DREA'S POV:
Umaga na at nandito pa din kami sa hospital, napakarami ng zombie sa labas at harap ng hospital. Kaya kinadena nila yung pinto ng entrance ng hospital at nagpaplano din silang lumabas at don dumaan sa exit sa likod.
Tulog pa rin si Yvonne, pero okay na sya. Nagising sya kagabi habang ginagamot sya ni Ella kaya na sabi nya kung anong blood type nya kaya nabigyan sya ng dugo. Okay na rin sina Cessa at Sylus.
So, ayun na nga, nagpaplano na sila na lumabas para kumuha ng pagkain sa convenience store.
Ang lalabas ay sina Boss J, Greyson, Noah, Luke at si Xavier.
Kaya ako, si Cessa, Yvonne, Sylus, Derrick, Ella at si Zayne ang maiiwan dito sa loob.
"Dito lang kayo, babalik din kami agad." Sabi ni Greyson.
"Mag-iingat kayo." Sabi ni Ella.
"Siguraduhin nyo lang na hindi kayo mag-dadala ng mga zombie dito." Half-joke ni Zayne.
"Hindi." Sabi ni Greyson at tumawa.
"Alis na kami." Sabi naman ni Xavier.
"Oo, bilisan mo... nagugutom na ko." Sabi ni Cessa.
"Luh, ako rin kaya." Sabi ni Xavier kaya nagtawanan sila.
Umalis na sila.
"Nasaan kaya sina Kevin ngayon." Sabi ni Cessa.
"Kasama non sina Felix at Olivia panigurado." Sabi ni Derrick.
"Sina Rafael kaya? Nakaalis kaya sila sa airport?" Pagtatanong ni Cessa.
"Oo, kasama non sina Kieran at Emma... hindi naman naghihiwalay yung tatlong yun." Sabi ni Derrick.
"Nagugutom na talaga ako, try nating maghanap dito... Maglibot tayo dito baka may makita tayong mga pagkain at tubig." Sabi ni Sylus.
"Sa tingin ko hindi magandang idea yan." Sabi ni Cessa.
"Tama, baka may mga zombie din dito sa loob... pero subukan pa rin natin, nagugutom na rin ako eh." Sabi ni Derrick.
"Haysst, ewan ko sa inyo, pero sige sasama ako." Sabi ni Cessa kaya tumawa sila.
"Zayne, sasama ka ba?" Pagtatanong ni Sylus.
"Sige." Sabi ni Zayne.
"Ikaw Drea? Sasama ka?" Pagtatanong sakin ni Cessa kaya napatingin sila sakin.
"Ah hindi na, kayo na lang... sasamahan ko na lang si Ella na bantayan si Yvonne dito." Sagot ko naman.
"Sige, dyan lang kayo ah... babalik din kami." Sabi ni Cessa.
"Mag-iingat kayo." Sabi ko.
"Magdadala ako ng kutsilyo, kayo ba?" Sabi ni Derrick.
"May baril na ko dito." Sabi ni Sylus.
"Gusto mo bang mapahamak tayo? Magtatawag ka yata ng mga zombie." Sabi ni Cessa.
"Biro lang naman." Sabi ni Sylus.
"Tara na." Sabi naman ni Derrick.
"Ingat kayo, bumalik agad kayo hah." Sabi ko.
"Sige." Sabi ni Zayne at lumabas na sila ng room.
Nagising naman si Yvonne.
"Saan sila pupunta?" Pagtatanong ni Yvonne.
"Hahanap ng pagkain dito sa hospital, pero lumabas na sina Greyson para kumuha ng pagkain sa convenience store." Sabi ko.
"Kumusta ka pala? May nararamdaman ka pa bang masakit?" Pagtatanong ni Ella.
"Masakit lang yung ulo ko, thank you pala sa inyo... lalo na kay Sylus." Sabi ni Yvonne.
"Wala yun, buti nga nadala ka nila dito kagabi... inaapoy ka ng lagnat kagabi eh." Sabi ni Ella.
"Salamat talaga sa inyo." Sabi ni Yvonne at tiningnan nya kami kaya naman nginitian ko sya.
+
CESSA'S POV:
Tahimik nga lang kami habang naglalakad sa hallway ng hospital at iniisa-isa namin yung bawat mga room, nasa second floor na kami. Tapos nasa 1st sina Drea.
"May nakita ako dito." Sabi ni Zayne.
"Ano yan?" Pagtatanong ni Sylus.
"Chocolate bars." Sagot ni Zayne.
"Okay na yan." Sabi ni Derrick.
"Maghanap pa tayo sa ibang room." Sabi ko naman.
Kaya naman lumabas na kami at pumasok sa ibang room.
May nakita naman kaming patay at nabubulok na sya at nilalangaw.
"Fuck." Sabi ni Derrick.
Agad namang kinuha ni Zayne yung kurtina at itinabon yun don sa patay.
