62

RAFFY'S POV

Nasa isang pabilog na mesa ang mga lalaki. Iilan nalang kaming nandito.

"Alis na kami Raffy"-Ryker

Tangay niya si Axel na lasing na at halos hindi na makalakad.

"Uuwene teyoooo? Weg mene, gheste ko pang-"

Napakumapas ako sa hangin dahil amoy na amoy ang alak sa hininga niya.

"Sure ka? Nakainom ka rin diba?"

Nginisian niya ako.

"I can still manage."-Ryker

(P.S Huwag gayahin)

Pareho kaming nasa gate dahil dadaan daw saglit si Chelsea rito kaya inaabangan ko.

"Bahala ka. Bumalik kayo nang buhay ah."

"Yes Ma'am!"-Axel

Sumaludo pa siya na muntik niya nang ika bagsak.

"Uy! Ano ba?! Huwag kang malikot."-Ryker

Maging ako ay napa tulong na rin para alalayan si Axel.

"Bastard, I'll kill you someday."

Singhal ko sa kaniya saka ko tinulungan silang makarating sa loob ng kotse ni Ryker.

"Mag ingat sa pag mamaneho."

Paalala ko sa kaniya.

Tumuro siya sa mga sasakyan na malapit sa kinatatayuan namin

"Nakita mo ba kung ilan 'yang naka bantay sa'min? Isang kotse para kay Axel at isa sa'kin."

Tinuro niya ang kinaroroonan ng mga nag babantay sa kanila.

"Tsk! Kahit nandiyan pa sila kung sasalpok ka sa ibang kotse o sa mga puno, patay ka pa rin."

"Wow, ang sweet mo naman."-Ryker

"Nagiging totoo lang. Pasok na, huwag mo na siyang ihatid sa kanila dumiretso ka nalang sa bahay mo."

Para hindi na siya mapagod.

"Ok."

Sinaluduhan niya ako ng dalawang daliri at pumasok na rin sa kotse niya at pinasibad 'yon paalis.

"Sino yun?"

Gulat na napatingin ako sa taong nag salita sa likod ko.

"Ba't nanggugulat ka?!"

"Di kita ginulat 'no, nagulat ka lang."-Chelsea

Siya pa rin dahilan.

"Dapat umuwi ka na diretso, nag paka pagod ka pang pumunta rito."

"Napaka lapit lang nitong lugar sa pinapasukan natin, bakit naman hindi ko pa sasadyain?"

Inirapan ko siya at kinuha ang mga librong hawak niya.

"Hindi ka pa nag dinner diba?"

"Not yet. Before Christmas break may long quiz at advance exam kami kaya inabutan na ako ng closing ng library sa school."

9:38pm na nang tiningnan ko ang orasan.

"Si Crenz ka na rin ba? Bakit hindi kayo kumakain sa tamang oras?"

"Ngayon lang ako na late sa pagkain ng dinner."

Kumapit siya sa braso ko.

Kapag ganiyan siya nawawala lahat ng inis ko.

Pumasok kami sa loob ng bahay.

Kumuha ako ng makakain niya habang siya ay nakikipag usap sa mga tao sa labas at bumabati kina Tito at Tita. Pag bigay ko sa kaniya ng pagkain ay inasikaso ko naman ang mga nag iinom gaya ng pagkuha ng ice or pulutan nila. Grabe yung tawanan nila.

Si Liphyo mukhang lasing na.

Never ko pa siya nakitang nalasing.

"Liphyo, tumigil ka na. Uuwi ka pa."

Mahinang saway ko sa kaniya.

"Eh bayt pinapatigil mo ang anak ko? Hende mo ba alam be *hik* dito siya mateteleg!"-Tito Chris

"Lasing ka na Chris HAHAHA..."-Tito Samuel

"Hinde pa ko laseng, alam ko pa lahat *hik*-"

Lumapit na sa'min si Tita Hailey.

"Chris, tama na 'yan."-Tita Hailey

"Teta *hik* teta hinde pa lasheng shi Doc, iinom pa po kami ng muraming muraming muraming alak. Deba po Doc?"-Liphyo

"Tama siya Miss beautiful - uh? Shino 'tong magandang babae sa herap ko?"-Doc Chris

Grabe, pareho sila ng vibe ngayon.

Lumapit si Tito Chris kay Liphyo at malakas na binulong na

"Kamukha niya yung girlfriend ko dati shhh ka lang."

Napangiwi ako sa ginagawa nila

"Eh Doc, asawa mo siya."

Masayang bulong din ni Liphyo sa kaniya.

Pinag tawanan sila nila Hans at Drei na mukhang may mga tama na rin.

"Asawa ko siya? Siya? *Point at Tita Hailey* Yang magandang 'yan asawa ko?"

Tinuro pa ni Tito Chris ang sarili niya.

Ang sarap nilang videohan.

Si Tito Craig ay nakapikit na at halatang lasing na dahil palembang lembang na ang ulo at hindi alam kung saan makaka stay.

Si Tito Samuel at tumatagay mag isa at nakikinig sa usapan ng dalawa habang maya't mayang tumatawa. Si Hans at Drei naman tinatagayan ang isa't isa at nakikinig din sa pinag uusapan nila Tito.

"Haaay nako, kaya ka nakakabuo ng hindi mo alam. Bahala ka."-Tita Hailey

Nilayasan ni Tita si Tito.

Nainis ata si Tita.

Hindi ko na sila mapipigilan kaya bahala na siya, dito nalang siya matulog.

"Miss beautiful!"

Tawag ni Tito kay Tita pero hindi niya pinansin.

Hindi ko gaanong kilala si Tito pero parang kaugali niya ang pasaway na Crescia.

"Ate Raffy."

"Bakit Darwin?"

Ang alam ko pinapatulog niya ang mga bata kasama si Dada at Tita Deli.

"Hala."

Nakangiwing aniya habang nakatingin kela Tito.

"What's the matter?"

"Lagot si Papa kay Mama niyan."

Natawa nalang ako.

"Ok lang naman siguro 'yan, may okasyon naman."

"Ate Raffy patulong nga muna kami sa taas."

Tulong?

"Sure."

CRENZ'S POV

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

"Damn."

Pag tingin ko sa pinto ay nakaharang doon ang couch at natutulog doon si Raffy.

Nasa tabi ko rin si Crescia.

Hindi nakayakap sa'kin si Crescia kaya madali akong naka bangon.

Ano bang nangyari kagabi? Bakit may tinta ng ballpen ang kamay ko?

Hindi ko maalala ang mga nangyari, ang huli kong naalala ay sinundo ako ni Raffy at nakatulog ako sa kotse niya the afterwards wala na akong maalala.

Kaninong kwarto 'to? In fairness ah ang ganda ng interior design. May bathroom din sa loob.

"Crenz."

Antok na tawag sa'kin ni Raffy.

"Sleep more Raffy, I'm gonna wash up."

Mapupungay na matang tumango siya at bumalik sa tulog.

Naligo ako dahil may sulat ako sa balat ko at hindi na nila ako binihisan kagabi.

After taking a quick shower nag bukas ako ng cabinet only to find a white shirts and long sleeves. Puro puti at walang ibang kulay.

"What the heck is these?"

Bulong ko sa sarili ko.

Kumuha nalang ako ng kahit ano doon kesa wala akong suotin. Lahat nga ng gamit doon ay selyado pa dahil bago.

White shirt and a white shorts.

Bumalik ako sa bathroom para mag bihis, pag labas ko gising na si Raffy. Nang napatingin siya sa'kin ay bigla nalang siyang natulala.

"Ginagawa mo? Alis diyan sa pinto."

Doon lang siya natauhan.

"Morning my precious."

Bati niya sa'kin.

"Uhm.. morning, alis na riyan bababa ako."

Tumayo naman siya at inalis ang couch sa pinto. Anong trip niya? Bakit sa pinto niya nilagay.

"Sabihin mo sa may ari ng kwartong-"

"Kwarto mo 'to."

Ha?

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.

"Bahay ni Chris?"

"Yup."

"Yung mga damit? Akin lahat 'yon?"

"Malamang, kwarto mo 'to."

Bigla akong nahiya.

"Did he bought those personal stuffs?"

She chuckle

"Silly, I'm the one who bought your personal stuffs. Nag patulong sa'kin si Tito. Ayaw mo ba? Bumabawi lang ang papa mo sa'yo."

I nod. Alam ko naman ang ginagawa niya.

"Maligo ka na Raffy."

"Ok, I'll get one from your clothes ah?"

Ano pa nga ba?

"Go."

Kumilos na siya at ako ay lumabas ng kwarto at ginala ang paningin sa labas ng kwarto.

Diretso lang hallway at sa dulo ay may pinto. Malapit ang kwarto ko sa hagdan.

Tinungo ko ang huling pinto at pag bukas ko no'n ay terrace pala 'yon.

Di ko nakita sa phone ko kung anong oras na.

Tiningnan ko ang ibaba mula sa terrace at napagtanto kong malaki ang space ng bahay.

"Ate."

Agad akong lumingon sa tumawag sa'kin dahil dalawa lang naman ang mag aate sa'kin, si Darwin at Darrin lang 'yon.

"Darwin."

Naka ngiting bati ko, gumanti rin siya ng ngiti.

"Good morning ate."

"Morning, kelan kayo nakarating?"

"Wala kang naaalala sa mga nangyari kagabi?"

"Kagabi?"

Wala nga akong maalala.

"Ayan 'te, dapat talaga hindi ka umiinom kasi wala kang naaalala kinabukasan sa mga ginawa mo."

Wala naman siguro akong ginawang kababalaghan kagabi.

