tapos na klase namin kaya lumabas na ako sa classroom at pinuntahan sina Yyha kasi sabay kami uuwi ngayon habang papunta ako naharang nanaman ako ni ate Aubrey.
"Ashiannaaaa totoo ba to?" sigaw na kinikilig na tanong saakin ni ate Aubrey habang hawak ang cellphone na may picture namin kanina ni Kairo, putek na yan sikat nanaman ako sa issue!!
"ah oo kanina yan, tinulungan nya lang naman ako!!" sabi ko pa para hindi maging issue.
"tinulungan with his hands on your waist?? ako maloloko mo? no way, kwento mo saakin dal-". hindi pa niya natatapos ang sasabihin nya ng tawagin siya ng kaibigan nya kaya nag paalam na siya saakin at umalis, buti nalang talaga kung hindi ay nako po bukas pa kami makakauwi!
"Saan kaya nanggaling yung litrato?.." sambit ko sa sarili na narinig nmn ni Yyha.
"Ashianna check your twitter sis" sigaw ni Yyha kaya dali dali kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang Twitter ko putek ang daming dump acc na nag tatag saakin sa picture namin ni Kairo kanina, merong nag seselos merong happy para kay Kairo, meron naman gusto akong sapakin, what the heck?? gaano ba talaga siya ka famous? akala ko sa school lang siya kilala hindi ko kasi ginagamit socmed ko kaya wala akong alam tungkol dito.
"teh famous kana, karamihan nga nag seselos pa sayo sheshh baka ma bully kana niyan!! sinasabi ko sayo teh mahirap mag ka gusto sa mahirap abutin lalo na pag hindi ka famous" sabi ni Yyha kaya mas lalo akong kinabahan.
"tumigil ka nga hindi ka talaga nakakatulong.." sambit ko ng mahina.
pagkauwi ko sa bahay ay nag post agad ako ng apology sa fans ni Kairo.
*NT: KINDLY Imagine this is a Twitter post.
Hi I am Ashhiana and I apologize for the rumor and the picture of us (Kairo)
I am not his girlfriend nor his friend im just his schoolmate, during this time tinulungan nya lang ako para hindi ako matamaan ng bola pero na out balance ako kaya kinailangan nya akong suportahan para hindi kami matumba.
please stop spreading fake rumors
-Ashianna
love yall😘😘
_____°
Eto lang magagawa ko para mabawasan basher ko!!.
KINABUKASAN
nag dadalawa isip pa ako kung papasok ako or hindi pero may exam kami kaya pumasok nalang ako!! aalis na sana ako ng bahay ng mag chat saakin si Kairo.
Private DM'S
Kairo: Ashianna?
hmm? bakit? :Ashianna
Kairo- tagasaan ka?
~°~
Ang random naman nitong lalakeng to!!
~°~
Private DM'S
huh? bakit mo tinatanong? :Ashianna
Kairo: sabay tayo pumasok baka mapano kapa eh.
gagi wag na, ok lang ako :Ashianna
Kairo: Ang tigas din ng ulo mo eh no?
ikaw nga din nag reklamo ba ako?
:Ashianna
Kairo: TAGA SAAN KA?
antayin mo nalang ako sa shed sa labas ng school tas sabay tayo pumasok wag mo na ako sunduin. : Ashianna
Kairo- 👍
°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°°~°~°~°~°~°~°~°~°
hanip na yan concern sakin crush ko!! wala na buo na s.y. ko!!
.
.
pumunta ako sa shed kung saan kami mag kikita ni Kairo at nakita ko nga siya naka upo lng siya at may ginagawa sa cellphone nya, putek alam kong wala siyang ginagawa pero bakit ang pogi nya?
"Kairo" tawag ko sakanya at agad siyang lumingon at lumapit saakin.
"bat ang tagal mo?" tanong nya na halatang naiinip.
"sorry naman bakit mo pa kase ako hinintay kulit mo din kasi!" sabat ko naman, inirapan nya lang ako at naunang siyang nag lakad.
"sabay daw pero naunang mag lakad ede wow" mahinang sabi ko sa sarili.
"may sinasabi ka?" tanong nya kaya nagulat ako.
"wala ah sabi ko ang bilis nyo pong mag lakad" pag papalusot ko naman.
"mauna kang mag lakad sa, likod ako" sabi naman nya, hindi pwede sabay nalang? ayy assuming.
"hindi ok lang ako dito" sabi ko sakanya.
"dito ka nalang sa tabi ko ang dami mo pang sinasabi" sabi nya naman saakin, dalidali akong pumunta sa tabi nya and i can't believe this moment would come!! ang pogi ng katabi ko shett.
pag pasok namin sa school ay nagtinginan halos lahat ng student putek kakahiya kung pwede lang lumipad ginawa ko na shet.
"Kairo mauna kana pupuntahan ko lang kaibigan ko" Sabi ko sakanya para iwas hiya teh kahit wala naman akong pupuntahan.
"ok" maikling sagot nito, dumaan ako sa likod kung saan wala masiyadong na daan na student at deretso ito sa classroom namin and finally walang nakakita saakin and nakapasok na ako sa classroom, hindi pa nag start yung klase kaya sinamahan ko muna si Izekel na mag cafeteria.
"ano gusto mo treat ko" alok ni Izekel,
"himala, ok ka lang may sakit kaba?"
sarkastikong tanong ko.
"pinag sasabi mo huy" sabi nya at sabay hampas saakin.
"for the first time nang libre yung buraot kong bespren" mahinang sigaw ko.
"ay nag bago na isip ko bumili ka na ng sayo jan" pag ganti naman nya.
"joke lang ito naman hindi mabiro alam mo naman lab kita ehh, yun akin oh" turo ko sa pagkain na gusto ko inirapan nya lang ako at binili na yung bibilhin nya lalabas na sana ako ng may tumawag saakin…si ate Aubrey.
"Ashianna" nilingon ko siya at sumenyas na lumapit ako sakanya, na gets ko naman agad kaya lumapit ako sakanya kasama si Izekel.
"ano yun teh?" tanong ko habang inakbayan siya.
"ano nang balita sainyo ni Kairo" habang pinapaupo ako sa upuan.
"Balita!?? what do you mean?" tanong ko sakanya kasi pano magkakaroon ng balita kung wala naman kaming pansinan ni Kairo except kanina.
"balita like, kayo naba? or..?" nagulat ako sa sinabi nya pero at the same time kinilig.
"tehh ano kaba walang kami ni hindi nga kami nag papansinan nun eh" sabi ko.
"pero yannah hindi mo ba napapansin? ikaw lang yung trinato ni Kairo ng ganyan?"
"kasi alam mo ba, crush ko din si Kairo dati binigyan ko siya ng flowers pero tinapon nya lang, tapos pinaka ayaw sa lahat ni Kairo is yung pinaghihintay siya. Kaya pag ka grupo namin yan siya at need mag namin mag meet up, exact time kami darating kasi napipikon yan kahit limang minuto mo lang pag antayin, tapos ikaw hinintay nya ng halos kalahating oras sa labas ng shed kanina, ano na imposible walang kayo??", pag kwento ni ate na ikinalungkot ko I feel bad.