FELIX'S POV:
Ang daming zombie sa paligid, puro putukan ng baril don sa may hospital at nagtatakbuhan yung mga zombie papunta don. Lumindol din kanina.
"Ano kayang nangyayari don?" Pagtatanong ni Kevin.
"Hindi ko alam pero may mga tao don, pwedeng sina Drea yun." Sagot ko.
Malapit lang kami sa hospital at nasa isang street kami ngayon, nagtatago kami sa likod ng malaking basurahan.
Natigil din naman agad yung putukan ng baril.
"Pupunta ba tayo don?" Pagtatanong ko kay Allison.
"Hindi, ang dami nila, pwede tayong mamatay kung pupunta tayo don." Sagot naman ni Allison at sumilip ako don sa harap ng hospital at laking gulat ko ng makita ko yung sasakyan na ginamit nina kuya Zayne bago sila umalis don sa airport.
"Nandon yung ginamit na sasakyan nina kuya Zayne bago sila umalis don sa airport, sila nga yung nandyan." Sabi ko kay na Kevin at Allison, sumilip din sila.
Umikot naman kami at pasikretong tumawid ng highway para makalapit kami don sa may hospital, nagtago naman kami sa likod ng van.
"Sina Drea ba yun?" Pagtatanong ni Allison at tinuro nya sina Drea don sa may likod ng hospital. Nasa may bintana sila, nagulat na lang kami ng biglang tumalon si Yvonne.
"Shit, tumatalon sila don." Sabi ni Kevin.
"Tumatakas sila, sigurado akong safe yung binabagsakan nila."Sabi ni Allison.
"Kailangan nating pumunta don." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Delikado, ang daming mga zombie sa paligid." Sabi ni Allison.
"Hindi yan, hindi naman ito yung unang beses na ginawa natin to... Na aalala mo ba nung hinabol tayo nung mga zombie tapos kung saan-saan tayong eskinita dumaan." Sabi ko kay Allison.
"Anong plano mo, kuya?" Pagtatanong ni Kevin sakin.
"Nakita nyo yung sasakyan na yun na nakaharang don sa may bakod?" Pagtatanong ko sa kanila at tumango naman sila.
"Aakyat tayo don tapos tatalon tayo sa kabilang bakod... Game ba kayo?" Pagtatanong ko sa kanila.
"Game, game." Sabi ni Kevin.
"Game." Sabi naman ni Allison.
"Tara na." Sabi ko at agad naman kaming tumakbo papunta don sa may sasakyan.
Agad naman kaming napansin nung ibang mga zombie.
"Rawrr!"
"Raah!"
Nung nakaakyat na nga ako don sa may kotse ay hinawakan ko na yung kamay ni Kevin para tulungan syang makaakyat at tinulungan din naming makaakyat si Allison. Dali-dali naman kaming umakyat sa may bakod at tuluyan nga kaming nakatawid bago kami mapuntahan nung mga zombie.
Agad naman kaming tumakbo nina Kevin at Allison para pumunta don, may mga zombie sa daraanan namin.
"May plano ka ba?" Pagtatanong sakin ni Allison at napakamot naman ako ng ulo. Kasalukuyan kaming nakatago ngayon sa likod ng isang sasakyan.
Tumingin naman si Kevin sa paligid kung saan kami dadaan.
"Ayun, may nakita akong ladder don sa may isang building, aakyat tayo don tapos subukan natin silang tawagin... Hindi ko alam kung magwo-work to pero game kayo?" Pagtatanong ni Kevin samin.
Tumango si Allison. "Sige, game."
"Game." Sabi ko naman at agad na kaming lumabas sa pinagtataguan namin.
Agad naman kaming napansin nung mga zombie kaya agad silang nagtakbuhan papalapit sa amin pero agad namin silang pinagbabaril.
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa nakarating na kami dito sa may hagdan na nakadikit sa pader ng building.
"Mauna na kayong umakyat, ako na ang bahala dito sa mga zombie." Sabi ko kay na Kevin at Allison, pinagbabaril ko naman yung mga zombie na sumusunod sa amin.
Hindi pa rin natigil yung pagtunog nung alarm.
"Umakyat ka na, Felix!" Sigaw ni Allison kaya naman agad akong umakyat at sumunod sa kanila, parehas pa din kaming tatlo nasa may hagdan.
"Anong nakikita nyo?!" Pagtatanong ko sa kanila.
"Umaalis na sila, tumatakbo na sila papalayo!" Sigaw ni Allison.
Hindi na naman namin sila maaabutan.
