Nanatili pa rin sa isipan ni Cherry ang pag-uusap nila ni Jared. Hindi naman sa kanya sinabi ang dahilan ng break up nila. Masasabi niyang napakabilis nitong ma-decide na hindi muna pinag-iisipan nang maayos at pagkatapos magsisisi at hihingi ng tawad katulad na lamang ang ginawa sa kanya.
Ngayon ay kasalukuyan siyang naglalakad sa palengke at bitbit mga pinamili niyang pagkain para sa kanilang pangangailangan. Nakasalubong naman niya ang dating kaibigan- sila Olivia, Kristel at Rhea pero iniwan siya ere sa panahong kailangan niya noon ng karamay. Noong nangangailangan ang mga ito lalo ng college life nila ay naroon si Cherry upang damayan at suportahan sila.
Ngumiti mga ito sa kanya, "Uy, Cherry! Long time no see." Unang nagsalita si Rhea.
"Kamusta ka na girl? Tagal na natin hindi nagkita ah," saad naman ni Kristel.
"Ano ng balita sa'yo?" sambit naman ni Olivia na may hiya sa boses nito.
Nagtinginan ang tatlo nang makita nila muli si Cherry nang may halong pag-aalinlangan.
"Ayos lang, kayo?"
"Ok lang din. Minsan lang din magkita-kita kami dahil sobrang busy sa kanya-kanyang mga buhay." Malakas na loob na sabi ni Kristel.
"Oo nga eh." Pansin sa mukha ni Rhea ang pagkailang sa presensya ni Cherry lalo na alam nilang iniwan nila ito sa ere noong nanghihingi sa kanila ng tulong.
"Oh nga pala, Cher..." pag-iiba nito ng usapan. "Yayain ka na rin sana namin na dumalo sa birthday celebration ni Rhea." May pilit nitong pagngiti.
Ilang segundo pa bago nagsalita si Cherry. "Pasensya na kayo hindi ako makakapunta eh."
"Bakit naman?" tanong sa kanya ni Rhea may kaunting lungkot sa kanyang boses.
"Alam niyo naman masyado na akong abala bilang nanay ng mga anak ko di ba?"
Nagtinginan ang tatlo. "Hindi ba pwedeng ipagpaliban muna kahit ilang oras?" Si Olivia na ang nagsalita.
"Hindi talaga pwede eh." Binitbit muli ni Cherry ang mga pinamili niya. "Sige, mauna na ako. Magtatanghali na at kailangan ko pang magluto ng lunch namin. Sige, bye."
Walang interest sa mukha ni Cherry na makikita pa sa kanyang mukha. Nagmadali siyang umalis kaya di na niya hinintay ang sasabihin ni Kristel.
Pagkarating niya sa bahay ay naroon muli si Jared at naghihintay sa kanya habang nanonood ng TV.
"Oh, Cherry nandiyan ka na pala?" Tinulungan pa siya nitong bitbitin mga pinamili niya.
"Kanina ka pa?"
"Oo. Sinabi rin ni Cyprus na namalengke ka raw kaya hinintay na lang kita rito."
Tumango lamang si Cherry at pagkatapos niyon ay naging abala siya pagluto ng kanilang pananghalian. Doon na rin nakisalo sa kanila si Jared bago umalis.
Nagpatayo naman ang binata ng isang maliit niyang negosyo- isang convenient store na malapit lamang sa tinitirhan nila Cherry. Sinadya niya 'yon para madali lamang niyang puntahan ang dating kasintahan. Nang palabas na siya ng store ay biglang tumawag sa kanya si Feliza ngunit hindi niya sinagot ito. Tuluyan na niyang tinapos ang anumang ugnayan sa babae dahil mas lalo lang iyon masasaktan.
Sa sobrang busy niya sa negosyo ay di na nagawang puntahan ni Jared si Cherry. Kailangan niya kasi na magseryoso pa para sa kanyang hinaharap.
Ang babae naman ay gabi na rin umuuwi madalas dahil sa overtime niya sa trabaho kaya si Carina na ang nagpresintang magluto ng kanilang gabihan.
"Napakagaling ng anak ko magluto ah. Manang-mana sa'kin," papuri niya kay Carina.
"Salamat po, Ma."
