Chapter 2

KINAUMAGAHAN ay nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Kagabi pa lang ay naisip ko nang hindi nila ako gigisingin nang maaga dahil alam nilang kailangan ko ng pahinga at tama nga ako, pero kailangang makapag enroll na ako ngayon dahil huling araw na lang ng enrollment sa eskwelahan na papasukan ko. Siguro ay bukas ko nalang susulitin ang pagpapahinga ko.

Masigla kong hinati ang dalawang malaking kurtina sa bintana nitong kwarto ko at nakangiting pinagmasdan ang labas. I feel so alive. Ang sarap sa  pakiramdam na makatulong nang ganon kahaba pero hindi binababangungot ng kung ano.

Maaga pa naman kaya inayos ko na muna ang mga gamit ko sa cabinet. Kaunti lang ito kaya natapos ko rin agad. Siguro ay mamimili nalang ako ng mga bagong damit sa mga susunod na araw. Matapos iyon ay naligo na ako at nagbihis ng isang simpleng white na blouse at brown namang skirt na hindi lagpas tuhod ang haba, tsaka penares ito sa isang puting sapatos. Naglagay lang ako ng ilang accessories gaya ng hikaw at kwentas pagkatapos ay hinayaan lang naka lugay ang buhok ko.

Tiningnan ko ang repleksyon sa malaking salamin na nasa aking harapan at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Black, long and wavy hair, fair skin tone, plump lips, almond eyes, small nose, long lashes..

Napatingin na rin ako sa katawan ko

Some may say that I'm too tall for my age, I'm even taller than Serena even if she's on the runway while I enjoy posing in magazines, but really, it's my height that gets the least compliments. It's my face that gets the most praised for as long as I can remember.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay bumaba na ako. Pagkalabas ko ay may ilang mga bumati saking mga kasambahay na naglilinis dito sa second floor, at dahil nga malaki ang bahay na 'to ay mahaba-habang hallway din ang nilakad ko bago ko narating ang hagdan.

"Good morning, miss Tiara."

"Good morning po, ma'am."

"Ma'am Tiara, good morning po."

"Good morning." Bati ko rin sa mga kasambahay na bumati sa'kin pagkababa ko. Nandito sila sa sala at naglilinis. Agad na akong dumiretso sa kusina para hindi na makaabala pa masyado sa kanila.

Mabuti naman at naabutan ko rito ang hinahanap ko. "Ena, si tita?"

Lumapit ako sa pinsan kong mag isang kumakain sa kusina. She looks like she wasn't expecting to see me this early.

"Umalis lang sandali. You're up early, nagutom ka ba?" Aniya. Naupo ako sa katabing inuupuan niya.

"No, but I have some errands to do so.." kumuha ako ng isang toasted bread na nakahain at kumagat dito hanggang sa maubos ko ito. Sunod ay uminom ako sa smoothie na sa hula ko ay siya mismo ang gumawa. Halos makalahati ko ito.

"Oh okay, so I'll just have to pretend that I'm not seeing how you're eating all the food that I cooked for myself because you just came here yesterday." She said sarcastically as I bit on the last piece of bread left on her plate

"Chill." I laughed "I was just trying if they're good, and you know they are good when I continue eating them so you better stop fussing, but just be greatful instead." I said, right after taking a taste of the pancake

"Thats called gaslightning at its finest, T." She rolled her eyes. "Pwede naman kitang ipagluto, what do you want for breakfast?"

"Thanks, but I'm already full. Samahan mo nalang ako."

Dahil sa sinabi ko ay biglang umaliwalas ang mukha niya. Parang napansin ko pa ngang nagningning bigla ang mga mata niya sa narinig.

"Ha? Saan?" Excitements filled her eyes

"Sa School niyo, mag eenroll ako." I muttered

***

On our way to their school, si Ena ang nagmaneho. She's a year older than me but we're on the same year in college which is first year ngayon. Nag-uusap lang kami at talagang walang dull moment pag siya ang kasama ko.

