Chapter 11

Naku, ang init mo nga! Ano bang ginawa mo at nagkalagnat ka, ha?? Naku, tiyak magagalit ang Papa mo nito. Baka akalain non pinapabayaan kita dito!" Alalang- alala si tita habang panay ang hawak sa noo ko.

Nasa kwarto ako ngayon at inaapoy ng lagnat. Pina- off ko na rin ang aircon pero giniginaw pa rin ako.

Kakapasok lang ni tita at nilapitan niya agad ako at hinawakan sa noo. kasunod niyang pumasok si Ena na alam kong siyang nagpaalam sa kanya.

"Ayos lang ako, tita. wag nyo na pong ipaalam kay Papa, please." Hirap kong sinabi iyon.

"Anong ayos? e mukhang may sariling winter season ka dyan sa panginginig eh! Naku Tiara, ipapaadmit kita!"

"Ma! Huminahon ka, lagnat lang yan. Siguro dala lang yan ng pagod kahapon."

"Basta! Iba na ang naniniguro. Hindi pwedeng magkasakit ang pinsan mo, naiintidihan mo ba?! papatayin ako ni kuya pag hindi ko pina ospital ang anak niyang may lagnat!"

"Ay naku ma, ang OA."

Sa huli ay sumuko na rin siya sa pakikipagtalo sa Ina dahil mukang buo na ang desisyon nitong ipaadmit ako. Sa kabila ng sitwasyon ko ay nagawa ko pang tumawa sa sarili. Kagabi lang ay sinabi kong parang wala akong ganang pumasok ngayon pero nasabi ko lang naman yon at hindi ako seryoso don kaya bakit naman tinotoo?? tuloy ay first absent ko to.

Hindi naman siguro to tungkol sa kagabi diba?

"Ako na ang bahalang magsabi sa adviser mo. pagaling ka, ha? Pupuntahan kita mamaya."

Paalam ni Ena bago na umalis at pumasok. Naiinggit tuloy ako, parang gusto ko na lang ding pumasok..

"Hello, daddy?.. kasi itong si Tiara, inaapoy ng lagnat kaya ipapaadmit ko na. Ano?... Ah Oo, mataas. hindi na nga nagsasalita dahil sa panginginig kaya nga kinakabahan na ako.....ewan. paggising ata may lagnat na e. ...sige sige, doon ka na lang dumiretso mamaya, ah?.. okay bye."

Napabuntong Hininga nalang ako sa narinig na pag- uusap. sigurado akong

si tito iyong kausap ni tita at pinaalam na ang lagay ko. Nasa ilalim na ako ng makakapal na kumot pero giniginaw pa rin ako. ang tanging rason ko lang naman kung bakit hindi na ako nagsasalita ay dahil wala naman akong makausap! Si tita nalang ang nandito pero parang kausap lang naman niya ang sarili habang nag-aalala sa lagay ko!

"Ma'am ito na po ang gamot at pagkain."

Umayos na ako ng upo nang dumating si Manang Beth dala ang Isang plato na may kanin at ulam na puro gulay tsaka gamot para sa lagnat at isang basong tubig. Baka gumaling na ako dito at hindi na kailangan pang ipaadmit.

"Kaya mo bang kumain?"

Ngayon ay medyo huminahon na ang boses ni tita.

Nilapag ni manang ang pagkain sa harap ko na nakapatong na sa breakfast table na dala. "Kaya ko, tita." kahit walang gana ay kumain pa rin ako.

"Mabuti pa manang, tulungan mo muna ako dito. ihanda natin ang mga dadalhing gamit ni Tiara sa hospital." Baling nito kay manang na agad naman nutong sinunod. Habang kumakain ako ay abala silang inilalagay ang mga damit ko sa isang bag. Pinapanood ko sila at parang pang isang linggohang damit ko na ang mga yan.

Ang sama nga ata talaga ng pakiramdam ko dahil umiikot na lang bigla ang paningin ko pag biglaan akong bumabangon, giniginaw pa rin ako kahit naka off naman ang aircon, at ang malala pa ay nawala na rin yata lahat ng takaw ko sa katawan. wala akong malasahan sa kinakain ko.

Pagkadating namin ng hospital ay pinaadmit nga ako ni tita. Kumuha siya ng isang private room para sa akin at kakatapos lang akong matingnan ng doctor at malagyan ng dextrose. Mamaya lang din ay magpapakuha ako ng dugo para makasiguro. nag- aalala kasi si tita na baka kung ano na to at hindi isang simpleng lagnat lang.

"Rest your hand lang miss, sandali lang 'to." Malumanay na wika ng nurse. hindi ako takot sa karayom pero dahil nakahiga lang ako ay nagiging mabigat ang kamay ko nang hindi ko namamalayan.

Pinanood kong mabuti ang pagpasok ng maliit na karayom sa balat ko.

ilang beses ko nang napapanood 'to pero hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa t'wing dahan-dahan nitong hinihigip ang dugo sa ugat ko.

"All done. Babalik na lang ako mamaya para icheck ang lagay mo."

