KEVIN'S POV:
Agad kaming lumabas ni kuya Felix ng airport para puntahan sina sir Owen at Ms. Simone, nandon din yung iba. Pero iilan lang yung mga sundalo na nandito, karamihan sa kanila ay umalis, kailangan na namin mapuntahan sina Ms. Simone para makahingi ng tulong.
Agad na nga kaming dumiretso sa military camp at sinigaw namin yung pangalan ni Sylus para tawagin sya, nandito kasi sina Sulus, kasama nya sina Xavier at Luke.
"Sylus! Luke!" Sigaw ni kuya Felix.
"Xavier!" Sigaw ko naman.
"Anong nangyayari?" Pagtatanong sakin nung isang sundalo.
"Sir, nagkakagulo po sa loob, may mga zombie na po, kailangan po nila ng tulong." Sabi ko na ikinagulat nya kaya agad syang tumakbo papasok sa loob.
+
SYLUS' POV:
Nandito kami ngayon sa loob, kasama ko sina Xavier at Luke, nandito rin si sir Owen at Ms. Simone.
Nakarinig naman ako ng boses ng sumisigaw sa labas, tinatawag kami nila Kevin at Felix.
"Sila Felix at Kevin yun, diba?" Pagtatanong ni Xavier.
"Oo." Sagot ni Luke.
"Bakit kaya nila tayo tinatawag?" Pagtatanong ulit ni Xavier, nagtataka.
Bigla namang may pumasok na sundalo sa loob.
"Sir Owen! Ms. Simone! Nagkakagulo po don sa loob, may mga zombie daw po." Sabi nung sundalo na ikinagulat namin.
"Magpapunta ka ng mga sundalo don." Sabi ni sir Owen at agad namang sumunod yung sundalo at lumabas na sya.
"Kulang yung mga sundalo natin, karamihan sa kanila lumabas, kailangan kong pumunta don." Sabi ni Ms. Simone.
"Kailangan na nating pumunta don." Sabi naman ni Xavier.
"Tara na." Sabi Ms. Simone at kumuha na nga kami ng mga baril namin na gagamitin para patayin yung mga zombie at lumabas na nga kami, naiwan naman sa loob si sir Owen.
Pagkalabas namin ay agad naming nakita sila Kevin at Felix.
"Sylus!" Sigaw ni Kevin at agad akong lumapit sa kanila at inabotan ko si Felix ng baril, sabay sabay na nga kaming pumunta don.
Nakarating na nga kami don at sobrang gulo na, ang dami nang zombies at mga patay. Puro sigawan sa paligid kaya nag simula na kaming magpaputok ng mga baril.
"Maghiwalay-hiwalay kayo, tulungan nyo lahat ng taong kaya nyong tulungan." Sabi ni Ms. Simone kaya nag hiwahiwalay na kami.
+
YVONNE'S POV:
Duguan na yung braso ko dahil nadaplisan ako ng kutsilyo ni Adrian. Seryoso syang papatayin nya ako at isang maling galaw ko lang hindi ko na alam kung anong mangyayari sakin.
"Bakit mo 'to ginagawa? Ano bang ginawa ko?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Kayo ng grupo nyo, alam mo naman siguro kung anong ginawa nyo, diba? Hindi kami titigil hanggat hindi kami nakakaganti sa inyo, ilang linggo rin kaming nagtimpi." Sabi ni Adrian kaya napakunot naman ang noo ko.
"Wala naman kaming ginawang kasalanan, kayo yung may kasalanan tapos ang lakas pa ng loob nyo na magalit sa amin at gantihan kami, nanahimik na kami tapos kayo na naman tong gagawa nang gulo." Sabi ko sa kanya.
"Kahit anong sabihin mo, mamamatay kayong lahat ngayong araw." Sabi ni Adrian at agad tumakbo papunta sakin at sasaksakin ako pero agad kong naiharang yung palad ko kaya ayun yung nasaksak nya.
"AAAAAAAAHHHHHHHH!" Sigaw ko sa sakit.
Agad ko naman syang sinamaan ng tingin kaya agad ko syang sinipa kaya napaatras sya at nahugot nya yung kutsilyo sa palad ko at nabitawan nya yung kutsilyo.
Napahawak naman ako sa kamay ko.
Sobrang sakit.
Tulungan nyo ko.
Nung nakita kong kukuhain nya na yung kutsilyo ay agad kong kinuha yun at tinutok yun sa kanya.
Patuloy pa rin sa pagdugo yung kamay ko, sobrang sakit.
"Subukan mong lumapit at ako mismo ang papatay sayo." Sabi ko sa kanya at tumawa naman sya.
"Papatay? Nagpapatawa ka ba?" Pagtatanong nya sakin habang tumatawa.
