DREA'S POV:
Nasa byahe pa din kami.
"Sabi mo Rhyzen sa base nyo kami dadalhin, anong itsura ng base nyo?" Pagtatanong ni Xavier.
"Farm." Sagot naman ni Rhyzen.
"Maraming tao don?" Pagtatanong ni Greyson.
"Marami din, nagliligtas din kami ng mga survivors at dinadala namin sa farm para may maayos silang matulugan at may makain, marami kaming mga tanim na gulay at mga prutas don.... Malapit din kami sa ilog kaya hindi kami nauubusan ng tubig may mga alaga din kaming mga hayop don at isa pa, malayo kami sa city at wala pang zombie na nakakarating don kaya magiging safe kayong lahat don." Pagpapaliwanag ni Rhyzen.
"So, tutulong lang kami sa inyo sa mga gawain nyo don?" Pagtatanong ni Cessa.
"Yes, tutulong kayo magtanim at magpakain ng mga alaga naming hayop." Sagot naman ni Rhyzen.
Medyo malayo din yung byahe dahil kanina pa tanong ng tanong si Xavier kung malapit na daw kami pero malayo pa daw sabi ni Rhyzen.
Hanggang sa tuluyan na kaming inabot ng hapon.
"Ito na ba yun? Ang tagal ng byahe natin." Sabi ni Xavier.
Raymond's Farm.
Nakasulat don.
"Raymond's Farm." Pagbasa ni Greyson.
"Kaano-ano mo si Raymond?" Pagtatanong ni Greyson.
"Sya yung may-ari ng buong farm at wala akong koneksyon sa kanya, matanda na sya at may tatlo syang anak... Dalawang babae at isang lalaki. Isa ako sa mga nirescue nila kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil niligtas nila ako kaya tumutulong ako sa kanila at pinapalaki pa namin ang farm at makakatulong kayo sa amin." Sabi ni Rhyzen.
"Ang galing ah." Sabi naman ni Xavier.
"Yes, yes, sino pala ang leader ng grupo nyo?" Pagtatanong ni Rhyzen.
"Sina Greyson at Boss J." Sagot ni Xavier.
"Okay, ipapakausap ko kayo kay na Lolo Raymond." Sabi ni Rhyzen.
Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakapasok sa farm nila at ang lawak nito. Madami nga din tao pero hindi kagaya ng dami nung nasa airport pa kami.
Itinigil na ni Rhyzen yung school bus sa gilid.
"Tara na bumaba." Sabi ni Rhyzen at sumunod kami sa kanya.
May matanda namang lalaki ang papalapit sa amin at may kasama syang dalawang babae at isang lalaki. Ito na yata si Raymond at yung mga anak nya.
"Rhyzen, ikaw pala. Ilang araw kang nawala... Nag-alala ako sayo." Sabi nung Raymond at niyakap si Rhyzen.
"Okay lang po ako, may mga kasama po pala ako... Tinulungan ko sila sa city at galing po sila sa airport." Sabi naman ni Rhyzen at tiningnan kami nung Raymond.
Lumapit naman sina Boss J at Greyson don at nakipag kamay.
"Ako ang leader nila at ako si Jack, Boss J for short." Sabi ni Boss J.
"Ako naman ho si Greyson ang nag-lead sa kanila nung una palang." Sabi naman ni Greyson.
"Ako si Raymond, ang may-ari ng farm na to, ito naman ang tatlo kong anak... Ang katulong ko sa pag-asikaso dito sa farm. Ito si Carter ang panganay kong anak, ito naman si Jenna ang pangalawa kong anak at ito si Talia, ang bunso kong anak." Sabi ni Raymond.
"Hello po." Sabi ni Talia, sa tingin ko ka-age lang namin sya.
"Hello sayo." Sabi naman ni Boss J at nginitian naman ni Greyson si Talia.
"Kaya ko kayong tulungan at sigurado naman akong kaya nyo din akong tulungan dito sa farm, diba?" Pagtatanong ni Raymond.
"Nasabi nga ho ni Rhyzen na tutulong daw ho kami sa mga gawain nyo dito at sa pag palalaki ng farm nyo at willing po kaming tumulong." Sagot ni Greyson.
"Ah, wala pa kayong matutulugan sa ngayon, gusto nyo bang matulog don sa dating kulungan ng mga kabayo? Wag kayong mag-alala, malinis na yun dahil wala na kaming alagang kabayo, bibigyan ko na lang kayo ng mga panlatag o kung anong makita naming meron." Sabi ni Raymond.
"Okay na ho kami don." Sabi naman ni Greyson.
"Sumunod na muna kayo sakin at kumain kayo." Sabi ni Raymond at nagsimula na kaming maglakad.
"Ito ang bahay namin." Turo nya sa pinaka malaking bahay na nandito.
