GREYSON'S POV:
Nasa convenience store na kami ngayon at kumukuha ng mga canned foods, biscuit, basta mga ready to eat na foods at kumuha na din kami ng mga bottled water.
"Ano ba yan Xavier puro chocolate naman yang kinukuha mo." Sabi ni Luke kaya natawa kami.
"Mas gusto ko to eh, ikaw nga puro chips." Sabi naman ni Xavier.
"Kuhanin nyo na lang yung mga gusto, libre lang naman yan eh." Sabi ni Boss J.
"Kukuha na ba ako ng beer?" Pagtatanong ni Noah.
"Kumuha ka basta ikaw lang iinom nyan." Sabi ni Boss J kaya nagtawanan sila.
"KRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG!"
"Shit!" Sambit ni Noah at nabitawan yung alak na hawak dahil sa gulat.
Isang malakas na alarm ang narinig namin, agad namang nagtakbuhan yung mga zombie papunta don kung saan nanggagaling yung tunog.
"What the fuck?" Si Luke.
"Saan galing yun?" Pagtatanong ni Noah.
"Sa hospital yun!" Sambit ni Xavier kaya naman dali-dali na naming inayos yung mga bag naming may pagkain at lumabas kami sa exit ng convenience store.
"Ano kayang nangyari don?" Pagtatanong ni Luke.
"May pinakealaman yung mga yun." Sabi ni Boss J.
"Hindi ka ba natataranta Boss J? Nandon yung apo mong si Sylus pero parang wala lang sayo." Sabi ni Xavier.
"Kasalanan nila yan." Sabi ni Boss J kaya napatingin kami sa kanya.
"Biro lang." Sabi ni Boss J at tumawa.
"Tingnan mo, nagagawa pang magbiro." Sabi ni Xavier.
"Hindi, ganito lang talaga ako... Dyan lang kayo, titingnan ko yung front door." Sabi ni Boss J at sumilip na nga sya don. Nakatago kami sa isang street.
Maya-maya pa bumalik na sya.
"Puno na ng mga zombie yung front door at sinusubukan na nilang basagin yun, babalik tayo don sa exit ng hospital... Pero hindi ako sigurado kung pumunta sila don para lumabas, baka mag-akyatan pa sila sa ibang floor sa takot." Sabi ni Boss J.
"Tama ka dyan Boss J, kahit ako yun din yung gagawin ko... aakyat ako eh." Sabi ni Xavier.
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
Puro putukan ng baril ang naririnig namin don sa loob ng hospital.
"Pasaway talaga yung mga batang yun." Sabi ni Boss J at tumakbo na pabalik kaya sinundan namin sya. Babalik kami don sa exit ng hospital.
+
KEVIN'S POV:
Tahimik kaming kumakain nina kuya Felix at Allison sa isang convenience store.
"Sa tingin nyo, saan pupunta yung mga yun? Mahanap kaya natin sila?" Pagtatanong ni Allison.
"Hindi ko din alam, pero nakarinig tayo ng sasakyan kagabi diba... baka sila yun." Sabi naman ni kuya Felix at sumubo ng kinakain nyang pagkain.
"Magkakasama na kaya sina ate Drea at kuya Zayne ngayo—" Sabi ko pa pero biglang...
"KRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG!"
Isang malakas na alarm ang narinig namin kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"Tara na." Sabi ni Allison kaya agad kaming kumilos.
+
DREA'S POV:
Tuluyan na nga kaming nakaakyat sa third floor at may mga zombie na din dito.
"Pumasok kayo sa isang room!" Sabi ko sa kanila at bumitaw ako kay Yvonne.
Kaya naman inalalayan ni Ella si Yvonne para makapasok sila sa isang room.
"Rawr!"
"Kraaghh!"
"Grawr!"
"Rawrr!"
Yung mga zombie at tumatakbo na papunta sakin pero agad ko silang binaril.
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
Pero naubusan na ako ng bala kaya binato ko na lang yung baril sa kanila at dali-dali akong tumakbo papasok sa room kung saan pumasok sina Yvonne at Ella.
Isasarado ko na sana yung pinto pero agad yung tinulak ng zombie na ikinagulat ko. Pilit ko pa din itinulak yun pero ang lakas nya at nadagdagan pa ng isang zombie yung tumutulak sa pinto kaya dali-daling tumakbo si Ella para tulungan akong isara yung pinto.
"Rawr!"
"Kraaghh!"
"Rawrr!"
Pilit tinutulak ng dalawang zombie yung pinto, pero nakarinig kami ng putok ng baril, may bumaril sa mga zombie sa labas kaya natigil yung pagtulak nila sa pinto.
Agad ko namang sinilip yun para tingnan kung sina Sylus yun, pero hindi. Isang matangkad na lalaki at ang ganda ng katawan nya ang gwapo pa, may dala din syang shotgun.
Pumasok naman sya sa loob ng room at sinarado yung pinto.
Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya.
"Ayos lang ba kayo?" Pagtatanong nya pero walang sumagot sa amin.
"Wait, ano bang nangyari? Bakit tumunog yung alarm?" Pagtatanong nya ulit pero wala pa din sumagot sa amin.
