Chapter 10

Kinabukasan ay napag planohan naming mag beach total ay sunday naman. Kaya pagkatapos naming magsimba ay inayos na namin ang mga dadalhin naming gamit at mga pagkain bago nag byahe patungo sa pinagmamalaki ni Ena na mala paraisong resort na tatlong oras ang layo mula sa bahay.

As usual ay si tito ang nagmaneho (nakasanayan na niyang hindi pumasok kapag linggo simula nang dumating ako) katabi niya ay si tita habang nasa likuran naman kami ni Ena na parehong mukhang handang- handa nang umalis. Nakasuot lang ng hawaiian polo si tito pares ang katerno nitong shorts habang si tita naman ay isang simpleng summer dress lang. kami lang naman nito ni Serena ang maraming arte sa katawan.

Kung titingnan ang suot namin ay mukha lang itong simpling beach outfit dahil sa ngayon ay pareho pa kaming naka puting tshirt at maong shorts pero wag kayo dahil naka bikini na yan sa loob.

18 na naman ako kaya pwede na akong mag bikini. Hindi naman masyadong revealing ang napili ko ewan ko na lang sa Isang ito.

"Wow.." agad akong namangha sa ganda ng buong lugar. Napakaganda at ang aliwalas ng lugar. Tiningnan ko ang malawak na karagatan na nasa harapan ko, Serena's right. This place is indeed a paradise.

Tulong- tulong kami sa pagdadala ng mga gamit namin dahil ililipat namin ang mga ito sa nirentahang cottage. Si tito ang nagbitbit ng dalawang folding chair na para sa kanila ni tita. Mga pagkain naman ang dala ni tita habang ako ay pinili kong unahin ang cooler. Magkasama kaming naglalakad ni Ena at ang bitbit naman niya ay ang mga dala naming bag na naglalaman ng mga damit pampalit namin. Bumalik pa kami matapos naming mailagay ang mga ito dahil marami pa ang naiwan doon sa van na karamihan ay mga pagkain.

Pagkatapos naming maayos ang lahat ay nagmadali na kaming magbihis sa nakita naming Cr. Suot-suot na rin naman namin ang mga bikini namin at kailangan nalang hubarin ang pantaas namin at suot na short.

Matapos yon ay bumalik muna kami sa cottage at iniwan na doon ang mga hinubad naming damit. Sunod ay susulong na kami sa dagat pero bago iyon ay nagpicture taking muna kami at halos lahat ng pictures namin ay ako ang nakahawak sa camera. Mabuti daw iyon para makapag posing pa siya ng maganda at maayos

"Ena, picturan kita ron."

Matapos ng usapan namin kahapon ay balik na kami sa dati na parang wala lang nangyari. Casual na ulit ang lahat samin kagaya ng kung ano ang gusto ko.

Una ko siyang kinuhaan ng mga pictures at dahil siya 'yan, halos inabot kami ng sampung minuto bago niya nagustuhan ang kuha ko sa kanya. Hinayaan ko nalang dahil baka iyakan pa niya ako rito. Sumunod ay ako naman ang pinicturan niya. Hindi gaya ng sa kanya ay ilang click lang, palit ng posing, lipat ng anggulo at view ay ayos na dahil wala naman ako ng balak ipost ang mga ito. Ilalagay ko ito sa bagong batch ng photo album na gagawin ko habang narito ako sa bansa.

Pinakita niya sakin ang mga nakuha niya at kahit hindi klaro ang pagkakakuha ng iba ay ayos na para sakin. For memories lang naman 'to.

Naka black na bikini pala ako pero hindi ko na hinubad ang shorts ko kanina. May pa chain na design pa ito sa gilid kaya kahit pinares lang sa shorts ay maganda parin tignan. kaunti lang naman ang mga tao dito pero iba pala talaga kapag first time mong magsuot ng ganito. Mahihiya ka talaga ng bongga. Nasapiaan ata ng mabuting espirito ang pinsan ko at ganoon din ang ginawa niya. Naka suot lang din siya ng yello na top bikini at hindi na rin hinubad ang shorts niya kanina pero dati ko na naman siyang nakikitang naka suot ng bikini, kahit sa ilang mga pictures niya sa Instagram.

