Sa isang madilim na eskinita malapit sa barangay dos, dumating sina Kingston at Mika. Napahinto sila nang makita si Tres na tinutulungan si Yoru na tumayo.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Kingston, habol-hininga mula sa matinding pagtakbo.
Huminga nang malalim si Tres at tumingin sa kanila. "Isang halimaw ang dumaan dito…"
Maging si Mika ay napakunot-noo. "Sino?"
Tumingin si Tres sa duguang si Yoru. "Si Taka Mobi. Isa sa pinakamalakas na mandirigma sa mundo. Hindi natin siya kayang tapatan ngayon."
Napalunok si Kingston. "May ganyan palang kalaban dito?"
Hindi pa man nila natatapos ang pag-uusap, biglang isang pagsabog ang yumanig sa lungsod!
Ang Pagbagsak ni Don Corneto
Sa kabilang bahagi ng lungsod, si Don Corneto at ang kanyang mga tauhan ay napapalibutan ng mga pulis. Maraming sugatan, at unti-unting bumabagsak ang kanilang depensa.
"Hinding-hindi ako susuko!" sigaw ni Don Corneto habang nagpaputok gamit ang kanyang baril.
"Tapos na ang laro mo, Corneto!" sigaw ng hepe ng pulis habang sinugod ang sindikato.
Sa gitna ng kaguluhan, isang pamilyar na tawa ang umalingawngaw.
"Nyahahahaha! Mukhang nalalapit na ang katapusan mo, Don Corneto!"
Biglang lumitaw si Van V-Cut, nakatayo sa itaas ng isang gumuhong pader. "Ano ba 'to? Ikaw? Ang makapangyarihang Don Corneto, talunan?"
Napalunok si Corneto. "Anong ginagawa mo rito, Van V-Cut?"
Napangisi ang kriminal. "Tinutulungan kita, syempre. Sayang naman kung ikaw lang ang malalagot!"
Biglang tumalon si Van V-Cut mula sa kanyang kinatatayuan at sa isang iglap, sinugod niya ang mga pulis gamit ang kanyang matatalim na kutsilyo. Napilitang umatras ang kapulisan, at nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ni Corneto na lumaban muli.
Sa barangay dos, isang napakalaking anino ang bumagsak mula sa langit. Isang higanteng agila ang lumapag sa gitna ng kalsada, bumuga ng malakas na hangin na nagpatumba sa mga nasirang istruktura.
Ang agila ay unti-unting nag-transform—naging isang tao, ngunit may pakpak at matatalim na kuko. Siya si Wenndys Piattos, ang Vice Mayor ng lungsod.
Napaatras si Kingston. "A-Ano 'yan?!"
Napatulala si Mika. "Hindi tao… isa siyang halimaw…"
Lumapit si Wenndys sa kanila, nakangiti. "Kayong mga bata ay isang istorbo sa aking mga plano. Kailangang tapusin ko na ito."
Biglang nagbalik siya sa anyong agila at sumugod!
"Dapa!" sigaw ni Tres habang itinulak si Yoru palayo.
Lumipad si Wenndys at bumagsak sa lupa na may napakalakas na impact! "BOOM!" Nagkabasag-basag ang lupa, at nagkalat ang alikabok sa paligid.
Kumuha ng bato si Kingston at inihagis ito sa agila. "Hoy! Sinabi ko sa 'yo, hindi ka welcome dito!"
Tumama ang bato sa noo ng Vice Mayor… pero wala itong epekto.
Napangiti si Wenndys. "Ganito ba ang depensa niyo? Kahit mga bata sa paaralan, mas delikado pa kaysa sa inyo."
"Mika, tumakbo ka!" sigaw ni Kingston.
Pero bago pa siya makatakbo, biglang lumipad si Wenndys at hinampas siya ng pakpak! Napatalon si Mika pabalik at natumba sa isang tabi.
Sumugod si Tres at Kingston nang sabay, nagpaikot-ikot si Tres para hindi siya mahagip ng Vice Mayor. "Tanggapin mo 'to! Flaming Palm Strike!"
Isang mabilis at malakas na suntok ang pinakawalan ni Tres, pero bago pa ito tumama—
"BANG!"
Isang hindi nakikitang pwersa ang nagtulak sa kanya paatras, dahilan para siya'y lumipad at bumagsak sa lupa. Si Kingston naman ay sinipa palayo at sumalpok sa isang pader.
"Tsk. Masyado kayong mahina." Umiling si Wenndys, at unti-unti siyang nag-transform sa kanyang ultimate form—isang hybrid na kalahating tao at kalahating agila.
"Walang makakatalo sa akin!" sigaw niya habang mas lalong lumakas ang kanyang presensya.
Napayuko si Tres sa lupa, nanginginig. "Ang bilis… hindi ko siya matapatan…"
Naglakad si Wenndys patungo sa kanila, nakangiti ng mala-demonyo. "Ang laban na ito ay walang kwenta. Mamamatay kayong lahat."
"WOOOOSH!"
Bago pa niya maitama ang huling suntok—isang anino ang mabilis na dumaan sa gitna ng laban.
"BOOM!"
Isang napakalakas na pagsabog ng hangin ang nagpatigil kay Wenndys. May dumating.
Nagkalat ang alikabok, at mula rito, isang pigura ang lumitaw.
Si Kenji.
"Hindi ko hahayaang saktan mo ang mga kaibigan ko."
Napatulala sina Tres, Kingston, at Mika. Si Kenji ay nakatayo sa harapan nila, puno ng galit sa kanyang mga mata.
Napangiti si Wenndys. "Heh… Ikaw pala ang pinakamatibay sa grupo niyo."
Umangat ang kanyang pakpak at naghanda sa pagsalakay.
"Sige… Subukan mo akong pigilan!"