Chapter 5

PAGKATAPOS ng hapong iyon ay umuwi na kami. I also told Ena what happened and how that Kairous somehow accused me of being a suspicius individual. Obviously tawang-tawa siya.

"Alam mo T, tama ka. Kung totoo nga'ng may gusto sayo 'yon hindi ka 'non gaganunin. kasi.. usually sweet yun sa mga target niya e. Wala namang lalaki ang may balak manligaw ang gaganunin muna ang babaeng gusto nila bago nila ligawan, diba? kasi tiyak na hindi sila niton sasagutin. Siguro... kung isa man sa apat ang nakahulog ng picture mo, it couldn't probably be him. No offense, T, ayaw nun kasi sa mga over qualified sa standards niya. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, mas gusto niya ng simple at ayaw nun sa mataray." tumango-tango pa siya nang sabihin iyon.

"And I have to feel bad because I'm beyond his standard? Did you even ask me Ena, kung gusto ko rin ba siya?" asik ko.

"I know, I know. But right now you're as red as a tomato kaya maybe you somehow find him attractive too? Hmm."

Tiningnan ko siya nang masama dahil kanina pa at paulit-ulit nalang ang mga sinasabi niya. Sinong hindi mamumula kung ganito kakulit ang kausap? Kaya mas lalong umiinit ang ulo ko e! "For the tenth times Ena, I don't like him, so shut up!"

Humalakhak pa siya na parang aliw na aliw na nagkakaganito ako.

"Oh, now why are you so pissed? relax, coz. I was just teasing you." Natatawa pa ring aniya "Bakit ba kasi dun ka dumaan? Alam mo bang doon laging nakatambay ang magkakaibigan na yon? Kahit ako, If I were the one to see you there I would find you suspicious too."

Ugh! Kung ang trip ng babaeng to ngayon e ang asarin ako.. well, she's doing a very very good job for it!

"Bahala ka sa buhay mo. Magsama kayo ng Kairous na 'yon. Mga bwesit!"

Kinuha ko ang mga damit pantulog na inihanda ko tsaka pumasok ng banyo bago ko pa maisumpa ang lalaking yon at baka maging itong pinsan ko. Iniwan ko nga siya ron. bahala siya! Bakit ko ba naman kasi ikinwento pa sa kanya yon? Nasa banyo na ako at handa ng maligo nang ilang sandali pa ay nagsalita na naman siya.

"Alam mo T, napapaisip ako.. Naiinis ka ba dahil sa mga sinabi niya sayo o naiinis ka lang dahil sa mga sinabi ko at disappointed ka ron?"

Matalim akong napatingin sa pinto ng banyo kung nasaan kahit Alam kong hindi naman niya makikita iyon. alam kong nasa harap lang siya ng pinto at sinasadyang iparinig ito sakin. Gusto ko na sanang sagutin siya pero parang bigla akong walang makalap na salitang isasagot sa sinabi niya. Napahinto ako sa ginagawa at natahimik. Ang tanging ingay na naririnig ko lang ay ang pag- agos ng tubig sa katawan ko.

"Anyway, alis na ako. sleep well, dear cousin!" Narinig ko pa ang paghalakhak niya bago ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

"Buti pa nga!" Pahabol ko bago ko pa narinig ang pagsara ng pinto.

Nagsimula na akong maligo at habang naglalakbay ang tubig sa buo kong katawan ay pinakiramdaman kong mabuti ang sarili ko. Hindi naman ako disappointed na hindi niya ako gusto hindi ba? Oo nga at nabibigla ako sa pasulpot- sulpot niya kung nasaan ako. Naaapektohan ako sa mga titig niya pero normal pa rin naman ako 'pag nandyan siya. Wala rin namang slowmo na nangyayari tulad ng mga nababasa ko sa libro kaya tiyak akong wala akong gusto sa kanya.

Di'ba?

Matapos kong maligo at magbihis ay pinatuyo ko muna ang buhok ko bago nahiga sa kama. Nabasa ko noon na ayos lang na maligo sa gabi at wag lang matulog na may basang buhok. Bago matulog ay kinuha ko muna ang cellphone ko at inopen ang twitter pampa-antok.

Tiara Fayre Vernieza

@Tiafayyy

LovemyMom // RN soon

Following 16  .Followers 426k

Binasa ko ang pinakahuling tweet ko at last week pa pala ito. the day before I went here in Manila.

"It's been six years and now I'm finally coming home..." Maraming reply sa tweet kong iyon, ang iba ay hindi makapaniwala, mga nagsasabing safe trip daw at mga nagpapakilala bilang kakilala ko raw.

Nagscroll pa ako at nakita ang isa ko pang tweet. Ito 'yong mismong araw na sinabihan ako ni Papa na umuwi ng Pilipinas.

"I think the saddest thing we could ever feel is the feeling of being unwanted by the people we value the most."

Naalala kong napakaraming notification ang na receive ko when I tweeted this. Marami ring comments and dm's galing sa mga taong nakikisimpatya. Once in a blue moon lang din akong magdrama kaya ayan at pinapak ng masa. Idedelete ko na sana ng maintriga ako ng mga reply doon. Wala akong ibang binasa at nireplyan dito kundi ang sa pinsan ko.

@MariaserenaGorgeous

"Anong unwanted? e anong tawag mo pala sakin dito? char, I miss you, T!"

"Of course you do, but don't worry i'll be there any time soon. xd"

you replied to @MariaserenaGorgeous

Marami pang ibang reply doon pero may isa na nakapukaw ng atensyon ko. Isang simpleng heart emoji lang ito pero literal na dinumog ng mga tao. Kaya siguro napakarami ng reply sa post ko, kalahati ata nanggaling na dito.

