Nang makalabas kami ay agad na lumapit sakin si Kelly at may mahinang tinanong "By the way, how did you find out he's Pinoy that quick? I didn't even notice that he is because he doesn't seem to look like one at just one glance." Aniya pa. Talaga ngang hindi mo aakalaig Pinoy ito hangga't hindi mo pa ito tinititigan nang matagal.
"I can tell because of his accent. Remember, if you can fully understand what a French person is talking about, might as well check his nationality because he might have turned out to be something else than what you thought." I answered. I can understand and speak their language but it's still giving me a hard time understanding the way they speak. Kaya ko rin agad nalamang hindi ito isa sa kanila dahil naintindihan ko agad ito sa unang sinabi pa lang
Before we head back to the hotel may tatlong stores pa kaming dinaanan at isa pang boutique kung saan may mga napamili rin kami. The last place we went to is at the 24 Le Restaurant which is I say a very cozy and artistique; Artistic and unique, place. We just ordered a few of their best sellers and I feel like I just have to say this: I've NEVER seen Kelly so happy like this. Ever. It melted my heart everytime she smiles at me because I know I am the one who's making her this happy..
It's past five o'clock when we returned to the hotel and both of us are exhausted yet fulfilled. I know I've already made her happy enough this day, but I can't help but to feel guilty thinking that I'd be living her again tomorrow. All alone here.
Kelly seems to be very tired so she instantly passed out as soon as she laid herself on her bed. I did the same right after I changed my clothes. At first I wanted to wake her up to change as well but I changed my mind and let her have the rest she needs.
"Good night, Kells." I whispered right before I closed my eyes
I knew if I weak her up now, she'll just think about me leaving tomorrow and it will for sure sadden her and I would not let that happened. Not now that even in her sleep, there's a little smile on her face.
****
Hindi pa man nakakasikat ang araw pero gumising na ako. Paggising ko ay natutulog pa rin si Kelly kaya pinaghanda ko na muna siya ng almusal pero nang matapos ay hindi pa rin siya nagising ay naglinis na rin ako ng mga kalat-kalat dito sa loob. Pinapanood ko lang siyang matulog at sadyang napakalim nito at napapahilik pa nga siya.
She's always like this. Even if she slept early the other day she'd still get drowned to sleep especially when she's too tired. Her body is so weak that she needs to get back the energy that she had lost through sleeping or staying at home.
Naligo nalang muna ako at baka pagkatapos ko ay magigising na rin siya pero hindi. Kahit nang natapos ako ay malalim pa rin ang pagkakatulog niya. Naghintay pa ako nang isang oras at nang mag aalas onse na ay sinubukan ko na lang siyang gisingin. Ang kailangan lang naman ay makapagpaalam ako sa kanya bago ako umalis. Alas dose ang flight ko at hindi na ako nagpumilit na magpahatid sa private plane dahil magiging abala lang iyon.
11:56 na at 12:30 ang alis ng eroplanong sasakyan ko. Matagal akong napatigil sa kanya bago napabuntong hininga. Siguro kaya hindi pa siya nagigising ay dahil ayaw ng pagkakataon na gisingin lang siya para maalalang ngayon na pala ang alis ko. Siguro mas mabuti nang hayaan ko nalang siya. Ayaw ko ring makita siyang malungkot pag aalis na ako.. pinipiga niyon ang puso ko.
Ang ginawa ko ay nag- iwan ako ng isang papel na may sulat na umalis na ako. Nakasulat din doon ang paghinga ko ng pasensya dahil hindi na ako nakapagpaalam at ang habiling mag-iingat siya. I love her so much..
I made sure that everything inside is in the right condition before I exit the room. Nag taxi nalang ako dahil nauna nang umuwi ang mga nagbabantay sakin kanina nang sabihin kong mag eeconomy nalang ako. Hindi naman sila mula sa Pilipinas at dito lang sila sa country kaya ako lang ang uuwi.
