Chapter Twenty One

DREA'S POV:

Tuluyan na kaming nakalabas nina Cessa at Ella sa cr, mabuti na lang at dumating sila don. Sa ngayon, kailangan naming mahanap yung iba at umalis na dito.

"Kailangan nating makalabas, sigurado akong lumabas na rin yung iba... makikita natin sila don." Sabi ni Cessa kaya agad kaming naghanap ng malalabasan dahil ang dami ng mga zombie na binabaril ng mga sundalo.

+

RAFAEL'S POV:

Nagkakagulo na sa buong paligid, ang dami ng mga zombie at puro putukan na ng baril ang naririnig namin. Kasama ko sina Emma at Kieran, tapos si Kieran lang yung may armas sa amin, meron syang baril.

Pinapalabas namin yung mga ibang tao dito sa may exit para makapunta sila sa military camp.

Yung mga papunta namang zombie dito ay binabaril ni Kieran.

"Emma, humingi ka ng tulong sa military camp." Sabi ni Kieran kaya napatingin ako sa kanila.

"Sige, hintayin nyo ako." Sabi naman ni Emma.

"Hindi, wag ka nang bumalik dito... pag nakita mo yung iba sumama ka na sa kanila." Sabi ko naman at tumango sya.

Tumakbo na rin sya palabas kasama nung ibang mga tao.

+

EMMA'S POV:

Dali-dali na nga akong tumatakbo papunta sa military camp para humingi ng tulong. Hindi lang pala sa loob may zombie, pati na rin dito sa labas.

Nakita ko namang binabaril nung mga sundalo yung mga zombie na papunta don sa kanila at nagulat na rin ako nang barilin nila yung mga taong walang kagat at hindi naman zombie kaya naman napatigil ako sa pagtakbo.

Dumaan naman sa tabi ko yung isang matandang pilit na tumatakbo papunta sa military camp at pipigilan ko sana sya pero agad syang binaril ng isa sa mga sundalo kaya bumagsak yung katawan nya.

"Teka!" Sigaw ko pa.

Patuloy lang sila sa pagpapaputok ng baril at lahat ng taong makita nila ay binabaril nila. Puro sigawan at iyakan ang naririnig ko sa buong paligid.

Agad ko namang nakita si sir Owen sa may military camp at nagulat ako ng barilin nya yung isa sa mga tao.

"Sir Owen! Anong ginagawa nyo?!" Pilit kong sigaw at tumakbo na ako papunta sa kanila. Nagulat na lang ako ng may dumamba sakin na zombie kaya agad akong natumba at napahiga, nasa ibabaw ko na sya ngayon, hindi ko pala sya napansin na papalapit sakin kanina.

"Grawwrr!"

"Rawrr!"

"Rarwr!"

Gusto na nya akong kagatin pero pilit ko syang itinutulak pero ang lakas din nya.

"T-tulooong! Tulong!" Sigaw ko. "Tulungan nyo kooo!"

Pero hindi ko na kinaya dahil kakagatin na ako nitong zombie sa mukha kaya agad ko namang hinarang yung braso ko sa mukha ko kaya ayun yung nakagat nya.

Naramdaman ko naman yung pagbaon ng mga ngipin nya kaya napasigaw ako sa sakit.

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!" Malakas na sigaw ko.

*BANG!*

May bumaril sa ulo ng zombie na kumagat sakin kaya agad syang tumumba sa ibabaw ko. Duguan na ako.

Agad ko syang tinulak at inalis sa ibabaw ko at agad naman akong tumayo. Tumakbo pa rin ako papunta sa military camp para humingi ng tulong pero nakita ako ni sir Owen at tinutukan ako ng baril.

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

Natamaan ako ng tatlong beses sa tiyan kaya natumba na lang ako at napahiga sa sahig.

+

RAFAEL'S POV:

Nakarinig na rin kami ng putukan sa labas kaya agad akong sumilip don, may mga zombie na rin pala sa labas. Shit.

Nagulat naman ako ng makita kong pati yung mga tao ay binabaril na nung mga sundalo. Binaril din nila yung matanda na dumaan sa tabi ni Emma, baka mabaril nila si Emma. Ano ba ang ginagawa nila, pati yung mga tao binabaril nila.

Nakita ko naman si sir Owen at binabaril nya rin yung mga tao na ikinagulat at ipinagtaka ko. Anong ginagawa nila?!!

Nakita ko rin namang may zombie na papalapit kay Emma at hindi nya yun napansin kaya dali-dali akong tumakbo para puntahan sya pero nadambahan na sya nung zombie.

"Emma!" Malakas kong sigaw kahit alam kong hindi nya yun maririnig dahil ang layo ko pa sa kanya at puro putukan ng baril sa buong paligid.

"Rafael!" Sigaw naman ni Kieran sa likod ko at sumunod na rin sakin. "Teka Rafael!"

"Shit! Binabaril nila yung mga tao!" Sigaw pa ni Kieran at agad nya akong hinila dahil pinaputukan kami ng mga sundalo. "Shit! Anong ginagawa nila?!"

"Si Emma!" Sigaw ko at nanlaki yung mga mata ko ng makita namin na kinagat na sya nung zombie.

