ALLISON'S POV:
Nagkakagulo na ang lahat, wala akong armas na gagamitin laban sa kanila. Hindi ko rin mahanap yung iba, sobrang gulo na.
"Nandito ka lang pala." Biglang may narinig akong boses ng isang babae kaya agad ko syang nilingon.
Yung babaeng kasama ni Olivia sa grupo nya, si Aurora at kasama nya din yung isang lalaki, yung Elias. Anong ginagawa nila dito?
"Anong ginagawa nyo dito? Bakit hindi pa kayo umaalis dito, nagkakagulo na sila." Pagtatanong ko.
"Oo at kami ang may dahilan non." Sabi ni Aurora kaya napakunot ang noo ko.
"Hah? Anong ibig nyong sabihin?" Pagtatanong ko.
"Wala ka nang pakealam don, nandito kami para patayin ka." Sabi nya na ikinagulat ko.
Agad syang naglabas ng kutsilyo at tinutok nya sakin yun.
"Ibaba mo yan." Pamilyar na boses at si Kevin yun. Agad silang napalingon don kaya agad kong inagaw yung kutsilyo kay Aurora.
"Ibalik mo yan sakin!" Sigaw ni Aurora at bigla syang nag labas ng baril na ikinagulat ko.
Agad nya yung tinutok sakin at....
'BANG!'
'BANG!'
Pero hindi nya ako natamaan, naglalaban na rin sina Kevin at Elias. Agad kong sinugod si Aurora at nakipag agawan ako sa kanya ng baril.
Agad ko syang sinuntok sa mukha dahilan para mapadaing sya, nakita ko namang pinagsusuntok na ni Elias si Kevin.
'BANG!'
'BANG!'
Biglang dalawang beses na putok ng baril ang narinig namin at napalingon kami sa taong bumaril. Nandito din pala sya...
Si Felix.
Tuluyan na ngang bumagsak yung katawan ni Elias sa ibabaw ni Kevin.
Agad akong sinipa ni Aurora sa tiyan kaya napadaing ako sa sakit. Tatayo na sana sya at tatakbo palabas ng hawakan ko yung binti nya para hindi sya makaalis.
"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Aurora.
'Rawr!'
Isang zombie yung pumasok galing sa labas na ikinagulat ko. Agad kong binitawan si Aurora kaya sya yung sinugod nung zombie.
Kinagat si Aurora nung zombie sa may leeg at wala syang nagawa kundi ang sumigaw.
"Aaaaaaahhhh! Tulungan nyo kooo!" Sigaw nya.
"A-aahhhh! Aaahhh!" Sigaw nya at pilit pa syang lumalaban pero hindi na sya pinapakawalan nung zombie.
Agad naman lumapit si Felix kay Kevin at inalis nya sa ibabaw ni Kevin yung katawan ni Elias at tinulungan nya syang makatayo.
"Thank you." Sabi ni Kevin at tumango naman si Felix.
"Tara na!" Sigaw ni Felix samin at tumango naman kami ni Kevin.
+
DREA'S POV:
Puro putukan na ng baril ang maririnig sa buong paligid, nagkakagulo ang lahat panay takbuhan at sigawan ang mga tao.
Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa braso ko.
Si Olivia.
Napakunot naman ang noo ko.
Agad nyang hinigpitan yung paghawak sa braso ko at hinila nya ko.
"Bitawan mo ako, Olivia." Sabi ko sa kanya pero hinihila pa rin nya ako.
"Bitawan mo ako sabi!" Sigaw ko sa kanya pero agad syang naglabas ng baril na ikinagulat ko.
"Tatahimik ka o papasabugin ko ngayon din yang utak mo? Sumama ka na lang sakin at wag ka nang madaming sinasabi." Sabi ni Olivia.
Agad ko naman syang sinuntok sa mukha na ikinagulat nya kaya nabitawan nya yung baril pati yung braso ko.
Pupulutin ko na sana yung baril ng may nakita akong sapatos sa harapan ko, ibig sabihin may nakatayo sa harapan ko.
"Subukan mo." Sabi nya.
Pamilyar na boses, si Jasper.
Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanila.
Dinala nila ako sa isang cr na merong limang cubicle.
"Ano na naman ba to, Olivia? Nagkakagulo na sa labas, kailangan na nating umalis dito." Sabi ko kay Olivia.
"Alam namin, kami ang may dahilan kung bakit nagkakagulo na ngayon dito eh." Sabi ni Olivia kaya napakunot ako ng noo.
"Ang sasama nyo, hindi nyo ba alam na maraming tao yung napahamak... pati si Kyle namatay dahil sayo!" Sigaw ko naman sa kanya.
"Wala akong pakealam. Bakit? May tinulong ba yang mga yan sakin? Wala naman, diba? Kaya manahimik ka... iniisip mo pa yang ibang tao bago yang sarili mo, tanga ka ba?" Sabi nya na ikinainis ko.
"Ano bang gusto mo? Ano na namang kagagahan tong mga pinaggagawa nyo?" Pagtatanong ko sa kanila.
