya bilang gentleman sa harap ng babaeng hindi marunong mag sintas ng sapatos niya ay lumuhod ako sa harap niya at inayos ang sintas niya.
"Dodoblehin ko ang pag tali para ipapasok mo nalang ang paa mo."
Matapos kong itali ang dalawang sapatos niya ay hinarap ko siya. Halos mag ka edad lang kami pero parang nakababatang kapatid ko na siya.
Kinapa ko ang candy sa bulsa ko na para talaga sa kaniya na ipapaabot ko sana kay Nina para ibigay sa kaniya.
"Here."
Abot ko sa kaniya na kinuha naman niya.
"Masyado kang mabait. Nasa taas si Nina, kanina pa may kausap."
Ahh.. sabi nga pala niya may assignment siya ngayon.
"Sige, aalis ka na ngayon?"
Hindi niya ako sinagot pero sinabi niyang I lock ko ang gate bago ako umakyat kay Nina.
Umalis na siya kasama ang pinakamamahal niyang Blacky.
Umakyat naman ako sa taas at binuksan ang pinto ni Nina nang walang katok katok.
Gulat siyang binaba ang phone niya at napa hawak sa dibdib niya dahil sa gulat.
"What the- KUMATOK KA NAMAN!"
Singhal niya sa'kin.
"Kahit naman noon hindi ako kumakatok."
"Hindi ko 'to sariling bahay!"
"Oo na, sorry na."
Lumapit ako sa kaniya at yayakapin sana siya pero nilayo niya ang mukha ko gamit ang kamay niya.
"Wala ako sa mood Tyro."
Sungit naman ng mga tao ngayon.
Minsan na nga lang kami mag usap dahil masyado siyang busy eh.
Humiga nalang ako sa kama niya.
Nakakapagod mag drive.
"Labas tayo babe."
"Ayoko."-Nina
"Sige na, hindi na tayo nakaka labas eh."
"Mag pasama ka muna kela Hans, sobrang busy ko ngayon."
Halata nga.
Pero atleast binaba niya ang tawag no'ng dumating ako.
"Atleast lunch? Hindi naman na tayo mag gagala after. Nagugutom na 'ko."
Naka pa mewang siyang tumingin sa'kin.
"Tara sa baba, ayokong lumabas kaya pag lulutuan nalang kita."
Wow! Iba talaga ang HRM kong fiancé.
Marunong na sa bahay tapos marunong pa mag luto though mas masarap ako mag luto kesa sa kaniya.
"Ok!"
Di naman nakaka lason ang luto niya, masarap talaga siya pero may kulang madalas or sobra minsan HAHAHA pero lablab pa rin.
Tumayo na ako at niyakap siya mula sa likod niya.
"I love you."
Mahigpit na yakap ko sa kaniya.
"Ang cheesy mo ngayon ah, may maganda bang nangyari?"
Wala naman, na miss ko lang talaga siya.
"Wala, ang ganda mo lang kasi."
"Matagal na akong maganda."
Kumawala siya sa'kin at humarap sa'kin.
*Kiss*
Automatic na napa ngiti ako.
Kakaiba talaga trip niya, mag susungit tapos maya maya mag lalambing.
"Tara na -"
"Order nalang kaya tayo."
Pahabol ko.
PRINCESS' POV
Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin basta nakita ko nalang ang sarili kong nag da drive papunta sa Baguio para makita ang swimming competition niya.
Kasama ko rin silang lahat pero nasa van ang karamihan at kami ni Crenz, Sandra at Hans ay nandito sa kotse ko. May isang kotse pa at nandoon naman sina Ryker at sila Drei at iba pa ang kotse nila Attienza kasama ang mga kaibigan niya.
"Malayo pa ba?"-Crenz
Katabi niya sa likod si Sandra.
"Ba't gising ka? Kala ko matutulog ka?"-Hans
"Mas marami tayo ngayon, sa tingin mo hindi ako mag aalala lalo na kung yung mga siraulo pinag sama sama niyo sa Van sa likod?"
Tumingin sila sa likod at ako naman napa silip lang sa rear mirror.
Nandoon naman si Nina at Daniel may sasaway pa rin sa kanila. Masungit si Nina at matino si Daniel kaya, kayang kaya nila 'yon.
"Nandoon din si Raffy at Tyro."-Sandra
Nakita kong napapikit nalang sa inis si Crenz.
"HAHAHA that's the face of hopelessness."-Hans
*Beep beep*
Tumunog ang stop notice sa'min, ibig sabihin ay isa sa mga kasama naming sasakyan ay gustong huminto kaya hininto ko ang kotse ko sa gilid at saka tiningnan sila.
"Sino pumindot?"-Crenz
"It's Attienza group and the Van."-Hans
Lahat naman kami huminto at pag baba namin ay nasa labas na ang iba pero ang iba ay naka dungaw lang sa bintana.
Lumabas kaming apat at tiningnan namin si Liphyo at Nemi na lumapit sa isang gilid.
"Anong ginagawa nila?"-Sandra
"Nag papaka tao. *Cough*"-Crenz
"Ha?"-Sandra
"Para namang hindi niyo kilala si Nemi, alam niyo namang bigla bigla nalang 'yan aalis sa tabi natin pag may nakita siyang pwede niyang tulungan."-Crenz
Tulungan? Nasa'n ang tutulungan nila?
May tinitingala sila ni Attienza at sinasabihan bumaba so ako na curious talaga ay lumapit sa gawi nila at sinilip ang kinakausap nila.
It's a cat.
Ok? Tago yung pusa kaya paano pa nila 'yon nakita?
"Should I stop them?"
Tanong ko sa tatlo.
"No, let them be. Let's see what they'll going to do."-Crenz
She crossed her arms on her chest and looked carefully to Nemi and Attienza.
Ok, sabi niya eh.
Nag uusap yung dalawa kung paano ang gagawin nila. Gustong bumaba ng maliit na pusa pero mukhang takot siyang tumalon.
"They're both weird."-Sandra
"But I think I find them so cute."-Crenz
Wow?! Alam niya ang salitang cute?!
"So, bagay sila?"-Hans
Pfft! Pang asar talaga.
Simula no'ng maencounter namin ang tagpo nila noon, madalas na siyang asarin ni Hans.
"Nemi likes Drei."-Crenz
Nanlaki ang mata namin pareho ni Sandra. Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Sandra?
Tumingin ako kay Sandra at umiling siya.
"Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko.
"So, it's true?"-Crenz
"Ha?!"-Sandra
Teka? Nabuko ba kami? Para kaming nahulog sa bitag niya.
"I'm just linking them but I wasn't expect you'll admit it."
Ngisi sa'min ni Crenz habang tatawa tawa si Hans at nag madaling tumakbo sa kotse nila Drei na mukhang nag sumbong na habang tumatawa.
"Tingnan mo 'yon, dakilang chismoso."
Maya maya ay si Raffy naman ang lumapit sa'min.
"Sa'n pupunta 'yon?" Turo niya kay Hans
"Chi-chismis."-Sandra
"Parang ikaw." Tudyo ni Crenz kay Raffy.
Hindi nalang siya sinagot ni Raffy.
"Ano ba 'yang mga 'yan? Anghel?"-Raffy
"Tayo lang naman ang demonyo."-Crenz
"True." Sang ayon ko.
Nakita naming naka tanga lang sa'min si Sandra.
"Bakit ganiyan takbo ng utak niyo? Nag kakaintindihan talaga kayo 'no?"
Ano bang mahirap intindihin doon?
Tatlo kami ngayong humalukipkip sa harap niya.
"Anghel ka ba Cassie?"-Raffy
"Duda ako kapag umoo ka."-Crenz
Baliw 'tong dalawang 'to, pag tutulungan talaga nilang 'tong bubwit na 'to?
"Tigilan niyo si Sandra." Saway ko sa dalawa.
"Kelan ka pa naging referee?"-Crenz
"Hoy nerd, huwag kang lalapit kay Darrin mamaya ah."-Raffy
Ano?! Bakit hindi?
"Daig mo pa kapatid ni Darrin ah."
Si Crenz nga hindi ako pinag babawalan eh.