She's very open and talkative pero ngayon ay panay ang ex- best friend lang niya ang nababanggit niya. Good thing I heard na mag aabroad daw ito this school year kaya walang gyera na magaganap.

"She's such a bitch, T. Akala naman niya kung sino siyang maganda! Nakalimutan niya ata kung paano siyang nagmukhang sidekick ko noon every time magkasama kami? It's like she's blurr whenever we're together because people only noticed me."

She's referring to her ex-bestfriend, Austria Lim. Now they're like arch nemesis na hindi pwedeng hindi magkagulo kapag nagsama sa iisang lugar.

"I really can't believe I used to be friends with a bitch face like her! Ugh! Kapag naalala ko, lalo ko lang narerealise na sobrang inggit niya talaga sakin."

Noon ako lang talaga ang nakakasundo ni Serena dahil sa katarayan ng ugali niya pero mula nang umalis kami ay naikwento nalang niya bigla na may naging kaibigan na siya, which is si Austria nga. I never met her in person, but I know how she looks like dahil lagi niya itong naikukwento sakin noong bumibisita siya sakin sa Italy at minsan pa through video calls.

Speaking of, parang ni minsan hindi pa niya nasasabi sakin kung bakit sila nagkaaway, or nasabi na niya pero nakalimutan ko lang. Nonetheless  based on the stories that she told me before, I say they used to be insiperable.

"Bakit nga ba kayo ulit nag away?"

She looked at me in disbelief before turning her gaze again back into the highway

"Have you forgotten? Unbelievable." She murmured the last one"I've already told you a couple of times why, tapos.. tapos.." Halos hindi siya makapaniwala.

"Duh, what do you expect from video calls? Hindi ko alam kung saang bundok ka napapadpad kapag nagkakausap tayo pero lagi kang walang signal, o kaya ay chapi naman ang line mo sa tawag."

"Tsk. Ang sabihin mo busy ka lang don sa manliligaw mong prinsepe kaya parang lagi kang nakalutang pag nag c-call tayo. Sus! Teka, kumusta na pala 'yon, sinagot mo ba?''

"What? No, of course not! Ni hindi ko nga pinayagang manligaw 'yon, nagkusa lang, tsk. And FYI, he's not a prince. Malayong kamag anak lang ng royal family kaya hindi siya isang prinsipe."

"Grabe ka, T! Dahil lang hindi prinsipe, binasted mo? OA namang standards yan!"

"Oh shut up, Ena. That's beside my point. Even if he was a prince kung ganon naman siya ka prisko and super entitled pa, hindi ko pa rin siya magugustuhan." I said

"Sabagay, red flag nga naman yon." She nodded twice

"Tsk. E 'yong tinatanong ko?"

"Ay! Oo nga, nagpapakwento ka nga pala, nakalimutan ko."

"Tsk."

"Ganito kasi 'yon, T. Diba magkaibigan kami?"

"Best friends." Pag korekta ko.

"Ah basta magkaibigan kami mula grade six hanggang junior high school. Sa totoo lang tinitiis ko lang talaga 'yong sama ng ugali niya e. Kababaeng tao, napaka bully! pero dahil kaibigan ko siya, NOON, hindi ko siya kinontra. Hanggang sa nang mag senior na kami, mas lalo lang sumama ang ugali niya! Naalala ko pa ilang beses akong nagpigil na hindi siya masabunutan sa t'wing may pinapahiya siya sa harap ko pa talaga mismo dahil lang sa hindi niya ito gusto."

"Why did she become like that? Natanong mo ba siya?"

"At bakit ko itatanong 'yon? May posibleng dahilan ba ang pagiging masamang tao?"

"Of course! How do you think villains are made? tsk."

Mukhang nangalap pa siya ng sasabihin "Ah basta. Isang araw bigla nalang siyang nanlamig sakin, like hindi niya talaga ako pinapansin. Nabalitaan ko nalang ang rumor na pinagkalat niya at sobrang sama ng ginawa niyang 'yon . Pinagkalat niya ang mga bagay na supposed to be sa aming dalawa lang! UGH!! Ang sama-sama ko ron sa mga kwento niya when in fact siya ang kasama ko sa mga 'yon!"