Napatayo ako at muntik pang maitapon ang cellphone ko matapos makita kung sino iyon.

@Za_kairous

"❤️ "

1462 replies..

Agad ko itong pinindot para kumpirmahin kung siya nga ba ito.

Zakairous O'nell

@Za_kairous

All into you, my fairy.

Following 56   Follower 419k

Fairy

Fairy

Fairy

Nakita ko naman na ito kanina pero iba pala 'pag nagagawa mo pang mag-isip nang mas malalim. Ilang ulit ko pa itong binasa pero sa huli ay inisip na lang na baka hindi naman ako.

Wag kang mag assume tiara.

Masyado na akong nagiging assuming at muntik na talaga kanina kaya dapat lang na matigil na. Baka napindot lang din yong heart na reply niya sa tweet ko o talagang nakikisimpatya lang siya. Tama ganon nga.

Ibaback ko na sana dahil wala naman akong balak maging stalker niya pero napako ang tingin ko sa isang tweet niya na limang oras mula ngayon lang naipost.

"She's so beautiful, that she makes my knees weak."

I can't help but to raise a brow. so mahilig talaga siya sa magaganda, huh?

Nagscroll pa ako at sa sumunod na post niya ay kaka tweet niya lang ten minutes ago pero napakarami na agad ang nakuhang reply.

"Should I send her chocolates or flowers? or both?"

@Erich_Abarquez

"Oy, sino yan?? halaa baka liligawan mo na'ko ah? sige lang!"

@Alicejoy19

"Sheeet ang swerte ng girl,

naiinggit ako huhu!"

@SHINingShimmer

"Why not food instead? parang hindi na naman kasi uso yang flowers and chocolates, just suggesting!"

@Ayeeshaaa

"Depende sa personality ng girl, pero ako gusto ko ng flowers hehe."

Sunod sunod ding nag reply doon ang mga kaibigan niya kaya binasa ko rin ang mga ito

@whitecreyon

"Wala to bud, in love ka na talaga,

tanggal angas mo n'yan sigurado!"

@DashingMan

"Pakiramdam ko talaga bud, kaya mo sinisikreto samin yang my girl mo dahil baka sakin magkagusto."

@franklyhandsome

"Kailangan ko na bang mag aral ngayon kung pano mag comfort ng bigong kaibigan?"

pero sa lahat ay yong kasunod na reply ang nakapukaw ng atensyon ko at pinagkakaguluhan din ito ng lahat..

ang reply ni Eunice.

@EuniceGrant

"You know you don't have to do anything naman na, love. Just spend time with me and I'll be fine already. Iloveyou!"

Agad na dinumog ito ng mga nakikiusyuso at isa na nga ako roon.

talaga? hindi ba pwedeng imessage nalang nila sa isa't- isa yan? corny!

Binasa ko ang Ilan sa mga reply dito. Bakit? sa gusto kong magpa- antok e.

"Ang sweet! huhu sabi ko na ikaw yan Eunice e'

"Bagay talaga kayo ni Kairous, kaya number one supporter nyo ako mula noon eh!"

"Eunice, kailan pa nga naging kayo ni Kaii? curious lang hehe!"

Nag scroll pa ako pero hindi ko talaga mahanap ang reply ng lalaki, kung meron man. ilang sandali pa pero mukhang wala pa talaga siyang reply. Kahit ako naiinis na sa kakahintay.

"Hindi ka naman chismosa e 'no?"

Ani ng maliit na boses sa isip ko.

'shut up.'

Mukhang wala ngang balak mag reply ang lalaki at mas pinili pang makipag bardagulan sa mga kaibigan. kawawang Eunice tuloy

"@Za_kairous replied to @Whitecreyon

"I'm in love for sure pero wala e,

mas lalo lang ata akong umaangas."

@Za_kairous replied to @DashingMan

"Stop pretending like you don't know her, punk. remember na chismoso ka."

@Za_kairous replied to @Franlyhandsome

"No, pero kailangan mo na sigurong mag aral kung paano maging best man ko."

@Franklyhandsome replied to @Za_kairous

"Wow. Alam na ba niyan ng sinasabi mong magiging bride to be mo?"

Iyon lang ang mga nireplyan niya at ni hindi man lang inabalang replyan ang girlfriend niya. Napakaraming reply sa sinabing yon ni Eunice, imposible namang hindi niya napansin? tsk. Napaka red flag

Nagustuhan ko ang sinabi ni SHINingShimmer kaya nilike ko yon. Tiyak akong sumasabog na ang notifications nun ngayon kaya hindi na nun mapapansin ang simple interaction ko sa kanya rito. In-off ko na ang phone ko at pinatong sa table para matulog.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang muli itong tumunog. sunod sunod ang pagring nito tanda na may mga bagong notification na pumapasok. Tinignan ko ito at halot mga update lang galing sa post ni Kairous. Nakita kong nag iwan siya ng reply sa sariling tweet ngayon-ngayon lang kaya binasa ko ito.

"I'll send you food then. Be ready."

Agad na dinumog ito ng maraming pagtatanong at maging ako, nagtataka.

"Omg. now I'm curious. Who's the lucky girl?"

"I don't get it. Did she tell you that?"

"Hala sa O'nell University din ba nag-aaral?"

"Teka, si Eunice pa rin 'to diba?"

At ang reply ng kaibigan niyang si Dashingman.

"Iniisa-isa ko na yong comments eh, baka nagreply kasi yong my girl mo kaya ganyan ka Hahaha!"

Agad kong nai-off ang cellphone ko dahil may something na naman akong naramdam sa tiyan ko na hindi ko mapangalanan. dahil sa mga nabasa, parang may kung anong nabuhay sa loob ko... at ayoko nito.