THIRD PERSON'S POV
*FLASHBACK*
Para kay Crenz ay buhay niya ang buong pamilya niya kaya gagawin niya ang lahat para hindi sila masaktan o mapahamak ng organization na meron sila.
Sinasanay ang bata niyang katawan sa bukid kung saan walang makikialam sa pag sasanay nila.
Pitong taon lang sila Crenz nang tanungin sila ng isang matanda kung sino ba ni Crescia na maging key holder ng organization. Ang pagiging key holder ng organization ay may kalakip na malaking responsibilidad at dapat lang na mang galing 'yon sa Ace deck at sa isang babaeng anak para ang magiging anak niya ang susunod na key holder para sa organization.
Alam ni Crenz ang mga posibleng mangyari kapag naging key holder si Crescia at alam na alam niyang mahihirapan si Crescia. Kahit bata pa siya ay alam niyang may malaking responsibilidad siyang inako kapalit ng kalayaan ng kambal niya sa pag pili ng mga gusto niyang kunin o tahakin sa hinaharap.
Matalino si Crescia pero bata pa ang pag iisip nito para intindihin ang mga inakong responsibilidad ni Crenz kaya ipinag sawalang bahala nalang niya 'yon.
"Creya, anong gusto mo pag tanda natin?"
Kapwa silang naka higa sa iisang kama habang nakatingin sa kisame.
Hindi kumibo si Crenz dahil hindi niya talaga ugaling mag sasa salita at saka pumikit siya.
"Gusto ko sa magiging trabaho mo tutulungan kita. Pag laki natin lagi lang akong didikit sa'yo tapos itataboy ko lahat ng mag kakagusto sa'yo -"
"Matulog ka na."
Yumakap sa kaniya ang kapatid niya.
"Galit ka pa rin? Sorry na kung pinagalitan ka nila Grandpa no'ng nahulog ako sa puno."
Nag karoon si Crescia ng mahabang gasgas malapit sa pala pulsuhan niya at nakita ni Crenz na nahulog ang kapatid niya at may dugo sa ulo at kamay pero wala siyang magawa kaya sinisisi niya ang sarili niya kung bakit noong mga oras na 'yon ay wala siyang magawa, kahit manlang sana tumakbo siya o sumigaw para humingi ng tulong. Buti nalang talaga at may batang pumasok sa bakuran nila at siyang humingi ng tulong para saklulohan ang walang malay na si Crescia.
Pinagalitan si Crenz ng Papa niya dahil sa ginawa niyang pag tunganga lang noon pero sa loob loob ni Crenz ay gulat na gulat pa rin siya at madalas bangungutin sa mga tagpong 'yon.
"Sige na Creya, sabihin mo sa'kin kung anong gusto mo pag laki mo."
"Humanap ka ng bagay na gusto mo at huwag kang bumase sa gusto ko."-Crenz
"You're so grumpy. I told you I want to help you and always stay by your side. Ikaw lang ang gusto kong poprotekta sa'kin. Gusto ko walang sekreto para hindi tayo nagugulat sa mga nangyayari, like when Grandma die, she hides her illness and pretend to be fine but later on she became terminally ill that leads to her death, I don't want something like that to happen to us."
Sumiksik sa kaniya ang kapatid niya na natatakot na mangyari muli iyon.
"Huwag mong babanggitin 'yan kay Grandpa, lalong lalo na sa bago niyang asawa."-Crenz
Tumango ang kapatid niya bilang tugon.
Doon nabuo sa isip ni Crenz na gusto niyang maging Doctor para pangalagaan ang kalusugan ng mga mahal niya sa buhay. Naiisip niya na 'yon noong nahulog si Crescia sa puno na kung sana Doctor nalang ang naka kita kaagad sa kapatid niya ay tutulungan niya agad 'yon.
"Ano nga ang gusto mo?"
Matagal pa bago sumagot si Crenz.
"Doctor."-Crenz
"Really?!"-Crescia
Nanlaki ang mata ni Crenz sa pag sigaw ni Crescia kaya agad niya 'yong tinakpan.
Biglang bumukas ang pinto na naging dahilan para mabilis silang mag tulug-tulugan.
"I just heard a voice here eh?"
Sabi ng Papa nila at saka sinara muli ang pinto.
Nag dilat ang dalawa.
"Huwag kang maingay."
Saway ni Crenz sa kaniya.
"Mag Doctor ka tapos ako mag jajanitor hehehe.."
Kunot noong tumingin siya sa kapatid niya.
"Ang taas ng pangarap mo ah."
Sarkastikong tugon ni Crenz na ikina hagikhik ni Crescia.
"Kasi pwede akong mag linis malapit sa'yo."
"Puro ka kalokohan."
Tumawa nang mahina ang kambal niya habang siya ay napapangiti lang sa kalokohan ng kambal niya.
"Ayokong mag training bukas Creya, anong gagawin ko?"
Kahit mas mahirap ang training na ginagawa ni Crenz ay hindi niya pinapa alam sa kambal niya ang mga nangyayari sa kaniya.
"Gusto mong umalis bukas?"-Crenz
"Sige, tara. Saan tayo?"-Crescia
Pareho sila ngayong nasa probinsya dahil nag eensayo sila pero bukod si Crenz ng pinag eensayuhan.
"Basta."
Kinabukasan tumakas nga sila at nag tungo sila sa imabakan ng mga wine para uminom doon.
"Gusto ko tikman!"-Crescia
"Shh.. huwag ka masyadong maingay."
Tumingin tingin pa si Crenz sa labas bago niya sinara ang pinto.
"Saan ka pala galing noong nakaraan? Nawala ka ng dalawang araw, wala tuloy akong katabi matulog."-Crescia
Kumuha ng alak si Crenz.
"Nakatulog lang ako sa kalsada sa sobrang pagod tapos may tumulong sa'kin, dinala ako sa kabilang baryo."-Crenz
Hindi niya gustong sabihing sobra siyang pinahihirapan ng mga nag titrain sa kaniya.
"Iyon lang? Bakit hindi ka umuwi agad?"
"Syempre, para tumakas sa training."
Hindi niya rin gustong ipaalam na wala pa rin siyang malay noong mga panahong 'yon dahil alam niyang kayang kaya ni Crescia na sugurin at sagot sagutin ang pamilya nila para kay Crenz kahit pa mga bata pa sila.
"Dapat umuwi ka nalang agad, nakakatakot mag isa sa kwarto."
Nag lagay sa baso si Crenz ng alak at pinuno niya.
"Sige, gagawin ko sa susunod."-Crenz
Saka ibinigay sa kambal niya ang baso.
"Cheers."
Bulong ni Crescia
"Cheers."-Crenz
Hanggang sa nakaubos sila ng tatlong bote ng wine at uminom pa sila no'ng naka stock doon na tuba na nag mumula sa mga puno ng buko.
"Nahihilo na ako Creya."-Crescia
Mapupungay na pareho ang mata nila.
"Teka, dito ka lang ah. Naiihi lang ako *hik* "-Crenz
Pag labas ni Crenz ay binuhat niya ang nakita niyang gas at nag tungo sa dulong bahagi ng palayan at ibinuhos ang gas.
Pista ngayon sa kabilang baryo nila at lahat nag diriwang kaya walang mga tao gaano roon.
Nakangiti siyang bumalik kay Crescia na nag tatakang ngayon ng bote para simutin ang nasa loob no'n.
"Bweket eng tegel mo, he?"-Crescia
Binaba ni Crenz ang bote kahit hilong hilo at saka niya hinila ang kapatid niya palabas para simulan ang pinaplano niya.
"Teka, nahehelo ako Creya."
Pero nag tungo lang sila sa palayan at saka nag labas ng lighter si Crenz.
