"Niya at hindi sila?" bulong sa isip ni Cherry nang may halong pagkalito sa kanyang isip. "Nagkamali lang ata siya ng banggit tsk."
Sa kanyang paglalakad ay natigilan siya sa kung ano ang bumungad sa kanya. Sa halip na isang birthday celebrant at kanyang mga kaanak ay isang lalaki lamang na nakasuot ng isang light blue long sleeve polo at naka-black pants ang bumungad. Nakatalikod pa ito. Nanlalabo kanyang mga mata sa matagal na pagkakatitig sa lalaki pero habang papalapit siya ay nakilala na niya kung sino ito.
"Jared?" sambit niya sa pangalan. "Ano ginagawa...."
Naudlot na ang kanyang sasabihin nang humarap na ito sa kanya.
"Hi, nandito ka na pala." Malapad ang ngiti ng binata sa kanya ng binata. "You may take a seat."
Sumunod naman si Cherry ngunit patuloy pa rin siya pagsulyap sa paligid. Pansin sa kanya ang pagkalito at pagtataka.
"Ano ito, Jared?" sunod niya muling tanong rito.
"It is a big surprise for you."
Bahagyang kumunot ang noo ng babae sa di maintindihan sa sinasabi ng binata sa kanya. Kaya binigyan niya ito ng nakakapagtakang tingin.
"This is our date, Cherry. Sa tagal ng panahon after we broke up."
"Date? Jared, sinabi ko naman sa'yo di ba?"
"Hey, relax my lady. Alam ko naman 'yon pero hindi ko na mapigilang i-push ang chances na suyuin ka ulit." Sandaling uminom ng wine si Jared. "Kalimutan na natin ang nakaraan. Matagal ka na ring single di ba? Me, nakipag-break na kay Feliza because I realized na ikaw pa rin talaga ang nilalaman nito." Tinuro ng lalaki ang bahagi na kung saan naroon kanyang puso.
"At iyong negosyo na ipinatayo ko ay para sa atin na magiging anak ko soon." Buong tiwala sa sariling saad ni Jared ng may kasamang kapilyuhan sa kanyang boses.
Hindi na maalis ang tingin ni Cherry sa ex-boyfriend nito. Gulat pa rin at di makapaniwala sa ginawang plano ni Jared.
Hinawakan kanyang kamay sa pangalawang pagkakataon. "Cherry..." mahina subalit may halong pagkukumbinse sa kanya. "Can you give me chance again?"
Napalunok ng laway ang babae dahilan upang uminom siya ng tubig.
"Ok, mamaya na lang kita tanungin. Kumain ka na muna. Alam kong gutom ka na galing sa trabaho at mahaba-habang biyahe.
Halos sabay natapos ng pagkain sina Cherry at Jared. Kasabay nito ang biglang pagtunog ng isang nakakakilig na love song, pinalibutan ng mahihinang ilaw ang kanilang paligid, tila sadyang ginawa para sa kanila ang sandaling iyon. Nagkatitigan sila, at sa mapanuksong ngiti ni Jared, bigla niyang inabot ang kamay ni Cherry.
"May I have this dance?" bulong niya, ang kanyang tinig ay puno ng lambing.
Hindi na nakatanggi si Cherry. Tumango siya, at dahan-dahan silang naglakad patungo sa gitna ng maliit na espasyo. Ipinulupot ni Jared ang kanyang mga braso sa baywang ni Cherry, habang siya naman ay kumapit sa balikat ng lalaki. Tahimik silang nagsayaw, sinusundan ang himig ng kanta, tila ang mundo'y huminto para lamang sa kanilang dalawa.
"Cherry," mahinang tawag ni Jared. "Pwede ba tayong magsimula ulit?"
Labis ang kaba na nararamdaman ni Cherry, ang kanyang puso'y tumitibok nang mabilis. Tumingin siya sa mga mata ni Jared, puno ng tanong at pangamba. Pero sa huling pagkakataon, kinuha niya ang lakas ng loob na matagal na niyang tinatago.
"Oo, Jared," sagot niya sa halos pabulong na tinig.
Hindi na nagdalawang-isip si Jared. Inilapit niya ang kanyang labi kay Cherry at hinalikan ito nang malalim, puno ng pagnanasa at pagmamahal. Tila nagtagal ang kanilang halik, parehong ninanamnam ang init at tamis ng muling pagkakabalikan.
