KINAUMAGAHAN ay maaga akong nag ayos para pumasok sa klase. Pinili kong isuot ang isang lavender na top without sleeves at parang tube ang style tsaka pinares sa white na pants. Nagsuot na rin ako ng white cardigan dahil baka masita pa ako roon.
Wala lang feel ko lang mag ayos ngayon kaya naglagay pa ako ng maliit na hairclip sa buhok ko pagkatapos kong mag apply ng kaunting make up sa mukha.
Bumaba na rin ako agad at naabutan pang naglilinis ng living room si tita kasama ang ibang mga katulong sa bahay. "Good morning, tita." Nakangiting bati ko sa kanya.
Napalingon naman siya sakin at agad na napangiti. "Good morning, pamangkin. Ang aga mo ngayon, ah?" Pinasadan niya ng tingin ang suot ko "You look stunning. Wow." Amusement filled her eyes.
"Thanks, tita. Maaga po akong nagising e. Si Serena po?" hanap ko sa pinsan ko. kung hindi pa siya nakababa ay tiyak na nag aayos pa lang yon kaya ang plano ko ay ako ang magluluto ng magiging breakfast namin ngayong Umaga.
"Naku mamaya pa bababa yon kaya mauna ka nang kumain. Sandali lang at ipagluluto kita."
"Wag na po, tita. ako na lang po ang gagawa ng breakfast namin ni Ena."
"Sigurado ka ba?"
"Yes, tita. marunong naman ako kahit papaano." hindi man ako magaling magluto ay masasabi kong hindi naman ako pumapalpak sa pagluluto lalo na ng mga simpleng lutuin. Siguro ay gagawa nalang ako ngayon ng paborito ni Ena na pancakes total maaga pa naman.
"Okay. Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong." Nakangiti akong tumango sa sinabi ni tita at dumiretso na ng kusina.
Hinanda ko muna ang mga ingredients na gagamitin ko bago nagsimulang magluto. Ilang minuto lang ay natapos na rin ako pero hindi pa rin nakakababa si Ena kaya nag toast na muna ako ng bread at nilagyan ko ng cheese gaya ng gusto niya. ilang sandali matapos kong maihain ang niluto ko sa mesa ay bumaba na rin siya sa wakas.
Nabigla ako nang makita ang itsura niya. Mugto ang mata niya at mukhang puyat o umiyak na hindi ko maintindihan. "Anong nangyari sayo?" senenyasan ko siya na maupo.
"Wala." Iyon lang ang isinagot niya bago umupo. Pinanood ko pa siya ng ilang sandali bago inisip na baka napuyat lang kakapanood ng kdrama kagabi.
Nagsimula na kaming kumain at nakakapanibago ang katahimikan ng babaeng 'to ngayon. tuloy ay hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano.
"Nililigawan ka ba ni Kairous?" Nagulat ako sa biglaan at dire- diretsong tanong niya. Nang makabawi ay umiling ako bilang sagot. "Hindi. bakit naman ako liligawan 'non?" sagot ko.
Nagningkit pa ang mata niya na parang binabasa kung totoo ba ang sinabi ko. Napangiwi ako dahil ang mugto niyang mata ay mas nagiging pangit tingnan nang ginawa niya iyon.
Matapos kumain ay sabay ulit kaming pumasok ni Ena. Nakakapanibago man ang katahimikan niya hanggang sa makarating kami ng campus ay hindi na ako nag abalang magtanong kung may problema ba dahil hindi naman siguro siya magkakaganon kung wala at kung gusto naman niya ay tiyak na magsasabi rin siya sakin.
Nang makapasok ng building ay naghiwalay din kami dahil magkaiba nga ang station namin base course. Habang mag isang naglalakad ay kapansin-pansin ang mga tingin at bulong bulongan ng mga estudyante na rinig ko namang ako ang kanilang pinag- uusapan pero hindi ko na pinansin pa yon dahil abala ako kakaisip sa inasta ni Ena. tsaka dapat ngayon pa lang talaga ay sanayin ko na ang sarili ko sa mga ganitong bagay sa campus at kung hindi ay baka kung sino- sino pa ang makaaway ko.
Nasa fourth floor ang room ko kaya nagmadali na akong umakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit may elevator dito pero tanging mga guro at counsel officer lang ang pwedeng makagamit. Tuloy ay pawisan ako nang makaakyat sa floor ko, laking pasasalamat ko naman dahil wala pa ang adviser namin pagpasok ko. pumasok na ako at umupo sa upuan ko pero halos lahat ng mga kaklase ko ay narito na pero si Karl ay wala pa.