"Eh, ikaw Cyprus natapos mo na ba assignments mo? Baka maya puro laro na lang inaatupag mo dito sa bahay pati sa school."
"Natapos ko na po, Ma. Huwag po kayo mag-alala napagsasabay ko nang maayos ang pag-aaral at paglalaro. Kita niyo naman na matataas din mga grades ko di ba?"
"Ma, may itatanong po sana ako sa inyo." Singit ni Carina sa usapan.
"Ano ba 'yon, Carina?"
"May relasyon po ba kayo ni Tito Jared?"
Muntik na siyang mabulunan sa tanong iyon ng anak. Huminga siya nang malalim saka ipinaliwanag sa mga ito kung ano naging nakaraan nila ni Jared bago makilala kanilang ama. Sinabi niya sa mga ito na magkaibigan lang sila.
Nang nakahiga na si Cherry sa kanyang kama upang makapagpahinga na ay biglang pumasok sa isip niya ang naging laman ng kanilang usapan kanina ng kanyang mga anak. Binabalak niya rin na kausapin muli si Jared tungkol dito kaya tinawagan niya ang binata sa naka-register na cellphone number sa kanyang telepono.
Nagri-ring lamang ito sa kabilang linya. Sinubukan niya ulit sa pangalawang pagkakataon subalit walang sumagot. Hindi na niya ipinilit pang tawagan ang binata baka sa tingin niya ay tulog na si Jared.
Nagising si Jared sa tunog ng alarm clock sa ibabaw ng kanyang cabinet na katabi lang din ng kanyang kama. Humihikab pa siya habang nakaupo pa lamang dito. Sinunod na niyang pinatay ang alarm clock saka tumitig sa kanyang phone. Napansin niya ang dalawang missed calls mula kay Cherry.
Huminga siya ng malalim bago sinubukan niyang tawagan ito. Subalit nang pipindutin na niya ang numero ni Cherry na nakarehistro sa kanyang telepono ay bigla niya ring nabasa ang isang notification note na kung saan makikipagkita siya sa ilang mga suppliers ng mga paninda niya sa Jared's Easy Mart. Nakita rin niya ang nakadikit na sticky notes sa isang box na nakapatong sa mini-cabinet na katabi lamang din ng alarm clock.
Mga ilang sandali ay napatingin siya sa oras na ikinalaki ng kanyang mata at mabilis na pagbangon sa kama.
"Damn, it's late." Alas otso kasi ang meeting nila sa mismong office ni Mr. Rivero. Nakapako na ang oras sa 7:30 ng umaga.
Pagkatapos nito ay pupunta pa siya sa isang supplier niya ng mga school supplies na si Mrs. Sanchez naman mamayang alas-diyes ng umaga.
Maaga pa lamang ay nasa opisina na si Jared para sa una niyang meeting ng araw. Alas otso ng umaga ang nakatakdang oras ng usapan nila ni Mr. Rivero, isang supplier ng mga instant meals at snack foods. Habang papasok si Jared sa conference room, sinalubong siya ni Mr. Rivero na abala sa pagbubuklat ng ilang dokumento. Nakangiti si Jared nang lumapit, at malugod namang siyang sinalubong ni Mr. Rivero.
“Good morning, Mr. Rivero. I hope I’m not late,” bati ni Jared kasabay ng pag-upo niya sa may harap ng mesa.
“Not at all, Jared. You’re right on time. Please, have a seat,” sagot ni Mr. Rivero, kasabay ng pag-abot sa isang folder ng mga produkto.
Hindi na nagpatumpik-tumpik si Mr. Rivero at dumiretso na sa paksa. "So, you mentioned sa email mo that you're looking for a steady supplier for instant meals and snack foods, right?" tanong nito, habang ipinapakita kay Jared ang listahan ng mga produkto.
“Yes, sir. I'm setting up a convenience store near a residential area, kaya priority namin ang mga fast-moving consumer goods like cup noodles, chips, at iba pang ready-to-eat snacks. Alam mo naman, people want something quick and convenient,” sagot ni Jared, binibigyang-diin ang pangangailangan ng kanyang target market.