Hinila ni Crenz ang tenga ni Raffy.
"Aray! Aray- ah- uy- bakit ba? Aww.."-Raffy
Hirap na aniya
"Kala mo nakalimutan ko? Trip mo rin kapatid ko noon."
Napa hawak ako sa tenga ko at saka napa hakbang paatras ng konti.
Baka mapingot din ako dahil nagugustuhan ko na rin ang kapatid niya.
"U-uy! Noon 'yon- t-teka- bakit mo binabalik?-ah!"
Binitawan siya ni Crenz at tumingin sa'kin.
Mabilis akong nag iwas ng tingin pero nakita kong lumapit siya kaya napa takip ako ng dalawang tenga.
Inayos niya ang t-shirt ko at bahagyang pinagpag ang bandang balikat kaya inalis ko na ang kamay ko sa tenga ko.
"Kapag may nanakit sa kapatid ko-"
Inayos niya rin ang buhok ko na parang may pinapagpag din.
Napalunok ako sa nerbyos.
"Sisiguraduhin kong pipilipitin ko ang leeg niya."
Saka niya pinadaan ang daliri niya sa leeg ko.
"Leeg lang?"-Raffy
Kinakabahan na tumingin ako sa bwiset na Raffy! Gagatungan pa niya eh!
"Syempre babaliin ko rin ang braso niya."
Saka minasahe ni Crenz ang magkabilaang braso ko.
Natatakot na talaga ako.
"Iyon lang? Kapatid mo 'yon, bakit sobrang babaw naman no'n."-Raffy
"Meron pa."
Umikot siya sa likod ko.
"Ooperahan ko siya kahit wala siyang sakit at hindi ko na isasara ang binuksan kong laman niya."
Sabi niya malapit sa tenga ko.
"Nice! That's my doctor!"
Nag approved sign pa si Raffy.
Bwiset ka talaga Raffy!
"Bakit si Cess ang ginagawan mo ng example?"-Sandra
"Just a demo."-Crenz
Umalis na si Crenz sa likod ko at humarap na ulit sila sa gawi nila Attienza.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Totoo naman kasing kaya niyang gawin 'yon.
Tiningnan ko na rin ang ginagawa nila Nemi.
Liphyo took his bag and raised it under the kittens paw so the kitten won't be scared to jump that high.
Awww... Nakaka mangha naman siya, bihira sa lalaki ang ganiyan sa mga hayop.
Tumalon sa bag ang kuting at dahan dahan na niya iyong ibinaba.
"He's sure know how to get the trust of animal, even the trust of the people."-Raffy
Yeah! Agree..
"Too shallow pero mukhang isa 'yan sa nagustuhan ko sa kaniya."-Crenz
Nanlaki ang mga mata namin.
Muntik na naming makalimutang wala nga palang preno ang bibig niya, sasabihin niya kung ano ang gusto niyang sabihin.
"Marunong din ako no'n, bakit hindi mo 'ko nagustuhan?"-Raffy
Baliw talaga 'tong mabahong bulaklak na 'to.
"Tsk! Gusto kita, kaya nga bestfriend kita eh."
Seryosong kunot noong sagot niya kay Raffy.
Parang tangang kinikilig naman 'tong bulaklak na 'to, parang gago lang? Ganiyan sila ka addict kay Crenz?
"O my- I'll treasure this day, the day when Crenz Yara Vilarde admit that Rafflesia Fistorn is her bestfriend."
Nakangiwing pinasadahan siya ng tingin ni Sandra at Crenz.
"It's Ashariya Acer whose your bestfriend, crush ka ni Crenz Yara Vilarde."-Crenz
(☉。☉)!
Na speechless ako at mukhang gano'n din sila.
"Pasok na, papasok na sila."
Nauna nang pumasok ng kotse si Crenz.
"Omyyyy!! Ihhhhh!!"
Parang kiti kiti si Raffy sa sobrang excitement ng katawan niya.
"Crenz really know how to make someone's heart flatter."-Sandra
"She doesn't even know it, she's just being transparent on her own words. She's doing it unconsciously, hindi rin niya alam kung gaano kalakas ang dating niya sa mga kaibigan niya."
Sagot ko habang naka tingin kay Crenz na nasa backseat at pinapapasok na ako sa loob sa pamamagitan ng pag senyas.
"Alis na Raffy."-Me
"Mababaliw na ako."-Raffy
Baliw naman talaga siya, anong mababaliw palang?
"Ok na, alis na."
Tinulak niya Raffy na para pa ring naka lutang sa ulap.
"Uy Chelsea! Sakto, kunin mo 'to."
Turo ko kay Raffy.
"Anong nangyari diyan?"
Takang tanong niya sa nag di daydream na girlfriend niya.
"Sinabihan ni Crenz na crush niya si Raffy tapos ayan naging tuod na."
Pinasadahan niya ng tingin si Raffy mula ulo hanggang paa.
"Halika na."
O.O
Hinawakan niya ang tenga ni Raffy, mabuti nalang hindi doon sa hinila ni Crenz.
"A-ah- oo na, sasama na- bitaw bitaw-"
Hanggang maka pasok sila sa van hawak pa rin niya ang tenga ni Raffy.
"Nagawa pang kiligin."
Bumalik na kami sa mga pwesto namin.
Nag seatbelt ang lahat.
~~~
Halos mag kakahiwalay kami ng seats dahil marami na ring tao sa bleacher.
"An'daming tao."-Chelsea
"Syempre regional na 'to."-Raffy
"Sabagay."-Chelsea
"Ang daldal mo, ubusin mo na lang 'yang Ice cream mo."-Raffy
Tumingin sa kanila si Crenz habang may kinakain ding Ice cream.
"Anong sabi mo? Ayaw mo na ng ice cream?"-Crenz
Pfft! HAHAHAHA...
Ano raw?
Saglit akong nag iwas ng tingin para tumawa at saka tumingin muli sa gawi nila.
"Hoy *pointed Crenz forehead* matalas pandinig mo dati ah, bakit nabibingi ka ngayon?"-Raffy
Sinamaan siya ng tingin ni Crenz dahil sa ginawa ni Raffy sa noo niya.
"Bakit? Hindi ba 'yon ang sinabi niya?"-Crenz
"May hawak ka nang ice cream tapos gusto mo pa rin ng ice cream?"-Raffy
*Pak*
"Ah!"-Raffy
Hinampas siya ni Arya na katabi ni Crenz.
Napa himas siya sa braso niya.
"Ice cream lang 'yan bakit kailangan mo itulak ang noo niya."-Arya
"Tama."-Crenz
Tango tango ni Crenz habang kumakain.
"Bakit kailangang manakit?"-Raffy
Inirapan lang siya ni Arya.
"Tumigil na nga kayo."-Hans
Nasa taas lang namin ang iba.
Tumayo si Crenz at humarap kina Hans.
"Dali, formation."
May ngiting sabi ni Crenz sa hilera nila Hans.
Inestretch ni Ryker, Hans, Tyro at Daniel ang mga kamay nila sa harap ni Crenz.
Tumingin si Crenz sa mga cup ng ice cream na nasa harap niya at tinusok 'yon.
Nakangiti naman silang apat habang pinapanood si Crenz.
"Hmm.. masarap 'tong coffee flavor."-Crenz
"Talaga?"-Ryker
At nag cross cross ang mga kamay nilang lima habang tinitikman ang ice cream ng isa't isa.
Ang cute nilang lima.
"Uy Pula."
Untag ni Crenz kay Liphyo na naka tingin sa ginagawa nilang lima.
"Ano?"-Liphyo
"Anong flavor niyan?"-Crenz
"Huwag mo sabihing hindi ka pa kuntento sa flavor na natikman mo sa kanila?"
Angil niya.
"Ang dami mong sinasabi, ano nga 'yan?"-Crenz
"Strawberry."-Liphyo
"Pfft.."-Tyro
"You're doom."-Ryker
"Ubos."-Daniel
"Huwag na Crenz."-Hans
Pero parang bata pa ring umakyat si Crenz para lapitan si Liphyo.
