CHAPTER VI: First Encounter

AT NIGHT, the sky transformed into a canvas of unnatural colors, with streaks of green and purple auroras dancing ominously amidst the stars. Some plants had taken on unnatural hues, glowing faintly in the dim light, their shapes distorted by radiation.

Habang nakatuon ang atensiyon nina Corporal Raymond at Sergeant Reyes sa pagbabantay sa paligid, hindi mapigilan nina Corporal Axel at Corporal Felix na mamangha sa ganda ng tanawin. Gayundin, dama nila ang kaba at pananabik na pumupuno sa kanilang mga puso't isipan. Magkahiwalay man ang kanilang katauhan, iisa ang kanilang iniisip at nararamdaman.

"Sir, ihi lang po muna ako saglit," paalam ni Corporal Axel, medyo alanganin ang tono.

Tinawag ni Sergeant Reyes si Corporal Felix upang utusan na samahan si Corporal Axel. "Kapag aalis kayo sa grupo o sa camp, siguraduhin n'yong walang aalis na mag-isa. Dapat lagi tayong may bantay sa isa't isa. Naintindihan?"

"Yes, Sir!" sabay na tugon ng tatlong corporal, at saka bumalik sa kanilang puwesto.

Habang sina Corporal Axel at Corporal Felix naman ay lumayo mula sa kampo, sapat na ang distansya upang hindi marinig ang anumang kanilang gagawin o pag-uusapan. Malayo sa kanilang mga kasamahan, tumingala sila sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga kakaibang nilalang na nagliliparan mula sa itaas ng mga malalaking dahon.

"Felix, hindi tayo dapat nandito," nag-aalalang sabi ni Corporal Axel, mahigpit na hawak ang kamay ni Corporal Felix habang ang mga mata'y punong-puno ng pangamba.

Inabot ni Corporal Felix ang isang itim na bilog mula sa ibabaw na bahagi ng suit ni Corporal Axel at gano'n din sa kaniya. Pinatay niya ang head cam.

"Bakit mo 'yon ginawa?" naguguluhang tanong ni Corporal Axel.

Tumingin si Corporal Felix sa mga mata ni Corporal Axel. "Alam kong natatakot ka. Pero hindi ba puwedeng sulitin muna natin ang pagkakataong ito? Napakaswerte natin, Axel..." saglit na natahimik si Felix. "Napili tayo dahil pinagsikapan natin ito. Nararapat lang na ipagdiwang natin ang maliit na tagumpay na ito, kahit sandali lang. Okay?" malumanay na wika nito.

"We can't," malungkot na tugon ni Corporal Axel. "We can only celebrate once we've found what we came here to do."

The Sentinel Peak Monitoring officers immediately contacted Sergeant Reyes and the other personnel with him using their earpiece radios. They informed him that two members of their team had turned off their body cams, which disabled their ability to monitor their vital signs.

Hinawakan ni Corporal Felix ang kabilang kamay ni Corporal Axel. "Okay. Puwede bang isang halik lang? Simula nang umalis tayo ng kampo, sobrang focused na tayo sa mission. I just… I miss you, Ax—"

Hinalikan ni Corporal Axel si Corporal Felix, pinutol ang kaniyang sinasabi. Ngunit agad din silang natigil nang biglang may gumalaw na halaman sa likuran nila.

"Ano 'yon?" gulat na tanong ni Corporal Axel, nanginginig ang boses.

Sabay silang napalingon sa direksyon ng paggalaw. Mataman nilang sinuri ang paligid, naghahanap ng anumang senyales ng panganib na nagtatago sa mga anino.

"I think we should go back to the camp—"

"Shh…" mabilis na tinakpan ni Corporal Felix ang bibig ni Corporal Axel gamit ang kaniyang mga kamay.

May kung anong bagay sa mga palumpong, ngunit hindi nila matukoy kung ano iyon. Puwedeng isa itong halimaw na may dislocated joints, tatlong mata, buntot, ulo, o anumang maaaring lumamon sa kanila nang walang matitirang bakas. Hindi sila sigurado, ngunit isa lang ang alam nila—hindi na sila ligtas.

"We have to run now," bulong ni Corporal Axel, pilit pinapanatili ang kaniyang kalmadong boses. Ngunit habang nagsasalita siya, mas lalong gumagalaw ang mga halaman.