"Alam mo ba? Mababait ang mga tao sa kabilang baryo. Inalagaan nila ako, pinakain at binigyan nila ako ng masisilungan, pero yung masisilungan na 'yon ay may butas kaya gusto kong tulungan silang-"
Nawalan na ng balanse si Crenz dahil sa sobrang pagkahilo niya.
"Uy, tayo diyan."
Sinubukan siyang itayo ni Crescia pero hindi niya rin magawa dahil sa hilo.
"Gusto kong palitan ang bahay nila. Gusto mo rin 'yon diba? Sayang naman ang pera ng organization kung hindi natin gagastusin hehehe..."-Crenz
"Shege gawen naten."-Crescia
Sinubukang tumayo ni Crenz pero natutumba pa rin siya at parang sumisirko ang tyan niya kaya siya nasusuka.
"Uy."-Crescia
Hindi niya matulungan si Crenz kaya kumuha nalang siya ng sako sa gilid ng palayan na kinalalagyan ng mga binibilad na palay at saka yumuko si Crescia para mag paalam sa mga palay.
"Pasensya na kayo, hindi ko mabuhat ang kapatid ko *bow* pasensiya na."
Pasuray suray na bumalik si Crescia sa kapatid niyang nag sasalita mag isa.
"Higa ka na rito. Hihilain kita hanggang kay Dada tapos mag laro tayo hehe..."
Pinahiga nga niya si Crenz sa sako at hinila ang sako habang si Crenz naman ay nakangiting nakatingin sa apoy ng lighter at saka 'yon-
*Plogsh*
-Tinapon
Mabilis na kumalat ang apoy sa palayan dahil na rin sa tulong ng gas na sinaboy ni Crenz doon.
Prente lang na hinihila ni Crescia ang kapatid at hindi inalintana ang apoy na nasa may likurang bahagi niya.
Ligtas na nakarating sila sa patag at hila pa rin ni Crescia si Crenz pa akyat ng bahay nila.
"B-bern?! Yara!"
Mabilis na dinaluhan sila ni Mr. Tan at gano'n din ang mga batang sina Axel, Drei at Arya
Matapos nilang tingnan ang kambal ay nagulat din sila nang makitang nasusunog ang palayan.
"May shunog doon."-Crescia
"Juskopomaryosep!"
Gulat na bulaslas ng Ina ni Darrin habang nakikita ang palayan na nasusunog at mabilis na kumakalat ang apoy dahil na rin sa tulong ng init ng araw.
Nakangiting pikit na tumawa si Crescia at saka humiga sa tabi ng kapatid niyang tulog na ngayon at niyakap 'to.
"Tulong sila?"-Arya
"Hilain nalang din natin papasok."-Drei
Pinalibutan ng mga batang lalaki sila Crenz at saka napag kasunduang hilain ang sako na kinahihigaan ng kambal habang sila Mr. Tan ay inaasikaso ang sunog na mabilis na kumalat hanggang sa kabilang baryo.
"Buhay pa sila?"-Arya
"Hindi sila pwedeng mamatay."-Drei
"Humihinga pa sila."-Axel
"Ka amoy nila si Daddy kapag umiinom siya."-Drei
Inamoy nila ang kambal at napag tanto nga nilang nakainom ang dalawa.
Ang ilan sa mga tauhan ng organization ay tinulungan ang kambal at ang iba naman ay tumulong sa pag apula ng sunog.
Unang nagising si Crenz at sandamakmak na sermon ang natanggap niya sa Tatay niya habang ang ina niya ay walang kibo at pinupunasan lang ang kapatid niyang tulog pa rin.
Pinarusahan siya at inako na rin niya ang parusang para kay Crescia.
Sobrang importante ni Crescia para sa kaniya kaya lahat ay gagawin niya para sa kapatid.
Dalawang taon pa ang lumipas nang mangyari ang pag tangay kina Arya na naging dahilan para mamatay si Alexander Vermon.
Matapos siyang pag bawalan ng pamilya niya na pumunta sa burol at libing ng binata ay binalik siya sa mansyon kung saan niya narinig ang usapan ng Mama at Papa niya tungkol sa totoong Ama nilang kambal.
Hindi siya naniwala noong una pero nang minsan siyang mag halungkat sa mga larawan ng yumao niyang Lola ay doon nga niya nakita na may kambal pa ang tinuturing niyang Ama ngayon at nakumpirma niya ang kaugnayan no'ng lalaki sa litrato at sa Ina niya nang makita niya ang litrato ng dalawa na nakatingin sa Ina niya ang lalaking may hawig sa Ama niya.
May address na nakalagay sa ilalim ng study table at naka lagay doon ang pangalan ng lalaking narinig niyang pinag uusapan ng magulang niya noon.
Hinanap niya si Chris at natagpuan naman niya 'to. Madalas na niyang puntahan si Chris nang mahanap niya 'to.
Hindi siya maka hanap ng tamang tyempo para sabihin kay Crescia ang nalaman niya hanggang sa lumipas pa ang limang taon.
Nag kagulo sa study room ni Craig dahil sa nalaman nila. Nabuntis ang nanay ni Crenz at Crescia na hindi si Craig ang ama.
Hindi ni minsan nag sama sa iisang kwarto ang nanay ni Crenz at tatay nila Cedric.
Kaya lang sila naging mag asawa at dahil inako ni Craig ang responsibility ni Chris na hindi alam na nakabuntis pala siya. Lasing na lasing si Chris dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng Lola ni Sandra kahit pa wala siyang kasalanan at noong oras na 'yon hindi niya alam na nandoon si Hailey at inaalalayan siya kahit tapos na sila. Si Chris mismo ang nakipag break sa kaniya dahil hirap din siya sa sitwasyon noon at ayaw niyang madamay si Hailey.
Mahina lang sa alak si Chris kaya mabilis siyang nalasing. Walang nagawa si Hailey kundi ang dalhin ito sa pinaka malapit na Inn dahil hindi niya pwedeng dalhin sa bahay ng pamilya nila. Bata palang si Chris ay may sarili na itong paninindigan kaya maaga siyang umalis sa poder ng magulang niya, si Craig kasi ay mas gustong sumunod sa magulang taliwas naman sa gusto niyang kambal niyang may pagka rebelde.
Pareho ang kambal na may gusto kay Hailey.
May pamilya na noon si Craig pero sa hindi malamang dahilan ay nag hiwalay sila ng asawa niya kaya nang nabuntis si Hailey ay inako na ni Craig ang responsibility ng kambal niya.
Nanganak si Hailey ng kambal at iyon nga sila Crenz.
Ngayon naman ay 14 years old na ang kambal at nalaman nilang buntis ang Ina nila. May boundary si Craig at Hailey na hindi talaga nalalakdawan ng kahit sino dahil sobra ang respeto ni Craig kay Hailey na kahit mag asawa sila ay hindi sila ni minsan nag tabi sa isang kama.
"Sino?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Craig.
Inosenteng napa tingin lang silang kambal sa nanay nila ngayong naluluha dahil sa hiya.
Apat lang silang nandoon sa study room ni Craig.
"Siya pa rin."-Hailey
"NAGKITA KAYO?! INULIT MO NA NAMAN ANG MALING NAGAWA MO NOON?!"-Craig
"Sorry."
Sa bar pa rin sila nag kita at hindi pa rin alam ni Chris na may nakaniig na naman siya.
Gustong maiyak ni Crenz pero pinigilan niya habang ang kapatid niya ay tahimik nang umiiyak.
"Alam mo ba kung gaano na kahigpit ang organization ngayon? Lalo na sating mga nasa matataas na katungkulan-"
"Ayokong sabihin mo kay Chris."
Nag kakagulo na sila.