"Come here, T. picture tayo. Iistory ko 'to sa Insta."

Lumapit ako at ngumiti nang iclick na niya ang camera. Pinakita niya sakin ang kuha namin at maganda naman kaya nang tanungin niya ako kung ayos na ba yon pang story ay tumango na agad ako. Inopen ko rin ang phone ko at nakita ang tinag niya sa'king story ngayon- ngayon lang.

Sandali ko ring kinuhaan ng video ang dagat na nasa harap namin at iyon naman ang inistory ko. Rinig sa video ang huni ng alon sa dagat.

'Oh to be as free as the ocean..'

Tinype ko bago ito inistory.

Naligo na kami sa dagat at iniwan nalang doon sa kanina ay inuupuan naming buhangin ang mga cellphone namin kasama ang aming tsenelas. tinakpan ko ng towel ang mga iyon kahit wala naman akong nakikitang ibang tao sa gawi namin.

Nag sabuyan kami ng tubig sa dagat, paunahan sa paglangoy at nag habulan sa dalampasigan. Dalawa lang kami ni Ena ang magkasamang ginagawa ang mga ito pero pakiramdam ko ay maraming puwang sa loob ko ang napunan dahil sa simple ngunit masayang araw na 'to.

Mula rito ay tanaw namin ang parehong nakaupo sa dalawang folding chair na si tito at tita. Halatang umiinom sila habang nag-uusap at nanonood sa amin.

Tatawa-tawa kami nang lumapit sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya inaya ko siyang kumain muna kami. Halata naman kung sino sa aming dalawa ang palaging gutom at ang parang hindi nakakaramdam ng gutom.

"Oh pagod na kayo agad?" Naitanong sa amin ni tita nang makalapit kami sa pwesto nila.

"As usual mommy, may nagutom agad." Pagpaparinig agad ni Serena na may kasama pang pag iling na parang kasalanan iyon.

"Halina kayo, kumain na tayo."" Inaya na kami ni tito. hinintay muna niyang makatayo si tita bago kami naglakad pagbalik sa aming cottage.

Agad naman kaming binigyan ng paper plates ni tita kaya isa-isa na akong kumuha ng mga kakainin ko. Hindi ako nakapag almusal bago kami magsimba at umalis papunta rito kaya ramdam na ramdam ko na talaga ang gutom ko.

Una kong kinuha ang nakakatakam na chicken adobo na niluto ni tita, at kaunti pa sa iilang mga dala naming pagkain at syempre, iyong kanin. Kinuha ko rin ang tumbler ko na may lamang blue lemonade na ipinabaon sakin ni tita kanina, tuloy ay mas lalo akong natakam sa mga niluto ni tita pero bago kumain ay nagpray muna kami at si tita ang palaging nag le- lead niyon.

Matapos kumuha ay sabay- sabay na kaming kumain. Tiningnan ko ang plato ni Ena at nahiya sa kinuha niyang talagang iyong bread rolls lang. Nag-uusap kami habang kumakain at natatawa rin kapag may ikinikwento kami pareho tungkol sa ibat-ibang mga bagay.

Kinakamay ko pa ang adobo kapag nahihirapan akong gamitan ito ng kutsara't tinidor at nakita kong ganon din naman si tita at tito, at maging si Ena. Pinanood ko kung paano siyang tumatawa habang kumakain. Sa Ilang araw ko sa campus ay nalaman ko kung paanong ang tingin ng mga tao roon sa kanya ay maarte, mataray at ang iba pa ay malandi raw siya.. pero kung may mga tao mang totoong nakakakilala sa kanya ay kami yon.

At masasabi namin kung gaano siya kabait, kasweet at kabuting tao at lalo na bilang pinsan sa akin. Hindi ko makita-kita kung saan nanggagaling ang mga panghuhusga nila sa babaeng 'to. siguro ay dahil hindi nila siya lubusang kilala at kung ano lang ang sandaling nakikita at naririnig nila, iyon lang ang pinaniniwalaan nila.

