61

CRENZ'S POV

Nasa court kami dahil ibibigay na ang hatol sa mga kasalanan ng pamilya ko at syempre kasama na ako roon.

Bukod kay Charrie at Vandro lahat ng myembro ng pamilya namin ay narito.

"Let's start with the case of Nathaniel Martin and Rica Gavin."-Judge Hugrio

Tahimik lang akong nakikinig sa litanya niya.

Tumayo si Nathan at Rica saka umupo sa gitnang harap ng mga judge.

"For your case, you impregnated Ms. Rica Gavin who is in the new generation during the banning of marriage. According to Royal Organization Law #064 during a banning of specific event, everyone must follow it and if it was lifted but the time of your crime was in the duration of banning, your still guilty of the specific crime. In your case you're both not married with each other and Ms. Rica is under a new generation."

Tumayo si Ryker at pumunta sa harap bilang tagapag tanggol nilang dalawa.

Sa organization basta may alam ka sa batas nila pwede kang maging abogado nila basta sa loob lang ng organization namin.

We chose Ryker to be their lawyer because he knew everything about the case and he really studied about this.

"Good morning your honor, I'm Ryker Ramson and I'm here to defend Mr. Martin and Ms. Gavin's case."-Ryker

Pareho kaming naka crossed arm ni Crescia at prenteng nakikinig sa kanila. Kaya kong hawakan ang case na 'yan pero hindi ko ginawa dahil may pending case pa kami.

"Start."-Judge Hugrio

"As we can see in the evidences that we submitted, Ms. Rica Gavin is already 25 years old. There's a photocopy of the old birth certificate and her school personal data that submitted during her school days."

"Let's get straight to the point."-Judge

Tumingin sa'kin si Ryker at tinanguan ko siya bilang sign na gawin niya na ang pinag usapan namin.

"There's someone who manipulates the birth certificate and with this evidence that we submitted your honor, we would like to have your permission to officially work for this and apprehend whoever behind this manipulation."

Masuring tiningnan ng judge ang mga ebidensya.

Sobrang simple lang naman ng pag resolba ng kaso, kaya lang kapag pumasok ka sa korteng 'to dapat handa na ang sasabihin at ebidensya mo kundi baka maikulong ka agad kapag mali mali ang pag depensa mo.

"Ok, I'll make you investigate this case but I need first the documents of Ms. Rica Gavin on the hospital where she was born or the attending doctor when she was born."

That's simple, unless that doctor already passed away. But even she passed away I'm sure there still a copy of her birth documents.

"And one more thing, we all knew that if someone's pregnant the wedding is a must. I'll just give you a 2 months to work for this or else... You all know what will going to happen next."-Judge Hugrio

Nakipag titigan sa'kin si Judge Hugrio.

Hindi ko alam ang ibig sabihin ng titig niya pero hindi ako papatalo sa titig na 'yan.

Siya ang unang nag alis ng tingin at tumingin sa papel na hawak niya.

"Next case."-Judge Hugrio

Saamin na 'yang case.

"Acers family case."-Judge Hugrio

Hindi na kami tumayo sa kinauupuan namin.

"We've already discussed about this matter and we already have a agreement. For the punishment the family needs to pay 3 million and additional 1.5 million for Mr. Chris Acer, a total of 4.5 million. The family of Chris Acer, Hailey Acer, Ashariya Acer, Crescia Acer, Chailey Acer and Charrie Acer must live in one roof starting from this day and need to be married too."

Ano!?

"The wedding must be this day!?"

Hindi ko mapigilan mapatayo at mag taas ng boses dahil sa pagka bigla.

"Yes, I thought you're already prepared about the wedding?"-Judge Hugrio

Anong prepared?

"Hindi pa nga nag popropose si Chris kay M'Hailey."

Turo ko sa magulang ko.

"Crenz, sit down."

Bulong si Raffy sa'kin na nasa likuran lang ng inuupuan ko.

Marami na rin silang nag patigil sa'kin.

"Proposal is not necessary. Live in one roof and have a quick wedding ceremony. In the other hand you don't need to have a ceremony, the court only needs a certificate, not a happy memory of them being married."

Makes sense but this is not what I expect.

Sinamaan ko ng tingin si Chris.

Napaka kupad niya kumilos, ni hindi man lang siya nakapag propose.

Hinila ako paupo ni Crescia.

"May ring bearer na tayo tapos-"

Pinigilan ko siya mag salita.

"No ceremony, let's just make them sign the paper."

Kumunot ang noo ko.

Ayoko ng ganitong biglaan.

Pinatigil ko sila Raffy mag asikaso ng kasal nila M'Hailey para si Chris na ang gumawa no'n.

Kapag walang ginawa si Chris baka mag away away talaga kami.

"Raffy."

Lumingon ako sa likod para kausapin siya.

"Why?"

"Call the judge and make them pre-"

"Stop it Creya."

Sabay kaming lumingon kay Crescia

"What?"

"It's their own problem, let them handle this. Don't you think they're old enough to ask our help for their personal life?"

Inis na tumingin ako sa harap dahil tama naman ang sinabi niya. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi mangialam kapag patungkol na sa pamilya.

"This is insane, I really hate my existence."

Tumayo ako at nakuha ko ang atensyon ng lahat pero wala akong pake, nag madali akong lumabas ng court room habang si Raffy ay mabilis lang na sumunod sa'kin. Narinig ko pa silang tinawag ako pero ayoko na lang makinig pa.

Nang makalabas kami ay hinila ako ni Raffy para ipaharap sa kaniya.

"Ano ba!?"

Winaksi ko ang kamay niya.

"Alam mo na bang gagamitin ka nila?"

May inis pero nag aalalang tanong niya.

"Sinabi na sa'kin ni M'Hailey 'yon."

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Para namang nag oopen ako ng gano'ng bagay."

Nag simula ulit among mag lakad habang naka sunod siya sa'kin.

"Mag papagamit ka!? Nababaliw ka na ba!?"

"Wala akong panahong makipag talo sa'yo. Dapat alam mo na kung bakit ko gagawin 'yon."

"Then, do something about it."

Napaka hirap kalabanin ng batas nila pero wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung walang organization, di siguro ako mayaman kung wala 'yon at wala sana akong kaibigan kung di nag exist ang org.

"Dumistansya ka kapag ginagamit na nila ako-"

"Robot ka ba!?"

Kaya hindi ko sinabi sa kaniya ang bagay na 'to kasi alam kong magagalit siya.

Pumunta ako sa motor ko at nag suot ng helmet, matapos kong ikabit ay hinagisan ko rin siya ng helmet.