Wala ang mga kuya nila at si Crenz lang ang nakakaalam na hindi nila tunay na ama ang nasa harap nila at ang nag palaki sa kanila.
"S-sino si Chris?"
Tanong ni Crescia
Doon lang sila natinag nang mag tanong na si Crescia.
"Bern, wag ngayon-"
Pigil niya sa kambal niya.
"No, I'm so clueless. Sino si Chris? Nabuntis ka, Ma pero iba ang tatay? Crenz? Bakit hindi ka nagugulat sa sinasabi nila?! Ako lang ba talaga ang walang naiintindihan rito?!"
Maging siya ay hindi alam ang sasabihin sa kapatid.
"H-he is your biological father."-Hailey
Hindi na nagulat si Crenz pero si Cresia gulong gulo na.
"Alam mo?"
Hinarap siya ng kambal niya
"Alam mo?!"
Sigaw nito kaya dahan dahan siyang tumango.
"Crenz? Alam mo kung sino si Chris?"
Takang tanong ng magulang niya ngayon.
"Kelan pa?"-Craig
"Four years ago."
Nakayukong sagot niya
"FOUR YEARS AGO?! HINDI MO MAN LANG SINABI SAKIN?! AKALA KO BA MAG KAKAMPI TAYO?!"
Sigaw ng kambal niya.
Hindi niya gustong mag lihim pero kasi baka hindi niya kayanin ang lihim na tinatago ng pamilya nila.
"Crescia, may dahilan ako."
"Why you're always like that? Sinasalo mo lang lahat ng hirap ng pamilyang 'to pati na ng org.
*Sobs* Akala mo ba na hindi ko alam na ako ang dahilan kung bakit pinapahirapan ka ng organization ngayon? Bakit ka ba ganiyan Ash? Bakit hindi mo ipakitang nahihirapan ka? Bakit sinasalo mo nalang lahat ng problema?! Gusto kong mag reklamo ka naman! Humingi ka ng tulong! Nagulat ka rin nang malaman mong iba ang biological father natin but you always just kept the burden to yourself!"
Gusto niyang patigilin ang kambal pero wala na siyang lakas ng loob.
Hindi niya gustong mang hingi ng tulong dahil ayaw niyang maging isa siya sa problema.
"Aksidente ko lang naman nalamang-"
"Kahit na! Lahat sinishare ko sa'yo para may alam ka sa'kin pero kahit sa kakambal mo nilalagyan mo ng boundary ang sarili mo."
Iyon lang ang alam na paraan ni Crenz para hindi siya makaapekto sa mga taong nakapaligid sa kaniya at para hindi siya sobrang masaktan.
"Crescia-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang lumabas ng kwarto ang kambal niya. Wala siyang nagawa kundi ang sundan 'yon.
Nang maabutan niya ang kambal niya ay sabay silang nasagasaan ng isang van. Hit and run ang nangyari.
Pareho silang walang malay.
Si Arya ang unang dumating sa lugar at nakita niya ang mga katawan sa sahig. Walang CCTV sa lugar.
Si Arya ang tumulong sa kanila nang dahil sa pag tatangka niyang kausapin na noon si Crenz tungkol sa nangyari noong mga lumipas na taon, pero iba ang naabutan niya.
RAFFY'S POV
Pag balik ko sa kwarto dala ang hot choco naabutan si si Crenz na parang may hinahanap sa nga kamay ni Crescia.
"What are you doing?"
Maingat kong ibinaba ang hawak ko at pinigilan siya sa ginagawa niya.
Marahas ko siyang hinawakan at pinaharap sa'kin.
"Nababaliw ka na na? Ano ba 'yang ginagawa mo?"
Mariing tanong ko sa kaniya.
"Bitaw!"
Iwinaksi niya ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kaniya.
"Ashariya!"
Singhal ko sa kaniya at saka siya hinila palayo sa kapatid niya.
Umiiyak siyang tumingin sa'kin kaya mas lalong natawa ako.
Niyakap ko siya nang mahigpit kahit hindi ko maintindihan kung ano na ang iniiyakan niya ngayon.
"Ano na ba ang ginagawa mo Crenz? Baka masaktan mo na si Crescia sa ginagawa mo."
*Sobs*
"H-hindi siya si Crescia."
Ano?
Hinarap ko siya dahil gulong gulo na ako sa nangyayari.
"Alam kong apektado ka pa rin pero hindi mo 'yan pwedeng sabihin."
Pinalayo niya ako habang umiiling siya.
"Alam ko ang buong katawan ni Crescia higit kanino man. Alam ko kung saan siya may mga pilat ng sugat-"
"Crenz! Hindi mo pwedeng idahilan 'yan. Nasa modernong panahon na tayo at marami nang nangyari habang wala tayo. Gaya ng ginawa ni Nina sa'yo baka gano'n din ang ginawa nila kay Crescia na hindi imposible lalo na't hospital 'to."
Ang tinutukoy ko ay ang mga pinapahid ni Nina kay Crenz simula noong dumating si Nina sa bahay niya para mawala ang mga pilat na meron siya mula sa mga daplis ng patalim at tama ng bala.
Umiling siya.
"Hindi mo naiintindihan. Matagal na nilang gustong alisin ang pilat na 'yon kay Crescia pero pinag bawalan sila ni Cresia. Hindi papakelaman nila M'Hailey ang pilat na 'yon kahit anong mangyari."
"Anong pilat ba 'yon?"
Lumapit kami pareho kay Crescia.
"Dito 'yon sa kaliwang kamay niya. Nakuha niya 'yon noong nahulog siya sa puno noong mga bata kami. Ayaw niyang ipatanggal 'yon kasi sabi niya palatandaan daw 'yon na first time may nagustuhan akong isang bagay sa future nang dahil sa kaniya."
Mukhang yung pangarap ni Crenz 'yon na maging Doctor ang tinutukoy niya.
Ako mismo ang umeksamina sa braso ni Crescia.
Tama nga siya at wala roon.
"Wala nga."
Nakita ko na rin 'yon noon sa braso ni Crescia dahil visible talaga 'yon kapag nilahad ni Crescia ang kamay niya.
Tiningnan pa ni Crenz ang bandang panga ni Crescia.
"Hindi 'to si Crescia."
Pinaleng pahayag ni Crenz.
"Baka nag kakamali ka lang-"
"Nag karoon siya ng nunal sa may panga dahil aksidente ko siyang natusok ng lapis noon."
Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.
*Doors open*
Mabilis na hinarang ko ang sarili ko nang marinig ko ang pag bukas ng pinto sa may CR ng kwartong 'to.
"Y-yeah, s-she's not me."
Nag tayuan ang balahibo ko sa katawan nang makilala ang nag salita.
"B-bern."
Bulong ko.
Naramdaman ko nalang ang pag danggi sa'kin ni Crenz nang takbuhin niya ang kapatid niya at niyakap 'yon.
Para akong nakakakita ng multo sa pag babalik ni Crescia.
Hindi, hindi ito oras para sa reunion.
Kung hindi si Crescia itong nasa coma, sino siya?
Tumingin ako sa taong naka higa. Kamukhang kamukha siya si Crescia.
"Pfft.. hindi ako makahinga Iya."
*Pak*
Gulat akong tumingin sa dalawa nang marinig ko ang lagatok na 'yon.
Hinampas ni Crenz si Crescia.
"Nagagawa mo pang tumawa?! *Sob*"
Natigilan si Crenz sa ginawa niya at tiningnan ang kamay ni Crescia at nakita niya muli ang pilat na hinahanap niya pati na ang bandang panga ng kapatid. Nang ma satisfied siya sa hinahanap niya ay pinatalikod niya ang kapatid niya at tiningnan ang kabuohan kung ayos lang ba 'to.
