break namin ngayon kaya nag silabasan na kami. Sa oras na lumabas Ako, kitang kita ko kung paano nag chismisan mga kaklase ko sa tungkol saamin ni Kairo.
Bahala sila basta ako, kinausap with matching nasakin pa ang t-shirt nya! at btw sinuot ko na nga pala ang tshirt nya. putek ang laki saakin tapos pag siya nag suot fit neto teh! sa sobrang fit, nakikita mo yung slim ng body nya!!
"Ashiannaaaa!! Yannah!!" paulit-ulit na tawag sakin ng mga bruha kong kaibigan na sina yyha, shanley, ash, at Solana, na mabilis ang pagtakbo papalapit saamin.
hinihingal pa sila nang makarating na sa harapan ko. "ano nanamang ginawa ko?"
tanong ko sakanila.
"teh pinuntahan ka raw ni Kairo sa room nyo kanina??" tanong ni Ash.
"oo nga teh?" dagdag pa ni Yyha.
"kwentuhan mo kami dalii" sabi naman ni Shanley.
"doon tayo sa illalim ng puno para astig yung vibe" sabi naman nitong si Solana.
"hoyy ano bang pinag sasabi nyo kanino nyo naman nalaman yan? kayo talaga pag chismis ang bibilis nyo rin eh no?" sabi ko ng hilahin na ako ni Solana palapit sa ilalim ng puno.
"tehh grabe yung kilig ko kanina dito sakanya, bat kase hindi tayo mag ka klase di nyo tuloy nakita kung paano siya kausapin ng isang Kairo Himenez!!" agad na sabi ni Jewel sakanila.
"oo nga halos matangal na lalamunan namin nila Izekel at Hedera kakaubo dahil sa kilig" sumbat naman nitong si Nics.
"oo nga… kwento mo anong pinag usapan nyo dali!!" sabi saakin ni Izekel habang inaalog ako.
"aray ano ba oo na eto na" sigaw ko para tumigil na siya. "wala naman kaming pinag usapan tinanong nya lang ako kung bakit ako umalis sa Yc kanina and hindi ko daw siya hinintay, kawawa nga eh napagod pa daw siya kakahanap saakin hahah" natatawa kong sabi.
"ayy wehh sana all" sabi ni naman ni Ash.
"par piling ko may pagasa kana sakanya, hinanap ka ba naman sheshh" asar ni Nics na halatang kinikilig.
"tumigil ka nga Nics, matik lang may pagasa sakanya hirap nya kaya abutin" sabi ko pa habang tunog dismaydo.
"oo nga andaming nagkakagusto sakanya ang pogi din kasi nya" sabi ni Shanley.
"speaking of pagasa teh, mawawalan talaga tayo ng pagasa makapasok, nanjan na si ma'am!" Sigaw ni Hedera.
sabay sabay kaming lumingon sa classroom at nakita namin si maam, kaya dali dali kaming tumakbo pabalik Nina Hedera, Izekel, Jewel, Nics, At Bruce.
"bye guyss nanjan na teacher namin ,tuloy tayo mamaya sa city ha!?" sigaw ko habang kumakaway palayo.
"oo na byee" sigaw naman ni solana habang ang iba ay nagtatawanan at kumakaway pabalik.
.
.
Uwian na namin nang makita ko si ate Aubrey.
*NT: kaklase ni Kairo na ka close ko.
Inakbayan nya ako at sabay na notice ang t-shirt ko. "hoyy familiar yang t-shirt na yan ah parehas kayo ni.. Kairo!!" lumaki mata ko ng sinigaw nya pangalan ni Kairo kaya naman tinakpan ko bibig nya.
"tehh wag ka maingay!! kay Kairo to, pinahiram nya saakin dahil nabasa nya kasi t-shirt ko!!" nagulat siya at nag sitatalon sabay sigaw pa, kala mo nanalo ng loto.
"huyy atehh, tumigil ka nga! nakakahiya andaming naka tingin" hinila ko siya at pinaupo sa bench malapit saamin.
"sana all ka behh!! pa amoy nga ako, ang bango talaga ni Kairo eh no amoy future baby mo yieee" nanlaki mata ko at kinilig sa sinabi nya, pero dapat act cool lang para di halata na patay na patay ako sakanya.
"huy ate ano ba! hirap nya kaya abutin!!" sabi ko pa.
"maabot mo din yan" sabay tapik sa balikat ko.
"Ashianna tara na!! pupunta na tayong City" napalingon ako kay Ash at nag paalam na ako kay ate Aubrey.