“Good choice. We actually have a strong lineup ng products na swak sa description mo. We carry some of the best-selling brands in the market, and we also have a few house brands na mas affordable pero mataas pa rin ang quality,” sagot ni Mr. Rivero, habang iniabot ang detalye ng kanilang mga produkto.
Interesado si Jared sa ipinapakita ni Mr. Rivero at agad na nagtanong ukol sa presyo. “That sounds great. I'm looking for competitive pricing too, syempre. Gusto kong masigurado na magiging accessible ‘yung presyo for the locals, without sacrificing quality,” sabi ni Jared, na iniisa-isa ang mga presyo sa listahan.
Seryosong tumango si Mr. Rivero. “Of course, we can work on that. Let me show you our price list. May bulk discounts din kami for large orders, especially kung long-term yung partnership natin.” Ini-slide ni Mr. Rivero ang price list papunta kay Jared, na mabilis namang sinipat ang bawat item.
“This looks reasonable. The bulk discounts are definitely a plus. For starters, I'm thinking of getting a large stock of cup noodles and chips. Those are usually top sellers, tama?” tanong ni Jared, sinisigurong magiging mabenta ang mga unang order niya.
“Exactly. Those are the go-to items, lalo na in residential areas,” sagot ni Mr. Rivero. “We can provide you with a mix of popular flavors para may variety ang shelves mo. May iba ka pa bang items in mind? We also carry instant coffee, biscuits, and some healthy snack options, if you're interested.”
“Yes, actually! I was thinking of offering healthier alternatives din, like granola bars or baked chips. Mas gusto na ngayon ng mga tao yung mas healthy options, di ba?” sagot ni Jared, na tila excited sa ideya ng pag-aalok ng mas maraming pagpipilian sa kanyang tindahan.
Nakangiti si Mr. Rivero. “Right on point. We can set you up with those as well. I’ll make sure to include a few samples in the initial shipment para makita mo yung quality.”
"That would be great. By the way, how soon can you deliver? I’m planning to open the store in two weeks,” tanong ni Jared, minamadali ang proseso para sa nalalapit na pagbubukas ng kanyang tindahan.
Tumango si Mr. Rivero. “Two weeks is doable. We can start shipping next week, actually, para makapag-prepare ka na ahead of time. I'll have my team finalize the contract and the delivery schedule by tomorrow.”
“Perfect. Looking forward to working with you, Mr. Rivero,” ani Jared, kasabay ng pag-abot ng kamay upang tapusin ang kanilang kasunduan. Matibay ang pagkaka-handshake ni Mr. Rivero, tanda ng kanilang maayos na partnership.
Matapos ang usapan, lumabas si Jared ng opisina na may ngiti sa labi. Alam niyang isang hakbang na lamang at tuluyan nang mabubuo ang kanyang convenience store, handang magbukas para sa mga residente ng kanilang lugar.
Pagkatapos ng unang meeting ni Jared kay Mr. Rivero, agad siyang nagtungo sa opisina ni Mrs. Sanchez, supplier ng mga school supplies. Nakipagkita siya dito para talakayin ang mga produkto na magiging bahagi ng kanyang tindahan, lalo na ang mga madalas bilhin ng mga estudyante at office workers. Pagpasok niya sa maliit ngunit maayos na opisina, sinalubong siya ni Mrs. Sanchez, isang matapang at maabilidad na babae, na matagal nang nasa ganitong negosyo.
“Good morning, Mrs. Sanchez. Thank you for seeing me today,” bati ni Jared habang nauupo sa harap ng mesa.
“Good morning din, Jared. Of course, it's my pleasure. So, I hear you're opening a convenience store? Anong mga items ang balak mong i-carry for school supplies?” tanong ni Mrs. Sanchez, diretso kaagad sa seryosong usapan.
“Actually, gusto ko po sana mag-focus sa mga pinaka-demand na items, especially sa school supplies na madalas hanapin ng mga estudyante mula elementary hanggang college. Pati na rin po yung mga gamit na kailangan ng office workers. Gusto kong maging one-stop shop for them, especially para sa mga magulang at empleyadong walang oras pumunta sa mas malalaking tindahan,” sagot ni Jared, ipinapaliwanag ang direksyon ng kanyang tindahan.
