Chapter 4

"Uh excuse me? Hinahanap mo ba si Serena? lumabas na siya kani-kanina lang e." Sa wakas ay may matino ring lumapit sakin.

"Ganon ba? Sige, thank you!" Pagkasabi ko non ay nagmadali na akong bumaba. siguro ay didiretso nalang ako sa cafeteria baka nandoon na siya.

"You're welcome!" Pahabol nito.

Malapit lang dito ang cafeteria kaya nang makita ito ay agad na akong pumasok. Sa labas pa lang ay kita na ang napakaraming estudyanting kumakain. Lahat sila ay may kani-kanilang mga mundo na parang iyong kausap lang nila ang nakikita.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad na hinanap ng mga mata ko si Ena. Pero ang mga tawanan at kwentohan ay biglang napalitan ng mga bulungan at mga ugong na rinig ko naman. Napatingin ako sa mga tao at muntik na talagang malaglag ang panga ko nang makitang sakin sila nakatingin. Anak ng-! Bakit na naman?!

"Tiara, dito!" Agad na hinanap ng paningin ko ang pinagmulan ng boses na yon na alam kong ang pinsan ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa medyo gitnang bahagi ng cafeteria at may dalawang kasama. Siguro 'yong sinabi niyang kaibigan niyang sasabay sa'min. Nakatingin siya sakin habang kumakaway, nakatingin din sakin ang mga kasama niya at siguro ay hindi bababa sa 90% na mga estudyante ngayon dito.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila ng may biglang tumayo sa harap ko nang nasa pinakagitna na ako. Nang makita kung sino ito ay literal na napatunganga ako! mukha naman siyang walang balak tumabi o umalis sa harap ko dahil natingin pa nga ito!Ugh! para talaga siyang manyakis kung makatingin! gwapong manyakis!

Mas Lalo nang lumakas ang bulung bulungan kaya sa kabila nalang ako dumaan. Napakapapansin naman ng Isang yon. Sa ilang beses na pagkikita namin, literal na tinitigan niya lang talaga ako!

"Ano bang problema ng mga tao dito?"

Inis na tanong ko nang makaupo na sa mesa nila ng Pinsan ko. Kanina iyong sa field, ngayon pati ba naman dito?!

"Tatlong dahilan lang ang alam ko dyan." Si Ena ang nagsalita. "Ang iba kasi d'yan hindi makapaniwala sa ganda natin, may mga patay na patay mapansin lang natin and lastly, mga nangangarap na maging kasing ganda natin." walang hiyang aniya kaya wala sa oras ay napangiwi ako. Napabaling ako sa dalawang babaeng nakaupo sa harap namin. Sila 'yong nakita kong kausap niya sa simbahan.

"Hello." Bati ko sa kanila.

"Hi! I'm Aya. Nice to meet you!" Sabi nang mukang jolly rin. Siya yong tisay na medyo payat na sinabi ko.

"I'm Jean." hindi gaya ng kasama ay mukang mas matino itong Isa. Nagpaalam lang ako sa kanilang oorder muna. "Order muna ako."

"Samahan na kita?"

"What? No. Kaya ko naman, ano ka ba."

Kumuha lang ako ng taco, two pieces of chicken nuggets, vegetable salad at isang milk tsaka lumapit ng cashier para magbayad. Nalaman kong hindi uso ang pagbabayad dito gamit cash dahil halos lahat ay gumagamit ng card.

"You know, it's not bad to eat unhealthy foods sometimes."

Napalingon ako sa nagsalita at hindi na ako nagulat nang siya na naman ang makita. quota na siya sa panggugulat sakin kaya husto na.

"Ayokong tumaba." Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at iyon ang naisagot ko. As if hindi ako tumatakaw pag nasa bahay e, 'no? tsaka masarap naman kasi ito at hindi naman ako mapili sa pagkain kaya kung pwede namang kumain ako ng mas healthy, bakit hindi?

"Tsk. Hindi ka naman agad tataba pag kumain ka ng fried chicken diba? At hindi ka naman papangit 'pag tumaba ka."