"Ihahatid kita sa school."

Mabilis akong sumakay at pina init ang makina habang siya ay iiling iling muna bago sumakay.

Mabilis kong pina andar ang motor at nang makarating kami sa school na pinapasukan niya ay nag hihintay na roon si Chelsea.

Pag baba ni Raffy ay inayos ko lang ang helmet at umalis na ako, hindi ko na nga rin pinansin ang pag bati ni Chelsea.

Babalik lang ako mamaya kapag kasal na sila.

Hindi ko na alam kung sa'n ako pumunta basta nag drive lang ako.

LIPHYO'S POV

Huminga ako nang malalim at saka kumatok sa isang kwarto sa hospital.

Hindi ko na hinintay ang pag sagot at pumasok na ako.

"Jhonzel!"

Masayang bati niya.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang buo niyang katawan. Pumayat siya at sobrang naawa ako pero tinago ko nalang sa sarili ko dahil baka ma down ko siya lalo.

"Pre! Hahaha ang gwapo mo ah."

Binaba ko sa side table ang dala kong prutas.

"Raulo."-Jerick

*Fist bump*

"Nasa'n sila Tita?"

"May pinuntahan lang saglit si Mommy."

Eh? Iniwan siya ni Tita nang walang bantay? Himala.

"So kumusta naman ang bakasyon? Ang angas mo mag bakasyon ah, hospital pa talaga."

Pang aasar ko sa kaniya.

"Pfft.. ayos ako. Bukas sa bahay na ako mag papahinga. Ikaw? Kumusta pag aaral? Gusto ko nang makapasok ulit."

"Manahimik ka nga. Kung gusto mo mag aral mag home study ka."

Mag aalala lang ako.

*Ring*

"Sino 'to?"

Tanong ko at kinuha ang phone kong nag ri ring.

*Doc Chris*

Nanlaki ang mata ko.

Ngayon niya lang ako tinawagan. Tinawagan ako ng Tatay ng babaeng gusto ko.

"Teka lang pre ah."

"Pfft.. Sige lang."

Tumayo ako at sinagot 'yon habang nag lalakad palabas ng kwarto.

"Hello, Doc?"

Kinakabahan ako.

Siguro naman maganda ang mga pinakita ko sa kaniya, natatakot kasi akong hindi niya magustuhan para sa anak niya.

"Liphyo, daan ka rito sa bahay. May konting salo salo dahil kinasal kami ng Mama ni Crenz."

ANO!?

BAKIT PARANG WALA LANG SA KANIYA KUNG MAG SALITA SIYA!? PARA BANG ILANG BESES NA SIYANG IKINASAL AT SANAY NA SANAY NA SIYA SA GANO'NG EXPERIENCE!?

"As in kasal po? Hindi po ba gustong gusto niyo si Tita Hailey, bakit po parang ang pormal ng pagkakasabi niyo at parang di kayo excited?"

Pag napakasalan ko ang taong gustong gusto ko baka mag lulundag ako sa saya.

"A-ah- *ehem* naka speaker ka Liphyo."

Nanlaki ang mata ko.

Ibig sabihin pinapakinggan ako ng mga kasama niya. Nakakahiya!

Paniguradong sabay kaming nahihiya ngayon ni Doc Chris.

"S-sorry po."

Nag iinit na paumanhin ko at napapakagat labi pa.

"Ayos lang."

Natahimik siya saglit

"Oh ayan na hindi na naka speaker. Puntahan mo na ako ngayon, para nila akong tinutunaw ng tingin dito ngayon, kailangan ko ng kakampi. Dali na."

Bulong na sabi niya sa'kin.

"O-opo, pupunta na po ako."

Pinatay niya ang tawag at mabilis na tinext sa'kin ang location nila.

Pumasok ako sa loob.

"Bro, I can't stay longer. Dadalawin kita sa bahay niyo one of these days."

"Sure, I'll wait. Isama mo na sila pag dumalaw ka, mahirap kayong I entertain pa isa isa."

Natawa ako ng pagak.

"Sige, mag pagaling ka na para maka gala na tayo."

"Kilala mo ba ang tinutukoy ko?"

Para namang ewan 'to, syempre naman kilala ko.

"Ano ba tingin mo sa'kin, may amnesia? Syempre sila Mike."

Tinawanan niya ako.

"Pupusta akong hindi mo alam na madalas akong dalawin nila Hans."

Ha?

"Sila Hans? What do you mean?"

"So hindi mo nga alam? Alam mo bang mas madalas pa silang dumalaw kesa sa inyong mga bestfriend ko? Iniisip ko tuloy kung kaibigan ko ba talaga kayo."

Hindi ako makapag react.

"Si Hans dumadalaw rito tatlong beses ata sa isang linggo then twice a week sila Sandra, Nemi at Cess at dinala na rin pala nila rito si Darrin. Yung kambal parang every other day pumupunta rito kaya hindi ako na boboring minsan nga sunod sunod na araw sila pupunta para may ikwentong kalokohan nila."

*Gulp*

Gusto kong ipakitang malungkot ako para sa kaniya pero hindi ko magawa, ayokong sirain ang sayang binibigay nila Hans para patibayin siya para lumaban.

Tinago ko sa likod ko ang mga kamay ko para pigain at piliting hindi maiyak sa harap niya.

"Hindi sila nag sasabi sa'min."

Ni hindi ko nga talaga akalaing bumibisita sila nang mas madalas pa sa'min.

"Tapos ang highlight ng kwento HAHAHAHA si Crenz."

"Si Crenz?"

Curious na tanong ko.

"Oo, hindi mo aakalain pero walang araw na hindi siya tumawag dito. Minsan tatawagan niya ang attending Doctor, minsan ako or minsan si Mommy para makibalita. Kung hindi man siya tatawag siguradong pupunta siya mismo rito para I check ako. Basta araw araw ko naririnig ang pangalan niya dahil sinasabi ng Doctor ko at ni mommy kapag tumatawag siya."

Hindi ko alam ang irereact ko.

Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

Pero umipon ako ng lakas ng loob para mag salita at ngumiti.

"So alam mo na? Mag pagaling ka para hindi mo sila maabala. Bumawi ka sa kanila para hindi sayang effort nila sa pag punta rito."

"Pfft! Oo na, nangongonsensya ka pa. Sige na alis na, maya maya parating na rito si Jm."

Uh? Si Pilsamor?

"May contact ka pa kay Pilsamor? Hindi na siya sumasama sa grupo nila."

"Recently lang, once or twice a week siya dumalaw. Basta free time nila dadalaw sila."

Tumango ako.

Naka usap na kaya ulit nila si Jm?