Inaamin ko may attitude naman talaga siya. Hindi namamansin kung hindi kakilala at mahilig mantrip ng iba, pero bagama't ganon ay hindi iyon sapat na basehan para sabihing masama siyang tao.

Mula noong bata pa lang kami, itinanim na sa mga isip namin ng aming mga magulang na kahit gaano pa kami nakakaangat sa buhay ay ang mga paa namin ay kailangang nakasayad pa rin sa lupa. kaya kung nakikita niyo kami ngayon ay makikita niyong isa lang din kaming simpleng pamilya, na ang totoong yaman ay hindi ang aming pera, mga ari- arian o negosyo, kundi ang isat-isa.

"Tiara, bakit nga pala ang pinili mong course ay nursing? hindi ko alam na interesado ka pala sa Medisina?"

Kalaunan ay tanong sakin ni tita. Nakaupo kami ngayon sa buhangin at pinapanood ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Mamaya lang din ay uuwi na kami dahil baka gabihin pa kami sa daan. Magkatabi si tito at tita habang si Ena naman at ako sa kabila.

"Oo nga, hija. Ang alam namin noon ay pangarap mong maging host sa isang Tv show." Sabat naman ni tito.

"Naku tito, yan din po ang alam ko noon e." Natatawa pang sagot ko.

"Pero... Nalaman kong pupuwede pa palang mag- iba ang gusto ng Isang tao sa pagdaan ng panahon. Dati kasi, pangarap ko talagang maging host pero ngayon parang passion ko na ang tumulong sa mga may sakit, Lalo na sa mga bata kaya gagawin ko yon bilang isang Nurse." Pagpapatuloy ko pa. Tumango- tango naman sila sa mga sinabi ko.

"Why not be a doctor then? Mas marami kang matututunan kapag iyon ang kunanin mong course, what do you think?"

I scoffed. "I tried to consider that tito, pero masyado pong makukuha niyan ang oras ko. Years from now I know I'll take over the company at gusto ko po ngayong may panahon pa'ko natututukan ko nang mabuti ang sarili ko. I wanna do great things too in the future but for now, I just wanna be young." Mahabang paliwanag ko.

"Hay. Malalaki na nga talaga kayo. tuloy ay ramdam na ramdam ko na ang edad ko." Pagbibiro naman ni tita.

Kahit naman sa ganiyang edad nila ay kita pa rin ang gandang itsura nila. Nakita ko ang mga picture nila ni tito noong mga dalaga at binata pa lang sila at tiyak akong habulin din sila noon ng mga nagkakagusto sa kanila.

Parehong matangkad si tito at Ena habang parang pinagbiyak na bunga naman si Tita at Ena. Nakikita ko naman ang pagiging magkamukha ni tita at ni Papa kaya sa t'wing nakikita ko siya ay naiisip ko si Papa. May mga anggulo naman akong kamukha ko si Papa pero mas lamang talaga ang nakuha ko kay Mama. Naiisip ko tukoy na kung nagkataong naging mas kamukha ko si Papa ay baka naging magkamukha din kami ni Ena ngayon.

"Pero hija, paano ang mga business niyo? Nag- iisang anak ka lang, of course sayo ipapamana ng papa mo ang mga 'yon." tanong ni tito na nagpatahimik samin. Nagkatinginan kami ni Ena dahil pareho lang din kami ng sitwasyon. tumikhim muna ako bago sumagot. Matagal ko na rin itong napag-isipan.

"Tatanggapin ko po. Pag- aaralan ko kung paano patakbuhin ang negosyo.

Ang passion ko lang naman ay ang tumulong sa mga may sakit lalo na sa mga bata, pwede ko naman pong gawin yun habang namamahala ng negosyo. Bonus na lang siguro ang magiging kaalaman ko pag naging nurse na ako."

"Kung sabagay, natututunan naman lahat ng bagay at matalino ka namang bata kaya tiyak na madali lang para sayong aralin kung pa'no magpatakbo ng mga negosyo niyo." Ngumiti ako sa sinabing 'yon ni tito.