"Parang hindi natin kakayaning makabalik ng buhay kung tatakbo tayo ngayon. Anuman ang bagay na 'yan, naghihintay lang 'yan sa mali nating galaw. At kapag nangyari 'yon, tapos na tayo," nanginginig na sabi ni Corporal Felix, ramdam ang takot sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

Napakapit nang mahigpit si Corporal Axel kay Corporal Felix, dama ang mabilis na tibok ng puso ng kasama. Sa kabila ng kanilang takot, alam nilang kailangan nilang magdesisyon nang mabilis. Sa bawat segundo ng pag-aalinlangan, mas lumalaki ang posibilidad na hindi na sila makabalik ng buhay sa kampo.

"Felix, we can't stay here. We have to act quickly," bulong ni Corporal Axel, pilit na itinatago ang pangamba sa kaniyang boses.

Nagtagpo ang kanilang mga mata, parehong puno ng takot at kawalan ng kasiguraduhan. Ngunit bago pa man sila makapagpasya, naramdaman nilang may gumagalaw mula sa ilalim ng kanilang mga paa, tila ba'y hinihigop ang kanilang mga paa. Pareho silang napatingin sa ibaba, pilit na inaaninag ang anumang maaaring lumabas mula rito.

Professor Amado instructed Sergeant Reyes to proceed with retrieving the two team members whose body cams had been deactivated, ensuring their vital signs could be monitored and their safety assessed.

"Corporal Raymond, sumama ka sa akin!" utos ni Sergeant Reyes, ang tono niya ay hindi nag-iiwan ng puwang para sa pagtutol habang siya'y naghahanda na pangunahan ang pagsisikap na mahanap at matulungan ang kanilang nawawalang mga kasamahan.

"We need to move, now," mahinang sabi ni Corporal Axel, pinipilit ang sarili na maging matapang.

"Takbo," sigaw ni Corporal Felix, sabay takbo nang mabilis.

Habang patuloy na tumatakbo sina Corporal Axel at Corporal Felix, nararamdaman nila ang lupa na tila lumilindol, kasabay ng mabilis at nakakatakot na kaluskos ng mga naglalakihang binti sa likuran nila. Mula sa kanilang kinatatakutan, lumitaw ang mutated centipede beast isang higanteng halimaw na dating isang simpleng insekto, ngayon ay isang napakalaking nilalang na may humigit-kumulang tatlumpung talampakang haba, may maraming mata na nagliliwanag, at malalaking pincer na kayang dumurog ng anumang harang.

"Axel, bilisan mo pa! Hindi natin 'to kayang harapin!" sigaw ni Corporal Felix, nanginginig habang minamadali ang bawat hakbang nila. Ngunit ang halimaw ay mabilis din, at habang tumatakbo sila, patuloy itong sumusunod, ang bawat hakbang nito ay nag-iiwan ng mabigat na pagyanig sa lupa.

Habang halos abot-tanaw na nila ang kampo, ramdam ni Corporal Axel ang panibagong bugso ng pag-asa. Ngunit bago pa siya makahingi ng tulong, bigla siyang hinila pababa ng lupa, kasabay ng nakatatakot na hagikgik ng halimaw. Sa isang iglap, nawala si Corporal Axel, at tanging naiwan kay Corporal Felix ay ang malalim na butas sa lupa—isang nakatatakot na paalala ng halimaw na sumakmal sa kaniyang nobyo. Tumigil siya, hindi makapaniwala, habang tumitigil din ang kaniyang paghinga, pinagmamasdan ang butas na sumisimbolo ng pagkawala ni Axel.

Sa wakas, natagpuan nila si Corporal Felix na nakaluhod sa lupa, nakatingin sa isang butas na hindi nila matukoy ang lalim o kung ano ang nasa loob nito dahil sa matinding dilim.

 

 

KINAUMAGAHAN, mabilis na nag-iimpake ang lahat upang makaalis sa lugar. Habang ang abala ang lahat, tinawag ni Professor Amado ang kanilang atensiyon upang ipaliwanag ang nalalaman niya tungkol sa kilos ng higanteng alupihan o mutated centipede beast, batay sa mga nabasa niya sa aklat.

 "Okay, makinig kayong lahat," pasimula ni Professor Amado, pinipilit na maging kalmado kahit na halata sa kaniyang boses ang bigat ng sitwasyon. "Kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa halimaw na ito. Hindi ito ordinaryong alupihan. Mas malaki ito at mas agresibo, at ang kilos nito ay kakaiba sa karaniwang alupihan na alam natin."

 Nagkatinginan ang grupo, may halong takot at pagtataka. "Ano'ng ibig mong sabihin, Professor?" tanong ni Sergeant Reyes, kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "Paano ito naiiba?"

 Huminga ng malalim si Professor Amado bago nagpatuloy. "Una sa lahat, sobrang teritoryal ng mga alupihan na ito. Hindi ito basta-basta nangangaso tulad ng mga karaniwang alupihan. Pinapatrolya nito ang buong teritoryo niya, at anumang pumasok doon ay itinuturing niyang banta. Bukod pa roon, napakabilis at napakalakas nito. Higit pa ito sa kahit anong alam natin."

