60

CRENZ'S POV

Nag lilipat na kami ngayon ng mga gamit ko para sa bago kong bahay. Nakapangalan sa'kin ang titulo ng bahay at malaking achievement na 'to para sa'kin.

Nasa harap ko ngayon si Crescia na seryosong naka tingin sa mga papel na nasa harap niya, naka salamin siya at nag babasa. Nasa garden kami dahil sariwa ang hangin at hinahayaan lang naming mag pasok ng gamit sila Hans.

Kagagaling ko lang sa school.

Pumasok ako na parang walang nangyari dahil pinakiusapan ni Raffy si Arya na i excuse ako sa mga teacher namin dahil may sakit ako.

Kumakain ako ng fruit salad na ginawa ni Darrin.

"Hanggang kelan ka ba uupo diyan at tititig sa'kin?"

Nag angat siya ng tingin matapos niya 'yong sabihin.

"Kelangan bang nakatayo ako para maiba naman?"

Nag tanggal siya ng salamin.

"Eh bakit ka ba kasi nakatitig? Gandang ganda ka ba talaga sa'kin?"

"Pwede, nagagandahan ako sa sarili ko kaya pwedeng magandahan din ako sa'yo dahil kambal kita."

Bigla siyang ngumiti.

Ilang taon ko rin pinangarap makita ulit ang mga ngiting 'yan.

"Hindi talaga maalis ang pag puri mo sa sarili mo bago ka pumuri ng iba 'no?"

Hindi naman, hindi rin ako madalas nag bigay ng papuri.

Tumayo ako at tumabi sa kaniya saka nangalumbaba paharap sa kaniya.

Naiiling na pinag patuloy niya ang ginagawa niya habang ako na hindi matagalan ang pag titig lang sa kaniya ay yumakap sa tagiliran niya para siguraduhing hindi ako nananaginip lang.

Hindi naman siya natinag at nag patuloy pa rin sa pag babasa. Ilang araw ko na rin ginagawa 'to sa kaniya kaya siguro nasanay na rin siya.

Para pa rin kasi akong na nanaginip na nasa harap ko na ulit siya.

"Parang pumayat ka."

Hindi ko makapa ang baby fats na meron siya noon.

"Tumangkad ako at nabanat ang taba." Simpleng tugon niya.

"Kumain ka nang kumain-"

"Tell that to yourself, Crenz. Hindi ka kumakain sa tamang oras."-Crescia

Ayoko ng sermon kaya humilig nalang ako sa balikat niya at pumikit.

"Kapag nag pakasal si Chris at Mommy, kailangan nating tumira sa iisang bahay sa loob ng tatlong taon."-Crescia

Alam ko na 'yon.

"Alam ko."

"Susunod ka naman ba?"

Umalis ako sa pag kakayakap sa kaniya at kumain ulit bago mag salita.

"Kapag natapos na ang problema rito baka bumalik na ako ng ibang bansa."

Sagot ko sa kaniya.

"Ano? Teka- bakit?"

Kunot noong tanong niya

"Balak kong tapusin ang pagiging fellow ko kung saan ako nag aral sa ibang bansa."

Hindi siya makapaniwalang naka titig lang sa'kin.

"Do I need to make a mess to make you stay?"-Crescia

Halata ko naman sa kaniya tutol siya sa idea ko pero naiisip ko palang naman.

"Don't. Ayaw mo ba akong makapag tapos ng pag aaral?"

"That's not what I mean. Kababalik ko lang tapos nag paplano ka na umalis?"

Ok, gets ko naman siya.

"Plano palang naman, marami pang mangyayari kaya baka hindi rin 'yon masunod."

"Then sasama ako."

As expected sasabihin niya 'yan.

"Sumama ka."

Simpleng tugon ko.

The smile on her lips suddenly formed.

"Hindi mo 'ko pipigilan?"

"Para saan? Mag aksaya ng laway? We're just same, we're always doing what we please."

Bumalik siya sa pagbabasa at saka lumapit sa'min si Hans.

"Diba under investigation ka? Anong ginagawa mo rito?"

Tanong niya kay Crescia.

Ngayon ko lang naalalang may kalokohan nga palang ginawa si Crescia.

"Dumaan ako kanina."

Simpleng tugon niya kay Hans nang hindi man lang nag aangat ng ulo para salubungin ang tingin ni Hans.

Pag busy siya, busy talaga siya.

"Kumusta? Kelan ka ikukulong?"

Masayang tanong ni Hans.

Kinunutan ko lang siya ng noo dahil sa pinag sasasabi niya.

"Gusto mo bang ikaw ang ikulong ko ro'n?"

"Bakit kasi pa easy easy ka lang diyan? Kayong dalawa, bakit parang wala lang sa inyo yung family problem na meron kayo?"

Bakit namin poproblemahin 'yon kung kasalanan 'yon ng magulang namin.

"Marami na kaming trabaho sa organization, bakit pa kami mag dadagdag ng problema? Ang problema nagiging problema lang kung gagawin mong problema."-Crescia

"Woah *clap clap*"

Pinalakpakan ko siya.

Ang lalim niya sa part na 'yon ah.

"Wow! Great, advice from the main source of problem."-Hans

Bigla akong natawa habang si Crescia ay nag angat ng ulo at ngumiti kay Hans na naka ngiwi lang sa'min ngayon.

"Kumusta si Daniel"

Tanong ko.

Wala na akong naging balita sa kanila eh.

"Ayun nga pala ang isa ko pang sasabihin. Nasa hospital siya ngayon dahil kay Tyro."

Nawala bigla ang ngiti ko.

"Seryoso ka?"

"Muntik na siyang mapatay ni Tyro kung hindi lang umawat si Drei at Ryker. Muntik na ring hindi kayanin nung dalawa ang lakas ni Tyro kahapon."-Hans

Hindi ko siya masisi.

Pasalamat siyang buhay pa siya lalo na't si Tyro ang naka laban niya.

"What about Nina?"-Crescia

"Si Nina? Muntik na siyang sampalin ni Tyro pero nag pigil si Tyro dahil sa inyong dalawa."-Hans

Kahit ako ay nag pigil din.

"Paano nalaman ni Tyro?"

Sino nag sabi sa kaniya?

"Nina and Daniel meet again. Na tract ni Tyro ang location ni Nina then nag pang abot sila kahapon. Nakita niyang nag yayakapan yung dalawa."-Hans

Siraulo talaga, hindi pa talaga tumigil.

"Anong ginawa mo?"-Me

"Pinigilan si Nina lumapit kay Daniel na binubugbog ni Tyro. Tapos si Ryker at Drei ang umawat kay Tyro. Ako na rin ang tumawag ng ambulansiya para kay Daniel, wala nang malay eh."

Bakit hindi nila sinabi sa'kin?

"Pupunta akong hospital -"

Mabilis akong pinigilan ni Crescia. Hinawakan niya ang kamay ko.

"What?"

"You need to know something about him."-Crescia

Kinabahan ako sa tono niya.

