"No, my decision is final! This is for your own good, Mija, believe me!"
Iyan ang huling linyang binitiwan ni Papa bago niya ako tuluyang ipatapon pabalik ng Pilipinas. yeah right. as if I don't know that it was just a smooth way to get rid of me. ngayon, heto ako at ipagsisiksikan na naman ang sarili sa pamilya ng iba. I mean.. they are still a family to me, but once upon a time, we once had our own family... when we were the happiest.
Noong gabing yon bago ako umalis ay dinalaw na naman ako ng bangungot na yon. Actually palagi naman, swertehan lang talaga pag hindi. Pare-pareho lang naman ang nangyayari ron pero paulit-ulit pa rin akong umiiyak sa t'wing nagigising ako.
***
"Let's play more, mommy. Let's play more!"
"But moonpie, mommy's really tired na because you're such a fast runner, oh aren't you? We'll play tomorrow, okay? I promise."
"No, mommy! I wanna play now, let's play now!"
"Tiara.."
"Please, Mommy, please?"
*Sighed* "Okay. But after this we'll rest na, okay? Mommy's really tired."
"YEYY!!"
...
"Tiara, Tiara.."
"Mommy, what's wrong? Are you okay?"
"Tiara, call your daddy... Call your daddy, Tiara."
"Mommy?... Mommy... Mommy, what's wrong with you?.. Mommy!.."
"Tawagin mo ang daddy, baby... please.."
Runs outside the room and started calling for her daddy on top of the stairs. "Daddy! Daddy! *Sobs* Mommy needs help! Da-ddy, something's room with mommy, daddy!" *Crying*
The little girl's voice echoed onto the whole living room. Her trembling voice and loud sobs are fighting the noise coming from the storm outside the house where lightning strikes and heavy rain poured. The weather somehow is giving sympathy to her.
"Baby? .. baby, what's wrong? Where's your mommy?"
The man ran towards the little girl who now has her whole face covered with tears. The girl only answered in sobs followed with hiccups so the man instantly knew something's not right. He entered the room where the girl came out from, only to see her wife gasping for air to breath.
"Elisa! Darling... Darling I'm here, I'm here. What's wrong? Can't you breathe? Hold on, please, okay? I'll take you to the hospital."
He's about to carry her but she held his hand like she's stoping him. Tears began pouring onto his eyes. "Why? Do you only need you inhaler?" He turned to their kid who's just watching them from the door, hardly sobbing still
"Tiara, Mija, go get your mommy's i-inhaler, now. Go g-get it now!"
The caressing hand of his wife wasn't helping to ease the tension he's feeling. His whole body is trembling, it's like the beating of his heart doesn't synchronized anymore seeing his beloved wife like this. Upon turning again to their child who hasn't moved an inched made him raised his voice unconsciously.
"Tiara, I said go get your mother's inhaler... Please!"
But once again, the kid only responded through her loud crying. Seeing that he could only count on himself, he stood up there and ran as fast as he could to get the inhaler. It didn't took a minute when he returned to the room where his wife and child is at. He was catching the clock when he handed the inhaler to his wife and insisted her to breathe through it, which she did but it seems that its not working..
"Darling, breath for us please.." he begged his wife
The inhaler is still new so he couldn't get why it's not working "Fck! Damn it! Darling, please... I'm begging you, try it again."
As time is being consumed here, the chances for his wife began to lower. Her breathing becomes heavier and heavier and she began to lose her color... she's turning yellow.
"It's okay.. I'll be okay. Thank you.." despite losing every bit of strength she has in her body, she still managed to raised her hand to reach for her husband's face. She placed her palm onto his face and gently caressed it like she used to "I.. love you." She's already having a really hard time speaking
"Spare your energy. Rest for us please.. live for us, Elisa.."
A sad smile formed on her lips as she gently shook her head "I'm sorry." What she said crashed her husband's whole being. It's like a sharp item that burned inside his chest. It tore his heart into pieces and he could only wish this is all just a dream.. a really really terrible one.
"Moonpie?..'' she called for her child who's been standing there since.