"Gusto mo bang hintayin ko muna-"

"Alis na."

"Grabe, taboy na taboy?"

*Chuckled*-Jerick

"Ingat sa pag dadrive. Sa bahay mo na ako ulit bisitahin."

Nakipag fist bump muna ako sa kaniya.

"Oo na. Mag pagaling ka. Alis na ako."

"Bye!"

"Bye."

Nang hina ako nang makalabas ako ng pinto.

Sobrang nipis na ng buhok niya dahil nalalagas.

Para akong pinupunit sa loob ko.

Pumunta muna ako sa CR at nag hilamos para mahimasmasan ng konti at saka ako umalis ng hospital sakay ang motor ko papunta sa address na binigay sa'kin ni Doc.

Mag gagabi na rin pala.

Pinarada ko ang motor ko ang tiningnan ang isang dalawang palapag na bahay pero napaka lawak.

Tinawagan ko si Doc.

"Hello, Doc, nandito na po ako sa labas ng bahay."

"Ok, hintayin mo nalang muna riyan si Crescia, may binili lang siya."

Tapos nag end call.

Binulsa ko ang phone ko at pinunasan nalang saglit ang motor ko dahil medyo hindi ko na nalilinisan.

"What are doing here outside?"

May mataray na nag tanong sa'kin.

"Uy Arya."

Masayang bati ko. Atleast hindi ako na o OP dahil nandito siya.

"Hinihintay ko lang si Crescia, may binili lang daw siya sabi ni Doc."

"Sinong Doc?"

"Si Tito Chris."

Kunot noo siyang tumango.

"Mauna na 'ko sa loob."

Dire diretso lang siyang pumasok at hindi rin ako hinintay sumagot.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Medyo mahaba na naman ang buhok ko.

Dapat pala nag pa gupit na ako noong nakaraan.

"Liphyo?"

Oh? Boses na no Crescia 'yon.

Tumingin ako sa likod at nakita kong may mga hawak nga siyang softdrinks.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at kinuha ang mga pinamili niya.

"Bakit lumabas ka mag isa?"

"At bakit ko naman kakailanganin ng kasama?"

"Kasi namili ka at marami 'to?"

"Mas marami pa riyan ang binibili ko noon pero hindi ko naman kinailangan ng kasama."

"Di ka talaga papatalo 'no?"

"Pakelamero ka talaga 'no?"

Napangiwi ako.

"Concern lang."

Hindi ko sila makausap ng matino, sila ng kakambal niya.

Pumasok na kami sa loob.

"A-ah, kailangan ko bang mag bigay galang sa lahat ng nandito?"

Nag aalalang tanong ko.

"Hindi, hayaan mo sila."

Nag kunwari nalang akong busy kausapin siya at hindi ko napapansin ang nasa paligid hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.

Sa loob ng bahay nakita ko ang mga kasama namin noon sa hapagkainan.

Nang makita nila kami at yumuko ako bilang pag bati.

"Good evening po"

*Bow*

"Liphyo! Buti nakarating ka."-Tita Hailey

"Congratulations po sa kasal Tita. Pasensya na po hindi ako makabili ng regalo."

Masayang bati ko

"No need for gift hijo. Dalhin niyo na 'yan sa kusina."

Hinagilap ng mata ko si Doc pero hindi ko siya makita.

"Nasa'n si Doc?"

"Baka nasa study room."

"Kaninong bahay 'to?"

"Ito na ang magiging bahay namin simula ngayon. Inutusan kaming mag sama sama sa iisang bahay."

Ibig sabihin nandito rin si Raya?

"Ang ganda ng bahay."

"Kakaasikaso ni Daddy Chris dito hindi na siya nakapag propose kay Mommy at galit ngayon si Creya dahil hindi sila kinasal ng may ceremony, nag pirmahan lang sila."

Napangiwi ako.

Talaga ngang kakaiba 'to.

Biglaan lahat.

Kakalipat lang ni Raya ng mga gamit niya sa bagong bahay niya tapos lilipat na naman siya?

"Paano ang bahay ni Raya?"

Nginisian niya ako.

"Sa tingin mo ba susunod siya sa org? Mas mag sistay siya sa bahay niya."

Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan kung sino ang taong tinatanong ko.

"Ok."

"Kumain ka muna. Tara rito."

Pinasunod niya ako sa kusina at napaka raming putaheng naka handa.

May mga street foods din.

"Wow! Ang astig, may mga street foods."

"Sa street foods si Daddy Chris ang nag handa."

"Hmm... Mga favourite ni Raya ang karamihan dito."

"Mismo, para kay Creya ang karamihan sa street foods."

Ngayon lang ako nakakita ng ihahain ang streetfoods sa reception ng kasal. Karamihan kasi sa napuntahan kong kasalan ay puro pang sosyal na handaan. Kung sino pa ang sobrang yaman sila pa ang makikitaan mo ng simplicity.

"Parang street food palang busog na 'ko."

Nakakapang laway sila.

"Pfft.. suit yourself, feel free to dig in."

Ohhh..

Kumuha siya ng plato para kumuha sa mga steak.

"Hindi ka ba kumakain ng street foods?"

"Yeah, it's unhygienic."

Haaa? Well, uhmm.. kind true but still the best.

Kinuha ko ang platong hawak niya at binalik.

"Hey, what are you doing?"

Iritang tanong niya.

Inakbayan ko siya at saka kumuha ng kwekkwek sa mesa, sinawsaw sa suka at inoffer sa kaniya.

"Ah."

Utos ko sa kaniya.

"Bitiwan mo nga ako, ayoko niyan."

Mataray na aniya.

"May nag sabi sa'kin, kailangan ng konting dumi sa katawan kaya ayos lang 'to. Nganga na."

"A-"

Mabilis kong pinasok sa bibig niya ang kwekkwek kahit medyo may kalakihan 'yon.

Bahagya niya akong tinulak nang nakakunot noo.

"Nguyain mo HAHAHA..."

Ang cute ng itsura niya bahagyang naka nganga.

*Pak*

Sinabihan niya ako na siraulo ako habang naka nganga siya.

"Nguya na."

Inirapan niya ako at saka ngumuya.

Hinihintay ko ang magiging reaksyon niya.

Nakataas na nga ang kilay ko para abangan ang sasabihin niya kaso ang tagal niya mag react kaya umiling nalang ako at kumuha ng fishball, squidballs at kwek-

*Pak*

Uh?

May tumabig sa kamay ko.

Tumingin ako sa kaniya.

Naka kunot noo siya na agad nag pakaba sa'kin.

"B-bakit?"

Sobrang sama ng tingin niya sa'kin.