"A-ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?"
Nag aalalang tanong ni Crenz.
Ibang iba talaga si Crenz kapag si Crescia ang kaharap niya. Sobra sobra ang pag aalala niya kapag siya na ang pinag uusapan.
"Walang masakit sa'kin."
Hinila niya si Crenz ay lumapit sa'min.
"Hi, Rafflesia."
Ngumiti ako.
"Hello. Hindi ko alam kung panaginip 'to o hindi pero natutuwa akong bumalik ka na."
Hindi rin talaga ako sigurado kung totoo 'to.
"Lagi lang akong nasa tabi niyo nang hindi niyo nalalaman. From Switzerland where you both live for 3 years and up until this time."
Gulong gulo ako pero isa lang ibig niyang sabihin, alam niya ang lahat ng nangyayari sa'min.
"Then, who is she?"-Crenz
Tumingin kami sa babaeng naka higa.
Narinig ko ang pag buntong hininga ni Crescia.
"She's Chailey."
Chailey?
"Sino nga siya? Bakit siya nandiyan at bakit kamukhang kamukha mo siya? Espiya ba siya?"-Crenz
"Hindi."
Malungkot na tugon ni Crescia.
"Bern-"-Crenz
"She's our sister."
A-ano?
(((;ꏿ_ꏿ;)))
Sister?
"Ano bang sinasabi mo? Anong sister? Anong-"
Gulong gulo si Crenz
"Tatlo tayong pinanganak ni Mommy nang sabay. Una kang lumabas at sumunod ako. Hindi kinaya ni Mommy ang panganganak kaya nahimatay siya. May isa pang baby sa loob kaya nag CS sila para kunin ang bata pero pag labas ng bata ay hindi 'yon umiyak kahit anong gawin nila hanggang sa tumigil ang pag hinga ng bata. Dineclare ang time of death ng bata at hindi na ipinaalam sa magulang ang nangyari dahil ang inexpect lang naman nila ay dalawang bata lang lalabas. No'ng inaayos na ang bata papunta sa morgue ay nag bago ang kulay niya at- at umiyak siya."
Tumulo ang luha ni Crescia na mabilis niyang pinahid.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa kinukwento niya.
"Then? Sino ang naka kita?"-Crenz
"Yung attending Doctor ni Mommy. Si Doc Mary."
Tigalgal kami pareho ni Crenz.
Sobrang laki ng tiwala ni Tita Hailey kay Doc Mary at isa rin siya sa mga Doctor na tinitingala namin. Family Doctor din siya ng mga Acer kaya paano niya nagawang itago itong si Chailey?
"Naguguluhan ako-"-Crenz
"Noong araw ng aksidente niligtas tayo ni Chailey kaya siya ngayon nagka ganiyan. Noong araw na 'yon nakipag talo rin siya sa Nanay nanayan niya nang hindi sinabi agad ni Doc Mary kung sino talaga siya. Pupuntahan niya sana tayo pero aksidente naman ang nakasangkutan niya nang dahil sa'tin."
Paulit ulit lang na pinahid ni Crescia ng pasimple ang mga luha niya.
"Paano mo nalaman 'yang mga 'yan?"-Crenz
"Hindi gaya ng pinsalang natamo niyo ang nangyari sa'kin. Sagilid ng van ako tinamaan dahil may humila sa'kin habang kayo ay sa gitna nang subukan ni Chailey protektahan ka sa paparating na van. Hindi ko rin kilala siya noong una pero nakita kong kamukhang kamukha ko siya. Nagising ako no'ng dumating si Arya at sinabing huwag na niya akong alalahanin at kayo ni Chailey ang unahin-"
"Wait? Alam ni Arya na maayos ang lagay mo?"-Crenz
Ang daming sekretong lumalantad ngayon.
"Alam niyo namang nawala rin si Arya 5 years ago at wala ring nakakaalam kung saan siya pumunta gaya niyo. Mag kasama kami noong mga panahong 'yon. Nag DNA testing kami at inalam ang katauhan ni Chailey at doon namin nalaman ang lahat. We interrogated Doc Mary too and we confirmed it."
"Then, bakit hindi ka bumalik?!"-Crenz
"Kapag nakita nilang tatlo na tayo ngayon doon pare pareho tayong mapapahamak lalo na si Mommy at Daddy. Maiimbestigahan tayo dahil alam mo namang mahigpit sila sa mga anak ng Acer. Pwedeng mapahamak isa sa pamilya natin dahil sa kapabayaan na ginawa nila no'ng lumabas si Chailey."
"May nag babago ba no'ng pinatagal mo? Gano'n pa rin naman ang kalalabasan ng lahat eh, maiimbestigahan pa rin sila M'Hailey."
Umiling si Crescia.
"Ang plano ko ay bumalik kapag kinasal na si Mommy at Papa Chris."
"Crescia! Hindi solusyon 'yon! Nagalit ka sa'kin no'ng hindi ko sinabing alam ko kung sino ang biological father natin pero inulit mo lang din ang mali at reason ko. Kahit man lang sana nilapitan mo ako para kausapin kung nasa paligid lang pala kita-"
"I can't. Gusto kong makita ka sa malayo na masaya habang pinupursue mo ang pangarap mo. Kapag lumapit ako sa'yo magiging source lang ako ng problema mo. Mali man ako sa pananaw mo pero para sa'kin tama ang naging desisyon ko."
Napailing ako sa usapan nila.
Para akong nanonood ng teleserye.
Pareho nilang hindi gustong pahirapan ang isa't isa na naiintindihan ko naman dahil komplikado nga naman ang lagay at estado ng pamilya nila.
"Pipigilan ko na kayong dalawa. Naririnig kayo ng kapatid niyo kaya huwag kayong mag talo sa harap niya."
"Kailangan ko nang umali-"-Crescia
"Sa'n ka pupunta? Hindi na ako papayag na lumayo ka pa sa'kin."-Crenz
Mahigpit na hinawakan ni Crenz ang pulsuhan ni Crescia.
"Pero-"
"Ipapaalam natin kina M'Hailey ang nangyayari."
Hinila ni Crenz si Crescia palabas ng kwarto at sumunod lang ako sa kanila.
Mukhang gulat na gulat naman ang mga gwardiya dahil tatlo kaming lumabas ngayon sa kwarto.
"Kasama namin siya. Ayusin niyo ang pag babantay dito. Tawagan niyo lang ako kapag may kakaibang nangyari rito."
"Opo"
Mabilis silang yumuko bilang pag galang ay gano'n din ang ginawa ko saka hinabol yung dalawa.
"Pasok."
Binuksan ni Crenz ang backseat para sa kapatid.
"Ashariya, hindi pa ako handa-"
"Pasok!"-Crenz
Gulat na pumasok si Crescia sa sigaw ni Crenz. Pag pasok niya ay pumasok na rin si Crenz sa tabi ng kapatid niya.
"Great, mukhang taxi driver pa nga ako no'ng dalawa."
Iling iling ko at pumasok sa driver seat.
Habang nasa byahe kami papunta sa bahay nila ay walang tigil ang bibig ni Crenz kaka sermon sa kapatid niya. Ngayon ko lang narinig si Crenz na maging ganito. Mas lalong nag iingay si Crenz kapag sinasagot siya ni Crescia, hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
"Labas."-Crenz
"Ayoko, hindi pa nga ako- uy!"
Hinila siya ni Crenz palabas.
"Yara, dahan dahan." Natatawang paalala ko sa kaniya.
Humarap siya sa'kin ng seryoso.
"Call every Acer family member. Now!"
Aligagang kinuha ko ang phone ko na muntik muntik pang mahulog.
