Ah! Hello!, yeah, Kuya Sarge, wow, ang tagal nating di nagkausap ha! Haha!, oo nga, ah, bukas?. Wala naman may tatapusin lang akong dalawa o tatlong kaso tapos…ah, hehe. Hindi naman, haha, opo, judge po sa Manila. Thank you!. Mag-iisang taon na rin po. Okay, sige po. Maaasahan niyo po ako bukas ng gabi!, sagot ni Trudy sa cellphone. Inimbitahan siya ni Sarge sa tahanan nito dahil tatakbo siyang Congressman sa Maynila. At inaanyayahan siya nito na makisapi sa adhikain na mapaganda ang Maynila kasama ang mayor nito. Ngayon ay naghahanda na ang lahat ng mga kasapi ng kani-kanilang partido sa nalalapit na halalan sa 2032. Nang umalis sa Navy si kuya Sarge ay nasabitan pa siya ng medalya sa pagiging bayani sa nangyaring kaguluhan sa Marawi.
Dito tinanghal siyang sarhento at nagretiro ng maaga bilang koronel. Ngayon lalaban siya sa pribadong partido bilang Congressman ng Maynila at susuportahan ko siya sa kaniyang adhikain na mapaganda at mapaunlad ang siyudad ng Maynila. Kahit nakatira na ako sa Quezon City, nagpatayo ako ng bahay bakasyunan sa Dangwa malapit sa aming tinirhan dati. Mahirap lang kami noon pero hindi ito naging hadlang para makamtan ko ang aking mga pangarap at magkaroon ng dalawang sariling tahanan at mga paupahan. Binibili ko ang flower shop namin dati kaso nang namayapa ang ama nina Sanya at kuya Sarge naibenta na raw ang mall at ang parte kung saan nakatayo ang shop namin dati. Gusto ko sana tanungin si kuya Sarge sa nangyari sa kanila at kay Sanya pero, nahihiya ako. Ayoko na masaktan siya at baka may masabi ako na ikasasama lang ng loob niya, kaya huwag na lang.
Ngayon ko lang naisip na hindi ko talaga minahal si Jasper. Siguro noong panahon na nangugulila ako kay Sanya hinayaan ko na pumasok siya sa aking puso kahit hindi pa naghilum ang sugat na iniwan ng aking kaibigan na naging ka-i-bi-gan ko. Nagpark ako malapit sa gasoline station para magpagasolina sana kaso nakita ko si Jasper na may kasamang babae, maganda at tawa ng tawa sa sinasabi niya habang papalabas sa 7/11 kung saan nakatayo ang gasoline station. So, parang gusto ko magtago pero malayo naman sila sa akin mga 20 feet siguro. Natapos din si kuya sa pagpuno ng Porshe ko na sasakyan. Well, ito lang naman ang iniregalo ko sa aking sarili sa lahat ng sakripisyo at success na natamo ko sa aking buhay, kasama na ang mga paupahan sa Antipolo, Concepcion at Palawan.
Minsan namamalagi ako sa Antipolo dahil sa Q.C. ang isa ko na tirahan na balak ko na ring paupahan daang kasi'y gusto ko na magretiro sa ikalabing-limang taon ko sa Korte ng Lungsod ng Maynila. Pero marami ang pumipigil sa akin na gawin yoon dahil marami pa raw ang nangangailangan sa aking tapat, patas at makataong hustisya at serbisyo sa mga mamamayan at bansa. Hindi rin ganuon kadali, marami na ring beses na may magde-death threat sa akin o tatakutin ang aking driver o staff sa opisina para tumigill ako sa pagiging Judge ng siyudad. Pero we took an oath na pagsisilbihan ang aming bansa ng may kagandahang loob, patas at makatarungang paraan. At kahit may mangilan-ngilan na tumataliwas o humahadlang sa aking mabuting hangarin, hindi pa rin ako tumitigil sa aking ginagawa.
Ipinasa-Diyos ko na ang aking buhay at alam ko Siya ang gumagabay at nagpoprotekta sa akin at aking mahal sa buhay. Nawala man ang aking mga magulang, naging masaya sila sa aking natamong tagumpay at patuloy akong hinimok ni Amang na maging matatag at matapang sa aking napiling propesiyon. Kaya gagamitin ko ito ng mahusay at may pag-asang mababago ang pag-iisip at puso ng mga makasarili at gahaman sa kapangyarihang mga politiko at matataas na tao sa korte man o hindi. Kahit saan naman ay magulo at nagkakaroon ng hindi pagkaaunawaan pero sinisikap ko na laging mag-kaisa at magkaroon ng patas na desisyon at pantay-pantay na karapatan, maliit man na tao o tanyag at mayaman.
Okay, bukas ano kaya ang aking isusuot. Haaa!, may parang kung ano ang may kumurot at humaplos sa aking dibdib na nangangarap makita si Sanya. Sana andun siya sa party! Pero matagal na na panahon kaming hindi nagkita. Anu na kaya ang itsura niya, maganda pa rin kaya or sexy? Tumaba kaya siya o tumanda na, kasi mas may edad siya sa akin ng more than five years so mga 32 na siya ngayon. Kung ako ang tatanungin niyo, iba na ang aking itsura. Mas maayos at mamahalin na ang aking mga damit. Naka-contact lenses na ako at nagpaikli ng buhok na shoulder length. Madalas na sinisipulan ako kasi tumaba ako na mas naging malaman at seksi ang aking pangangatawan.
Lumaki na rin ang aking boobs, na hindi katulad dati na flat at parang wala lang, hehe! Nage-exercise na rin me every morning at minsan tumatakbo sa village kung saan ako nakatira ngayon. At malayong malayo sa katawan ni Sanya na mala-model ang hugis pero malaki ang kaniyang hinaharap. Siguro mga 36 B cup yon. Well medyo may alam na ako sa mga ganiyan. Dati wala akong pakialam sa fashion o hair styling. Ayun!