63

Sa bahay ko na nga tumuloy sila Mama at napakiusapan ko na rin sila M'Hailey na ipag paliban muna ang pag punta sa magulang ni Pula at hayaan kami muna ang humarap doon.

Pinaparusahan ngayon si Hans at Raffy dahil sa ginawa namin ni Pula at hindi pa rin alam ng mga kaibigan ko na kinasal ako nang wala ako sa katinuan.

Christmas vacation na rin kaya nag papalit palit ako ng bahay na pinupuntahan. Kailangan kong matulog kina Papa at kina Chris at lagi kong dala si Charrie kahit saan ako mag punta, minsan nasa hospital naman kami dahil cinonfine na namin si Mama.

Nag lilinis kami ni Raffy ng kotse ko ngayon dito sa sarili kong bahay. Si Papa kasi nasa hospital at siya ang nag babantay kay Mama, nag pa sched na kami ng surgery.

"Alam na ba ni Ryker na kasal ka na?"

Saglit akong tumingin sa kaniya at bumalik sa pag pupunas ko.

"Bakit naman kailangan niyang malaman?"

"Maging sensitive ka naman Crenz, alam mo namang gusto ka ni Ryker."

Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Dapat bang ibalik 'yon? Kailangan ba lahat ng mag kakagusto sa'kin dapat gustuhin ko rin?"

"That's not it Crenz. You need to talk to him. Umaasa siyang magkaroon ng "kayo" kaya sinunod niya ang utos ng magulang niya. Tell him to stop and there's no point on loving you because you love someone else. He respect you and Liphyo that's why he made a distance from the two of you, now it's time for you to thank him and clear things up. Katulad ng nararamdaman mo kapag sinasabi mong huwag kong paiyakin o saktan si Chelsea, gano'n din ang nararamdaman ko dahil kaibigan ko si Ryker. Naiinis ka kapag hindi ko sinasadyang masaktan si Chelsea at gano'n din ako sa'yo kapag nasasaktan mo si Ryker. Given na mag kakaibigan tayo kaya wala ni isa sa'min ang gustong masaktan ang isa sa member natin. Kung sasaktan mo siya pwede bang isang bagsakan nalang? Bustedin mo na siya kesa paunti unti mo siyang pinapatay. Alam mo namang mas torture kapag paunti unting sakit diba?"

Hindi ko rin naman gustong gano'n ang mangyari eh, naiinis din ako sa sarili ko kapag naiisip kong may nasasaktan ako, pero kung iba na naman ang gagawin ko, tataliwas na naman ako sa gusto ko. Gusto kong maging official kami ni Pula at ilang araw ko na 'yon pinag iisipan. Hindi ako magiging masaya kung pipilitin ko na naman ang isang bagay na hindi naman dapat gawin o sundin dahil pareho lang kaming masasaktan at mahihirapan.

"Pag iisipan ko."

*Ring*

Binitawan ko muna lahat ng hawak ko at kinuha ang phone ko.

*Caller: Dada*

Kinabahan ako bigla sa pag tawag niya.

Para akong na trauma kapag may isa sa kasama si Charrie na tumatawag sa'kin. Last time kasi sa hospital kami dumiretso.

Mabilis kong sinagot ang tawag.

"Hel-"

"Stop it kuya Ced!"

Singhal niya at halata ang iritasyon sa boses niya.

"Raffy, start the car."

Ayoko na mag aksaya ng oras, mukhang may emergency kung nasa'n man sila.

Mabilis akong nag lakad papasok ng bahay at kinuha ang susi saka ni lock ang bahay.

"Talk Darrin."

Maawtoridad na utos ko.

"Bilisan mo nang pumunta rito, hindi ko na sila kayang pigilan."

*End call*

Kasama ni Charrie si Darrin, Chiggy at Cedric sa play ground. Ewan ko ba kung anong tinira nung dalawa at hindi pumasok sa mga trabaho nila para samahan si Charrie mag laro sa labas. Si Vandro naman kasama ang mommy niya at bumisita sa mga magulang niya.

Di pa ata in good terms si Cedric at ang in-laws niya kaya hindi muna pinasama ni Vanessa sa kanila.

Pumasok ako sa passenger seat at nag drive nang mabilis si Raffy papunta sa play ground kung nasa'n sila Cedric.

Tanaw agad namin sila at naka upo silang dalawa habang inis ang itsura ni Dada.

Takbo lakad ang ginawa ko.

"Anong nangyari?"

Naka sunod lang din sa'kin si Raffy.

"Yeah, what happened? Where's Charrie?"-Raffy

Ang talim ng tingin nila Cedric at Chiggy sa likuran namin kaya sinundan namin ng tingin ang tinitingnan nila.

Nag lalaro si Charrie kasama ang ibang bata.

"Anong nilalaro nila?"

Takang tanong ko.

"It's Dodgeball."-Raffy

Maganda ang ngiti ni Charrie at halata mong nag eenjoy siya.

"Ano bang problema, Da?"

"Makikita mo rin kung anong problema."

Nag tataka ako kinikilos nila.

Ano bang meron sa larong 'yan?

"Pinag alala mo 'ko Darrin, akala ko kung ano nang nangyari rito."

*Bumb*

Tinamaan ng bola sa mukha si Charrie kaya agad nag init ang buong katawan ko.

"I'll kill him/I'll break his neck/Siraulo 'yon."

Komento namin nila Chiggy at Cedric.

Nag lakad kami pasugod sa kinaroroonan ni Charrie pero agad kaming pinigilan ni Raffy at Darrin.

"Myghad ate Crenz! Pati ba naman ikaw?!"

Nasa harap namin si Raffy at Darrin at naka hawak sa mga balikat namin para pigilan kami.

"Can't you see? Binato niya sa mukha si Charrie, hindi ako uupo lang habang pinapanood na sinasaktan lang ang kapatid ko."-Cedric

"I'll still kill that kid."-Chiggy

"Huwag niyo akong pigilan, sisiguraduhin kong pipira pirasuhin ko 'yang bubwit na 'yan."

Mariing sabi ko habang matalim ang tingin sa batang bumato ng bola kay Charrie.

"Stop it guys, that's the essence of the game. You need to dodge the ball so you won't be out of the game. Calm down *Chuckles* it's just a game."-Raffy

Pinaupo kaming tatlo nung dalawa.

Nakapamewang sa'min si Darrin habang natatawa naman si Raffy.

"Akala ko tutulungan mo akong patigilin sila, isa ka rin pala sa magiging sakit sa ulo ko."

Hindi namin siya tiningnan basta naka tingin lang kami sa mga batang nag lalaro habang tuwang tuwa naman si Charrie sa pag takbo.

"Pambatang laro 'yan, hayaan niyo nga siyang mag enjoy."

"Hindi nakaka enjoy ang masaktan."-Cedric

Hindi umaalis ang tingin namin sa mga bata, basta masama ang tingin namin sa kanila.

"Should I kill him?"-Chiggy

"Leave it to me."

Napa singhal si Darrin habang si Raffy ay may kausap sa phone.

"Jusmiyo kayong tatlo, mga bata 'yan. Hindi mo masasabing maganda at masaya ang naging childhood mo kung hindi ka nag kasugat o hindi ka man lang nagka peklat."

I beg to disagree.

"Marami akong sugat noong bata ako at marami rin akong naging peklat pero hindi pa rin masabing masaya ang childhood ko, hindi ko rin alam kung naging bata ba talaga ako."

Tugon ko.

Natahimik siya sandali pero winaksi niya ang kamay niya para alisin ang nasa isip niya.

"Ah basta, hindi niyo sila pwedeng galawin dahil nga bata sila."

*Bumb*

Napatayo kaming tatlo dahil tinamaan ulit si Charrie.

"Pwede ba!?"

Inis na pinaupo kami no Darrin.

"Tinamaan-"-Chiggy

"Tahimik!"-Darrin

"Pero-"-Me

"Shut up!"-Darrin

"No! I can't forgive him this time."-Cedric

Tumayo si Ced kaya agad siyang pinigilan ni Darrin para pahintuin pero nakaka usad pa rin si Ced at halatang galit na.

Tumingin sa'min si Darrin na nanghihingi ng tulong.

"I won't stop him"-Chiggy

"I'll help him."

Tumayo ako para sugurin ang bata pero may humila sa kamay ko.

"Bata lang 'yan."

Si Pula? Anong ginagawa niya rito?

"CEDRIC ROFT ACER!"

Lahat kami napa tingin sa maawtoridad na tawag na 'yon.

Si Vanessa pala 'yon. Natigilan sa pag pupumiglas si Ced at tumingin sa asawa niya.

"Van? What are you doing here?"-Cedric

"What will you going to do?"