"Ano?"

"Few months ago na hack ang system ng organization and I'm sure alam mo 'yon."

Nag katinginan kami ni Hans. Nabanggit niya sa'kin 'yon before yung meditation.

"Then?"

"Nilapitan ka ni Daniel noon para yayain sa party ni kuya Cedric diba?"

Naalala ko noong nakita ko muli siya sa labas ng school namin noon.

"Oo, paano mo nalaman."

"Nakamasid lang ako lagi. Sinabi niya sa'yong may kasalanan siyang ginawa kaya pinaparusahan siya ng mga Acer."

Oo, iyon mismo kaya nagalit ako sa kaniya nun.

Madadamay pa ako sa kasalanang ginawa niya dahil gusto ng pamilya kong pabalikin na ako.

"Hindi ko alam kung sino ang nasa likod niya para gawin niya 'yon pero siya ang nag hack at nakakuha ng iilang info sa private files ng organization. Nahuli siya at pinarusahan pero naging sikreto iyon ng organization para hindi bumaba ang tingin sa kanila ng mga members dahil naisahan sila ng isang 20 years old na bata. Hindi lang siya ang naka pasok sa system noon, pati na rin si Darrin."

"Ano?"

Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumingin ako kay Hans at parang nababasa kong alam na niya ang bagay na 'yon.

"Mind to tell me something about that matter?"

Para siyang natauhan na hindi mo malaman.

"H-hindi- kasi-"

"Handriko Zimmer, tell me what you know."

Seryosong utos ko.

"Yeah, nandoon nga siya pero kinick siya paalis noong isa pang hacker kaya nawala agad siya bago pa ma detect ng system ng org. na may nakapasok sa data base."

Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito.

Ang usapan lang namin ay alagaan niya si Charrie at hindi pakelaman o pasukin ang organization. Pilit ko silang inilalayo sa organization para hindi sila mag hirap pero mukhang nakalimutan ata ng kapatid kong sundin ang bilin ko.

"Bakit pumasok siya sa system ng organization?"

"She just want to know if the organization knew already the existence of Charrie."

Napaka delikado no'n. Kapag nahuling siya ang pumasok doon pwede na siyang patayin.

Iilan lang kaming pwedeng maka access doon at ako nga na mataas na ang posisyon kailangan pa ng matinding paalam sa mga nag hahandle ng files bago ko makuha ang gusto ko.

"Ano pa?"

"Wala na."-Hans

Tiningnan ko siya nang naninigurado

"Wala na talaga, promise."

"Huwag mo siyang pag takpan. Paano tayo gagawa ng paraan kung may tinatago kayo? Imbes na masolusyonan agad tinatago niyo pa."

Magalang siyang yumuko.

"I'm sorry."

Sumandal ako at nag bukas ng candy.

Nag tanggal naman si Crescia ng salamin niya at nangalumbaba naman ngayon sa harap ko.

"Galit ka?"

Hindi ko siya sinagot.

"May isa pa sana akong ibabalita sa'yo kaso baka hindi mo na gustong malaman at masabihan pa akong pakelamera ako na ayaw na ayaw mong gawin ko."

Tama 'yon.

"Then keep it to yourself."

"I will."

Ngiti niya.

Masyado na siyang maraming alam. The more na marami siyang alam, the more na mas manganganib siya.

"Hi kids!"

Lumingon kami pa likod at nakita namin si Vanessa na maganda ang ngiti sa'min at may pa kaway kaway pa.

"Ate! Hi!"

Tumayo si Crescia at nakipag beso sa kaniya.

"Natangkaran mo na 'ko, noong nakaraan ko pa 'yan gustong sabihin sa'yo."

Ok? Ngayon pa talaga sila nag bobolahan.

"Sinong mas matangkad sa'min ni Crenz?"-Crescia

"Hmm.. I think si Crenz pa rin."

Ngumuso si Crescia na nakapag pagaan sa loob ko.

"Oh Hans, tapos na kayo?"

"Napaka konti lang naman ng gamit."

Oo nga, konti ang gamit ko pero halos puno na agad ang loob dahil sa dami nilang binulong appliances at furnitures. Kumpleto na rin kitchen, living room at sa room ko ng mga sets.

Feeling ko anlaki ng utang na loob ko sa kanila.

"Good, hindi ba kayo aalis ngayon Crenz?"-Vanessa

"Bahay ko 'to tapos pinapaalis mo 'ko?"

"Pfft!"-Crescia

"I'm asking you politely, bitch."

Inirapan niya ako na nag pa ngiti sa'kin.

"Pag iisipan ko pa."

Tumingin ako kay Hans after kong sabihin 'yon.

"Nag sa start ka na bang I train si Pula?"

Dahan dahan siyang umiling.

"Oh? Kelan mo sisimulan?"

Nag cross arm ako.

"Siguro sa christmas vacation nalang."-Hans

Sige pwede na rin para hindi madamay ang pag aaral niya.

"Ako ang mag tuturo sa kaniya sa pag asinta at ikaw sa martial arts."

"Ma'am yes Ma'am."-Hans

Siraulo

"Woah ang cute mo lalo Hans"-Vanessa

Tumayo na ako.

"Oh? Sa'n ka pupunta?"-Crescia

"Matutulog. Dito ka sa'kin tumira Bern hanggat hindi pa kinakasal si M'Hailey at Chris."

Nakangiti siyang tumango.

Mas mapapanatag ako kapag nasa tabi ko siya.

Naka pamulsa akong pumasok ng bahay at ng kwarto ko at saka natulog na.

Nagising akong may nakayakap na sa'kin.

Malalim ang tulog ko ngayon at hindi ko alam kung paano ulit nangyari.

Nakita ko si Crescia na tulog sa tabi ko.

"I'll heat the food."-Vanessa

She's sitting on the couch inside my room while looking at a bunch of papers.

Dahan dahan kong inalis ang pag kakayakap ni Crescia pero mas humigpit lang 'yon.

"Pfft.."-Vanessa

"Why are you still here?"

"I'll stay here every night for a mean time. Kapag tatlo na kayong nakatira rito at nalaman na naming safe rito, babalik na ako sa bahay ko."

Napa kamot nalang ako sa noo ko.

Hahayaan ko silang gawin ang gusto nila basta ayoko lang ng magulo.

"Bahala ka."

Tumayo siya at lumabas ng kwarto.

*Ting*

Cellphone ko 'yon.

From: Pula

~Don't skip dinner~

Napakamot ako sa ulo ko.

Bakit ganiyan silang lahat?

Kumakain naman ako sa tamang oras.

Nilapag ko nalang ulit ang phone ko.

*Ting*

Lintek!

Kinuha ko ulit yung phone at this time si Arya na ang nag text.

~Come outside your house.~

Nandito siya?

Maingat kong inalis muli ang pagkakayakap ni Crescia at pinalitan ko nalang ng inunanan ko.

Nag tali ako ng buhok at saka lumabas ng kwarto.