Nakangiting aniya ulit nito bago lumabas at umalis. Nakabantay lang sa tabi ko si tita na mayat- maya ang tanong kung kumusta na ang pakiramdam ko. Nang mabagot ay pumikit ako para makatulog.

Nang magising ako ay agad kong napansin ang mga prutas na nasa mesa. wala ito doon kanina kaya nang makita ko si Manang na mahimbing na natutulog sa sofa ay naisip kong siya baka ang may dala ng mga ito. samantalang nasa tabi ko pa rin si tita habang nakapatong ang kanyang ulo sa hinihigaan kong kama. mukhang tulog rin siya.

Naramdaman niya siguro ang paggalaw ko kaya umangat ang tingin niya sakin. "Bakit, may masakit ba sayo?" Nagsimula na naman siyang mag- alala. Napangiti lang ako at umiling. Yes, my tita loves me this much.

Umayos siya ng upo at nagkusot ng mata. "Nagugutom ka na ba? anong gusto mong kainin?" Itinuro ko iyong mga prutas sa mesa. Kumuha siya ng isang mansanas, saging, at ilang strawberries doon at agad niya iyong binigay sa akin, liban sa mansanas na sinimulan niyang balatan.

"Nasabi ko na sa Daddy mo ang lagay mo." Nagsimula siyang magsalita kaya agad na napatingin ako sa kanya pero natawa lang siya. "Don't worry. sinabi ko namang maayos ka na at hindi kita pinapabayaan dito. here, have some apples."

Inabot ko ang ngayon ay nabalatan na at hati- hati ng mansanas.

"Thank you, tita. for everything." Senserong sabi ko. Totoong hindi niya talaga ako pinapabayaan dahil mula kanina ay narito lang siya at hindi umaalis sa tabi ko. Mataman niya akong tinitigan nang sabihin ko yon.

"Oh Tiara.. ikaw lang ang kaisa- isang pamangkin ko. I know how broken my brother has been after losing his wife... your mother, but he chose to be strong for you.. you are his only reason to live, Tiara, so of course I will take care of you. kayo ni Ena ang pinaka importante para sa amin."

Hindi ko alam kung bakit biglang naging emosyonal si tita pero niyakap ko nalang siya. simpleng bagay lang pero alam kong makakapag pagaan ng nararamdaman niya.

Ilang oras lang din ay dumating si tito para kamustahin ang lagay ko. Sinabi ko sa kanyang simpleng lagnat lang naman 'to kaya wag na siyang mag-alala. Sandali lang siya dahil marami pa siyang mga meetings na aatendan lalo na't lunes ngayon at tambak siya ng gagawin.

Nang maghapon ay binisita din ako ni Ena kasama sina Aya at Jean kaya natuwa ako, mukang may dala din silang mga pagkain kaya mas natuwa pa ako.

"Hi, cousin! How are you feeling?"

bungad sakin ni Ena pagkapasok ng kwarto. Lumapit muna siya kay tita para magbeso, ganon din ang ginawa ng dalawa.

"Hi po, tita."

Unang bumati si Jean.

"Good afternoon po, tita!"

Masiglang bati rin ni Aya.

"Good afternoon din sa Inyo. Tapos na ba ang klase? Ang aga niyo namang na dismiss."

"Ah actually po tita may last subject pa po kami. hindi lang po talaga matiis ni Serena ang pinsan niya."

Si Jean, mukhang tinutukso si Ena.

"Ugh! I was just bored. ang boring naman kasi ng mga prof namin kaya inaya ko na sila. baka mag feeling ka naman agad diyan." tukoy nito sakin. Oy. defensive, halatang totoo wahaha!

"Ena? ikaw na muna ang bahala sa pinsan mo, okay? Uuwi muna ako sa bahay."

"Yeah ofcourse, mommy. Isama niyo na rin si Yaya para maka rest siya doon ng maayos."

Tumango lang si tita at bumaling sakin. "Sandali lang ako kaya wag kang aalis ng kwarto mo, maliwanag?"

"Tita, ang creepy naman po ata pag nagpalakad- lakad ako sa labas while naka dextrose." Pagbibiro ko.

Nabigla ako nang pisilin niya ako sa tenga. aray ko!

"May sakit ka na nga at naka dextrose, nagagawa mo pang mag biro!"

"Hindi na po!" Parang batang usal ko

habang nakahawak sa pinisil na tenga ko. alam kong namumula na 'to ngayon. grabe si tita, hindi na mabiro!

Tiningnan ko nang masama ang tatlong tatawa- tawa na ngayon sa gilid ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay umalis na rin si tita kasama si manang kaya agad na nagsilapit sa akin ang tatlo.

"I always believed na ang pinsan ni Ena ay mayroong strong personality, mataray raw kasi ito, so I'm surprised to witness this other side of yours. kumusta na ang pakiramdam mo?"nakakapanibago at si Jean ang unang nagsalita.

"Feeling ko, ayos na naman ako. Nahihilo nga lang pag tumatayo para mag restroom." Hindi ko na pinansin ang unang sinabi niya dahil isa lang yon sa mga misconceptions sakin ng iba.