Tiningnan ko ang paligid kasi parang kanina pa tahimik and guess what, they are all looking at us.

"A-ah-"

"Tabi."

Inurong niya ako at saka siya tumusok ng kwekkwek ulit at sinawsaw.

Nakakatunaw ang mga tingin nila. Nakakatakot kasi baka may bunutin silang baril at iputok nalang sa'kin.

"U-uh"

"I like this. Anong tawag dito?"

Nag pigil ako ng ngiti habang ang nakatingin sa'min ay ngumiti na.

"That's kwek kwek, masarap diba?"

Proud na sabi ko.

Hinayaan ko lang siyang kumuha habang tumatango tango.

"That's so nice of you Attienza, you made her eat that food. Sobrang arte niyan pagdating sa pagkain."-Arya

Buti naman lumapit na siya.

"Huwag mo akong siraan Felendez, pareho lang tayong maarte sa pagkain."

Aniya habang ngumunguya.

"Atleast kumakain ako ng streetfoods."

Lately lang naman natutong kumain ng street food si Arya, noong nag kakayayaan kaming kumain sa labas ng school.

Kumuha kami ng pagkain.

Nag palinga linga ako sa paligid.

"Your looking for Creya? She's not here, umalis siya kanina and she's currently nowhere to be found."-Crescia

Ano pa nga ba? Edi mag hihintay nalang ako.

"Hinahanap na siya ni Raffy."-Arya

"Hindi kayo nag aalala?"

Tumingin yung dalawa sakin at sabay na umiling.

"Mas mag aalala kami sa mantitrip sa kaniya kesa sa kaniya."-Arya

Gano'n sila katiwala sa kakayahan niya?

Sabagay.

"Tapos na kayo kumuha ng pagkain? Sa labas tayo."

Tumango kami habang hawak namin pareho ang malaking plastic cups.

Pag labas namin sinalubong kami nila Ryker, naka suit and tie siya same as the other boys here unlike me I'm just wearing a plain t-shirt and a jeans. Nakakainsecure.

"Bro, you're here."-Ryker

*Fist bump*

Si Hans, Drei at Axel lang ang kasama niya habang may hawak silang wine.

"Tinawagan kasi ako ni Doc Chris."

Lahat sila ay nakipag fist bump sa'kin.

"Bakit si Tito? Bakit hindi si Yara?"-Hans

"Bakit naman gagawin ni Crenz 'yon? Hindi naman sila ni Liphyo hindi ba?"-Ryker

Pangungumpirma niya sa'kin.

"A-ah, oo. Alam niyo namang hindi mag sasabi si Raya ng mga gano'n."

Nahihiyang ani ko.

"Nag sasabi siya ah, madalas siyang mag sabi sa'kin ng mga problema."-Ryker

Tumango ako na may naiilang na ngiti.

Hindi naman ako nakikipag kumpitensya sa kaniya pag dating kay Raya.

"Uhmmm... Masarap talaga 'to."-Crescia

Tango tango

"Liphyo favor, baka naman pwede mo pa akong kunan? Sumakit na naman ang achilles heel ko eh."-Crescia

Nginisian ko siya at kinuha ang plastic cup niya.

"Huwag kang papa sobra, last mo na 'tong kukunin ko." Natatawang paalala ko.

"Hayaan mo siya bro, minsan lang kumain ng ganiyan 'yan dahil sa sobrang arte niya."

Pang aasar ni Ryker.

"Shut up. Dali na Liphyo."-Crescia

Pumasok ako sa loob ng bahay at kumuha muli ng gusto niya.

"Liphyo!"

Parang batang lumapit sa'kin si Doc Chris.

Pawis na pawis na parang hinabol siya.

"Doc? Anong nangyari sa'yo?"

"Tingnan mo nga suot ko, mukha ba akong matino?"

Nag tatakang pinasadahan ko ang kabuohan ni Doc.

Naka tuxedo siya at gwapo pa rin naman.

"Ayos naman po."

"Sigurado ka?"

"Opo, bakit sobrang conscious niyo? Mas pogi pa nga po kayo sa'kin eh."

Bigla siyang ngumiti.

"Kaya gusto kita eh hahaha..."

Napangiwi ako.

"Bakit po ba?"

Nag lagay ako ng sauce para sa anak niyang may katarayan.

"Hindi ko pa nakikita si Hailey."

Natigilan ako sa pag scoop.

"Po? Pero diba kinasal na kayo?"

"Oo nga, nag pa pirmahan lang kami ng katunayan na kasal na kami then after no'n umalis na sila nila Meidy."

Ahhh... Si Tita Meidy yung Mama ni Yasy.

"Nandito po sa baba si Tita Hailey noong dumating ako."

"Busy ako kausap si Craig."

"Nasa taas po sila?"

"Oo, isang anak ko palang ang nakikita. Si Crenz biglang umalis tapos si Charrie nasa Mama niya. Di kaya hiwalayan niya ako agad?"

Mas lalong lumukot ang mukha ko.

"Doc, masyado kayong paranoid. Mukha namang gustong gusto kayo ni Tita Hailey eh."

"Paano kung nag bago na pala siya? Ilang taon na 'yon, 20 years mahigit na."

Para akong kumakausap ng ka edaran ko lang.

"Malakas po kaya ang karisma niyo kaya hindi agad agad mawawala ang pag tingin ni Tita sa inyo- Doc Doc, andiyan na siya."

Napatanga ako nang may nakita akong bumaba ng hagdan kaya dinamay ko na rin si Doc.

Pareho kami ngayong naka nganga habang bumababa si Tita Hailey kasama ang cute na bunso nila.

Natauhan nalang kami nang may mag tikom sa bibig namin pareho.

"Papasukin ng lamok 'yan."-Yasy

Doon lang kami natauhan.

Para akong naka tingin sa pina matured na itsura ni Raya.

"Yashica, saan ka galing? Hindi kita napansin."-Doc Chris

"Nauna po akong bumaba kay Tita Hailey pero mukhang busy kayo sa pag tingin sa bride."

Bahagya kong tinapik si Doc pero hindi siya natinag.

"Doc."

Bulong ko sa kaniya.

"Doc."

Ulit ko dahil parang hindi niya ako naririnig.

Tiningnan ko si Yasy at sinenyasan ko siyang itulak ng bahagya si Doc.

Nag 1-3 muna kami at.

*Slight push*

Doon lang natauhan si Doc.

Tiningnan niya kami pero sinabi namin ng walang boses na alalayan niya si Tita makababa.

Muntik na akong matawa nang pukpukin niya ng bahagya ang tuhod niya na mukhang nanlalambot ngayon sa kaba.