"Wait lang ah ihahanda ko na ang-"-Vanessa

"Just heat it, I'll prepare it myself, don't bother."

Sabi ko sa kaniya at nag madaling lumabas ng bahay.

Nakita ko si Arya na naka upo na ngayon sa inupuan namin kanina ni Crescia.

She crossed my fences.

Kunot noong tumingin ako sa kaniya.

It's almost late.

"You haven't taken your dinner yet?"

Simpleng tanong niya

"I just woke up."

Lumapit ako sa gawi niya at umupo sa harap niya.

Hindi ko alam kung anong sadya niya, ako ba o ang kapatid ko.

"Crenz-"

Napahikab ako sa harap niya.

Tsk! Siraulong Crenz, baka kung anong isipin niya SA pag hikab ko.

"Are you that mad?"

Napahinto ako sa pag hikab at saka tumingin sa likod ko para siguraduhin kung ako ba ang kausap niya.

"Ako?"

Turo ko sa sarili ko.

"Naipit lang din ako, hindi ko naman gustong ilihim sa inyo pero kasi mga bata pa tayo noon. Kapag sinabi ko ang totoo mas lalo ka lang mahihirapan. Kahit pa sabihin nating matured ka na mag isip, bata ka pa rin."

Ahhh.. ako nga ang pakay niya para mag paliwanag.

"Ano ba talagang sadya mo?"

Lumambot ang ekspresyon niya.

"I just want to apologize for not telling you the truth and the whole situation after the accident. Naipit lang din ako sa dapat kong gawin at sa hiling niya. Pero naiisip ko rin si Chailey, natatakot din akong pabayaan siya ng organization o di kaya mapahamak siya kapag nalaman nilang may nag eexist pang anak ni Tito Chris na hindi nalalaman ng pamilya niyo."

Napaliwanag na sa'kin ni Crescia ang mga nangyari at ang favor niya kay Arya. Naiintindihan ko naman ang lahat pati na ang pagkaipit niya sa sitwasyon dahil madalas din akong maipit gaya niya.

Tumayo ako.

"Crenz."

Mababang tonong tawag niya sa'kin.

"Nag dinner ka na?"

Wala naman na akong inis sa kaniya.

"Yeah, but I can still eat with you if you want me to accompany you."

Napatango tango ako.

"Tara, bigla akong nagutom."

Nag lakad na ako palayo pero nagulat ako nang talunin niya ang likod ko at yumakap doon.

"Bati na tayo?"

May ngiting tanong niya.

"Hindi tayo nag away."

"Pero hindi ka na inis sa'kin na tinago ko si Crescia?"

Hindi, mas nag papasalamat pa nga akong inalagaan niya si Crescia noon at nilayo sa magulong org. Nagawa ni Bern ang gusto niya dahil sa tulong ni Arya.

"Hindi, alis na riyan."

"Ihhh..."

Pag iinarte niya.

Kumpara sa pag iwan ko sa kanila noon mas magaan pa yung ginawa niya kung ako ang titingin pero kung ang organization malamang sa ngayon may parusa na siya.

"Hindi ba nila alam na tinago mo si Crescia?"

"Malapit na nilang malaman."

Pero bakit parang ang gaan gaan lang nito para sa kaniya?

Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilaang balikat niya.

"Let's have a coffee on weekend."

Lumawak ang ngiti niya.

"Are you inviting me for a date?"

Ngiting tanong niya.

Date na 'yon? Hindi ko alam ang tawag doon basta may gusto akong malaman.

"I need the whole information when you both left."

Nawala ang ngiti niya.

"It's confidential."

"And I'm Ashariya Acer."

Makahulugang paalala ko.

"Ok, para namang may laban ako."

Ginulo ko ang buhok niya gaya ng ginawa ng mga lalaki sa'kin.

"Sa Ais coffee shop tayo."

Kumunot ang noo niya.

"Bakit doon? Napaka mahal ng kape doon."

"Ang yaman yaman mo tapos kuripot ka?"

"Napaka sama ng ugali mo."

Ako naman ngayon ang napa ngiwi.

"Alam ko, gano'n ka rin."

"Alam ko rin HAHAHA... Sige doon tayo."-Arya

Pfft!

Kami lang naman ata ang proud na masasama ang ugali namin.

LIPHYO'S POV

"May house warming party si Master sa sabado, sinabihan ka na niya?"

Weh?

Ako ang katabi niya tapos ako ang walang alam?

O baka ayaw niya lang talaga ipa alam sa'kin.

Kasama siya ngayon ni Arya at nasa CR sila.

Kakalabas lang din ng teacher namin.

"Hindi eh."

"Talaga?"-Jigs

Medyo nakaka disappoint 'yon pero hindi na ako bata HAHAHA..

Gaya ng sinabi ko noon, hihintayin ko lang siya kahit anong mangyari, ang mahalaga ako ang gusto niya.

"Bakit namumula 'yan?"-Raya

"Oo nga, anong pinag uusapan niyo?"-Arya

Agad akong nag iwas ng tingin.

Kung anu ano kasi iniisip ko tapos hindi ko na namamalayang namumula ako.

"Malay ko. Ano bang iniisip mo Attienza? Wala namang nakakahiya o nakakakilig sa pinag uusapan natin kanina ah?"-Jigs

"Tado."

Bulong ko.

"Tabi."

Tapik niya kay Jigs na naka upo sa upuan niya. Umalis doon si Jigs pero bago pa siya maka upo ay bigla nalang may kumatok sa room namin.

Si Julius na naman.

"Uh-ow, nandito na ang manliligaw mo Crenz."-Arya

Walang pakealam na umupo lang si Crenz.

Bigla akong napangiti at nangalumbabang tumingin sa kaniya.

Iba talaga ang feeling kapag ang nagugustuhan mo ay walang pakealam sa lovelife kasi kahit ako ay sumabit lang din sa lovelife niya. Yiiieeeh!

Buti nga naka sabit pa.

"Para kang tanga."-Raya

Napangiti nalang ako. Hindi ko kailangang mag selos dahil ako lang ang gusto niya.

"Hi Crenz!"-Julius

Since nasa dulo kami hindi siya nahirapang lumapit sa gawi namin.

Nag simula ang bulung bulungan sa paligid at ang pasimpleng kilig ng mga lalaki.

Nawala ang ngiti ko kasi hindi ko pala kayang hindi mag selos.

Nag kunwari nalang akong nag babasa.

"Hi Arya, hi Jimiel"

Bati niya pa sa dalawa.

"Astig, kilala mo 'ko."-Jigs

"Lahat ng kaibigan ni Crenz kilala ko."

Mayabang na aniya.

"Ano naman kung kilala mo? Gusto naman ako ng magulang niya."

Bulong ko.

"Pfft!/Pfft!"-Arya/Crenz

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

Malakas ba ang pag kakasabi ko?

Kinakabahan akong baka narinig ni Julius.

Doon naman ako sa lalaki tumingin.

"Hi Liphyo."-Julius

Nginitian ko siya.