"Naku Tiara," Paninimula ni Aya sa sasabihin, sa wakas ay nagsalita na rin siya dahil siya talaga ang ipapaadmit ko pag nagtuloy siyang manahimik lang dyan.

"kahit saan ako magpunta kanina, pangalan mo ang lagi kong naririnig. Hay. Ikaw na talaga!" grabe. akala ko naman kakamustahin din niya ang lagay ko.

"Yeah. Ako na talaga ang na admit."

Sarkastikong sagot ko.

"Sus! If I know, ikaw ang nagchismis sa lahat na nandito sa hospital si Tiara Ni hindi mo man lang kinompleto, tuloy ay usap- usapan sa buong campus na kinidnap at muntik na siyang ma rape kaya siya naospital!" si Jean

"What the hell?" gulat akong lumingon kay Aya.

"At saan mo namang narinig yan?!" Asik niya sa kaibigan.

"Really, Aya? Okay. Let's ask Serena then. siguradong narinig na rin niya yun."

Bumaling ako kay Ena at nagkibit balikan lang ito.

"Um.. Tiara, ganto kasi yon. pinagsabi ko lang namang nasa hospital ka para alam nila at kaya alam ko ay dahil friends tayo. Pero wala akong masamang intensyon, I swear! Hindi ako ang nagapakalat nun."

Pagpapaliwanag niya. Itinaas pa niya ang kanang kamay na parang nanunumpa. Sabagay, kahit si Ena nga ay mukhang hindi rin apektado. Masyado na kaming nasanay sa mga issues na yan para magreact pa ako ngayon.

"Alam mo kasi, Tiara, may kumakalat na balita sa campus na may kumukuha raw ng mga kababaihan. Naalala mo si Vanessa, Ena? yung nabalitang nagtanan last year? Well, it turned out nawawala lang talaga siya. Hindi siya nagtanan kundi nakidnap."

"True! Bago raw yun ay may dalawa pang naunang kaso na hindi pa rin nasosolve. Hindi ma trace ng mga authorities ang suspect kaya laging nalulubog sa limot ang issue." patuloy ni Aya.

"We all should be careful. Especially you, T. Bago ka pa naman sa school. I've heard about the cases at lahat ng mga nabikta has two similarities in them; magaganda at mayayaman."

seryosong- seryoso si Ena.

"Posible bang kidnap for ransom?"

I asked

"I doubt that. Kung pera ang gusto nila, they should have asked a long time ago. Yung mga naunang biktima kasi ay taon nang nawawala. Grr. kinikilabutan ako." Ani Jean.

"Talaga. but you know kung ano pa ang nakakaintriga? lahat ng mga nawawala, may mga issues ng bullying at kilala bilang mga bullies. Is it possible na yung mga nabibiktima nila ang gumawa sa kanila nun?"

Hindi ko alam kung saan yun kinuha ni Aya at hindi ko rin alam kung bakit bigla sumagi sa isip ko si Karl. Kapag bullying talaga ang nagiging topic, siya agad ang naiisip ko.

"Whoever it is, probably a psycho."

Ena commented.

"Anyway, ano pala iyang dala niyo?" Iniba ko nalang ang topic bago pa kami magkatakutan dito.

napatingin sila sa mga dala at mukhabyg may naalala. "Nag drive thru kami kanina-" muntik pa ata nilang makalimutan.

"Pahingi!"

Mabilis nilang kinuha iyon at isa-isang inilabas sa plastic. tumambad sa akin ang ibat ibang pagkain gaya ng fries, burger, apple pie, supermeal na ang iba ay patty at mayroon ding chicken at ang huli ay....  Gatorade?

Napatingin ako sa kanila ng walang may nakitang sundae o kahit coke man lang don kundi ay gatorade.

"Mom told me na hindi ka pakainin o painumin ng malamig kaya gatorade ka lang muna." Si Ena. napansin niya siguro ang reaksyon ko kaya inunahan na niya.

"E mukha ring malamig yan ah?"

turo ko doon sa dala nilang gatorade.

"Psh. kakain ka pa naman, mamaya ay hindi na malamig yan."

Napangisi siya sa reaksyon ko.

"Atleast kahit papano healthy ang inumin mo diba?" humalakhak siya matapos akong makitang nakangiwing nakatingin sa mga dala nila.

Ang dami niya talagang alam. Nagsimula na lang akong kumain at hindi na nagreklamo pa dahil baka bawiin pa nila.

Kinuha nila ang mahabang mesa na nasa sulok at doon naglagay sila ng tatlong upuan at pumwesto habang ako ay nasa kama lang pero nasa gilid ko lang naman sila kaya nag-uusap parin kami.

"Oh hinay- hinay lang, baka pag balik mo ng campus 60kg na ang timbang mo nyan." si Aya nang mapansin ang bilis kong kumain

"Okay lang, nay nakapagsabi kasi sakin na maganda pa rin naman ako kahit na tumaba ako." sagot ko. biglang sumagi sa isip ko ang lalaking yon, si Kairous. Alam kaya non na naospital ako?

Ah, teka. Ano nga naman ang pakialam niya sakin, di ba?