Chapter 13

ONE YEAR AGO. Ga-graduate na rin ng elementary si Carina. Kasama niya ngayon papuntang school si Aling Marietta, ang anak nitong si Jake at kanyang kapatid na si Cyprus. Bakas sa mukha niya ang lungkot at tuwa. Natutuwa siyang nakapagtapos na ng elementary na hindi nakakasama at nakikita kanyang ina na si Cherry.

"Para sa'yo ito, Mama," sambit ng dalaga habang nakapikit kanyang mga mata kasabay na malalim na paghinga.

Napansin naman kaagad ito ni Aling Marietta dahilan upang tanungin kaagad siya, "Ayos ka lang ba, iha?"

"Ayos lang po, Tita Marietta," sambit nito.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isang eskwelahan kung saan nag-aaral si Carina pati si Cyprus. Dumarating na rin ang mga panauhin sa nasabing seremonyas.

Habang kinakabitan ng medalya ang dalagita sa pagiging salutatorian nito ay siya namang pagtitig ng kanilang ina sa larawang hawak ng kanyang kamay.

Nasa isang tahimik na sulok ng bakuran si Cherry, nakaupo sa lumang bangko na halos matabunan na ng mga damo. Sa kanyang mga kamay, mariing hawak ang isang lumang larawan—ang larawan ng kanyang dalawang anak. Ilang beses na niyang tinitigan ito, ngunit tila sa bawat pagtingin ay mas lalong lumalalim ang bigat sa kanyang puso.

Si Mrs. Dominguez, ang kanyang psychologist, ay tahimik na lumapit at naupo sa tabi niya. Hindi nagmadali sa pagsasalita, piniling hayaan muna si Cherry na magsimula ng usapan.

"Ang tagal ko na dito," basag ni Cherry sa katahimikan, hindi inalis ang mga mata sa larawan. "Isang taon na, pero parang walang nagbabago."

"Minsan, hindi natin agad nakikita ang mga pagbabagong nangyayari," sagot ni Mrs. Dominguez, ang boses ay malumanay at puno ng pakikiramay. "Pero may mga hakbang ka nang ginagawa, Cherry. Hindi mo lang napapansin."

Tahimik muli si Cherry. Pinunasan niya ang gilid ng kanyang mata, pilit pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo. "Minsan iniisip ko... kaya ko pa bang bumalik sa kanila? Baka mas mabuti nang wala ako. Baka mas magiging masaya pa sila."

Napatingin si Mrs. Dominguez sa larawan, saka ibinalik ang tingin kay Cherry. "Nakita ko kung paano ka lumaban nitong nakaraang taon. Hindi madali ang pinagdadaanan mo, pero bawat araw na bumabangon ka, bawat oras na nagdesisyon kang manatili dito ay patunay na mahalaga ka."

Huminga nang malalim si Cherry, pilit iniwas ang tingin. "Pero... paano kung bumalik lang lahat ng dati? Paano kung hindi ko sila maprotektahan mula sa akin?"

Hinawakan ni Mrs. Dominguez ang kamay ni Cherry, isang magaan ngunit maramdaming pagkilos. "Ang pinakamahirap na labanan ay yung laban sa sarili. Pero hindi ibig sabihin ay wala kang pag-asa. Ang mahalaga ngayon ay narito ka pa rin—lumalaban para sa kanila at para sa sarili mo. Hindi mo kailangang maging perpekto, Cherry. Ang kailangan lang nila ay ang ikaw—ang tunay na ikaw."

Natahimik si Cherry, ninamnam ang bawat salitang sinabi ni Mrs. Dominguez. Naramdaman niya ang bahagyang init ng araw sa kanyang balat, pero mas ramdam niya ang bahagyang bigat na nawala mula sa kanyang dibdib.

"Sa tingin mo," aniya, mababa ang boses, "Magiging okay pa ako?"

Ngumiti si Mrs. Dominguez, isang ngiting puno ng tiwala at pag-asa. "Oo, Cherry. Magiging okay ka. Hindi ngayon, at hindi agad-agad. Pero magiging okay ka. At sa bawat hakbang na gagawin mo, nandito ako para sa'yo."

Muling ibinalik ni Cherry ang tingin sa larawan, ngunit sa pagkakataong ito, may bahagyang pagbabago—hindi na ganoon kabigat.

Makalipas ang ilang araw, nakaupo si Cherry sa therapy room, tahimik na nakikinig kay Mrs. Dominguez habang nag-uusap sila tungkol sa mga hakbang patungo sa kanyang unti-unting paggaling. Sa harap ng mesa ay isang journal na inirekomenda ni Mrs. Dominguez na simulan ni Cherry. Nakahawak si Cherry sa ballpen, pero hindi pa rin ito sinusulat.

“Simula lang ang pinakamahirap,” sabi ni Mrs. Dominguez, nakangiti habang mahinahong hinihintay si Cherry na magsalita.