Nag hanap na kami ng masasakyan na cab papuntang city at sa hindi inaasahan pag sakay namin ng cab ay sumakay din sina Kairo.
shett pano bayan parang makakalimutan kong huminga nito, sa harap ko pa talaga pumwesto si pogi aysttt, kaya ayon nag ka pneumonia nanaman sila Nics at Izekel kakahiya talaga tong dalawang to lalo na sa mga kasama ni Kairo. Hindi naman kami nag pansinan ni Kairo kaya na gawa ko pang mag act cool, nung bumaba na sila ay nahulog yung notebook ni Kairo sa harap ko napansin ko nalang ng maka tawid na siya sa kalsada kaya diko na nabalik "huyy Ashianna kanino yan?" tanong ni Hedera habang ang iba ay nakatingin lamang o may sariling mundo.
"kay Kairo ata nahulog nya kanina pag baba nya" sabi ko naman at agad lumaki ang ngiti nina Nics, Izekel at Hedera saakin mas malaki pa sa ngiti ni Valak at pennywise.
"hoy wag nga kayong malisyosa" sabi ko sakanila.
"tignan mo baka may sulat" sabi pa ni Nics na nakangiti saakin.
"gagi, violation of his privacy yon" sumbat ko at tiningnan ulit ang notebook ni Kairo. Dahil sa sinabi ni Nics, na curious Ako at binuksan ang notebook. Natawa ako ng Makita ang loob nito. Wala itong laman maliban sa mga kakaibang guhit nito at kaunting talata.
"hoyy anong tinatawa mo jan? Ano ba yan?" Sabi ni nics, "kala ko ba violation of privacy?" dagdag pa nya.
"huh ah? Wala!" Sagot ko at tinago ang kuwaderno.
"wehh talaga ba?" pabiro nya pang sabi niya.
inirapan ko nalang siya at sakto dumating na din kami sa pupuntahan namin kaya bumaba na kami. gumala lng kaming mag totropa sa City at kumain. Isang oras ang nakalipas at nagpaalam na ang iba, naiwan kami nina Izekel at Yyha para dumaan sa National book store. Habang bumibili Sina Yyha at Izekel ng libro, mag Isa akong nag hintay sa labas. Sa hindi kalayuan natanaw ko si Kairo mag-isa na nakatayo sa isang stall. Pipicturan ko sana nang bigla siyang lumingon saakin at ngumiti.
Bumili siya ng dalawang buko shake. Akala ko ay aalis na siya Ngunit nag simula siyang maglakad papalapit saakin at inabot saakin ang Isang buko shake na dala nya.
" Mag Isa ka lng?" Tanong ni Kairo.
"a-ah.. huh? hindi.. salamat.." nahihiyang sagot ko habang tinatangap ang shake na binigay niya.
"Hindi?" Tanong pa nya at ininom ang shake na hawak nya.
"Kasama ko mga kaibigan ko.." lumingon Ako sa counter kung saan naroon sina Izekel at Yyha, nagbabayad si Yyha habang patagong kinukunan kami ni Izekel ng litrato.
"Ah.. ganun ba.." bahagyang ngumiti si Kairo habang tinitignan akong nahihiyang uminom ng shake.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko matapos uminom.
"Hinihintay ko sina ate at mommy." Sagot nya.
"bakit? Susunduin ka?" Tanong ko muli.
"Mhm, Dito rin kami mag d-dinner." Sagot muli ni Kairo sa Tanong ko.
"Ah.. okay. Oo nga pala na-" magsasalita pa sana Ako ng biglang umubo sina Izekel at Yyha mula sa likuran ko. Saktong tumunog Rin ang cellphone ni Kairo.
"alis na ako.. kita nlng tayo bukas." Mahinang sabi ni Kairo saakin.
"Ah.. cge salamat ulit" pangiting Sabi ko.
Ngumiti siya pabalik at umalis. Nang makalayo na siya, nilingon ko sina Yyha at Izekel na kinikilig sa litrato na kinuha nila.
"Ka sweet ba ninyo uy" Sabi ni Izekel habang pinapalo ang braso ko.
"tumigil nga kayo at umuwi na tayo, Gabi na"
nahihiyang sagot ko at padabog na umalis.
Habang nauna akong maglakad, nasa likuran ko lng sina Yyha at Izekel na nag bubulungan.
Dumating na ang sundo ni Yyha, nag paalam na siya at umalis. Naiwan kami ni Izekel at umuwi na Rin kami kaagad ng dumating na ang sundo namin.