 Napatingin si Dr. Ferlin, ang kilabot sa kaniyang boses ay hindi naitago. "Mayroon bai tong kahinaan, Professor? May magagawa ba tayo upang labanan ito?"

 Muling sumagot si Professor Amado, "Mula sa mga nabasa ko, mukhang sensitibo ito sa vibrations o mga pagyanig mula sa ibabaw na lupa kung saan tayo nakatayo ngayon. Ginagamit nito ang mga pagyanig para matunton ang biktima niya. Kaya kung magiging maingat tayo sa ating mga galaw, maaari nating maiwasan na makuha ang atensiyon nito. Pero tandan, aktibo ito sa madaling araw at dapithapon, kung kailan ito nangangaso. Sa araw, kadalasan itong bumabalik sa lungga niya, kaya iyon ang pagkakataon natin para kumilos nang ligtas."

 "Pero," singit ni Corporal Raymond, na halatang balisa, "kung malaman niya na nandito tayo, ano'ng mangyayari? Hindi ba't delikado tayo?"

"Puwedeng gano'n nga," pag-amin ni Professor Amado, "pero kung makakaiwas tayo sa direktang landas nito at hindi tayo gagawa ng ingay, baka hindi tayo mapansin. Kailangan lang nating maging maingat. Isang maling galaw lang, maaaring huli na para sa ating lahat."

Napansin ni Sergeant Reyes ang seryosong tono ng professor at nagtanong, "Tungkol sa lungga niya, Professor, may ideya ka ba kung nasaan iyon?"

Nagtagal ng saglit bago sumagot si Professor Amado. "Malamang, nakatago ito sa isang liblib na lugar, marahil sa ilalim ng lupa o sa isang makapal na kagubatan. Halos imposible itong hanapin maliban kung alam natin ang hinahanap natin. Pero sa ngayon, ang dapat nating unahin ay makahanap ng ligtas na lugar kung saan tayo makakapagplano at makapaghanda sa susunod nating hakbang."

Habang nagbibigay ng paliwanag si Professor Amado, hindi nakaligtas sa mata ni Corporal Felix ang pag-aalala sa kaniyang kasintahan, si Corporal Axel. Ang ideya na iiwanan nila ito sa panganib ay nagdulot sa kaniya ng matinding galit. Sa biglaang pag-aalala, tumayo siya, ang mukha niya ay naglalabas ng matinding emosyon.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" sigaw ni Corporal Felix, ang boses niya ay puno ng galit. "Iniisip ba ninyo na iiwan natin si Axel? Alam na natin kung gaano ka panganib ang labas, at hindi lang basta teorya ang nasa mga libro mo, Professor! At ngayon ay parang balak ninyo siyang iwan na lang ng basta-basta rito?"

Nagulantang ang lahat sa biglang pagsabog ng galit ni Corporal Felix. "Hindi ito ang usapan! Kung aalis tayo, dapat kasama siya!"

Sinubukan ni Professor Amado na pakalmahin si Corporal Felix. "Felix, I understand what you are feeling right now, but we have to face the truth. Kung hindi natin mapapanatili ang ating kaligtasan, wala tayong magagawa para kay Axel. Kailangang maghanap tayo ng ligtas na lugar upang magplano at maghanda."

Ngunit hindi kayang iproseso ni Corporal Felix ang kahit ano'ng sinasabi ni Professor Amado. "Hindi! Hindi ko kaya na parang iniwan na lang natin siya sa panganib. Kung may pagkakataon tayong mahanap siya, gagawin ko ang lahat para doon!"

Sa gitna ng matinding emosyon, nagdesisyon si Corporal Felix na humiwalay sa grupo. Tumakbo siya papalayo, na tila hindi na alintana ang mga babala ng professor. Sa kabila ng mga pagsisikap ni Professor Amado na pigilan siya, pinili ng professor na hayaan si Corporal Felix na tumakbo sa kaniyang sariling landas at ipagpatuloy ang kanilang plano.

 As the group pressed forward, a sudden cry of surprise echoed through the dense forest—Dr. Ferlin had fallen into a massive, shadowy pit. Sergeant Reyes eyes widened as he peered down, realizing that the pit resembled the footprint of a colossal and menacing creature. The ominous sight of the pit sent shivers down their spines, intensifying their fear. Despite the rising terror, they knew they had no choice but to forge ahead, driven by the urgent need to find a safe haven and rescue Corporal Axel, even as the danger loomed larger than ever.