"Forget it. Nasa'n sila Mama?"

"Sila Mama? You mean Tita Hailey?"

Inirapan ko siya.

"Our mother moron."

Bigla niya akong tinawanan.

"Nasa baba, nag hahanda sila ng breakfast ni Tita Hailey at Dada."

Ang tangkad na talaga ng binata namin.

"Let's go downstairs?"

"Wait lang ate, yung anak mo kasi kanina ka pa gustong puntahan kaya nag tatampo sa kwarto niya."

Nako, nag tantrums na naman siguro ang baby ko.

"Ok, nasa'n ba?"

Sinamahan niya ako at binuksan ang kwartong pinaka malapit sa kwarto ko.

Pag bukas ko ng pinto nag lalaro siya ng tablet niya pero mabilis siyang tumingin sa'min.

"Mommy!"

"C'mon baby."

Patakbo siyang lumapit sa'kin kaya kinarga ko na rin siya kahit medyo mabigat na ang little princess namin.

"Mommy, ilang araw na po kita hindi nakikita."

"I'm sorry baby, busy si Mommy sa studies."

Nakayakap lang siya sa'kin.

"Baby, you're a big girl na, dapat hindi ka na nag papabuhat."-Darwin

"Mommy..."

Mas lalong humigpit ang yakap niya na nakapag pangiti sa'kin lalo.

"C'mon baby, let's go downstairs."

Binaba ko siya at hinawakan sa kamay saka kami nag tungo sa hagdan.

Bago kami makababa ay bumukas ang kwarto ko.

"Ate Crescia!"-Darwin

"Ate Cia, good morning po"-Charrie

"Morning everyone."

Halos pikit pa siya nang maka labas siya.

"Go back to your room Bern, maligo ka na, mukha kang sabog."

Singhal ko sa kaniya.

"What a morning meanie freak."

Singhal niya rin sa'kin at saka siya parang zombie na pumasok sa isang kwarto.

"Let's go."

Sa hagdan palang ay naaamoy ko na ang mabangong amoy ng sinigang.

Pag baba namin sa hagdan ay napatigil ako sa nabungaran ko.

"Dito sila natulog kasi hindi na nila kayang umuwi. Kanina pa nga ginigising ni Mama si Papa eh."

Déjà vu ata 'to.

Noong nag bar sila Raffy noon natulog din ang mga lalaki namin sa bahay ko at walang pinag bago 'yon sa nakikita ko ngayon.

"Get me my favourite alarm clock Darwin."

Lumaki ang ngiti ni Darwin.

"Right away Ma'am! Tara baby."

Dinala niya sa kusina si Charrie.

Sinuyod ko ng tingin ang mga itsura nila.

Naaamoy ko pa ang amoy ng alak sa paligid dahil sa kanila.

Mag kakatabi ang mga tatay ko at katabi nila sa kanan ang dalawa kong kapatid na lalaki sa tabi naman nung dalawa ay sina Hans, Pula at Drei.

Bakit hindi nag si uwi 'tong mga 'to?

"Ate, ito na."

Binigay sa'kin ni Darwin ang kailangan ko.

Takip ng kaldero at sandok.

"GOOD MOR- ning. What is these?"

Pumasok sa pinto si Vanessa kasama si Vandro na may malaking ngiti pero nawala rin nang makita niya ang magulong itsura ng mga lalaki sa lapag.

Malakas kong pinukpok ang sandok sa kaldero.

*TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK!!*

Dahil sa ginawa ko ay dumungaw mula sa kusina sila M'Hailey, Mama at Dada. Nag takip naman ng tenga si Charrie at Vandro

"GISING!"

Sigaw ko sa kanila.

Hindi ko gusto ang amoy ng bahay dahil sa kanila.

Masakit ang ulo ko dahil sa alak kaya ayoko muna ng alak at sinusumpa ko pa 'yon.

"Uhm... Ang ingay."-Cedric

Lahat sila ay gumalaw dahil sa ingay pati ang dalawa sa taas ay napadungaw rito sa baba.

Mas nilakasan ko pa ang pag tuktok dahil ayaw pa rin nilang tumayo at kasama na roon ang mga tatay ko.

*TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK TAK!!*

Inis na bumangon na si Drei.

"Argh! Ang ingay!"

"Hoy! Sinisigawan mo 'ko?!"

Singhal ko sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya nang marinig niya ang boses ko, parang nawala ang antok sa sistema niya.

"C-Crenz."-Drei

Napabalikwas naman ng tayo ang mga Tatay ko dahil sa boses ko.

Mapupula pa ang mga mata halatang naalimpungatan.

Hinulog ko ang takip ng kaldero sa lapag na nag likha ng sobrang lakas na ingay.

Doon nagising ang mga kapatid ko.

"P'Craig, akala ko ikaw ang sasaway sa kanila sa pag inom pero isa ka rin sa kanila na nakahiga rito."

Pikit pang nag kakamot siya sa leeg niya at gulo gulo ang tie.

Hinulog ko naman ngayon ang sandok sa lapag.

"Drei, kapag hindi pa gumising 'yang apat hihilain ko 'yan palabas ng bahay."

Nag madaling ginising ni Drei sila Hans.

Nag lakad na ako palapit kina Mama pero bago ako tuluyang maka lapit.

"WAKE UP!"

Nag angatan balikat nila sa gulat.

"Woah, that nice and rude."-Vanessa

"You knew I'm a badass."

Lumapit ako kay Mama at nag mano sa kaniya.

"Ma, kelan pa kayo dumating?"

Gulat siyang tumingin sa'kin dahil siguro sa ginawa ko.

"Kagabi lang."

"Sorry sa ingay Ma, hindi ko lang gusto ang amoy ng bahay dahil sa amoy ng alak sa kanila."

Pinisil ni Mama nang bahagya ang pisngi ko.

"Ikaw talaga, sabi ko maging mabait sa mga kaibigan mo."

Mabait na kaya ako.

"Mabait na po ako sa lagay na 'yon. Dati naiisip ko pa silang sabuyan ng tubig kapag hindi sila nagigising agad, ngayon hindi na."

"PFFT!"-Vanessa/Darwin

"Haha.."-Darrin

"Ikaw talaga, bawasan mo ang kapilyahan mo."

Niyakap ko si Mama dahil na Miss ko siya.

"Maayos naman po ba ang naging byahe niyo? Nakapag pahinga po ba kayo nang maayos?"

"Ayos lang kami. Gusto mo ng kape?"

Kumalas ako sa yakap

"Ako na po ang gagawa."

"Sige, ang ganda mo lalo sa suot mo ah."

Hindi ko talaga trip ang puti pero no choice.

"Mas maganda ka Ma."

Yumakap ulit ako sa kaniya dahil sobrang namiss ko talaga siya.

"Tama na 'yan, may niluluto pa ako."

Si Mama ang umalis sa pag kakayakap ko at bumalik sa kusina.

Tumingin ako kay M'Hailey at nakita ko ang pilit na ngiti niya. Humalik ako sa pisngi niya.

"Morning." Bati ko sa kaniya. Ngayon lang ako nakahalik sa pisngi ng biological mother ko at ngayon ko lang din siya nabati ng good morning.

Nakangiting sumunod ako sa kusina para mag timpla ng kape.

Bangag na umupo ang mga tatay ko sa mahabang mesa rito sa kusina.

"Creya, pa timpla rin ako ng kape."-Papa Samuel

"Me too."-P'Craig

Si Chris naman ay naka yuko habang pikit pa.

"Hindi muna kayo pwedeng mag kape P'Craig at Papa, madalas na kayong nag kakape kaya bawas bawasan niyo muna. Nenerbyusin na kayo."

Kumuha ako ng mainit na tubig at nag lagay ng salabat sa dalawang tasa.

Binigay ko sa kanila 'yon.

"Mag salabat kayo."

"Pfft! I want salabat too."-Chris

Kinuha ko ang kape ko at nilagay sa harap ni Chris.

"Hindi ako nag kakape."

I know.

"Mag kape ka para nerbyosin ka."

"PFFT!"-P'Craig/Papa

Iniwan ko muna sila at tiningnan ang mga kaibigan ko.

Naka isang hilera sila at nag tutupi ng hinigaan nila at syempre kasama ang mga kapatid ko.

"Bilisan niyo nga."

May inis na singhal ko sa kanila.

Dinungaw nila ako dahil naka harang si Cedric.

Para silang pamaypay nang binuksan na dahil sa pag dungaw nila sa'kin.

"Wow! Chix."-Drei

*Pak*

Binatukan siya ng kapatid ko.

"Gago, kapatid ko 'yan huwag mong pag nasaan."-Chiggy

Pinag sasasabi nitong mga 'to.

"Lalaki naman 'yan eh."-Hans

Aba't siraulo!

"Ok lang sa'kin, bading daw ako sabi niya."

Nakatulalang sabi ni Liphyo habang naka tingin sa'kin.

Lahat ng lalaki ay tumingin sa kaniya.

"Ikaw siraulo, dadaan ka muna sa'kin."-Cedric

At nag wrestling silang Lima.

Naboboring na tumingin ako sa kanila.

"Creya, anong breakfast?"

Sabay na bumaba si Raffy at Bern.

"Basta may sabaw."

Simpleng tugon.

Tatlo na kami ngayong naka tingin sa limang siraulong nag wre-wrestling dito sa sala.

"Would you all please behave?! Roft! Jhonzel! Nangunguna pa kayo sa kaharutan!"-Vanessa

Lagot kayo, nandiyan na ang dragon.

"Bakit ba nandito kayong mag kapatid?"