"Hi, Tiara!" Nakangiting bati sakin ng Isa sa kaibigan nina Ayeesha.
"Hello, Guile." bati ko pabalik sa kanya. Nakita ko ang lalong paglapad ng ngiti niya sa labi. akala niya siguro ay hindi ko alam ang pangalan niya.
Ilang sandali lang ay dumating na rin ang adviser namin na siya ring una naming magiging guro sa araw na ito.
Nagsimula na siyang magturo at panay naman ang lingon ko sa tabing upuan sa aking gilid na ngayon ay wala pang tao. Nasaan na kaya yon?
Dumidilim na sa labas, senyales na uulan. Nang paunti- unti nang bumuhos ang ulan ay naisip ko na lang na baka aabsent ngayon si Karl kaya wala pa siya. panay na rin ang hikab ng mga kaklase ko at maging ako ay nakakaramdam na rin ng antok dahil bukod sa malamig na hangin ay napakamalumanay pang magsalita ni ms. Castro kaya tuloy ay para kaming hene- hele para matulog.
Sa kalagitnaan ng klase ay nabigla ang lahat, lalo na ako ng biglang pumasok si Karl sa pintuan na basang basa at may mga putik pa sa kanyang uniporme.
"M-miss Sapu-an, bakit naman basang- basa ka?" Natatarantang tanong ng adviser namin at lumapit pa sa kanya. Napatingin naman ako sa malakas na ulan sa labas at sa dala niyang payong.. Bakit kaya siya nabasa?
Naaawa akong tumingin kay Karl. nakatayo pa rin siya sa harap kahit anong pilit sa kanyang umupo na o magpalit na muna ng damit. Naka- yuko lang siya kung saan siya pumasok kanina at maging ako ay nagtataka kung bakit hindi pa siya umaalis sa pagkakatayo sa harapan gayong lalo lang lumalakas ang pang- aasar ng mga kaklase namin sa kanya.
"Hoy, nerd! Anong arte yan ha?" Hindi ko man lang nilingon ang babaeng nagsabi niyon. Ang tingin ko ay na kay Karl lang sa harap.
"Oo nga. Alis ka dyan! Nag- aaral kami nang mabuti dito oh, Isturbo ka!" Sabi naman ng kung sinong lalaki sa likuran. parang nakikinig talaga kanina ah?
"Nababasa na ang sahig oh! Umuwi ka na lang!" Sabat rin ng kasama niya bago silang magtawanan. Nakitawa rin ang mga kaklase namin at agad namang kumulo ang dugo ko sa inis.
"Class, stop that!" Saway sa kanila ni miss Castro bago muling aluhin si Karl. Napansin kong maging siya ay naiinis na rin sa mga ito pero ano nga naman ba ang magagawa niya? Mayayaman at nagmula sa mga kilalang pamilya ang mga estudyante niya at baka pag- initan pa siya kapag may gawin pa siya bukod sa pagsaway sa mga ito.
"Umupo ka na nga lang don, Karl. Wag mong sirain ang oras ng klase ni miss Castro." Napatingin ako sa banda nila Ayeesha ng magsalita ang Isa sa kanila. Iyong Feliz pala. Napansin ni Guile ang pagtingin ko kaya sinaway niya ang kasama at umiwas ng tingin sakin. hindi ko naman sila pinansin at kumuha na lang ng extrang Tshirt sa bag ko at ang pouch na may laman ng kung anong ginagamit ko.
Tatayo na sana ako ng may bigla na namang sumingit magsalita. "Iyan ang nakukuha ng School na 'to for accepting scholars like that girl. Jeez. Imagine, what would my father say if he finds out that his daughter is around with someone like... her?" Mukhang diring- diri pa siya habang sinasabi 'yon at nakatingin sa kaibigan ko. "Kita niyo naman. She's given the opportunity to study in a prestigious school like this even though they're poor and yet she's acting so ungrateful. Eww. Know your place, nerd."
"Lizzy! that's enough!" Medyo napalakas na ang boses ni miss Castro pero umirap lang ang tinawag niyang Lizzy na mukhang walang pakialam. Mula dito ay rinig ko ang pag- iyak ni Karl sa harap. nakuyom ko ang kamay ko sa sobrang pagkainis. "Send her out miss! or else I will tell my dad that you're not doing your job here!" Nabigla ako sa mataray na pagbabanta nito kay Miss Castro na mukhang nagulat din at nag- aalinlangang tumingin kay Karl. Mukhang susundin nga niya ang sinabi ng babae kaya hindi na ako nag dalawang isip na makialam.