"Nakalimutan nyo na ba yung ginawa nyo sa amin? Hindi ko yun papalagpasin." Sagot naman nya.
"Alam mo, Olivia? Nababaliw ka na!" Sigaw ko sa kanya.
"Oo, nababaliw na ako at hindi na ako makapaghintay na patayin ka, sinisigurado kong mamamatay kayo ng mga kaibigan mo ngayong araw." Sabi naman nya sakin.
"Tumigil ka na Olivia, tumigil na kayo... hindi nyo ba alam kung sino ang tunay na kalaban natin? Ang kalaban natin ay yung mga halimaw sa labas." Sabi ko.
"Hindi lang sila ang kalaban natin, pati mga tao ngayon kalaban na rin... bakit mo ba yan sinasabi? Natatakot ka bang mamatay? Bakit? Hindi ka ba mapapatay nung mga halimaw na yon?" Sabi nya na ikinainis ko.
"Ano bang gusto mo? Mag sorry ako? Sige, mag-sosorry ako sa lahat para matigil na to." Sabi ko sa kanya.
"Sorry? Hindi ako tanga para sabihan mo ng sorry... naiinis na ako sayo. Akin na yang baril." Sabi nya at binigay naman sa kanya ni Jasper yung baril.
Hindi ko na alam ang gagawin, natataranta na ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung nasaan sina Cessa tapos nung nakita ko si Michelle at Kyle hindi ko alam ang gagawin at nasaan na yung iba?
+
CESSA'S POV:
Nakita namin ni Ella si Drea, kinuha sya nila Jasper at Olivia tapos pinasok sya sa isang cr. Ano na naman kayang binabalak nung mga yun. Sigurado akong sila ang nagsimula ng lahat ng ito.
Dahan-dahan kaming sumunod ni Ella papunta don sa cr at kutsilyo lang yung armas namin. Hindi ko pa alam kung anong gagawin namin dahil alam kong may baril silang dala. Pero hindi na kami nag dalawang isip na pumasok ni Ella sa loob ng cr.
Nakita namin sila, tinututukan nila ng baril si Drea, agad namang napalingon sina Jasper at Olivia at gulat na gulat naman si Drea nung makita kami.
Hindi na nagdalawang isip pa si Olivia at itinutok nya sa amin yung baril at...
*BANG!*
Agad naman kaming nakailag ni Ella, nakita ko namang nakipag-agawan agad si Drea ng baril kay Olivia. Dali-dali namang lumapit si Jasper sa amin ni Ella at agad ko syang tinutukan ng kutsilyo.
"Ibaba mo yan, hindi ako natatakot dyan." Sabi ni Jasper.
"Ah, talaga ba?" Pagtatanong ko at agad binato yung kutsilyo kay Jasper kaya naman nasugatan sya sa balikat. Agad naman nya yun pinulot at tumakbo papunta sakin, sasaksakin nya ako.
Shit.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sasaksakin nya ako kaya agad akong umiwas pero nasaksak nya pa rin ako sa may balikat at tinulak nya pa ako sa may pader dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
"AAAAAAAAAAHHHHHHHH!" Sigaw ko at napapikit na lang ako sa sakit nang hugutin nya yung kutsilyo at agad naman nyang sasaksakin si Ella pero mabilis na nakailag si Ella kaya nadaplisan lang sya ng hiwa sa braso.
Pilit pa rin pinag-aagawan nina Olivia at Drea yung baril.
Lalapit pa sana si Jasper kay Ella pero nadulas sya dahil sa basang sahig, nang ma a-out of balance na sya ay agad naman syang tinulak ni Ella papasok sa isang cubicle dahilan para tuluyan ng matumba si Jasper at nakarinig kami ng malakas na kalabog.
Nagsimula namang kumalat yung dugo sa sahig kung saan tumumba si Jasper. Kitang-kita naman sa mukha ni Ella yung pagkagulat nya.
"Tumama yung ulo ni Jasper sa bowl!" Natatarantang sigaw ni Ella, kaya napalingon si Olivia at tuluyan namang naagaw ni Drea yung baril.
"Anong ginawa nyo kay Jasper?!" Galit na sigaw ni Olivia.
"Dapat lang yan sa kanya!" Sigaw ko naman sa kanya.
"I'm sorry, Olivia." Sabi ni Drea at itinutok yung baril sa ulo ni Olivia.
*BANG!*
Tuluyan namang tumumba yung katawan ni Olivia sa sahig at nagsimula na rin kumalat yung dugo nya don. Agad namang lumapit si Drea kay Ella dahil halos ma-estatwa na si Ella sa kinatatayuan nya.
"N-napatay ko si Jasper..." Nauutal na sabi ni Ella.
"Hindi, kasalanan nya yun... hayaan mo na sya, kailangan na nating umalis dito." Sabi naman ni Drea at lumapit naman sya papunta sakin.
Tiningnan ako ni Drea.
"Alam ko na ang itatanong mo, kaya ang isasagot ko ay hindi ako okay." Sabi ko kay Drea.
Tiningnan naman nya si Jasper sa cubicle at tinutok yung baril don.
*BANG!*