Tanong ko kay Raffy

"Why not? It's party syempre present kami."

"Eh bakit hindi kayo umuwi?"

Inirapan niya ako.

"Bukod sa hindi niya na kayang mag drive, lumalabas ka kaya ng kwarto nang bangag kaya no choice ako kundi bantayan ka, kaya nasa pinto mo ang couch."

Ako? Lumalabas nang bangag? Nag sisleep walk ako?

"Sleepwalk?"

"No, you're awake without your sanity."-Crescia

Ano!?

"What do you mean?"

"Nakipag inuman ka kaya kila Papa, Daddy at Tito Sam kagabi."

Ako?!

"Ginawa ko 'yon? Wala akong maalala?"

"And before we take you in your you shouted that we should take our attendance, aral na aral lang ang peg?"-Crescia

Tinawanan kami ni Raffy.

Kaya ba may sulat ng ballpen ang balat ko dahil nag sulat ako kagabi?

Wala talaga akong maalala.

"Ang huli ko lang naalala nakatulog ako sa kotse ni Raffy then that's all."

"Masyado maraming bagay ang na mimiss mo. Hindi ka talaga dapat iniiwan kapag umiinom ka."-Crescia

Badtrip lang talaga ako kay Chris.

"Mag sabay sabay na kayo sa CR."-Vanessa

"Ha? Eh-"-Cedric

"NOW!"-Vanessa

Nag tulakan sila papunta sa CR para siguro mag hilamos.

Hindi kami mag kakasiya sa mesa sa kusina kaya inayos namin ang mesa rito sa sala para lang pag patungan ng kanin at ulam.

"Ate, anong gusto niyong inumin?"-Darrin

"No need to bother sis, water would be fine."-Crescia

"Bisita kaya kayo, hayaan niyo kaming kumilos para sa inyo."

Paalala ko sa kaniya.

"Ikaw?"

Turo sa'kin ni Darrin.

"Yeah, me."

Kahit nag tataka ako sa gusto niyang iparating ay sinagot ko na rin.

"You both should stay out of the kitchen, you're both clumsy and you will be just a headache if you'll start working in the kitchen."-Darrin

Nag katinginan kami ni Crescia.

"She's making fun of us."-Crescia

"I think so."

"Pfft.."-Raffy

"Anong pinapalabas mo? I can cook."-Crescia

"Me either."

"Oh please not. You might be both good at many things but leave the kitchen works to your husband in the future. Tama na sigurong nag papasok kayo ng income for your family or mag hire kayo ng cook and dishwasher in future para may matira pang pinggan sa inyo."

Napanganga ako.

She's really teasing us with her sharp tongue.

"Why? I can wash dishes."-Crescia

"Me either."

Dugtong ko ulit.

"Mauubusan kayo ng kakainan kapag nag hugas kayo. Mas better talagang plastic ang plato niyo para hindi magastos."

"HAHAHAHA..."-Raffy

Sinamaan namin ng tingin si Raffy.

Tumayo si Crescia at inakbayan si Darrin.

"Halika na rito, ang daldal mo."

Hinila niya si Darrin papunta sa kusina para tumulong sa pag aayos.

"I'll just call Chelsea."

Paalam ni Raffy at saka lumabas ng bahay.

Parang medyo mainit.

Humanap ako ng pwedeng tali pero wala akong mahanap kaya ang ginawa ko ay binalunbon ko nalang dahil may kahabaan na ang buhok ko, kailangan ko na atang mag pagupit.

Pag angat ko ng tingin ay naka tingin sa'kin si Hans, Drei at Pula sa'kin.

"Anong tinitingin tingin niyo?"

Nag cross arm ako para kunwaring mataray sabay taas ng isang kilay sa kanila.

"Pwede ba kitang ligaw-"

Tinakpan ni Pula ang bibig ni Drei kaya hindi natuloy ang sinasabi niya.

"Babakuranan ko na 'yan bro, wag na."

Dinig kong bulong ni Pula.

"Bawal ba sumilip sa bakuran mo?"

"Pwede naman, huwag ka lang sasampa at tatawid."

Ano raw?

Anong pinag uusapan nila?

Anong bakuran?

"Look, she's clueless."-Hans

Nag tawanan sila ng mahina.

"Huwag niyo akong idaan sa tawa niyo. Tumulong kayo sa kusina."

Nag tatawanang tumalikod sila.

"Hoy Pula, usap tayo."

Natigilan sila sa pag lalakad

"Patay ka Pre, anong ginawa mo?"-Hans

"R.I.P"-Drei

Nag alangan ang ngiti niya.

"Sit here."

Pagpag ko sa tabi ko.

"Can't I just stand."-Liphyo

Wait? Is he scared?

"Bye Pre."

"Good luck bro."

Humabol siya ng tingin sa dalawa na parang nang hihingi ng tulong.

"Sabi ko, upo."

Para siyang batang umupo sa tabi ko.

"Nag paalam ka bang sa ibang bahay ka matutulog?"

Napa isip siya.

"I don't remember, I think no?"

See? Ang lakas ng loob niyang uminom

"Feeling ko masyado ka nang matanda para pag sabihan pa."

Napakamot siya sa ulo niya habang nakatulala.

"I really can't remember what happened last night, I've been so drunk-"

"Who told you to drink?"

"Si Doc."

"Alam mo man lang ba kung gaano kataas ang tolerance mo?"

"2 small bottle of beer can knock me down. Hindi ko rin alam kung nasan ang phone ko."

Mababa nga tolerance niya.

"Huwag kang uuwi na ganiyan ang suot mo, humiram ka kay Chris ng damit."

Pati siya kailangan pang alalayan na parang bata.

"Ok, I'll ask him."

Tumayo siya at lumapit sa mga tatay kong nag kakape. Himalang hindi na sila nag reklamo at inuubos ngayon ang timpla ko.

"Iyah, get the plates there."

Utos sa'kin ni Crescia habang may hawak siyang bowl ng sabaw.

Hindi na ako nag salita at tumulong na rin sa pag hahanda.

Ito ang unang umaga na buo ang Vilarde family kasama ang isang buong pamilya ng Acer sa kainan. Natutuwa ako sa nakikita ko.

Magulo man dahil marami pero masaya naman.

Nag simula na kaming umupo para kumain.

"Guys."

Tawag sa atensyon namin ni Cedric.

Tiningnan niya kami nila Crescia at Drei na rin.

"I won't talk."

Paalala ko agad.

"Bakit? Ano ba 'yon?"-Mama

"For thanking the grace Tita."-Cedric

Napa "Ahh..." sila Hans

"Ready guys?"-Cedric

"Just do it Roft, they want to eat na."-Vanessa

"Ok, your highness."-Cedric

Napabungisngis ang iba.

*CLAP CLAP CLAP*

"SALAMAT SA PAGKAIN!"

Sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko.

Bigla akong napangiti.

Buhay pa rin pala ang gano'n sa kanila.

Sobrang pinapahirapan kami sa training noon pero kapag dating sa kainan ay tinuruan kaming mag pasalamat ni tanda.

"Crenz is smiling."-Chiggy

Nawala bigla ang ngiti ko.

"You're just imagining things."

"Atleast they can still remember what Mr. Tan teach."-P'Craig

Nag simula na silang sumandok at nag kaniya kaniya na rin ng kwentuhan ang dalawang mesa.

"Do you have a religion?"

Natigilan ako sa tangkang pag subo ko nang itanong ni Pula 'yon.

"Why? Why do you ask?"-Crescia

"Dahil sa binaggit niyo kanina. You thanked for the food at hindi ko pa rin alam kung may freedom ba kayo sa pag pili ng religion or may isang religion para sa lahat."

Oo nga, walang naka banggit sa kaniya ng gano'n.

"We let them find their own truth."

Ako na ang sumagot since mukhang hindi naman nila alam kung paano sasabihin sa madaling paraan.

"Ibig mong sabihin may freedom kayo sa religion?"

"Yeah, but most of us prefer to be atheists. In the kind of organization that we have, we can't ask for forgiveness and repeat to kill someone if it's necessary because of the order."-Crescia

Hindi ko siya mapigilan sa pag sasalita dahil kailangan din naman malaman no Pula ang lahat lahat.

"Agree, but we're open in different religions, in fact 50% of the population in the org has a religion, kumpleto lahat ng religion sa org. But as we said 50% of it don't believe to what they believe on having a religion or they chose to ignore the religion."-Raffy

Napa tango tango si Pula.

Masyado ko lang talaga siyang iningatan noon para hindi siya mabigla sa organization kaya ngayon kulang pa ang kaalaman niya.

Sasabihin ko kay Hans mamaya o bukas na ituro ang lahat ng nalalaman niya sa organization.

"Kayo? Anong religion niyo?"

"We can't determine too, basta kung anong tingin namin tama 'yon ang susunduin namin though hindi naman important for us ang religion, if we want to pray then we pray, as simple as that."-Raffy

"Pero kumakain kayo ng dinuguan?"

"I like dinuguan."-Hans

"Iw, that's gross."-Crescia

May kaartehan talaga si Crescia sa pagkain. Pag sa tingin niya hindi ka aya aya ang pinag mulan hindi niya kakainin, ako naman minsan lang mag inarte.

"Kain."

Tumingin sila sa'kin kaya tiningnan ko rin sila ng walang kwentang tingin ko.

"Ano?"

Maangas na tanong ko.

Bahagya akong siniko ni Pula kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Mukhang sinasaway niya ako sa klase ng tingin niya.

"Let's eat guys."-Raffy

Kumuha na sila ng pagkain nila

Nag simula nang kumain ang lahat.