Nag simula na akong tumawag habang hinihila ni Crenz si Crescia na nag pupumiglas dahil ayaw sumama.
"Haaay... Ang gulo gulo ng pamilya niyo."
Natatawang ani ko habang sinusundan ng tingin ang mag kapatid.
Balita ko rin ay under investigation pa rin ngayon si Tita Hailey at Tito Chris dahil kay Charrie but little did they know may isa pa silang anak na hindi nakikilala.
Grabe talaga parang pang Telenovela ang kwento nila.
Nag aasikaso na rin pala kami ni Nina ng wedding nila Tito Chris. Parang ang awkward naman kapag nag kita kami matapos ng nangyari kahapon.
LIPHYO'S POV
Hindi na naman siya pumasok. Akala ko naman papasok na siya dahil bumalik na siya.
"Diba bumalik na si Yara? Bakit hindi siya pumasok?"-Hans
"Bakit sa'kin mo hinahanap? 'diba bestfriend mo 'yon?"
Labo naman nitong si Hans.
"Hindi ko pa rin siya nakikita eh."
Tumunog ang phone niya, gano'n din ang phone ni Arya, Jigs at Sandra.
Kinabahan ako sa bagay na 'yon dahil iisa lang ang ibig sabihin ng sabay sabay na pag tunog ng cellphone nila.
Pati phone ko tumunog din.
"3 important things to tackle. 6pm, Raffy's place."-Hans
Tumingin siya sa'kin.
"Nakaka kuha ka na rin ng message galing kina Raffy?"-Hans
"Nagulat din ako."
Kasama ako sa pupunta roon.
Tumingin kami kina Arya.
"May alam kayo sa pag uusapan mamaya?"
Tanong ko.
"Pumunta nalang kayo, huwag na kayong mag tanong."-Arya
Bakit nag susungit na naman siya?
Ako naman ang umupo sa unahang upuan niya dahil ang taong nakaupo doon ay nasa labas at nag gagala.
"Di ka sasama?"
Inirapan niya ako.
"Ang hyper mo ngayon. Umalis ka nga sa harap ko."
Grabe, kaka aligid nila kay Raya nagiging kaugali na nila siya.
Umupo naman sa tawid na mesa si Hans at humarap kay Arya.
"May ka date ka kahapon diba? Dapat pinakilala mo man lang ako."-Hans
Oh? Nakikipag date na siya sa iba ngayon?
Akala ko ba si Hans ang gusto niya.
"Wala kang pake."-Arya
Nang aasar na tiningnan ko si Hans.
"Ibang lalaki na naman ang kasama ni Raffy kagabi."-Jigs
"Weh? Hindi ba 'yon yung nakaraang kasama niya."
Bago pala? Akala ko yung dati pa rin.
"Bumalik nga kayo sa mga pwesto niyo."
Singhal niya sa'min.
"Hoy hoy hoy... Anong ginagawa niyo rito?"
May dala nang tinapay si Sandra pag balik niya sa room kasama ang mga bago niyang kaibigan.
"Paalisin mo nga sila Sandra."-Arya
"Penge ako."
Kinagatan ko ang tinapay na hawak niya.
"Gross!"
Reklamo niya.
"Awrte mo. Kumakagat kagat ka nga basta basta sa pagkain ko eh."
Sabi ko habang ngumunguya.
Kinain pa rin naman niya 'yon.
Nag kwentuhan kami saglit at saka bumalik sa mga pwesto nang may teacher na.
After ng class ay nag nauna nang umuwi ang mga babae pero kami nag open hour pa kami sa computer shop para mag palipas oras.
"Ano? Handa na kayong matalo?"
Nag hahamong tanong ni Jigs sa'min nila Mike at Jhom.
"Huwag kang mag alala, lalampasuhin namin kayo."-Mike
Naka face mask si Mike kaya ayos lang. Si Austin kasi umuwi agad.
"Ang dami niyong sinasabi, start na."-Hans
Lumipas ang oras at sunod sunod ang panalo namin nila Mike. Madalas kaming mag cutting noon para makipag pustahan sa computer shop kaya gamay pa ng kamay ko ang keyboard at mouse.
"Oh paano ba 'yan? Panalo na naman kami."
Mayabang na asar ni Jhom.
"Paano pa kaya kapag nandito si Jerick baka mas lalo kayong nalampaso."-Mike
"Pasalamat kayo hindi pustahan."-Me
"Tyamba lang 'yon. "-Migs
"Wala kayong naipanalo tapos tyamba?"-Mike
"Game! Isa pa."-Jigs
Wala talagang tatanggap ng pagkatalo sa kanila.
"SHOOT!"
Mabilis napatayo si Hans dahilan para gumulong palayo ang upuang gamit niya.
Nakuha niya ang atensyon ng ibang nandito sa loob.
"Bakit?"-Jigs
Mabilis na kinuha ni Hans ang bag niya at saka hinila ang kwelyo ng kambal patayo.
"Dali na, late na tayo!"
Nag tulakan pa sila sa pag tayo.
"Hoy siraulo kasama ka roon."
Hinila rin ni Hans ang kwelyo ko.
"Sa'n kayo pupunta-"
"Bayaran mo muna kami Jhom, balik ko ang bayad bukas."-Hans
"Teka-"-Jhom
Wala nang inaksayang segundo si Hans at hindi ko talaga alam kung paano niya kami nahila nang sabay sabay gayong dalawa lang ang palad niya.
Wala nang salisalita basta pinamadali niya kami.
"Mag ingat ka sa pag da drive, kinginaka, ayoko pang mapatay ni Crenz."-Hans
Tinawanan ko lang siya.
Pumasok sila sa kotse ni Hans at umalis na habang ako ay naka sunod lang sa likod nila.
Malapit lang ang building nila Raffy sa pinag computeran namin pero mag si 7 na.
Mabilis kaming nag park at takbo lakad ang ginawa namin para kang mabilis na makarating sa unit ni Raffy.
PRINCESS' POV
"NASA'N NA SILA?!"-Crenz
Gulat na umangat ang balikat ko sa sigaw niya.
"Nasa computer shop daw sila."-Ryker
Sinamaan ng tingin ni Crenz si Ryker dahil sa pag sagot nito. Pareho silang may pagka slow ni Ryker HAHAHA..
"Shut up Ryker, that's not what she mean."-Raffy
Mag kakatulong kami ngayon nila Darrin, Chelsea at Raffy sa pag luluto dito sa kusina habang si Tyro, Drei, Axel at Ryker nag lalaro sa cellphone nila.
"Bakit wala pa si Daniel? Busy ba sa mga sasakyan nila?"-Tyro
"Wala pa nga rin si Nina eh."-Nemi
"Hindi sila darating."-Crenz
Natigilan saglit sa pag lalaro si Tyro at mabilis ding bumalik.
"Why? Busy pa rin ba sa assignment niya?"-Tyro
"Assignment? Walang may assignment ngayon. Sabi ni Mr. Tan wala muna raw silang binigyan ng assignment ngayong buwan."
Sabad ko sa kanila.
"Totoo ba? Pero ilang linggo na siyang may katawagan sa phone niya. Baka special mission?"-Tyro
"Special mission my foot."
Bulong ni Crenz na rinig naman ng lahat dahil kulob ang bahay ni Raffy.
"Eh si Arya?"-Chelsea
"Oo nga, nasa'n si Arya?"-Raffy
"Arya my ass."-Crenz
"Crenz!/Yara!"
Saway nilang lahat sa kaniya.
"Nag away na naman ba kayo?"-Ryker
Hindi sumagot si Crenz at bumusangot lang.
*Ding dong*
Ayan na ata ang mga boys.
