"Boys!! Omg, you came!"
Masayang sinalubong ng babae ang apat na lalaking bagong dating.
"Stop calling us that, Eunice. we're older than you." Nagsungit agad ang isa sa mga ito.
"Oh what is it, a bad hair day?" Hula nito sa pagsusuplado ng lalaki. Ito lang naman ang pwedeng maging dahilan ng pagsusungit nito, kapag nagulo ang kanyang buhok.
"You look stunning, baby girl." Sunod na bati naman ng isa na ikinangiti ng dalaga.
"Tell me something I don't already know, Dash." Pagbibiro nito.
"You really made it to Italy huh? congrats."
"What, like you didn't see it coming?" Natawa ang dalaga nang makitang umiling lang ito na parang dismayado "Crey, I was just kidding!" tawa pa nito.
Kita sa mga mata ng dalaga ang labis na tuwa sa suportang pinapakita sa kanya ng mga kaibigan. Sandali pa ay malaki ang ngiti nito nang bumaling sa lalaking hindi man lang bumati sa kanya.
"Hey, aren't you gonna congratulate me?" Siya ang unang kumausap dito. Masaya siya, pero lalo siyang sumaya gayong nandito ito at pinuntahan siya.
"Congrats." Bagama't ganito lamang ang isinagot nito ay nagpalaki na ng ngiti ng dalaga.
"Thanks!" Ngiti nito. "I thought you're not coming, but I'm glad you did."
"As if we always go every time you invite us 'no? ako kaya ang may pinakamaraming attendance sa amin at to think apat na beses lang 'yon, ah!" Panunumbat pa ng tinawag niyang Dash kanina
Napairap ito "Yeah, right. Good thing hindi niyo na ako ininjan ngayon."
"Well, you're not the only one who's making a name here." Sabat niyong unang nagsalita kanina. Ngayon ay nakangisi na ito.
"Whatever, Frankenstein."
Tuluyan silang pumasok sa loob at pumwesto sa mahabang lounge na bakante. Prenting umupo roon ang mga binata na parang pagmamay-ari nila iyon.
"Okay then dahil mapilit ka, congratulations, you've come this far." Muling nagsalita ang binata kanina nang maupo ito.
"This.." Tiningnan ito ng dalaga tsaka inilibot ang tingin sa buong lugar "Is a dream come true, but this is not yet the goal I have in mind."
Nang may mapadaan malapit sa kanila ay tinawag ito ng dalaga "Michael!"
Nakasuot ito ng makulay na damit at mayroong pulang scarf sa leeg "Yes, dear?" lumapit ito sa tumawag at napabaling sa mga binata "My oh my, what do we have here? I wasn't informed that there would be some guys in this shoot." Hindi nito maalis sa mga binata ang kanyang tingin "Who are they?" Nakangiti nitong baling sa babae na ikinatawa naman nito
"Oh they are not part of the shoot, Michael. They are just here to support me." Saad ng babae. Nasa tono ng boses nito ang labis na pagmamalaki sa mga kaibigan
"Your friends? No way.." Bahagya pa nitong naitagilid ang ulo habang kaharap ang babae. "Non mi avevi detto che hai degli amici così belli." (You didn't tell me you have such good looking friends)
"Yeah.. she got that thing where she always wanted to keep us on herself." Iyong tinawag niyang Frankenstein kanina ang sumagot
Mukhang hindi inasahan niyong Michael na nakakaintindi pala ng Italian ang isa sa mga ito, kaya hindi na rin siya magtataka kung nakakaintindi man ang iba pa sa mga kasama nito.
"Well, nice to meet everyone, but I still have work to do," muli itong humarap sa dalaga "Do you still remember what I told you about that one model the company had been badly wanting to get in touch with lately?" tumango ang dalaga
"And guess what?.. She'll be here any moment from now!"
Nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig "No way!"
"Uh-huh." tumango pa ito "So get ready now, and let's impress her!"
Pagkaalis nito ay nahawa na yata rito ang dalaga kaya malaki rin ang ngiti nito nang harapin ang mga kaibigan "I'm gonna be working with a famous model, can you believe??"