"Ano ng gagawin natin?" Pagtatanong ni Kevin.
Agad namang binaril ni Allison yung bintana.
"Dito tayo dumaan." Sabi ni Allison at pumasok na sya don sa may bintana.
"Mag-ingat kayo sa mga bubog." Sabi pa nya at umakyat na din kami. Ngayon ay nasa loob na kami ng isang apartment at buti na lang walang zombie dito.
"Nakalayo na naman sila." Sabi ni Kevin.
"Sumilip kayo dito bilis... Paalis na sila, nakasakay sila sa school bus." Sabi ni Allison kaya agad naman akong sumilip.
"Naiwan na naman nila tayo." Sabi ko.
"Tara na umalis dito." Sabi naman ni Allison.
"Saan tayo dadaan?" Pagtatanong ko naman.
"Wala naman sigurong zombie sa loob ng building na to." Si Allison.
"Hindi tayo sure." Sabi ko naman.
"Bahala na." Sabi ni Allison at agad naman kaming lumabas ng pinto dali-dali kaming dumaan sa hagdan pababa papunta sa first floor at agad naman kaming napansin nung mga zombie.
"Brawrr!"
"Rawrr!"
"Kraaghh!"
"Grawr!"
"Rawrr!"
"Takbo, Kevin, Felix!" Sigaw ni Allison at agad naman kaming tumakbo dahil hinahanabol na kami ng mga zombie.
"Bilisan mo , Kevin!" Sigaw ko dahil medyo nahuhuli sya sa amin tumakbo.
-
Safe.
Ligtas kaming nakalayo don sa may hospital at sa mga zombie. Nasa loob kami ng convenience store, na naman.
"Hindi na naman tayo nakaabot sa kanila." Sabi ni Allison sabay inom ng tubig.
"Makita pa kaya natin sila ulit?" Pagtatanong ni Kevin.
"Malay mo naman, pero may kasama silang isang lalaki... Hindi ko pa sya nakikita kahit nung nandon pa tayo sa airport." Sabi ko naman.
"Saan na kaya papunta yung mga yon." Sabi ko naman at napailing na lang si Allison.
"Mas better kung simulan na nating maglakad papunta sa pinaka malapit na next na city dito, sigurado akong don sila pupunta." Sabi ni Allison.
"Wala talaga silang balak na hanapin tayo??" Pagtatanong ni Kevin.
"Hindi ko rin alam." Sagot ko.
"Basta bukas sisimulan na nating mag lakad papunta sa next na city na malapit dito, mas mabuti kung sila yung maghanap sa atin or makita nila tayo diba, kesa naman lagi natin silang hinahabol." Sabi naman ni Allison at napatango naman kami.
Kailan kaya ulit namin sila makakasama.
+
DREA'S POV:
Nakalayo na nga kami sa hospital at palabas na din kami ng city ngayon.
"Okay lang ba ang lahat?" Pagtatanong ni Boss J.
"Okay ka lang ba Yvonne?" Pagtatanong ni Cessa kay Yvonne at tumango naman sya.
"Okay lang ang lahat." Sabi ni Xavier.
"Baka may naiwan ah." Sabi ni Boss J.
"Teka, saan tayo pupunta?" Pagtatanong ni Luke.
"Aalis tayo ng city." Sagot ni Rhyzen.
"Teka lang, may mga naiwan pa kaming kasama don sa city." Sabi ni Xavier.
"Saka na natin sila balikan." Sabi naman ni Rhyzen.
Nakaupo na kami ngayon sa school bus at katabi ko si Cessa.
"Nasaan kaya sina Felix, Kevin at Allison, pati na din sina Rafael?" Pagtatanong sakin ni Cessa.
"Hindi ko alam, baka magkakasama naman sila at sana okay lang sila." Sabi ko naman kay Cessa.
"Saan kaya tayo dadalhin ni Rhyzen?" Pagtatanong ulit ni Cessa.
"Baka sa kanila?" Sabi ko.
"Sana naman mapapagkatiwalaan tong Rhyzen na to." Sabi ni Cessa.
"Guys?" Pagtawag ni Xavier kaya napatingin kami sa kanya.
"Bakit anong meron?" Pagtatanong naman ni Luke.
"May sumusunod sa atin na sasakyan." Sagot ni Xavier.
"Kanina ko pa yan napapansin, sorry hindi ko sinabi." Sabi ni Rhyzen.
"Kilala nyo ba?" Pagtatanong pa ni Rhyzen.
"Pamilyar yung sasakyan nya." Sagot ni Xavier.