"It's not really about the first, it's about the last."

Naintindihan ko na agad ang sinasabi niya.

Unang kinasal si Tita Hailey kay Tito Craig pero ngayon kinasal ulit siya pero kay Tito Chris na.

They both longed for each other and siguro time na para pumanig naman sa kanila ang tadhana nila, after 20 years.

Hindi ko maiwasang humanga sa tatag nila pareho. Nag hintay sila at gumawa ng paraan ang tadhana nila. Bagay na bagay sila.

"Ikaw? Wala kang nagugustuhan ngayon?"

Tanong ko sa kaniya.

"Alam mo bang nanay ko si Meidy?"

Uh?

Bakit niya natanong?

"Anong kinalaman no'n?"

"Si Mommy ang pinaka nakakatakot sa mag kakapatid na Acer. Panganay siya kina Tito Chris at hanggat hindi pa ako tapos mag aral bawal akong mag boyfriend."

Pero hinabol niya dati si Jigs.

"Anong sabi niya sa pag habol mo kay Jigs noon?"

"Bastos."

Irap niya sa'kin nang ipaalala ko sa kaniya ang ginawa niya noon na kwinento lang ng kambal.

"HAHAHAHA..."

"Di ka sana sagutin ni Yara."-Yasy

Bigla akong natahimik.

"Uy, huwag ganiyan."

"Bleh!"

Matapos niya akong asarin ay umalis na siya.

"Lagot, pagkain nung isang dragon."

Ngayon ko lang naalala ang hawak kong pagkain.

Lumapit ako kay Tito at Tita para batiin sila ulit at nag paalam na ibibigay muna sa pinaka mabait nilang anak ang inutos nun sa'kin.

Pag labas ko ay parang seryoso ang pinag uusapan nila.

"Heto na Crescia."

Binigay ko sa kaniya ang plastic cup.

"Wow ang bilis mo ah."

Nag rereklamo pa talaga siya, nag utos na nga lang siya.

"Kinausap pa ako ni Doc Chris eh, bumaba na rin si Tita Hailey nang naka gown."

Nanlaki ang mata nila.

"Really? Papasok muna ako."-Drei

"Sama 'ko."-Hans

"Gusto ko rin makita."-Axel

At pumasok nga silang tatlo.

"Excuse, gusto ko rin makita si Tita."-Ryker

Nag lakad na rin siya paalis.

Ano 'yon? Nag paalam lang ng pormal?

HANDRIKO'S POV

"Uhmmm... Masarap talaga 'to."-Crescia

Tango tango

"Liphyo favor, baka naman pwede mo pa akong kunan? Sumakit na naman ang achilles heel ko eh."-Crescia

"Huwag kang papa sobra, last mo na 'tong kukunin ko."

"Hayaan mo siya bro, minsan lang kumain ng ganiyan 'yan dahil sa sobrang arte niya."

Pang aasar ni Ryker.

"Shut up. Dali na Liphyo."-Crescia

Kinuha lang ni Liphyo ang kailangan niya at pumasok na rin sa loob.

Biglang bumigat ang ambiance ng paligid, naging seryoso si Crescia at naging matalim ang tingin.

"Bakit kailangan mo siyang kausapin ng gano'n?"

Seryosong tanong niya kay Ryker. Takang tumingin sa paligid si Ryker saka napa turo sa sarili niya.

"Ako?"-Ryker

"Yeah, you."-Arya

Umiling siya na parang sinasabing hindi siya 'yon.

"Lahat ng sinasabi niya may kontra ka o side comment, ano bang problema mo?"-Crescia

"Wala, bakit masyado kayong sensitive pag dating sa kaniya?"-Ryker

Pansin ko rin naman ang pasimpleng banat niya.

"Bakit pinapalabas mo na mas sa'yo nag oopen si Crenz ng problema kesa sa kaniya? You're being immatured Ryker Ramson."-Crescia

Lumukot na talaga ang mukha ni Crescia.

"Because I can still feel that I have a chance to Yara."-Ryker

"Ryker!"-Drei

"Bro."-Axel

"Ano ba 'yan 'ker."

Sabay sabay na saway at reklamo namin.

"Paano mo masabing may chance ka? Kung talagang may chance ka dapat noon pa."-Crescia

"Bern, don't be too harsh to him."-Arya

"Well, I'm just slapping to him the truth so he know where to place himself."-Crescia

Lumalabas na ang katarayan niya.

"Tama na nga 'yan-"

Sinubukan ko silang pigilan pero...

"Sa'kin siya lumalapit pag may problema siya at mas madalas ko siyang nakakasama. Alam namin ang ugali ng isa't isa at komportableng komportable siya sa'kin. Pwede ko nang pang hawakan ang mga bagay na 'yon."-Ryker

Ang hirap ng paniniwala niya.

Sumuko na ako kay Crenz dahil alam ko kung saan lang ako para sa kaniya pero si Ryker kasi ang pinaka may possiblity sa'min na magustuhan ni Crenz.

"You're being delusional Ryker. Lumalapit siya sa'yo para mag patulong dahil mas may alam ka sa gagawin unlike Attienza na mangangapa palang sa batas natin, komportable siya dahil kababata ka niya ay higit sa lahat hindi niya gustong madawit si Attienza sa organization kaya hanggat kaya niya ilalayo niya si Liphyo sa batas na meron ang organization. Hindi mo ba naiintindihan? Gustong gusto siya ni Iya kaya pinoprotektahan niya si Liphyo."

*Gulp*

Harsh na talaga silang mag kapatid noon palang. Sisiguraduhin nilang itatak sa isip mo ang mga salitang babanggitin nila.

"Gusto mo siya para sa kapatid mo? Paano kung espiya lang siya ng mga kalaban?"-Ryker

Nagiging childish si Ryker para lang ipilit ang gusto niya. Naiintindihan ko naman siya pero sana nakinig nalang siya sa mga paalala o advice namin noon.

"At sa tingin mo hahayaan ko lang siya lumapit nang lumapit kay Crenz kung hindi pa ako siguradong wala siyang masamang motibo? Kinilala ko siya nang maigi pati na ang pamilya niya, walang konektado sa kahit anong samahan ang pamilya nila. Kapag nag sabi ka pa ng ganiyan iisipin ko nang wala kang tiwala sa screening skills ko."

Pumagitna na ako sa dalawa.

"Nasabi mo na ang gusto mong sabihin, Crescia, at ikaw Ryker, ano na naman bang pumasok sa isip mo? Napag usapan na natin 'to. Tumigil na kayong dalawa, masayang party dapat 'to, stop arguing."