"Parang sinabi mo naring maganda ako." Bahala siya kung ano man ang isipin niya sakin, mabuti nga yon baka hindi na siya lapit nang lapit sakin.

Inayos ko muna ang mga pagkain sa tray ko bago umalis.

"I heard that some guys from Olive Hill harassed you? totoo ba?"

Nabigla ako sa tinanong niya at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

Para sa isang gwapong lalaking 'gaya niya, hindi bagay sa kanya maging chismoso!

"No. Kung saan mo man narinig yan ay nagkakamali ka."Nacucurious na ako sa kanya dahil sa pa ganyan niya. And for the first time since the past days na tinitingnan lang niya ako, he finally talked to me! Mabilis akong nagbayad para makaalis na doon.

Nilapag ko ang dalang tray at umupo na para makakain. hindi pa sila nagsisimula, hinintay nila ako?

Nakakahiya naman dahil natagalan pa ako don..

"Grabe naman yan, diet ka ba?"

"Huh? Marami na naman 'to ah?" Nagtatakang sagot ko kay Aya. Tsaka mas kaunti pa nga 'yong kay Ena.

"Marami na kasi akong kain pag nasa bahay dahil palagi ring masarap ang niluluto ng mommy ni Ena. kaya dito, dapat tama lang ang kinakain ko." Iyon na lang ang sinagot ko.

"Ganon ba yon? sige, yan din ang gagawin ko baka sakaling maging kasing ganda mo rin ako hahaha!"

"Naku wag ka nang umasa! Hindi ganda ang makukuha mo d'yan kundi sakit! mawawala ka sa tamang pag iisip 'pag hindi ka nag takaw! Ikaw pa?!" Pagkontra agad ni Jane sa kaibigan.

"Aya? Ang pagkain ay napupunta sa tiyan, ha? Hindi sa ulo at lalong hindi sa mukha." Si Ena naman ang nang- asar dito.

Kanina ko pa napapansin ang panay na pang aasar nila dito na hindi don naman nagpapatalo sa asaran kaya aliw na aliw ako habang kumakain.

Ang maganda sa kanila ay hindi sila nagkakapikunan at hindi naabot below the belt ang mga asaran nila sa isa't- Isa. Nagpapagandahan sila kahit pare- pareho naman silang magaganda.

"Atleast kahit anong takaw ko e hindi pa rin ako tumataba! Sino naman kaya sating dalawa ang kinailangan pang mag fasting ng isang buong linggo para lang kumasya sa dress nya noong prom, ha? ako ba?!" Humalakhak si Aya. May mga napapatingin na rin samin pero mukhang wala naman silang pakialam.

"Hoy! Anong isang buong linggo nag fasting? dalawang araw lang yon! tsaka at least sinayaw ako ng crush ko nun e ikaw? ni hindi ka man lang pinansin ni Justin!"

"Hala sige isigaw mo! wala pang nakakarinig oh, ipagsigawan mo pa! bwesit ka!"

"Ay parang hindi naman kalat sa buong campus ang kalokahan mo dun no? kahit parents ko nga alam e!"

"Paano nga namang hindi kakalat e ikaw ang kaibigan ko na talagang maaasahan kong magtago ng sekreto diba?!"

"Sus mag-aaway nalang ba kayo? Kain kaya muna tayo? tsaka wag nga kayong magpapaniwala dyan sa pinsan ko, ang takaw niyan pag nasa bahay! nag iinarte lang yan dito!"

Tawa lang kami nang tawa at panay asaran parin sila. Nakikisali rin ito paminsan pero nakikitawa lang. Parang kahit kakikilala ko palang sa kanila ay naging magaan na agad ang loob ko sa kanila. Kumakain pa rin kami habang nag uusap at naroon parin ang asaran at tawanan, ngumingiti at tumatawa rin ako kahit pa na sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang tingin ni Kai sa banda namin. at malakas ang kutob ko na sakin na naman siya nakatingin.

"T, malakas talaga ang feeling ko na ikaw na ang next target ni Kai. Kung makatitig sayo oh." Ani'ng pinsan ko, natatawa. "Gosh. wag ka talagang magpapadala sa mga pagtingin tingin niya. You know heart breaks cringe the hell out of me!"