"Lumabas daw si Crenz ng kwarto kagabi?"-M'Hailey

Nasa kabilang mesa sila kasama sila Mama at sila Cedric.

Lumabas? Hindi ko nga alam na nakarating ako rito.

"Ni hindi ko nga alam na nakapunta ako rito. Sabi ko Raffy iuwi mo ako sa bahay ko."

Pa simpleng tugon ko.

"Why? Bahay mo 'to."-Raffy

Tiningnan ko lang siya ng walang kwentang tingin.

"Crenz, you knew the consequences-"-P'Craig

"I know." Singit ko agad.

Alam ko namang gusto niya lang pag samahin kami sa iisang bahay para harapin ang parusa sa'min.

"Next time Raffy huwag mo siyang hahayaang uminom nang hindi mo siya kasama, paano kung mapahamak siya nang dahil sa pag inom niya?"-P'Craig

"Mas nakakaawa ang kakanti sa kaniya nang lasing siya."-Raffy

"Pfft.."

Nag hagikhikan ang mga kasama namin sa mesa

"Saying something Rafflesia?"-P'Craig

Mabilis nag angat ng tingin si Raffy at tumingin kay P'Craig.

"Nothing Tito, susundin ko po ang bilin niyo. I'll be always Crenz's bodyguard and slave."

Natigilan ako sa pag subo.

Alam kong iyon ang mission ni Raffy na maging kanang kamay ko siya pero

"I've never treated you as a slave."

"That's why I love you *wink* "-Raffy

Nginitian niya ako.

Kung pwede nga lang ako na bahala sa sarili ko pero siya naman 'tong ganap na ganap sa mission niya.

"Don't ever mention the word slave Raffy, kung hindi lang kayo mapilit hindi ako tatanggap ng tulong mula sa inyo."

Humigop ako ng sabay at halos maubos ko 'yon pag lapag ko.

Kinuha ni Pula ang sandok at nilagyan ako ng sabaw sa bowl ko.

"Calm down Crenz, ok sorry for the word."-Raffy

It's the organization who order them to be my slave but not me. In my eyes they are all the same as my friend, disregarded the ranks.

"Kailangan mo pa ba ng tulong sa pag lilipat ng gamit Crenz?"-P'Craig

"Kakalipat ko lang ng gamit sa bahay ko tapos mag lilipat na naman ako?"

"Iiwan mo ang gamit mo doon?"-P'Craig

"Mas madalas ako sa bahay ko kaya hindi ko kailangang mag lipat ng gamit."

Ayoko talagang may nag uutos sa'kin sa bagay na nakapag desisyon na ako.

"Ashariya."

Bantang tawag niya.

"How I wish I'm married now."

Mahinang ani ko pero mukha namang rinig nila dahil tahimik lang naman sila na nakikinig sa'min.

*Cough*-Liphyo

Nauubo siya?

Sinamaan ko siya ng tingin.

"What did you just say-"-P'Craig

"Don't ruin the breakfast, Craig."-M'Hailey

Seryosong saway ni M'Hailey.

Ngayon ko lang ulit nakitang seryoso si M'Hailey, last time na nag seryoso siya ay noong dumating kasi sa party ni Cedric.

Nakikiramdam lang ang lahat sa mangyayari.

Nawawalan ako ng gana.

Nag decide akong umalis nalang para hindi tuluyang masira ang mood ko pero noong patayo na ako ay pinigilan ako ni Pula na nasa tabi ko.

"A kilo of rice is so pricey."

Makahulugang aniya.

Napa upo nalang ulit ako.

Kami lang naman ni P'Craig ang madalas nag aaway.

"We're planning to have a Christmas vacation Samuel, sama na kayo ah?"-Chris

Buti nalang binasag ni Chris ang tensyon.

"Si Misis ang tanungin mo Chris, alam mo namang sunod lang ako sa gusto niya."

May halong asar na tugon ni Papa at saka nakakalokong tumingin kay Mama.

Bigla akong napangiti.

"Pwede ba? Kayong dalawa hindi na kayo nag bago."-Mama

"Let's have a vacation Deli, para sulit ang pag sistay niyo rito."-P'Craig

"Wait? Babalik pa kayo sa probinsya?"-Chris

"Hindi na po muna Tito, nakapag decide kami na dito muna mag stay para mapa check up na namin si Mama."-Darwin

Bigla akong kinabahan.

"Why? May nangyari ba?"

Napa tayo ako kaya nag madaling sumubo si Raffy at sumunod din sa'kin palapit sa table nila Mama.

"Walang nangyari, ano ba kayo. Ayos lang ako, napagod lang ako noong nakaraan-"

"Anong nangyari Darwin?"

Nag bend ako sa gilid ni Mama at pinaharap siya sa'kin.

"Haha.. ano ka ba Crenz, para ka namang Doctor sa ginagawa mo eh."-Mama

"Doctor ako, Ma."

Mukhang nagulat sila sa sinabi ko kaya walang nakapag react sa kanila.

"Crenz, let me handle this, specialty ko kaya 'to."-Raffy

Nag sorry lang ako ng sobra, nakalimutan kong may kasama akong cardiologist.

"Doctor sino?"-Mama

"Noong nawala si Crenz, nag aral siya bilang doctor."-P'Craig

"D-doctor? Ang galing mo anak."-Mama

"Ma aappreciate ko lang po ang pagiging proud niyo kapag present kayo kapag naging ganap na doctor na ako, kaya mag pagaling kayo."

Humalukipkip ako habang tinitingnan ang ginagawa ni Raffy kay Mama. Una sa pulso at pangalawa nilapat na niya ang palad niya sa dibdib ni Mama.

"Ayos lang ako."-Mama

"Ano bang nangyari Darwin?"

Seryosong tiningnan ko si Darwin.

"Nahimatay si Mama noong nakaraan."

Lalo lang akong nainis.

"Baka naman kasi hinayaan niyong mag kikikilos si Mama? Dapat magaang trabaho lang ang binibigay niyo-"

"Crenz, ayos lang sabi ako. Wala lang akong masyadong tulog no'n at ang init ng panahon."

"Kahit na, Ma."

Halos mapa padyak ako sa inis.

Tumayo na si Raffy at bumulong sa'kin.

"Kailangan nang mag pa confine ni Tita at maisagawa na ang heart transplant. Kapag pinatagal pa 'to baka hindi na kayanin ni Tita."

Napakuyom ako ng kamao dahil sa inis.

"Ano 'yon Raffy? Anong meron?"-Papa

"Hindi niyo na itatanong, cardiologist si Raffy kaya mas may alam siya sa puso."-P'Craig

"Ano ate Raffy? Kumusta si Mama?"

Nag aalangang tumingin sa'kin si Raffy.

"Napagod lang si Mama no'n sabi ni Raffy."

Napakamot ako sa sentido ko.

"Sabi ko naman kasing sa bahay nalang-"-Papa

"Mas lalo akong mag kakasakit sa loob ng bahay."-Mama

Hinila ko na si Raffy.

"Ma, sa bahay ko na kayo mag sistay ah."

Sabi ko nang maka upo ako.

"Bakit pa? Malaki naman 'tong bahay, kasiya tayong lahat dito."-Chris

Bagong kasal sila at kahit anong sabihin niya kailangan pa rin nila ng privacy like getting to each other again. I mean they should go on date. Hindi naman siya bumawi kay M'Hailey pero ok na rin na pambawi 'tong bahay na pinag laanan niya ng oras bago sila ikasal.

"Sa bahay ko sila tutuloy, end of conversation."

Hindi ko sila tiningnan basta kumain lang ako.

"Ah, ok."-Chris

Mukhang napahiya ko siya.

"It's better idea Daddy, you should both go on date."-Crescia

"Sabagay, you're newlywed."-P'Craig

Natahimik ang lahat.

.

.

.

.

*Sigh!*

Napatingin kami sa taong malakas na bumuntong hininga.

Nag tama ang tingin namin ni Chris.

"Don't you think you hated me too much?"

Lalo lang atang tumaas ang tensyon sa loob ng bahay.

May ibang napasinghap pero ang iba ay nanatiling tahimik at nag papalit palit ng tingin sa'ming mag Ama.

"What made you think so?"

Of course I hate him.

"You don't want to stay in this house, you want them to stay on your house, you're being grumpy in front of me, you're acting like a selfish, you keep insisting it's all my fault even though I knew nothing and makes me feel useless even though I'm trying to make it up to all of you. I went through a lot when I left-"

"Really? Then maybe I really hate you nga."

Walang pakundangang sagot ko.

"Crenz."

Kinakabahang saway sa'kin ni Crescia.

"You don't have to worry Tito Chris, well, excuse me for intervening your family matter but I want you to know that usually, Crenz, speak opposite to what she meant. Hating you means loving you, if she don't love you she would be no care at all."-Raffy

Alam ko namang sasabat si Raffy kasi kapag nag sasalita ako ng hindi maganda sa pandinig, siya ang taga ayos ng image ko sa pamamagitan ng pag eexplain ng ibig kong sabihin at nakakatamad na pag sabihan si Raffy sa bagay na 'yon, she maybe born to clear up my name and my mess.

"Tama si Raffy, Chris, may dahilan si Creya kaya siya nag dedesisyon ng mga bagay bagay na sa tingin natin unfair. Kasi habang lumalaki-"

Natigilan si Papa sa pag papaliwanag kaya tumingin kaming lahat sa pwesto nila.

"This cheesy old man."

Singhal ko at saka napapa iling na tumingin kay Pula at sumubo ng pagkain ko.

Chris is now smiling and having a red face.