"Palit muna tayo ng pwesto Jhom."-Crenz
"H-ha?"-Jhom
Nag aalangang tumingin si Jhom sa pwesto ni Crenz, kapag bumaba siya makakatabi niya si Raffy. Ang alam ko problema ni Chelsea si Jhom dahil halata niyang may gusto si Jhom kay Raffy.
"Dali na."-Crenz
"Ganiyan ka mangumbinsi?"-Liphyo
"Hindi ako marunong mangumbinsi pero marunong ako mamilit. Dali na Jhom."-Crenz
Nag hagikhikan ang mga kasama namin.
"O-ok."
Tumayo si Jhom at bumaba nga sa pwesto ni Crenz.
Nasa kanan ko si Chelsea at sa kaliwa ko naman si Nemi.
"Enough na ba 'yang Ice cream para hindi ka mag alburoto sa selos?"
Nang aasar na tanong ko kay Chelsea.
"Don't start, bitch."
Singhal sa'kin ni Chelsea na ikinatawa namin ni Nemi.
Sa taas namin ay si Axel at Drei kaya gusto ko rin asarin si Nemi pero nag pipigil lang din ako.
Alam na ni Drei kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon.
"Ah."
Napa tingin kaming lahat sa taas.
Nag papasubo si Crenz kasi hawak niya ang mga ice cream na tira nilang lima sa kamay niya.
"Ba't kaya di mo muna ibaba 'yang mga hawak mo?"-Liphyo
Parang di gusto ni Liphyo ang ideyang susubuan niya si Crenz.
"Ba't kaya hindi mo nalang ako subuan? Ah!"
Nganga muli niya.
Mahina nang natatawa ang iba.
Pinipicture an naman sila ng kambal.
Tuwing may sweet moments ata sila laging may kuha 'tong mga pinsan ko.
"Aba ang tapang mo naman mag utos."
Singhal ni Liphyo sa kaniya habang sinusubuan niya si Crenz ng ice cream niya.
"Alam mo bang favorite ni Crenz ang strawberry?"-Tyro
"Alam ko."-Liphyo
"That's so good of you."-Arya
"Sarcastic ka liit, ang pangit mo."-Liphyo
Asar ni Liphyo kay Arya.
"Hey! Anong liit?! I'm 5'7, same as Crenz."
"Uy, huwag niyo kong idamay."
Ngumunguyang sabi ni Crenz.
Himalang good mood ngayon si Crenz.
"Pangit ka pa rin."-Liphyo
Nag tongue out pa sila pareho para asarin ang isa't isa.
"Master! Liphyo! Tingin *click* "-Migs
Sabay na napa dungaw ang dalawa kay Migs at saka sila pinicture an.
"Woooh! Ang angas kong kumuha."
Pinag kaguluhan nila ang pag kuha ni Migs at lahat sila sumangayon na maganda ang kuha.
"Ah!"-Crenz
"Mag hintay ka nga, ikaw na umuubos ng Ice cream ko."-Liphyo
Reklamo siya nang reklamo pero subo naman siya nang subo.
"Bibilhan kita kung gusto mo pa."-Crenz
"Huwag na. Nganga."-Liphyo
Para na silang officially couple.
Napa singhap si Daniel na rinig na rinig namin.
Nasa taas lang siya ng level namin.
"Bakit?"-Nina
"Ngayon ko lang naalalang may peanut sa ice-cream ko."-Daniel
"ANO?!/ WHAT?!"
Halos singhal nilang lahat, pinag titinginan na rin kami.
Tiningnan namin si Crenz at Liphyo, si Liphyo ay napa tigil sa pag tangkang pag subo kay Crenz kaya si Crenz na ang lumapit sa kutsara at kinain iyon.
"Crenz? Anong nararamdaman mo?"-Raffy
"Ha? Wala."-Crenz
"Naka kain ka ng peanut!"-Ryker
Inis na tumayo si Ryker at humarap sa kaniya.
"Ano naman? Pwede namang bumili ng gamot sa labas."-Crenz
Grabe, hanga ako sa pagiging kalmado niya ah!
"I'll buy the medicine."-Chelsea
"Stay here, ako na."-Raffy
Pinaupo niya si Chelsea at siya ang tumayo.
"Sit down guys, nag dala ako incase na may ganitong mangyari."-Arya
Nag labas si Arya ng isang banig ng gamot.
"Enough for those sweets, Crenz Yara Vilarde, ipaubos mo na 'yan sa kanila."-Arya
"Ayo-"
Inagaw ni Liphyo ang ice cream at binigay sa apat.
"Huwag mo na paabuting aapuyin ka muna ng lagnat bago ka uminom."-Liphyo
Pinag pasa pasahan nila ang gamot.
"Water."
Nag hanapan kami ng tubig pero wala sa'ming may dala.
"Ako na, labas muna ako saglit."-Liphyo mabilis na umalis si Liphyo.
"Miguel, samahan mo." Utos ni Crenz kay Migs.
"Yes, Master."
Patakbo rin siyang sinundan ni Migs.
"Ikaw kasi Danny-"-Chelsea
"Don't blame him, ako nanghingi sa kanila."-Crenz
"Kahit na, dapat aware na sila sa mga hindi pwede-"-Chelsea
"Tigil na."-Crenz
Tumayo si Raffy na tahimik lang at umupo sa tabi ni Crenz.
"Let me see."
Pinulsuhan niya si Crenz.
Dalawa nga pala ang Doctor sa'min.
Tumayo rin si Nemi at pumunta sa gawi nila, nag bubulungan sila kaya wala sa'ming may idea sa kung anong pinag uusapan nila.
Bumalik si Liphyo at Migs na may dalang tubig kaya bumaba na rin si Nemi at Raffy.
Mahahalata kay Raffy ang pag ka badtrip dahil sa nangyari kay Crenz.
"Inom."
Mariing utos ni Liphyo.
"Wow, boss?"-Crenz
"Iinumin mo rin 'yan, bakit ang dami mo pang sinasabi?"-Liphyo
"Iinumin ko naman talaga, bakit kailangan mo pa akong sabihan?"-Crenz
Napahimas nalang ako sa noo at tumingin sa pool.
Medyo nakakakuha na rin kami ng atensyon dahil sa mga itsura ng mga kasama ko, halata kasi sa kanilang may mga dugo silang banyaga at magaganda't gwapo sila.
"How's Crenz?"-Chelsea
Tanong niya kay Raffy.
"Magiging ok siya ngayon pero baka mamaya tablan na siya ng allergy niya."
Nag bago ang tingin namin kay Crenz kahit pa gano'n pa rin ang pakikitungo niya sa'min. Tapos na ang mga kontrata namin kay Sandra at hindi na pumayag si Mr. Homer na may mag renew sa'min.
Marami na rin kaming mga naka tenggang assignment.
Ilang buwan pa lang ang lumipas pero parang napakaraming nangyari.
Nag sorry naman na Daniel pero parang inis pa rin sila lalo na si Arya na nanahimik lang pero kunot na kunot ang noo.
"Look here guys!"
Sabi ni Migs at saka tinaas ang phone niya para mag picture kami.
*Click*
*Click*
*Click*
Matapos ang groupie ay saktong mag sisimula na ang swimming race.
Lumabas na ang mga swimmer.
Bigla akong naging proud nang makita ko siya.
She looks so serious.
"Raffy."-Chelsea
Napatingin kami ni Nemi sa kanilang dalawa.
"Ha?"-Raffy
"Let's be official if Darrin win this."-Chelsea
Nanlaki ang mata namin pareho ni Nemi nang sabihin 'yon ni Chelsea.
Oo na, kami na chismosa pero kinikilig ako sa kanilaaaa!!
"What?!"-Tyro
Tatlo kaming tumingin sa likod namin.
May chismoso ring nakikinig.
"Angal ka?"-Chelsea
"Raffy, tumakbo ka na palayo- aw!"
Hinampas siya ni Chelsea.
Oo nga pala, bestfriend nga pala sila.
"Manahimik ka."-Chelsea
Sinilip ko si Raffy na parang naka lutang na ngayon.
Bigla nalang siyang tumayo kaya lahat kaming mag kakaibigan ay napa tingin sa kaniya.