"Mabuti na lang din talaga at kahit papaano ay related naman sa business namin ang kursong kinuha nito ni Ena." Sabat ni tita na nakatukoy sa Anak. Pagmamay-ari kasi nila ang MSA Airline at mayroon na nito sa ibat-ibang bansa kaya mahihirapan talaga sila kapag malayo dito ang kursong kinuha ng anak.

"Di ba mommy? I can fly and travel while I manage our business. Makikilala ko pa ng personal ang mga impleyado natin!" proud namang sabi ni Ena.

Nang mag alas kwatro na ay napag- pasyahan naming umuwi na sa ganon ay hindi kami gaanong gabihin sa daan. Maganda sanang hintayin ang paglubog ng araw sa dalampasigan pero siguro ay sa susunod na lang. Nang paalis na kami ay sinabi ko talaga sa sarili kong babalikan ko ang lugar na ito.

Wala pang sampung minuto ng byahe ay nakatulog na si Ena siguro ay dala ng pagod. Inaantok na rin ako kaya pumikit na rin ako para makatulog na rin.

NAGISING ako sa kalabit ng kung sino sa kamay ko. Pagmulat ko ay nakita ko ang kakagising lang din na si Ena.

"T, Nandito na tayo."

Umayos ako ng upo at nakitang nakarating na kami ng bahay. Nakababa na rin sina tito at nagbababa na ng mga gamit. Inayos ko muna ang sarili bago sumunod kay Ena na bumaba. Inaantok pa kami kaya pina diretso na nila kami sa aming mga kwarto.

"Saan ka?" takang tanong ni Ena nang liliko na sana ako papuntang kusina.

"Iinom lang ako, susunod din ako pagkatapos." Sabi ko dahil tumigil talaga siya sa pag- akyat ng hagdan.

Tumango siya bago nagsalita.

"Do'n ako sa kwarto mo matutulog ah?" paalam pa niya at tumango lang ako bilang sagot. Nasanay na akong paminsan- minsan ay tumatabi siya sakin sa pagtulog. Maingay pero masaya naman kaya ayos lang.

Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng isang baso. Binuksan ko ang ref at kinuha ang malamig na tubig doon saka ko sinalin sa baso ko. Ibinalik ko iyon sa ref at ininom ang tubig sa baso.

"Mukhang pagod ka ah?"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak na baso sa gulat ko kay kuya Ismael! Nakatayo na siya sa harap ko habang nakangiti, ni hindi ko man lang naramdamang dumating siya!

"Kuya naman e! Nakakagulat ka!"

Napahawak pa ako sa may bandang puso ko sa sobrang gulat sa kanya pero natawa lang siya sa reaksiyon ko.

"May iniutos lang sa'king gamit. Sa aparador na yan ko yata nalagay e."

Turo niya sa maliit na aparador sa gilid ko. Tumabi naman ako ng lumapit siya para kunin doon ang isang bag na mukhang may laman ng mga mabibigat na bagay.

"May gagawin kayo kuya?"

"Oo e. Aayusin namin ang sirang pinto at mga kama doon sa maid's quarter."

Sagot niya habang chini check ang laman ng bag bago tumingin sakin at ngumiti. "Ikaw? diba nag beach kayo? tiyak na pagod ka rin kaya mabuti pang magpahinga ka na sa kwarto mo."

Tumango lang ako at iniwan na lang doon ang ginamit na baso. "Sige, kuya." Paalam ko at umakyat na papunta ng kwarto ko. Naabutan kong mahimbing nang natutulog doon si Ena kaya napangiti ako. Tumabi ako sa kanya at dahil na rin siguro sa pagod ay mabilis akong nakatulog.

Nagising ako nang may naramdamang gumalaw sa tabi ko. Nakita ko si Ena na dahan- dahan ang pag galaw na lumabas ng kwarto. Natawa ako dahil hindi niya namalayang gising na pala ako. Bumangon ako at pinakiramdaman ang sarili. Nagugutom na ako. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para kumain. dala- dala ko rin ang cellphone ko dahil hindi ko na ito palaging nagagamit hindi tulad noong nasa Italy pa ako. Habang naglalakad sa pasilyo ay in-open ko ito at binuksan ang Twitter. Di hamak na mas nagagamit ko naman ito kumpara sa Facebook at Instagram.