"Hello."

Ewan ko kung naging plastic ba ako roon.

Nakakabading pala mag selos.

"Ano palang sadya mo sa section namin?"-Jigs

"Oo nga, 4th year ka diba?"-Arya

Tumayo na ako at inoffer ang upuan ko sa kaniya.

"Pre, upo ka muna s mag c CR pa naman ako."

"Thank you."

Aniya at umupo sa tabi ni Raya.

Pinag titinginan kami ng lahat syempre kasama na sila Sandra roon na may nang aasar na ngiti.

"Mag c CR ka? Samahan na kita."-Jigs

"Hindi ako babae para mag pasama pa sa CR."

Tapik ko sa balikat niya at saka lumabas ng room.

Ayoko lang marinig pa ang pag uusapan nila. Malamang yayayain na naman siyang lumabas no'ng lalaki since ilang araw na din siyang pabalik balik sa room para hanapin si Raya.

Kahit masama ang ugali niya may nag kakagusto pa rin sa kaniya. Itsura lang ang nagustuhan nila kay Raya at ang kaastigan niya, tingnan ko lang kung gustuhin pa nila siya kapag naranasan na nilang maibalibag.

Almost lunch time na rin at maaga kaming dinismiss ng teacher kaya may mangilan ngilan nang nag lalakad sa hallway.

Bigla akong napahinto nang may babaeng naka yukong humarang sa harap ko.

"Excuse me."

Nag lakad ako pakanan pero sinalubong pa rin niya ako.

Pinag titinginan na rin kami at may nag a-ayiiieeh pa na mukhang mga kaklase niya.

From 3A

Napangiti ako habang tinatago ang kaba ko.

"Attienza! Crush ka niya!"

Sigaw no'ng isa sa loob ng room

"Date na 'yan! Date na 'yan!.."

Paulit ulit nilang kanta sa'min. Natawa lang ako.

"K-kasi- a-ano eh..."

Sinusubukan niyang mag tapat pero mukhang kinakabahan siya.

Pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at bahagyang ginulo.

"Kilala kita, ikaw yung muse ng section niyo diba?"

Yumuko ako para pantayan siya.

Bigla siyang nag iwas ng tingin at mukhang nanginginig pa.

Natatawang umayos ako ng tayo.

May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sa'kin.

"H-hindi ko kayang sabihin kaya sana huwag mong itapon."

Kinuha niya ang kamay ko at nilapag doon ang isang papel at saka siya tumakbo papasok ng room nila.

Love letter 'yon.

Napangisi nalang ako habang naka tingin sa letter.

Gulat ang nag pabago sa reaction ko nang biglang may kumuha ng letter sa kamay ko.

"CR na pala 'tong hallway?"-Raya

"Raya."

Tiningnan niya ang papel at saka nag lakad pababa ng hagdan kaya wala akong choice kundi ang sundan siya.

"Uy, akina nga 'yan."

Hahablutin ko sana pero nilayo niya lang sa'kin.

"Para kang bata."-Raya

"Ikaw kaya ang parang bata."

*Yawn*-Raya

"Akina-"

Nilayo niya ulit sa'kin.

"Mag CR ka na, hihintayin kita rito."-Raya

"Anong trip mo? Hindi ka ba niyaya ni Julius mag lunch?"

Tianago niya sa likod niya ang papel.

"Niyaya."

"Oh edi mag lunch na kayo, huwag ako ang pag tripan mo."

*Yawn*

Ayan na naman siya.

Ganiyan siya kapag may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya.

"Sabihin mo ang gusto mong sabihin, huwag mo akong idaan sa hikab mo."

Tumango siya matapos niyang humikab.

Ang ganda ganda niya sa paningin ko kahit anong galaw o kilos ang gawin niya. Grabe na 'tong pagka baliw ko sa kaniya.

"Hindi ko alam kung sino ang nag plano dahil nagulat nalang din akong magkakaroon ng house warming party sa bahay."

Pfft! Sabi ko na, hindi siya ang tipo ng taong gusto ng kaingayan at masikip na paligid. Akala ko lang talaga ayaw niya akong pumunta.

"Pumunta kayo nila Mike. Ayoko ng regalo sabihin mo sa kanila."

Binigay niya sa'kin ang papel matapos niyang sabihin 'yon.

"Hindi ka nag seselos doon sa babae?"

Mahinang tanong ko.

"Babae?"

"Yung nag tapat sa'kin."

"Hindi."

Dapat expected ko na eh pero umaasa ako kahit katiting. -_-

"Bakit? Hindi mo na 'ko gusto?"

Napa nguso ako.

"Ano ka, bata? Anong ginagawa mo? Umayos ka nga." Parang nanay na aniya.

"Oo na."

*Pak*

Gulat akong napa ayos nang hampasin niya ang braso ko. Medyo nanlaki pa ng konti ang mata ko sa gulat.

"Huwag mong gawing basehan ang selos at huwag mo kwestyunin ang pagka gusto ko."

Mabilis niyang hinablot sa bulsa ko ang keychain na binigay niya.

"U-uy-"

"Itatapon ko na 'to."

Mukhang naiinis talaga siya.

"Uy teka huwag, sorry na. Huwag mo na idamay 'yan."

Kinuha ko sa kamay niya ang keychain.

Baka nga tuluyang maitapon.

"Huwag 'to."

Kaagad kong binulsa yung kawawang pagong.

Nag cross arm siya sa harap ko.

"Wala akong pakealam kung ilang babae ang mag tapat sa'yo, kahit I date mo pa silang lahat-"

"Ganiyan ka tapos ayaw mo akong kwestyunin ka, kwestyunable naman kasi talaga ang intention mo."

Naka yukong sagot ko.

Naka hawak na ako sa bulsa ko kasi baka mahigit na naman niya.

"Makinig ka nga lalaki."

Seryosong aniya.

"Oh?"

Parang batang nag tatampong tugon ko.

"Hindi ko kailangang mag selos sa kanila dahil sinabi mo nang gusto mo 'ko-"

Bigla akong napa ngiti.

Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko.

"-pero ibang usapan ang sa first love mo."

Napa isip ako.

"Si Kathy?"

"May iba ka pa bang first love?"

Inisip kong mabuti kung meron at nang mapag isipan ko nang maayos ay dahan dahan akong umiling.

"Kasi siya nagustuhan mo kaya wala akong pakealam sa mga babaeng may gusto sa'yo kahit makipag date ka pa sa kanila basta ako lang ang nandiyan *pointing my chest* kasi naniniwala ako na babalik at babalik ka sa taong mahal mo kahit anong mangyari. Pero yung kay Katherine Fernandez tandaan mong ibang usapan 'yon."

Dahan dahan ulit akong napa tango.

Nag simula na siyang mag lakad.

"Pero ako nag seselos doon sa lalaki mo kanina."

"Wala akong pake."-Raya

"Raya naman..."

Ang sama ng ugali pero gustong gusto ko pa rin.