Nakataas na kilay na tanong ni Vanessa sa asawa niya.

"I- I-"-Cedric

Kapag kaharap niya talaga si Vanessa tiklop siya.

"You what?"-Vanessa

"Thank you ate Vanessa for coming here, I can't stop them. Gusto nilang sugurin yung mga bata dahil natatamaan ng bola si Charrie."

"What are they playing?"-Vanessa

"It's a dodgeball kaya ok lang matamaan ng bola."-Raffy

"Shame on the three of you. Papatol kayo sa bata just because of that game? Specially you Roft, ikaw pinaka matanda rito tapos ganiyan ka mag isip?"-Vanessa

"I just want to protect my sister."

"She's not in danger, harmless pa sila. The only danger that can happen is if it's an accident."-Vanessa

Kahit na, alagang alaga ako kay Charrie kaya ayokong nasusugatan o nagagalusan siya.

"Mommy! Mommy Vanessa! Tita Raffy! Tito Red!"

Bati sa'min ni Charrie at saka tumakbo sa gawi namin.

"Tito Red???"

Kunot noong tanong ni Pula.

"Tinuturuan ko siya ng iba't ibang color."

Ngisi ko sa kaniya.

Yumakap sa'kin si Charrie

Binitawan naman ako ni Pula na hindi ko alam kung bakit nandito at kasama pa talaga si Vanessa.

Lumuhod ako para pantayan si Charrie at lumapit na rin sa'min si Darrin para punasan siya.

"Mga Mommy, Tito and Tita, wanna play with us?"

Masayang anyaya niya.

"No, thanks baby. Baka nag babagang bola ang ipambato nila sa kalaro mo."-Darrin

Inirapan kami ni Darrin.

"May masakit ba sa'yo? Patingin nga-"

"Mommy, I'm fine. Mommy Vanessa where's Vandro po?"-Charrie

"He's with your ate Bern in your Mommy Crenz's house."-Vanessa

"I think it's enough to play here for today baby."-Raffy

"Ok Tita Raffy, I'm just going to say bye to them."-Charrie

Kung sa'kin ata lumaki si Charrie na walang katulong ng iba baka nilayasan niya nalang agad ang mga kalaro niya nang walang paalam. Buti nalang talaga naturuan siya ng magandang asal nila Mama.

Tumakbo na paalis si Charrie.

Sinermunan ni Vanessa si Ced pag alis no Charrie.

"Papatol ka rin sa bata?"-Pula

"Si Charrie na ang usapan dito."

"Yeah, but it's just a kids game."

"I don't know what are the kids game."

Pumunta lang ba siya rito par makipag talo.

"But-"

"Bakit ka ba nandito? Bakit kasama mo si Vanessa?"

"Ah, diba nga nag text ako sa'yo na sasama ako sa pag bisita nila sa parents ni ate Vanessa?"

Hindi ko nabasa, busy ako kanina.

Hindi na nga siya nag gu good morning sa'kin tuwing umaga kaya hindi na rin ako tumitingin sa phone ko tuwing umaga.

"Hindi ko nabasa. Bakit nag text ka pa? Gawin mo nalang kung anong gusto mong gawin, hindi mo kailangang ipaalam sa'kin."

Hindi ko rin alam kung bakit naiinis ako.

"Hmm.. hindi ako nag titext sa'yo pero nag chachat ako sa'yo everyday. Bakit kasi hindi ka nag oopen ng social media mo?"

Social media?

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang social media ko.

Marami ngang chat sa'kin pero hinanap ko ang pangalan niya.

Oo nga, nag cha chat siya ng good morning, goodnight o kahit anong pag bati.

"Bakit hindi nalang text? Alam mo namang hindi ako madalas gumamit ng social media?"

"Malayo pa loadan sa'min at mas convenient ang messenger. Mag open ka ah, para naman ma explore mo ang iba't ibang apps."

Haaay... Laking impluwensya niya sa'kin ah.

"Ayoko."

Natawa siya nang mahina.

"Subukan mo kayang mag pagupit-"

"Wag muna, ininstructionan ako ng manager namin na huwag muna mag pagupit for upcoming photoshoot."

Ok.

"Pero after naman ng photoshoot na 'yon papagupit na rin ako."-Pula

"Bahala ka."

Nakabalik na si Charrie sa'min at kay Raffy siya kumapit.

"Sumabay ka na kay Liphyo, Crenz."-Raffy

Hindi ko nalang sila sinagot.

Nag si pasok sila sa mga kotse nila at kami naman ni Pula ay lumapit sa motor niya.

"Here."

Siya ang nag suot sa'kin ng helmet.

"May kamay ako, hindi mo kailangan-"

"Stop being so sweet, Raya."

Sarcastic na aniya.

"Sinasabi ko lang na kaya ko na 'yan."

"I know. I love you."

Nanlaki ang mata ko at kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Mabuti nalang talaga hindi niya ako nakikita sa loob ng helmet.

I pulled myself together

"Thank you."

Mas lumaki ang ngiti niyang mapang asar.

"I love you and thank you? Not bad. Haha.. let's go."

Nag suot na rin siya ng helmet at umangkas sa motor, gano'n na rin ang ginawa ko hanggang sa nag drive na siya papunta sa bahay ko.

Pagbaba namin agad akong nilapitan ni Vandro.

Mas gusto niya nga ata talaga ako kesa sa tatay niya gaya ng sinasabi nila Hans sa'kin.

Pinantayan ko siya.

"Hello Vanny."

He cupped my face and kiss my cheek.

Hindi na ako nagulat dahil madalas niyang gawin 'yan bilang pag bati.

"I missed you Mommy Tita."

"Paano naman si Tito?"

Nag lalambing na tanong ni Pula.

"Tito, I told you not to court Momster. I'll marry her when I grew up."

What? PFFT!

"Vandro!? What are you saying? Nahahawa ka na ba sa Tito Liphyo mong may sira ang tuktok?"-Vanessa

HAHAHAHA...

That's awesome of them.

"I'm not courting her, she's courting me."-Pula

Wow, great.

"Go play with Charrie."

Sabi ko nalang sa kaniya at saka siya lumapit kay Charrie.

"Mag ka taste ang mag Tito, parehong weird ang gusto HAHAHAHAHA.."-Raffy

I look at her with my poker face

"Papasok kayo o uuwi na kayong lahat?"

Hindi na sila nag salita at pumasok na nga sa bahay.

Hindi ko alam kung bakit trip nilang tambayan kung nasa'n ako.

"Creya, we need to talk."

"Bern? Sa'n ka galing?"

Kaming dalawa nalang ngayon ang nandito sa labas.

"Pinatawag ako ng elders, may urgent mission tayo. You remember about the necklace?"

"Necklace? Sa ship party?"

"Yes."

Ano na naman bang ginawa nila. Sinabihan ko silang I turn over ang lahat ng kinurakot nila sa org.

"May nag nakaw ng necklace."

Lalong nangunot ang noo ko.

"Nakaw? Akala ko ba nasa safe na 'yon? Yeah, nasa safe na 'yon kasi ako mismo ang nag lagay no'n."

"It's fake."

"Ano!?"

Nag lagay ako ng fake necklace sa safe? Si Mr. Satanes ang nag bigay sa'kin no'n.

"Hahanapin natin ang totoong necklace."

"Tara na."

Pinigilan niya ako.

"Bakit?"

"Hindi ka ba mag papaalam man lang?"

Papaalam? Mag aalala lang sila kapag nag paalam ako. Sanay naman na silang wala ako.

"I don't need to."

"The situation now is different."

"What's different?"

"You're already married."

Napapikit ako sa inis.

"I told you, nothing will change."

"Hindi palaging nandiyan si Liphyo para sa'yo. Paano kung mag sawa siya kakahintay?"

"That paper of marriage can be an assurance that someone will comeback to him. Sabi nila dati assurance lang ang kailangan niya, may assurance na siya. He's willing to wait or not that's not an issue."

Inis na napahilamos siya sa mukha niya.

"But this time it's more dangerous."

"Wala akong naging mission na hindi delikado."

"Isang elder ang makakaharap natin dahil sa pag nanakaw niya, alam mo kung gaano ka gwardyado ang isang elder."

"Cresia, please! Let's not argue about this."

"Nakatali ka na Crenz!"

"It doesn't mean na dapat alam niya lahat."

Natahimik siya saglit.

"Do something for him before we leave or else we'll do the mission separately."

"Bern-"

Nilayasan niya na ako.

Nagigets ko naman siya, sila, pero we have our own ways to make people feel at ease.

Kapag sinabi ko sa kaniya na aalis ako, mag aalala siya, gano'n din kapag hindi, mas better nang hindi ko sabihin.

