KINABUKASAN ay maaga kaming nagising. Wala pa namang pasok pero magsisimba kami ngayon kasi linggo.
Suot ang dilaw kong bistida na hanggang tuhod ang haba at pinarisan ko ng two inches na sandal ay pumasok kami ng simbahan at nasa bandang gitna kami pumwesto.
Katabi ko si Serena habang sa kanan naman niya nakaupo ang mga magulang niya. Isang oras lang ay natapos na agad ang mesa at nang tumayo na kami para umalis ay may mga kinausap munang kaibigan si tita. Gayundin si tito kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang maghintay sa tabi nila. Syempre may mga kakilala rin si Ena na nilapitan siya. Isang maliit ngunit tisay na babae at isa pang kulot na babae na kayumanggi ang kutis at habang tinitingnan ito ay napansin kong naka braces din ito.
Masaya silang nag uusap at mukhang hindi rin kami ng mga ito nagkakalayo ng edad. Nahihiya akong gumilid para mabigyan sila ng pagkakataong makapag-usap.
Habang nakatayo sa gilid ay may naramdaman akong nakatingin sa'kin kaya naman napalingon ako sa direksyong iyon, ngunit ganon na lang ang pagkabigla ko matapos makita ang lalaki kahapon.
Mukhang nagulat din ito sa paglingon ko kaya agad itong umiwas ng tingin. Nangunot ang noo ko. Akala ko ba puro mga magaganda ang mga naging girlfriend nito? Bakit parang ngayon lang siya nakakita ng maganda?
Kahapon ay naitanong ko kay Ena kung sino siya. Sila lang naman ang may ari ng eskwelahang papasukan ko at isa raw siyang notorious playboy sabi pa ni Ena at talagang target niya ang mga transferees na gaya ko.
Pa minsan-minsan pa ay nahuhuli ko itong sumuluyap ng tingin sakin kaya hanggang sa makauwi kami ay tahimik lang ako. God, kung wala lang talaga sa itsura ng lalaking iyon ay iisipin kong pervert siya.
NGAYON ay araw ng lunes at unang araw din ng klase. Maaga pa lang ay inayos ko na ang mga susuutin ko at dahil hindi pa naman required na magsuot ng uniform at wala pa naman ako no'n ay magsusuot nalang muna ako ng kung anong meron ako rito.
Nakita ko ang biniling blouse sakin ni tita noong araw na maaga siyang nagpunta ng mall. Mabuti dahil kulay puti ito at silk ang tela, maganda dahil tiyak na hindi mainit pagsinuot. Ipinares ko ito sa light blue jeans na paborito kong sinusuot at hinayaan lang ulit na naka lugay ang buhok pagtapos maglagay ng kaunting make up. Gustong-gusto ko talagang hinahayaan lang na ganito ang buhok ko para para kita pa rin ang natural nitong wave.
Nag almusal lang ako kasama si tita at hindi na namin naantay pa si Ena dahil tiyak na hindi pa raw ito nagigising. Ilang sandali pa ay bumaba na rin ito na mukhang super excited kaya aliw na aliw kami ni tita sa kanya. Hinintay ko siya na matapos kumain para sabay na kaming umalis
lalo na't wala naman akong masasakyan dito at nahihiya rin akong magpahatid sa driver o magcab.
Nang 18th birthday ko ay binilhan nga ako ng kotse.. hindi naman ako naturuan kung paano gamitin.
"A scrub is a guy that thinks he's fine🎶
As soon as the stereo echoed the music, Ena and I looked at each other as if we could read each other's minds. She smiled and I did the same.
"This is our jam."
"-And is, also known as a Busta, 🎶
Always talkin' about what he wants
And just sets on his broke ass 🎶
Una niyang kinanta ang part na 'to habang may pa headbang pa. Um excuse me, but you're driving!
Napailing ako at natawa sa sarili.
"So, no, I don't want your number
I don't want to give you mine and🎶
No, I don't want to meet you nowhere
I don't want none of your time and🎵
No, I don't want no scrub🎵
A scrub is a guy that can't get no love from me🎶
Hanging out the passenger side of his best friends ride
Trying to hola at me🎶
Masaya naming sinasabayan ang pagkanta sabay sa stereo ng sasakyan habang tinatahak ang daan papuntang eskwelahan. Nang makarating ay nagmamadali na kaming maglakad papunta sa kanya-kanya naming kwarto.
Ang mga nursing students ay nasa kanang gusali which is iyong kursong kinuha ko samantalang ang tourism naman na kinuha ni Ena ay nasa bandang kaliwa kaya gustuhin ko mang magkasama na lang kami ay magkaiba kami ng kinuhang kurso.