Sa nagdaang araw ay marami akong naging notification sa lahat ng social media accounts ko. Hindi naman na bago sakin yon kaya hindi ko pinapansin. Napahinto ako sa pag iiscroll ng madaan ako sa isang tweet na kahapon pa naipost. Hindi ko naman siya finollow pero dahil sa sikat siya ay dumadaan- daan ang mga post niya sa feed ko.

"Probably the best day of my life."

Ganyan lang kasimple ang tweet niya pero dahil siya iyan kaya dinumog pa rin ng mga reply at pakikiusyuso ng tao. Naningkit ang mata ko nang maalala ang nangyari kahapon sa restroom. Napag desisyonan kong umiwas muna sa kanya pagkatapos nang nangyari dahil kahit na sinabi na ni Ena na magmomove- on na siya rito ay hindi pa rin magandang lumalapit ako sa taong gusto niya.

Dumiretso na ako sa kusina at naabutan doon si manang Beth na naglilinis. Alas dyes na ng gabi pero gising pa rin siya at naglilinis pa?

Napansin niya rin ang Pagdating ko kaya ngumiti agad siya sakin.

"Mabuti naman gising ka na. Nagugutom ka ba? umupo ka r'yan at ipaghahain kita."

Madalang ko lang sila manang na nakakausap dahil palagi silang may mga ginagawa at kung hindi ay nasa eskwelahan naman ako. Sinunod ko ang sinabi ni manang at umupo na sa upuan. Nilapag niya sa lamesa ang isang plato na may kanin at beef steak at ang Kutsa't tinidor na gagamitin ko.

"Kayo po? Nakakain na po ba kayo?

"Aba'y alas syete pa lang ay kumakain na kami, hija. teka, may ginawa pala ako dyang leche flan, baka gusto mo?"

"Ayos na po ako dito manang. salamat po." Sabi ko bago nagsimula nang kumain. Ngumiti lang siya sakin at hinintay akong matapos.

"Ako na po ang maghuhugas ng pinagkainan ko manang, magpahinga na po kayo." Sabi ko nang mapansing inaantok na siya.

"Sigurado ka?"

"Opo. marunong po ako hehe."

Tumango lang siya at umalis na rin pagkatapos. "O siya, ikaw na ang bahala dito ha?" tumango ako.

Binilisan ko rin ang pagkain ko dahil anong oras na at maliligo pa ako. Nang matapos kumain ay hinugasan ko na agad ang pinagkainan ko at tiningnan kung nasa ayos ba lahat.

Matapos yun ay umakyat na ako at bumalik ng kwarto. Naligo lang ako sandali at nagbihis ng pantulog pero hindi pa ako inaantok kaya nag- cellphone na muna ako. Naisip kong tumambay muna sa twitter hanggang sa antokin ako. binuksan ko ang account ko at tumambad sakin ang sandamakmak na notification at dm's.

Wala akong magawa kaya pinindot ko ang mga naka follow sa akin at nakitang maraming mga bago doon.

Iniscroll ko pa ito ng ilang beses at nang may pamilyar na username na nabasa ay agad kong ibinalik doon.

Binasa ko pa ito nang mabuti at hindi ako maaaring magkamali. Matagal na pala siyang nakafollow sakin?

Nagtingin- tingin pa ako sa mga nauna kong post kung may mga react o reply ba siya sa mga ito. Naalala ko rin ang reply niyang heart sa tweet ko noong isang araw at nagbaka sakali na baka may iba pa siyang nirereplyan at talagang hindi ko lang napapansin. May mga nakita akong naka react siya pero wala na akong nakitang reply niya bukod don sa simpleng heart. siguro ay natabunan na sa dami ng mga reply o sadyang isang beses lang talaga nangyari yon.

Mabilis din akong nabagot doon kaya inopen ko naman ang IG account ko.

Kung minsan lang akong mag online dito at kapag may iistory lang talaga.

Tinitigan ko ang inistory ko kanina at nakitang maraming nag heart dito.