"Tatakbo ka na?"-Tyro
"Stop it Tyro."-Nina
Singhal ng girlfriend niya.
"Let's go."
Nag lakad sa gawi ko si Raffy at bigla akong hinablot.
"U-uy, bakit ako ang dadalhin mo?!"
Gulat na tanong ko.
Baka mali lang siya ng kinuhang braso.
Nakababa na kami sa may railings banda at nag sisimula na rin mag salita ang host ng swimming race.
CRENZ'S POV
Matalas na talaga ang pandinig ko noon pa lang kaya rinig ko ang sinabi ni Chelsea kay Raffy kahit pa may isang baitang ang pagitan namin.
Bigla akong napangiti kasi parang tanda na 'yon para kumilos si Raffy para sa kanilang dalawa. Ang alam ko humahanap lang ng timing si Raffy para tanungin si Chelsea dahil siya ang umayaw na maging girlfriend si Chelsea, pero dahil sa kuya niya at sa'kin napa payag na niya ang sarili niyang piliin ang gusto niya.
Tumayo siya at biglang hinila si Cess.
"U-uy, bakit ako ang dadalhin mo?!"
Nahila nga hanggang sa may railings si Cess. Mukha namang hindi siya mali ng hinila.
"GO DARRIN! IPANALO MO 'TO! NAKASALALAY SA'YO ANG LOVE LIFE KO!"-Raffy
.
.
.
.
.
Napa hawak ako sa noo ko.
Maraming tao ang nakarinig sa kaniya at nag tatawanan dahil sa sinigaw niya.
Maging sila Hans ay natawa rin.
Parang ako ang nahihiya sa ginawa niya.
Timing pa kasi na kakatapos lang mag salita ng host at sobrang lakas talaga ng sigaw niya.
"This is embarrassing."-Chelsea
Maging siya ay napa takip ng mukha sa kahihiyan.
"Aww.. ekis na talaga si Jhom HAHAHAHAHA."
Tawa ni Austin
Itong dalawang artista ay naka cap at facemask.
Nasa kabilang tabi ko si Mike at sa kabila ay si Pula.
Tumingin ang kapatid ko sa gawi nila Raffy at Cess at saka kumaway habang naka ngiti.
"Hoy."
Untag ko kay Pula.
"Liphyo ang pangalan ko, hindi "Hoy" paki tandaan."
Aniya habang kumakain ng ice cream niyang malapit nang matunaw.
Galit ba siya?
"Bakit parang inis ka?"
"Hindi ako inis."
Hindi raw pero hindi man lang ako tinatapunan ng tingin kada sasagot siya.
"Eh ano lang?"
"Ano bang pake mo?"
May inis na tanong niya.
Ano bang problema niya? Inaaway ko ba siya?
"Daig mo pa babae kung mag sungit ka riyan."
"Manuod ka nalang."-Pula
Napa ayos ako ng upo habang tinatanong kung anong kina iinis niya.
"He's worried."-Mike
Sabi niya sa'kin.
"Tungkol saan?"
"Sa'yo dahil baka mamaya mag kasakit ka, hindi ka nag iingat, malamang 'yon ang nasa isip niya."-Mike
Worried naman pala eh, bakit kailangang magalit siya riyan na parang bata?
"Hindi ko rin naman alam na merong gano'n."
Napakamot nalang ako sa sentido ko.
"Kayo na ba?"
Naka ngiting tanong niya.
Nakakapag taka, hindi na ba niya ako gusto?
Bakit ganiyan siya mag tanong?
"Hindi mo na 'ko gusto?"
Bigla siyang nag iwas ng tingin.
"Crenz, hindi mo dapat siya tinatanong ng ganiyan. Napaka manhid mo talaga."-Nina
"At napaka chismosa mo naman."-Me
"Hayaan mo sila mag usap."-Tyro
Pinabaling ni Tyro ang ulo ng girlfriend niya sa harap ng pool.
"Na offend ka ba? Sorry, straight forward kasi ako mag salita, minsan lang ako nag papaligoy ligoy."
Diretsong sabi ko sa kaniya.
"All I can say is I'll support you and Liphyo if you'll be together."-Mike
He's still not done with me.
"Ok."
Simpleng tugon ko na ikina tawa niya ng pagak.
"Hoy."
Balik ko kay Pula.
"Sinabing-"
Hinawakan ko ang likod ng kamay niya.
Natigilan siya at tumingin sa kamay ko at dahan dahang umangat sa'kin.
Kinakabahan din ako sa ginagawa ko pero pinapa tahimik ko ang puso ko.
Tumingin ako sa pool, pina akyat na sila para mag ready na.
Naka tingin lang sa'kin si Pula kaya hinarap ko siya.
Nagulat ako sa itsura niya.
Mas mapula pa siya kesa sa Pula niya dati.
Mabilis kong inalis ang kamay ko sa kamay niya at dinama ko ang pisngi niya.
"Hoy, pulang pula ka na."
Tinabig niya ang kamay ko at tumingin sa gawi ni Austin.
Nahihiya siya HAHAHAHA...
"U-uy Liphyo, dumudugo ilong mo."-Austin
Bigla akong kinabahan kaya mabilis ko siyang pina harap sa'kin.
"Tissue."
Naka tingin sa'min ang karamihan sa kanila kaya nag madali silang kumuha ng tissue.
"Anong ginawa mo?!"
Inis na tanong ko sa kaniya.
"W-wala-"
"Bakit dinudugo ka? May sakit ka ba?!"
Inis na tanong ko.
"Nag kaka nosebleed lang si Jhonzel kapag yung tibok ng puso niya ay hindi niya mapakalma sa bilis. Usually sa amazement siya nag nonosebleed or kapag sobrang dami niyang iniisip. Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nag ka nosebleed, Crenz. Pfft!"-Austin
Kunot noo akong tumingin sa kanilang lahat.
"Shut up Austin."-Liphyo
Tsk!
Hinagis ko sa kaniya ang tissue.
"Tuyuin mo 'yang dugo mo bago ka maubusan ng dugo."
Hindi naman na siya kumontra at ginawa ang sinabi ko habang inaasar siya ni Austin na nasa tabi niya.
Saktong pag lingon ko sa pool ay nag pa putok na hudyat na simula na ang karera.
Halos sabay sabay silang tumalon pero sa pagitan ng 3-6 seconds lang ay nangunguna na si Dada.
Panay ang papuri sa kaniya ng commentator sa ginagawa niya.
"She's doing it."-Pula
"Ano?"
Tanong ko habang ang mata ko ay nasa laban.
"No breathing technique."
No breathing?
Pinag masdan ko ang kilos niya, hindi nga siya nag aangat ng ulo basta patuloy lang siya sa pag langoy.
"Nakaka tagal siya sa tubig ng 5-6 mins nang walang ahunan."
"Delekado 'yan."-Pula
"Alam niya ginagawa niya, maraming swimmers din ang gumagawa no'n."
Naunang nakapag flip pabalik si Dada.
"Huminga na siya."-Pula
Hindi ko nakitang ginawa niya 'yon.
"Hindi ko nakita."
"Mabilis niya lang ginawa."-Pula
That's good then, hindi na ako mag woworry.
Sigaw nang sigaw si Raffy sa baba lalo pa no'ng malapit na sa finish line si Dada.
Halos mabingi naman kami sa sigaw nila Chelsea at Nina tapos sinabayan pa nung kambal at nila Tyro.
Yung puso ko rin bumibilis sa pag tibok lalo na no'ng malapit na malapit na siya.
.
.
.
.
"WOOOOOH!"
"I LOVE YOU DARRIN!"
Napatayo pa si Pula nang matapos ang laban, gano'n din ang iba.
Iniexpect ko nang siya ang mananalo pero na aamaze pa rin ako na siya nga ang nanalo kahit halos dikit ang laban nila no'ng isang swimmer.
Napa ngiti ako saglit at saka bumalik sa poker face.
Nilabas ko ang phone ko at nag update sa mga kapatid ko na nanalo si Darrin.
"Nanalo siya! Nanalo si Darrin!"-Pula
"Alam ko!"
Inis na singhal ko sa kaniya.
