TEAM PHOENIX managed to find a base to establish a temporary safe zone, where they can make plans to sweep off forest and find out if—if Corporal Axel is still alive. The cave they found was dark and foreboding, the with jagged rock formations lining the entrance. The air inside was cool and damp, carrying a faint echo with every sound. Narrow and winding, the passageway led deeper into the mountain, where shadows seemed to shift ominously, hinting at the unknown dangers lurking within. The walls were rough to the touch, covered in moss and strange, ancient markings, suggesting that the cave had been untouched for centuries. It was a place that felt both ancient and alive, as if it had been waiting for them all along.
A beast that is about thirty feet long, with its body segmented and covered in a thick, chitinous exoskeleton that is mottled with sickly hues of green and brown… no earthly creature can survive from the beast. Everyone should be afraid from it, but not with Corporal Felix.
His boyfriend was captured by the beast because of him—that's the belief tormenting him now as he aimlessly trudges through the forest, following the tracks left by the mutated centipede. Even if it means his own death in the struggle, at least he would be making an effort to save his lover—or perhaps, attempting to absolve himself of the guilt he carries.
"Professor," pasimulaan sabi ni Sergeant Reyes pagkapasok niya sa loob ng kuweba, "wala pa ring sightings sa halimaw simula noong gumawa tayo ng base rito. Sa tingin n'yo po ba alam ng halimaw na nandito tayo?"
Isinirado ni Professor Amado ang kaniyang hawak na libro habang nakaupo at hinarap si Sergeant Reyes. "We don't know about that for sure, Sergeant. Pero hindi dapat tayo maging kumpanti."
"Pero dalawang araw na po ang lumipas. Dapat nga nahanap na natin si Corporal Axel ngayon. Hindi natin alam kung hanggang siya mabubuhay o—"
Napatayo bigla si Professor Amado. "He will survive, Sergeant. Hangga't hindi natin nakikita ang bangkay niya, mananatiling buhay siya sa ating isipan. Naiintindihan mo ba?" Bahagyang tumaas ang boses nito.
The death of his team will be a burden he must carry. He cannot live with that. After all, he was the one who proposed the idea of venturing out and exploring the outside world. Now, he is faced with the harrowing task of making decisions that could determine the survival of the people in the Sentinel Peak Camp or serve his own interests.
Napayuko si Sergeant Reyes dahil sa sinabi ni Professor Amado. "I'm sorry, Professor."
"Puwede ka nang bumalik sa post mo," tugon ng propesor, malamig ang tinig.
Bumalik sa pagkakaupo si Professor Amado kasabay ng pagpakawala ng malalim na paghinga. Itinukod niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang mata habang patuloy pa rin sa pagbuga ng malalim na paghinga.
"Team Phoenix, over!" boses ng lalaki mula sa earpiece radio ni Professor Amado.
"Over. This is Professor Amado. May problema ba?" tugon ng propesor.
"There has been an aftershock, but there's nothing to worry about. It doesn't affect our thermal power here. The reason why I contacted you is because…"
Tumayo ang propesor at lumabas. Tinatanaw ang mga kasamahan niyang handang magbuwis ng kanilang buhay upang muling mamuhay ang mga tao sa ibabaw.
"Wala na siya. I'm so sorry to inform you this, but Corporal Axel is gone."
Halos mabibingi si Professor Amado sa katahimikan ng lugar dahil sa kaniyang narinig. Ang pinipilit niyang ipaglaban ay tila naglaho, na tila siya ay tinraydor ng kaniyang sariling salita. Kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili at ipagbalewala ang sinabi ng monitoring officer, hindi maaalis sa kaniyang isipan ang nakakagambalang katotohanan na baka nga wala na si Corporal Axel.
"His vital signs went off. We are no longer connected to him."
Hindi makapagsalita si Professor Amado. Bumagsak siya sa lupa ng nakaupo, kasabay ang pagguho ng kaniyang isipan sa pagbagsak ng ulan sa lupa. Dali-daling bumalik ang mga kasamahan niya sa kuweba upang magpasilong, saka nila natagpuan ang propesor na tila ba isang batang walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid.
"Professor, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Dr. Ferlin, nag-aalala kung ano na ang nangyari sa propesor. Lumuhod siya upang suriing kung mayroon bang sugat o kahit anong senyales ng dahilan kung bakit siya nagkakaganito. "Ed, kindly get the med kit!"
"Stop," mahinang sabi ni Professor Amado. Ngunit hindi siya narinig ni Dr. Ferlin. "I said stop!" Lumakas ang boses ng propesor.
Ang kaninang nag-aalalang tingin nila ay napalitan ng pagkagulat at pagtataka, naguguluhan sa inaasal ng propesor. Walang nagsalita hanggang sa tumayo ang propesor at tiningnan silang lahat sa mga mata.
"Corporal Axel is gone," he said. He wished he didn't have to tell them, but they needed to know. Corporal Axel had been their friend, and telling the truth would honor his memory, even if it meant facing another difficult decision, he wasn't ready to make.
"Ano?" gulat na tanong ni Corporal Raymond.
"Professor, kasasabi mo lang sa akin kanina na… hangga't hindi natin nakikita ang bangkay ni Axel, mananatili siyang buhay. Tapos ngayon, babawiin mo ang sinabi mo?" sabat ni Sergeant Reyes. Hindi niya maiwasan ang sarili na maging emosyonal.
All of them were new to the outside world. Life inside the Sentinel Peak Camp had been like paradise. There were no problems, no pain, no need for survival, and there was no death. Now, faced with the harsh reality of their situation, they struggled to come to terms with the loss of their comrade and the world outside the camp, which was far more unforgiving than they had ever imagined.