Marami ring pumupuri samin ni Ena at ang iba doon ay sina Ayeesha at mga kaibigan niya pero hindi ko na sila nireplyan. Hindi na naman masama ang loob ko sa kanila pero hindi ako lumalapit sa kanila dahil palaging si Karl ang kasama ko at alam kong hindi siya komportable pag nandyan sila, mabuti nga at hindi na rin sila masyadong lumalapit sakin.

@queen_grant started following you

Halos mapatayo ako sa nabasa. Si Eunice ba to? Tinignan ko kung siya nga ba ito at na kumpirmang siya nga. pero bakit naman niya ako ifofollow dito?

Tinitigan ko ang kanyang profile icon kung saan ay nakasuot siya ng kulay orange na bikini na mas lalong nagpatingkad ng kaputian niya. Nakatayo siya at nakangiti sa camera habang nasa gilid niya ang nagdaramihang mga drinks.

Napansin ko agad ang pamilyar na lalaki na nakatayo sa bandang likuran niya na mukhang masaya habang nakikipag-usap sa kung sino. Halatang nasa yachti sila kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Nagtingin pa ako ng iba pang mga pictures at literal na napako ang paningin ko sa kakapasok lang niyang post.

@queen_grant is with @Kairous_

Pinindot ko ito at isa- isang tiningnan. Sa ilang picture ay lahat silang magkakaibigan ang magkakasama pero karamihan sa mga ito ay mga pictures na nila ni Kairous. Naka upo silang magkakaibigan sa mahabang lounge na sofa at mukhang nasa kung saang bar sila, nagsasaya. Dikit na dikit si Eunice sa lalaki at mukhang gustong-gusto naman nito iyon.

Ang pinakahuli ang isang video kung saan pinapaubos nila sa isang kasama ang inumin. Napakaingay ng paligid at panay ang tawanan nila habang nagmistulang sigawan ang mga simpleng pag- uusap nila. At doon sa video nahagip kung paano Silang maghalikan. si Kairous at Eunice..

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. bigla ay inantok ako at gusto na lang na matulog. parang wala rin akong balak na pumasok bukas at alam na alam ko kung bakit. Sandali lang iyong video pero ang imahe nila sa isip ko habang ginagawa yon ay hindi na siguro maaalis pa sa isip ko.

Nakatalikod sa video si Eunice at hindi masyadong kita ang lalaking kahalikan niya pero agad ko itong nakikilala dahil sa suot nitong puting pulo at magulo nitong buhok.

Marami agad ang naki comment sa video na iyon pero hindi ko na tiningnan dahil nakakasuka. Bakit niya pa isinama yon sa mga pinost niya kung may ganong eksena pala ron?

Pinatay ko na ang cellphone at patapon na inihagis iyon sa sofa na malapit sa kama kung nasaan ako.

Agad kong naisip ang eksena noong halikan niya ako noon sa restroom. wala lang ba talaga yon sa kanya? Normal lang ba sa kanya ang manghalik ng kung sino at makikipaghalikan na naman sa iba pagkatapos?

Hindi ako bulag at nakikita ko ang inaasta ng mga tao kapag nariyan ako. Naririnig ko rin ang mga sinasabi nila kaya alam ko. Naiintidihan ko rin ang ipinupunto nila na muntikan ko na ngang paniwalaan. Pero paanong hindi ako mag-aalangan? paano ko maaalis lahat ng duda ko kung paulit-ulit nalang itong nangyayari?

You are confusing me, Kairous. Everybody thinks that I am the girl that you like and you didn't even mind denying it to them. Your actions somehow made me believe that perhaps... you do like me. but there you are, kissing another girl. How can you even touch another girl's lips when I haven't even moved on to ours yet?

Kaya hanggat wala akong pinang- hahawakan, hanggat hindi mismo nanggagaling sa kanya, patuloy akong magbubulag- bulagan. tho I wouldn't wait for it, pero narito lang ako. and if that never happens, whatever this is that's growing in my system, I'll end it sooner. If you do like me, tell me and prove it. cause It's either you pursue me or never have me at all.