LIPHYO'S POV

Hindi ko alam kung anong sumapi kay Raya at nagyaya siyang mag mall kaming dalawa.

Hindi talaga ako makapaniwalang niyaya niya akong mamasyal sa mall.

Mag gagabi na kami naka punta kasi syempre dumaan kami sa bahay niya.

Ang cool ng bahay niya, first time ko maka punta.

Naka upo ako sa isang bench sa loob ng mall habang hinihintay siya kasi sabi niya ililibre niya raw ako at hindi raw ako pwedeng mag labas ng kahit puso kundi hindi na mauulit ang date na 'to.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti kasi siya ang nagyaya ng date.

"Oh."

Inabutan niya ako ng milktea.

"Ais?"

May milktea naman talaga sa Ais, hindi ko lang Alam na may store dito ng Ais.

"Anong gusto mong gawin bago tayo manood ng sine?"

Medyo nanlaki ang mata ko.

"Manonood tayo ng sine?!"

Na excite ako bigla.

Tinaas niya ang dalawang ticket at binigay sa'kin.

"Hawakan mo, bago mag bago isip ko."

Agad ko 'yon kinuha.

"Astig-"

Natigilan ako nang mabasa ko ang papanoorin namin.

Horror!!!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko trip ang horror kasi medyo may pagka matatakutin ako lalo na sa mga paranormal.

"Bakit naka ngiwi ka riyan? Ayaw mo?"

"A-anong ayaw? G-gusto ko, gusto ko syempre. Hindi ko nga alam kung paano mo nahulaan na gusto ko 'to eh."

Sana makatulog ako mamayang gabi.

"Ah, tara na."-Raya

Binulsa ko ang ticket.

"Saan mo ba gustong pumunta?"

"Ikaw tinatanong ko niyan, hindi ko alam kung paano makipag date."

Date? Ihhh... Galing mismo sa kaniya na nag didate kami.

"Kinikilig ka?"

Mas mukha talaga akong babae kapag siya ang kasama ko.

Nararamdaman ko na namang nag iinit ang mukha ko. Yan na naman siya sa ganiyang tanong niya.

Napainom ako nang di oras.

"Gusto mo na bang kumain?"

Pag iiba ko ng usapan.

"May almost 30 minutes nalang tayo before mag start ang start ang movie."

Good!

"Tara, mag pa picture tayo."

"Ano? Ayoko nga."

Pero gusto ko 'yon.

"Dali na, machine lang naman mag pipicture sa'tin."

"Ayoko-"

Hinila ko siya.

"Ayoko nga, isa!"

"Saglit lang 'yon."

*Ring*

Napahinto ako at binitawan siya saka kinapa ang phone ko sa bulsa ko.

"Wait ah."

*Caller: Kathy*

Ngayon nalang ulit niya ako tinawagan matapos naming mag usap noon about sa feelings niya sa'kin.

"Hello?"

Sumulyap ako kay Raya na nakatingin sa ibang direksyon habang ngumunguya.

"I'm with Mommy."

"Your Mom?"

"No, your Mom."

Anong- nasa work si Mom ah?

"Anong ginagawa mo riyan?"

"I'm planning to treat Mom on dinner."

Ahh..

"Ahh.. that's good, hinahanap ka rin niya sa'kin this past few days."

Natahimik siya saglit sa kabilang linya.

"Still there?"

"Ah- y-yeah, so, will you accompany us? I mean minsan nalang kasi-"

"I'm sorry, maybe next time. Nasa labas din ako."

Tumingin sa'kin si Raya nang may kunot noo.

Mukhang nag tataka na siya.

"But Jhonny-"

"Next time Kathy, I'll treat you next time, ok?"

Lalo lang atang nangunot ang noo ni Raya nang mag name drop ako.

"Jhonny, we're fine right?"

"Of course."

"Jhonny -"

"I'll get going na Kathy, ingat kayo ni Mom."

Ako na ang naunang mag patay ng tawag.

"Bakit mo pinatay agad? Marami pa tayong oras."

Naalala ko kasing ayaw niya kay Kath, hindi ko naman gustong masira 'tong gabing 'to.

"Wala namang ibang pag uusapan, babawi nalang ako sa kanila ni Mama next time."

Tumango tango siya.

"Ok."

Nag lakad kami ng dahan dahan.

Kinakabahan ako sa kaniya, I mean paano kung naiinis na siya? Pero hindi, hindi siya mababaw gaya ng iniisip ko. Sabi nga nila Hans, kahit may ibalandra ako sa harap niya, wala lang sa kaniya 'yon.

Pero iba si Kathy kasi ayaw niya raw kay Kathy.

Pero hindi siya mababaw.

Pero kasi si Kathy nga ang usapan.

Pero hindi siya gano'n kababaw.

"Mag salita ka."

Untag niya.

"Ha?"

"Tahimik na nga ako tapos tahimik ka rin, sana natulog nalang pala ako sa bahay."

Naalarma agad ang sistema ko.

Nag labas ako ng phone para I video ang officially first date namin na walang nag set up at siya mismo ang nagyaya.

"Raya, look here."

Nakangiting sabi ko.

Humarap siya sa'kin ng naka poker face pero unti unting nangunot ang noo niya at saka inabot ang cellphone ko na agad kong nilayo sa kaniya.

"Tigilan mo 'yan."

"Hahaha.. why? It's my phone."

"Ayoko nga video video na ganiyan. Pahintuin mo na 'yan."

Tumatawa lang ako habang nilalayo sa kaniya ang phone.

*Bumb*

Tinapik niya ang sikmura.

"Hey hahaha.. don't do that again."

"Bahala ka sa buhay mo."

Nag simula siyang mag lakad ulit.

"Raya, can you make something different or something memorable tonight?"

"Something different na 'to, I'm hanging out with you instead of sleeping or being with my siblings."

Wow! Pero naman kasi, siya naman nagyaya.

"Should I thank you?"

"You should."

"Yabang."

Poker face siyang humarap sa'kin kaya natigilan ako sa pag lalakad pero tuloy pa rin ang video.

"Why?"

Nilahad niya ang kamay niya.

"W-what's that?"

"Naniningil ako."

Ano raw?

"Ha? Nag bibiro ka ba?"

Tumingin siya sa kamay niya at nag balik ng tingin sa'kin.

"Hindi ba obvious?"

Mabilis akong umiling.

Pasimple siyang napa nguso kaya lumawak ang ngiti ko.

Binaba niya ang kamay niya at nag simula ulit mag lakad.

"Wait, bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Baka naman kasi sinisingil mo na ko sa mga ginastos natin ngayong gabi? Sinabi ko naman sayong kaya kong mag bayad."

"Hindi ako naniningil."

"Then what?"

"Well, you just missed the opportunity to hold my hand, alam ko namang gustong gusto mo nang gawin, pero sayang."

*DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG*

No! I can't just miss that special opportunity!

I immediately reach her hand that makes her stop from walking.

"Ano?"-Raya

Tinutok ko sa kamay namin ang camera at saka ko inintertwined ang kamay namin.

Parang sasabog sa tuwa ang puso ko.

May nag rarambulan din na kung ano sa sikmura ko. Ako ang mas kinikilig kesa sa kaniya.

"Expired na ang chance mo."-Raya

"Walang expiration ang mga chance ko."

Inend ko ang video at mas inayos pa ang kamay namin.

"Can I capture this and post in my day?"

"Tumigil ka na sa kabaklaan mo."

"But I'm just so glad- ok, I'll stop. Let's go?"

Mag lalakad na sana ulit ako nang hilain niya ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina.

"Bakit?"

Kahit siguro mang asar siya ngayon ng kahit ano sa'kin hindi ako mababadtrip.

"Gawin mo ang gusto mong gawin?"

Lalong lumaki ang ngiti ko.

"Pwede kong pictu-"

"Kamay lang."

"YES!"

Pinag tinginan kami ng iba dahil sa lakas ng pagkasabi ko no'n.

She hissed.

Pinicture an ko ang kamay namin at nababaliw na talaga ako sa sobrang tuwa.

"Tara mag pa picture tayo."

Hinila ko siya at pumunta sa isang machine para mag pa picture.

"Ayoko talaga ng picture."

Bulong niya.

"Remembrance 'to."

Tugon ko sa bulong niya.

Nag bayad muna kami sa machine at sinuotan ko siya ng headband.

"U-uy-ayoko niyan."

Nag suot din ako ng headband.

"Sige na, isang beses lang naman."

Umupo na kami sa harap ng camera.

"4 shots 'to. Gusto mo ba ng copy?"

Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na."

As expected, ako lang ang sentimental sa'ming dalawa.

"Sige, tara na. Ngumiti ka na sa camera."