"Good luck, Cousin!" paalam nito sakin bago kami maglihis ng daan.
Hinatid pa niya ako hangang sa harap ng hagdan paakyat ng floor kung saan ang magiging room ko. Nagpaalam na rin ako sa kanya at nakita kong bumalik naman siya sa dinaanan naming hallway. Umakyat na ako sa taas at naglakad sa napakahabang hallway, hinahanap ang section ko.
Kahit medyo late na ay kita ko parin mula rito ang iilang mga nakatambay na estudyante sa field at mga nakaupo sa bench.
"Omg. Is that Tiara Vernieza? the cousin of Serena Atienza??"
"I guess. pero bakit nandito yan? don't tell me.. dito siya mag-aaral?!"
"Shush your mouth, baka marinig ka niyan! hindi naman tayo sure kung relative nga sila. She looks nothing like Serena, hindi sila magkamukha!"
"Omg girls, I saw her with Serena last saturday so for sure they are related to each other. Just look at her.. I bet she's just like her cousin, a bitch!"
Nakita ko na ang room ko at nang lapitan ito ay napadaan pa ako sa mga babaeng nag-uusap sa tapat ng katabing room nito. I just walk past them as their eyes are all on me. If there's one thing that a Vernieza will always have, it is class.. so I refuse to give my attention to those who seek for them desperately.
Bahagyang nakasara ang pinto kaya naisip kung baka may teacher na sa loob kaya kumatok muna ako nang tatlong beses bago dahan-dahang pumasok.
"Uh.. excuse me, ma'am?" Kuha ko sa atensyon ng guro na nagsasalita sa harapan
"Yes?.. Oh! you must be the new student?? come in! come in!"
Tuluyan na akong pumasok sa loob. Ngumiti ako sa magandang babaeng nagpapasok sakin bago tumingin sa ibang mga tao sa loob.
"Aren't you miss Atienza's cousin?"
Tumango ako sa babae na ikinangiti nito. I bet she's just in her late twenties.
"Yes, ma'am." I answered.
I heard how some of them gasp as if it's that of a big deal then they started whispering with the person beside them.
"Oh my God. that's Tiara Vernieza?
I can't believe this, classmate natin siya!"
"Sila ang may ari ng Tiara Group of Company diba?"
"Girl, that's not all. They are also the owner of Tiara luxury and hotel! and she's the heiress. gosh, I envy her life already."
Naglapat ang labi ko sa naririnig. It's too overwhelming even for me that I slightly felt uncomfortable. As much as I'm enjoying this kind of attention from other people, a part of me wanted to feel like a normal person and I hoped to be one the moment I transferred here.. that's why as much as possible I refuse from talking about my family's status but I guess I just could never escape from their shadow.
Sandaling pakilala lang ang ginawa ko at hinayaan na akong maupo ng babae na nagpakilala bilang miss Castro. Isa nalang ang bakante at doon katabi ko ang isang medyo may katabaang babae na may maiksing buhok. she's cute and she reminds me of Dora the explorer.
"T-tiara.."
Nabigla ako nang tawagin niya ang pangalan ko. kakaalis pa lang ni miss Castro dahil pagpapakilala lang naman ang ginawa namin at nagawa ko naman 'yon kahit medyo nalate ako.
"Hmm?.. hii" Nakangiting bati ko sa kanya. She looks nice naman.
Mukhang hindi niya iyon inaasahan "Ang g-ganda mo pala sa personal." I could see how genuine she is upon saying that
"Thankyou, ang cute mo rin e. ano palang pangalan mo?"
"K-karl. Ang pangalan ko ay Karl."
I was caught off guard. Karl nga talaga ang pangalan niya? that's weird. Hindi bagay sa kanya dahil masyado siyang cute. gayunpaman ay ngumiti pa rin ako sa kanya. Aayain ko na sana siyang sumabay samin mamaya mag lunch dahil mukha naman siyang walang kaclose rito nang bigla ay lumapit samin ang limang babaeng nakaupo sa harapan. Sila iyong mga nag- uusap kanina. Pumwesto sila sa harap namin. Naka seperate ang bawat upuan at mesa rito gaya rin sa ibang school pero magkakalapit ang bawat dalawang estudyante dahil sa magkakalapit ang chair and table nila.
Ang tatlo sa kanila ay nakaharap samin at may dalawa ring nakatayo sa magkabilang gilid namin ni Karl.
"Hi! Tiara, right? I'm Guile Forbes. Gosh I so love your hair."
"Uh, thanks."
"And I'm Ayeesha. These are my friends; Grace, Feliz and Aliyah Mae."
