Trudy!, kwento ni Sanya na nakatawa sa akin ng umupo ako sa tabi niya. Wow, talaga, paano yung trabaho natin? Well, mag-ki-Christmas na rin naman, siguro tama lang din na magbakason ka. Sige ba as long as libre haha!, sagot ko na masayang masaya. Isama mo sina amang, inang at Nilo, para mas masaya, di ba!, dagdag ni Sanya na excited na ibalita sa mga itinuring niyang mga magulang ng wala ang kaniyang ama upang alagaan siya noong mga panahong kailangan niya ang ama. I want to thank them for their love and support of me and you at sa ating pagkakaibigan,.
Sanya, masaya ako sa balita mo, pero bakit parang nagpapaalam ka na. I mean oo nga at pinasasalamatan mo ang aking mga magulang pero agad agad. Marami pang panahon na pwede mong gawin iyan, sagot ko na lubos ang pagtataka. Trudy naman, please, wala, talagang gusto ko lang tumanaw ng utang na loob sa inyo. Mahal ko kayo and especially ikaw. Ah…I mean as my best friend and partner in everything!, pagtatakpan ni Sanya sa mga tanong ni Trudy sa kanya. Sanya, anong nangyari noong nasa ospital ka, nagpunta si Sam no? Bakit, alam na ba ng dad mo na gay ka o what?, giit ko na may pag-aalala.
Trudy, I want to rest na, tsaka na lang tayo mag-usap, okay!, pag-iwas ni Sanya. Sanya, magsabi ka ng totoo, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi ang totoo, anu'ng sinabi ni Sam sa dad mo?
Yeah, Sam told my dad na may relasyon tayo and beyond friendship ito. Hindi pa naintindihan ni dad noong una but eventually naalala niya nung several times na nahuli niya ko na kung hindi babae ang kasama ko e mga bading sa condo, sa school o sa bakasyon kung saan-saang lugar. Nag-hire pa nga siya ng private investigator para malaman ang totoo and simula noon lagi na niya ako binabantayan and he organizes schedules for suitors na bumisita dito or sa mga places that I visit or love to stay in for weekends, patuloy ni Sanya at ito's nalungkot ng ibunyag na gusto ng daddy na ipakasal siya kay Sam sa lalong madaling panahon.
Sanya, may edad ka na at makaka-decide na sa iyong sarili, di ba!, pilit kong ipinauunawa na may karapatan siyang huminde dahil nasa tamang edad na siya para mag-desisyon. Pero nang magka-usap sila ng daddy niya noong bumisita ito sa ospital. Ni-reveal nito na malaki ang pagkakautang niya sa daddy ni Sam at sa pagpapakasal lang nilang dalawa maaring mabawi ng kaniyang ama ang kanilang kumpanya. Ang step mom niya ang naglustay ng milyon milyong salapi ng kaniyang ama at ngayon ay hindi niya alam ang gagawin para matulungan ito sa kinahaharap na mga kaso at utang na siya lang ang makakagawa ng paraan sa ngayon. At iyon ang pagpapakasal kay Sam, na hiniwalayan na niya kamakailan lamang.
Hindi masabi lahat ni Sanya kay Trudy pero naibulalas din niya ang mga sama ng loob at kuwentong nagpapabigat sa kaniyang damdamin ngayon na mas hihigit pa sa mga galos niyang natamo ng sila ay kinidnap ng mga bayaring tauhan ni Mr. Si.
Naawa si Trudy sa kaibigan at niyakap niya ito ng mahigpit na para bang ayaw na niyang bitiwan pa kahit kalian. Trudy, kahit anung mangyari sana lagi ka lang sa tabi ko ha! Ayaw kong mawala ka, please!, ani Sanya na parang bata na nagmamakaawa sa itsura nitong parang iiyak na at mga mata'y lungkot na lungkot talaga.
Mahal ko si Sanya at malaki din ang utang na loob ko sa kaniya kaya hindi ko rin siya maiwan.
Kahit ayaw ko kay Sam napapayag pa rin ako ni Sanya na maging maid of honor niya at dumalo sa nalalapit nilang kasal mga dalawang buwan na lang pagkatapos magpasko. Tuloy pa rin ang getaway pero si Sam hindi makakasama dahil sa business meetings and conference na aatenan nito. Pinagkasundo sila ng kanilang mga magulang bata pa lang sila. Hindi naman sila Chinese na may ganuong tradisyon na ang tawag ay arranged marriage. Pero and hindi ko alam ay ganuon din si Sam, meron din siyang napupusuan ibang babae ng makita ko one-time sa may Ermita na may kasamang seksing babae at pula ang buhok. Ahh… naalala ko na siya si Lucy, isa sa mga dancers sa club na dapat ay papasukan ko, pero hinindian ko dahil nga strip club iyon at all the way talaga, bata pa ako noon kaya hindi pupwede. Ayoko din dahil okay naman ang kita ko sa club na pinagtatrabahuhan ko at magsayaw man ako at maghubad mga isang taon lang iyon at itinigil ko rin dahil nakakita rin ako ng mas maayos na trabaho sa convenience store.
Sino ba makakapagsabi na magiging abogado din ako. May mga naging kaibigan ako sa bar at mga kolehiyala din sila. Buti si Sanya hindi niya naranasan ang buhay na mayroon ako noon. Hindi man alam ng aking mga magulang dati ipinaalam ko rin katagalan ng makagraduate na ako. Kasi gusto ko ng magbagong buhay at kumita ng pera sa maayos na paraan na hindi ko na kailangan pang maghubad para umasenso.