Pinaharap ko siya sa camera.

*Click*

Ngumiti ako sa camera habang siya walang emosyon.

"Ngumiti ka, ganito oh."

Nginitian ko siya tapos tumingin naman siya sa'kin.

*Click*

Oh? Nag picture siya mag isa.

"Ano 'yon? Kinunan tayo ng camera na 'to nang di siya pinipindot? Sira ba 'to?"

Tinuktukan niya 'yong machine.

"Hoy, anong ginagawa mo!?"

Pinigilan ko siya.

"Ok lang 'yan, sira naman 'yan."

"Hindi 'yan sira, baka nag double lang ang pindot ko. Huwag mong sirain lalo kung totoong sira na, Hays!"

*Click*

Sabay kaming napatingin ni Raya sa machine dahil nag click na naman.

Ang pangit namin doon, halatang nag aaway kami dahil parehong kunot ang noo namin.

"Sabi ko sa'yo, sira na 'yan."-Raya

Last shot na 'to.

Pinindot ko na bigla ang button at nag countdown ng 3 2 1

*Kiss*

*Click*

Kiniss ko siya bigla sa pisngi niya at hindi ko alam ang reaction niya.

"Nice!"

*Pak!*

"Aw!"

Hinampas niya ako.

"Anong nice? Siraulo ka ah."

Kwinelyuhan at inambahan niya ako ng suntok.

WAAAAAAAAAAAAAAH!!! Tulong!!

Malakas niya akong tinulak na muntik ko nang ikalabas sa kinauupuan ko.

"Labas bago ko basagin 'yang panga mo."

Mabilis akong lumabas at napa sign of the cross pa dahil sa takot. Grabe! Lahat ng gagawin namin laging unpredictable.

Lumabas siya dirediretso at hindi ko na alam kung saan siya pupunta.

"Hoy! Teka, sandali."

Hahabulin ko na sana siya kaso kailangan kong hintayin yung picture.

"Heto na po Sir."

Binigay niya sa'kin ang limang picture, apat na single shot at isang compilation ng lahat ng shot.

"Thank you, boss."

Tumakbo na ako kung sa'n dumaan si Raya.

"Kainis, nasa'n na siya."

Umikot ako para hanapin kung nasa'n siya.

Mali nga ata talaga na hinalikan ko siya sa pisngi, tatandaan ko na ang hindi ko dapat gawin hanggat hindi pa siya nasasanay.

Binulsa ko ang mga picture at pag angat ko ng tingin ko ay nakita ko ang likod ng babaeng tinakasan ako kanina.

"Raya."

Lumapit na ako sa kaniya at napansin kong nakatingin lang siya sa isang direksyon.

"Anong-"

Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatingin siya sa mga cotton candy.

Napa ngisi ako.

"Gusto mo?"

"Ayoko."

Nag iwas agad siya ng tingin.

Hinawakan ko ang kamay niya nang nag tangka siyang mag lakad paalis.

"Ako ang bibili."

Hinila ko siya palapit sa nag bebenta no'n.

"Ayoko-"

"Sabi ko kapag ako ang kasama mo maging totoo ka."

Natahimik lang siya.

"Miss, itong malaki nga."

Turo ko sa iba't ibang kulay na cotton candy.

Nag bayad ako sa kaniya habang tahimik lang ang katabi ko.

"Thank you."

Pag harap ko kay Raya ay nasa cotton candy lang ang tingin niya.

"Gusto mo?"

Nag aasar na tanong ko.

"A-ayoko."

"Ok sige, akin nalang."

Nagulat ako nang bigla niya 'yon hablutin sa'kin.

Natatawang kinakabahan ako.

"Hindi ka pwedeng manghingi."

Aniya at binuksan ang plastic.

"Pero malaki 'yan, penge-"

Nilayo niya ang plastic sa'kin.

"Kapag dumampi ang kamay mo sa plastic na 'to, ibalibag kita."

*Gulp*

"Oo na, tara na. Mag hintay nalang tayo sa tapat ng sinehan."

Kumuha siya ng CC at kinain.

"Ayaw mong bumili ng junk foods? Drinks?"-Raya

"Kakain naman tayo mamaya diba?"

Napa isip siya

"Kakain? Sige, pwede naman."

Halatang wala sa plano niya ang pagkain ng dinner.

"Wala ka bang balak kumain?"

"Hindi ko naisip."

Ouch! Direct to the point!

Masyado ngang occupied ang isip niya kanina. Ano kayang iniisip niya.

"Pero gusto mong kumain?"

"Pwede."

"Gusto mo o ayaw mo?"

Ok na sana eh.

Haaaays! Kailangan kong maging cool.

"Wala akong gana kumain eh."

Ok Liphyo! Kailangang hindi ka mainis.

Wala nga siyang ganang kumain.

Umayos ka! Huwag mong sirain ang gabi.

"Sige, tara na."

Hinila niya ako.

"Kumain tayo, magugutom ako after ng movie, hindi pa rin ako kumakain simula kanina."

Napangiti ako.

Ang bilis ko talagang malusaw kapag siya na ang nag sasabi at nag papa kilig.

"Tara na nga. Bili nalang muna tayo ng pop corn."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Paano ako makaka kain niyan?"

Kinuha ko ang CC niya.

"Hoy."

Reklamo niya

"Hahawakan ko tapos kumuha ka nalang."

Nawala ang kunot noo niya.

"Ok."

Pumunta na kami sa may sinehan at bumili kami ng popcorn at inumin.

Pinapasok na kami sa sinehan at hinanap na namin ang seat namin.

"Bitaw na."

"Ano? Bakit?"

"Namamasa na ang kamay ko."

"Ayaw."

Mas hinigpitan ko ang pag kapit ko sa kaniya.

"Tss.. parang bata. Ngayon ka lang ba nakahawak ng kamay ng babae?"

"Ngayon lang na ganito katagal, sa photoshoot lang ako humahawak ng kamay ng babae."

Bumitaw siya sa kamay ko.

"Ano-"

"5 minutes."

Ihhhhh!! Kinikilig ako!! HAHAHAHA...

Halos wala akong maintindihan sa pinanood namin dahil dinaldal ko lang siya nang dinaldal, ilang beses na nga rin siya nag reklamo pero hindi naman niya ako napatigil.

Kumain kami gaya ng pinag usapan namin.

"Hindi ba talaga pwedeng tumahimik yang bibig mo kahit 5 minutes lang?"

"Ayoko, ano nalang mangyayari sa'tin sa date na 'to kung pareho tayong tahimik?"

"Sabi ko kahit 5 minutes lang."

"Ayoko pa rin."

Nag patuloy ako sa pagkain.

"Ganiyan ka ba kadaldal sa lahat?"

"Uhmm.. hindi ko alam, may mga boundary naman kasi ako sa mga kausap ko unlike sa'yo na halos sabihin ko na ang lahat."

Natahimik siya saglit.

Well tahimik naman talaga siya pero iba ang katahimikan niya ngayon.

"Bakit?"

Tanong ko.

"Samahan mo akong matulog."

Natigilan ako sa pag nguya.

Ano raw?

"A-ano? Samahan matulog?"

"Uhm. Ayoko matulog sa bahay, pagod na ako at balak ko matulog sa motel."

"M-motel? *Hik*"

*Cough*

Naubo ako sa gulat.

"Anong nakakagulat doon? Palipasan naman ng gabi ang motel diba?"

Grabeee! Gano'n ba siya kainosente?

Hindi niya alam na kilala 'yon sa hindi magandang image.

"K-kasi-"

"Ok lang sa'kin kung ayaw mo-"

"Hindi, hindi. S-sige sasamahan kita, baka may mga loko doon."

"Psh, ano bang klaseng alibi 'yan?"

Kinakabahan ako!

Kailangan kong mag behave! Oo, tama!

Ayokong isipin nila Tito na nag titake advantage ako.

Poprotektahan ko lang siya.

Natapos kami na medyo hindi na ako dumadaldal.

Sumakay kami sa motor ko since 'yon ang dala namin pag punta rito.

"Ikaliwa mo."-Raya

Dumiretso lang ako.

*Pak*

"Aw!"

Nagulat ako nang hampasin niya ako.

"Sabi ko ikaliwa mo, lutang ka ba?"

"O-oh ito na."

Kinaliwa ko ang motor ko.

Dirediretso lang ako.

"Stop."

Hindi! Ayoko mag stop!

Binilisan ko ang pag dadrive ng motor ko.

"Hoy!"

"Ayoko, ayokong pumasok ka riyan!"

"Hays!"

Nag drive nalang ako papunta sa park kung saan una kong na meet si Tito Craig.

Pag babang pag baba namin nakita ko agad ang kunot noong mukha niya.

