You lying bitch! sigaw ni Marvin nang tumayo at tipong susugurin si Lisa na pinigilan naman ng mga guwardiya na nakapaligid sa korte. Order in the court, Mr. Perez, control your client or I'll hold him in contempt of peace and order of the court.
Yes your honor, I apologize, Marvin stop this nonsense, bulong ng abogado nito sa kanya at umupo na parang nalugi sa sabong ang nasasakdal.
Okay, so after that Mr. Si slapped you at anu pa ang ginawa niya sa iyo. Pwedu mo bang ikuwento ang nangyari noong gabing yaon, sabi ni Trudy at tumango kay Lisa na huwag matakot na ituloy ang sinasabi nito.
Nang hatakin niya ako or si Mr. Si sa kaniyang opisina, tinulak niya ako at napaupo sa sahig. Sabi niya na ako raw ay kaniyang empleyado at binabayaran para maging assistant niya. Kaya since pinapaswelduhan niya ako. Ako raw ay pag-aari niya at di ko raw mabaabyaran ang lahat ng ginawa niya para sa akin at aking pamilya, dagdag ni Lisa na nagyon ay nanginginig na sa takot sa mga matatalim na titig ni Marvin sa kaniya.
Sinungaling pala ha, Marvin, ngayon, huli ka na at hindi mo na magagawa ito sa iba pang mga babae na papasok sa iyong kumpanya. E kung ikaw ay makakalaya na, batid ni Trudy sa kaniyang isip.
We will have a recess and will resume the trial after the two parties have agreed on the date for the hearing. Court will resume another day!, sabi ng judge sabay pukpok sa lamesa.
Lisa, sinungaling ka, sinungaling ka…magbabayad ka at iyong pamilya, magbabayad ka! sigaw ni Marvin na nakaposas at iniescort palabas ng mga guwardiya. May araw ka rin, lalo ka na, Trudy Sanggalang. Ha…ha…hahahahah.
Medyo may pagkabaliw din itong si Marvin, tiningnan ko lang siya at umiling na lamang sa kakatuwang itsura niya. Sino ngayon ang nakakulong, asshole.
Lisa, tatawagan na lng kita sa susunod na scheduling hearing. Tawagan mo lang ako kung may problema ha?, ani Trudy at niyakap si Lisa na kasama ang boyfriend nito at kapamilya palabas ng court room.
Hi!, ang galing mo na ha!. Pero mag-ingat ka kay Marvin, di lang ito ang time na nakasuhan siya ng rape pero nakapagpiyansa rin. Malakas ang kapit niyan sa governor dito kaya bibihira na makasuhan at manalo ang kumakalaban sa kniya o kaniyang pamilya, paliwanag ni Sanya. So, kilala mo pala ang walanghiya, so, dahil may issue taying dalawa pati ba naman sa kaso na hawak ko makikialam ka, sagot ni Trudy na may panunuya. Galit pa rin siya ditto sa ginawang nitong pagtanngi sa kaniya noong isang gabi.
Trudy, pakinggan mo lang ako muna, please!, pakiusap ni Sanya at sinimangutan siyang tinalikuran ni Trudy. Nakareceive ng phone call si Trudy makailang minuto lang na inakala niya na tawag mula sa kaniyang amang o inang. Trudy Sanggalang, di mo kilala ang binabangga mo. Mag-ingat ka, baka ikaw na ang susunod na mapagsamantalahan, pananakot ng mama sa kabilang linya na dali-dali namang inoff ni Trudy at tumingin kay Marvin na papalayong hawak ng dalawang guwardiya pabalik sa selda nito. Tumingin siya sa akin ng matalim at biglang ngumisi na parang may sayad sa utak, dito na ako kinilabutan. Kinakausap pa ako ni Sanya ng maramdamang sumikip ang aking diddib at inalalayan niya ako papunta sa kuwarto ng mga abogado malapit sa court room. Bakit? Anung nagyari sa iyo? Are you feeling okay now? tanung ni Sanya habang hinahaplos ang aking mukha. Ihiniga niya ako sa sofa at binigyan ng isang basong tubig.
Napagod lang ako siguro, kain na lang muna tayo at tsaka umuwi, okay! sagot ni Trudy. Okay! ngiting sambit ni Sanya.
Sa pagtagal-tagal, naabswelto si Marvin at nakalaya din. Galit nag alit si Trudy sa nangyari pero maimpluwensiya talaga ang pamilya ng nasasakdal. Hindi rin tumagal sa kulungan ang salarin at nakapagpiyansa rin. Tama nga si Sanya at matataas na tao ang binangga ko. At napatunayan ko lang yan ng papauwi na kami ni Sanya sa isang kaso mula sa courthouse, hinaranga an gaming sasakyan ng puting van sa may kahabaan ng Ermita. Mag-ba-bar hopping sana kami ni Sanya nang may mga di kilalang lalaki ang sumalubong sa amin at pinatigil kami at pinaputukan ng baril.
Nilagyan kami pareho ng piring sa mata at nakarating sa damuhan at liblib na lugar na hindi ko mawari kung saan. Since makabago na ang panahon at may GPS na na automatic na nagsesend ng emergency call sa pulis from our cell phones natunton kung saan kami dinala ng mga mama. Sinasampal pa lang si Sanya at akma pa lang akong hubaran ng mga mala-goons na lalaki sa lumang pabrika kung saan kami kanilang dinala, dumating na ang mga pulis na nagwang-wang at si Sarge agad ang una naming nakita.
Nga pala sundalo siya at natrace kung sino ang nag-utos upang kamini Sanya ay mapakidnap. Tinuturo ng sistema ang opisina ni Marvin Si, at ngayon may ebidensiya na kami na siya ay tuso, manggagantiyo, drug lord at gun smuggler. Ang hindi lang niya nagawa ay ang maging illegal recruiter, daang kasi'y lahat ng illegal ay napasukan na niya. Wala pa lng alam ang kaniyang pamilya sa pinaggagagawa nito. Kaya ang ama na mismo ni Marvin ang nagpakulong sa kaniya at sa dami ng kaniyang kaso, hindi na siya makakalabas pa sa kulungan gustuhin man niya, ay wala nang pag-asa pa siyang makalaya. At sisguraduhin ko na hindi na siya makakalaya kailanman.
Marami ang natamong sugat ni Sanya kaya tatagal pa siya sa ospital. Nagsisisi ako na hindi agad nakinig sa payo at babala niya, mahal na mahal ko si Sanya at hindi ko alam ang aking gagawin kapag may mangyaring masama sa kaniya. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag nagkaganoon.