Napabaling ako sa dalawa, hinihintay ang magiging reaksyon nila sa sinabi ng pinsan ko. Napapansin din kaya nila?

"Don't look at us, girl. Hindi rin kami marunong."

tapos ay si Aya. "I can't promise. Baka si Kairous pa ang ma comfort ko." Na ikinatawa naman ni jean

"Hay. I knew it! kaya kanina pa nakatingin dito si Kai e, dahil sayo naman pala!" nabigla ako ng ilang sandali pa ay tinititigan niya na ako na parang may gustong makumpirma.

"Haa? kay Tiara ba??" mabilis ding tumingin doon si Aya. "Akala ko pa naman sakin siya nakatingin, kasi mukang sakin, hindi pala?" humalakhak pa ito.

"Kung madapa ka siguro sa harap non, Oo, mapapansin ka talaga non."

"Ang sama mo!"

"Tiara, sure ka ba yan lang kakainin mo?" tanong ng pinsan ko nang siguro ay mapansing hindi ko masyadong nagagalaw ang pagkain ko.

"Tiara... sounds very familiar."

Napatingin kaming tatlo sa nagsalitang si Jean. Nakakunot na ang noo nito habang nakatingin sakin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Hinihintay lang namin ang sasabihin ni Jean at naagaw lang ang pansin namin nang marinig naming tila galit si Serena.

"Watch where you're going, nerds!"

Napatingin kami sa dalawang lalaki at isang babae na mukhang isa sa mga ito ang nakasagi sa kanya.

"Ang laki-laki na nga ng salamin, hindi pa rin makita ang dinadaanan." bulong pa niya.

"Tara na guys." rinig kong sabi ng babaeng kasama nila.

"Sorry." napabaling ako kay Ena nang makilala ko kung sino ito. Kung hindi ako nagkakamali ay Erik ang pangalan nito at matagal na niya itong manliligaw, literally since as far as I can remember.

"Sorry, Serena." mahinang sabi naman ng isa pa nilang kasama. lahat sila ay may suot-suot na salamin kaya hindi ko alam kung sino ang nakasagi sa kanya para magalit siya nang ganito, pero bagama't ganon ay parang hindi pa rin tama ang inasal niya.

Nang makaalis ang mga ito ay hinarap ko si Serena. "Aren't you a bit harsh to them? at hindi mo ba manliligaw ang isa ro'n?"

Pero ngumiwi lang siya. "Ano siya siniswerte?"

Napailing nalang ako sa ka brutalan nitong babaeng 'to. Naalala ko ang una nga pala naming pinag-uusapan kaya napatingin muli ako kay Jean. Nagulat ako nang nanlalaki na ang mata niya na parang may naaalalang kung ano.

"Hindi ba ang whole name mo ay Tiara Fayre Vernieza?" Aniya

"Yes.. why?" Sagot ko

"Oh my God!" Nabigla ako nang husto nang bigla siyang sumigaw at tumayo kaya napapatingin na rin ang iba sa gawi namin, bumalik naman agad siya sa pagkakaupo nang sawayin siya ni Aya.

"Hoy, Jean! wag ka ngang mag eskandalo dito! Umupo ka!"

"What is it Jean? mukha kang tanga na bigla nalang sumisigaw dyan!" tawa ni Ena.

"Oh my God. I knew it! kaya pala familiar ka sakin! Ugh! hindi ba siya mukhang familiar sayo Aya??"

"Ha?? Uhm.. pamilyar din, syempre. sikat ang pamilya nila, ano ka ba?"

"No! Hindi 'yon. Naaalala mo ba yong napulot nating picture noon nung nasa engineering building tayo dahil may hinahanap?" Panimula nito.

"Ha? Kailan?"

"Tsk! Last week, hindi mo naalala?"

Tumingin samin si Jean at nagpatuloy

"Last week when Aya and I were at the engineering building doing our business.. may napulot kaming picture na obviously nahulog nung isa sa mga nauna samin sa paglalakad. Ang guess who they are.."