"What kind of things are you talking about??" Nag ningkit ang mata ko. May ideya ako kung ano pero hindi pa ako sigurado

"You know.. when we do pranks on other people? ang sinabi lang niya iyong mga gawa ko pero 'yong kanya hindi. Napaka play safe!"

"Ohh." Usal ko "Ang sama nga 'non. Knowing you, napaka extreme mo pa namang mang pranks." Napailing ako. Kung sakin nangyari ang pagtatraydor na 'yon, baka ma home schooled siya bigla dahil ingungudngud ko talaga ang mukha niya sa simento

"Yeah, she did me so dirty. At alam mo ba kung anong dahilan niya?"

"..."

"When I confronted her about it dahil noong una hindi pa'ko makapaniwala kasi nga diba, we're friends? pero hindi man lang siya nag abalang mag deny! Sinabihan pa ako na malandi dahil pasekreto ko raw nilalandi ang crush niya! Fucking loser, isaksak niya sa baga niya!" She looked irritated

"Hindi ba naging sila rin non pagkatapos?"

Tumango siya at umirap. "Exactly! Inaway pa'ko, magiging sila rin naman pala! Ni hindi ko nga pinapansin 'yon noon kahit masyadong papansin, pero mabuti na lang at nag break din sila. Naku! malay ko bang crush niya pala 'yon? kung alam ko 'di sana iniwasan ko diba?!!"

"Because you cared for her."

"Ha! Cared- may E. D dahil past tense. Dati 'yon, T!" She defensively said

"Ano bang sinabi ko? Hindi ba 'yon din?" Tawa ko

"Pwede ba, T? Wag mo na ngang ipilit na may pakialam pa ako sa babaeng 'yon. I dispice her! Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko ang kapangitan niya."

"Oh, Ena. We both know that's not true. Maganda si Austria."

"Teka sino ba talaga ang pinsan mo sa'min? Hindi ba ako? Kaya dapat ako ang kinakampihan mo! Narinig mo na nga ang ginawa no'n sakin, diba?"

"I know, I'm sorry. Hindi ko rin naman gusto yong ginawa niya sayo pero kasi.. sa t'wing binabanggit mo siya, kahit pa galit ka, pakiramdam ko nagagalit ka lang kasi hindi na kayo 'gaya ng dati."

Ilang sandali pa siyang natahimik. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa hanggang mamaya pero,

"Galing mo namang mag conclude ng mga teyorya mo, coz. Maging writer ka nalang kaya?"

"Whatever."

***

Pagkarating namin ay nag park lang kami ng sasakyan at pumasok na sa loob. Dala ko ang mga documents ko para sa enrollments. Bago tuluyang bumaba ay nagsalamin muna ako. Nang makitang hindi naman nagulo ang buhok ko ay bumaba na rin ako kasunod niya.

Binati kami ng mga guards pagpasok namin at- huh, kilala nila si Ena. Nang nasa loob na kami ng campus ay napapansin kong marami-rami rin ang tao ngayon dito ngayon. Expected ko na rin naman 'to dahil nga last day of enrollment ngayon, ang hindi ko lang inexpect ay 'yong mga patingin- tingin nila sa namin na para bang mayroong controversy samin na hindi namin alam.

And you're probably wondering kung ano ang itsura nitong School. It's a bit huge actually, mas malaki pa 'to sa inaasahan ko.

Sa tantya ko ay aabot hanggang sa limang palapag ang building, Isang napakalaking building sa gitna at sa magkabilang gilid naman nito ay may dalawa pang gusali. hindi lang yon dahil mayroon pang malaking gusali na sa tingin ko ay gym na matatagpuan bago ang malawak ding field. Sa pinaka center ng dalawang gusali ay mas malawak and I bet Serena's wardrobe dyan matatagpuan ang samu't saring mga opisina.