Para akong batang sinusundan siya hanggang canteen para sabay na kaming mag lunch.

Sabi niya nilayasan niya raw si Julius no'ng naramdaman niyang magyayaya na 'tong kumain.

"May nagustuhan ka nang club?"-Raya

"Wala pa."

"Anong gusto mong kuning course?"-Raya

"Hindi ko alam."

"Kelan kayo mag papa register sa acceleration?"-Raya.

"Hindi ako sigurado."

Matunog niyang binaba ang kamay niya sa mesa.

"Pero ako siguradong gusto mo?"

Oh? Bakit bumalik sa'kin ang tanong na 'yan?

"Oo, hindi pa ba halata-"

"Magkaroon ka muna ng direksyon bago ka magkagusto sa'kin. Isipin mong wala kang gusto ngayon, isipin mong hindi ako ang gusto mo. Anong maibibigay mo sa babaeng magugustuhan mo kung wala kang plano sa future."

Naka tikim pa nga ng sermon.

"May gusto ka ba-"

"Hindi nga sinabing ako."

Gulat akong napayuko sa seryosong tono niya.

"Gawin mo para sa sarili mo Attienza, hindi para sa iba. Mag plano ka na sa future mo. Maraming pwedeng mangyari, pwedeng hindi ako ang babaeng mapakasalan mo sa future-"

"Kung hindi ikaw edi gagayahin ko nalang si Doc Chris, magiging single ako ng mahabang panahon-"

*Tok*

Narinig ko nalang ang pag pukpok niya ng kutsara sa ulo ko.

"Aray."

"Hanapin mo ang gusto mo at huwag kung anu ano ang iniisip mo. Kung saan ka magaling iyon ang pagtuunan mo ng pansin. Gusto kong maging proud ang magulang mo sa'yo at hindi 'yong magkaroon sila ng pagkakataong para masabing masamang impluwensya ako sa anak nila. Hindi kita tinatakot pero kapag nakita kong napapasama ka lang sa tabi ko, ako mismo ang lalayo sa'yo kaya ngayon palang mag isip ka na."

Iyon na nga mismo, hindi ako sigurado sa mga gusto ko.

"Nag iisip naman ako pero hindi ko lang talaga sure ang lahat. Yung utak ko nakatutok sa present dahil sa problema ng pamilya ko at sa pag aaral ko, hindi ko na nga maimagine ang future."

Hanggat hindi nag kakaayos sila Mama at Papa, patuloy ko lang sisisihin ang sarili ko na ako ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay.

"Walang nag mamadali sa'yo na matapos agad ang sa'kin lang mag simula ka na."

Naiintindihan ko ang advice niya.

Susubukan kong sundin.

"Nasingit mo na ang kasal pero hindi pa nga tayo."

Mahinang asar ko sa kaniya.

"Nag paparinig ka?"-Raya

"Nauna ka kaya."

Ang summary ng araw na 'to ay gusto nag kaalaman lang kung gusto pa namin ang isa't isa. Atleast gusto pa niya ako.

Pero ang tanong ay hanggang kelan?

Nalungkot ako no'ng naisip ko ang tanong na 'yon.

Bigla akong nawalan ng gana.

"Huwag kang mag iiwan ng pagkain diyan."-Raya

"Oo na."

Alam ko naman 'yon.

"Mukhang nag iisip ka na naman ng mga walang kwentang bagay."

Na engganyo akong mag tanong.

"Paano kung hindi nga talaga ako ang pakasalan mo?"

"Aba malay ko, mukha ba akong manghuhula?"

Wala pa ring kwenta kausap.

"Baka mabaliw ako no'n."

"Tama 'yan, mabaliw ka lang."-Raya

Napangiwi nalang ako.