"Crenz, I'm sorry."

"Hindi ka sana nag sosorry ngayon kung ginawa mo lang ang sinabi ko."

"Bakit ba? Ano bang ayaw mo sa bahay niyo? Andami mong bahay, bakit hindi ka matulog sa mga bahay mo."

Nag iwas siya ng tingin at may binulong na hindi ko maintindihan.

"Kung bubulong ka lang diyan mas lalong hindi tayo mag kakaintindihan."

"Sabi ko gusto nga kitang makatabi sa pag tulog."

Nag init ang mukha ko.

Bakit mas nahihiya ako sa mga sinasabi niya?

"Then let's sleep in my house."

"Baka may masabi si Mama."

"Mama? Mama ko o Mama mo?"

"Mama mo"

Talaga Mama ang itatawag niya sa Mama ko ah?

"You know what? Don't call someone else mother "Mama" if you don't call your own mother "Mama". Simulan mo sa sariling mong bahay ang lahat bago mo gawin sa iba."

"You knew what M'Hailey means, Mama pa rin 'yon."

"Mas matutuwa si Tita if you call her Mama or Mommy like Crescia does. Mag practice ka na rin tawaging Papa or Daddy si Tito Chris."

"Inuutusan mo 'ko?"

"Ano ka ba, basic rule kaya 'yon, actually hindi ka na nga dapat sinasabihan sa mga bagay na 'yon."

"I have my own reason why I don't call them like what you want."

"Then same to them, they have their own reasons why they did the reasons you have. Alam mo kasi kapag magulang ka lahat gagawin mo para protektahan ang anak mo, gaya ng ginagawa mo kay Charrie, halos ibalibag mo na lahat ng kalaro niya kanina. Siguro gano'n din si Tita, may nagawa man siyang hindi mo gusto pero nakikita ko naman kay Tita na mabait siya at baka nga nagawa niya lang 'yong reason na meron ka para protektahan ka."

Mukhang lumalim ang iniisip niya.

"Crenz?"

"H-ha?"

Narinig man lang ba kaya niya ang mga sinabi ko.

"Ok ka lang?"

"Oo, ang daldal mo kasi."

Hinawakan ko ang kamay niya at umupo kami sa semi hill bench.

"Kapag pinag patuloy mo ang pag tawag kay Tita na M'Hailey, baka gayahin ka ni Charrie. Hindi lang pinapakita no Tita pero nalulungkot siya tuwing tatawagin mong Mama si Tita Deli."

"Hindi mo naiintindihan, hindi ko nga ramdam na may nanay ako noong bata ako. Nakakita lang ako ng tunay na Ina noong nakilala ko na si Mama sa probinsya."

Tama pa ba 'tong inaadvice ko?

Baka sobrang nangingialam na ako? Pero sinasabi ko lang naman yung alam kong tama at saka siya pa rin ang mag dedecide kung susundin niya.

"Matinong magulang si Tita Hailey."

Napa isip ako.

"Baka may hindi ka lang alam kaya kulang ang info mo?"

"Anong hindi alam?"

"Hmmm... Ano ang mga alam mo tungkol kay Tita Hailey?"

Matagal siyang natahimik at umiling.

"Oh see, may hindi ka alam. Umaalam ka ng pang isang organization na info pero sarili mong magulang hindi mo kilala."

"Bakit? Kilala mo ba ng lubos ang Mama mo?"

"Oo naman! Alam ko kung paano sila nag kakilala ni Papa, alam ko ang mga paborito niya, alam ko kung saan siya takot, alam ko kung ano ang mga pangarap niya at marami pang iba. Ikaw ba? May alam ka ba kay Tita Hailey kahit man lang sa isa sa mga nabanggit ko?"

Umiling ulit siya.

"Then seek for it, alam naman nating Mahal mo si Tita Hailey kaya ka nagagalit sa ginawa ni Tito Chris, kailangan lang ng konting information about your mother then saka ka mag decide kung dapat bang M'Hailey lang ang itawag mo sa kaniya or Mama/Mommy."

Napangisi siya.

"Pag tawag lang 'yon Jhonzel Liphyo, hindi big deal 'yon."

Humarap ako sa kaniya.

"Big deal 'yon, may part sa'yo na nag tatanong pa rin tungkol sa Mama mo kasi may gusto kang maintindihan at may meaning ang M'Hailey mo kaya tinawag mo 'yon sa kaniya, may boundary kasi ang meaning ng M'Hailey mo dahil sa experience mo noong bata ka pero ang Mama, Mommy or Nanay masyadong independent na word 'yon, malaya at walang meaning na may boundary. Seek for it Crenz Yara, mas maluwag sa loob natin kapag nasasagot ang mga tanong natin atleast alam natin ang dahilan."

Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Akala ko talaga marami na akong alam tungkol sa buhay, may mas expert pa pala sa'kin."

Natutuwa ako sa ngiti niya ngayon at mas natutuwa ako na natutulungan ko siya kahit sa simpleng pag papayo.

"Baka maging perfect ka kung pati 'yon alam mo, mas lalong hindi ako babagay sa'yo kung gano'n."

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko ng mga palad niya.

"Hinding hindi ako magiging perfect dahil may ganito akong ugali, kaya nga kailangan ko ng isang katulad mo pang tapat sa ugaling meron ako. You're like a warmer for my cold heart, palagi kang mag iingat kasi kapag may nangyaring hindi maganda sa'yo baka mawala ang natitira kong konsensya at maging masamang tao nang tuluyan, ayokong maging masamang tao dahil ayokong masaktan ang mga taong nakapaligid sa'kin at gayahin ni Charrie at Vandro."

Masamang tao ba ang ganiyan?

Mas mabait siya kahit kanino man dahil hindi niya tinatago ang ugaling meron siya at palagi niyang iniisip ang kapakanan ng pamilya niya.

"Crenz."

"Hmm..."

"Kinikilig ako."

Pairap niyang bahagyang tinulak ang pisngi ko pakanan at nakangiting umayos ng upo at tumanaw sa malayo. Natatawa naman ako sa sinabi ko.

Dumikit ako sa kaniya at inakbayan siya, hindi naman siya nag reklamo.

Wala na gaanong tao rito at ang cool pa kasi walang clouds at nag sisimula pa lang ang formation ng moon.

"Alam mo dati sukong suko na ako sa pag kakagusto sa'yo. Gusto ka ni Mike tapos nakilala ko pa si Ryker."

"Anong meron sa kanila?"

"Si Mike kasi first time lang mag kagusto at ayokong masira ang friendship namin dahil sa isang babae kaya gusto kong mag paubaya, tapos si Ryker naman mayaman, gwapo, mabait at matalino tapos nalaman ko pang mayaman ka pala kaya mas naiisip kong mas better siya."

"Tss.. babaw."

Ano!? Babaw!? Halos masiraan ako ng bait sa sobrang sakit tapos mababaw?

"Hindi mababaw 'yon."

"Para sa'kin mababaw 'yon dahil hindi ako mababaw na tao. Eh ano ngayon kung mayaman, mabait, gwapo o kung ano mang meron sila na sa tingin mo mas higit sa'yo? Sa paningin ko pa rin ang mas mag mamatter at para sa'kin mas higit ka sa kanila. Pinakita mo muna ang worst side mo bago ang good side mo, ilang beses mo na rin akong niligtas kahit hindi mo alam na nililigtas mo 'ko at mas nagugustuhan kita kapag pa ubos ka na financially, mentally at physically pero yung tirang meron ka pa binibigay mo sa'kin."

Humilig siya sa balikat ko habang ang buong sistema ko ay windang na windang sa mga sinasabi niya.

*DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG*

Natatakot akong marinig niya ang lakas at bilis ng pintig ng puso ko.

Ayoko nang matapos pa ang gabing 'to.

Gusto niya ako!

Ngayon ko lang narinig nang may lambing at sincerity ang pag sasabi niya na gusto niya ako.

"Kahit hindi maganda ang first day encounter natin?"

"Kasi nakipag sagutan ka kay Sandra?"

"Oo? Pati na 'yong muntik ka nang masagasaan."

"Ok lang 'yon basta huwag mo na uulitin ang pakekealam mo."

"Hindi ko kayang hindi makialam. Kung alam ko kasing may magagawa pa ako makikialam talaga ako."

Gano'n kasi ako pinalaki.

Kaya nga nag karoon ako ng kasuntukan dahil may binubully sila, pinag tanggol ko lang yung nabubully tapos hindi na natapos ang away na 'yon kung hindi pa ako huminto sa pag aaral.

"Basta hindi aabot sa puntong mahohospital ka at mag pi 50/50 ka kundi susunugin ko ang bahay ng gumawa no'n sa'yo."