"What's happening to him?"-Crescia

Tanong niya sa'kin.

"Ganiyan siya kapag na faflatter siya sa sinasabi o sa ginagawa ko. Dahil yan sa explanation ni Raffy."

Nakita kong napangiwi sila Hans kay Chris.

Weird ng pamilya ko diba? Halos ganiyan naman silang lahat kapag nakakarinig sila ng compliment galing sa'kin.

"So, he's fine?"-Drei

"Nawala na yung inis niyan sa mga tanong niya. Hayaan niyo siya, para lang naman 'yang si Pula, kaya nga mag ka vibes sila"

Nag tawanan sila Hans habang nakatingin kay Pula na nakaturo sa sarili niya dahil nadawit ang pangalan niya.

"Your family is unique."-Drei

"Of course."-Crescia

Nawala ang mabigat na aura sa hapagkainan at natuloy ang almusal na inaasar ng mga tatay ko si Chris dahil sa itsura niya at kaartehan niya kanina.

*Ring*

May tumawag kay M'Hailey pero hindi na pinansin ng iba 'yon dahil busy na sila sa pakikipag kwentuhan pero ako curious sa tumawag sa kaniya.

"We're in the middle of our breakfast, call me later."-M'Hailey

Sagot niya sa tawag at saka niya pinatay.

"Who's that?"-P'Craig

"Your secretary."

"My secretary? Bakit sa'yo tumawag?"-P'Craig

At tiningnan niya ang phone niya

"I don't know, let's just call him back later after breakfast."-M'Hailey

Ano kayang nangyayari? Ako lang ata ang curious sa pinag uusapan nila.

Tinapos namin ang breakfast at nag ligpit.

Nakakarindi ang ingay nila.

"Ako na mag huhugas."

Presenta ko sa kanila. Natahimik ang buong paligid at tumingin sa'kin.

"Ako rin, I'll help Crenz."-Crescia

Pasimpleng nag iwas ng tingin si M'Hailey na kunwaring nag kakamot sa tenga.

"A-ah-"-Darwin

"M'Hailey?"

Untag ko sa kaniya.

Bahay nila 'to kaya desisyon niya kung sino ang mag kikilos sa bahay niya.

"Ha?"-M'Hailey

Para siyang nagising sa katotohanan.

Siniko niya si Chris.

Hindi ko maintindihan ang ginagawa nila.

Humalukipkip akong tumingin sa kanila.

"C'mon Creya."

Hinila ako ni Crescia papunta sa sink.

"Wag-"

Mabilis akong humarap kay Chris nang sabihin niya 'yon at nag kukunwari naman siyang tumingin sa taas.

"Wag na kaya natin lagyan ng chandelier dito."-Chris

"C'mon Creya."

Hila ulit sa'kin ni Crescia.

Humarap kami sa mga hugasin.

"So, what do you want to do?"-Crescia

"Wash the dishes?"

Takang tanong ko. Kasi naman nakaharap na kami sa mga hugasin, ano pa ba ang gagawin namin? Dasalan 'to para luminis?

"Yeah, we're going to. I mean are you gonna sabon it or you want to banlaw it instead."-Crescia

Dudugo ilong ko sa ganitong kaartehang taglish niya.

Lumukot ang mukha ko sa kaartehan ng salita niya.

"Can you tigil speaking in taglish in that way? You're so nakakairita and so sakit sa tenga kasi."

Panggagaya ko sa salita niya nang may pag iinarte rin.

Nakakarindi naman kasi.

"HAHAHAHA!"-Drei

"Did you heard that?"-Hans

"Naging babae si Yara HAHAHAHA..."-Drei

"Can you tigil speaking in taglish in that way? You're so nakakairita and so sakit sa tenga kasi eh. HAHAHAHAHA... That's ridiculous HAHAHA.."-Pula

Sabay kaming tumingin sa tatlo at sinamaan sila ng tingin.

"Nasa'n ba yung kutsilyong ginamit sa pang hiwa kanina."

Hinanap ko sa hugasan ang kutsilyo.

"Uy!"

"Joke!"

Mabilis silang tumakbo paalis.

Pag harap ko sa likod ay may na tabig akong isang bagay.

*PLANKS*

"OHMY!"-Crescia

"What's that?!"-M'Hailey

Mabilis silang lumapit sa gawi namin at tiningnan ang nabasag na baso.

Mag lalakad na sana ako para pulutin 'yon pero.

"No!"-Chris

Napaatras ako sa sigaw niya.

"Kami na ang mag lilinis dito. Kayo talagang dalawa puro nalang kayo kagaslawan."-Cedric

Tinuro ako ni Crescia.

"It's an accident."

Dipensa ko.

"Diba masamang pangitain 'yan? Like yung mga napapanood ko na may hindi magandang mangyayari -"-Crescia

"Heh! Idadamay niyo pa yung nananahimik na pamahiin sa kagaslawan niyo."-Chiggy

Sila Papa, Chris at P'Craig ang nag ayos ng bubog.

"I should buy a plastic plates."-M'Hailey

"Tama 'yon Tita, para mabawasan ang perwisyong dala ng kambal niyo sa kusina."-Raffy

Wow! Kung pag usapan kami parang wala kami sa harap nila.

"Last na 'yon, wala na ulit mababasag."

Sabi ko at humarap sa hugasan.

Biglang may humawak sa magkabilaang balikat namin ni Crescia.

Medyo nagulat kami ro'n.

Pinaalis nila kami sa harap ng sink at pinaupo sa sofa.

"Huwag niyo na agawan ng trabaho si Mommy. Mas gugustuhin ni Mommy na mapagod kesa maubos ang mga plato sa bahay na 'to."

Si Cedric at Chiggy pala ang nag paalis sa'min sa sink.

"Wala akong nabasag."

Proud na sabi ni Crescia

"And we won't wait until you broke all the things in kitchen."-Chiggy

Parang ang laki ng kasalanan namin ah?

"Sinabi ko naman na kasing hindi kayo pwede sa kitchen, kulit niyo eh."-Darrin

"Hoy, Chris."-M'Hailey

Napatingin kami sa kanila.

"Ha?"-Chris

"Wash the dishes."-M'Hailey

Ngumiti ng malaki si Chris at inakbayan si P'Craig na medyo nagulat sa ginawa niya.

"Sure babe. Excited na nga si Craig na tulungan ako eh."-Chris

"Ano? Sinong nag sabing tutulungan - ah! Ano ba?"

Hinigpitan ni Chris ang pag akbay sa kambal niya.

"Iw! What's with babe babe dad? Don't you think you're too old for babe babe call sign thingy?"

Naaasiwa ako kapag si Crescia na ang nag sasalita. Bakit kailangang gawing maarte at pang kikay ang boses niya?

But I think that's much better than her serious tone.

Ganiyan lang siya mag salita dahil family ang kaharap pero kapag kaibigan may halo pa ring ganiyan pero mas tolerable naman sa pandinig.

"You knew nothing Bern cause 'you haven't loved someone in romantic way. Love is sweeter in the second time."-Chiggy

Tumayo ako dahil ang iingay ng nga nakapaligid sa'kin.

"Where are you going?"-Raffy

"Sa'n ba ako makakakuha ng itim na damit? I don't want to wear this white thing."

Turo ko sa damit ko.

"I always have an extra shirt for you in my compartment, kunin ko lang."

"Thanks."

Lumabas na siya ng bahay.

Nag tatalo naman ang mga tatay ko dahil ayaw ni P'Craig na mag hugas pero pinipilit siya ni Chris.

*Ring*

Nag madaling lumabas si M'Hailey para sagutin ang tawag.

"Ma, prepare nalang po natin ang gamit niyo para mamaya before po mag gabi makalipat na tayo sa isang bahay natin."

Of course, my house is their house.

"Sigurado ka 'nak? Pwede naman kaming mag renta-"

"Ma... Renta? May bahay na nga tayo rito tapos mag rerent pa?"

Nahihiya ba sila sa'kin?

Hindi naman dapat dahil pamilya ko sila.

"Tutulungan ko na po kayo sa pag bubuhat Tita."-Drei

"Kami rin po."-Hans

"Sige, salamat mga Hijo."

Ngumiti kay Mama ang mga lalaki bilang tugon at saka tumalikod.

Mabilis kong hinablot ang damit ni Pula para pahintuin siya.

"Sa'n ka pupunta?"

Seryosong tanong ko.

Nakakalimutan ata niyang may nag aalala sa kaniya sa bahay niya

"H-ha?"

"Manghiram ka na ng gamit at umuwi ka na."

Binitawan ko siya saka siya humarap sa'kin.

"Uuwi na lang ako ng-"

"Amoy alak ka pa rin."

Inamoy niya ang sarili niya.

Hinanap ko naman si M'Hailey.

Kahit naman malamig ako sa totoo kong Nanay madalas ko pa rin siyang hanapin.

Gano'n naman siguro ang lahat na kapag nalilingat na wala ang nanay nila, hahanapin talaga.

Baka yung secretary ni P'Craig na ang tumawag.

"Ok pa 'to, ganito nalang ako uuwi."

Napag usapan na namin 'to kanina.

"Bahala ka. Umuwi ka na, hatid mo Hans."

"Hindi na kailangan."-Pula

"Mag usap kayo, hindi na kita under."

Tumingin ako kay Mama.

"Huwag na kayo mag kikikilos. Bukas mag papa check up na tayo at kung dapat ka nang ipa confine mag papa confine na tayo. May ipon na kami Ma, mag pagaling ka nalang."

Sana naman napag usapan na nila Darwin 'yon bago sila lumuwas.