"Buksan mo Drei."-Axel
"In game ako."-Drei
"Baliw, pare pareho lang tayong in game. Mag kakasama lang kaya tayo."-Tyro
"Ako na."-Nemi
Ewan ko kung anong pinag gagagawa nila.
"Carrot?"
Nilapit sa'kin ni Darrin ang carrot na hawak niya. Hiwa na 'yon at may disenyo pa.
Kinain ko 'yon.
"Uuuy.. kayo na ba?"
Nang aasar na bulong sa'min ni Chelsea
"Oo nga? Kayo na?"-Raffy
Sabay na pinaharap ko ang mukha nila sa harap namin para mag focus nalang sila sa ginagawa nila.
"Mag luto kayo at huwag kayong chismosa."
Tinawanan sila ni Darrin.
"Here ate Raffy."
Pinakain din siya ni Darrin ng carrot at gano'n din kay Chelsea.
"Sorry late kami-"-Hans
"Luhod, taas ang kamay."-Crenz
Iyon agad ang bungad ni Crenz sa mga bagong dating.
"Master naman-"-Jigs
"Master-"
"Gawin niyo nalang, kapag umapila pa kayo dadagdagan niya ang parusa niyo."-Tyro
Pinag tatawanan namin ngayon ang mga bagong dating kasi mukhang mga nahihiya na sila.
Bumukas ang pinto at pumasok si Sandra at Yasy na magkasama dahil inutusan naming bumili ng ingredients sa malapit na mall.
"Anong meron dito?"-Yasy
Dumiretso sa'min si Sandra para ilapag ang plastic na dala niya.
"Anong meron?"-Sandra
"Late dumating kaya pinaparusahan.".
Naunang lumuhod si Hans kaya gano'n na rin ang ginawa no'ng tatlo.
"Alam niyo ba kung anong oras na?"
Walang sumagot sa kanila.
"TUMIGIL NGA KAYONG APAT SA PAG LALARO!"-Crenz
Gulat na nabitawan ni Raffy ang hawak niyang sandok saka huminga ng malalim at nag tanggal ng apron.
"Sa'n ka pupunta?"-Chelsea
"Try to tame the dragon."
Binaba ni Raffy ang apron at pumunta sa sala.
Parang maaamong tupang hininto nila Ryker ang pag lalaro.
"6 ang usapan tapos 7 kayo darating? TAAS!"-Crenz
Tumaas nga ang mga kamay nila.
"Nakaka awang Attienza."
Iling iling ni Nemi.
"Hoy, tumulong ka nalang dito."
Bulong ko sa kaniya.
Nag luluto kami ng chopsuey at menudo.
RAFFY'S POV
Lumapit ako kay Crenz at saka siya hinawakan sa balikat para paupuin.
"Tama na 'yan, kadarating lang nila. Pag pahingahin mo muna."
Nang maka upo siya ay nag cross arm at legs siya saka nangunot noo.
"Tumayo na kayo."
"Thanks, Raffy! Kelan ka pa naging saviour?"-Jigs
Anong saviour pinag sasasabi nito?
"Bakit ngayon kang kayo?"
Tumayo sila at umupo sa tabi ng mga lalaki.
"Nag computer kami-"-Migs
"Alam niyong may meeting tapos nag computer pa kayo?"
"Papalipas lang sana kami ng oras kaso itong si Hans laging talo kaya gustong bumawi kina Mike."
Turo ni Jigs kay Hans na gulat na gulat ngayon.
"Anong ako? *Pak* gago, ikaw yung gustong umisa pa diba?"
Haaaay nako, boys will always be boys.
"Sige na sige. Iurong niyo nalang ang lahat ng nasa sala kasi sa lapag tayo kakain. Linisan niyo rin ang sahig."
Utos ko sa kanila.
"Ibig sabihin hindi na kailangan ng table manners!"-Tyro
"Exciting!"-Jigs
"Sinasabi niyong table manners? Kahit naman nasa table kayo wala pa rin kayong manners."-Ryker
Nag tawanan ang karamihan sa'min dahil sa kalokohan nila.
"Kilos na."
Nag si kilos naman na sila saka ako humarap kay Crenz.
"Masyado kang highblood. Pumasok ka na bukas ah, masyado nang masaya ang mga teacher mo dahil 'di ka na pumapasok."
"Oo na."-Crenz
Bumalik ako kina Cess.
"Nawalan agad ako ng pwesto?"
"Di hamak namang mas masarap akong mag luto kesa sa'yo."-Nemi
Ginulo ko ang buhok niya.
"Uy wag."
Saway niya.
"Nandiyan yung crush niya kaya huwag mong sirain ang buhok niya."-Sandra
Lumawak ang ngiti ko.
Kalat na kalat na sa'ming mag kakaibigan ang pag kakaroon niya gusto kay Drei.
*Blush*-Nemi
"A-anong- hindi ah, huwag nga kayong issue."-Nemi
Haays! Ang cute niya.
Pinisil ko ang dalawang pisngi niya dahil na cucute an ako sa kaniya.
"Ah-"
"Cute mo. Hayaan mo, ilalakad kita sa kapatid ko."
Inalis niya ang kamay ko sa kaniya.
"Masakit."-Nemi
Tinawanan lang namin siya.
*Doorbell*
Natigilan kami sa tawanan at saka tumingin sa pinto.
"Ako na!"-Tyro
Baka si Crescia na 'yon?
"Teka-" pigil ko
*Doors open*
Natigilan si Tyro nang buksan niya.
"Hi!"
Napa tampal ako sa noo sa masiglang bati ni Crescia.
"Sino yan?"-Drei
Hindi nakapag salita si Tyro at nanlaki lang ang mata.
Tumakbo si Drei papunta sa pinto.
"Sino-"
Isa pa 'to.
"Haharangan lang BA talaga kayo?"-Crescia
Si Crenz na ang tumayo at hinila 'yong dalawa.
"Anong meron doon?"
Lahat kami ay pumunta sa sala.
"Sinabi ko na sa'yong huwag ka nang pumunta rito, ang kulit mo talaga."-Crenz
Hinila niya ang kambal niya papasok.
Halos lahat sila napa singhap.
"Bern?/Crescia?"
Gulantang ang lahat sa presensiya niya pwera kay Liphyo na nag tataka rin sa lahat.
"Teka? Gising ka na? Kelan ka pa n-nagising?"-Ryker
Hindi siya sinagot ni Crescia sahalip ay tumingin siya kay Liphyo na naka tingin din sa kaniya.
Nakita ng lahat ang pag tingin niya kay Liphyo kaya nag papalit palit sila ng tingin sa kanila.
"Ah oo nga pala, siya si Liphyo Attienza -" pakilala ko sa kaniya pero pinutol niya ang sasabihin ko.
"Ashiii" tawag niya kay Crenz
"Bakit?"-Crenz
"Kapag may Ice cream ka, bibigyan mo ba ako?"-Crescia
Pfft! Ano nanaman kayang iniisip niya.
"Oo."-Crenz
"Papahiramin mo ba ako ng mga damit mo?"-Crescia
"Oo."-Crenz
"Papayagan mo ba akong matulog sa tabi mo?"-Crescia
"Simula no'ng dumating ka hindi ka na nawala sa tabi ko hanggang sa pag tulog, kaya bakit ngayon ka lang nag tatanong niyan? Syempre naman oo."-Crenz
"Yung paboritong candy mo? Mag sishare ka sa'kin?"-Crescia
"Oo."-Crenz
Tumango tango si Crescia ng may ngiti sa labi niya.
"Eh siya? *Point at Liphyo*"
Tinuro ni Liphyo ang sarili niya nang may pagtataka.
Binaba ni Crenz ang kamay ng kapatid niya na parang na naiintindihan na niya ang pinapahiwatig ng kapatid niya.