"Pfft! Oo na po."

Susunugin amp, Pfft! Ang cute niya.

Hindi ko pa siya girlfriend pero parang gano'n na kami. Hindi ko na yata kailangan ng label para sa'min. Pero syempre gusto ko pa ring maging official kami at magagawa ko lang 'yon kapag nag paalam na ako kina Tito at Tita. Ayoko namang samantalahin 'yong kasal na nangyari sa'min para makuha si Crenz nang walang permiso nila Tito. Tinuruan ako ni Papa kung paano maging matinong lalaki kapag nagkaroon na ng babaeng nagugustuhan, ang sabi ni Papa ay mas magiging panatag kami kapag hindi tago ang relasyon kaya gusto ko muna mag paalam bago ako bumili ng singsing at yayain siya bilang girlfriend ko.

"Jhonzel."-Raya

Kung anu ano na ang tinatawag niya sa'kin ah? Bakit parang masyado siyang seryoso?

"Hmm?"

Umalis siya sa pagkakahilig sa'kin at tumingin nang diretso sa mata ko.

"Mahal kita."

.

.

.

Matagal akong natahimik dahil sa gulat. Pinoproseso ng utak ko lahat ng sinabi niya.

Parang kinukuryente ang puso ko at nananakit ang lalamunan ko dahil hindi mapili ng utak ko kung anong salita ang dapat kong sabihin o itugon.

*Snap*

"Huminga ka Pula. Mag sisimula pa lang tayo ng relasyon natin pero parang gusto mo nang tapusin agad."

Bumalik na ako sa katinuan ko.

"Nabingi ata ako. May mali ata sa pandinig ko."

Inalog ko ang tenga ko.

Kinuha niya ang kamay kong pinang aalog ko sa tenga ko.

"Huwag ka ngang OA."

"You can't blame me Crenz Yara Vilarde, parang hindi ikaw ang Crenz na kilala ko."

Umiling siya.

"Nagiging ako ang totoong ako kapag kasama kita. Nag hahalo ang katauhan ni Ashariya at Crenz Yara kapag ikaw ang kasama ko. Akala ko habang buhay na akong gano'n pero kaya palang mag bago. May kinakaya si Ashariya na hindi niya dapat gawin pero napipilitan siya at may tinatago si Crenz Yara na parang nakakasakal sa kaniya, pero kapag kasama kita nakakalimutan ko ang mga pangalang 'yon. Mas gusto kong maging si Raya mo dahil wala akong inaalala gaano at mas magaan ang loob ko kapag hindi ako si Crenz o Ashariya, basta kasama at nasa tabi lang kita."

Damn!

Hinahaplos niya ang puso ko.

Ang swerte swerte ko na, pakiramdam ko ako ang pinaka espesyal na lalaki sa buong mundo.

"Nababakla na nga ata talaga ako."

Hindi makapaniwalang ani ko.

Para na nga talaga akong lumulutang.

"Ganiyan ba kalakas ang epekto ko sa'yo?"

Nagagawa niya pa talagang mag yabang ganitong halos makalimutan ko nang huminga.

"G-gusto mo 'ko?"

Taka siyang tumango.

"M-mahal mo 'ko?"

Nawiwirduhan ulit siyang tumango.

Sa sobrang saya ko, lumapit ako sa kaniya at nag nakaw ng halik sa labi niya.

*Kiss*

0.0 <-siya

I can't help it, sobrang saya ko lang talaga to the point na handa akong mag pabalibag sa kaniya matapos kong gawin 'yon.

Nang mag sink in sa kaniya ang ginawa ko ay kinunutan niya ako ng noo.

"Ikaw-"

I didn't gave her a chance to scold me, I immediately pulled her nape and meet her lips.

Kung pwede lang talaga, ayoko nang matapos ang gabing 'to.

Sinandal ko siya sa sandalan at mas pinalalim ang pag halik ko. Nagulat nalang ako nang tumugon siya.

Nag tagal pa ang halik na 'yon ng maraming minuto basta ayoko siyang pakawalan. Ang bango bango niya at hinding hindi ako mag sasawa sa amoy niya.

Tamang nasa park lang kami ngayon at hindi sa motel, natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kung sakaling hindi lang siya ang sasaway sa'kin.

Hingal na tinulak niya ako nang bahagya.

"Papatayin mo ba ako?"

"W-what?"

"Hindi na kaya ako makahinga. Ganiyan ka ba sa mga naging babae mo?"

Babae ko?

Sinong-

"Hindi pa ako nag kaka girlfriend at saka first kiss kita."

Tiningnan niya ako sa mata kung nag sasabi ba ako ng totoo. After niyang maconfirm ang gusto niyang I confirm ay napatingin naman siya sa labi ko.

Agad akong napangisi. Ano kayang iniisip niya?

*Smack kiss*

"Free to kiss me whenever you want."

Tinabig niya ako paalis sa harap niya at saka ako pinasandal.

"Ano ka pinag pala?"

Tumayo siya kaya tumayo na rin ako.

"Bakit?"

Tanong ko sa kaniya.

"Umuwi na tayo."

"Ha? Iyon na 'yon?"

"Anong 'yon na 'yon?"

Ha?! Anong sinasabi ko? Nababaliw na nga talaga ako!

"H-hindi- I mean, wala ka na bang ibang sasabihin?"

"Wala na. Baka himatayin ka pa bigla kapag may sinabi pa ako."

Nag yabang pa talaga.

Bigla siyang lumapit sa'kin at tumingkayad saka ako binigyan ng isang mabilis na halik sa labi ko.

Ako naman ngayon ang gulat na gulat.

Nanlalambot ang tuhod ko!

"Lagi kang mag iinga- dibale na, halika na. Para kang tanga r'yan."

Hinila niya ako.

Kasalanan naman niya kung bakit mukha akong tanga eh.

"Teka, nag jijelly yung tuhod ko."

"Tigilan mo 'yang kabaklaan mo. Mag drive ka nang maayos, ayoko ng aksidente."

Lumapit na kami sa motor ko.

"Sa'n ba kita ihahatid?"

"Sa bahay ko."

"Ok!"

RAFFY'S POV

Naka tambay kami sa labas ng bahay ni Crenz at hinihintay siyang umuwi.

"Sure ka bang uuwi 'yon ngayon?"-Crescia

"Uuwi 'yon, si Liphyo ang kasama niya kaya hindi hahayaan ni Liphyo 'yon na matulog kung sa'n sa'n."

May tiwala ako kay Liphyo kapag usapang Crenz na dahil nagiging mas makatwiran si Liphyo sa pag iisip kapag si Crenz na ang involved.

"Bakit mo ba kasi sinabi 'yon kung mag aalala ka ng ganito?"

Siya naman kasi ang nag sabing kailangang may gawin si Crenz kay Liphyo bago pa kami umalis mamayang umaga.

"Syempre ibang usapan na kapag naka tali ka na. Unahan niya na ang pag bawi para sa mga araw na mawawala siya."

In fairness may katwiran siya.

*Broom*

"Nandiyan na sila."-Crescia

Hindi na kami tumayo para salubungin si Crenz dahil nag kakape ako at nag babasa si Crescia ng medical book habang umiinom ng juice.

Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila dahil 5 minutes muna ang lumipas bago pumasok si Crenz.

Naka kunot noo siyang lumapit sa'min.

"Kumusta-"

Bati ko sana pero.

"Masaya ka na?"

Kunot noong tanong niya sa kapatid niya.

"What?"-Crescia

"That would be the last time that I'll go out with him before the mission."

Teka? Ano bang nangyayari?

"Kumalma nga muna kayo."

Saway ko sa kanila.

Kinuha ni Crenz ang inumin ni Crescia at parang uhaw na uhaw na inubos.

"Creya-"

"I don't like to have this feeling. Mas lalong ayokong malayo sa kaniya nang matagal dahil sa pag sunod ko sa'yo. Hindi ko na ulit gagawin 'yon, hindi na ako mag papakita sa kaniya bago ang mission."

Inis na pumasok siya sa bahay niya.

"Lagot ka."

"Pfft! I'm just giving her a lesson/experience so she'll know what she'll going to do next time."

Kinuha ko ang laptop ko.

"Let's watch the CCTV footage first."

Sabi ko sa kaniya.

"Footage of what?"

"Kung bakit kasal na ngayon ang kapatid mo."

Nabuhayan ang mata niya at saka lumapit sa'kin.

"Ready?"

"Go na daliii."

Excited na aniya.

So plinay ko na.

THIRD PERON'S POV

*THE NIGHT WHERE CRENZ AND LIPHYO GOT MARRIED*

Pag akyat ni Raffy ay ang pag labas naman ni Crenz sa kwarto niya na wala pa rin sa tamang pag iisip.