Matapos ang kanilang romantic date, nagtungo sila sa isang kwarto, dala pa rin ang kilig at saya mula sa gabing iyon. Sa katahimikan ng silid, muling inilapit ni Jared ang kanyang labi kay Cherry at masuyong hinalikan ito. Sa kanilang mga anino sa dingding, kitang-kita ang walang sawang palitan ng halik—banayad ngunit puno ng emosyon.
Ngunit sa gabing iyon, wala nang iba pang nangyari. Tanging halik at ang kanilang romantic date lamang ang namagitan sa kanila, sapat na iyon upang ipaalam sa isa’t isa na ang kanilang pagmamahalan ay muling nagbabalik.
Isang taon ng naging magkasintahan sina Cherry at Jared. Katulad ng iba, hindi rin naging perpekto kanilang relasyon. Mayroong misunderstandings at tampuhan sa pagitan ng dalawa.
"Pasensya ka na, Cherry. Na-late nanaman ako sa date natin."
"Lagi naman." May halong tampo sa tinig ng babae.
"Pero atleast nagawa kong puntahan kita dito at makita. Alam mo namang bihira na lang din tayo mag-meet in person di ba?"
Abalang-abala si Jared sa kanyang negosyo lalo na mayroong tatlong branches na ang kanyang convenient store na itinayo. Mas dumarami na ring suppliers na nagiging ka-meeting niya bawat linggo na gustong mag-supply sa kanya ng mga produkto.
Kinuha na rin niya ang bunsong kapatid ni Cherry na si Daryl bilang isa sa mag-manage ng kanilang tatlong branches kapag wala siya doon. Kinuha na rin niyang taga-assist ng customers ang isa pang kapatid ng girlfriend na si Jonald sa mismong main branch. Kinuha niya rin ang ilang mga kapatid pa at kaanak para magtrabaho.
Pagkatapos ng kanilang date ay hinatid na kaagad niya si Cherry sa bahay nito bago dumiretso na rin sa kanilang bahay.
Nagmano siya sa kanyang ina at ama. "Kamusta ang trabaho?"
"Ayos naman po, Pa."
"Talaga bang sigurado ka na kay Cherry ah, Jared?" tanong ng ina sa kanya at tila hindi pa rin nagbabago ang pagtingin nito sa babae.
"Di ba, Ma napag-usapan na natin ang tungkol diyan? Malinaw naman si Cherry ang para sa akin hanggang huli. Mahirap po ba tanggapin 'yon?"
"Ang gusto ko lang naman anak ay mapabuti ka. Alam kong may mas deserve pang babae para sa'yo maliban kay Cherry." Pilit pa rin ng ina ang kanyang nais.
"I'm sorry, Ma. Buo na ang desisyon ko. Sa ayaw at sa gusto niyo ni Papa. Si Cherry pa rin ang pipiliin ko dahil siya lang bukod tanging minahal ko ng ganito at wala ng iba." Binitbit na niya ang bag na papunta sa kanyang kwarto. "Magpapahinga na po ako."
Wala ng nagawa kanyang magulang sa naging desisyon niya. Hindi na siya tulad ng dati na sila ang masusunod. May sarili siyang pag-iisip. Kailangan niyang manindigan na tama kanyang pinili at si Cherry iyon. Kundi lang kasi sila nanguna noon, sila pa rin talaga nito ang magkakatuluyan. Nang dahil sa tadhana, pinagtatanggol kanilang landas at pinatunayan na sila nga ang para sa isa't isa.
Limang buwan nang lumipas ng ikasal sina Cherry at Jared. Sa ngayon ay niyaya niya ang kanyang mag-iina na mag-picnic sa isang resort na pinuntahan nila noon.
"Ano kumpleto na ba ang mga gamit niyo papuntang resort?" tanong ni Jared sa mga bata.
"Opo, Papa," sagot sa kanya ni Cyprus.
"Saan nga pala ang punta natin?" tanong naman sa kanya ni Carina.
Nagtinginan sina Jared at Cherry, nagpipigil na ngumiti. Tinignan tuloy sila ni Carina nang masama.
"Secret. Malalaman mo mamaya."
"Tsk, daya naman." Nakanguso habang bitbit na ng dalagita kanyang mga gamit.
"Sasabihin ko rin mamaya para surpise di ba?" paliwanag bi Jared.
"Ano, let's go?" bigyan yaya na ni Cherry sa kanyang mga anak.
"We're ready," sagot naman kaagad ni Jared at Cyprus habang tahimik lamang na sumunod si Carina.
Isinara na ni Jared ang pintuan ng kanilang bahay pati gate bago sabay silang pumasok ng kotse.
Nang ipinaandar na ang kanilang sasakyan ay muli siyang nagsalita at ngumiti nang malapad, "Tayo na...."