"Ena, ngayon lang ba nakakita ng maganda ang mga tao rito? kung makatingin e." Nasa field palang kami at naglalakad palang papasok and for some reason most of them are looking at us.

Aware naman ako sa status ng Pamilya namin, isama niyo pa ang pag engage namin sa modeling ni Ena pero Elite School 'to, diba? A school exclusive only for students with wealthy families, or if you're smart or qualified enough, you could probably get a schoolarship.

"What? E anong tawag mo sakin? tsaka for sure hindi sayo nakatingin ang mga 'yan kundi sakin."

"The nerve." Baka nakakalimutan ata nitong pinsan ko na hindi lang siya ang maganda rito?

"Looks like I was right." Nakangisi akong tumingin sa kanya nang kumaway ako sa isang grupo ng kalalakihan at magkagulo ang mga ito, pero inismiran lang niya ako.

Ilang sandali lang ay sa wakas nakarating na riin kami sa pupuntahan namin. Sa lawak nitong field, parang nagkapag walking lang kami sandali.

Pumasok kami sa pinaka entrance ng building. Sa loob ay mayroon napakataas ng ceiling at agad na makikita ang hagdan paakyat sa susunod na palapag. Mahahaba ang mga hallway kaya tiyak akong hindi lamang nag-iisa ang mga hagdanan dito. Moderate ang style ng building at sadyang napaka overwhelming ng lugar para sakin. Pero siguro ay naninibago lang ako dahil na rin sa home schooled ako for the past few years.

"Come in." Aniya ng boses sa loob ng katapat naming pinto matapos kumatok ni Serena. Pinihit niya ito pabukas tsaka kaming dalawa pumasok.

"Good morning, ma'am."

Pagbati namin sa mukhang may edad ng babae na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. Mukhang opisina niya itong pinasok namin.

"Good morning." Bati rin nito. Una siyang tumingin kay Ena bago sa akin. "Sit down."

Umupo kami sa dalawang bakanteng upuan sa magkaibang gilid. Muli kong tiningnan ang babae at may kapayatan ito at mukhang nasa kanyang early forties pa lang naman. Nakasuot ng salamit at kahit sa ganyang edad ay kita na ang iilang mga puting buhok sa kanyang ulo.

"Miss Atienza, I assume you're here to enroll.. her?" Tukoy nito sakin.

Tumango si Ena. "She's my cousin, ma'am. Tiara Fayre Vernieza."

Agad na muling napabaling sakin ang babae. "From your father's side? Sino kina Lois at Fren and tatay niya?"

Nasurprisa ako sa sobrang usisa ng babaeng ito sa harapan namin. Mag eenroll lang naman ako, di'ba? Pati ba ang mga 'yon ay tinatanong na rin ngayon? Ibang klase.

"Actually ma'am, sa mother's side po. She's my tito Evon's daughter from Italy."

Nakita ko kung paano ito bahagyang nagulat sa narinig. "A Vernieza?" Bumaling ito sakin. "You're Tiara Vernieza?"

Tumango ako "Yes, ma'am."

"Do you have your documents with you?" I handed her my documents.

"Your report cards from your previous school?"

"I have that in there but the subjects listed are sort of different from what a normal report card would have because I was home schooled for two years."

"Oh.. that's just fine. Are these photocopies? Iwan nyo nalang ito rito."

"Wait, so she's enrolled?" Si Ena. Excitements can be seen in her face.

"Yes, but before it you have to first pay for the first tuition fee." Tumingin ito sakin tsaka nagpatuloy "Mukhang hindi naman na problema 'yon."

May iba pa siyang mga tinanong sakin at kahit 'yong iba ay hindi naman related sa pagpapa enroll ko ay sumasagot pa rin ako. I don't wanna be rude, enrolled na nga raw ako e. I'm so excited! As someone who was home schooled, maninibago ako nito nang husto panigurado but hey, I don't care. Excited lang ako para sa mga mabubuo kong memories this year, ilalagay ko talaga bawat pictures na makuha ko sa photo album ko.