The little girl heard her mother's call so she began walking towards them. Crying miserably like her father.
"Mommy.." she reached out for the kid to hug her. Only when she's hugging her child when the tears that's been desperately wanting to pour onto her eyes streamed down her cheeks as her shoulders began moving up and down, showing that she's crying and is deeply hurt.
"I love you, Tiara... You are everything to me.. live happily for me, *sobs* please.. moonpie.."
The child looked at her mother like she fully understands what's going on "Mommy.. are you going to become one of the starts?" The little girl cried
"Y-yes.. yes, baby. The one that is only meant to-" she scoffed "To look after you and daddy."
The husband knelt on his knees and reached out for his wife's hand. They look at each other's eyes with so much love for each other. It didn't take a while for his wife to finally close her eyes and it's where the last drop of the tears in her eyes streamed down her now half opened mouth like she wanted for few more air to breathe but her time has already come to an end.
"ELISAA!" the husband called for his wife's name but this time no one answered.
The child cried like she never did before. She mourned for her mother, calling for her name. The room was filled with her and her father's crying, as they are still holding the woman's hands even if the body is now lifeless. It's the most heart breaking scene someone could ever bumped into. They cried miserably until it's only the husband that's crying for losing his wife. He continued crying without knowing that his child beside him... is already starring blankly at them.
****
Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan na pagmamay-ari ng kapatid ni Papa na si Tita Elena at ang asawa nito na si tito Sergio. Nang huminto itong sasakyan sa harap ko kanina habang nakatayo sa tapat ng airline ay sumakay na ako agad. lalo na nang makilala ko ang nagmamaneho nitong si kuya Ismael. Malaki na ang pinagbago niya. Perhaps he's just the same age as mine when I last saw him, gayunpaman ay nakilala ko pa rin agad siya.
Halos buong byahe ay tahimik lang ako. Habang papalapit kami sa aming pupuntahan ay lalo namang bumibilis ang pagkabog ng puso ko. Parang naiexcite ako at kinakabahan at the same time.
Napapansin ko ang pasulyap- sulyap sakin ni kuya mula sa salamin ngunit pinili kong hindi pansinin ito. I knew kuya Ismael even when I was little, but it has already been five long years and things have changed since then.
Nang makapasok kami ng villa ay tuluyan na akong napatulala habang nakatanaw sa labas ng bintana. parang unti-unting bumabalik sa akin ang mga alaalang mayroon ako sa lugar na ito noong maliit pa ako. parang kailan lang..
Nadaanan namin ang malawak na basketball court at sa gilid nito ay isang munting playground kung saan madalas na tambayan namin noon ng pinsan kong si Serena. May mga kaunting nagbago at naiba ngunit ganong-ganon pa rin ito sa pagkakatanda ko. Naroon pa rin ang luma nitong istilo.
Ilang sandali pa ay napadaan din kami sa dati naming bahay. Malalalim ang paghinga ko habang dahan dahang umaandar ang sasakyan na para bang sinasadya ni kuya Ismael na bagalan ang pagmamaneho sa gayon ay masilayan kong muli ang dati naming tahanan. Habang pinagmamasdan ito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kurot sa puso ko.
"Alam nyo po ma'am, hindi parin po naibebenta iyang mansion nyo."
Nabasag ng mga salitang 'yon ang sana ay malalim kong pag-iisip. Ngayon ay tuluyan nang naagaw ng lalaking nasa unahan ko ang buo kong atensyon.
"Ilang milyon na po ang na offer dyan pero ayaw po talaga ng tito nyo e. ang sabi po ay sa inyo raw po yan at uuwi pa raw po kayo rito kasama ang Papa niyo."
Kaswal niyang sinabi ang mga ito na hindi napapansin ang pagkabigla ko.
"Kuya, nakalimutan niyo na ba? Naibenta na ni Papa ang bahay namin." Wala sa sarili akong natawa
Pero pagtataka lang ang nakikita ko sa mukha niya kaya mas ramdam ko ang malalim na pagkunot ng noo ko. "Imposible, kuya. I was there when they signed the contract. " Ilang beses pa akong umiling kahit wala pa naman siyang sinasabi.