"If you hate being around her that much.. bakit hindi nalang ikaw ang lumipat ng School? Marami pa namang magagandang schools dito dito, diba? Why would you transfer yourself to another elite's school? or if atat na atat ka na talagang malayo sa kaibigan ko, kahit saang school nalang, kahit pa sa Isang public school." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Mukhang natigilan sila lalo na siya sa sinabi ko pero agad din namang nakabawi.
"As if my father would allow me to study in a public school? At Bakit ka ba nakikialam? Nakikipag kaibigan ka sa nerd na yan? I thought you were classy pero wala ka naman palang taste. Hindi porket mas mayaman ka samin ay may karapatan ka nang makialam when you could have just stayed quiet." Mataray na aniya pa.
"Are you def? kakasabi ko nga lang kaibigan ko, bakit ako mananahimik? And oh Lizzy, right? believe me, your father will let you if you no longer have a choice. Your father will let you if you're already too broke to be able to pay for the schools fees and tuition. unless kung kasing talino mo si Karl for you to have a scholarship?" I was hoping she'd catch my drift.
"Impossible. that will never happen." she laughed, nervously. I even saw her gulped and so the corner of my lips lifted, forming into a smudged smile.
"But it will. because I am capable of making it possible." Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakapagsalita. Mukhang namutla siya at ni isa sa kanila ay hindi nakapag react.
I am never fond of using my family's name and power in my own will but I will gladly do it for a friend.
Dala ang Isang tshirt at pouch ay tumayo na ako at lumapit kay Karl. Umiiyak pa rin siya pero hindi na kagaya ng kanina. "Ako na'ng bahala sa kanya, Miss." Tumingin pa muna siya sandali kay Karl bago binaling ang tingin sakin at bahagyang ngumiti at tumango. Alam kong kung hindi lang siya maiipit sa sitwasyon ay siya na mismo ang nagtanggol kay Karl. Ang mahalaga naman ay hindi niya ito pinabayaan mula kanina.
Bago kami lumabas ay nahagip pa ng paningin ko ang pwesto nina Ayeesha. Hindi sila makatingin ng diretso sakin at kung nag aabot man ang mga paningin namin ay agad nila itong iniiwas. hindi ko itatangging hindi ko nagustuhan ang pakikisali ng kasama nila kanina gayung nakakaawa na nga ang lagay ni Karl. gayunpaman ay hindi ako nagagalit sa ganoong kasimpleng bagay.
Hinawakan ko sa kamay si Karl at dinala siya papuntang restroom. mabuti naman ay hinahayaan niya lang ako. Pagkapasok namin ay agad akong kumuha ng wipes sa loob ng pouch ko at inalis ang mga dumikit na putik sa palda niya. "A-ako na." Sabi niya at nagtangka pang agawin ang wipes na hawak ko ngunit naiiwas ko. "Ako na, Karl. para matanggal lahat." Hindi na naman siya nagpumilit at hinayaan na lang ako sa ginagawa.
Sunod ay pinunasan ko ang mukha niya ng malinis kong towel dahil basang- basa ito ng luha. "Ayos ka na ba? Wag ka nang umiyak." Sabi ko nang mapansing paunti- unti paring tumutulo ang mga luha niya. "H-hindi mo na dapat ginawa yon. B-baka dahil sakin may makaaway ka." sagot niya.
"Sanay na naman akong may nakaka away, Karl. Iba na kasi iyong kanina, hindi ko kinayang manahimik lang."
Sandali pa siyang natahimik bago muling nakapagsalita. "Salamat, Theara." Ngayon ay ako naman ang natahimik dahil sa unang pagkakataon ay hindi siya nabulol habang kausap ako. Napangiti ako.
"Wag mong isipin yon. look, here. extrang damit ko yan, suotin mo at baka magkalagnat ka pa." Tinitigan niya lang ito na parang may malalim na iniisip pero ilang sandali lang ay tinanggap niya rin. "Pumasok ko don sa cubicle." turo ko sa cubicle para doon siya magbihis. Agad naman siyang sumunod at pumasok na roon.
Mukhang kami lang ang tao sa loob. Nang makapasok siya ay may biglang pumasok din na isang naka salamin na babae pero agad mong mapapansin ang angking ganda nito. Maiksi ang buhok at singkit na mga mata. Bakit ngayon ko lang siyang nakita?