Gusto ba nilang ito ang maalala sa importanteng okasyon na 'to?

"Kapag narinig kayo ni Raffy na pinag aawayan ang bagay na 'yan ewan ko nalang sa inyo, pft!"-Drei

"Kung naiinis ka sa kaniya dahil sa pag pilit mo sa gusto mo, pwede ka nang umalis, kung kokontrahin mo siya, umalis ka na rin at kung hindi mo kayang respetuhin ang desisyon ni Crenz sa bagay na gusto niya, huwag ka nang mag pakita ulit Ryker. Ito palang ang pangatlong beses na sinunod ni Crenz ang gusto niya. Kung magiging dahilan ka ni Crenz para mag dalawang isip siya sa desisyon niya sa bagay na gusto niya, hindi na kita gugustuhin makita pa."

Sabi Kong tumigil na siya.

Hinarap ko si Crescia at hinawakan ang dalawang balikat niya.

"He's in pain. Pag sabihan mo lang siya nang magaan na salita. Kung hindi ka pa nag mahal hindi mo maiintindihan kung gaano kasakit sa kaniyang manahimik at ipaubaya ang taong matagal na niyang gusto."

Niyakap ko si Crescia para hindi na nila marinig ang susunod kong sasabihin.

"Ano ba-"

"He's on the process of moving on. Nalilito pa siya at nahihirapang tanggapin 'yon. Tumigil ka na dahil maiiyak na siya."

Pinakawalan ko siya at nginitian.

*Pak*

"Aw!"

"Wala akong sinabing pwede mo akong yakapin."

Irap niya sa'kin.

Sakit ah.

Bigla nalang may umakbay sa'kin at kay Ryker.

"Masyado niyong kinukuha ang atensyon ng isa pa nating prinsesa. Let's just have a toast."-Axel

Toast-in ko ulo nito eh.

"She can't."-Arya pointing at Crescia

"She can't? Why?"-Drei

"She's in the liquor ban for 5 months."-Arya

Pfft! Seryoso?

"Parusa ng org?"

Tanong ko

"Yeah."-Arya

Nawala nang paunti unti ang galak sa loob ko dahil nasasagot na ako ni Arya ngayon nang walang ilang o walang something sa sinasabi niya. Mukha ngang nakapag move on nandiyan dahil casual na siya mag salita. Madalas na rin siyang tumanggap ng blind date at wala akong magawa para sa bagay na 'yon.

Naiisip ko pa rin si Sandra pero mas lamang na ngayon si Arya. Alam ko namang gusto ko pa rin si Arya pero nagiging komplikado na ngayon. Saakin ipag kakasundo si Sandra dahil iyon ang sabi ni Mr. Montilla pero hindi ko alam ang gagawin ko para patigilin 'yon. Noong una excited ako pero ngayon gusto ko nang mag back out.

"Kahit naman nasa liquor ban siya, malalasing pa rin siya sa isang shot lang ng alak."-Arya

Really? Opposite nga sila no Crenz.

"Antagal naman ng inutusan ko."-Crescia

Pag iiba ni Crescia ng usapan.

"Nandiyan na siya."-Axel

LIPHYO'S POV

Nag patuloy ang party at patuloy din ako sa pag contact kay Raffy at Raya para itanong kung nasa'n na sila.

"Be patient, makakabalik din sila."-Arya

Halos family members nalang din ang natira.

Bumukas ang gate na naka kuha ng atensyon naming lahat.

Gulat akong napangiti nang makita ko kung sino ang dumating.

"Tito Samuel."

Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanila. Kasama nila si Darrin at Darwin, buong pamilya nila ay nandito.

"Tito."

Nag mano ako kay Tito at Tita Deli.

"Liphyo, buti nandito ka."-Tita Deli

"Kumusta po?"

Masayang tanong ko.

"Ayos lang kami. Lalo kang gumwapo kahit parang isang buwan palang ang lumipas."-Tita Deli

Kinuha ko ang ilang gamit na dala nila.

"Tulungan ko na po kayo."

"Salamat."-Tito Samuel

Lumapit na rin sila Tita Hailey para salubungin sila at nag kamustahan pa muna.

"Kuya, ang ganda ng sapatos mo ah."-Darwin

"Gusto mo bigyan kita?"

"Talaga?!"-Darwin

Halos kuminang ang mata niya sa tanong ko.

"Oo naman, marami akong sapatos sa bahay. Sabihin mo lang kung kelan ka free tapos dadalhin kita sa bahay."

Mabilis siyang tumango at saka kami nag lakad papasok ng bahay para ilapag ang mga gamit nila.

Lahat naman ng sapatos ko ay galing sa sponsorship namin. Minsan na kasi akong lumabas sa TV commercial para mag endorse ng sapatos tapos ginawa rin nila akong model. Nakapag ipon ako nang dahil doon.

"Nasa'n si ate Bern?"

Tumingin siya sa paligid niya.

"Kanina ko pa rin siya hindi nakikita."

Lumabas kami at pag labas namin ay natigilan kaming lahat ulit nang bumukas ang gate at pumasok ang lasing na si Raya habang inaalalayan ng kambal niya at ni Raffy.

"Crenz Yara."-Tita Hailey

Nako po! Iba pa naman trip niya pag lasing.

"Kaya ko nga sabi- bitaw."

Nag aalangang tumango sila Crescia at Raffy sa isa't isa at pinakawalan siya.

"Oh dibaaaa? Sinabi ko nang- Woah!"

*BLAG*

Papunta na sana ako sa tabi niya nang maunahan ako ni Ryker na lapitan at alalayan siya.

"Ashariya! What do you think you're doing?!"-Tito Craig

"Crenz."-kuya Cedric

Lumapit si kuya Cedric at kuya Chiggy sa kaniya kaya nag bigay daan si Ryker para hayaan si Raya sa mga kapatid niyang lalaki.

"Ano bang iniisip mo at umuwi ka ng lasing!?"-Tito Craig

Nakangiting tinaboy taboy ni Raya ang kamay ng mga kapatid niya at paulit ulit na sinasabi na kaya niya.

"Why? Party to diba? Mag celebrate tayo dahil may kinasal- pahingi nga akong alak, gusto ko lang makipag toast."

Ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

Gusto ko siyang lapitan para pag sabihan pero tama na siguro ang powers ng mga kapatid niya para pagsabihan siya.

"Enough for alcohol! You're already reeks with alcohol!"-Tito Craig

Talagang mapapagalitan siya sa ginagawa niya.

Napatampal nalang ako sa noo ko at napa buntong hininga, nakakatakot silang lahat magalit.