Hindi ko dapat siya kinakausap ng ganitong bagay.

~~~~

Nasa harap ako ngayon ng bahay ni Allen.

Two storey house at mukhang wala rin dito si Allen.

Nag text muna ako kay ate Yen bago ako pumunta. Friday night kaya makakahinga muna ako sa tambak na project, assignment at quizzes.

Nag doorbell ako sa gate.

Malaki na 'tong bahay para sa kanilang tatlo.

Lumabas siya dala si si Yohan na agad kong ikina ngiti.

"Hi baby!"

Kumaway ako sa bata pero syempre baka hindi pa nga siya nakaka kita.

"Pasok."

Masayang tugon ni ate Yen.

Hindi ko mabuhat si baby dahil may dala akong helmet.

Ako na ang nag sara ng gate at saka kami pumasok.

"Kumain ka na ba?"

Umiling ako.

"Hindi pa eh, may pagkain kayo? Nagugutom na nga ako."

"Pfft.. Sige ipag hahanda-"

"Ano ka ba? Hindi na ako bata."

Nilapag niya muna sa kuna si baby Yohan.

"Nasa'n pala si Allen?"

"Halos hindi na kami nag uusap ng kapatid mo. Aalis siya ng sobrang aga tapos uuwi siya ng late. Kapag pinag patuloy ng kapatid mo ang gano'n baka mapahamak lang siya nang dahil sa pag iwas niya sa'kin."

Halatang nag aalala siya sa asawa niya pero yung isa halata ring walang pake.

"Nag d-day off naman ba siya?"

"Nag d-day off naman kaso madalas nag kukulong sa kwarto niya."

Nag rerebelde ba siya?

Alam kong hindi niya gusto ang ganitong set up pero sana mag panggap man lang siyang concern.

"Kumusta naman ang pag aalaga niya kay Yohan?"

"Walang problema, madalas ko siyang nakikitang nakakatulog nalang sa crib dahil dumidiretso siya kay baby kapag uwi niya."

"Nakakatulog siya sa tabi ng crib?"

"Oo hahaha.. sa sobrang pagod niya nakakatulog nalang siya kapag pinapasok niya ang kwarto ni Yohan."

Napangiti ako. Atleast tinanggap niya na ang anak niya. Hindi naman kasi maikakailang anak niya ang bata dahil kamukhang kamukha niya.

"Eh paano naman ang gastusin sa bahay?"

"Lahat ayos pwera lang sa malamig na pakikitungo niya sa'kin. Ngumi ngiti siya pero pilit. Nag kakausap lang kami nang matagal kapag pinag uusapan na namin ang pagkain, grocery, bills at yung sa bata."

Naaawa ako kay ate Yen, kasalanan ni Allen pero siya ang nag sasuffer.

"Hindi ba dapat nag papahinga ka? Kapapanganak mo lang."

"Nag papahinga ako, sobrang bored ko na nga rito. May katulong din naman siyang pinasok para makasama ko dito sa bahay, kapag gabi umuuwi na rin 'yon."

Ahhh..

Mas magiging ok kaya si ate kapag hindi niya pinakasalan si Allen?

"Paano ka naman? Anong balak mo?"

Natahimik siya at napa isip.

"Bakit?"

"Siguro pwede akong gumawa ng paraan para ASAP makapag divorce kami."

O.O

Divorce na naman?

"Teka? Napag isipan mo na ba 'yan? Sabi nila 10 years pa bago kayo pwedeng mag divorce."

Umiling si ate Yen.

"Hindi mo ba alam? Maraming ways para mag divorce ang nag pakasal nang dahil lang sa pananagutan. Pwedeng royal order with circumstances, pwedeng royal card wish, incapability to raise a child, neglected parents or urgent remarriage."

Wow!

Anong sinasabi niya?

"Anong urgent remarriage?"

"Nangyayari 'yon kapag nabuntis ng lalaki ang isang babae nang may asawa siya at kailangan niyang panagutan ang bata. Mag papakasal sila ng nabuntis niya para hindi mamatay ang bata."

Parang yung sitwasyon nila.

"Ano ang royal order?"

"Para lang 'yon sa elder."

Ahh yung mga kinaaayawan ni Crenz

"Eh paano yung royal card wish?"

"Aware ka naman na may mga hiling ang bawat myembro ng organization gaya nung kay Crenz, iyong nag bago siya ng pangalan at nag karoon ng isa pang legal na pamilya. Hiling niya 'yon."

"Oo alam ko 'yon."

"Gano'n ang wish card. Kapag gumamit ng wish card para sa'min madidivorce kami agad agad, pero applicable lang 'yon sa royal family. Sobrang sagrado ng kasal kaya hindi rin madaling mag divorce pero hindi naman ibig sabihin na walang paraan."

Sagrado raw ang kasal pero ang hihilig mangaliwa.

*DOORBELL*

Napatingin ako kay ate Yen.

"Si Allen na?"

"Hindi, may susi 'yon."

Gabi na ah?

"Ako na lalabas."

Sabi ko at lumabas na nga.

Tinanaw ko siya pero hindi ko pa rin makita kung sino kasi madilim.

"Sino ka?"

Naka sumbrero siya na mukhang gangster kaya medyo natakot akong lumapit sa gate baka mamaya may bunutin na sila.

Bigla siyang nag angat ng ulo.

OoO

"B-bakit nandito-"

"Bilis buksan mo! Ihing ihi na ako."-Crescia

Nag mamadaling binuksan ko ang gate at saka siya pumasok patakbo sa loob ng bahay.

Nag madali akong sundan siya.

Gulat lang ang rumehistro sa mukha ni ate Yen.

"Nasa'n yung CR?"

Nag mamadaling tanong niya.

Wala sa sariling tinuro ni ate Yen ang comfort room.

"Thanks."

Tumakbo pa CR si Crescia.

Napa silip pa ako sa labas dahil baka nandito rin si Raya or baka may iba pa siyang kasama pero wala.

Ibig sabihin umalis siya nang walang kasamang bantay.

"Kilala mo siya ate Yen?"

Tanong ko at saka tumingin sa kaniya, nagulat ako nang tumulo ang luha sa mata niya.

"Ate Yen."

Bulong ko.

Buong minuto nakatingin si ate Yen sa pinto ng CR hanggang sa makalabas si Crescia.

Parehong pareho sila ng kambal niyang mahilig sa delikadong sitwasyon.

"Ang ganda ng CR niyo ah, sobrang linis-"

Inisang lakad lang ata ni ate Yen ang pagitan nila nang yakapin niya si Crescia.

"A-ahck - y-yen na-nsasakal ako."

Mabilis na binitawan siya ni ate Yen at yumuko sa harap niya.

"P-patawad, Ms. Crescia."

Gustong gusto kong patayuin ng tuwid si ate Yen para patigilin na siya sa pag yuko niya.

"Sinabi ko nang hindi mo na kailangang yumuko."-Crescia

Hinawakan siya ni Crescia at pinatayo ng diretso.

"Kelan ka pa nagising? Kumusta ang pakiramdam mo? Dapat mag pahinga ka muna. Sino kasama mo pumunta rito?"

Sunod sunod na tanong niya.

"Pfft.. ikukwento ko sa'yo ang lahat pero hindi ngayon, ang bata ang sadya ko."

Lumapit siya sa crib at tiningnan ang bata.

Nag tataka pa rin talaga ako kung bakit siya nandito at ang ugnayan nilang dalawa.

"Anong pangalan niya?"

Nag simulang mag lahad sa kaniya ng impormasyon si ate Yen at ako ay inasikaso nalang ang sarili para kumain.

Pinag mamasdan ko lang ang kilos nila habang kumakain ako.

Masiyahin, approachable at friendly siya unlike Crenz na talagang kabaliktaran niya. May similarities din naman sila, parehong matabil ang dila nila at nawawala at nag dedesisyon mag isa, ang ending nito ay nag hahanapan lang sila.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Crenz.

Mabilis niyang sinagot 'yon na parang may ginagawa lang siya sa phone niya.

"Ano? Busy ako, mamaya ka na tumawag."

Aniya at pinatay ang tawag.