Nanalo rin naman ako noon sa swimming at hindi lang sa swimming pati na rin sa archery, darts at iba't ibang sports pa. Hindi na kasya sa daliri ko ang mga medal na naiuwi ko sa mga sports, iba pa roon ang academic kahit pa sutil akong bata.
Halos mahakot ko ang mga awards sa best in different subjects pwera lang sa good manners na mga most most. Kahit nga attendance hindi ko makumple-kumpleto.
PRINCESS' POV
Hindi na nga halos ako makahinga nang halos maabutan siya ng isang swimmer, grabe yung kaba ko. Napa kuyom ako ng kamao dahil intense ang laban.
Nang maka balik siya sa starting line ay para bang nabunutan ako ng Sanlibong tinik sa lalamunan.
Agad siyang pinuntahan ng trainer niya at isang lalaki.
Napa kunot ang noo ko.
Ang ganda kasi ng ngiti sa kaniya nung lalaki.
"Oh my! Mag kaka girlfriend na ko!"
Pag akbay sa'kin ni Raffy.
"Yeah, good for you."
Bigla akong nawala sa mood.
Imposibleng nag seselos ako!
Hindi pa ako nag seselos sa tanang buhay ko.
"Lapitan mo siya."-Raffy
"Hindi ako attention seeker gaya mo."
"Oa mo naman sa attention seeker."-Raffy
Wala ako sa wisyo para makipag biruan pa sa kaniya.
Bumalik ako sa pwesto namin at mukhang tapos na rin sila sa pag vivideo nila at pag kuha ng mga pictures.
Si Raffy ewan ko kung nasa'n, baka bumaba kay Darrin.
"Sa van na kayo A at M, mukhang may nakakilala na sa inyo."-Hans
Tumingin kami sa taas..
Mukha ngang naka tingin na sa gawi namin ang mga tao.
"Sige na."-Tyro
Mukhang malapit na nga silang dumugin. May mangilan ngilan nang kumukuha ng picture sa gawi namin.
"Tara na."
Tumayo na ang dalawa at naging escort naman ang mga lalaki namin nang hindi mahahalata. Kunwaring nakikipag kwentuhan lang sa kanila pero naka palibot sila nang pasimple.
Si Liphyo at Axel lang ang natirang lalaki sa'min.
Tahimik lang ako habang si Nemi ay daldal nang daldal sa tabi ko.
Natapos ang awarding at syempre naka gold siya.
"Let's go."
Biglang may humablot na naman sa'kin.
"Ano- sa'n na naman tayo pupunta?"
Si Crenz naman ngayon ang humihila sa'kin.
Wala siyang sagot sa'kin basta bumaba kami.
Bakit ba hilig na hilig nila akong hilain.
Hindi 'to ugali ni Crenz pero ginawa niya ngayon.
"Bakit kailangan pa nating bumaba?"
"Para I congratulate siya."-Crenz
"Pwede namang mamaya."
"Bakit mamaya pa kung pwede namang ngayon."
Halata ang pag ngisi sa boses niya.
Kabang kaba ako habang papalapit kami sa kanila.
May kausap si Darrin at Raffy at naka talikod sila sa gawi namin.
"Thank you po, Sir."-Darrin
Umalis na ang kausap nila at saka tumingin sa gawi namin.
Bago pa mag tama ang tingin namin ay nag iwas na ako ng tingin at kunwaring tumitingin sa pool. May next competition pa kaya hindi pa umaalis ang mga tao.
"Ang galing mo-"-Crenz
"Syempre naman."-Darrin
Tingnan mo, mag kapatid nga talaga.
"Tss.. sasama ka ba sa'min?"-Crenz
Teka? Anong sasama?
"Ok lang ba?"-Darrin
"Anong ginagawa namin rito kung hindi ok?"-Crenz
Nakakabaliw sila mag usap
"I cheer ako."
Proud na tugon niya
"Tss.. I won't waste my time for that."-Crenz
WEEEH... Siya nga mas atat sa'min eh.
Halos ibalibag niya si Tyro sa kabagalan ng kilos kanina.
"Ok, sabi mo eh."
Tumingin siya sa'kin.
"Lika Crenz papakilala kita sa coach niya at mag thank you ka ah!"-Raffy
"Ano? Ayoko-"
"Tara."
May bantang tono ni Raffy
"Pero-"
Hinila ni Raffy pa alis si Crenz.
Napa lunok ako. Ngayon ko nalang ulit siya nakita ng personal kahit pa nag kaka chat kami madalas sa social media.
Gusto ko na talagang sabunutan si Raffy ngayon sa pang iiwan niya sa'kin.
I need to hold my grip.
"Congrats."
Bati ko sa kaniya.
Ngumiti siya ng konti.
"Iinom lang ako, tara."
Nauna na siyang tumalikod.
Himala nga at hindi niya ako hinila gaya no'ng ginawa nung dalawang damuho.
Sumunod lang ako sa kaniya at habang nag lalakad kami ay maraming bumabati sa kaniya hanggang makarating kami sa pinaka dulong pasilyo.
Mayroon doong free snacks at mga bottled water.
May isang tao roon nang madatnan namin.
"Congrats Darrin."
"Thank you, Sir."
Nakangiting tugon niya.
"Pabantay muna ako rito ah, kukunin ko pa sa labas ang isang box. Huwag ka muna mag pa pasok ng kahit sino baka mag kagulo rito."
"Opo."
Lumabas nga yung lalaki at sinara ang pinto, naiwan kami.
"Tubig?"-Darrin
"No, thanks."
Tumingin lang ako sa paligid.
"Kuha ka ng gusto mo."-Darrin
"I'm full."
"May problema?"
"Problema? Anong magiging problema?"
*Knock*
Sabay kaming napa tingin sa pinto nang bumukas.
"Darrin."
Bahagyang nangunot ang noo ko.
Siya yung lalaki kanina.
"Oh Nelson? Bakit?"
Tanong niya sabay inom ng tubig.
Tumingin sa'kin yung lalaki.
"Hi, kaibigan ka ni Darrin?"
Lalo lang ata akong na badtrip sa tanong niya.
"Girlfriend."
*PUUFFT!*
*Cough*
Tumingin ako kay Darrin habang umuubo siya at nag papalit palit naman sa'min ng tingin yung lalaki.
"Tss.."
Hinugot ko ang panyo ko at lumapit sa kaniya para punasan ang mukha niya.
"Anong ginagawa mo?"
Inis na tanong ko.
Ubo pa rin siya nang ubo tapos pinalayo niya ako habang hawak niya ang panyo ko.
"A-ah-"
Naguguluhan na yung lalaki sa'min.
"No, I mean hindi gano'n 'yon."-Darrin
Nag papaliwanag siya sa lalaki?
Tahimik lang kami no'ng lalaki.
Napa halukipkip ako sa inis na tinatago ko sa loob loob ko.
"Nag bibiro lang siya- bakit ba ako nag eexplain? Lumabas ka nga muna mag uusap lang kami."
Naiirita na ngayon ang tono niya.
"Ha-"
"Labas."
Tinulak niya palabas ang lalaki saka sinara ang pinto.
Sinamaan niya ako ng tingin nang tapunan niya ako ng pansin.
"Ano 'yon? Anong girlfriend?"
May inis na tanong niya.
"Bakit? Sineryoso ba niya yung sinabi ko?"
Ako naman ngayon ang nag bukas ng bottled water dahil nanunuyo ang lalamunan ko sabay inom.
"Tss.. bakit nag susungit ka na naman?"
Matagal na akong ganito, bakit ngayon lang siya nag tatanong niyan?
"Nag iimagine ka lang."
"Hindi ka mag sasalita ng gano'n kung walang nangyari. Mas trip mong manahimik kesa makipag mataasan sa iba, ano bang nangyari?"
Bakit parang tumatanggap ako ng sermon sa mas bata sa'kin?
"Walang ngang nangyari-"
"He's just a friend."
"I didn't asked!"
Napa hawak ako sa noo ko kasi mali yung naging tono ko. Bakit ako sumigaw?
"Ok."-Darrin
Bigla akong naguilty.
Ano ba 'tong ginagawa ko?!
"Expect the unexpected nga naman."