Agad namang binaril ni Kieran yung zombie na nakapatong sa ibabaw ni Emma kaya namatay yun. Tumayo pa rin si Emma at tumakbo na ulit papunta don sa military camp kaya tumakbo na rin kami ni Kieran para sundan sya.

Nakita ko namang tinutukan sya ng baril ni sir Owen.

"Wag!" Sigaw ko.

*BANG!*

*BANG!*

Nanlaki yung mga mata ko ng makita kong barilin ni sir Owen si Emma. Tuluyan namang bumagsak si Emma at mas binilisan ko pa yung pagtakbo ko.

+

EMMA'S POV:

"E-emma!" Narinig kong may sumigaw.

"Eemmaaa!" Boses ni Rafael.

Agad naman syang nakalapit sakin at kasama nya si Kieran.

Iniangat nya yung ulo ko at ipinatong sa mga braso nya.

Tiningnan ko sya sa mga mata.

Umiiyak sya.

"I-im sorry, Rafael..." Sabi ko sa kanya.

"Hindi! Hindi pwede! I'm sorry, Emma, please, wag mo akong iwan." Sabi ni Rafael habang umiiyak at niyakap nya ako.

Tama ako, mahal nya pa rin ako kahit na nag-away kami. Hindi nya lang pinapakita sakin pero alam kong may pakealam pa rin sya sakin.

"U-umalis na kayo..." Sabi ko sa kanya.

"Hindi! Hindi ako aalis! Wag mo akong iwanan kagaya ng ginawa ni Thomas." Sabi ni Rafael habang umiiyak kaya hindi ko na napigilang umiyak.

Hinaplos ko yung mukha nya.

"I-i love you so much, Rafael..." Sabi ko pa sa kanya.

Lumalabo na yung paningin ko at may nararamdaman na akong kakaiba, tuluyan ko na ngang ipinikit ang mga mata ko.

+

RAFAEL'S POV:

"Emma? Emma! Gumising ka!" Sigaw ko habang umiiyak pero hindi na sumasagot si Emma at nakapikit na sya.

Ang putla nya.

I'm sorry, Emma...

*BANG!*

Laking gulat ko ng tamaan si Kieran sa balikat kaya natumba sya at napasigaw sa sakit.

"Fuck!" Daing ni Kieran at napahawak sya sa balikat nya, kung saan sya natamaan.

Napapikit na lang sya sa sakit.

Agad ko namang kinuha yung baril sa kanya, papatayin ko si Owen.

"Teka Rafael!" Sigaw ni Kieran pero hindi ko na sya nilingon.

Agad naman akong nakarating sa military camp at agad nila akong tinutukan ng baril pero agad nagsalita si Owen.

"Hayaan nyo sya, barilin nyo lang lahat ng makita nyo." Sabi ni Owen.

"Anong ginagawa mo?" Galit na pagtatanong ko sa kanya.

"Pinatay mo si Emma!" Sigaw ko sa kanya.

"Kinagat na sya ng halimaw." Sabi ni Owen.

"Bakit mo hinahayaan? Binabaril nyo yung mga tao!" Sigaw ko sa kanya.

"H-hindi ko na alam ang gagawin, Rafael... Ang gulo na." Sabi ni Owen at tinutok naman nya yung baril sa ulo nya na ikinagulat ko.

Hindi ko din alam ang gagawin.

"I'm sorry." Sabi pa nya.

*BANG!*

At tuluyan ng bumagsak yung katawan nya.

+

KIERAN'S POV:

Shit, shit, anong nangyayari don.

Fuck, nagiging zombie na si Emma...

"R-raah..." Nakahiga pa rin si Emma pero zombie na sya.

Nakaupo pa rin ako at dahan-dahang umatras dahil baka pagtumayo ako mabaril na naman ako.

Agad namang tumingin sakin si Emma, zombie na sya, shit. Anong gagawin ko.

Agad naman syang bumangon sa pagkakahiga at nagsimulang gumapang kaya naman umatras ako.

"Raaahh!"

*BANG!"

May bumaril kay Emma, si Ms. Simone.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong nya at tumango naman ako.

Papunta sya sa military camp kaya naman agad akong tumayo para sundan sya. Agad naman kaming nakarating sa military camp at nakita pa naming nag-uusap sina sir Owen at Rafael.

"Wag nyong barilin yung mga tao! Ano ba ang mga pinaggagawa nyo?!" Sigaw ni Ms. Simone.

"Pero ito po yung utos sa amin ni sir Owen." Sabi nila, kaya pinuntahan namin agad sina sir Owen at Rafael.

Narinig pa namin yung usapan nila at tinutok naman ni sir Owen yung baril sa ulo nya na ikinagulat namin.

*BANG!*

At tuluyan nang bumagsak yung katawan ni sir Owen. Nilingon naman kami ni Rafael at sa hindi namin alam na dahilan ay bigla rin syang natumba kaya agad kaming lumapit sa kanya.

Nawalan sya ng malay.

Narinig naman naming nagsisigawan na yung mga sundalo, nakapasok na yung mga zombie sa camp.

"Buhatin mo na sya, kaya mo ba?" Sabi at pagtatanong ni Ms. Simone at tumango naman ako.

"Kailangan na nating umalis dito." Sabi nya.