"Pati ba naman sa pag inom kailangan din akong mandohan?"

Sarkastikong tanong niya sa lahat.

"Crenz, stop these."-Cedric

"C'mon, let's go to your room."-Chiggy

Hinawakan siya nung dalawa pero inis na winaksi niya ulit ang dalawa dahilan para tumalsik bahagya ang dalawa dahil sa lakas niya.

"Bring the kids inside."

Utos ni Tita Hailey kay ate Vanessa.

Mukhang kararating lang ni ate Vanessa kasama sila Vandro at kuya Cedric.

Pinasok naman ni ate Vanessa ang mga bata.

"Sinadya niya 'to."-Darwin

"Ha?"

May tao pala sa gilid ko, muntik ko nang makalimutan.

"Uminom siya para magkaroon ng lakas ng loob sabihin ang gusto niya. Ganiyan siya kahit noong bata pa siya. Madalas siyang kumuha ng lakas ng loob sa alcohol."

Bata palang siya lasenggera na siya.

Siguro kahit naman ako mapapainom sa laki ng problemang meron ako sa pamilya at sa bigat ng responsibilidad na meron sa pamilya ko.

Lumapit sa'min sila Hans at tahimik lang na nakikinig sa usapan ng mga Acer at Vilarde.

"Oh? Papa!? Nandito kayo?"

Palembang lembang na lumapit si Raya kina Tito Samuel at Tita Deli para mag mano, nakaantabay lang ang mga kuya niya sakaling mawalan siya ng balanse.

"Mama, na miss kita."

Sabi niya nang yakapin niya si Tita Deli.

Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Tita Hailey nang makita niya ang ginawa ni Raya kay Tita Deli.

Hindi bumawi ng yakap si Tita Deli at hinayaan lang si Raya.

Matapos niyang gawin 'yon ay lumayo siya at tumingin sa kanilang lahat.

"Nakikita mo pa ba ang sarili mo Ashariya? Para kang walang pinag aralan sa mga ginagawa mo."

Matigas na sabi ni Tito Craig.

"Pfft! HAHAHA..."

Tumawa si Raya na parang nasisiraan na ng bait.

"Crenz!"

Mariing saway ni Cedric sa kaniya.

"Pag babawalan mo rin akong tumawa?"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Raya nang sabihin niya 'yon.

Kunot noong nag iwas lang ng tingin si kuya Cedric sa kaniya.

"Bakit si P'Craig lang ang may lakas ng loob na pagalitan ako? Isa, dalawa, tatlo-"

Binilang niya ang mga tatay niya.

"Hahaha.. nakakatawa 'to, tatlo ang Tatay ko pero isa lang ang may lakas loob na pagsabihan at pagalitan ako. Yung tatay ni Crenz Yara (Tito Samuel) tahimik dahil mukhang iniisip niya na wala siyang karapatang pag sabihan ako dahil nandito ang biological parents ko while my biological parents hindi nag sasalita dahil mukhang iniisip nila na wala siyang karapatang pag sabihan ako dahil puro lang problema ang binigay nila sa'min. Mayroon akong tatlong Ama rito at dalawang Ina pero isa lang ang may lakas ng loob mag salita."

Nag simula nang mag lakad si Crescia para lapitan ang kapatid upang pahintuin.

"Hindi mo na alam ang sinasabi mo."-Crescia

"Ano ka ba? Syempre alam ko."

"Enough."-Crescia

Hindi siya nakinig sa kakambal niya at hinila lang ito pagilid.

"Lahat ng anak mo Chris! Lahat, muntik nang maging pagkakamali kung hindi lang sinalo ng kambal mo! Selfish kayo pareho ni M'Hailey! Tinago niya sa'yong buntis siya sa anak mo at ikaw, mas pinahalagahan mo ang pag dodoctor mo at pinutol ang komunikasyon sa pamilya mo! MGA ANAK NIYO ANG NAG SASUFFER SA KA SELFISH-AN NIYO!"

"Crenz Yara!"-Tito Craig

"Bakit P'Craig? Ipag tatanggol mo sila? Nahirapan ka rin naman noong inako mo ang hindi dapat sa'yo ah!? Nag paubaya ka rin noong nakita mong may pinili si Chris sa pangalawang pagkakataon na gusto niyang gawin! At ang pinaka nakakatawa roon, gano'n din ako, umaako rin ako ng hindi dapat sa'kin para protektahan kayo! LAHAT KAYO!"

Tumulo ang luha ni Raya dahil siguro sa sama ng loob niya.

"Nilayo ko yung bata para protektahan kayo at huwag niyong sasabihing hindi niyo 'yon hiniling na gawin ko! Let's not be hypocrite here dahil hindi niyo rin alam ang gagawin noong sinilang si Charrie. Never akong nakatanggap ng parusa o sermon kay M'Hailey, ni magalit sa'kin ay hindi niya ginawa. Lahat ng gusto kong gawin niyo bilang magulang nakuha ko lang noong naging si Crenz Yara na ako! How I wish Papa Samuel and Mama Deli is my biological parents, they've done the parenting responsibility more enough than our biological parents."

Mabilis na kumilos ang katawan ko nang muntik na siyang matumba pero pinigilan ko ang sarili kong lumapit dahil alam kong may aalalay sa kaniya. Na fifeel ko na ang na fi feel ni Doc Chris, yung tipong hindi mo magawa dahil parang wala kang karapatan at alam mong may mas better na gagawa nun sa kaniya.

Inagapan siya ng mga kapatid niya.

Kumawala ulit siya sa mga kapatid niya.

"Sabi ko mag propose ka, simpleng bagay na pambawi mo kahit papaano sa kasalanan mo kay M'Hailey at sabi ko ilabas mo si Charrie nang kayo lang para hindi siya lumaki na hindi kilala ang biological father niya. Wala ka namang nagawa ni isa sa mga 'yon. Humarap ka muna sa judge bago ka humarap sa pamilya mo."

"He's still your father."-Tita Hailey

"I don't care. I'm not doing this for myself, he became a father for me for 10 years. I'm doing these for you and for my siblings. Gusto kong bumawi siya kahit anong alibi ang sabihin niya, mali pa rin siya. Mali siya noong naging selfish at lumayo sa pamilya niya, mali siyang hindi niya inalam ang lagay niyo at maling mali siya nang tiniis niya lang ang lahat kasi ang akala niya 'yon ang mas BETTER."

May tumapik sa balikat ko.

"Pigilan mo na siya bago pa lumala ang lahat."

Its Raffy. Hindi ko alam kung paano siya nakarating sa pwesto namin nang hindi namin namamalayan.