Bulong niya.
Saka ako tinalikuran at bumalik sa boteng binaba niya kanina.
"Ano?"
May iritang tanong ko.
"Pwede bang bukas ka na magalit o mag sungit? Sanay naman akong nag susungit ka pero huwag sana sa mahalagang oras na 'to."
*Gulp*
Lalo lang akong binabaon ng konsensya ko.
Napayukom akong kamao dahil sa inis sa sarili ko.
"H-hindi ako galit."
Umupo nalang ako sa isang monoblock doon saka napa tungo sa mga kamao ko.
"Titigil na ako."
*DUG DUG DUG DUG DUG*
Ang sakit marinig ng mga salitang 'yon.
Nag angat ako ng tingin at tumingin sa likod niya.
Hindi ako makapag salita dahil para rin akong dinudurog sa loob ko.
"Sinabi ko namang ayokong mag expect ng kahit ano sa'yo dahil ako lang ang may gusto. Nag hihintay ako ng reply mo kahit dalawang araw bago ka sumagot. Kwento ako nang kwento sa'yo pero wala kang pakealam. Hindi ko sinusumbat pero bago ako huminto gusto kong malaman mo yung side ko."
Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa panghihina.
"Kahit sobrang tagal mo mag reply masaya pa rin akong nag rereply kapag nag text ka na. Halos maya't maya rin ang tingin ko sa cellphone ko- nababaliw na ako. Di bale na, sabi nga ni ate na don't settle for less."
Sobrang bigat sa dibdib ng mga sinasabi niya.
Nag lakad siya papunta sa pinto at mukhang iiwan niya na ako kaya nag madali akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya saka siya sinandal sa likod ng pinto.
Hindi niya pwedeng gawin sa'kin 'to.
Gusto ko na siya tapos iiwan niya ako ng ganito?
She flirted me, dapat pang na panagutan niya 'to.
"Gano'n nalang 'yon?"
"Ano?"-Darrin
Naiirita na ang boses niya.
"Eh siya? Sino siya?"
Turo ko sa may pinto.
Yung Nelson ang tinutukoy ko.
"Sinong siya?"
"That boy."
Naiinis ako kapag naaalala ko 'yong lalaking 'yon.
"Si Nelson?"
Hanep, inulit pa talaga ang pangalan.
"Sino nga?"
Inis na tanong ko.
"Kaibigan."-Darrin
"KAIBIGAN?!"
"Ano bang problema mo?!"-Darrin
"Eh halata namang may gusto sa'yo 'yon."
Winaksi niya ang kamay ko.
"Eh ano sa'yo? Buburahin ko na ang number mo-"
I immediately grab her waist and met her lips.
I pinned her on the door.
Hindi ko alam ang itsura niya pero sinubukan niya akong itulak.
"Zoe!"
Saway niya sa'kin.
It's my second name.
"Ano?"
Kunot noong tanong ko. Nabitin ako kahit first time ko 'tong gawin.
"Huwag mo 'kong pahirapan."
Mariing aniya
"Then you shouldn't start this from the beginning."
See? Nag sisihan pa nga.
"Ako lang naman ang may gusto sa'tin-"
"Kung ikaw lang, bakit pa kita hinali-"
Tinakpan niya ang bibig ko at nag "shh" sign.
Tinabig ko ang kamay niya.
"Anong malay kong nagulat ka lang na titigil ako kaya mo ginawa 'yon."
She's teasing me.
I can really tell that she's teasing me, hinuhuli niya lang ako kung gusto ko talaga siya pero hindi rin malayong totohanin niya ang sinabi niya kanina.
Pero kahit gano'n kabisado niya naman ang number ko kaya paano niya 'yon malilimutan agad?
"Great."
Lumayo ako sa kaniya.
She's smirking at me kaya inirapan ko siya.
She pulled my t-shirt to get me back.
"May reward naman siguro ako 'no?"
Sobrang nangunot ang noo ko.
I won't kiss her anymore lalo na't tinanggihan niya 'yon kanina.
"Reward for what?"
"I won the gold medal."
Now she's bragging her award to get me.
"Then congrats."
I tried to escape but she's now holding my waist.
The hell? I'm way taller than her.
"I told you he's just a friend. Nag aalala si Mama kaya pinasama siya sa'kin para may tumingin sa'kin. Kaibigan lang ang turing ko sa kaniya at wala akong pake kung anong tingin niya sa'kin basta sa'yo lang ako may pag tingin."
I immediately bit my lip to resist the smile I'm about to show. She's saying those things as if it's nothing but in romantic way.
"Stop it kid."
"Pero na mumula ka?"
Inosenteng tanong niya.
Ramdam ko nga ang init sa pisngi ko.
"No, I'm not."
Bigla siyang ngumuso sa'kin kaya napaliyad ako konti.
"Sinimulan mo-"
"At ayokong tapusin, tinulak mo na 'ko."
"Kasi nagulat ako."
Kahit na! Ayoko na!
"Whatever-"
She pulled me and met my lips too.
Ako naman ngayon ang nagulat.
Patay talaga ako sa ate niya pag nalaman niyang hinalikan ko ang kapatid niya.
CRENZ'S POV
Matapos naming makausap ang coach ni Darrin at mahina kong hinampas sa balikat si Raffy.
"Ano?"
"Bigla bigla kang nag dedesisyon-"
"Hindi mo pa rin naiintindihan ang sitwasyon? Binibigyan ko sila ng time mag usap."
Eh gusto ko rin siyang kausapin.
"Hayaan mo muna sila tutal makakasama mo pa naman dito si Darrin."
Sabagay.
"Umakyat na tayo."
"Suuuus.. gusto mo lang samahan si Liphyo eh."
Tumingin ako sa kaniya ng walang kwentang tingin.
"Eh ikaw? Sigaw ka nang sigaw para lang maging kayo na ni Chelsea."
Napaisip siya.
"Buti pinaalala mo. Muntik ko na makalimutan 'yon. Habang nag chicheer kasi ako kanina hindi ko naisip na may pinag usapan kami basta gusto ko lang manalo si Dada."
Napa ngiti ako.
Atleast she's pure on cheering Dada hindi yung nag cheer lang siya dahil gusto niyang maging sila na ni Chelsea.
"Lika nga."
Inakbayan ko siya kaya napa yuko siya.
"Uy bakit ba?"
Reklamo niya.
"Gusto mo ng ice cream?"
Tanong ko sa kaniya.
"Bibilhan mo 'ko?"
"Sige."
"Pero bawal ka na kumain."
Ano?!
"Ba't pa kita bibilhan?"
"Marami ka nang nakain. Enough na sa sweets."
Para akong batang pinag sasabihan ang sarap tuloy mag tantrums.
"Huwag na tayong bumili."
Inalis ko ang pag akbay ko sa kaniya.
"It's fine."
Siya naman ang umakbay sa'kin.
"Lapitan na natin sila."
Turo niya sa dalawang naka tingin sa'min.
"Hmm?"
"Bakit? Anong meron?"
Ano na naman kayang iniisip niya?
"Hindi mo pa ba gustong maging kayo?"
"Kung anu ano iniisip mo-"
"Hindi habang buhay hihintayin ka niya. Sabi mo nga noon gusto siya nung Catherine, paano kung balikan siya ni Liphyo? Pwede na sila ngayon kasi hindi na kasal si Cathy."
Pinag ooverthink niya 'ko.
"Edi bumalik siya roon. Kung hindi siya kuntento sa'kin at hindi siya willing mag hintay hindi ko siya hahabulin o pag aaksayahan ng oras."
Napa ngiwi siya sa'kin.
"Handa kang tumandang dalaga?"
"Para namang hahayaan ako ng organization na tumandang dalaga?"
"Tatanggapin mo ang ibibigay ng organization sa'yo?"-Raffy
Dipende.
"Pwede naman."
"Sige na sige, panalo ka na. Ang galing mo talagang lumusot."
Palusot ba 'yon?
Totoo naman lahat 'yon.
"Tsk, hindi pa ako handa sa gano'ng bagay. Tama na 'yong nag tapat ako."