"Tubig."

Aniya at kumapit sa railings ng hagdan saka bumaba.

May kaniya kaniyang ginagawa ang mga tao kaya walang nakapansin sa kaniya.

Umalis ang mga kapatid niya saglit para may bilhin at ang mga babaeng kaibigan niya ay busy rin sa pag kukwentuhan.

Una niyang nakita pag labas niya ay ang mga tatay niya. Napa ngiti nalang siya at lumapit sa kanila.

Inagaw niya ang alak na dapat ay iinumin ni Chris.

"Hey."

Reklamo ng ama niya.

Binaba niya ang baso at pinaurong niya si Liphyo para makaupo siya.

"One more."

Kinuha niya ang alak at nag salin sa baso.

"Woah! Ang lakas mong uminom Yara."

Puri sa kaniya ng lasing na si Drei

"Inom pa tayo."

Nilagyan niya ang baso ng lahat at lahat sila ay nakangiting nag aantay matapos siyang lagyan ng alak ang mga baso nila.

"First time kong makashama si Yara sa inuman."-Drei

"Nako, mahina 'yang si Crenz. Nagiging korni siya kapag lasing HAHAHAHA..."-Hans

"Inom."

Utos niya sa kanila ay itinaas niya ang baso saka inisang lagok.

"Woah!"

*Clap*

Pumalakpak ang dalawang tatay niya at ang mga kaibigan niya sa ginawa niya.

"Sinong mahina?"

Mayabang na aniya at umupo muli sa tabi ni Liphyo.

"Mahinang nilalang." Asar niya kay Liphyo

"Anong mahina? Ang dami dami na naming nainom."-Liphyo

Sinubukan niyang gayahin ang ginawa ni Crenz na pag inom ng straight pero nasamid siya.

"HAHAHAHA..."

Tinawanan nilang lima si Liphyo habang ubo nang ubo si Liphyo.

"Isa pa, kaya ko 'yon nasamid lang ako."

Pag yayabang ng binata.

"Ok, sabay tayo."

Sinalinan ni Crenz ang baso nilang dalawa.

"Go Liphyo kaya mo 'yan."-Chris

"Tama, talunin mo si Creya."-Samuel

Sinamaan ng tingin ni Crenz ang dalawang tatay niya.

"Ako ang anak niyo, bakit siya ang chinicheer niyo?"

Tinawanan siya ng nga ama niya.

"Tatalunin ko siya para I save ang reputation ng mga lalaki."-Liphyo

"Tama!"-Hans

"Asa kayo. Tatalunin ko kayong lima kahit mag sama sama pa kayo."

Wala nang matino ang pag iisip sa kanila.

"Oh sige! Game na."

Sabay nilang kinuha ang alak na nasa baso at tinungga nila pareho. Halos sabay pang silang natapos pero nauna pa rin si Crenz.

"Nauna ako Doc, diba?"-Liphyo

Mabilis siyang kwinelyuhan ni Crenz.

"Anong sinabi mo?"

Natatawang tumayo si Chris at inawat ang anak niya.

"Sabay lang kayo."-Chris

"No, I finished it first."-Crenz

"Parang hindi naman."-Drei

"Si Liphyo nauna."-Hans

Sinamaan niya ng tingin ang mga lalaki.

"Bakit hirap kayong tanggaping talo kayo?"

"Hindi ah, ikaw kaya ang hirap."-Liphyo

"Pinag tutulungan niyo 'ko ah."

Kumuha ng limang plastic cup si Crenz at beer naman ang nilagay niya.

"Bottoms up."

Ngisi niya sa lahat ng lalaking nasa mesa nila.

"Ok, go!"-Drei

Ininom nilang lahat ang beer na nasa baso pero ang ending ay si Crenz pa rin ang nanalo.

Tumayo si Crenz para mag yabang.

"Oh ano? Panalo ako diba?"

Hinila siya nang bahagya ni Liphyo para paupuin.

"Umupo ka baka maliho ka."

"Hindi ako weak kagaya mo."

Nag tawanan sila.

"Anak, kayo na ba ni Liphyo?"-Samuel

Wala na rin sa tamang wisyo si Samuel

"Hindi po."

"Ayaw pa po niya Tito."-Liphyo

Nag katinginan ang dalawang tatay niya at nag kangitian.

"Bakit naman? May kulang ba sa anak ko Liphyo!? Bakit hindi mo siya nililigawan?"-Samuel

"Tama! Ang ganda ng anak ko, huwag kang papatinag sa dahil ayaw niya. Ako nga ilang taon bago ko napakasalan ang nanay niya dahil natakot ako. Huwag kang papasindak sa kaniya."-Chris

Kahit lutang si Liphyo ay nakaramdam pa rin siya ng kilabot sa tono ng mga boses ng mga ama ni Crenz.

Hindi pinapansin ni Crenz ang pinag uusapan nila basta umiinom siya at kumakain ng pagkaing nasa mesang 'yon.

"Dapat ipakasal na agad sila para hindi matulad sa'kin."-Chris

"Tama, ako nga hindi pa kasal sa asawa ko eh. Dapat mag pakasal habang maaga pa bago mahuli ang lahat."

"Ano ka ba Pare, hindi pa huli para ikasal kayo."

"Gastos 'yon."

"Ako bahala."

Ngiti ni Chris at saka tinapik ang kambal niyang tulog na habang nakaupo.

"Hoy Craig, hoy! Gising nga."

Nahirapan siyang tapikin ang kambal niya dahil nasa pagitan nila si Samuel.

"Gumising ka dali, may mission tayo hehehe.."

Nag bukas ng mata si Craig at mamula mula pa ang mata halatang kagigising lang.

"Oh? Ano ba 'yon? Inaantok pa ko Chris."

*Pak*

Hinampas ni Chris ang kambal niya.

"Araaaay..." Reklamo ni Craig.

"Huwag ka nga munang matulog, may gagawin pa tayo."

Pinag tawanan sila ng kaharap nilang sina Hans at Drei.

"Oo na oo na."

Iritang tugon niya sa kambal niya.

Bumalik si Chris pwesto niya.

"Good morning Craig."-Liphyo

At kinawayan pa niya.

"Morning Liphyo."-Craig

"Morning? Evening palang, gabi pa oh. Kita niyo bang may liwanag sa langit?"

Sarkastikong tanong ni Crenz habang kumakain ng manok.

"Heh heh heh! Huwag muna kayong maingay, may kailangan muna tayong gawin."-Chris

"Sige na, ang dami mong pasikot sikot."-Craig

"Oo na, mag labas ka na ng paper for marriage."

"Bakit? Sinong ikakasal?"

Mapupungay ang mga mata nilang nag uusap.

"Ayos lang Chris, kahit hindi mo na kami ikasal."-Samuel

"Ano ka ba? May kapangyarihan si Craig na ikasal kayo. Libre na 'to kaya huwag ka na kumontra. Akina Craig."

Nilahad ni Chris ang kamay niya sa harap ng kambal niya.

"Alin?"

"Yung papel."

"Ahhh.. yung papel, teka."

Kinuha niya sa lapag ang attaché case niya at kumuha doon ng papel.

"Ayown."

Kinuha ni Chris ang papel.

"Oh, ballpen."-Craig

"Thank yow."

Binigay nila kay Samuel ang papel.

"Ano ba 'to?"

Nakuha nila ang atensyon ni Crenz nang makita niya ang papel na hawak nila.

"Ano 'yan 'Pa?"

Tanong niya kay Samuel

"Hindi ko rin alam eh, basahin mo nga anak."

Inabot niya ang papel kay Crenz.

Binasa ni Crenz iyon pero masyado siyang lutang para maintindihan iyon.

"Dapat kasi matagal na kayong nag pakasal."-Chris

"Eh ok naman na kami."

"Kahit pa."

Kinuha ni Crenz ang ballpen.

"Ano 'yan?"

Nakangiting tanong ni Liphyo, halata nang lasing na lasing na siya.

"Attendance ata 'to eh."

"Attendance? Woah, akala ko sa school lang kailangan ng attendance."

Tinaas ni Crenz ang papel at kunot noong sinuri niya nang mabuti.

"Akina na nga, mag a attendance ako."

Hinablot ni Liphyo ang papel.

Hinayaan siya ni Crenz na sumagot doon habang naka tingin siya sa ginagawa ni Liphyo.

"Walang atang tinta 'to."-Liphyo

Winisik ng binata ang ballpen para gumana 'yon.

"Akin na nga, tanga naman kasi eh."

Inagaw ni Crenz ang ballpen at pinansulat sa balat niya para tuminta.

Gumuhit siya at saka nagka tinta ang ballpen.

"Oh ayan."