"Pero.. talagang iyon po ang alam namin dito. Na sa inyo pa rin po ang bahay na yan." Pahina nang pahina ang pagsasalita ni kuya. Nanlulumo akong tiningnan siya kahit nakatalikod naman siya sakin
Kung totoo man ito ay isa ako sa mga unang taong makakaalam, diba? limang taon akong naniwala, tapos ngayon.. malalaman kong hindi totoo?
"But I was there.. n-nakita ko.. he sighed the contract." Mahinang saad ko, malapit nang mawala sa sarili
Naalala ko pa ang araw na 'yon. Nasa taas ako ng bahay nang makitang may mga kausap si Papa sa sala at alam na alam ko noon kung anong pakay nila. Iyak ako nang iyak dahil halatang nagkakasundo sila.
"Po? A-ah.. eh.. ang alam ko talaga hindi pa rin naibebenta. Sa totoo nga po nyan ma'am Tiara, walang araw na hindi nagpapadala rito ng mga katulong ang tito niyo para linisin iyang bahay, tsaka wala pa pong ibang naninirahan dyan, ma'am. Nakakapagtaka naman po na hindi niyo alam?"
Shocked. Out of words. That's exactly what I'm feeling right now after hearing those words. Sa pinapakitang pagkasiguro ni kuya Ismael ay lalong lumalakas ang kutob kong totoo ang mga sinabi niya.
Muli kong tiningnan ang bahay at wala nga akong makitang ibang tao roon na mukhang naninirahan liban nalang sa mga nakikita kong mga security mula rito. Malaki ito, sobra. Agad itong mapapansin dahil ito lang ang naiiba sa lahat ng mga bahay dito sa villa. Mayroon itong desinyo na parang palasyo, may mga nagtataasang puno rin sa paligid nito at malawak na field. Malinis pa rin ito kung tingnan bagama't napapalibutan ng samu't saring halaman.
Tumingin ako sa taas para pigilan ang luhang bumabadya sa mga mata ko. Kung meron pa akong isang bagay na nararamdaman sa mga oras na ito ay 'yong pakiramdam na parang pinagkaisahan akong lihiman ng lahat. Kung totoo man, ibig sabihin maging sina tito at tita, even my cousin Serena hid it from me.
"Balita ko po noon ay hindi raw po tinuloy ng Papa niyo ang pagbenta. hindi ko po alam kung bakit, basta ayon po ang narinig ko. kaya nga po nagtaka ako kung bakit ang tagal bago kayo bumalik. Maglilimang taon din po kayo sa Italy ma'am, ano?"
"Opo. kuya, sino- sino po ang namamahala sa bahay noong wala kami?" I need to ask. Nakabalik ba sina Yaya? Sila ba ang mga tao sa bahay?
"Ma'am mga security guards lang po na nagpapatrolya sa buong bahay niyo ang mga pwedeng pumasok sa loob. Bukod sa mga katulong na araw-araw ay pinapadala ng tito niyo para linisin ang buong bahay ay wala na pong ibang nakakapasok dito."
"Ganon po ba?" Hindi ko maiwasang madismaya. Ang tanda ko noon ay nawalan silang lahat ng trabaho nang umalis kami ng bansa, at gustuhin ko man noon na isama sila ay masyado pa akong bata noon
Huminga ako nang malalim at pilit na pinapakalma ang isip ko. Ayokong mag isip ng kung ano, at ayoko nitong pakiramdam na may namumuong inis sa dibdib ko. I know they have answers, but hopefully it will all make sense when I ask.
Nakakatawang isipin na ang tanging rason ko kung bakit hindi ko naisipang bumalik ay bukod sa ayaw kong sawayin si Papa, ang buong akala ko ay wala na akong babalikan pa.
Sandaling katahimikan lang nang muling magsalita na naman si kuya. "Kumusta na po pala kayo ma'am? Noong huli kong kita sa inyo ilang taon pa lang kayo n'on."