"Maraming tao na ang kasama naming natutulog dyan, yung iba naman gumawa ng maliit na bahay para may tulugan sila, yung iba naman gumamit ng tent." Sabi ni Raymond.
Nakarating na kami sa likod ng malaking bahay at ang hahaba ng mga lamesa dito at ang daming upuan na ginawa lang gamit ang mga kahoy.
"Dito kami kumakain ng sabay-sabay, kaya napakahaba ng mga lamesa at maraming upuan ay sabay-sabay kaming kumakain dito." Sabi pa ni Raymond.
"Ang galing naman ho." Sabi ni Xavier.
"Maupo kayo. Talia at Jenna, ikuha nyo sila ng mga pagkain. Carter, kuhanin mo muna yung mga armas nila at itabi pagkatapos ay sumabay na kayo kumain sa amin." Sabi ni Raymond at kinuha na nga nung Carter yung mga armas namin at kumuha na din ng pagkain yung magkapatid na sina Talia at Jenna.
Hanggang sa natapos na at tumulong na din kaming mag-ayos ng mga pagkain sa lamesa at umupo na din kami. Nagulat pa ako dahil tumabi sakin yung Talia.
Nagdasal muna kaming lahat bago kumain. Ang daming pagkain ang nasa lamesa, mga prutas at lutong gulay at may mga meat din.
Nagkwentuhan naman sila habang kumakain.
"Ngayon na lang ulit ako nakatikim ng lutong ulam at lutong manok huhu." Sabi ni Xavier kaya nagtawanan sila.
"Magpakabusog kayo." Sabi ni Raymond.
Ang sarap ng mga pagkain.
"Hello?" Si Talia, napatingin ako sa kanya.
"A-ah hi?" Sabi ko.
"Kilala mo naman ako diba, ako si Talia, ikaw?" Pagtatanong nya.
"Ako si Drea, ito si Cessa, Yvonne at Ella." Sabi ko.
"Hello!" Sabi ni Talia at nginitian sila.
"Hello sayo." Sabi naman ni Yvonne.
Nag hi din sina Cessa at Ella kay Talia.
"Gaano na kayo katagal sa labas?" Pagtatanong ni Talia.
"Simula pa lang nung una nasa labas na kami at nakikipag laban sa mga zombie para mabuhay." Sagot ko naman.
"Ikaw?" Pagtatanong ko.
"Hindi eh, si Mama palang yung nakita kong zombie at wala ng iba. Takot din ako sa mga zombie lalo na nung makita ko si Mama, naging zombie sya dahil sa sakit kahit hindi sya nakagat kaya sina Papa, Ate at Kuya na lang ang kasama ko, ikaw? Nasaan ang parents mo?" Pagtatanong ni Talia.
"Ah, hindi ko alam eh, hindi ko sila kasama nung nangyari lahat ng to... Hindi ko alam kung nasaan ang Papa ko." Sagot ko naman.
"Gaano na kayo katagal sa labas?" Pagtatanong ni Raymond.
"Matagal na din ho." Sagot ni Greyson.
"Nakapatay na ba kayo ng tao?" Pagtatanong ni Raymond kaya medyo kinabahan ako sa isasagot nila.
"Hindi pa, puro zombie ang mga nakakaharap namin." Sagot ni Boss J.
"Oho, nasa airport lang kami at tumutulong sa mga tao." Sabi naman ni Greyson.
"Hindi kasi kami tumatanggap ng mga taong pumapatay ng kapwa tao dahil tayo na nga lang yung mga natitirang tao sa mundo tayo pa yung magpapatayan." Sabi ni Raymond at tinamaan ako sa sinabi nya.
Nakita ko namang tumingin si Sylus kay Yvonne, halos kami dito mga nakapatay na ng tao. Pero tama naman yung ginawa namin para sa kaligtasan din namin yun.
"Pero paano kung yung pinatay mong tao ay may balak na patayin ka, kaya nakipag laban ka sa buhay mo, anong gagawin mo?" Pagtatanong ni Boss J.
"Wala, hindi aabot sa patayan dahil makikipag usap ako sa kanila para makipag ayos at hindi ko na pa aabutin na magkamatayan." Sagot ni Raymond.
Bakit ganto yung topic.
"Bakit nakapatay na ho ba kayo ng sundalo?" Pagtatanong nung Carter kay Boss J.
"Oo naman, dati akong sundalo eh." Sagot ni Boss J at tumawa, nakitawa na lang din yung iba sa amin.
Bakit kasi ganito yung topic ang awkward, nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang nag kukwentuhan pa din sila. Hanggang sa matapos na kami, tumulong na kami sa pag-ayos nung pinagkainan at hinatid na din nila kami sa pagtutulugan namin at binigyan nila kami ng mga kumot pang latag don sa kulungan ng kabayo.