Tatlong Araw Bago ang Insidente
Sa loob ng marangyang opisina ni Vice Mayor Wenndys Piattos, isang babae na may malaking pangangatawan, suot ang berdeng suit, ay abala sa pagbasa ng mga dokumento tungkol sa nalalapit niyang paglilitis. Sa kanyang harapan ay si Don Corneto, ang pinuno ng pinakamalaking sindikato sa Puerto.
"Don Corneto," panimula ni Wenndys habang tinatapik ang mesa. "Tatlong araw mula ngayon, hahatulan nila ako sa kasong korapsyon. Hindi ko hahayaan na masira ang pangalan ko, lalo na ang lahat ng pinaghirapan kong itago!"
Ngumiti si Don Corneto, hithit ang kanyang tabako. "At ano ang gusto mong gawin ko?"
"Gusto kong lumikha ka ng kaguluhan sa lungsod," sagot ni Wenndys, ang kanyang mga mata puno ng galit. "Siguraduhing hindi sila magkakaroon ng oras para sa paglilitis ko. Sa halip, tutok nila dapat ang kaguluhan."
Tumango si Don Corneto at inabot ang telepono. Tumawag siya kay Van V-Cut. "Van, may trabaho tayo. Sa araw ng paglilitis, simulan ang kaguluhan sa Barangay 41. Maglikha ng malaking eksena na mapupuno ng takot ang buong Puerto."
"Naiintindihan ko, boss," sagot ni Van mula sa kabilang linya.
"Huwag mo kong bibiguin," dagdag ni Don Corneto bago ibinaba ang telepono. "Sa araw na iyon, Wenndys, ikaw ang magiging sentro ng chaos."
Ngumisi si Wenndys at tumayo, lumingon sa bintana ng kanyang opisina. "Kapag natapos ang araw na iyon, wala nang magtatanong tungkol sa akin. Lahat sila ay magiging abala sa mga sarili nilang buhay."
---
Ang Araw ng Paglilitis
Ang City Hall ng Puerto ay puno ng tao—mga mamamahayag, tagasuporta ng alkalde, at mga usisero. Si Wenndys Piattos, ang Vice Mayor, ay nakaupo sa harapan, kalmado ngunit puno ng malalim na plano.
"Madam Vice Mayor," panimula ng Mayor na si Cris Chan, isang gwapong lalaki na suot ang pulang suit. "Ayon sa mga dokumento, bumili ka raw ng labing-anim na electric fan para sa isang paaralan sa halagang P160,000. Totoo ba ito?"
Ngumisi si Wenndys at sumagot nang may pilosopiya. "Hindi po totoo. Ito ay maling impormasyon na gawa ng aking mga kaaway."
Tumingin ang mayor sa mga ebidensiya. "Ngunit malinaw na nakuha namin ang resibo—"
Hindi pa natatapos ang tanong ng alkalde nang biglang yumanig ang gusali. Isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa labas, at agad na nag-panic ang mga tao.
"Lumikas ang lahat! May bomba!" sigaw ng isang pulis habang ang mga tao ay nagtakbuhan palabas.
Salamat sa mabilis na aksyon ni Mayor Cris Chan, ligtas na nailabas ang karamihan sa mga tao bago pa man tuluyang bumagsak ang ilang bahagi ng gusali. Sa kabila ng gulo, nanatiling nakatayo si Mayor Cris at sumigaw, "Hindi ito ang katapusan. Hanapin ang mga responsable!"
Sa malayo, si Wenndys ay ngumiti nang palihim. "Eksakto sa plano," bulong niya habang iniwan ang lugar kasama ang kanyang bodyguard.
---
Sa Barangay 41
Sa gitna ng Food Wars sa Barangay 41, si Van V-Cut ay nandoon, tahimik na pinapanood ang paligsahan mula sa isang madilim na sulok. Kasama niya ang kanyang dalawang tauhan, sina Pato at Putik-Man.
"Ang plano ng Vice Mayor ay nasa tamang direksyon," sabi ni Van habang iniinom ang serbesa. "Simulan natin ang kaguluhan pagkatapos ng kompetisyon."
Habang ang mga tao ay masaya sa tagumpay ni Tres, sinimulan na nina Pato at Putik-Man ang kanilang paghahanda. Si Pato ay nagdala ng granada at inilagay ito malapit sa entablado, habang si Putik-Man ay naglagay ng smoke bombs sa paligid.
---
Pagkatapos ng Food Wars
Bago inanunsyo na si Tres bilang nagwagi, biglang yumanig ang paligid. Isang granada ang sumabog sa entablado, na nagdulot ng kaguluhan. Sa gitna ng usok, umakyat si Van V-Cut sa entablado.
"Mga kababayan!" sigaw niya. "Ito na ang simula ng pagbagsak ng Puerto!"
Si Putik-Man ay naglabas ng makapal na putik gamit ang kanyang kapangyarihan, habang si Pato ay nagpakawala ng sunod-sunod na granada. Ang mga tao ay nagtakbuhan sa takot.
Sa gitna ng kaguluhan, sina Kenji, Yoru, at Kingston ay nagsimulang kumilos.
"Hindi natin pwedeng hayaan ito," sabi ni Kenji habang hinanda ang kamao. "Simulan na natin ang laban."
Habang si Van V-Cut ay tumatawa mula sa itaas ng entablado, ang kanyang mga tauhan ay nagkalat ng kaguluhan sa buong Barangay 41. Sa malayo, isang tanong ang bumabalot sa isip ng lahat: "Hanggang kailan tatagal ang kapayapaan sa Puerto?"