"Masyado kang nag aalala riyan. Ayos pa ako-"

"Ma."

Pag pigil ko sa kaniya.

Pag tatalunan na naman namin yan.

"Anak, marami kang dapat asikasuhin kesa sa-"

"Hindi ko gagawin 'yon at pipilitin ko lang kayo hanggang sa pumayag na kayo. Mas mahalaga ka, Ma, kesa sa mga bagay na 'yon."

Hindi na maganda ang kondisyon niya, ayoko nang lumala.

"Sige na, sige na. Papa check up ako."

Humalik ako sa pisngi ni Mama.

"Pahinga po muna kayo habang nag aayos ng gamit sila Dada."

Hindi na nag salita si Mama at sinamahan nalang siya ni Darrin sa taas.

"Sweet naman talaga ng Prinsesa namin."-Drei

"Umalis na kayo, mag si uwi na kayo, kami na bahala kila Mama."

Bumalik na si Crenz at binigay sa'kin ang damit.

"What happening here?"-Raffy

"Pauwiin mo na sila."

Tumalikod na ako para sana pumunta na sa CR pero.

"CHRIS! CRAIG! SAMUEL!"

Nagulat kami sa biglang pag pasok ni M'Hailey at kitang kita sa kaniya ang galit.

Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganiyan at mag taas ng boses.

Mabilis na tumakbo palapit sa'kin si Charrie at nag tago sa likod ko habang kapit na kapit sa damit ko.

Hinawakan ko lang siya.

I can't take my eyes off of M'Hailey

"Mag si atras kayo."

Pagpapaatras ko kina Hans.

Dahan dahan naman silang umatras nila Drei.

Mabilis na tumakbo sila P'Craig palapit kay M'Hailey na may takot sa mga mata nila.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko pa nakitang nag alala sa takot ng ganito si P'Craig.

Si P'Craig kasi kabaliktaran siya ni Chris na sobrang maloko.

P'Craig is a well mannered man, decent, intelligent and fine man at hindi ko alam kung paano nagawa ni M'Hailey na pakilusin ng ganito si P'Craig.

Si Papa Samuel naman simple man lang, intelligent, marunong makisama and a bit shy man, pero nakikita ko ngayon na may takot si Papa sa mata niya.

Let's not talk about Chris kasi mukhang under naman siya ni M'Hailey.

"What's happening here?"

Bulong sa'kin ni Crescia.

"She's mad and I don't know why."

"Let's play outside babies."

Bulong ni Vanessa sa mga bata at dahan dahan silang nag lakad palabas ng bahay.

Nakita ko rin ang takot sa mata ni Charrie.

Humalukipkip lang ako at tumingin sa mga magulang ko.

Kitang kita ko ang panlilisik sa mata ni M'Hailey.

Tumingin siya sa gawi namin na sobrang sama ng tingin at nagkasalubong pa ang paningin namin pero walang nag bago sa galit niyang itsura.

"She's cool."

Anas ko habang nakikitang nag sisiksikan sila Papa sa pag tayo sa harap ni M'Hailey.

M'Hailey ang Papa Samuel are cousins.

"And I'm a bit scared of her."

Bulong din ni Crescia.

Ano nanaman kaya ang ginawa nila Papa para magalit siya ng ganiyan?

"I TOLD ALL OF YOU TO STOP DRINKING LAST NIGHT BUT YOU ALL IGNORED ME!"

Ahh.. about last night?

I drunk too but I'm asleep on my bed.

"Hailey, what's wrong? Calm down."-Chris

"CALM DOWN YOUR FACE!"

Gulat na napayuko si Chris at bahagyang nag tago sa likod nila Papa at P'Craig.

"Ano ba!?"

Pasimpleng bulong sa kaniya ni P'Craig.

Inaalis niya sa likod niya si Chris.

"P-pwedeng sa labas nalang tayo? May mga batang nakaka-"-Papa

"NAHIHIYA KAYO NGAYON!? IMBES NA NAGING GOOD EXAMPLE KAYO SA KANILA, PROMOTOR PA KAYO NG KALOKOHAN! Kakatawag lang sa'kin ni Hector ngayon Craig."

Nag hahamon naman ngayon ang tono niya. Para na ngayong tambay sa kanto ang boses niya.

"W-what did Hector s-said?"

"BWISET!"

Nagulat na naman kami sa sigaw ni M'Hailey pero mas nagulat kami nang lumuhod sila Papa at nag taas ng kamay na parang pinaparusahan sila kahit wala namang gano'ng inutos si M'Hailey.

"Mom, calm down."-Cedric

"RAFFY!"-M'Hailey

"Po?"

Mabilis na nag lakad si Raffy sa harap ni M'Hailey at yumuko bilang pag galang.

"Where have you been last night?!"

"P-po? A-ah- sinundo ko po si Chelsea sa labas after naming dalhin si Crenz sa kwarto niya tapos nag kita po tayo no'ng pinapatigil niyo na sila Tito Chris sa pag inom then after po no'n nag patulong sa'kin si Darwin sa kwarto nila. Pag labas ko po ng kwarto nila Darwin, nakita ko pong bitbit nila kuya Cedric si Crenz kaya dinala po namin ulit s-sa kwarto niya. Hindi na po ulit ako lumabas ng kwarto ni Crenz no'ng huling ihiga namin siya sa kama."

Was this about me?

I knew nothing.

Well, eventually, babalik din ang memory ko about sa lahat ng nangyari pero it'll take 1 week to 1 month pa.

"Then you failed as her guard!"

Gusto kong sigawan si M'Hailey dahil sa pang aakusa niya kay Raffy without knowing what Raffy been through just because of me.

"P-po?"

Hindi ko makontra si M'Hailey dahil natatakot din ako sa bagong side na pinapakita niya.

"Mom, ginagawa ni Raffy ang lahat ng makakaya niya para maprotektahan si Crenz, please stop accusing her."-Cedric

Thanks Ced.

"She failed on guarding Crenz last night!"

"Mom, naibalik naman si Crenz ng ligtas dito sa bahay, what's the matter po ba?"-Chiggy

"Ano bang ginawa mo?"

Bulong ni Crescia

"I'm clueless too."

Ligtas naman ako ah?

Ano bang nangyari?

"KAYONG TATLO ANG PINAKA MAY KASALANAN DITO! DON'T EVER DRINK AN ALCOHOL AGAIN! LALONG LALO KA NA CHRIS! WHATEVER OCCASION IS, DON'T DRINK ALCOHOLIC BEVERAGES AGAIN!"

Ako ang nauuhaw sa kanila eh.

Pumunta sa kusina si Chiggy at kinuhanan ng tubig si M'Hailey para pampakalma.

"YOU CAN'T TAME ME WITH THAT!"-M'Hailey

Gulat na napa atras si Chiggy.

Napailing nalang ako at kinuha ang basong hawak ni Chiggy dahil nauuhaw na nga ako.

"Akinalang."

"This might be your fault." Bulong niya sa'kin pero nginitian ko lang siya ng pilit.

Uminom ako habang nagagalak ang loob ko dahil naka luhod ang mga tatay ko sa mukhang dragon kong ina.

"Hailey, kung mag papaligoy ligoy tayo-"

"CRENZ GOT MARRIED LAST NIGHT!"

*Gulp Cough*

*Heavy coughing*

"WHAT!?"-P'Craig

I don't like the thought.

Hinimas ni Crescia ang likod ko habang umuubo ako na halos maluha luha pa.

Nakatingin lang sa'kin sila Raffy.

"What married? I mean, how?"-Chris

Kinuha ni Mama ang tsinelas niya at binato kina Chris.

"KAYO ANG KASAMA NIYA KAGABI! HUWAG MO AKONG TANUNGIN!"

Napa ilag sila sa tsinelas pero tinaaman pa rin sa mukha si Chris.

Muntik na akong matawa kung hindi lang makati ang baga ko at lalamunan ko.

Nilapitan ni Cedric si M'Hailey para pa tigilin na.

"Stop the violence, Mom."-Cedric

"PIGILAN MO 'KO ROFT, SASAKALIN KO 'YANG DADDY MO!"

Sumugod si M'Hailey pero pinigilan siya ni Cedric.

"Me? Why me?"-P'Craig

Naging maayos na ang pag hinga ko at inabot ko na kay Chiggy ang baso.

"Baka nag kaka mali ka lang Mom? Creya don't even have a boyfriend."-Crescia

"KAYONG KAMBAL! LAGI NALANG KAYONG PERWISYO KAPAG NAG SASAMA KAYO!"

Nag katinginan kami ni Crescia.

"Kami ba tinutukoy mo, Mom?"-Crescia

"Of course not baby, THAT MORONS!"

Turo niya kina Chris.

"I knew nothing."-P'Craig

"Kasi nga lasing ka-"

Susugod na sana ulit siya kina P'Craig pero hinawakan siya ni Cedric para patigilin. Sinubukan niyang abutin sina Chris gamit ang paa niya kaya para silang mga timang sa mga ginagawa nila ngayon.

"Hindi ako 'yon-"

"PINIRMAHAN MO YUNG PAPEL, STUPID!"-M'Hailey

Wow, mas namamangha pa ako sa galit ni M'Hailey kesa sa sitwasyon ko ngayon.

Masama nga talaga magalit ang mabait.

"I can't remember -"

"Baka pwede pang bawiin-*pack*"

Binato ulit ni M'Hailey si Chris ng natira niyang tsinelas.

"They're so sweet. Ngayon lang ako nakakita ng nag ha honeymoon nang ganiyan."-Crescia

Napa buntong hininga ako at nag lakad na para pumagitna sa kanila.