"Ah! Yah, I remember!"

"Sino?" Ena and I asked.

"The notorious heart breakers, ang grupo nila Kai!"

"Jean, ano ka ba? Marami pang ibang engineering students dito." Si Ena

Nang Sabihin iyon ni Ena ay agad na may hinanap si Jean bag niya. Iyong wallet niya pala. nang mahanap ito ay ipinakita agad nito sa amin and I was too stunned to even say a word.

It was a picture of me...

..during my 16th birthday. that time, I told Papa that I don't want a huge celebration for my birthday. I want it simple yet a day to remember. Sinunod niya iyon kaya masayang masaya ako. It was only the two of us there and a few friends of mine and his. In that picture I was wearing a mini red dress with a little Tiara on my head. I was brightly smiling when my father took that picture. Bakit may ganitong picture ako dito?

"Bakit may picture ako sayo?" Nabibigla akong napatingin kay Jean

"I told you, napulot namin ito at ang nasa harapan lang naman namin that time ay sina Kairous. Kaya may kutob akong isa rin sa kanila ang may ari ng picture na 'to."

"OMG. Tiara, ikaw nga yan! You look younger lang!" si Aya

"That's because I was only sixteen when that was taken. Baka naman kay Ena yan?" Hindi naman kasi porket ang nasa harap nila ay sila, e sila na talaga ang nakalaglag. It should be Ena, siya lang ang pwedeng magkaron ng ganong picture ko dahil wala naman akong napopost na ganon sa ano mang socials ko.

"Possible." si Jean

"Uh, sakin nga ang picture na yan. the one that I took from your album, remember? naalala kong nawala ko nga 'yan noon pero hindi ko maalala kung kailan ako nagawi sa engineering building para dun ko maiwan yan.'' Mukhang naguguluhang wika ni Ena

"So pano kaya napunta yan dun?" Usisa pa ni jean

"E kung isa nga sa kanila galing yan, sino naman?" si Aya na kasama pa pala namin, tahimik eh. "Oh, baka naman si Kairous, at ikaw ang tinutukoy niyang fairy sa bio niya sa twitter?"

Nang makita ang seryosong mukha ng mga kaibigan ay natigilan siya sa pagtawa. "Let me see that."

Nag unahan pa silang makitingin sa cellphone ni Aya.

"Look at his bio "All into you, my fairy" Could it be you, Tiara?"

"Oh, come on. That could just be a coincidence. Any girl could be his Fairy. Malay natin, he's into Fairy Tail pala diba?"

Suhestiyon ko. I doubt that he like like me. Well, possibleng magandahan siya sakin pero magustuhan? It could take forever to do that even for me.

"Well, regardless of that, I suggest wag ka paring lalapin sa kanila especially Kairous dahil notorious Heart breaker ang isang yan. Napaka- babaero at kahit sa super sa gandang kagaya mo ay tiyak na magloloko."

"Grabe ka naman Serena, ang harsh kung makapag describe! hindi mo man lang inisip kung gaano kahirap umiwas sa Isang Zachairus O'nell lalo na kung ito pa mismo ang lumapit sa pinsan mo, diba? kita mo ba kung gaano ka attractive at hot nung tao? marami namang brand ang pain reliever kaya go lang, endure the pain!" Napangiwi ako sa sinabing yon ni Aya.

Well even if he likes me or he'll like me, kailangan ko talagang umiwas sa kanya. I know if trouble would have a face, it would be his. Tsaka ayokong magkaron ng ilang batalyon ng bashers no. I've seen how girls acted when he and his friends were around. Para itong nababaliw na mga tota.

"Tama. Kapag nag pakita ng motibo, dapat busted kaagad."

Napailing ako sa sariling sinasabi. Kung may nakakarinig lang sakin ngayon, iisipin nilang nababaliw na'ko.

As I was making my way back sa aming building, I suddenly heard voices sa Isang parte ng room na nadaanan ko. Hindi ko na sana papansinin pa ito nang mapamilyaran ko ang isa sa mga boses.

