kinabukasan nalabhan at natuyo na ang damit na pinahiram saakin ni Kairo kaya tinupi ko na ito at nilagyan ko pa ito ng pabango. Lunch break ko ito isasauli para alam ko na nandoon siya sa classroom nila at wala silang klase, bago yon chinat ko muna siya para sure ako na nandoon siya.
*NT: Break time and kindly imagine that it's a chat.
Private DM'S:
hello po si Ashianna po ito tanong ko lng po if nasa classroom kapo ninyo, isasauli ko po kasi ang t-shirt? :Ashianna
Kairo: yeah nasa classroom ako kumatok ka nalang if nasa labas kana.
ayy sge po coming... :Ashianna
*seen by Kairo*
~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°
.
.
Nang makarating ako sa classroom nila kumatok ako at shett halos lahat sila tumingin saakin, pakshett nakakahiya!!
"excuse me po andito po si Kairo?" nahihiyang tanong ko.
nagulat silang lahat ng sinabi ko yon at naka tingin sila sa t-shirt na dala ko, tumayo si Kairo at lumapit saakin.
"sasauli ko lng yung t-shirt mo dont worry nalabhan ko na yan tska na disinfected" i smiled while talking.
"sige salamat" sagot nya, I smiled at him.
"alis na ako" sabi ko muli.
tumango naman siya at bumalik na sa loob.
Paalis na sana ako ng akbayan ako bigla ni ate Aubrey.
"hoyy behh sana all ka!!" nagulat ako at nag taka sa sinabi nya.
"huh? bakit naman?" saad ko.
"grabe halos lahat ng tropa ni Kairo boto sayo!" Sigaw nya. takteng yan!
"pinagsasabi mo teh alis na ako hinahanap na ako ng mga kaibigan ko" sabi ko kay ate Aubrey kaya tinangal niya ang kamay nya sakin.
"sus kunwari kapa kilala kita huy, sige na byee see you later!!" pag kaway nito saakin at kumaway ako pabalik.
"byee ate see you" umalis na din ako kaagad.
.
.
LUNCH BREAK
kumakain kami sa Yc ng maalala ko na nasakin pala notebook ni Kairo.
"ayy shet" sigaw ko na ikinagulat nina Solana.
"anyare sayo huy" tanong ni Hedera saakin.
"nasakin pala notebook ni Kairo" kinuha ko ito sa bag at pinakita sakanila, "eto oh"
"bat nasayo yan? yieee nag kita kayo noh? oh baka naman…" sabi sakin ni Izekel at tiningnan nya ako ng mapanuksong mata.
"boba andami mong sinabi ni isa walang tumama. huy shanly samahan mo ako ibalik to kay Kairo" agad na sagot ko at umalis sa spot namin.
"teh ang layo pa ng room nila Kai-" napahinto si Shanly at hinila ako pabalik.
"bakit?" nagtatakang tanong ko.
"di na pala natin need pumunta sa room ni Kairo ayun na siya oh" tinuro ni Shanly si Kairo kasama mga kaibigan nya.
"shan wag na natin ibalik, bukas nalang nakakahiya nanjan mga tropa nya" sabi ko at tiningnan ako ni Shanly.
"ang oa mo teh tara na" hinila ako ni Shanly papunta kina Kairo,hayup talaga tong babaitang to!!
"go na teh wag kanang mahiya" sigaw nya saakin, "bwesit ka!" sigaw ko pabalik.
"oyy pre andito si ehemm" sabi ng isa sa tropa ni Kairo.
"una na kami ah" sabi naman nung isa at nakipag apir at umalis na sila ganon din si Shanly, lintik na yan iniwan ako!
"uh h-hi" nahihiyang bati ko kay Kairo. "bakit?"
"ah ano kasi nalimutan kong ibalik yung notebook mo kanina ngayon ko lang naalala hehe sorry", tiningnan nya ako at kinuha ang notebook.
"thank you btw sorry talaga sa mga tropa ko mga may ganon lng talaga yun sa ulo" sabi pa nya habang tumatawa. putekk ang gwapo nya ang cute ng dimple nya stop na please baka mahimatay ako.
"o-ok lang hahaha" silent awkward shett anong gagawin ko.
"uh-" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng muntik akong tamaan ng bola buti nalang nahila ako ni Kairo.. or pag dilat ko 1 inch nalang ang layo namin sa isat isa nakahawak ang isang kamay nya sa bewang ko at ang isa ay naka suporta sa ulo ko habang nakatayo kami.
ngayon ko lang siya natitigan ng ganito ka lapit, ang ganda talaga ng mga mata nya putek hihimatayin na ata ako!! mga ilang segundo pa ay sumigaw yung tropa ni Kairo kaya na bitawan nya ako at nag paalam na ako na aalis na, tumango lng siya saakin at umalis din.
bumalik ako sa spot namin at mula dito ay nakikita mo parin ang loob ng Yc kaya kitang kita ko kung gaano nag sigawan yung mga tropa nya sa nangyari at napangiti ako dahil ngumiti naman siya sa mga tropa nya at hindi ko namalayan mag iisang minuto na akong nakatitig sakanila. binatukan ako ni Izekel sabay hampas ni Ash at sampal ni Shanly.
"parang di mga kaibigan ang sakit nyo kiligin tangina" sabi ko sakanila.
"sinong hindi kikiligin don hayup mala kdrama ang atake ng pag hawak nya sa bewang mo!!" hampas saakin ni Solana. "truee ka jan teh" hampas nanaman ni Shanly.
"grabe mag sasauli lang ng notebook muntik mo pang makuha first kiss mo!!" kinikilig na sabi nitong si Hedera.
"ede sana kayo nalang nag sauli" reklamo ko.
"kunwari ka pa may picture kami dito gusto mo tignan?" sabi ni Jewel.
"sge patingin" nakangiting sabi ko.
"eto oh" pinakita nya saakin ang picture totoo nga sobrang lapit namin sa isat isa ang cute kung paano nya ako hawakan sa ulo ko.
"lintek na yan buo na araw ko!!" sabi ko habang nakatingin sa cellphone.
"araw lang ba talaga? baka buong taon na yan!!" sabi naman ni Nics.
"hayy nako tumigil na nga kayo kailangan pa natin mag study!!" sabi ko para tigilan na nila ako pero putek diko talaga makalimutan yun ang gwapo nya talaga!!
"hoy akala ko ba mag s-study pero bakit parang kinikilig ka jan!" sabi ni Izekel habang nag 'ayie' nlng ang iba na sa lakas ay pwedeng marinig ng lahat na nasa Yc.
kanina pa pala ako naka tulala hysst umalis kana sa isip ko!!
"oo na mag sa-study na ingay neto" sermon ko sakanila.