Tumitig si Cherry sa blankong papel sa harap niya, malalim ang paghinga. “Hindi ko alam kung saan magsisimula.”

"Kung minsan, ang pinakamaliit na hakbang ay sapat na," sagot ni Mrs. Dominguez. "Hindi mo kailangang magsulat ng perpekto. Isulat mo lang kung ano ang nasa isip mo."

Nagtagal ang katahimikan. Huminga nang malalim si Cherry, saka sumubok ng ilang salita. "Para bang... kapag sinimulan ko ito, kinikilala ko lahat ng sakit."

"At iyon ang unang hakbang sa paggaling," tugon ni Mrs. Dominguez. "Kailangan mong harapin ang sakit hindi para manatili doon kundi para matutunan kung paano ka muling babangon mula rito."

Napabuntong-hininga si Cherry, pero binuksan ang journal at nagsimulang magsulat. Ang mga salita ay dahan-dahan, parang pag-alis ng isang mabigat na dalahin mula sa kanyang puso.

_"Araw-araw, tinatanong ko ang sarili ko kung may silbi pa ako. Kung babalik pa ako sa dati. Nakakapagod ang ganitong pakiramdam—parang nasa loob ako ng isang maitim na butas, walang paraan palabas. Pero heto ako, sinusubukan pa rin. Kahit maliit na hakbang lang. Hindi ko alam kung hanggang saan ako makakarating, pero siguro… sapat na ito para sa ngayon."_

Napahinto si Cherry matapos isulat ang mga huling linya, tila hindi makapaniwala na nagawa niyang ilabas ang mga iyon. Naramdaman niya ang bigat na unti-unting naalis mula sa kanyang balikat.

"Napakaganda, Cherry," puri ni Mrs. Dominguez, nakatingin sa kanya nang may paghanga. "Sapat na 'yan para sa ngayon."

Ngumiti si Cherry, isang maliit na ngiti na halos hindi makikita, pero naroon. Para sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may bahagyang liwanag na sa wakas ay pumapasok sa madilim na sulok ng kanyang isip.

"Salamat," mahina niyang sabi, bumubulong ng pasasalamat hindi lang para kay Mrs. Dominguez, kundi para sa kanyang sarili. Para sa pagpili na lumaban kahit mahirap.

"Patuloy lang, Cherry. Patuloy lang." sagot ni Mrs. Dominguez, muling nginitian si Cherry. "May oras para sa bawat sugat, at darating ang araw na hindi mo na mararamdaman ang mga ito katulad ng dati."

Tumango si Cherry, at sa unang pagkakataon, hindi na parang imposible ang mga sinabi ni Mrs. Dominguez.

Tumagal pa ng limang buwan doon si Cherry hanggang sa na-discharge na rin siya. Ganoon na siya kasabik na makita kanyang mga anak.

Nasa sala si Jared, nakaupo sa sofa habang inaayos ang ilang mga papeles para sa negosyo. Abala siya, pero tila hindi makapag-concentrate nang husto. Pumasok si Feliza mula sa kusina, bitbit ang dalawang tasa ng kape. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at shorts, ang buhok ay naka-ponytail, at ang ngiti sa kanyang mukha ay laging nagbibigay ng ginhawa kay Jared.

"Busy ka na naman," biro ni Feliza habang iniaabot ang kape sa kanya. "You always get lost in work. We should take a break, you know."

Ngumiti si Jared at kinuha ang kape. "Yeah, alam mo naman. Gusto ko lang matapos 'tong mga kailangan kong asikasuhin para bukas."

Tumabi si Feliza sa kanya, hinawakan ang braso ni Jared at sumandal sa balikat niya. "You’ve been working too hard lately. I miss spending time with you."

Nagpakawala ng malalim na hinga si Jared at isinara ang folder sa kanyang kandungan. "Okay, okay. I get it. Ano bang gusto mong gawin?"

Tumaas ang kilay ni Feliza, mukhang nag-iisip. "Hmm, how about we watch a movie? Or... maybe something more fun?" May kapilyahan sa tono ng kanyang boses habang bahagyang kinakalabit si Jared.

Napangiti si Jared, alam ang iniisip ng kasintahan. "And what exactly is more fun?"

Muli siyang biniro ni Feliza, sabay hinawakan ang mukha ni Jared para gawing seryoso ang mga mata niya. "How about this?"

Hindi na nakapagpigil si Feliza at hinalikan si Jared sa labi, malambot at dahan-dahan. Unti-unti, naging mas mainit ang halikan nila. Ramdam ni Jared ang init ng katawan ni Feliza na bumalot sa kanya habang hinahaplos niya ang kanyang braso at hinila ito palapit sa kanya. Tumigil si Feliza ng saglit, huminga nang malalim, at nakangiting tinitigan si Jared.

"You're really getting good at this, you know," biro ni Feliza habang nakangiti pa rin.