Para makasiguro kung tama ang hinala ko, I checked it myself. Dahan- dahan akong naglakad papunta sa parteng yun at sinubukang sumilip. Sa gilid ng room na mukhang budega, nakita ko ang Isang lalaki at babae na nag-uusap. It looks like they are arguing. Medyo malayo sila sakin pero nabigla ako nang makilala ang mukhang galit na babae.

I know her. I've met her before at napasama ko pa siya in one of my previous photo shoots noon in Italy. Why is she here and who's she talking to?

I was shocked when she tried to hug the guy and he pushed her away. Mukhang nagulat din siya pero mas nagulat ako nang maharao sa gawin ko ang kausap niya. It's the weirdo.

But why are they fighting? Omg. May relasyon sila?! Sa sobrang bigla ko ay napaatras ako at dahil sa pag atras ko ay may natumba akong pala sa gilid ko.

Hell no! Nagmamadali akong umalis dun sa kinatatayuan ko kanina. Hindi nila ako dapat makita roon. Baka isipin nila nakiki chismis ako sa kung ano mang meron sa pagitan nila.

Mabilis ang naging habang ko at nang mapadaan sa Isa pang room na mukha ring bodega ay-

"Ugh! As if!" Nabangga ako sa tila isang uri ng semento

"A-aray ko naman!" Alam kong halos hindi na maitimpla ang mukha ko nang itaas ko ang tingin ko sa kung sino man itong nakabanggaan ko at halos ikalaglag naman ng panga ko nang makilala kung sino ito

Zachairus O'nell!

Paanong nandito na siya? Does he have a twin, a double ganger or was I just hallucinating back there??

Dahil sa sitwasyon namin ay nagkaron ako ng chance para mas matingnan ang mukha niya sa malapitan.

My, oh my. I instantly got allured to see him this close.

Makakapal na kilay at pilik mata, matangos na ilong, mapupungay na mata, mapupulang labi at medyo magulong buhok na mas nag highlight sa itsura niya. Napakakinis din ng mukha, kahit isang pimple wala akong makita. Ano kayang skincare nito?

"Even you, can't resist my charm?"

Natigilan ako sa sinabi niya at nanlalaki ang matang natulak siya palayo sakin.

"Why are you here? Sinusundan mo ba'ko?" Napakagat labi ako nang naalalang ako nga pala yun.

"I should be the one asking you that. Malayo na'to sa building niyo ah, so what brings you here?"

"I.. I was.. I" wala akong maisip na magandang idahilan. "I.. I was actually looking for my earrings. I think I lost it here somewhere..uhh.."

Ang awkward ng tingin niya.

Nagningkit ang mata niya, not buying what I said.

"Okay, then. I'll help you look for it."

"Ha? W-wag na. Hindi naman yon ganun ka valuable." I reason out.

"Then why are you still looking for it when it's not that important to you?"

Wala na akong masabi at napapahod na akong mag-isip ng isasagot. Isa nalang ang magagawa ko para maiwasan ang ganitong topic.

"Look, you don't have to help me with this, okay? Because in the first place I was not even asking for it. Just.. just mind your own business, Kairous."

I know that sounded a bit harsh pero mapilit siya e. Tsaka akala ko ba suplado 'to? Bakit tutulungan pa ako?

But when I looked at him again I saw that he wasn't looking at me. Nasa iba na ang tingin niya and what is this? Am I seeing this right?

"Wait, are you blushing?" I was stunned.

He sort of panicked because of what I said. He then looked at me in disbelief. "Why would I? tss. And before you tell me to mind my own business, don't you have to tell that to yourself first?" Nabigla ako sa sinabi niya. Nakita niya ba akong pinapanood sila kanina?

I was about to answer him but a sudden question came into my mind. He's really blushing, nagagandahan ba siya sakin?

Umiling ako, refusing to believe what I saw. "I don't know what you're talking about. uhmm I- I have to go, may klase pa'ko. I think you should too."

Tumalikod na ako at maglalakad na sana palayo nang magsalita na naman siya.

"Just remember that whatever you saw or heard, it's not what it seemed."

Muli akong napalingon sa kanya only to see him walking away.

'Not what it seemed, huh."