New Sanya, New Trudy

Pero kahit mga dalawa o tatlong lalaki na ang aking nakasama, si Sanya lang ang kaisaisang babae na minahal ko at ipinagkaloob ang buo kong sarili ng walang pag-aalinlangan. Ang hindi ko lang maubos maisip bakit niya ako iniwan at bakit hindi na siya nagparamdam pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin. Ang mga tanung na laging sumasagi sa aking isipan na gusto kong itanung sa kaniya kapag kami ay palarin na magkita. Kung kalian man iyon, hindi ko alam at nakatulog na ako sa kakaisip sa kaniya na may luha na dumadaloy sa aking mga mata at pisngi. Basa na na- man ang unan ko nito bukas, haaay!

Isa sa mga sasakyan ko ngayon ang mini-cooper na naku-kyutan si Sanya dati kapag nakikita niya ito sa kalsada tuwing kami ay nagbibyahe o namamasyal sa highway or probinsiya. Kulay green and white ito at mas madaling manehuhim compared sa Prorche pero mas mabilis ang huli. Na aside from mahal siya, mas may class kapag aking ginagamit. Pero, utang ko lahat kay Sanya at kaniyang ama ang aking natamong tagumpay ngayon at wala katapusan kong pinasasalamatan si Sanya at kniaynag pamily sa kanilang kagandahang loob. At ang pasasalamat ko sa kanila ay ginagawa ko na pagpapakabuti sa pagtulong sa aking kapwa na nangangailangan at sa simbahan. Nakikibahagi din ako sa mga non-profit organizations at foundations para mapagpatuloy ang misyon na ginagawa ng ama ni Sanya noong nabubuhay pa ito.

Sanya? Sanya!!!! Ikaw nga, kamusta?, tanung ko sa aking mahal at niyakap ng mahigpit dahil masayang masaya ako na makita siya. Pero sa kaniyang pagkaka-akap, lumuha siya ng dugo at humagulgol na parang bata. Ako ay naantig at nasaktan, hindi ako makahinga at pilit na akapin muli si Sanya pero lumayo na siya at unti unting lumayo pa na hindi ko na siya makita. Natakot ako at napasigaw sa sakit at iyak. Tsaka ko na lng nalaman na nananaginip lang ako. Aba'y napakasama namang panaginip iyon! Sana okay lang si Sanya!

Mga alas-otso na ng gabi ako nakarating sa bagong tahanan ni kuya Sarge. Nabili niya ito sa pamamagitan din ng tulong or koneksiyon ko. Isa sa mga kasamahan ko sa korte ang nagbenta ng bahay niya kay kuya at masayang masaya ito sa aking niregalo sa kaniya nito lang Mayo. At ito nga any iyong bahay na may swimming pool sa loob at may bakuran sa harap at likod para sa mga anak niya. Si Ate Gene ay tubong Bulacan kaya close na kami kahit bago pa lng kami nagkakilala. Anga mga anak nila na sina Sargene, 10 taon at Sanya Leona o Salee 8 taon, ay masaya na sinalubong ako kahit papasok pa lng sa harap ng gate nila. Tuwang tuwa sila sa pagdating ko at ako rin naman ay namis sila ng todo.

Busy kasi ako sa trabaho at mga tatlong lingo ko rin silang hindi nakita. Ang aking baby brother naman ay busy rin sa work and school niya pero nagkausap naman kami nnoong isang araw pero mga 30 minutes lang, daddng kasi'yb may exam pa siya kinabukasan. Proud naman ako may Bro., at least hindi na niya need ang money ko though pinapadalhan ko pa rin siya ng pera sa ATM niya. Ayoko ko lang kasi na magkulang siya o mag-worry sap era since nag-aaral pa siya at nagtatrabaho din para hindi na makaabala pa sa akin. Kaso ako lang naman mag-isa. Si Jasper naman ay may sarili ring pera at noong nagsama kami hindi naming pinagtalunan ang pera at siya ay isa sa mga taong pinagka-katiwalaan ko sa pera kaya mahal ko siya kahit hindi man kami magkatuluyan in the future. Siguro hindi talaga match ang halos magkasing-edad. Mas gusto ko mas matanda sa akin at mahal ako ng todo. Kaya….

Hi!, Trudy!...mahinay na tawag sa akin na ang boses ay pamilyar na pamilyar sa akin.

Masaya ang aking mukhang makita ang mga bata, at nang halikan ko sa pisngi si Ate Gene, napatingin siya pati na rin ako ng may mag-hi sa akin. Si Sanya!!!! OMG!

Sanya!, Hello…, ang munting salita na nasambit ko, daang kasi'y hindi ko inaasahan na makita siya ditto after 10 long lonely, longing years.

Ah, pwede ba tayo mag-usap?, ani Sanya na parang nag-aalangan kung papaya ako o hindi at mula sa medyo madilim na parte ng bahay ni kuya, kasi malapit ng gumabi at ang ilaw sa front yard ay kakanukas lang ngayon, unti-unti ko nakita ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking si Sanya.

O, okay!?, ang sagot ko na parang walang boses na lumalabas sa kin dahil sa niyerbiyos ko na makita at ngayon makakasama ko nang best friend ko.

Lumakad kami sa likod ng bahay nila kuya. Sa may pool wala pang masyadong tao at hindi pa okupado ang parte nang bahay na ito.

So, kamusta ka?, dagdag ni Sanya na lumapit sa akin at ngayon ay halos magkadikit na kami ng braso. Hindi ako masyado makadikit dahil kung anung meron sa braso niya na nakukuryente ako kapag napadikit ng todo sa kaniya.

You've changed and I missed you! Truly! If I can turn back time, I would. But I can't, kuwento ni Sanya at akmang hahaplusin niya ang aking pisngi pero parang napatigil siya kasi nakita niya na napaluha na ako ng todo. Masayang masaya ako talaga na makita ko siya uli. Sobrang miss ko rin siya pero ang namiss ko ay ang kaibigan kong nasasandalan at natatakbuhan kapag ako ay malungkot at may problema. Andiyan si Sanya na laging nakaagapay at nag babantay sa akin. Kung may tao na gusto kong makasama habang buhay ay siya iyon at walang ng iba.