Napa iling ako at tinawagan siya ulit.

Sinagot naman niya ulit.

"Gusto mong mamatay?!"

Nilayo ko ang phone ko bahagya at saka napa lunok.

"Kasama ko si Crescia, nandito kami sa bahay ni ate Yen. Baka lang hinahanap mo siya kasi wala siyang bantay na kasama."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

Kasalanan ko pa pala ngayon.

"Binabaan mo 'ko matapos mong mag tanong."

Simpleng tugon ko

"Bwiset! Send mo sa'kin exact location."

Aniya at binabaan ulit ako.

Nag patuloy nalang ako sa pagkain.

"So? Sinumbong mo na ako kay Crenz?"

Umupo sa harap ko si Crescia at mukhang pakakainin siya ng dinner ngayon ni ate Yen.

"Alam mong delikado ang buhay mo sa labas ng bahay, bakit umaalis ka mag isa?"

Maging ako ay maiirita rin sa kaniya.

"Delikado na nga ako sa labas tapos gusto mo pang may ipahamak ako? Kaya nga hindi ako nag sama ng iba dahil delikado, ayokong mandamay."

Napanganga nalang ako.

Kambal pa rin sila, talagang walang preno at matabil sila pareho.

"Nag aalala si Raya sa'yo. Mukhang kanina ka pa niya hinahanap."

"Babalik din naman ako sa bahay, bumibisita lang ako sa kaibigan."

Ngiting tugon niya.

"Hindi ko alam kung anong mahirap intindihin sa sinabi ko. Hays."

Natawa sila pareho.

Hindi ako mananalo sa pakikipag sagutan sa mag kapatid, pareho silang marunong lumusot.

Nag ring naman ngayon ang phone ko.

Si Crenz.

Patay hindi ko pa na sisend.

Pinatay ko nalang ang tawag atsaka nag text sa kaniya. Baka sigawan niya ako pag sagot ko.

"Wow, binababaan mo siya? Hindi ka kaya niya ibalibag mamaya?"-Crescia

"Sisigawan niya lang ako kapag sumagot ako."

"Buti alam mo. Dapat kasi hindi mo na pinaalam sa kaniya kung nasaan ako."

Parang naninisi pa siya.

"Hmm.. saka na kapag nakita ko nang kaya mo ang sarili mo kesa sa kaniya."

"Hah! Minamaliit mo 'ko?"

Anong minamaliit?

"Hindi ah, masyado ka lang mahalaga kay Raya kaya gusto rin kitang ingatan."

Tinawanan niya ako.

"Ilaan mo nalang sa sarili mo 'yang pag iingat, salamat nalang."

Nakakainit ng ulo mag salita ang mag kambal.

Parehong ayaw tumanggap ng pag aalala, Tsk!

Pareho pang matigas ang ulo.

"Kumain nalang kayong dalawa."-ate Yen

Nilapag ni ate Yen ang pagkain niya.

"Woah! Na miss ko luto mo."-Crescia

Sarap na sarap siyang kumain at talagang nakakagana siyang kumain.

"Hinay hinay, may aagaw ba sa'yo niyan?"

Untag ko sa kaniya.

"Ang hilig mo 'kong punahin. Alam mo bang nakapatay na ako?"

Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko na nag dulot ng malakas na tunog.

"Bakit nagulat ka?"

Napanganga ako sa gulat ko. Kailangan bang ipag malaki ang bagay na 'yon.

Nginingisian niya lang ako.

"Si Crenz takot siyang makapatay pero ako takot lang akong mawala si Crenz at wala nang iba."

*Gulp*

"Hindi niyo dapat pinag uusapan ang bagay na 'yan sa harap ng hapagkainan."-ate Yen

Hindi siya pinansin ni Crescia basta nakikipag titigan siya sa'kin.

"Mas mabait si Ashariya kesa sa'kin. Palangiti lang ako pero mas marahas ako kay Crenz. Kapag may nag tangka ng masama sa kapatid ko baka ako na mismo ang humusga, at sa totoo lang ayaw kita para sa kambal ko. Hindi kayo pwedeng magkatuluyan at kapag pinilit ni Crenz ang sa inyong dalawa makikialam na ako. Si Crenz ang pinaka dehado rito kaya binabalaan na kita ngayon palang, tigilan mo na si Crenz."

Hindi ko mapakiramdaman ang sarili ko.

Natatakot at naiinis ako, bakit ganiyan siya mag salita?

"Anong-"

"Wala ka rin namang laban kapag pinapili ko na si Crenz sa pagitan nating dalawa. At the end of the day, ako pa rin pipiliin ni Crenz mag stay at ikaw *powsh* mawawala na nang tuluyan sa buhay niya."

Para siyang kontrabida sa palabas pero totoo ang lahat ng sinasabi niya.

"Bakit mo ba 'to sinasabi?"

"Para lang aware ka."

"Aware o na nanakot ka?"

Makikipag talo talaga ako sa kaniya.

"Both."

"Alam mo bang ayaw ni Crenz na pipili siya dalawang buhay? Ayaw niya ng sacrifice."

Iyon ang nahihiwatigan ko sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit.

"Alam mo bang naka patay na si Crenz?"

Parang huminto ang mundo ko. Nakapatay si Crenz?

Hindi ko gustong maniwala.

"See, hindi mo alam."

Bakit? Paano?

"Anong pinag sasasabi mo?"

"10 years old kami noon, noong nakapatay siya. She made a difficult decision on who will she going save if it's Alexander or Axel, Drei and Arya. Sukuan mo na si Crenz kung hindi mo masikmura."

Parang puputok ang ulo ko sa nalaman ko. Alam kong capable si Crenz makapatay pero hindi ko akalaing magagawa niya 'yon.

Tahimik lang ako. Dina digest ng utak ko ang mga sinasabi niya.

"Tss.. ayoko talaga sa'yo, tantanan mo na si Crenz, pahihirapan mo lang siya."

Hindi ko mahugot ang kahit anong tumatakbo sa isip ko, hindi ko alam ang sasabihin ko.

Una sa lahat ay totoong wala akong laban kapag pamilya na ang pag pipilian, pangalawa hindi ako makapaniwalang naka patay na si Raya though alam kong capable siya at lastly ang babaw lang ng pinag uusapan namin pero ngayon halos hindi ko na 'yon mahugot.

"Just kidding."-Crescia

0o0!

Ano?! Anong just kidding?!

Alin doon ang kidding?

Ang pangit niya mag biro!

Teka saan ba doon ang biro?!

Tumawa siya nang pagak at saka sumubo.

"A-alin doon ang biro?"

"Na ayoko sa'yo para sa kapatid ko. Natututo na si Crenz na ngumiti at isa ka sa dahilan no'n."

Bakit ganito sila?

They will drag me down and lift me as well, kakaiba ang takbo ng mga utak nila. Mukha namang matino si-

Inalala ko ang magulang nila at hindi ko rin masabing sobrang tino nila, ang ibig kong sabihin ay kung sa parenting method walang problema kasi nakakapag provide sila at kayang kaya nila pero kasi may mga desisyon silang kakaiba na hindi talaga tatanggapin ng mababaw na isip lang.

"Ok? Ang bilis mong mag bago ng mood."

"Crenz is a half of me. Ayokong sinasaktan ako kaya 'matic nang ayokong masaktan din si Crenz dahil may epekto sa'kin 'yon. Try to hurt her then I'll kill you. Hindi ako marunong mag biro sa kamatayan kaya bukod sa ayaw ko sa'yo lahat ng mga sinabi ko ay totoo. Just a spoil on what is the very dark side of Crenz, it's up to you if you'll accept her. To be prank with you, you're just nothing if Crenz doesn't like you. Ask yourself if you're good enough to be with her. Crenz can just lay and do nothing but can still live unlike you. Magalit ka na sa sasabihin ko tutal ayaw ng mga lalaking natatapakan ang pride nila but naisip mo na ba ang future na kung sakaling ipakikilala ka ni Crenz as her boyfriend sa organization, ano sa tingin mo ang iisipin nila? Let's not be hippocrate on you don't need their opinion, always remember that Crenz is a big person. Start making money kiddo para hindi sampal sa'yo kapag pinakilala ka ni Crenz sa marami at wala kang maipag mamalaki. Love can't feed you so better start earning. It's for your own good."