Ilang sandali pa ay may biglang kumatok sa pinto.

"Who's there?" Baling ng babae rito

"It's us, miss." Sagot ng isang boses sa likod ng pinto

"Come in." pagpapapasok niya sa kung sino man ito.

Nakatalikod lang ako at hindi na nag abalang lumingon pa sa mga bagong dating. Alam kong hindi lang isa ang pumasok dahil ilang boses ang naririnig kong nagsasalita.

"Oh boys, ano'ng meron? Enrolled na kayo ah, what brings you to my office?" Nagtatakang nakatingin ito sa mga bagong dating na nasa likuran namin. Naramdaman ko ang paglingon ni Ena sa mga ito pero ganon pa rin ako't nakatalikod.

"A-ah gusto lang kasi naming makasigurado na enrolled na kami."

Aniya ng isang boses. Mukhang hindi pa ito sigurado sa sinasabi.

Nakita kong lalo pang nangunot ang noo ng babae sa harapan ko. Ang labo naman kasi non.

"Alam niyong isa kayo sa mga pinakaunang enrollees, di'ba?" Mukhang pinapaalala pa ito ng babae sa kanila

"Really? wow, we must be very special then!" mula naman 'yon sa isa pang boses.

"Boys, really now, what's this about?"

Mukhang nahihiwagaan na rin ang babae sa mga inaasta ng mga ito.

"Sorry miss, but we weren't told that we're already enrolled." Pangatwiran ng isa pang boses.

Matapos marinig iyon ay agad akong napalingon sa kanila at tatlong nagtatangkarang lalaki ang bumungad sakin.

Holy cow. Totoo ba itong nakikita ko?

God truly has his favorites and it seems like I'm facing three of them now! Tatlo sila at mula ulo hanggang paa, masasabi kong wala silang tapon!

But wait, bakit parang pamilyar sila sakin? Nangunot ang noo ko. Have I met them before?

"A-ahem" kung hindi pa tumikhim ang pinsan ko hindi ko pa mapagtatanto na nakatitig na pala ako sa kanila. Shocks!

Nilingon ko si Ena at pinandilatan niya ako ng mata. Para bang sinasabi niyang Umayos ka, nakakahiya ka harap harapan mo pa talagang tinititigan?

Nang muli kong binaling ang tingin ko sa tatlo ay ganon nalang ang gulat ako nang makitang sa akin na nakatingin ang mga ito.

'the hell?"

Siguro ay napansin nila ang reaksyon ko kaya muli na nilang binaling ang tingin sa babaeng nagsasalita sa harapan.

Muli akong tumingin sa lalaking nasa gitna nila at halos mahulog ako sa inuupuan ko nang magkatinginan kami. He stares at me as if he's digging up to my soul. Nakakapanlambot ang titig niya.

Siguro ay napansin na rin siya ng dalawa pa niyang kasama kaya siniko siya ng isa sa mga ito. Nang matauhan ay bumaling na ito sa kaibigan pero napapansin ko pa rin ang pasulyap-sulyap nito sakin.

Tatawa-tawa namang nagbulungan ang dalawa nitong kasama.

"Dash, Creyon, Kairous. Kung wala na kayong kailangan pwede na kayong lumabas. May y mga kausap pa ako, istorbo kayo."

For the first time in forever tinawag niya rin ito sa mga pangalan nito at hindi lang 'boys'

"Yes, miss. sorry talaga." Yuko pa ng isang kasama nila

"Peace, miss Sevilla. Naninigurado lang talaga kami, mahirap na kasi." sunod na wika naman ng isa sabay kumalikhik

Hindi na nagsalita pa ang nasa gitna nila at tumalikod na lang agad kasunod ang dalawang kasama samantalang ang tingin ko ay naroon lang sa likod ng lalaking katinginan ko kanina.

What's with that weirdo?