HINIHINTAY na humupa ang ulan. Binuksan ni Propesor Amado ang kaniyang aklat sa isang sulok ng kuweba, ang kaniyang flashlight ay nagbigay ng mahinang liwanag sa mga sinaunang pahina. Ang aklat ay puno ng mga alamat tungkol sa mga ninuno ng tao at mga kuwento ng mga mutasyon, kabilang ang aswang—isang nilalang na sumisipsip ng dugo at kumakain ng laman. Habang binabasa niya ang teksto, lalong lumalapit ang bigat ng kanilang sitwasyon. Ang mga alamat ay naglalarawan ng mga nilalang na kayang magtagong mabuti sa dilim, na humahabol sa sinumang naglalakas-loob na lumapit sa kanilang tirahan.
Seryoso ang mukha ni Propesor Amado habang binabasa ang mga piraso na tila sobrang halaga nito. "Ayon dito, ang mga aswang ay hindi lamang manghuhuli kundi maaari ding manipulahin ang kanilang paligid upang manatiling nakatago. Kaya nilang gayahin ang tunog ng mga tao at gamitin ang takot upang mapahina ang kanilang mga biktima."
Tumingin si Kyle mula sa kaniyang upuan, ang mukha ay maputla. "Kung totoo ang mga nilalang na ito, kailangan nating maging labis na maingat. Hindi natin alam kung ano ang hinaharap natin."
Ngunit hindi sumasang-ayon si Dr. Ed kay Propesor Amado. "I think we should not give a damn about this children stories," sabi niya, habang binabalik ang kaniyang atensyon sa paligid ng kuweba. "Ang aklat na 'yan ay maaaring ginawa lamang upang magbigay takot sa mga bata. Wala tayong sapat na ebidensya na magpapatunay na totoo ang mga sinasabi dito."
Nagmumukhang naguguluhan ang iba sa mga miyembro ng grupo, hindi malaman kung kanino dapat maniwala. Ang mga alamat na binasa ni Propesor Amado ay nagbigay sa kanila ng mga imahinasyon ng panganib, habang si Dr. Ed ay nagsasabi na baka ito'y isang kalokohan lamang.
"Totoo man o hindi, dapat mas magin maingat tayo. Kung ang nakita nating halimaw ay kasing liit lang ng wire dati, ano pa kaya ang maaari nating matuklasan dito sa ibabaw. Lahat ng alam natin, at kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa tayo, ay dahil lahat ng 'yon nagmumula sa mga librong nabasa ko," tugon ni Professor Amado.
Habang nagkakagulo ang opinyon ng grupo, ang banta sa kanilang paligid ay tila lalong tumataas. Ang disyerto ng kagubatan sa labas ng kuweba ay tila nagsasalita sa kanilang mga takot, at ang bawat tunog ay tila nagsasabi ng iba't ibang kuwento. Nang sa gano'n, napilitang magdesisyon ang grupo kung paano nila haharapin ang kanilang sitwasyon—kung susundan ang mga babala ng alamat o magsisagawa ng ibang hakbang upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Hindi na nila alam kung ano iisipin.
Kinaumagahan, nagdesisyon ang lahat na suriin ang gubat upang markahan kung hanggang saan ang ligtas na bahagi at upang hanapin ang nawawalang kasama. Ang grupo ay nagtakda ng mga takbo at puntos upang madaling malaman ang mga ligtas na rut amula sa kuweba at iwasan ang mga potensyal na panganib. Binahagi nila ang mga gawain: ang ilan ay maglalagay ng mga marka sa mga puno at bato upang gumawa ng mga palatandaan, habang ang iba naman ay tututok sa paghahanap ng nawawalang kasama.
Papunta na sila para hanapin si Corporal Felix nang bigla nilang marinig ang isang sigaw—malakas at puno ng takot, tila nagmumula sa isang taong nasa bingit ng kamatayan. Tumigil silang lahat, ang kanilang mga puso'y sabay-sabay na bumilis ang tibok, ang malamig na hangin ng kagubatan ay tila naging mas mabigat. Nagkatinginan sila, alam nilang ang bawat segundo ay mahalaga, pero walang nakakaalam kung saan eksakto nanggagaling ang sigaw. Ang paligid ay tahimik maliban sa mga kaluskos ng mga dahon at ang mumunting huni ng mga kuliglig. Tila ang buong kagubatan ay nag-aabang sa susunod nilang galaw.
"Narinig n'yo ba 'yon?" tanong ni Sergeant Reyes, ang boses niya'y halos bulong, pero puno ng pag-aalala.
Bago pa man may makasagot, muli nilang narinig ang sigaw, mas malakas at mas puno ng pighati, na parang ang tao'y lubos na nawawala sa pag-asa. Ang kanilang mga pandama ay naging mas alerto, ang bawat kaluskos at anino ay tila may banta. Lalo silang naging maingat sa kanilang mga hakbang, alam nilang maaaring isang bitag ang kanilang pinapasok.
"Everyone, let's go back to the cave. Regroup—Now!" utos ni Professor Amado.
Dali-daling bumalik ang lahat sa kuweba kung saan sa tingin nila magiging mas ligtas sila. Habang sina Sergeant Reyes at Corporal Raymond ay hinanap kung saan nanggagaling ang sigaw.
"Ray, talasan mo ang pandinig mo," bulong ni Sergeant Reyes, mahigpit ang hawak sa kaniyang riple habang palinga-linga ang mga mata sa paligid, hinahanap ang anumang senyales ng galaw. Ang gubat ay siksik, ang mga nagtatayugang puno ay hinaharangan ang liwanag, na nagdudulot ng kakaibang anino sa lupa.