Tumango si Mrs. Sanchez at inilabas ang isang katalogo ng mga produkto. “That’s a smart move. Alam mo naman, school supplies are always in demand, lalo na kapag pasukan. Here, I have a list of our best-selling items—ballpens, notebooks, bond paper, markers, at pati mga filing folders at sticky notes na madalas kailangan ng office workers.”
Inabot ni Jared ang katalogo at mabilis itong tiningnan. “This is great, Mrs. Sanchez. I'm definitely going to need a large stock of notebooks and ballpens—those sell fast, right? Pati na rin mga bond paper at folders. Gusto ko kasing makapag-provide ng mga gamit na pang-school na hindi naman sobrang mahal pero quality.”
“Exactly. Napansin ko rin sa mga dati kong clients na essential ang mga yan. Madalas yung mga estudyante, especially sa college, naghahanap ng murang notebooks at ballpens, pero ayaw nila ng sobrang cheap ang quality. I have mid-range products na sigurado akong babagay sa tindahan mo. At syempre, for the office supplies, you can never go wrong with reams of bond paper and file organizers,” sagot ni Mrs. Sanchez, halatang kabisado na ang pangangailangan ng kanyang mga customers.
“Oo nga po, yun ang target ko—accessible pero reliable ang products. Tingin niyo, how soon can you deliver? Gusto ko sana lahat maayos before mag-start ang pasukan,” tanong ni Jared, umaasang matatapos agad ang proseso.
“We can start the deliveries within the week. Kaya naming i-rush ang order mo para maihanda mo na ang tindahan mo ahead of time. Bibigyan din kita ng bulk pricing, especially since malaki ang volume ng orders mo,” ani Mrs. Sanchez, nakangiti habang inaayos na ang listahan ng orders ni Jared.
“Thank you, Mrs. Sanchez. That’s exactly what I need. I’m excited to work with you, and I’m sure magiging successful ang convenience store ko with these products,” sabi ni Jared, sabay abot ng kamay para tapusin ang kanilang kasunduan.
“Likewise, Jared. I’m sure magiging busy ka lalo na kapag pasukan na. But don’t worry, we’ve got you covered,” sagot ni Mrs. Sanchez, tinanggap ang handshake.
Lumabas si Jared mula sa meeting na puno ng enerhiya at kumpiyansa. Alam niyang magiging maayos ang daloy ng mga produkto sa kanyang tindahan, lalo na ang mga essential school supplies at office materials na magiging hit sa mga estudyante at empleyado sa kanilang lugar.
Bukas na niya babalakin ang makipag-usap sa ilang suppliers pa dahil maglalaan siya ng time ngayon para kausapin si Cherry. Pagkalabas niya ng building ayaw agad siyang huminto saglit sa paglalakad upang i-text si Cherry kung saan sila magkikita nito.
Katatapos lang din ni Cherry na maligo nang biglang tumunog ang phone niya. Isang text message mula kay Jared.
'Sorry for the late reply. I'm just busy talking to the client recently. By the way, we can meet at Playa del Cielo Beach Resort in 3:00 of the afternoon.'
Pagkabasa ng babae sa text message na iyon ay agad siyang nagtungo sa kwarto upang magbihis. Si Cherry ay nakasuot ng kulay ubeng medium-size na t-shirt na sakto lamang ang pagkakahapit sa kanyang katawan, nagbibigay ng simpleng ayos pero maayos tingnan. Tinernuhan niya ito ng blue maong pedal pants na komportable at angkop sa kaswal na lakad. Ang kanyang mga paa ay nakasuot ng itim na flat shoes praktikal at bagay sa kanyang kabuuang kasuotan, na nagbibigay ng relaxed ngunit presentableng aura.
Trenta minuto ang biyahe ng nasabing lugar mula sa kanilang bahay. Di gaano karaming tao ang lugar. Napalinga-linga sa paligid hanggang naisipan niyang maupo sa tabi ng dagat.
Ang Playa del Cielo Beach Resort ay isang tahimik na resort na matatagpuan sa baybayin, kilala sa malapulbos na puting buhangin at malinaw na tubig-dagat na kulay asul. Pinalilibutan ito ng matatayog na puno ng niyog, habang ang mga alon ay dahan-dahang humahampas sa pampang.