"Yeah, we heard. So what's the name?" si Frankenstein ang sumagot
"Don't forget to introduce me after. I'd like to bliss her with my existence." Sabat niyong Dash
"Successful women tend to be older. I, on the other hand, will be okay being introduced to them." Binalingan ng dalaga ang tinitingnan nito at nakita ang limang kapwa nitong modelo na nag-uusap malapit sa kanila
"No piggy, they are my friends." Sagot ng dalaga rito
Pagkatapos ay agad din itong nagpaalam para makapag-ayos na ng sarili, at mukhang gayon na rin ang ginagawa ng mga kasama niya.
"Women." Bigla ay nasabi niyong Frankenstein at prenting sumandal sa sofa. Inabot nito ang isang magazine sa gilid at nagtingin doon bago napasipol "Beautiful."
Ang dalawa naman sa kanila ay nakatuon ang atensyon sa mga nag-aayos na mga babae at kung paano mataranta ang mga ito. Sa isip niyong Dash ay ganon na ba ka big-time ang paparating na bisita para mataranta sila?
Samantala, ang kasama naman nila na may kulay asul at magulong buhok. Para itong may sariling mundo sa gilid at nakahawak lang sa kanyang cellphone. Nakatingin sa screen nito kung saan naroon ang litrato ng isang nakangiting babae..
Naagaw lang ang atensyon ng lahat nang bumukas ang pinto. Halos ang lahat ay nakatuon doon ang tingin at hinihintay ang pagpasok ng dumating
"Pffftt" Mabuti na lang ay napigilan niyong isang kasama nila na may singkit na mata at itim na buhok, na tinawag naman kaninang Crey ng dalaga, na matawa nang pumasok doon ang isang mukhang may edad nang babae "Don't worry, Dash my boy. Ako na ang bahalang magpakilala sayo mamaya." Agad na panunukso niya rito nang tumama siya sa sinabi kanina
Habang nakabusangot ang kaibigan ay panay naman ang pigil nito sa pagtawa "Iba rin ang taste mo e." Iling pa nito habang doon pa rin ang tingin sa pumasok
Ngunit agad na napawi ito nang tumigil ang may edad na babaeng pumasok at lumingon sa pinanggalingang pinto. May nakasunod pala rito na isa pang babae.
Tuluyan na itong napatulala nang tuluyan na itong pumasok. Ang kanyang mata, ilong, labi, at maging ang kanyang buhok... lahat, maganda. Sinalubong ito ng kausap ng kaibigan nilang babae kanina kasama ang dalawa ring babae. Napapangiti ito habang kinakausap kaya lalo niya gustong titigan pa ito at habang ginagawa iyon ay lalo niyang napapagtatanto na wala siyang ni ano mang maipipintas dito.
"An angel had fallen," Napalingon siya sa katabing si Dash "I think I'm in love."Napahawak pa ito sa kanyang bandang puso
Sunod niyang binalingan iyong Frankenstein at gaya ng inaasahan niya ay titig na titig din ito rito, ang hindi niya lang inasahan ay ang makitang ganoon din ang lagay ng isa pa nilang kasama na pakiwari mo ay hindi dahil sa dalang nitong magsalita
"Let me guess, in love ka rin?"
Sandali lang siyang tinapunan nito ng tingin at pagkatapos ay binalik rin doon sa babae.
"Mukha nga." Sabat ni Dash at tiningnang mabuti ang kaibigan. Alam niyang alam nitong nakatingin na ang mga ito sa kanya pero patuloy lang siyang nakatingin pa rin doon.
"Type mo 'no?" May panunukso sa boses nung Crey nang sabihin iyon.
Ilang sandali ay iniwas din sa wakas ng lalaki ang kanyang tingin doon at napatingin muli sa hawak na cellphone na siya naman niyang mabilis na pinatay.
Umubo ito bago sinagot ang kaibigan "She's not my type." Na siya namang kinagulat ng mga ito
"Wow, hindi mo pa type sa lagay na 'yon?" Sarkastikong sagot niyong Dash
"Tell it to a wall, dork." Sabat ni Frankenstein
"Bakit?" Iyong crey lang yata ang matinong nagtanong
Nagkibit balikat ang lalaki bago muling binaling ang tingin doon sa babae "That girl.. looks like trouble."