(Tagalog Novel)
What do you think of having a garden in front of your porch? I love sunflowers, roses and orchids but not much of daffodils, gumamelas and bongavillas. Ayyy!, anu bayan? Punyeta ka, di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!, Hoy, ikaw, oo ikaw!, sigaw sa akin ng isang ale na nabangga ko dangan kasi’y masyado ako’ng naaliw sa mga magagandang bulaklak na animo’ng nakaparada sa Dangwa. Sorry po, manang!, sabi ko humihiningi ng pasensiya at napatingin na parang sasabunutan ako ng ale. Anu’ng manang ka diyan, miss pa po ako no!, hay naku, mahuhuli ako sa trabaho ng dahil sa’yo, galit na sabi ng ale na dali-dali’ng sumakay sa jeepney at may pahabol pang matalim na titig na para bang napatay na niya ako kung di lang ako umilag. Haha!, joke lang!, Marami talaga dito’ng mainit ang ulo sa Manila, kapag namali ka lang ng galaw o kaya tatanga tanga ka, gud lak!, sampal or sabunot ang mapapala mo. Well, ‘di pa naman ako nasabunutan pero sa pagtitinda ng bulaklak dito ng sampung taon, sa palagay ko marami ang makaka relate sa akin.