"Teka nga, ngayon lang ba kayo nakakita ng tao?" Pagtatanong nya ulit pero wala ulit sumagot sa amin.
"Okay guys, na inlove na yata kayo sakin pero hindi ako straight..." Sabi nya kaya naman agad nagsalita si Ella.
"Hindi namin alam, nahiwalay din kami sa mga kasama namin." Sabi ni Ella.
"Hindi namin alam kung nasaan sila ngayon." Sabi ko naman.
"Nagising ako dahil don sa alarm, kagabi pa ako nandito eh... Teka, okay lang ba yang kasama nyo?" Pagtatanong nya at lumapit kay Yvonne.
"May sakit sya, inaapoy sya ng lagnat kagabi tapos muntik na syang maubusan ng dugo dahil sa sugat sa kamay nya pero okay na sya, nagamot ko na sya." Sabi ni Ella.
"Madami ba kayo?" Pagtatanong nya.
"Oo, nagkahiwalay-hiwalay lang kami... Tapos yung iba naming kasama nasa labas, kumukuha ng mga pagkain sa convenience store." Sagot ko.
"Hindi tayo makakalabas ng building kung sa front door tayo lalabas, narinig ko yung pagkabasag nung glass wall don... Nakapasok na yung mga zombie kaya hindi din tayo makakalabas sa exit, pero bakit pala hindi pa kayo lumabas sa exit kanina? Bakit nakaabot kayo dito sa third floor?" Sabi nya.
"A-ah nataranta kasi kami... Hindi namin alam yung gagawin at saka nakarinig kami ng putok ng baril sa second floor kanina at alam namin na yung mga kasama namin yun kaya umakyat na kami pero hindi namin sila nakita kaya nakaabot kami dito sa taas." Pagpapaliwanag ko naman.
"Isa na lang ang way natin para makaalis dito." Sabi nya.
"Ano palang pangalan mo?" Pagtatanong ni Ella.
"Call me Rhyzen." Sabi nya.
Hindi sya straight? Pero hindi halata sa kanya, ang ganda ng boses nya, i mean ang pogi ng boses nya parang sya. Sa unang tingin mo sa kanya akala mo straight sya pero hindi talaga?
"Ano palang pangalan nyo?" Pagtatanong ni Rhyzen.
"Ah, ako si Ella." Pagpapakilala ni Ella.
"Ako si Drea, tapos sya naman si Yvonne... Pero hindi ka talaga straight?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Yup, na-aatract ako sa mga guys pero kung straight naman sila back off na ko." Sabi ni Rhyzen.
Wtf, bagay sila ni Kevin! Kaso... wala si Kevin dito... Sana magkita-kita na ulit kami at sana okay lang sila.
Wait wait wait... Hindi ito ang tamang oras para dito kailangan na naming makalabas ng hospital.
"So, ano yung sinasabi mong way para makalabas tayo dito?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Sumunod kayo sakin." Sabi nya pero hindi kami sumunod kaya nilingon nya kami.
"Oh shit, yung mga kaibigan nyo pala... Ako na mag-aalalay sa kanya." Sabi ni Rhyzen at lumapit kay Yvonne.
"Dahan-dahan lang." Sabi ni Ella.
"Isakay ko na lang sya sa likod ko para mas madali." Sabi ni Rhyzen.
Kaya naman nakasakay na sa likod nya si Yvonne.
"T-thank you." Sabi ni Yvonne.
"You're welcome... Ang gaan mo ah." Sabi ni Rhyzen at nauna na silang lumabas kaya sumunod na kami ni Ella, nagulat na lang kami ng biglang lumindol kaya napahawak na lang ako sa braso ni Rhyzen.
Medyo malakas din yung lindol at tumagal ng mga 2-3 minutes, laking gulat na lang namin ng may tumawag sakin.
"Dreaaa!" Sigaw ni Cessa, kaya naman napatingin kami don.
"Oh, so, sila na ba yun? Yung mga friends nyo?" Pagtatanong ni Rhyzen.
"Oo, sila nga." Sagot ko naman.
"Grabeng lindol, nakisabay pa." Sabi ni Rhyzen.
Tumatakbo na sila papalapit sa amin.
+
ZAYNE'S POV:
Nakaabot na nga kami sa third floor at laking gulat na lang namin nang may lumabas don sa pinto at sina Drea yun at may kasama silang lalaki at buhat-buhat nya sa likod si Yvonne.
Bigla namang lumindol kaya napatigil kami sa pagtakbo, napaupo naman si Cessa.
"Shit, lumilindol." Sabi ni Derrick.
"Nakisabay pa talaga." Sabi naman ni Sylus.
Tumagal yun ng mga 2-3 minutes, kaya naman tinawag na ni Cessa si Drea para makita kami.
"Dreaaa!" Pagtawag ni Cessa kaya napalingon sila sa direksyon namin.
Sino yung lalaking kasama nila? Nakahawak pa talaga si Drea sa braso nya.
+
SYLUS' POV:
Sino yung lalaking yun? Buhat-buhat pa talaga nya si Yvonne, pero buti na lang safe sila.