"Hindi."
Sagot ni Crenz
"Pero diba lahat sini share mo sa'kin?"
Nang aasar na tanong ni Crescia
"I will share everything to you but that GAY is all mine and he's off limits."-Crenz
Para akong sasabog sa kilig sa sinabi niya.
Pulang pula naman ngayon si Liphyo.
"W-wait, 'yan talaga ang una mong sasabihin matapos mo kaming gulatin sa pag balik mo?"-Chelsea
Tumingin kaming lahat sa nag salita.
"Chelsea, kumusta-"
Nagulat nalang kami nang sugurin siya ng yakap ni Sandra, Nemi at Chelsea.
"Nababaliw ka na ba talaga?! *Sobs* Sobra kaming nag alala sa'yo!"-Chelsea
Sabi ko na nga ba't iiyak siya kapag nakita niya si Crescia.
"Ate Bern*sob* ate Bern..."-Sandra
"Hindi pa naman ako patay-"
*Pak*
Hinampas siya ni Nemi.
"Siraulo!"-Nemi
Nagulat kami sa ginawa ni Nemi.
"Nemi."
Saway na bulong ni Hans
"It's fine, she's my bestfriend."
Ha?
Tumingin ako kay Crenz nang nag tatanong pero mukhang kahit siya ay nagulat din.
"Bestfriend? What do you mean?"-Tyro
"Huwag mo sabihing may kinalaman si Crescia sa pag hinto mo sa pagiging nursing student?"-Crenz
"Nursing?"-Sandra
"Huminto ka Viennemi?"-Hans
"Choice ko 'yon, wala siyang kinalaman doon."-Nemi
"Awts, wala pala akong epekto sa'yo?"-Crescia
"Stupid!"-Nemi
THIRD PERSON'S POV
Nag handa ang lahat sa pagkain.
"Alam niyo? Kasama kaya ako ni Crescia dumating dito"-Yasy
"Oh? Yashica, nandito ka?"-Hans
"He he nakaka tawa."-Yasy
Irap niya sa binata.
Kwinento ni Raffy ang nangyari kay Crescia no'ng nawala siya noong mga nakaraang taon, pati na rin ang pagkakaroon pa ng isang kapatid nilang dalawa.
Nakapalibot silang lahat sa pagkaing nasa lapag.
"So hindi ka na coma at kambal niyo 'yon? Hindi alam ng parents niyo na nag eexist si Chailey at under investigation ulit ang pamilya niyo dahil sa kaniya? Anong ginawa mo no'ng wala ka?"-Drei
"Nag aral."
Nag katinginan si Raffy at Crenz.
"Anong inaral mo?"-Crenz
"Medicine rin. Anaesthesiologist ako."
Naibuga ni Liphyo ang iniinom niyang tubig.
"Ano ba 'yan, kadiri ka"-Sandra
Natalsikan kasi si Sandra ng tubig na iniinom niya.
"Sorry *cough*"
"Tsk!"-Crenz
"Sorry na nga eh, nagulat lang ako. Ba't mga Doctor kayo? Pinilit rin ba 'yan sa inyo? Isang GS at isang Anaesthesiologist."
Ngumiti si Crescia
"Sabi ko noong mga bata kami na tutulungan ko siya sa gusto niya maging kapag lumaki na kami. Sabi niya gusto niyang maging Doctor kaya trip ko sana mag nurse lang tapos nalaman kong gusto niyang maging surgeon kaya naisip ko mag Anaesthesiologist para matulungan siya sa operating room. Ang galing ko diba?"
Napa iling si Crenz.
Alam na niya noong mag memed ang kapatid pero hindi niya alam na papasukin nito ang pagiging Anaesthesiologist.
"Hays ang ganda mo pa rin."-Drei
Hangang hanga pa rin hanggang ngayon si Drei sa itsura ni Crescia.
"Hoy."-Crenz
Dinuro ni Crenz ng tinidor si Drei.
"Huwag ka nang mag tangka."-Crenz
*Gulp*-Drei
"Hindi sila mag kamukha pero ni ate Crenz pero parehong maganda diba?"-Darrin
"Nakaka baliw naman. Bakit ang Vilarde at Acer magaganda't gwapo?"-Tyro
"So pinsan pala ni Tita Hailey si Tito Samuel?"-Sandra
"Pero bakit hindi sila kasama sa organization?"-Liphyo
"Ehem! Ganito kasi 'yan. Hindi lahat ng nakakaalam na nag eexist ang organization ay pwedeng sumali or di kaya may pumuprotekta sa kanila para hindi mapasali sa magulong org. Si Tita Hailey pinoprotektahan sila Tito Samuel para hindi maka pasok sa organization at mamuhay nang normal. Hindi rin alam ni Tita Hailey na may organization pala na ganito na nag eexist noon. Inampon nila Lolo Acer si Tita Hailey para pag aralin siya dahil namatay na ang magulang ni Tita Hailey. Minsan na kasing niligtas ng Papa ni Tita Hailey si Lolo Acer kaya inampon nila si Tita."-Hans
Napanganga si Crenz, Yasy at Crescia.
"Bakit alam mo ang history nila Mommy?"-Crescia
"Hindi ko alam na may gano'n. Pa'no mo nalaman 'yon?"-Crenz
Mayabang na nag ayos ng damit si Hans.
"Close kaya kami ni Tita Hailey. Sabi nga niya sa'kin noon na ipapakasal niya ako sa isa sainyong dalawa."-Hans
Natigilan si Liphyo sa tangkang pag subo niya ng kanin.
"Gusto mo pilipitin ko ang leeg mo?"-Crescia
"Balibag araw araw, gusto mo?"-Crenz
"HAHAHAHA!"
Napuno ng tawanan ang silid.
"Syempre tumanggi ako 'no. Grabe, ang brutal niyong dalawa."-Hans
Nag patuloy nalang siya sa pagkain habang inaasar siya ng mga kaibigan niya.
"Ok, may isa na tayong natapos sa meeting, ang pag babalik ni Crescia so ano pa ang dalawa pang pag uusapan?"-Axel
Tumingin si Chelsea, Raffy, Crenz at Crescia kay Tyro.
"Why?"
Natatawang tanong niya.
"Ayos lang ba kayo ni Nina?"-Crescia
"Di mo na maitatanong pero formality nalang talaga ang kasal, para na kasi kaming mag asawa."
Proud na sagot ni Tyro.
"Pwede na kayong mag pakasal. Lifted na ang marriage ban."-Ryker
"Hindi pwede."-Crenz
Nagulat sila sa pag tutol ni Crenz
"Hindi mo pa rin ako gusto sa pinsan mo? Tagal na niyan ah? Hahaha.."-Tyro
Noon talaga ayaw ni Crenz na maging si Tyro at Nina dahil baka kapag mag break sila ay maapektuhan ang pagkakaibigan nilang lahat.
"Bata pa kayo, marami pang pwedeng mangyari."-Crenz
"Agree, mag mga relationship na sa una ok naman hanggang sa umabot sa divorce or annulment."-Crescia
"Seriously? Pfft! Pag tutulungan niyo talaga ako?"-Tyro
"Nina is our cousin and you are our friend, pareho kayong mahalaga. Pag isipan niyo nang maigi tutal hindi naman kayo minamadali ni Tita mag pakasal."-Crenz
Naguguluhan ang iba sa pag oopen ng kambal sa relasyon ni Tyro at Nina.
"Aantayin ko lang maka graduate si Nina tapos baka sa susunod na susunod na taon ay yayain ko na siyang mag pakasal."
Ngiting ngiti si Tyro habang iniimagine ang mga mangyayari sa hinaharap.