"Usapang pamilya 'yan."

Kontra ko sa kaniya.

"Tapos na niya sabihin ang gusto niyang sabihin. Kumilos ka na at patahimikin mo siya bago pa atakihin si Tita Deli."-Raffy

Bigla akong kinabahan.

Pwede ngang atakihin ngayon si Tita at pag sisihan bukas ni Raya ang nangyari ngayon.

Tinulak ako ni Raffy

"W-Woah!"

Muntik na akong matumba mabuti nalang at nabawi ko ang balanse ko. Pag angat ko ng tingin ay naka tingin na silang lahat sa'kin.

"A-ah-hehehe... Good evening po?"

Kabadong tanong ko sa kanila.

Ano 'yon Liphyo!? Anong good evening po?

Nababaliw na rin ako!

Tumingin ako kay Raffy at sinenyasan niya akong kunin ko na si Raya pero tumanggi ako. Sa loob ng halos isang minuto na pag babangyan namin sa pamamagitan ng senyas ay ako rin ang talo sa'min.

Nahihiyang nag lakad ako palapit kay Raya na kunot noong mapungay na ang matang sinisugurado kung ako ba talaga ang kaharap niya.

"Let's go."

Bulong ko kay Raya.

Tumingin ako sa mga parents niya at bahagyang yumuko bilang pag bati.

"Hindi niya po alam ang mga sinasabi niya ngayon, bukas po mag tatanong na siya kung anong ginawa niya ngayong gabi. Dadalhin nalang po namin siya sa kwarto niya para mag pahinga, hehehe..."

Hinawakan ko si Raya sa dalawang balikat niya at bahagyang inalog.

"Hoy, umayos ka nga. Nasabi mo na ang mga dapat mong sabihin kaya tumigil ka na."

Mariing pag papaintindi ko sa kaniya.

"Uhmm? Pula? *Chuckles*"

"Oo na, Pula na. Tara na."

Tiningnan ko si Arya ng nanghihingi ng tulong.

Natinag naman siya at lumapit sa'min.

"Crenz tara na-"-Arya

Natigilan ang lahat maging ako nang yakapin ako ni Raya at humilig sa dibdib ko.

Patay! Para na akong lalamunin ng mga taong nakapaligid sa'min lalo na ang parents niya.

"Uy raya-"

Sinubukan ko siyang ilayo pero siniksik niya lalo ang sarili niya sa dibdib ko.

Tumingin ako Crescia ng nanghihingi rin ng tulong para palayuin ang kapatid niya sa'kin pero gulat din siya sa nangyayari.

"Ako na, ako na ang mag dadala sa kaniya sa kwarto niya."

Sinubukan siyang kunin ni kuya Chiggy Mil pero tinaboy niya lang ang kamay ng kapatid at mas humigpit ang yakap sa'kin.

Nakakahiya na 'to, center of attention na kami.

"Crenz, pinapahirapan mo si Liphyo."-kuya Cedric

Hindi siya pinansin ni Raya.

Wala akong nagawa kundi ang haplusin ang ulo niya.

"Let's go to your room."

Bulong ko sa kaniya.

Tumango siya konti kaya nilayo ko siya sa'kin.

Pinunasan ko muna gamit ang thumb ko ang pisngi niya dahil nga lumuha siya kanina at lumuhod pa talikod sa kaniya.

"Hop in."

Tinapik ko ng dalawang beses ang balikat ko.

Inalalayan siya ng mga kapatid niya para maka pasan sa'kin at saka ako tumayo na pasan pasan siya.

"Crescia, samahan mo sila."-Chiggy

"O-oo, tara."-Crescia

Bago ako mag lakad ay bahagya pa akong tumungo para mag paalam sa mga magulang niya at saka kami nag lakad papasok ng bahay.

"Nahihiwagaan ako sa kung anong meron ka para makinig sa'yo ang kapatid ko."-Crescia

"Mas mahiwaga ang kapatid mo, hindi ko alam kung anong ginawa niya sa'kin at gustong gustong gustong gustong gusto ko siya."

Natatawang ani ko at pumasok kami sa kwarto ni Raya. Wala pa halos gamit pero may kama.

Maingat namin siyang pinag tulungan ihiga. Nakatulog na siya nang tuluyan.

"Paano kung dumating sa puntong pag bawalan kayo ng organization sa relasyong meron kayo, anong gagawin mo?"

Tinanggal ko ang sapatos niya at kinumutan siya.

"Hindi ko alam pero kung hindi kami mag kakatuluyan sa dulo, parang ayoko nang sumubok ulit."

Nalulungkot ako kapag naiisip na may posibilidad na hindi maging kami. Hindi nga rin naiisip ng utak kong sumubok pa ng iba eh.

"Sus... Okray mo. Lalaki ka kaya paniguradong mag hahanap ka ng kaligayahan mo."

Napangisi ko

"Mas marunong ka pa sa'kin?"

"Marami na akong nakilalang lalaki at wala sa kanilang gano'n."

Nag kibit balikat nalang ako. Hindi naman talaga ako dapat mag salita ng patapos na, marami pang pwedeng mangyari.

"Sige, sabihin na nating tama ka. Kapag si Raya ang nagustuhan mo mas magiging mahalaga sa'yo ang present kesa sa future. Mahirap siyang lapitan at hindi ko alam ang approach na gagawin ko kapag nandiyan na siya, walang kasiguraduhan kung mag si stay siya kaya kailangang sulitin kapag nandiyan siya."

Sabay kaming tumingin kay Raya na mahimbing na ang tulog.

*Knock*

Matapos ang pagkatok ay bumukas ang pinto.

Pumasok si Raffy na may dalang wipes.

"Ano nang nangyari sa kaniya?"-Raffy

"Tulog na. Bakit ang tagal mo siyang nabalik?"-Crescia

Lumapit si Raffy kay Raya

"Alam mo namang hindi gano'n kadaling ihandle siya kapag lasing. Marami muna siyang nabasag na baso at bote. Mamumulubi ako kung wala lang siyang allowance mula sa org."

Allowance?

"Bakit ganiyan mukha mo?"

Puna sa'kin si no Crescia.

Ngumiti agad ako.

"Wala. Iwan ko na kayo."

Mas nahihilo ako kapag may pinag uusapan silang bago sa pandinig ko.

Lumabas na ako ng kwarto at sumandal sa gilid ng pinto.

Nanliliit na naman ako sa sarili ko.

Tiningnan ko kung magkano laman ng wallet ko.

200 pesos.

Kapag napupuna ko ang kakulangan ko, mas lalo kong napapatunayan na may ibang mas better sa kaniya.