"Si Ms. Simone." Sabi ni Greyson na ikinagulat namin.
"Bagong bata, itigil mo muna yung sasakyan." Sabi ni Boss J kaya agad namang itinabi ni Rhyzen yung school bus.
"Hindi na ho ako bata, Lolo." Sabi ni Rhyzen at nagtawanan naman sila.
"Ano ngang pangalan mo?" Pagtatanong ni Boss J.
"Rhyzen ho, pero call me pogi na lang ho para mas madali nyong maalala." Sabi ni Rhyzen kaya nagtawanan ulit sila. Hindi ko rin alam kung alala pa ni Boss J yung pangalan ko eh.
"Wag ka ng mag ho sakin, ako si Jack pero Boss J na lang itawag mo." Sabi ni Boss J.
"Noted, Boss J." Sabi ni Rhyzen.
Nakita na nga namin si Ms. Simone na lumabas don sa sasakyan nya. Sya nga, nakalabas sya ng ligtas sa airport.
Nauna namang bumaba si Boss J at nagbabaan na din kami.
Nasa tabi kami ng kalsada at walang mga bahay at building sa buong paligid at wala din mga zombie kaya safe kami.
"Ms. Simone, ligtas ka!" Sabi ni Xavier.
"Kayo rin, mabuti naman at ligtas kayo... Narinig ko yung ingay sa hospital kaya agad akong pumunta don pero ang daming zombie, sakto namang nakita ko yung school bus at nakasakay kayo dyan kaya sinundan ko na kayo." Sabi ni Ms. Simone.
"Si Owen, nasaan?" Pagtatanong ni Boss J.
"Nagpakamatay sya sa airport sa harap namin nina Rafael." Sabi ni Ms. Simone na ikinagulat namin at natahimik naman kami.
"May sinabi ba si Owen bago sya magpakamatay?" Pagtatanong ni Boss J.
"Meron, sinabi nya kay Rafael na hindi na nya alam ang gagawin at ang gulo na... Hindi ko naman sya masisi kung bakit nya ginawa yun, nagoakahirap sya na mabuo at matipon yung mga tao sa airport tapos ganon lang yung mangyayari." Sabi ni Ms. Simone.
"Uh, kayo pala yung mga nakaligtas sa airport... Narinig ko kasi yung mga barilan don." Sabi ni Rhyzen kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"So, alam mo yung tungkol sa airport? Na maraming tao yung mga nandon, mga sundalo at pulis?" Pagtatanong ni Cessa.
"Oo." Sagot naman ni Rhyzen.
"Eh, bakit hindi ka pumunta don?" Pagtatanong naman ni Xavier.
"Dahil meron kaming sariling base at don ko kayo dadalhin." Sagot naman ni Rhyzen na ikinagulat naming lahat.
"Sasama ka ba sa amin Ms. Simone?" Pagtatanong ni Xavier.
"Kasama ng papa ko sina Kieran at Rafael." Sagot naman ni Ms. Simone.
"Ibig-sabihin hindi mo kasamang umalis sina Felix, Kevin at Allison sa airport?" Pagtatanong ni Greyson.
"Hindi, si Rafael at Kieran lang." Sagot naman ni Ms. Simone.
"Ibig sabihin si Emma-" Magsasalita pa sana si Ella pero agad na nagsalita si Ms. Simone.
"Nakagat sya, binaril din sila nung mga sundalo na nandon... Binaril nila lahat ng mga taong nandon na inutos ni Owen at wala akong nagawa kundi panoorin sila." Sabi ni Ms. Simone.
"Ganito, sasama muna ako papunta sa base na sinasabi ni-? Anong pangalan mo?" Si Ms. Simone.
"Rhyzen, call me pogi na lang po, Ms. Simone." Sabi naman ni Rhyzen.
"Wag nyo na akong tawaging Ms. Simone, call me Simone na lang... Wala na tayo sa airport at magtutulungan tayong lahat." Sabi ni Simone, hindi ako sanay huhu.
"Hindi po kami sanay ng Simone lang, Ms. Simone." Sabi ni Xavier.
"Simula ngayon sanayin nyo na." Sabi naman ni Simone.
"So, ganto nga, sasama muna ako papunta don sa sinasabi ni Rhyzen na base nila bago ako bumalik para sunduin sina Papa, Rafael at Kieran." Dugtong ni Simone.
"Ahh, tara na." Sabi ni Greyson.
Nagsakayan na nga kami sa school bus at pinaandar na ulit ni Rhyzen yung sasakyan at umalis na kami. Si Ms. Simone naman ay nakasunod sa amin.