"Hindi ko naman kailangan ng practice," sagot ni Jared bago siya humalik ulit, mas mapusok kaysa kanina. Bumaba ang kamay niya sa likuran ni Feliza, malambot at mahigpit ang yakap niya rito, para bang gusto niyang damhin ang bawat segundo kasama siya.

Nagpatuloy sila sa halikan, pero biglang tumigil si Jared at bumulong, “You know, I don’t know how I got this lucky. But I’m glad I did.”

Ngumiti si Feliza, hinaplos ang pisngi ni Jared. “You’re not the only one who's lucky. I love you, Jared.”

“I love you, too,” sagot ni Jared, sabay muling hinalikan si Feliza, mas malalim, mas matagal.

Sa sandaling iyon, tila nakalimutan nila ang lahat—ang trabaho, ang mga problema, at kahit si Cherry na minsan ay naging laman ng isip ni Jared.

Nang matapos ang kanilang mainit na halikan, huminga nang malalim si Jared, tinagilid ang ulo at bahagyang ngumiti habang nakatingin kay Feliza. Ang mga daliri niya ay dahan-dahang hinahaplos ang likod ng kanyang kasintahan, parang ayaw niyang matapos ang sandaling iyon.

“You know,” sabi ni Jared habang nakatingin pa rin sa kanya, “I never thought I'd move on this fast. Parang... everything just fell into place nung nakilala kita.”

Nakaramdam si Feliza ng curiosity, nakangiti pero may halong seryosong ekspresyon. "Is this about your past? That girl from the Philippines?"

Bahagyang nagbago ang mukha ni Jared, pero nanatiling kalmado. Hindi na mabigat ang pangalan ni Cherry para sa kanya tulad ng dati. "Yeah," pag-amin niya. "Her name is Cherry. Dati, I thought she'd be the one. But... things didn’t work out the way I expected."

Umupo si Feliza ng maayos, bahagyang dumistansya kay Jared para makita ang kanyang mukha nang mas malinaw. "What happened?"

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Jared, saka nagsimula. "It was complicated. Masyadong maraming nangyari sa pamilya ko... my parents, lagi silang nakikialam sa buhay ko. And Cherry, she had her own issues, things I couldn’t control or fix. Sinubukan ko, pero in the end, it wasn't enough. Kaya I left. I thought getting away from everything would help me breathe. Then I met you."

Natahimik si Feliza, hinihimas ang kamay ni Jared bilang tanda ng suporta. "I’m glad you did. But do you still think about her? I mean... I want to know where I stand in your life."

Nakangiti si Jared, at hinawakan ang mukha ni Feliza, pinisil ng kaunti ang kanyang pisngi. "You don’t have to worry about that. Ikaw ang buhay ko ngayon. Cherry is in the past, and I’ve let her go. Kasama ka na sa mga plano ko ngayon—this life, this business, and everything else."

May relief na dumaan sa mukha ni Feliza. Ngumiti siya, at muling nagpakita ng kapilyahan sa kanyang mata. "Good, because I don’t share."

Natawa si Jared. "You don’t have to."

Sabay silang natahimik, pero hindi na mabigat ang hangin sa pagitan nila. Tahimik na pinanood ni Feliza si Jared habang naglalaro ang mga daliri nito sa kanyang buhok, pareho nilang nararamdaman na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila sa kani-kanilang buhay, nahanap nila ang isa’t isa.

“Let’s go out tonight,” biglang sabi ni Feliza, binasag ang katahimikan. “We deserve a break. Just you and me.”

Nakangiti si Jared, tumango. “Sure. Where do you want to go?”

“I don’t know yet,” sagot ni Feliza, nagbibirong tono ulit. “But somewhere romantic. You owe me that.”

“I guess I do,” sabi ni Jared habang tumayo mula sa sofa, hinila si Feliza pataas. “Let’s make this night ours.”

Magkahawak ang kamay, lumabas sila ng bahay, handang iwan ang lahat ng bigat sa likod nila at tumingin sa bagong simula na magkasama.

Busy sa pagbabasa ng libro si Carina. Tutok na tutok siya lalo na nasa kaligtnaan na siya ng nobelang binabasa. Isang science fiction na may halong suspense genre na may pinamagatang "Secrets of the Last City" by Scarlet Eyes. Samantala, abala naman si Cyprus sa paglalaro ng isang game app sa kanyang laptop.

Mga ilang sandali ay may biglang kumatok sa pintok ng kanilang silid. Si Aling Marietta. Pinagbuksan ito kaagad ng binata.

"Ano po 'yon, Tita Marietta?" tanong kaagad ni Cyprus.

"Mayroong bisita naghihintay sa inyo sa salas. Bilisan niyo, dali.'' Mabilis na tugon sa kanila ng ginang na abot ngiti sa tainga na kanila namang ipinagtaka.