Right after the flight, alas kwatro palang ng hapon nang dumating ako. Buong byahe ay malungkot lang ako sa kakaisip kay Kelly. I know she'll be fine but for sure not happy. Gusto kong ilihis ang iniisip ko at total ay nagugutom na rin naman ako kaya dumaan na muna ako sa isang restaurant para kumain. I've been eyeing this place for quite some weeks now. Malayo- layo pa rito ang bahay at hindi na ako makapag-antay na roon pa kumain ngayong gutom na gutom na ako. Hindi ako nakakain nang maayos sa byahe sa kakaisip ko kay Kelly. Anyway nakatawag na rin pala ako sa bahay na pauwi na ako. Hindi na rin galit si tita pero nakakalungkot lang dahil wala pa rin akong naririnig tungkol kay Ena. Nalungkot kaya yon nang wala ako? Pero baka nga maski s apag alis ko walang kaalam-alam yon e.
As soon as I entered the resto, nanuot agad ng mababangong pagkain ang pang amoy ko. It's like I can already taste it just by smelling its delightful aroma. The place is called 'The happiest place' I don't know why they named it that but the place looks decent naman and it's basically a buffet.
Wala akong balak na kumain nang marami, basta't mapawi lang talaga ang gutom ko. Naintriga rin ako sa pangalan ng lugar kaya napagpasyahan kong dito nalang kumain. Pagpasok ko sa loob ay napaka elegante pala ng lugar. Makikita rin ang mga chef na nagluluto at gumagawa ng pagkain kaya alam mong quality ito at malinis. Not only that, very cozy din ng lugar. Tiyak na mapapabalik ako pag nasarapan ako sa mga pagkain dito.
Nagsimula na akong kumuha ng mga pagkain pagkatapos makapili ng upuan at doon iniwan ang mga paperbags na dala. Maraming available sa menu nila, maging ang ibat ibang uri ng cheese ay meron at Italian bread and butter.
Sa una kong plato ay mga meat for samgyup mamaya and seafoods like grilled oysters with cheese, at shrimps ang nilagay ko. Sumunod ay pumunta ako sa salad station at pumili roon ng gusto kong salad at dressings. May mga tempura, halo-halo, ice cream at dessert cakes din akong kinuha. Panghuli ay mga pastries.
"Wow." I know Halo-halo is supposed to be for dessert later but I can't help but to eat it now. I savor the taste of it in my mouth as the ice slowly melted inside with all the flavour it has. I never had the chance to eat one of these during my childhood. I bet the younger me would be happy to have and try this.
After trying the halo-halo, I grilled the meat and paired it with the lettuce and other side dishes to eat. I'm also amazed at how fresh the seafood is here, especially the shrimp! Halos maubos ko rin ang mga kinuhang oysters kahit ito naman ang pinaka marami sa kinuha ko. Nang maubos ko na lahat ng ito at tanging mga desserts na lang ang natira ay doon ko lang napagtantong hindi nga pala ako nakakuha ng maiinom.
Tumayo na ako at lumapit kung saan merong iba't ibang flavor ng juice. Nang may makitang blue lemonade doon ay iyon agad ang pinili ko. Bumalik na agad ako sa table ko at pinagpatuloy na ang pagkain, mostly ay desserts na lang. Sa dami ng kinain ko na ay mukhang hindi ko kakayanin pang mag round two. Busog na agad ako.
In the middle of enjoying my strawberry jam cake, I almost spit the food out of my mouth as soon as I saw a very familiar figure walking inside through the glass door.
Kairous!
..With Eunice by his side.
Nakakapit ito sa kanyang braso na para bang takot na takot na mawala ito. Hindi ko namalayan na hanggang sa tuluyan silang makapasok ay doon na lang ako nakatingin. Para hindi mapahiya 'pag nahuli nila ay iniwas ko na agad ang tingin at binaling na lang sa pag- ubos ng mga natira ko pang pagkain. I should go now. Bigla akong napagod na ewan.