"Kelan ka magiging ready? Kapag nawala na siya sa'yo? Nakalimutan mo bang gusto na rin siya ipakasal ng magulang sa iba gaya ng ginawa nila sa kuya niya? Sa'yo lahat galing 'to, bakit kailangan kong ipaalala sa'yo?"
Nahihilo ako sa sinasabi niya.
Napahikab ako.
"Tama na 'yang pag iisip mo. Hindi pa tamang oras para sa bagay na 'yan."
"At kelan ang tamang-"
"Sabing tumigil ka na."
Gigil na sambit ko.
"O-ok. Calm down."
Ang daming back up question eh.
"Pero kung ako sa'yo atleast gave him a security na panghahawakan niya para kapag ready ka na nandiyan pa rin siya at para ganahan siyang mag hintay sa'yo. Hindi siya mawawala sa'yo kung gagawin mo 'yon."
Inaanalyze ko ang mga sinasabi niya.
"Pagiging selfish ang gusto mong gawin ko. Hahayaan ko siyang tumingin sa iba-"
"Baliw ka ba?!"-Raffy
"Tsk! Kung titingin siya sa iba ibig sabihin hindi siya para sa'kin at magiging sakit ko lang siya sa ulo. Tama na 'yong sakit lang siya sa ulo dahil sa bangayan namin."
Sinabi na kasing tumigil na siya. Tss!
"Sabihin mo sa'kin kapag naka hanap siya ng iba habang nasa Mutual Understanding stage kayo. Babaliin ko buto niya."
Nag approved sign ako.
"Great."
"Anong ginagawa niyo?"
Sabay kaming napa tingin kay Chelsea at Pula na nasa harap na namin ngayon.
"Babe."
Kumaway ng naiilang si Raffy.
Ano 'yan? Kelan pa siya nailang ng ganyan?
"Patingin nga."
Pinaharap ako ni Pula sa kaniya.
Kinapa niya ang noo ko pati na ang noo niya.
Oo nga pala, yung may peanut na ice cream.
Inalis ko ang kamay niya.
"Huwag ka ngang hawak nang hawak."
"Tsk!"-Pula
Tas binalik niya ulit ang kamay niya sa noo namin pareho tapos sa leeg ko naman.
"Mainit ka-"
"Dahil buhay ako."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Doon ka na sa kotse niyo mag pahinga. Tara na."
Hinila niya ako.
Lintek! Puro nalang hila!
"Kaya kong mag lakad."
Reklamo ko sa kaniya.
Binitawan naman niya ako.
Wala na pala sa pwesto namin ang mga kasama namin, nasa kotse na ata ko nasa labas.
"Usap tayo."-Pula
Kinabahan ako sa tono niya.
"Nag uusap na tayo."
Napa buntong hininga siya.
Ano bang ginagawa namin? Nag uusap naman kami ah? Ano pang gusto niya?
"Tsk! Sumunod ka."
Nag lakad na ako palabas at sumunod naman siya.
Dumiretso ako sa Van.
"Master!"-Jigs
"Bakit-"-Nemi
"Labas muna, may pag uusapan kami ni Pula."
Lahat ng atensyon nila ay napunta sa'min.
"Bakit kailangan pang istorbohin sila?"-Pula
"Labas na dali."-Tyro
Wala nang nag tanong sa kanila at nag silabas na sila.
"Pasok."
Utos ko sa kaniya.
Napapa iling nalang siya at saka pumasok.
Pumasok na rin ako at sinara ang pinto.
Napa tingin kami sa driver seat kasi nandoon pala si Drei.
"Anong ginagawa mo rito? Pinalabas ko na kayo diba?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Eto na, lalabas na."
Ligalig ng mga lahi amp.
Binuksan niya ang pinto at lumabas.
"Ano?"
Tanong ko sa kaniya.
Nasa pangalawang row ako habang nasa pangatlo siya.
Hinilot ko ang sentido ko. Umiepekto na sa'kin ang peanut na 'yon.
Bwiset!
"K-kasi-"
Nauutal siya?
"Sabihin mo, direct to the point."
"Alam mo namang gusto kita diba?"
Oh?
Bakit kailangan niyang ulitin?
"Tapos?"
"K-kasi-"
Napa kunot noo ako at saka lumingon sa likod para tingnan siya.
"Hoy? Nababaliw ka na ba? Ba't na uutal ka?"
"Gusto mo ba si Ryker?"
Lumambot ang ekspresyon ko sa tanong niya.
Alam niya palang may something si Ryker sa'kin.
"Anong klaseng tanong 'yan."
Naiinis na nag "Tsk!" siya.
"I direct mo rin ang sagot mo. Unfair ka."
Common sense na 'yon.
"I only have one soul."
"Ha?"
Namumula siya.
"Ni hindi ko nga alam kung paano kita nagustuhan sa sobrang dami ng ginagawa ko tapos tingin mo pa mag dadagdag pa ako ng isang isipin? Magkaroon ka ng hektaryang common sense kung gusto mong mag tagal sa'kin."
Lalo lang sumasakit ulo ko sa kababawan niya.
"Komplikadong pag usapan ang feelings kaya hindi lahat madadaan mo sa common sense. So? Hindi mo gusto si Ryker?"
"Paulit ulit? Hindi nga."
Para siyang bakla kausap. Nakakainis!
"Raya."
"Bakit?"
"Gusto kitang maging girlfriend."
*DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG*
Napa talikod ako at sandal sa upuan.
Bwiset! Ang kapal ng mukha niyang pa dagundungin ng ganito ang dibdib ko.
"Raya."
Tawag niya sa'kin
"A-alam mo na ang sagot diyan."
Pinag usapan na namin sa room 'yan.
"Na hindi ka pa ready? Ok nandoon na 'ko sa hindi ka ready, pero kelan ka magiging ready? O magiging ready ka ba talaga?"
Pareho sila ng tanong no Raffy. Big deal nga talaga 'to dahil dalawa na ang nag tatanong ng exact question.
"Nag mamadali ka?"
"Hindi-"
"Kung hindi ka marunong mag hintay malaya kang lumayo sa'kin."
Marami pa akong dapat gawin.
Ayokong sisihin siya ng mga taong nakapaligid sa'min kapag may kapalpakan akong nagawa kahit wala siyang kinalaman doon.
"Lagi akong nag hihintay sa'yo Crenz."
"Sinusumbat mo?"
"Pwede bang patapusin mo muna 'ko?"
May inis na tanong niya.
Nanahimik nalang ako.
"Ikaw ang laging walang kasiguraduhan sa'tin. Umaalis ka kung kelan mo gusto tapos babalik ka ng parang walang nangyari. Lagi kitang hinihintay at hindi ako nanunumbat pero isipin mong nag aalala ako lalo kapag umaalis ka papunta sa iba't ibang assignment mo, natatakot ako na masaktan ka or worst bumalik ka sa'min na wala nang hininga."
Gano'n ako ka kumplikadong tao kaya kailangan niyang masanay at laging mag handa kung ako ang gusto niya.
"Anong gusto mong iparating?"
Naguguluhan ako sa gustong niyang ipahiwatig.
"Inaalam ko kung kasama na ba ako sa mga plano mo mamaya, bukas, sa susunod na araw or sa future."
*Gulp*
Hindi ko pa 'yon na isip.
Naaappreciate at gusto ko lang siya pero ang isipin ang gagawin ko sa mga susunod na sandali na kasama siya ay wala pa sa isip ko.
Gusto ko lang safe siya, iyon lang.
"Crenz Yara."
Untag niya sa'kin.
"Sinabi ko lang na gusto kita Liphyo pero hindi ibig sabihin no'n gusto kong maging tayo."
Napa hawak ako sa noo ko.
Tama ba 'tong sinasabi ko?
Hindi ko ba 'to pag sisisihan?
"Now I get it. Pfft.. ang tanga ko talaga."
Tumayo siya at lumabas ng van.
Mariin akong napa pikit dahil sa engkwentro namin at pati na rin sa sakit ng ulo ko.
"So ano? Kayo na?"
Tanong ni Raffy habang ang ganda ng ngiti.
"Huwag mo akong simulan Raffy."
Nag bago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Bakit?"