Agad ko naman syang pinakyuhan gamit yung kamay kong nasaksak nya.
Dali-dali syang lumapit sakin at inagaw sakin yung kutsilyo at sasaksakin nya sana ulit pero agad akong umilag.
Agad akong sumigaw ng tulong pero nilapitan nya at agad nya akong sinuntok sa mukha dahilan para matumba ako at mapahiga sa sahig.
Ramdam ko nang dumudugo yung ilong ko at nagkunwari akong nawalan ng malay.
Agad nyang binitawan yung kutsilyo at papatong sya sa ibabaw ko. Sasakalin nya ko, ang pinaka-ayaw ko sa lahat.
Agad ko syang sinipa sa tiyan bago pa sya makapatong sakin kaya napaatras sya at napadaing sa sakit. Tatayo na sana ako nang bigla nya akong hawakan sa binti at agad akong hinila kaya napadapa ako.
Agad ko namang kinuha yung lapis na nasa sahig at agad ko yung tinusok sa braso nya dahilan para bitawan nya ako at napasigaw sya sa sakit.
Napahawak naman ako sa dibdib ko, nahihirapan na akong huminga.
Agad nyang hinila yung buhok ko at kinaladkad at sinipa sa may tagiliran.
Binitawan na nya ako at nakahiga ako ngayon, dali-dali na syang pumatong sa ibabaw ko at sasakalin na nya ako.
Sinasakal na nga nya ako. "Mamatay ka na!" Sigaw nya habang sinasakal ako.
Pinag susuntok at sampal ko ko na sya pero hindi pa rin nya ako tinitigilan, patuloy pa rin sya sa pagsakal sakin. Agad akong tumingin sa gilid ko at nakita ko yung lapis, agad ko namang nakuha yun at tinusok ko yun sa mata ni Adrian.
Napasigaw na lang sya sa sakit kaya nabitawan nya ako.
"Hayop ka!" Sigaw nya. "Papatayin kita!"
Dali-dali ko naman kinuha yung kutsilyo at agad ko yung sinaksak sa dibdib ni Adrian. Kaya napasigaw sya sa sakit at natumba sya.
Pinagsasaksak ko sya ng paulit ulit sa dibdib habang sumisigaw hanggang sa mawalan na sya ng hininga.
Iniwan kong nakasaksak yung kutsilyo sa dibdib nya habang nakatusok pa yung lapis sa mata nya at napahiga na lang ako sa pagod.
Yung inhaler ko, kailangan ko.
Napaiyak na lang ako habang naririnig ko yung putukan ng mga baril at sigawan sa labas.
"Yvonne?!" Rinig kong sigaw ni Sylus, agad ko namang tinuro yung bag ko. Kaya agad nya yung pinuntahan at kinuha yung inhaler ko don.
+
SAYLUS' POV:
Kailangan kong puntahan sina Yvonne, kasama nya don yung mga bata. Dali-dali na nga akong tumakbo papunta don at laking gulat ko na lang nang makita ko si Yvonne na nakahiga don sa sahig, puro dugo.
Nandon din si Adrian na nakahiga at wala ng buhay, may nakatusok na lapis sa mata nya at kutsilyo naman sa dibdib. Duguan din yung kamay ni Yvonne at dumudugo rin yung ilong nya.
"Yvonne!" Pagtawag ko sa kanya at agad naman nya akong nakita, tinuro nya yung bag nya don, kaya agad ko yung pinuntahan. Yung inhaler nya, agad ko yun kinuha at agad akong lumapit sa kanya.
Nilagay ko yun sa may bibig nya at agad naman nya yung ginamit.
Agad kong chineck yung kamay nya, may sugat yun at dumudugo. Agad akong nag hanap ng tela o panyo sa paligid at pinaikot ko yun sa may kamay nya.
"N-napatay ko si Adrian." Sabi nya habang umiiyak. Inalalayan ko naman syang umupo.
"Okay lang yun, pinagtanggol mo lang yung sarili mo laban sa kanya, wala kang kasalanan, nagkakagulo na sa labas at kailangan na nating umalis dito kapag nahanap na natin yung iba." Sabi ko sa kanya at pinunasan naman nya yung luha nya.
"Kaya mo bang tumayo?" Pagtatanong ko sa kanya at tumango naman sya.
Hinugot ko yung kutsilyo sa dibdib ni Adrian at binigay ko yun kay Yvonne, kinuha naman nya yun.
Inayos nya na rin yung mga gamit nya.
"Nasaan na yung iba?" Pagtatanong ni Yvonne.
"Kailangan natin silang hanapin, marami na yung mga zombie." Sabi ko at tumango naman sya.