"Ang cool mo talaga."-Liphyo

"No need to mention."-Crenz

Nag simulang mag sulat ang binata

"Date."-Liphyo

"Date?"-Crenz

"Oo, Ayan oh may nakalagay date kaya anong date ngayon?"-Liphyo

"December - hindi ko alam eh. Hoy Hans, anong date ngayon?"-Crenz

Nag tatakang tumingin si Hans sa phone niya.

"December 20"-Hans

Pag karinig nila doon ay nilagay nila 'yon sa papel.

"Ano ba 'yan?"-Hans

"Attendance."-Liphyo

"Oh, pasulat din ako baka ma absenan ako."-Hans

Nakatingin silang apat kasama si Drei sa papel.

"Pang dalawa lang 'to, kuha ka pa kay Tito Craig para hindi kayo ma absenan."-Liphyo

"Bakit kailangan pa ng age?"-Liphyo

"Akala ko ba matalino ka? Kaya nila nilagyan ng age yan para makita kung ikaw ba talaga ang nag sulat niyan. Confirmation 'yan."

"Ahhh..."-Liphyo

Matapos ni Liphyo maka pirma ay inabot naman niya kay Crenz.

"Ang pangit ng sulat mo."-Crenz

"Ang mahalaga naiintindihan."-Liphyo

Nag uusap lang si Chris at Samuel habang si Hans at Drei ay nag kwentuhan nalang at hindi na nanghingi ng papel para attendance nila.

"Sure ka di na tayo manghihingi?"-Hans

"Eh diba sabi mo lagi ka namang present?"-Drei

"Oo."-Hans

"Ok lang maabsenan minsan."-Drei

Nag apir sila at nag kasundo.

"Tingnan mo, mas maganda pa rin ang sulat ko."-Crenz

Naduwal sa sobrang pagka lasing si Liphyo.

"Uy, Pre! HAHAHA..."-Hans

"Mahinang nilalang. Susuka siya, samahan niyo."-Crenz

Kinuha ni Liphyo ang papel.

"Oh? Sa'n mo dadalhin yan?"-Crenz

"Ako na mag papasa."-Liphyo

"Oh? Sa'n kayo pupunta?"-Chris

"Tito, susuka siya HAHAHA..."-Hans

"Weak"-Drei

Inalis ni Liphyo ang mga kamay nilang nakaalalay at lumapit kay Craig na natutulog na muli.

"Tito Samuel, ok na yung papel."

Winagayway ni Liphyo ang papel sa harap nila.

"Good. Uy Craig, Craig."

Inalog muli ni Chris ang kambal.

"Uhmm?"

"Ipa register mo na 'to."-Chris

"Ha? Ah, tapos niyo ba?"

"Ibibigay ba namin kung hindi pa? Bigay mo Liphyo."

Naduduwal na nilapag ni Liphyo ang papel saka siya nag madaling tumakbo papunta sa CR kasunod sila Hans at Drei na tinatawanan siya.

Tumawag si Craig sa isang tauhan niya.

"Ipa rehistro mo 'tong papel. Huwag mong wawalain o gugustuhin, ingatan mo 'yan ah."

Pinirmahan din ni Craig ang papel bilang nag kasal sa dalawa.

"Yes Sir."

"Sabihin mong asikasuhin 'yan ngayon."

"Yes Sir."

Nag madaling umalis ang inutusan niya para asikasuhin ang papel.

"Oh ayan na, kasal ka na Samuel"-Chris

Nag apir pa silang dalawa.

Umupo si Crenz sa harap ng tatlo niyang Tatay.

Nakatingin silang tatlo kay Crenz.

"Ikaw si Chris, ikaw si Papa Samuel at ikaw si P'Craig. Pfft!"

Lasing na tinuro niya ang mga tatay niya.

"Ikaw biological father Ashariya, ikaw Tatay ni Crenz Yara at ikaw ang adopted father ni Ashariya. Magkakaroon pa kaya ako ng isang Ama? Haha.."

Tumayo si Crenz at nag lagay ng baso sa harap ng mga ama niyang tahimik lang na nakikinig sa kaniya.

Nakita siya ni Chelsea kaya lumapit siya sa table nila Crenz.

Nilagyan ni Crenz ng alak ang mga baso ng mga Ama niya.

"Cheers tayo mga Papa ko, cheers!"

Kinuha nilang tatlo ang mga baso at nag toast nga silang apat.

Nakita rin nila Crescia ang ginawa ng mga tatay nila pag dating na pag dating nila sa bahay.

Mag lalagay sana ulit si Crenz ng alak pero pinigilan na siya ni Chelsea.

"Crenz, enough, you're drunk."

Binaba ni Chelsea ang baso at bote na hawak ni Crenz.

"Tara."

Yaya ni Crescia sa mga kapatid niyang lalaki.

"Bakit nandito siya? Pinatulog na namin siya ah?"-Cedric

"Nakita ko nalang siya rito."-Chelsea

Humarap si Crenz sa mga kapatid niya.

Yumakap siya kay Crescia.

"Namiss kita Bern *tsup* huwag ka nang aalis ah, gusto ko lagi ka lang nasa tabi ko."

Nagulat si Crescia nang halikan siya ni Crenz sa pisngi niya. Umalis siya kay Crescia at lumipat kay Cedric.

"Kuya, thank you sa pag babantay sa'min *tsup*"

Humalik din siya Cedric.

"You're welcome our Princess."

Kumalas si Crenz at lumipat naman kay Chiggy Mil.

"Kuya, thank you sa pag stay sa tabi ko kahit tinataboy kita. Kailangan ko talaga ng kahit isa sa inyo *tsup* buti nalang nandoon ka."-Crenz

Mahigpit na niyakap ni Chiggy Mil si Crenz.

Iyon ang kauna unahang pag sasabi ni Crenz ng totoo niyang nararamdaman sa harap ng mga kapatid niya.

"A-ah-di ako makahinga."-Crenz

"Ay sorry!"-Chiggy

Natatawang binitawan niya ang kapatid.

"At dahil Mahal ko kayo..."

Kinuha ni Crenz ang mga baso ng mga ama niya at nilagyan niya ng alak.

Nakangiti lang silang tinitingnan ang bawat pag kilos niya.

Inabot ni Crenz sa mga kapatid niya ang baso.

"Cheers din tayo."

Natatawang napailing sila dahil inuutakan sila ni Crenz para maka inom pa siya.

"Last mo na 'yan ah."-Cedric

"Cheers/ Brainy."-Chiggy/Crescia

Nag toast sila at inisang lagok ang alak.

Hindi uminom si Crescia.

"Isa pa-"

"Tama na, tara na nga."-Crescia

Hinila siya ni Crescia.

"Ihhh.. ayoko pa."

Parang batang nag tatampo si Crenz.

"Halika na, bukas na tayo uminom."

"Talaga ah? Bukas."-Crenz

"Oo, sige na, tara na."-Crescia

Kumalas siya at tumakbo sa likod ni Cedric saka palundag na para sumampa rito.

"A-ahck -"-Cedric

Muntik nang mawalan ng balanse si Cedric mabuti nalang ay nahawakan siya ni Chiggy.

"Let's go Cedric Roft!"

Natatawang pinanood nila ang mag kakapatid.

Inayos ni Cedric ang pag pasan sa kapatid at bahagyang yumuko sa mga tatay nila.

Sinaluduhan naman ni Crenz ang mga ama nila na ikinatawa nila.

"Let's go, let's go!"

Nag tatatalon si Crenz sa likod ni Cedric

"Behave yourself Crenz."-Chiggy

"Let's go!"

Inalalayan ni Crescia at Chiggy Mil si Cedric at Crenz kung sakaling mag ligalig si Crenz.

"Huwag niyo kalimutang mag attendance! Baka maabsenan kayo!"

Sigaw niya sa kanila bago siya tuluyang makapasok sa loob ng bahay.

"Crenz, shut up."-Crescia

"Mag attendance ka Bern."-Crenz

Natawa ang dalawang lalaki sa kanilang dalawa.

Lumabas ng kwarto si Raffy nang marinig niya ang boses ni Crenz. Nakita niyang paakyat na si Cedric na pasan pasan si Crenz.

"What happened? Bakit nasa labas siya?"

Nag aalalang tanong ni Raffy.

"Tumatagay siya kasama sila Daddy."-Chiggy

"Tulog na siya kanina ah."-Raffy

Humarap si Crenz kay Raffy.

"Hi Raffy, gusto mong uminom?"

"Ayoko, matulog ka na. Bukas na tayo uminom."-Raffy

"Okiii!"

Pag pasok nila sa kwarto ay agad nilang inasikaso si Crenz.

~~~~~~~||||~~~~~~~~~