"Pasensya na kung medyo nahuli ako ng dating." Isang pamilyar na boses ang narinig niya. Si Jared. Nakaangat ang mga labi nito dahilan upang makita ang magaganda at mapuputing ngipin ng binata. "Mabuti nakapunta ka."
Tumabi kaagad si Jared kay Cherry. Muli siyang bumuntong-hininga dahil sa kaunting kaba at sabik na nararamdaman. Wala siyang alam kung ano man lamang kanilang pag-uusapan.
"Ano pala pag-uusapan natin?" Tahimik ng lugar na kung saan kanilang mga boses at alon sa dagat na may kasamang hangin ang maririnig.
Napadikit ni Cherry ang kanyang labi. Napalinga-linga sa paligid. Tinatakasan ng kalakasan upang magsalita. Lumunok muna siya ng isang boses saka sinubukan niyang bumuo ng mga salita.
"Nag-usap kasi kami ng mga anak ko," bungad niya. Patuloy lamang sa pakikinig si Jared. "At tinanong nila kung mayroon tayong relasyon. Nakikita kasi nila kung paano mo sila tratuhin at lalo na ako."
"Ano ang sabi mo sa kanila?"
"Sinabi ko ang totoo na wala tayong relasyon. Kinuwento ko rin sa kanila ang naging past natin para mas naiintindihan nila." Pagpapatuloy ni Cherry ngunit ramdam niya ang bilis na pagtibok ng kanyang puso.
Lumapit pa ng bahagya si Jared sa dating kasintahan. Nilalaro naman ni Cherry kanyang mga daliri sa kamay. Hindi mapakali sa kanyang pwesto.
"Paano kung totohanin ko na ang lahat?" Natigilan si Cherry sa kanyang narinig. Mas bumilis pa ang tibok ng kanyang puso. Mga mata niya ay di nagawang ipikit kahit sandali.
"Ano ang sinasabi mo?" Naglipat ng tingin ang babae.
Mabilis na pinatong ni Jared kanyang kamay sa kamay ni Cherry. "Akala ko talaga noon kapag pumasok ako sa bagong relasyon, matutunan ko silang mahalin katulad ng pagmamahal na naramdaman ko para sa'yo."
Huminga muli nang malalim ang binata dahil sa kaba na nararamdaman. "Ikaw ang dahilan, Cherry kung bakit kami naghiwalay ni Feliza. Akala ko talaga siya na para sa'kin. Pero nang magkita tayo ulit at nagkausap nang maayos, bumalik ulit lahat ng feelings ko para sa'yo." Napangisi siya sa susunod pang sasabihin. "Heto pa, sa laki ng mundo nagawa pa rin tayong pagtagpuin ng tadhana."
Hindi mabuka ni Cherry kanyang bibig. Palipat-lipat siya ng tingin na hindi mapalagay.
Hindi inalis ni Jared ang nakapatong niyang kamay sa dating girlfriend. Mas naging comfortable siya sa ganoong sistema.
Tumitig sandali si Cherry sa kanya pababa sa kanilang kamay na magkahawak. "I'm sorry, Jared."
"I know hindi ganoon kadali."
"Ayaw ko lang talaga pag-isipan tayo ng mga anak ko na naglilihim tayo sa kanila..."
Naputol ang sasabihin ni Cherry. Mas hinigpitan pa ni Jared ang pagkakapit sa kanyang kamay.
"Huwag ka mag-alala. Ako na bahala magpaliwanag sa kanila. Trust me." Ang mga tingin ng binata sa babae ay nangungusap na siya na mismo ang bahala kung paano sasabihin sa mga anak ni Cherry ang lahat. "Ayaw kitang mawala, Cher. Hindi kita pipilitin na mahalin mo ako. Basta huwag mo lang sa'kin ipagkait ang pagkakaibigan na meron tayo ngayon."
Dalawang linggo nang lumipas matapos ang pag-uusap nina Cherry at Jared. Habang kumakain siya ng lunchbreak kasama ang mga co-workers niya ay bigla niya iyon naalala. May halong pag-aalinlangan ang nararamdaman niya ang tungkol doon. Sumunod pang mga araw ay biglang nakatanggap ng mga delivery package sa kanilang bahay. Galing mga iyon kay Jared. Sobrang busy nito sa inaasikasong negosyo kaya hindi nagawang dalawin sila ng binata.