Lalo akong nawalan ng gana.

Concern siya at the same time may negative pa rin.

"And to add something it's just a reminder. Ayoko kasing may minamaliit silang mahalaga kay Crenz kasi baka patulan ko sila. Ayos lang kay Crenz na mahirap ka dahil marami siyang pera pero lalaki ka. Hindi kayo mag papakasal pero ang pangit lang din naman kapag ang ipang di date mo sa kaniya ay galing pa sa pera ng magulang mo."

Napakamot ako sa ilong ko.

All the things that she said is true and make sense.

Dinudurog ako ng katotohanang I can't provide the lavish lifestyle she has. Alam kong hindi niya hinihingi pero gustong gusto kong ibigay 'yon sa kaniya.

Nag usap na rin naman kami na kailangan ko nga talagang mag banat ng buto para hindi na ako pabigat, kailangang may mapatunayan ako para maging karapat dapat sa taong nagugustuhan ko.

"Tatandaan ko."

Simpleng tugon ko.

"If you need a money to start on something you can ask me-"

"Thanks for the offer but no, let me handle this on my own."

Tumango tango siya na parang iniexpect na niyang tatanggi ako.

"Hindi rin naman darating sa point na papipiliin ko si Ash. Kapag ginawa ko 'yon kahit ako ang gusto niyang piliin hindi niya ako pipiliin."

Ha?

Parang narinig ko na 'yan.

"Dahil?"

"Kasi iisipin niyang hindi deserve ng nag papapili sa kaniya na piliin siya dahil kung mahalaga siya sa taong 'yon bakit siya pahihirapan nitong pumili? Gano'n ang takbo ng isip niya."

Dina digest ng isip ko ang sinasabi niya at totoo naman lahat ng sinabi niya.

"Ok, gets ko."

Nag patuloy ako sa pagkain.

"May weird bang ginagawa sa'yo si Crenz?"

Tanong niya habang ngumunguya.

"Lahat naman ng ginagawa niya weird."

"HAHAHAHA... masyado ka lang talagang normal."

Napangiti ako at saka ko naalala ang ginawa ni Raya sa'kin noong nakaraan.

"May isa pala siyang ginawa."

Bigla siyang naging interesado.

"Spill it."

Tumango ako

"She traced my face."

"TRACED?!"-Crescia

Umangat ang balikat ko dahilan para sumabog ang mga kaning nasa kutsara ko.

Bakit ba siya sumisigaw?

Nakakagulat kaya.

"Sorry ate Yen, wait lilinisin ko lang."

Sabi ko at saka kumuha ng pamunas at inayos ang kumalat sa mesa.

"But seriously -"

"Huwag ka ngang sumigaw, tulog kaya si baby."

Singhal ko sa kaniya.

"She traced your face? I can't believe it. Did you go somewhere?"

Umiling ako.

"No, siya ang wala. That time 1 week siyang wala at walang paramdam, tapos bigla nalang siyang nag text na nasa labas siya ng bahay ko. Gano'n naman siya diba? Aalis ng walang pasabi tapos babalik na parang walang nangyari."

Bigla nalang nag form ang ngiti niya.

"She missed you."

Ano? Tama ba ang narinig ko?

Namiss niya ako?

"Paano mo nasabi?"

"Noong mga bata kami madalas kaming magkalayo kasi iba ang training niya sa training ko. Madalas siyang nasa bukid at ako ay nandito sa Manila. Kapag inuuwi siya ni Mr. Tan lagi niyang ginagawa sa'kin 'yon kapag tulog ako. Kinakabisa niya ang mukha ko na parang nakalimutan niya na ang itsura ko, kapag gano'n siya ibig sabihin na mimiss niya ako."

Nag init ang mukha ko.

Alam kong kinilig ako noon dahil sa ginawa niya dahil nga nginitian niya ako matapos niyang gawin 'yon, pero di ko expect na may malalim pang dahilan.

Paano nalang kapag nalaman kong namiss niya ako bago niya ako nginitian, baka tuluyan na akong nabaliw.

"Halah, namumula ka."

Untag niya sa'kin.

"Madalas siyang mamula kaya Pula ang tawag sa kaniya ni Crenz."-ate Yen

Mas lalo lang atang nag init ang mukha ko sa pang aasar nila.

*Beep beep*

Napatingin kami sa may pinto.

"Oh no, she's already here."-Crescia

"Paano mo siya haharapin ngayon?"

Concern na tanong ko.

"Malambot ang puso niya kaya madali lang 'yon."-Crescia

"Lalabasin ko na siya."-ate Yen

"No no, let me handle this."

*BUG!*

Nanlaki ang mata namin ni ate Yen nang iuntog niya ang noo niya sa mesa.

"Ouch! napasobra."-Crescia

Na estatwa lang ako dahil sa gulat.

"Hoy, mamaya ka na mamula riyan, buksan mo ang gate."

Aniya habang naka hawak sa noo niya..

"U-oh oo..."

Mabilis akong nag lakad palabas at saka pumunta sa gate para buksan 'yon.

"Bakit ang tagal niyong mag bukas?"

Seryosong aniya at nakakatakot talaga ang awra niya.

Pumasok siya sa gate na parang ready na sumugod papunta sa loob pero biglang tumakbo palabas si Crescia habang umiiyak at yumakap sa kaniya.

"Iyaaa.. huhuhu nauntog ako sa mesa."-Crescia

Ano?!

Nauntog? Inuntog niya kaya ang sarili niya.

"Tingnan mo na ang nangyari sa'yo! Sinabi ko na kasing huwag kang aalis nang walang kasama!"-Raya

Inalis niya ang kapatid niya sa pag kakayakap sa kaniya at tiningnan ang noo ni Crescia.

"Patingin nga."

Mahinahong aniya at inilawan ang noo ng kapatid.

Walangya! Effective kay Raya 'yon?

"Wag mong hawakan ah *sniff* masakit."-Crescia

"Tsk! Oo na."

Matapos tingnan ni Raya 'yon ay yumakap ulit si Crescia sa kaniya.

"Di ka na galit?"

"Hindi ako galit."

Seryosong tugon ni Raya

"Galit ka eh."

"Hindi nga."

"Galit ka, may diin ang salita mo."

Nakita kong huminga ng malalim si Raya

"Hindi na ako galit. Basta sa susunod mag paalam ka kung saan ka pupunta at mag sama ka nang kahit sino kung aalis ka."

Mahinahong sermon sa kaniya ng kambal niya.

Tumingin sa'kin si Crescia at kinindatan ako.

Haneeep! Huli niya ang kiliti ng kapatid niya.

"Ok, next time."-Crescia

Nilayo ulit siya ni Raya at sinuri ulit ang kapatid niya kung may iba pang masakit sa kaniya.

Grabe rin pala mag pa baby 'tong kambal niya.

*Ding dong*

Sino na naman 'to?

Hindi ko alam kung humarap sila sa'kin pero ako na ang nag bukas ng gate.

"Jollibee delivery Sir kay Ma'am Crescia."

Tumingin ako sa dalawa at saka lumapit si Crescia sa kaniya at kinuha ang order.

"Thank you."-Crescia

Pumasok na kaming lahat muli at binigay niya kay Raya ang Jollibee.

"Let's eat inside, we're still not done with our food."-Crescia

Nauna nang pumasok si Crescia habang hawak ang noo niya.

'Baliw'

Isip isip ko.

"Hoy, anong ginagawa mo rito?"-Raya

"Dinadalaw ang pamangkin ko."

Nag kita naman kami sa school kanina pero hindi ko naman siya nakaka usap ng matino.

"K"

At pumasok na siya sa loob.

Napailing ako.

"Grabe, anong klaseng tugon 'yon?"