Tukoy naman ng mestisang may blonde na buhok sa mga kasama at isa-isang pinakilala pa ang mga ito.
I learned that they are all from wealthy families, and parents with successful businesses. Hindi naman na kaduda-duda dahil wala sa itsura nila ang maging mahirap.
Nang mapalingon ako kay Karl ay nakita ko ang discomfort sa itsura niya. Hindi rin naman siya pinapansin ng mga ito at pansin ko ang panay na pag irap nila rito. Parang nawala ang galak ko sa mga babae dahil sa inaasal nila sa katabi ko, kaya naman ay maiikli lang ang nagiging sagot ko sa mga pang uusisa nila st talagang pinakita kong hindi ako komportable sa kanila.
Apat na oras pa bago mag lunch break at may isang subject pa kami. Habang nagsasalita ang teacher namin sa gitna ay napalingon ako sa mga lalaking naka varsity shirt na naka dungaw sa mismong classroom namin. Pansin ko agad ang pagtitilian ng mga kaklase ko. siguro ay nasa anim silang lalaki. Baka nandito ang mga nililigawan nila kaya sila andito. Naramdaman ko ang titig ni Karl kaya napalingon ako sa kanya
"Bakit?" Nakangiti man ay malalim ang pangungunot ng noo ko.
"S-sorry. Ang ganda mo k-kasi." Umiwas siya ng tingin. May kakaiba sa kanya na hindi ko mapangalanan.
"O-okay. Thank you, Karl."
Hindi ko na lamang pinansin kahit bahagya pa akong nawirdohan sa inaasal niya. hindi dahil dalawang ulit niya nang sinabi iyon kundi dahil sa mga titig niya sakin kanina pa, baka naman naninibago lang ito sa'kin.
Ngayon ay lunch break na kaya kinuha ko na ang wallet tsaka cellphone ko. tinawagan ko si Ena at sa ikalawang ring ay sinagot niya rin ang tawag "Lunch tayo."
["Hi, T! how's your first day? may boyfriend kana ba agad?"] Nailayo ko ang telepono sa sobrang lakas ng boses nito.
"Better. I made a friend." I was referring to Karl.
["Aww. Ang bilis naman! the who?"]
"Diego's cousin." I smirked on my own joke but obviously she didn't get it.
["Eh?"]
"Nevermind. lunch na tayo, nagugutom na ako."
["Sure, pero hindi pa kasi tapos ang klase namin. Pumunta ka nalang dito ngayon then sabay tayong maglunch, mmkay?"]
"M'kay."
Nag-iba agad ako ng daan. I was first heading on the first floor where the cafeteria is at but I changed route and head in Serena's room instead.
Narealise kong mas malayo ang lalakarin ko at baka kung saan pa ako mapadpad sa laki nitong school kaya nag desisyon nalang akong lumabas ng mismong building at dumiretso sa kanila. konektado ang bawat building sa isa't-isa but I find it easier if sa field ako dumaan, plus di hamak na mas kaunti lang ang tao sa labas.
["Uhm.. T? Sasabay kasi satin ang dalawang kaibigan ko, if that's okay with you?.."]
"Sure. Papunta na'ko."
["Nice, bye!"]
***
"Tiara Vernieza!!"
"Sandali lang!"
Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita ang apat na lalaki na nakita kong nasa harap ng room namin kanina. Anim sila kanina pero apat lang ang naglalakad palapit sakin ngayon.
"Yes?" I wasn't planning to stop but I stopped anyway because I don't wanna leave any bad impression on my first day.
"Ahm.. maglulunch ka na ba? Sabay ka na samin." but I couldn't help but to raise a brow upon hearing one of them talk, as if he's just asking me for a piece of candy.
"I'm sorry, what?" I was so taken aback. Did he just casually ask me to eat lunch along with them? This guy didn't even bother to introduce himself first!
"Sabi ko kung pwede ka'ng sumabay samin mag lunch?" At inulit niya pa talaga.
"Wait, are you hearing yourself right now? asking a stranger to come and lunch with you, really? " I was trying to sound less sarcastic but I just couldn't.
"Pero hindi ka naman stranger samin." rason niya pa.
I scoffed. "Well, you are to me."
His soft aura slowly faded and it seems that I offended him.
"Wooh."
"Wala pare, masungit!"
"Basted ka na agad Lopez! tara inom!"
"Si Lopez tinanggihan ng chix? iba yata ang ihip ng panahon?"
Agad naman nag react ang mga kasama niya pero wala akong balak manatili kaya aalis na ako. tatalikod na sana ako nang bigla ako nitong hawakan sa braso para pigilan.