Isang araw ay inimbitahan siya nito sa pagbukas ng kanyang convenient store na ipinatayo. Nagtungo si Cherry roon at mayroong kaunti na salo-salo. Tumulong siya sa pag-assist ng mga customers pati na rin si Aling Marietta. Dumagsa ng husto ang mga namimili roon.
Pagsapit ng alas-otso ay hinatid ni Jared si Cherry pauwi.
"Halika, pumasok ka muna sa loob at magkape," biglang pagyaya sa kanya ni Cherry.
Tumingin saglit si Jared sa bahay ng babae saka nagsalita. "No thanks. Maaga pa kasi ako bukas. Next time na lang siguro."
Ngumiti lamang si Cherry. *Sige. Good night na lang. See you the other day."
Kinabukasan ay napaaga ng pasok si Cherry sa trabaho at nahuli rin ng uwi- 5:35 na ng hapon sa halip na saktong 5:00.
Pauwi na si Cherry mula sa trabaho at sakay siya ng isang taxi. Madilim na ang paligid at tahimik ang kalsada, habang tanging tunog ng makina ng sasakyan ang bumabasag sa katahimikan. Nakatitig siya sa labas ng bintana, sinusubukang palipasin ang oras, nang biglang nag-ring ang kanyang telepono. Tumatawag si Daryl, ang kanyang bunsong kapatid. Kaagad niya itong sinagot, ngunit sa unang mga salita pa lang ni Daryl, napansin na ni Cherry ang kakaibang saya sa boses nito, na parang may tinatago. Bagaman pilit na kalmado at maayos ang tono ng kanyang boses, ramdam ni Cherry ang kakaibang kilig na hindi maipaliwanag ni Daryl.
"Ate Cherry, nasaan ka?"
"Pauwi na. Bakit?" Habang nakatitig pa rin siya sa bintana ng sasakyan. Huminga nang malalim si Cherry at nanatiling tahimik, hinihintay ang sasabihin ng kapatid.
"May birthday celebration ngayon sa isang hotel eh." Napakunot ang noo niya sa narinig. "Hulaan mo kung sino ang may birthday?"
Walang ideya si Cherry lalo na sobrang pagod na rin siya sa trabaho para mag-isip pa.
"Hindi ko alam, Daryl. Pasensya na."
Narinig niya ang malakas ng pagbuntong-hininga ng kapatid. "Si Ate Jessa, may birthday celebration ngayong gabi sa isang hotel."
"Saan, sa hotel? Saang hotel?" Napapitlag si Cherry sa kanyang narinig.
"Ite-text ko sa'yo ngayon ang address."
"Teka, uuwi muna ako. Walang kasama ang mga bata sa bahay."
"Huwag ka mag-alala sa kanila, Ate Cherry. Kasama na namin sina Cyprus at Carina."
"Ah, sige. Papunta na ako diyan ngayon."
Binababa niya kaagad ang telepono at hinintay ang text sa kanya ni Daryl. Ilang segundo pa ay lumabas na ang mensahe kung saang hotel ginaganap ang birthday ng kanyang Ate Jessa.
Pagkababa niya ng taxi ay bumungad sa kanya ang isang napakanda na building ng hotel at napako kanyang mga mata sa pangalan ng mismong hotel- ang La Vistana Grand Hotel.
"Saan naman kaya sila kumuha ng pera para sa ganitong klase ng selebrasyon?" May halong pang-uyam sa kanyang boses. "Baka ipinautang nanaman tsk."
Hindi na siya nagtagal at pumasok kaagad sa nasabing building. Dumiretso siya kaagad sa elevator at nagtungo sa fifth floor.
Pagkalabas niya ng elevator, tahimik na presensya ang bumungad sa kanya. Wala siyang nakita na anumang mga tao at decorations na pangbirthday.
"Nasaan na 'yong mga tao dito?" tanong naman niya. Naisip niyang baka nagkamali siya ng pinuntahang lugar. Naglakad na sana siya pabalik ng elevator nang tumawag sa kanya, isang babae na hotel receptionist.
"Ma'am, nandito na po pala kayo. Kanina ka po niya hinihintay."