"Walang pagkain dito." Sabi ni Sylus kaya naman nauna na akong lumabas ng pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang zombie na dadaan sa harap ko.
"Rawr!" Yung zombie at agad nya akong dinambahan kaya napasigaw ako.
"Cessa!" Sigaw ni Derrick sa loob.
"Rawrr!"
Galit na galit yung zombie at agad nya akong tinulak sa pader kaya tumama yung likod ko sa pader at may nasandalan ako na kung ano, naramdaman ko namang nag dugo yung sugat ko at...
"KRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG!"
Nasandalan ko yung pindutan nung alarm, shit.
*BANG!*
Binaril ni Sylus yung zombie na nasa harap ko at agad naman syang bumagsak.
"Shit!" Sambit ni Sylus at lumapit don sa may pindutan ng alarm.
"Hindi mo yan mapapatay, titigil yan ng kusa." Sabi ni Zayne.
"Sorry guys." Sabi ko.
"Yung sugat mo dumudugo." Sabi ni Derrick.
"Hindi, okay lang." Sabi ko.
"Kailangan na nating bumalik sa baba." Sabi ni Sylus.
"Tara na." Sabi ni Zayne.
Kasalanan ko to.
+
DREA'S POV:
"KRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG!"
Isang malakas na alarm na ikinagulat namin.
"Ano yun?" Pagtatanong ni Ella, agad naman akong nagtatakbo palabas ng room para tingnan yung front door.
Hindi pa rin tumitigil yung tunog ng alarm.
*BANG!*
Rinig ko pa ang putok ng baril.
Naglalapitan na yung mga zombie sa front door, babasagin nila yung glass para makapasok. Kailangan na naming umalis dito.
"Rawrr!"
"Grawwrr!"
"Raahh!"
"Rawr!"
"Grawr!"
Ano kayang nangyari sa kanila.
Dali-dali naman akong tumakbo pabalik sa loob ng room kung saan nandon sina Yvonne at Ella.
"Kailangan na nating umalis dito." Sabi ko kay Ella at Yvonne.
Kitang-kita naman sa mukha nila ang takot.
"A-anong nangyayari?" Pagtatanong pa ni Ella.
"Papasok yung mga zombie dito, kailangan nating tumaas sa second floor... don ko narinig yung putok ng baril." Sabi ko kay Ella at agad ko namang kinuha yung baril na naiwan dito.
Agad naming inalalayan si Yvonne na makababa sa higaan nya at inalalayan namin syang maglakad.
Akay-akay naming maglakad si Yvonne, ako ang nasa kanan nya at si Ella yung nasa kaliwa nya. Mahina pa rin ang katawan ni Yvonne kaya hindi pa sya makalakad ng sya lang.
Akay-akay namin si Yvonne habang papalabas kami ng room, nakita pa naming nag ca-crack na yung glass. Kailangan naming bilisan.
"Aakyat tayo." Sabi ko.
"Kaya mo bang humakbang?" Pagtatanong ni Ella kay Yvonne at tumango naman si Yvonne.
"Kahit saang lugar hindi tayo safe." Sabi ko.
"Ano kayang nangyari." Sabi ni Ella.
"Bakit kaya hindi pa rin tumitigil yung alarm, maraming zombie yung maaakit nung tunog na yun." Sabi ko pa.
"Rawrr!" Isang zombie na kasalubong namin na ikinagulat pa namin kaya agad ko syang binaril.
*BANG!*
Muntik pa kaming ma out of balance pero nagpatuloy pa rin kami sa pag akyat hanggang sa nakaakyat na kami sa second floor.
Shit, may mga zombie na rin dito nagtatakbuhan sila.
"kraaghh!"
"Raawr!"
*BANG!*
*BANG!*
"Okay lang ba kayo?" Pagtatanong ko at tumango naman silang dalawa.
"Akyat tayo sa third floor." Sabi ko.
"Kaya mo pa ba, Yvonne?" Pagtatanong ni Ella at tumango lang si Yvonne at nagpatuloy na kami.
Hindi pa rin tumitigil yung alarm, bwiset.
+
ZAYNE'S POV:
Nasa baba na kami at nakita namin na ang dami ng zombie sa front door, binabasag nila yung glass na nagsisilbing wall at door. Nag ca-crack na rin yung glass wall at door.
Agad kaming pumasok sa room kung saan nandon sina Drea, Yvonne at Ella.
"Wala na sila!" Sigaw ni Derrick.
"Sa tingin ko umakyat sila." Sabi ni Sylus.
"Dito sila dumaan sa kabilang hagdan." Sabi naman ni Cessa.
"Tara na." Sabi ni Sylus at agad kaming lumabas ng room at laking gulat na lang namin nang mabasag na yung glass wall.
"Shit!" Sambit ni Derrick.
"Umakyat na tayo!" Sigaw ni Cessa.
"Takbo!" Sigaw din ni Sylus.