Nabigla pa ako ng pumwesto sila malapit sa table ko kaya hindi ko napigilang mapatingin sa kanila. Nagkatinginan kami ni Kai at ang awkward lang dahil wala sa kasama ang tingin niya na halatang nagsasalita kundi nasa akin.
May iilang desserts pa akong natitira pero hindi ko magawang magalaw ang mga ito dahil sa ganiyang titig niya sakin. Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan si kuya Ismael para magpasundo mamaya. Sinubukan kong ubusin ang mga tirang cake, ice cream at iba pa dahil buffet nga ito at masasayang lang.
Alam kong napatingin sila sakin nang tumayo ako, lalo na si Kai pero naglakad ako na hindi nagpapaapekto sa mga presensya nila. dahil hindi naman talaga.
Pumasok ako ng wash room at naghugas ng kamay. Nag retouch din ng kaunti dahil napagpawisan ako sa ginawa kong pagshopping kanina. Inilugay ko ang buhok ko na kanina ay nakatali sa Isang bun, tuloy ay kitang-kita ang mahaba at straight na itim kong buhok. Tinitigan ko ang repleksyon sa salamin at tila nawala na iyong saya na naramdaman ko kanina. Nagkamali ang buong DIS nang isipin nilang walang relasyon ang dalawa. Dahil narito ako ngayon at ako mismo ang nakakita kung gaano sila ka sweet sa isa't-Isa.
Ilang sandali ay lumabas na ako ng wash room pero laking gulat ko ng may biglang humila sakin! Tinakpan nito ang bibig ko para hindi ako makasigaw pero nagpumiglas pa rin ako. literal na nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ang humila sakin. Ang walanghiya!
Tiningnan ko kung nasaan kami at mas nanlaki ang mata ko nang makitang nasa men's restroom kami! walang ibang tao sa loob at naka sarado rin ang pinto. Alam ko dahil dito niya ako mismo isinandal habang nakaharap sa kanya. Ang Isang kamay niya ay nakatakip sa bibig ko at ang isa ay nakahawak sa dalawang kamay ko na nakasabit sa ibabaw ng ulo ko!
"Shhh. calm down, wala akong gagawin sayo, okay? kapag sumigaw ka talaga dyan, hahalikan kita."
Dahan dahan niyang inalis sa bibig ko ang kamay niya at binitiwan ang hawak sa dalawa kong kamay.
"Are you nuts?! Kasama mo ang girlfriend mo tapos manghihila ka ng ibang babae? At sa banyo?! Ang pervert mo rin, 'no?!"
"H-hey! Since when did I harass you? I haven't even touched you yet, ngayon lang!" Gulat na gulat pa siya na para namang iyon hindi totoo
"Palagi! Basta! walang normal na lalaki ang nanghihila nalang basta ng babae sa ganitong lugar! well, unless he's a pervert!"
"Ano ba?! wala nga akong gagawin sayo! Hindi ako manyak!"
"Then why did you bring me here?!""
"B-baka kasi makita tayo ni Eunice." Mas mahina nang aniya
"Ha! At may balak ka pa talagang gawin akong kabit 'no?!" I can't believe this is happening!
"Ang ingay mo! hindi ko siya girlfriend!" Muli niyang singhal
"E ano pala kayo? mag- ama?! Do you think I'm stupid? tabi!" Tinabig ko siya pero hindi man lang siya natinag
Sumasakit na ang lalamunan ko sa kakasigaw pero ito siya at parang isang bato na hindi nagpapatinag sa kung ano. Hindi rin mapakali ang itsura niya pero wala akong pakialam dahil mali ito!
"Teka, napag-utusan lang akong samahan siya, okay? Sinamahan ko siyang mag shopping at nagutom kami kaya nandito kami."
Mas huminahon na siya pero mas nainis lang ako dahil parang ang dating e nag eexplain siya sakin. As if I care? I don't even give a damn to them! well, not until now!