Sabagay, kahapon lang naman nagsimula ang klase. Naghugas siya ng kamay at nang tumingin siya sa salamin ay nagpang- abot ang aming mga paningin. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako. Iyon lang ang ginawa niya at lumabas na din agad. She looks nice, magaan ang loob ko sa kanya.
Napalingon ako sa pinasukang cubicle ni Karl nang marinig itong bumukas.
"Halika, aayusan kita." Nakangiting Saad ko. wala naman siyang sinabi at sumunod lang sa sinabi ko. Nilagyan ko siya ng kaunting powder sa mukha at tinakpan ng concealer ang ilan niyang visible na pimples at pimple marks. light lang din ang lipstick at maging ang blush na in- apply ko sa kanya kagaya ko ay iyon din ang nakikita kong bagay sa kanya. pagkatapos kong ibrush ang magulo niyang eyebrows ay sinunod ko ring inayos ang buhok niya. Makapal ito at mukhang dating kulot na pina rebond lang. Habang sinusuklay ko siya ay nakaharap siya sa salamin at ako naman ay nasa likuran niya.
"Hayan. You look beautiful, Karl." Napuri ko agad siya matapos ko siyang ayusan pero napayuko lang siya.
"Alam ko, Tiara, sinasabi mo lang yan dahil mabait ka at naaawa ka sakin." malungkot na sabi niya at napabuntong hininga naman ako.
"Look. I am not just saying this out of pity, okay? I do find you beautiful, Karl. you may not see it yet but trust me when I say that you are. You also have a good heart which makes you ten times better than anyone who's looking down on you. So now, you better not let anyone bully you again, understand? learn how to stand up for yourself, as we all should." Nakangiting pangangaral ko sa kanya kahit hindi naman niya nakikita dahil nakayuko pa rin siya.
"P-pero hindi ko kaya. Hindi ako kasing t-tapang mo."
Sagot niya at sandaling napatitig lang ako sa kanya. hindi mapakali ang mata niya kahit sa sahig naman ito nakatuon, panay rin ang kutkot ng daliri niya sa skirt niya na parang may malalim na iniisip.
"I will do It then."
"H-ha?" Ngayon ay nakaangat na ang tingin niya sakin at naguguluhan sa narinig na sinabi ko. napabuntong hininga ulit ako.
"If you cannot yet stand for yourself, then I will, Karl. kahit marami pa akong makaaway, I don't care. Just know that as long as I'm around, I don't allow anyone to harm someone I consider as my friend."
Napatulala siyang nakatingin sakin habang panay na naman ang pag patak ng luha sa kanyang mata. agad naman niya itong pinunasan. mabuti na lang din at water proof ang mga make up na ginagamit ko.
"Tara na nga, baka bumaha na ng luha dito." mabuti naman kahit papano ay natawa siya sa biro ko. Unang beses ko pa lang siyang nakita at narinig na tumawa kahit sandali at masasabi kong mas bagay sa kanya. Mas maganda siya pag ganitong nakangiti siya.
"Thank you, Tiara. Maraming salamat."
Naglakad na kami pabalik ng kwarto at napansin ko agad ang kaba niya kaya hinawakan ko siya sa braso para pagaanin ang kanyang loob. "Don't mind them."
Sabi ko nang pumasok na kami sa loob at lahat sila ay nasa amin ang tingin.
"Good morning, sir." Bati ko sa bagong guro na nagsasalita sa harapan ng klase
"G-good morning, sir Christian." si Karl.
Dumiretso na kami sa upuan namin at umupo doon na parang walang nangyari. Alam kong late na kami para sa second subject namin ngayon pero hindi naman na nagtanong si sir kaya ayos lang. siguro ay may nakapagsabi rin sa kanya sa nangyari kanina.
Ramdam ko ang mga tingin ng aming mga kaklase sa gawi namin at ang obvious na discomfort ni Karl. wala akong emosyon na pinapakita pero sa loob- loob ko ay tumatalon na ako sa tuwa nang makita ang reaksyon nila kanina nang makita ang nakaayos na'ng si Karl.
One thing that I will never tolerate, is girls bringing other girls down just because their own insecurities are talking. Lizzy being pretty doesn't make Karl less prettier, and that applies to everyone. Being physically attractive doesn't give absence to someone else's beauty nor does being so full of yourself will make you ahead of everyone else.