"Ayos naman kuya, kayo ho?" Sa simpleng tugon kong 'yon ay nakita ko ang bahagyang pag ningning ng mga mata niya.
"Aba'y ako po at tiyak ang halos lahat sa bahay ay matutuwa kapag makita na kayo, ma'am Tiara!" Masiglang wika niya
"Tiara nalang po ang itawag niyo sakin, kuya Ismael."
"Walang problema ma'am-este Tiara! Nakakatuwa naman po, kilala niyo pa po pala ako."
"Kung 'yong masasakit na alaala nga kuya hindi ko makalimu-kalimutan, kayo pa kayang mga totoong nagmamalasakit sa'min noon?" Sensero kong sabi.
"... Nagmamalasakit pa rin kami sa Inyo hanggang ngayon, Tiara."
I thanked him through my smile. Sa kabilang banda, mabuti na ring nandito muna ako. Alam kong marami pa akong kailangang malaman at maranasan sa buhay. Italy is such an amazing place, tinuturing ko na itong pangalawang bayan ko. but I've always had this strange feeling that life is meant to happen here. Na sa Pilipinas lang ako makakaramdam ng ibat ibang bagay na bago at hindi pamilyar sakin, ngunit sa huli ay pipiliin ko paring gawin.
Ilang sandali pa ng byahe ay malapit na kaming makarating sa wakas. Sa bahay ng tita at tito ko kung saan ako mamamalagi habang naandito ako. May kalayuan ito sa bahay namin na nasa unahan lang nitong villa, habang ang ito naman ay may banda malapit sa dulo kaya may kalayuan.
Desidido akong itanong ang tungkol sa bahay mamaya. Alam kong maaaring masaktan ako sa maririnig na paliwanag mula sa kanila pero kilala ko sila kaya alam kong hindi maaaring wala silang mabuting dahilan.
"Nandito na tayo." Anunsyo ni kuya nang nasa tapat na kami ng bahay. May dalawang katulong ang nagtulong para pagbuksan ang malaking gate sa harap na para bang kanina pa sila naghihintay doon. Nang maipark sa garahe ang sasakyan ay hindi na ako nag antay na pagbuksan ng pinto at ako na ang gumawa nito para sa sarili ko.
"Pasok ka na sa loob, tiyak na hinihintay ka na nila roon. Ako na ang bahala rito."
"Salamat po, kuya."
Pagkapasok ko sa loob ay agad na bumungad sa'kin ang isang malawak na sala na may mataas na kesame. Ang desinyo ng bahay na ito ay may pagka moderno. Napakaganda. Nang nasa loob na ako ng bahay ay hindi ko maiwasang manibago. Talaga nga'ng nakabalik na ako.
Pagpasok ko ay naabutan ko agad ang pinsan kong si Serena na nakaupo sa mahabang sofa. Napatayo siya nang makita ako, tsaka mabilis na lumapit sakin para salubungin ako ng mahigpit na yakap.
"OH MY GOD, Mom! Dad! T is here!!"
Tawag nito sa mga magulang na agad namang nagsilabasan mula sa kusina kasama ang iilang mga kasambahay.
"I fucking missed you so much, T! Can't believe you're finally back!"
Napairap nalang ako sa pagiging matabil ng dila niya habang yakap- yakap ako.
"You know I don't like it when you curse, Ena." Saway ko.
"Oh, please. Pagbigyan mo na'ko. Masaya lang talaga ako dahil nandito ka na, finally!" She giggled.
"Tiara, hija, welcome home!" Si tita na maluha-luhang lumapit sakin sabay yakap
Sinalubong ko naman ito.
"Ako rin po, tita. I'm happy to be back after five long years.." my voice almost cracked while saying those words
Habang yakap si tita ay napabaling ako ng tingin sa kasama nitong lumabas mula sa kusina kanina na si tito Sergio.
"We've missed you, hija. We're glad you're back." Ngiti nito
"Ako rin po tito, masaya. Sobra." I said, teary eyed
Parang may kung anong puwang na agad na napunan sa puso ko. Being with them makes me feel at ease. I felt safe.. and home.