"I don't care. tumabi ka nga! kung hindi ay sisigaw ako ngayon dito!"
Pagbabanta ko pa pero natigilan lang siya at mukhang may biglang naalala kaya natauhan. Unti-unti siyang ngumisi. what the hell?!
"What?" Mataray na tanong ko. Mas nagmukha na siyang manyakis kaya kailangan ko na talagang makalabas dito!
"Go ahead, miss. sumigaw ka. but I'm telling you, ginagawa ko ang mga nasabi ko na."
I don't get it. What is he talking about? Binabantaan niya ba ako? Siya pa ang may ganang mangbanta ngayon? Sisigaw na sana ako nang bigla niya akong muling itapat sa pinto at..
dug-dug..
dug-dug..
dug-dug..
Hinalikan niya ako!
He kissed me. It seems that he's just pressing his lips on mine because it's not even moving but,
t-tang-i-na....
Parang biglang nawala lahat ng lakas at tapang ko kanina. Nanlalambot ang tuhod ko at hindi ko alam kung anong irereact ko sa ginagawa niya. Itutulak ko ba siya? Sisipain? O sasapakin? alam kong baka naghihintay lang din siya na may gawin ako pero among all those thoughts running through my head, I just let him continue kissing me.
When I thought that he was done and he just pressed it against mine, my eyes widened when I started to feel his lips moving on mine. Maybe because I remained doing nothing so he thought it was okay for me. I can feel his soft lips on mine, moving so gently. His eyes were shut closed so my eyes could freely roam around his face. I wasn't responding to his kisses but I sure am liking the feeling that it's giving me. It might sound wrong but the feeling of it.. oh it feels so right..
His kisses tasted so good and I once again felt the tingling sensation that I once had inside my stomach
My very first kiss... I gave it to someone I just knew last week.
Pagkatapos ng ilang sandali ay tumigil na siya. Alam kong dapat ay magalit ako sa ginawa niya. dapat ko siyang sigawan at mas lalong dapat na umalis na ako rito pero bakit parang mas nanghinayang pa ako nang tumigil siya?
I must admit... The feeling was new to me. Not only that he kissed me but he'd also made me feel these unfamiliar feelings that I can't seem to name. My stomach felt weird, it's like thousands of butterflies were in there, dancing. hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam no'n at magsi- sinungaling ako pag sinabi kong magagalit ako pag inulit niya pa iyon.
Nang dahan- dahan kong imulat ang mata ay naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Malalalim ang aming paghinga habang mataman na nakatingin sa mata ng isat- isa. Parang bigla akong nahiya. Kakakain ko lang kanina. The worst part is kumain din ako ng mga seafoods at hindi imposibling nalasahan niya 'yon!
Nakasandal parin ako sa pinto at nandoon parin ang kamay niya sa gilid ng mukha ko na nakaabot sa pader. Alam kong mali ito dahil nasa labas lang at naghihintay ang girlfriend niya pero wala akong ginagawa. Ngayon ay parang gusto ko nalang maniwala na hindi talaga sila.
Kung sana ay totoo nalang na hindi talaga sila..
Parang natauhan naman ako dahil sa naisip kaya bahagya ko siyang naitulak. Nagulat siya sa ginawa ko pero nagmadali na akong lumabas na doon. Mabilis akong naglakad patungo sa table ko. Nakita kong may kausap sa phone si Eunice at mukang hindi naman niya ako napansin. Mabuti nalang din at hindi na ako sinundan ng lalaki.
Sana ay hindi ko na muna siya makita.
Kinuha ko agad ang mga gamit ko at binayaran ayon sa patakaran nila kung sakaling hindi ko maubos ang mga kinuha kong pagkain. Paglingon ko ay nakita ko pa ang lalaki na kakalabas lang ng restroom. Nagkatinginan kami at pakiramdam ko ay may kung ano kaming ginawa roon!