Nanlumo si Crenz sa ganda ng ngiti ni Tyro, alam na niyang sobra itong masasaktan kapag nalaman niya ang totoo.
*Ring*
Tumunog ang cellphone ni Tyro.
"Speaking of. She's now calling me. Sagutin ko lang 'to ah."
Mabilis na tumayo si Tyro para sagutin ang tawag ng nobya.
Pag labas ni Tyro ay saka nag tanong sila Ryker.
"Ano 'yon Crenz? Bakit gano'n ka sa kaniya?"-Ryker
"Ano bang nangyayari?"-Hans
Huminga ng malalim si Raffy dahil siya ang inatasan ni Crenz na mag sabi sa kanila ng mga nangyayari.
"We saw Daniel and Nina. They're kissing behind the school."
"WHAT?! KISSING?!"-Sandra
Nanlumo ang mukha ng iba at bumigat ang mga pakiramdam nila dahil sa balita.
"Shh!"-Raffy
"Pero- totoo?"-Nemi
Tumango sila Chelsea.
"Kaya ba kinakausap siya ni Nina ngayon?"-Drei
"Hindi namin alam kung mag tatapat na si Nina."-Raffy
Bumukas ang pinto matapos nilang saglit na manahimik.
"Guys, alis lang ako ah. Biglang nagyaya si Nina eh."-Tyro
Maganda ang ngiti ni Tyro at parang ayaw nilang lahat na masira 'yon.
"Sige, balitaan ka nalang namin sa napag usapan."-Ryker
Nag mamadaling kinuha ni Tyro ang mga jacket niya at nag bow sa kanila.
"Good mood siya."-Axel
Naawa silang lahat kay Tyro ngayon.
"Ano pa ang isang pag uusapan?" Seryosong tanong ni Ryker.
"Hindi naman importante gaano at hindi pa rin sigurado kaya next time na natin pag usapan."-Crenz
Alam nilang hindi na nila mapipilit si Crenz sabihin pa ang huling pag uusapan nila.
Nag madali si Hans at Ryker sa pagkain na parang nag usap na ang isip nila sa gagawin nila.
PaMatapos nilang kumain ay nag pasalamat sila sa pagkaing nakain nila saka sila tumayo.
"Aalis na kami, may gagawin pa kami."-Ryker
Seryoso na ang palangiting si Ryker habang mas sumeryoso ang mukha ni Hans. Marami munang naging tanong ang mga babae kung saan sila pupunta pero wala silang sinagot ng maayos.
Nang nasa pinto na sila ay nag salita si Crenz.
"He's still your friend, don't over do it."
Paala no Crenz habang nag iipon ng kanin sa kutsara at doon lang naka tingin sa ginagawa niya.
"I'll try."-Ryker
Matapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na sila ng pinto.
"Mag susuntukan ba sila?"-Migs
Lahat sila ay may kaba.
"Ang chismoso mo."-Crescia
"Wooh? Kilala mo 'ko?"-Migs
"Hindi ka ba nakikinig sa sinabi kanina? Nasa paligid niyo lang ako lagi kaya lahat nang nakapaligid kay Crenz kilala ko."-Crescia
"Pumunta ka rin ba sa probinsya?"-Jigs
"Hindi."-Crescia
"Bakit?"-Jigs
"May inaasikaso rin ako rito."-Crescia
Pinag mamasdan lang siya ni Crenz dahil gustong gusto niyang malaman ang lahat ng ginawa ni Crescia habang wala ito sa tabi niya.
"Gaya ng?"-Crenz
"Secret muna sa ngayon."-Crescia
"Sige mag secret ka-"-Crenz
"Joke lang HAHAHA... Inaalam ko kung ano na ang nangyayari sa org. Noong bumalik ka sa bansa bumalik na rin ako."
"Paano pag aaral mo?"-Crenz
"Fellowship din ang hindi ko tinapos."-Crescia
Napangiwi sila sa pinag uusapan ng magkapatid.
"Huwag mo sabihing same school din nung pinasukan namin ni Raffy?"-Crenz
"Hindi naman pero mag aapply ako sa hospital na trinatrabuhan niyo kapag bumalik na kayo sa pag aaral."-Crescia
"Tapusin mo yang pagiging fellow mo, huwag mo na akong hintayin."-Crenz
"Same year lang tayo kaya bakit naman ako susunod sa sinasabi mo?"-Crescia
Hindi na sumagot si Crenz at nag patuloy lang sa pagkain.
"Si Iya noong nasa Switzerland siya napakarami niyang manliligaw."
Pag paparinig ni Crescia kay Liphyo na mukha namang umiepekto dahil nakuha niya ang atensyon ni Liphyo.
"Kahit naman dito."-Chelsea
"Pero halos lahat ng nasa hospital gusto siya."
Tinitingnan lang ni Crenz ang kapatid niya. Mukhang alam nga nito ang lahat ng nangyayari sa kaniya sa ibang bansa.
"No wonder."-Drei
"Teka? Kelan ba kayo natapos mag highschool?"
May halong iritang tanong ni Liphyo.
"Around 10-11 years old?"-Crescia
Napanganga si Liphyo. Gano'ng panahon ay tambay pa siya sa computershop at puro laro sa labas pero sila tapos nasa highschool.
"Then? Tuloy tuloy na 'yon?"-Liphyo
Nag taka si Crescia
"Hindi ba niya sinabi sa'yong na comatose siya?"-Crescia
Nagkatinginan si Crenz at Liphyo.
"Hindi niya sinabi pero sinabi ng pamilya niyo."
Unang nag iwas ng tingin si Liphyo
"Alam mo bang may scar si Ryker sa likod niya and up until now it was there."-Chelsea
Natawa ang mga nakakaalam sa nakaraan ng pilat na meron si Ryker.
"Ha?"
"Nagkaroon siya ng gano'n noong nalaman kong may gusto siya kay Crenz."
*Gulp*-Liphyo
Agad kinabahan si Liphyo.
"Lagot ka."-Raffy
Siniko ni Chelsea si Raffy para patigilin.
"Don't worry I won't do anything to you little boy. Alam ko namang lugi ka na ngayon palang."
"HAHAHAHAHA!"-all
'Siraulo 'to ah. Hindi ko malaman kung pinag tatanggol niya ako o nilalait niya ako, pinag sasabay niya rin gawin.'-Crenz
Tiningnan lang ni Crenz ang kambal niyang kinindatan siya sabay ngiti.
"Mag kapatid nga kayo, parehong matabil ang dila niyo. Ako lang talaga ata ang pinaka mabait sa'tin. Hays.."-Darrin
"Manahimik ka Dada baka nakakalimutan mong ikaw ang bumasag ng favorite cup ni Grandpa, sinalo lang kita."
Proud na sabi ni Crescia
"Nabasag ko, hindi ko sinadya."-Darrin
"Hindi ka pa rin umamin."-Crescia
"Oo na, ikaw na mabait."-Darrin
Nakangiti ang iba habang pinapanood silang mag talo.
"Ako, mabait ako."-Crenz
Hindi sinasadyang nabitawan ni Liphyo ang kutsara na nag mistulang kontra sa sinabi ni Crenz.
"HAHAHAHA..."-all
"Hindi siya sang ayon, kapatid."-Crescia
"H-hindi, nabitawan ko lang."-Liphyo
"Ayos lang 'yan Attienza, sang ayon naman kami sa reaction mo HAHAHAHA."-Drei
Gustong gusto ni Crenz na tumayo para pukpukin ang mga ulo ng mga tumatawa ngayon.
"Mabait naman si Crenz ah-"-Crescia
Pag tatanggol ng kapatid niya.
"-pag tulog. HAHAHAHAHA..."-Crescia
"HAHAHAHAHAHAHA..."-All