Pakiramdam ko, kahit ano pa mang rason nila kung bakit nila nilihim sakin ang tungkol sa bahay ay matatanggap ko. Because I don't think these people could ever intentionally do something that would hurt me in any way.
***
"Naku hija! kung alam mo lang kung ilang beses kong pinagdasal 'to! Na sana ay dito ka na lang ulit.. at ngayong nandito ka na, tiyak na susunod din agad ang Papa mo rito panigurado!" Buong galak na wika ni tita
Kasalukuyan kami ngayong naghahapunan sa mahabang mesa sa loob ng malawak nilang kusina. Talagang naghanda pa sila ng mga pagkain para sa pagdating ko. Ang hindi ko maintindihan ngayon ay kung asan dito ang sinasabi ni tita na kaunti lang daw ang mga naihanda niya dahil- I'm not even kidding, this almost looks like a fiest!
Napansin ko pang halos lahat sa mga nakahain dito ay mga paborito ko. Argg! Kung alam ko lang, edi sana hindi na ako kumain nung nasa eroplano pa ako para mas marami akong makakain ngayon. Tita Ellena is a magician chef, because she can make an ordinary dish extraordinary and so out of this world!
"Sarap ng adobo, Tita. grabe!" Nasabi ko, sarap na sarap sa nilutong adobo ni tita
"Haynako T, trust me. Magsasawa ka rin diyan dahil araw-araw mo nang kakainin ngayon 'yan. At baka pag nangyari yon, hindi ka na nakangiti habang sinasabi ang salitang 'GRABE!" Magkalapit lang ang upuan ni tita at ng pinsan ko kaya madali siya nitong nakurot sa tagiliran.
"Mom!" Reklamo nito.
Bahagyang natawa si tito sa kakulitan ng kanyang mag-ina, habang ako naman ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi.
"Don't listen to Serena, hija. Alam mo naman ang isang yan, masyadong maarte sa pagkain pero alam kong ikaw ay hindi kaya kumain ka pa. Sige lang, wala sa Italy n'yan." Pagmamalaki ni tita. Nakangiti akong tumango.
"Hindi rin, mommy. Have you forgotten? Puro filipino ang mga maids nila, of course pinagluluto nila si T ng mga filipino foods!"
Sa sinabi ng anak ay napangiwi si tita. "Alam mong iba ang luto ko, Serena."
Patuloy lang ako sa pagkain kahit na napapansin kong tila pinapanood nila ang bawat maging galaw ko. Makikita rin sa itsura ni tita Elena ang tuwa sa t'wing kukuha ako ng panibagong pagkain.
"Nga pala hija, paano mo pala napapayag ang Papa mo na dito ka mag-aral?" kalaunan ay naitanong ni Tito.
Nga pala, hindi nila alam ang mga nangyari at ibinalita nalang bigla sa kanila na uuwi ako. Biglaan naman kasi at maging ako ay nabibilisan sa mga nangyari. Habang kumakain ay nagtatanong sila sakin pero hindi iyong sunod- sunod. Siguro ay nag iingat sila o ano. Wala lang naman sakin ang mga tinatanong nila kaya ginagawa ko ang lahat para masagot ang mga ito nang maayos.
"Actually tito, siya po ang may gusto na rito na muna ako." Iyon nalang na isinagot ko.
I know karapatan nilang malaman ang lahat ng nangyari pero ano'ng magagawa ko kung maging ako man ay naguguluhan din, di'ba?
Tho may kutob akong tungkol sa negosyo kung bakit kinailangan kong umalis. My father has a lot of rivalries, lalo na't he's on top of his game. He always has his own way to put up his legacy, at dahil don marami siyang nagiging kompetensya.
Nakita kong nabigla sila maliban kay Serena na mukhang may sarili nitong mundo sa gilid. Naikwento ko na sa kanya ang tungkol dito at siguro ay halos lahat ng nangyayari sa buhay ko ay naikukwento ko sa kanya. Agad din naman silang nakabawi sa pagkakabigla pero nandon pa rin ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Nga naman, dati-rati ay ayaw na talagang bumalik dito ni Papa na kulang na lang ay isumpa niya ang lugar na'to pero ngayon ay siya pa mismo ang may gustong dito na muna ako.