Dalawa sila ni Hans ang naka dungaw ngayon dito sa van.
"He looks so happy so akala ko kayo na."
Magaling lang talaga siya mag tago ng nararamdaman niya. Forte na ata niya 'yan.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko.
"Mag hotel muna tayo ngayon. Bukas na tayo umuwi."
Seryosong sabi ni Hans at saka umalis sa tabi ni Raffy.
"Gusto mo ng kausap?"-Raffy
"Gusto ko matulog."
Mabilis siyang tumango.
"Palilipatin ko si Sandra at Hans ng sasakyan."
"Bakit?"
"Papalit kami ni Darrin doon. Sa ganiyang sitwasyon mo alam mong dapat lang na makinig ka sa'kin."
Pero nag aalala pa rin ako kay Sandra.
"Nag aalala rin ako kay Chelsea."
Dugtong niya.
Pag sasamahin niya dito sa van si Chelsea at Sandra.
Tumango nalang din ako.
Lumabas na ako. Aalalayan niya sana ako pero sinamaan ko siya ng tingin.
Pag labas ko ay nandoon na si Darrin at Cess.
"May sakit ka raw ate?"
Agad niyang sinalat ang leeg ko.
"Ok lang ako."
*Cough*
Sinamaan niya ng tingin si Raffy.
"Huwag ka sa'kin magalit- oo na kasalanan ko na."-Raffy
Pfft!
Nilagay ko sa ulo ni Darrin ang kamay ko at saka yumuko para pantayan siya.
"Mag iingat ka sa technique na ginagawa mo sa pag langoy mo, ang galing mo kanina. Ayos lang ako, konting pahinga lang 'to, huwag mo na awayin si Raffy."
Nginitian ko siya nang konti.
"Pasok na tayo, inaapoy ka na ng lagnat."
Bulong niya sa'kin.
Umayos ako ng tayo tapos nakita ko si Pula ng may pag aalala sa itsura niya. Nag iwas lang ako ng tingin.
"Pasok na."
Binuksan ni Ryker ang pinto ng backseat.
"Sa passenger seat ka Dada."-Raffy
Nauna na akong pumasok pero si Raffy ay may kinuha muna sa van bago pumasok sa kotse.
"Wear this."
Pinasuot niya ako ng jacket.
"Lean here while I'm examining your pulse."
Tapik niya sa sarili niyang balikat.
Nasira ko ang masayang araw ng lahat dahil sa biglaang nangyari.
Hindi nga talaga lason ang papatay sa'kin kundi walnuts or peanuts.
HANDRIKO'S POV
Pag baba namin sa hotel ay nag paiwan ako para hintayin si Liphyo.
"Liphyo."
Tawag ko sa kaniya.
Lahat ng kasama namin ay umakyat na sa taas at kami nalang ang nasa parking lot.
"Bakit?"
Parang ang tamlay tamlay niya.
"May ginawa ka ba kay Crenz?"
Nangunot ang noo niya.
"Ano namang gagawin ko sa kaniya?"
"Wala ba?"
"Wala, sinabi niya lang sa'kin na gusto niya lang ako pero hindi niya ako gustong maging boyfriend."
Nawala lahat ng inis ko sa kaniya.
Mukhang si Crenz pa nga ang may ginawa sa kaniya which is parang mas malapit nga sa katotohanan.
"Naiintindihan mo ba siya?"
"Hindi."
"May mga dahilan siya kaya ayaw pa niya. Alam mo namang hindi lahat ng gusto natin pwede nating I pursue, gaya no'ng nangyari sa'yo at nung first love mo. Hindi mo siya nakuha dahil may dahilan ka at marunong kang mag paubaya, tanda lang 'yon na mabait ka."
Kailangan ko siyang pag sabihan dahil kapag huminto siya ngayong gusto na siya ni Crenz pareho na silang masasaktan at mas magiging mabigat kay Crenz ang lahat.
"Paano kung umaasa lang talaga ako sa wala?"
"Tsk! Huwag ka kasing umasa, gawin mo lang nang gawin ang kaya mong gawin kung totoo ka talaga sa kaniya. First time niya 'tong naramdaman at ang pag tanggap palang na nagustuhan ka niya ay mahirap na para sa kaniyang malaman paano pa kaya ang ibang bagay na hindi pa pamilyar sa kaniya?"
Mukha nga talagang may nasabi si Crenz sa kaniyang sobrang nag papasakit sa kaniya ngayon.
"Bro, ikaw na nunuyo kaya wala kang choice kundi ang tanggapin 'yon kung gusto mo talaga siya, lahat ng bagay may tamang oras. Nakabalik na si Crenz sa pamilya niya kaya mas malaki ang pasanin niya ngayon. Kung titigil ka rin ngayong gusto ka na niya, gawin mo ng maaga para makapag move on na siya, huwag mo nang patagalin pa."
Maiintindihan ko siya kung hihinto siya ngayon.
"Kaya ko siyang hintayin, natatakot lang akong hindi na bumalik ang hinihintay ko."
Nag taka ako.
"You mean mapunta sa iba si Crenz?"
Umiling siya.
"Mas gusto ko na yung mapunta siya sa iba kesa mawala siya sa mundo dahil sa mga mission na binigay ng org."
Napatanga ako.
Gano'n na siya kalalim mag isip?
Totoo naman 'yon pero hindi ko akalaing sa kaniya mismo manggagaling. Akala ko bata pa talaga siya mag isip na puro lovelife lang ang gustong atupagin.
"Babalik siya, kahit anong mangyari babalik siya."
Hindi kami papayag na mamatay lang si Crenz dahil sa mga mission na meron kami.
"Mag hihintay nalang ako at hindi na mag sasalita pa."
Tinapik ko ang balikat niya.
"That's a good choice."
"Kahit walang kasiguraduhan?"
Nag duda na naman siya.
Muntik na akong matawa.
"Lika nga may sikreto akong sasabihin sa'yo."
"Ha?"
Lumapit naman siya sa'kin.
"Sabi niya sa'kin noon na kapag gusto niya ang tao ay handa siyang manligaw, so na realize ko na hindi ang lalaki ang dapat mag tanong kung pwede nang maging sila kundi si Crenz mismo dahil nakay Crenz ang problema at ang kailangan lang gawin no'ng lalaki ay maging ready sa kahit anong pwedeng mangyari. Hindi ikaw ang mag tatanong ng mga bagay na 'yon kundi si Crenz kaya kailangan laging open arms ka lang sa pag alis at pag dating niya. Kahit umabot pa ng next next year ang mga tanong na hinihintay mo dapat ready ka lang lagi."
Napayuko siya.
"Huwag ka ngang pang hinaan diyan. Si Ryker nga na ilang taong nag hintay willing to wait pa rin eh. Lamang ka na sa mga nag kakagusto kay Crenz kaya huwag mo sayangin 'yon."
Tumango siya at ngumiti sa'kin.
"Kailangan mo ng malawak na pasensiya at pag unawa. Ginagawa rin niya ang best niya para maging karapat dapat sa'yo pero hindi niya napapansin na ginagawa niya 'yon. Random ang kilos niya kaya naguguluhan kayo pareho."
Kelan pa ako naging love guru?
Love life ko nga wala nang usad.
"Gagawin ko."
"Malas mo pag pinakawalan mo siya. Hirap siyang maka develop ng feelings sa iba kaya malabong ipag palit ka no'n sa kung sino sino lang. Si Ryker nga nakababata at stable na hindi nagustuhan eh, aminin na nating standard si Ryker ng gugustuhin ng mga babae pero dahil nga kakaiba si Crenz gusto pa ata no'n ng thrilling relationship."
Na iimagine ko na.
Sobrang gulo nila kung nag kataon.
"Mukha na." Natatawang tugon niya.
Inakbayan ko siya.
"Tara bro. Mag kakasundo tayo sa maraming bagay basta huwag ka lang mag papakasal nang hindi ko alam."
Natawa kami pareho.
Windang na windang talaga ako nang maka pasok kami sa kwartong 'yon. Ikakasal siya nang hindi ko alam? Ibibigti ako ni Mr. Tan kung natuloy yung kasal na 'yon.