"Ano ba?!" Asik ko, nagulat sa ginawa niya. "Get your filthy hands off of me!"
"Ang suplada mo naman, porket maganda ka!" Nakahawak pa rin siya sakin.
"Bitiwan mo nga ako! Ugh! Nasasaktan ako!" Sabi ko kahit hindi naman. Men are beasts but not on vulnerable women, I know.
Mabuti naman at binitiwan rin niya ang kamay ko.
"Ang OA mo! Magpapakilala lang naman sana ako!" bumibilis na ang paghinga niya, namumula na rin siya.
"Pre hayaan mo na lang." rinig kong away sa kanya ng isang kasama.
"Sorry, miss. gusto lang naman sanang makipag kilala ng kaibigan namin sayo, na starstruck sa ganda mo e."
ani ng isa pa.
"Well.. sabihin mo sa kanya na hindi ako nakikipag kilala sa mga taong bigla- bigla nalang nanghihila ng braso ko!"
Napa 'woooh' ang mga kasama niya, inaasar pa siya lalo liban nalang dun sa huling nagsalita. Pansin ko agad ang pamumula ng tenga nito sa pagkapahiya, o baka inis.
"Anong nangyayari dito?"
Napalingon kami ng biglang dumating si kuyang guard. Thank goodness.
"Guard, These guys are harassing me! Lalo na yan!" Tinuro ko ang lalaking humila sa braso ko at mukhang nagulat pa siya, silang apat.
"Totoo ba 'yon Ethan? Binastos niyo si Miss Vernieza?" Ani ng Guard at Isa- isa silang tiningnan.
So the beast's name is Ethan..
"Hindi po! Nagpapakilala lang ako sa kanya, manong!" si Ethan
Isa- isa ring nagpaliwanag ang mga kasama niya.
"Manong? Diba kuya yun? Magkuya kayo?" Tiningnan ko ang lumapit na guard at siya, hindi halata!
"Ayos ka lang?! Mas matanda siya satin, syempre tatawagin ko siyang kuya!" Asik niya, masyadong napataas na ang boses.
"Ba't naninigaw ka? Alam ko ba?!"
Masungit pa ring sagot ko.
"Yon na nga e! Hindi mo pa alam pero kung makapag react ka! Ang sabihin mo hindi mo tinatawag na kuya ang mga kagaya niya kahit mas matanda pa ito sayo kasi wala kang modo! Kagaya ka rin ng mga mayayaman dito, ang yabang mo!"
Mga taga rito? Ibig sabihin.. hindi sila dito nag- aaral? So bakit andito sila?
Natigilan ako sa sinabi niya at halos umusok ang tenga ko sa galit dahil sa narinig. No, he didnt-
"Ethan!"
"Pare, tama na yan. Babae pa rin yan."
"Oy Lopez, foul tayo dyan."
Nakita kong natigilan din siya sa sariling mga sinabi at nabibiglang napatingin sakin.
I scoffed. "Ganyan ba ang nagpapa kilala? If that's the case, ayoko na lang. I don't want to know you anyway."
Umalis na ako at iniwan sila don kasama si kuyang Guard.
"Naku, pare! Ang sama mo don!"
"P-pero siya naman ang nauna.."
"Hindi rin, hinila mo e ni hindi ka pa nga kilala?!"
"Kaya nga ako magpapakilala sana, 'di ba?!
"Oo, pero mali 'yong approach mo e. Isipin mo ha? Hindi ka non kilala, kami rin hindi, tapos aayain mong mag lunch?!"
"Nag panicked ako eh!"
"Talagang mali, Ethan. Sinabayan mo pa ang taray non e may karapatan naman yon kasi babae siya at pino proktektahan lang niya ang sarili niya."
"Gqgo. Ano ba'ng gagawin nating masama sa kanya? Wala naman!"
"Oo nga. tayo alam nating wala tayong masamang intensyon pero siya? Pare hindi. Nag iingat lang yon dahil hindi naman niya tayo kilala."
Narinig ko ang sunod sunod na pagmura ng lalaki kaya mabilis na akong naglakad palayo. Nangingining ang bawat parte ng katawan ko sa galit. Wala pang lalake ang nagsalita sakin ng ganon!
"Ena.. si Ena?" hinihingal na tanong ko sa babaeng nasa may pinto ng classroom nila. Nakatunganga lang ito sakin kaya hinayaan ko nalang at hinanap mismo doon si Ena. Bahagya akong pumasok para makita ang mga tao sa loob pero wala akong Ena na nahanap.
Where the hell are you, Serena? Mainit ang ulo ko at baka mas lumala lang pag pinaghanap mo pa'ko sayo.