I say my father is the most intelligent person I know yet also the most difficult one. Every time our business is going through crisis, he always comes up with solutions. Like, kahit gaano pa kalaki ang problema, ni minsan hindi ko siya nakitang mataranta. It's as if wala pa mang problema e may sulosyon na agad siya. He's that great pero ang sabi sakin ni tita noon na dati na namang ganon si Papa, dahil namana niya raw ito kay Lolo. Iyong typical na acting cold at suplado sa mga nakapaligid sa kanila, I guess mas lumala nga lang nang mawala si Mama. The only woman whom he showed his weak side. They were soulmates..
She was his first and last love after all. Masyado siyang nadurog noong unti-unting nawawala samin si Mama. I know I was heartbroken then, but she was my Papa's other half and when she died, his other half was also buried along with my mother.
And I can't help but blame myself for everything that had happened. It was my fault, really... I was the one who destroyed our family.
It was very traumatizing and tragic. Kaya ako I'd prefer being single forever, kesa sa may partner nga ako pero nagiging pabigat naman ako sa nararamdaman niya. Kung sakali man ay gugustuhin kong kalimutan niya ako nang tuluyan kesa maging isa akong mapait na alaala na parang isang patalim na araw-araw tutusok sa kanya.
Patuloy lang kami sa pag-uusap. Nagtatanong sila at sumasagot naman ako, and vice versa.
"Alam mo, hija, kung hindi ka lang iba kung kumilos aakalain ko talagang ikaw ang mama mo. You've grown into a beautiful young woman like your mother."
Ramdam kong natigilan si tita sa sinabi. Maging ang paglingon sakin ni Ena at tito ay ramdam ko.
"Hija, I didn't mean to-"
"It's okay, tita. Marami na rin pong nakapagsabi sakin na lalo ko nang nagiging kamukha si mama."
I know as much as possible ayaw nilang nababanggit si mama dahil sa trauma ko sa mga nangyari noon. I love my mother, so much. But talking about her just makes me remember the pain we endure in the past.
Kinuha ko ang kutsara ko at sumobo pa ng pagkain. My trembling hands were also not so helpful to ease the awkwardness in the table. Argg.
"Ah ha-ha. Alam mo ma kung ano pa ang kamukha ni T? 'yong doll! si Ken!"
"Tsk. Do I look like a boy to you, Ena?"
"Kinda. Lagyan lang ng kaunting mustache and extra thick eyebrows, pwede na kitang maging uncle."
Parepareho kaming natawa sa sinabi ni Ena. I know it's her little way of getting rid of the awkwardness in the table. She's like a pro in that.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na akong magpapahinga sa kwarto. May sarili akong kwarto rito kahit noong mga bata pa lang kami, ganon din naman si Serena sa amin. Nang makapasok sa loob ay nilibot ko agad ang paningin sa kabuuan ng silid. Kung dati ay punong-puno ito ng buhay dahil sa makulay nitong pintura, ngayon ay magaan sa pakiramdam ang kulay nito dahil sa may pagka off white nitong dingding na katulad ng kwarto ko sa Italy, at talagang hindi nagkakalayo ang mga ito. Napangiti ako nang maisip na maaaring si Serena ang may ideya nito.
Naligo lang ako nang mabilis pagkatapos ay naghanda na upang magpahinga. Tiyak akong tuloy-tuloy ang magiging tulog ko nito hanggang umaga dahil sa pagod ko sa byahe at total ay mag- aalas syete na rin naman ng gabi.
Bukas na bukas din ay mag eenroll na'ko at mamimili ng mga gamit sa eskwelahan dahil sa susunod na linggo na ang pasukan. Naisip ko na roon nalang ako papasok sa school ni Ena para kahit papaano ay may kakilala naman ako sa papasukan ko.
At sana sa pagpasok ko sa panibagong yugto nitong buhay ko... sana mabawi ko na ang mga taong maaaring mas naging masaya pa ako.