"Enough."

Natahimik silang lahat at wala na ring gumalaw pa sa kanila.

Napakamot ako sa ulo kasi hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to.

"Sabihin na nating kasal nga ako, eh ano naman? Naiba lang ang status ko pero hindi naman ako mag babago."

Naisip ko bigla si Pula.

Nang tingnan ko siya ay malungkot ang itsura niya.

Nakipag titigan siya sa'kin pero ako na ang unang nag iwas ng tingin.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyong tatlo. Matatanda na tayo pero para pa rin kayong mga highschools."-M'Hailey

"I'll try to fix-"

"Nothing will fix P'Craig, M'Hailey. If I'm really married to someone then so be it. Kapag hindi nag work willing naman akong makipag divorce after 10 years."

Sinamaan ako ng tingin ni M'Hailey

"That's not that simple Ashariya Acer."

"I won't make things be more complicated. Papel lang 'yon para sa'kin -"

"Sige, let's say that it's simple for you because nothing will change, pero paano si Liphyo?"-M'Hailey

Bakit? Hindi naman kami ni Liphyo.

"Anong paano siya? Wala namang kami. If he really wants me to be his girlfriend then he should wait for me after 10 years."

Pero nasasaktan ako ngayon dahil nakikita ko sa mata niyang nasasaktan siya.

"Ashariya! Are you that dense?!"-M'Hailey

"What?"

"He's your husband."-M'Hailey

Halos mapatigil ako sa pag hinga dahil sa sinabi ni M'Hailey. Nag karoon din ng violent reaction ang lahat na baka mali lang si M'Hailey.

"Breath, Crenz."

Bulong sa'kin ni Cedric.

Doon lang ako huminga ulit at saka bumilang ng 1-10 para pakalmahin ang sistema kong nag wawala dahil sa nangyayari. Hindi ako nag pahalatang affected ako. Tumingin lang ako sa kanila ng walang buhay na tingin.

Hinila ako ni Crescia.

"Congrats-"

Siniko ko siya bahagya.

May oras pa talaga siyang makipag biruan.

"Liphyo -"-M'Hailey

Nagulat kami nang tumakbo si Liphyo sa gilid nila Papa at lumuhod din kasabay ng pag taas ng kamay niya.

"P-po?"

Kabadong tanong niya.

Muntik na akong matawa HAHAHA.. pinag papawisan siya.

Kinagat ko ang paloob ang labi ko para mapigilan ang ngiti ko.

Apat na sila ngayong naka luhod at naka hilera sa harap namin.

"Pfft! That's so funny!"-Crescia

Siraulo talaga 'tong isang 'to, ako nga nag pigil tas siya bubunghalat lang ng tawa.

"That's a good choice Liphyo, but I'll kill you after this."

Bulong sa kaniya ni Chris pero rinig naman namin.

"First."-M'Hailey

Nag straight bigla ang likod nila.

"We'll check the CCTV to know what really happened last night."

Tinaasan niya ng kilay ang mga lalaki na parang inaantay ang pag sang ayon ng mga 'to.

"Y-yeah yeah/Sure/Sige/Yes po Tita."

Sagot nila nang may kaba.

Ngayon lang ako nag enjoy manood sa consequence ng maling nagawa ko.

Hindi naman mali as in, it's just, it's not the right time to get married but eventually I will marry someone, it's good na rin kasi kilala ko naman ang lalaking 'to.

"Lastly-"

"Last na agad?"-Chris

Tsk tsk tsk... Hindi rin talaga marunong bumasa ng sitwasyon 'tong Tatay ko.

"If it wasn't for Liphyo, I'll make the three of you kneel there until you lost your legs."

Napakamot ako sa sentido ko at nag tatakang napa tulala. Familiar sa'kin ang attitude na ganiyan.

"Creya, I know na kung kanino ka nag mana sa kabrutalan."-Crescia

Ahh.. that's why it looks familiar, I'm the one who's doing that.

"Just shut up Chris, I can't feel my legs anymore."-P'Craig

Hindi ko alam kung bakit ganito ako pero natutuwa ako sa mga nangyayari pwera sa pag papakasal nang hindi ko nalalaman.

Si Papa lang talaga ang tahimik sa kanila.

"Lastly, we'll go to Liphyo's house. We need to meet his parents."

Hindi na ako nag react. Tama naman ang lahat ng sinabi ni M'Hailey.

"P-po?"-Pula

"Kailangan niyong panindigan ang kasal niyo hijo, hindi ako papayag na may tatanggap ng parusa sa isa sa inyo, not you and not Crenz."-M'Hailey

Tumingin sa'kin si Pula na parang batang nanghihingi ng tulong, nag iwas lang ako ng tingin sa kaniya.

"I'm sorry Creya, I can't use my wish card for you, I'm preparing to use it to dissolve the marriage of Allen and Yen."-Crescia

Pinisil ko ang dalawang pisngi niya.

"It's fine."

Ang cute talaga ng kambal ko.

Binitawan ko ang pisngi niya at tumingin sa mga nasa harap namin.

"Tumayo ka nga riyan."

Puna ko kay Pula.

Nakiki join pa siya sa kalokohan nila Papa.

"Shh..."

Kabadong pag papatahimik niya sa'kin.

Gusto kong mapa irap.

Alam ko na ang nararamdaman niya, kabado na yan at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari, kahit naman ako hindi ko alam kung paano nangyari.

"For me, it's just a paper. Pwede naman siyang makipag date kahit kasal kami and I'll come and go as I want."

"And you like him?"-Raffy

"Yes."

Tango tango ko.

Nag pigil ng ngiti si Raffy at Crescia at natahimik ulit ang lahat.

Pag tingin ko kina Papa nag papalit palit ang tingin nila sa'ming dalawa ni Pula at si Pula namumula na naman.

Ano bang sinabi ko?

Napa kamot ako sa baba ko dahil sa pag tataka.

"Anyways, mamanhikan na tayo."-M'Hailey

"Tama yan."-Chris

Tumayo siya at humalik sa pisngi ni M'Hailey

"Mamanhikan tayo, mag hahanda lang kami babe."

Parang bulateng inasinan na hinila ni Chris sila Papa para makaalis na sila sa harap ni M'Hailey. Nag madaling umakyat sa hagdan sila Papa habang si M'Hailey ay parang na estatwa.

Hinila ako ni Crescia sa harap ni M'Hailey.

Para siyang na engkanto at namumula pa.

"Anong nangyari kay Tita?"-Raffy

Hindi na namin namalayan ang pag lapit ni Raffy.

"Na matanda ata si Mommy."-Crescia

Pinalibutan namin siya.

"Liphyo, sa labas tayo." Seryosong sabi ni Hans at saka nag lakad palabas ng bahay. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Pula.

Napa buntong hininga ako.

"M'Hailey."

Inalog ko na siya para bumalik na sa katinuan niya.

"H-ha?"

"Kinikilig ka pa rin? Hindi ba parang matanda ka na masyado para kiligin?"

Seryosong tanong ko.

"Tumigil ka nga Creya."-Crescia

"Korni naman kasi ng Mommy at Daddy mo. Babe? What a childish endearment."

"Huwag ka ngang kontrabida Creya. Pakelaman mo nalang kaya ang asawa mo."

"Tsk. Parang kahapon lang single ako at never pa nag ka boyfriend pero ngayon may asawa na ako. Ang galing!"

Hindi ko alam kung saan pumunta sina Mama at Creya matapos naming mag usap pero pag pasok ni Hans ay agad akong nilapitan ni Pula.

"Pwede mo na silang pigilan?"

"Pigilan saan?"

"Mamanhikan."

Anong problema doon? Tamang iyon naman dapat ang gawin.

"Ano? Bakit?"

"Hindi ba dapat lalaki ang mamanhikan?"

"Hindi issue 'yon. Kasalanan naman ng pamilya namin kung bakit ka kinasal."

"At dapat ang pamamanhikan ginagawa bago ikasal."

Gano'n ba 'yon? Hindi ko alam kung paano 'yon ginagawa eh.

"Unique nga kami diba?"

Hindi siya mapakali at halata ngang hindi na niya alam ang gagawin niya.

"Ayaw mo ba sa'kin?"

Mula sa pag kakatulala ay tumingin siya sa'kin at umiling.

"You know that I like you-"

"Then, what's the problem?"

Huminga siya nang malalim.

"Ibang usapan ang kasal-"

"Papel lang 'yon."

"Pero kasal pa rin 'yon."

Iniisip ko kung may responsibility ba kaming required kapag kinasal na.

"Ah, kapag diniin nila kami pwedeng I required nila na magka anak tayo."

Nanlaki ang mata niya.

Ano na naman bang problema niya? Natural lang sa mag asawa 'yon. Matakot siya kapag may nabuo out of the wed.

"Umayos ka nga."

"Huwag mong sabihin 'yan na parang wala lang sa'yo ang lahat. Gulong gulo na ako, hindi ko matandaan ang nangyari kagabi, I mean hindi malinaw ang memory ko. Bata pa rin tayo at ang pag kakaroon ng anak na sinasabi mo-"

"If they required us. Kahit naman I required nilang magkaroon ako ng sarili kong tagapag mana, ako pa rin ang mag dedecide kung gagawin ko o hindi. Basta gusto ko anak na lalaki."

Lalo lang atang nanlaki ang mata niya at namula ang buo niyang mukha.

"Bakit? Ayaw mo ng lalaki? Pwede ring babae pero mas prefer ko kung mauuna ang lalaki bago ang babae, para may mag tatanggol sa-"

Tinakpan niya ang bibig ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nababaliw ka na ba? Mali ngang kinasal tayo tapos mag dadagdag ka pa ng mali sa loob ng pag kakamaling 'yon? Mag isip ka nga."

Tinanggal ko ang kamay niya.

"Anong mali sa pag papakasal? Ikakasal ka rin naman soon."

"Mali nga kasi hindi ka naman pumayag, doon palang sa hindi mo pag payag mali na agad eh."

May sinabi ba akong hindi ako papayag?

"Hindi sa hindi ako papayag, napaaga lang ngayon pero soon ikakasal din ako. Pwedeng sa'yo kung nasa plano mo na akong pakasalan in future at pwede ring sa iba kung bibigyan ako ng organization ng pakakasalan."

Gustong gusto ko talaga pag namumula siya dahil sa asar ko HAHAHA...

"E-eh basta. Wala ba tayong-"

"Wala."

Kung may magagawa ba ako sa tingin niya tatayo lang ako ngayon sa harap niya?

"Hindi pa ako ready sa ganito. Anong sasabihin KO kina Mommy? Baka pwede mong pakiusapan sila Tita na huwag na munang pumunta sa bahay?"

Halos mag makaawa siya sa tono niya.

"Sige, pero hindi mo yun matatago habang buhay. Kelan mo ipapaalam? After 10 years? Kapag pipirma na tayo ng divorce?"

"Divorce?"-Pula

"Oo, divorce."

Bata pa kasi kami, pwede pang mag bago ang nararamdaman niya lalo kapag nag sawa siya sa ugaling meron ako.

"Hindi ko alam."

Ako naman ang napabuntong hininga sa'min.

"Pag isipan mo 'to lahat. Lahat ng related sa pag aasawa pag isipan mo na. Text mo ko kapag may napag desisyunan ka na."

Aalis na sana ako nang hilain niya ako sa labas ng bahay.

"Hoy, anong ginagawa mo?"

Hinila niya lang ako hagang sa mini garden ni M'Hailey. Nag pa linga linga siya sa paligid na parang may hinahanap.

Tiningnan ko lang siya. Maya maya binitawan niya ako at saka lumapit sa isang halaman. Kumuha siya ng tangkay ng isang halaman at saka lumapit sa'kin.

Takang taka lang ako sa ginagawa niya.

Kinuha niya ang kamay ko at tinali sa ring finger ko ang tangkay na 'yon.

"I can't afford to give you a ring for now but I'll find a way to buy one. I can't give you a lavish life you have like Ryker can do, I can't protect you all the time like Raffy can do. Hindi ko alam kung paano maging matinong asawa or kung ano ba ang meaning no'n but can you give me a chance to start this properly?"

I don't expect something more from him. Kahit na walang wala siya he always find a way to give me something that can melt my heart.

Simple little thing but full of sincerity.

"Start what properly?"

Tumingin siya sa'kin.

"I can't be your husband for now pero pwede naman natin simulan sa simula hanggang sa maging ready tayo sa bandang dulo na 'to."

Hindi ko maintindihan. Ano ang sisimulan sa umpisa?

"Get straight to the point Liphyo."

Nauubusan ng pasensyang ani ko.

"I know to myself that I love you-"

*DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG*

I almost skipped my breathing.

"-and I want this thing to make right slowly by starting-"

"Straight to the point."

Kunot noong paalala ko.

"Can you be my girlfriend, Crenz?"

Unti unting nawala ang kunot ng noo ko at tumingin lang ng diretso sa mga mata niya.

He's planning to make this wrong thing right by starting from the beginning process romantic relationship.

Nag iwas ako ng tingin pero humigpit ang hawak niya sa kamay kong nilagyan niya ng kunwaring singsing.

"Nothing can change Liphyo."

"But atleast we can make this right."

"Magiging tama lang 'to kapag hindi na tayo kasal."

"Eh ang kaso nga wala 'yon sa choices natin ngayon."

Binawi ko ang kamay ko.

"I'm already committed to you because of the marriage-"

"But we're going to start this in the natural way Crenz, I still need your approval to be my girlfriend. If you don't want to be my girlfriend then I'll court you until you accept me to be your boyfriend."

Hindi ko alam kung anong itutugon ko.

Oo gusto ko siya pero magiging sobrang unfair ko kung boyfriend ko siya tapos gagawin ko lang ang gusto ko nang walang pasabi o sign man lang sa kaniya na may gagawin ako at baka mag hintay siya kapag bigla nalang akong mag laho sa mundong 'to. Maiiwan ko lang siya na nag hahanap ng sagot sa kung bakit hindi na ako bumalik.

"Crenz."

Untag niya.

Pero ano bang pinag kaiba? Kasal na kami ngayon at kahit ano namang gawin ko marami pa ring mag hihintay at masasaktan kapag umalis na naman ako nang walang paalam.

Bumuntong hininga ako.

"Gaya ng sinabi ko noon, walang kasiguraduhan ang lahat sa'kin. Aalis ako kung kelan ko gusto at babalik na parang walang nangyari."

"Gaya rin ng sinabi ko noon na hihintayin kita at ayos lang na bumalik ka na parang walang nangyari, ang mahalaga bumalik ka."

Pero pwedeng mag bago ang panananaw niyang yan kapag nag sawa na siya.

"Sigurado ka bang ako talaga ang gusto mong maging girlfriend?"

Nag taka siya.

"Wala naman akong ibang nagugustuhan kaya malamang ikaw lang ang gusto kong maging girlfriend."

Sabagay.

"Marami akong nakakatakot na sekreto."

"Then keep it to yourself. Hindi naman porket nasa isang relationship tayo dapat alam natin ang lahat lahat sa isa't isa. Kapag ready ka nang mag share handa naman akong makinig."

"Nakapatay na ako-"

"But you saved someone's life."

Ganiyan mismo ang sinasabi nila pero yung guilt buong buo pa rin sa loob ko.

"Mahirap akong intindihin."

"Pag sasabihan kita o bibigyan ng suggestions pero hahayaan kitang mag desisyon sa sarili mo, kung kailangan mo naman ng kasama sa pag dedesisyon lagi lang naman akong naka aligid sa'yo."

"Magiging unfair sa'yo."

Pag papa intindi ko sa kaniya.

"And so? It's for me to handle it, ginusto ko 'to at alam ko namang magiging roller coaster ang buhay ko kapag pinag patuloy ko 'to. Hindi ko alam kung anong consequence ang ibibigay pero handa naman na akong tumanggap no'n."

Hindi niya alam pero binibigyan niya ng kung anong kuryente ang buong katawan ko. Nakakaramdam ako ng security sa mga sinasabi niya. Security na kapag umalis ulit ako, may babalikan ako.

"Sigurado ka?"

"Pero kapag sobra mo akong nasaktan, natural lang naman sa'kin ang mainis, magalit at lumayo diba?"

Natural lang 'yon, tao pa rin kami, lalo patl't kagalit galit naman talaga ang ugali ko kaya good luck kung mag tagal siya.

Tumango ako sa kaniya.

Tinalikuran ko na siya pero tumakbo siya at humarang sa harap ko.

"Ano 'yon? Hindi mo pa akong sinasagot. Liligawan ba kita o girlfriend na kita?"

"Asawa mo 'ko."

Pinigilan kong mapa ngiti para hindi niya mahalatang pinag titripan ko siya.

"Crenz naman ih."

Maktol niya.

Tiningnan ko ang nilagay niya sa kamay ko.

Napangiti ako at saka tinaas ng konti ang kamay ko para ipakita sa kaniya.

"I need a real one."

Nilampasan ko siya nang may ngiti sa labi.

"W-wait, kapag naka bili na ba ako, tayo na?"

Hindi ko siya sinagot basta paulit ulit niyang tanong 'yon hanggang sa yayain na siya ni Hans na umuwi.

Naka sunod lang siya sa'kin buong oras na 'yon.

"Ingat sa pag dadrive."

Sabi ko kay Hans. Nasa backseat si Pula at passenger seat naman si Drei.

Pinag palit ko lang si Pula ng damit na hiniram niya kay Chris.

Bumukas ang bintana ng backseat.

"Raya-"

"Oo."

Simpleng tugon ko.

He bit his lips and slowly lean his back on his seat.

Kung hindi niya 'yon kinagat baka nakita na ang malaking ngiti niya.

"Alis na."

Sabi ko kay Hans at tinap ang bubong ng kotse niya.

At umalis na nga sila.

"Hmmm... Ano kaya ang feeling ng inlove."-Crescia

Hindi ko namalayang nasa likod ko na siya kasama si Raffy.

"Maling tanong naman 'yan eh, anong feeling no'ng kinasal ka sa taong gusto mo nang hindi mo alam."-Raffy

Nag sama pa talaga sila.

"Tantanan niyo ko."

"Hindi mo ba kami napansin Crenz?"

"Ano?"

"Nasa terrace kaya kami kanina at kita namin ang lahat ng ginawa niyo ni Liphyo."

Nanlaki ang mata ko at saka ako kinabahan pero sobrang tinago ko.

"Sinong kayo?"

"Lahat ng magulang mo kasama na kami ni Raffy."

Hindi ko alam! Hindi ko sila napansin. Buong atensyon ko nakay Pula lang.

"Inlove eh, malamang hindi niya 'yon mapapansin."-Raffy

"Nakakapurol pala ng senses kapag inlove? Ayoko na palang ma inlove."-Crescia

Hinarap ko silang dalawa.

"Parang time na 'to para mag practice tayo ng sparring, diba Bern? Raffy?"

Kailangan ko na ulit mag training.

"Sure, I'm in."-Crescia

"Patay ako."-Raffy