Matapos ang matinding laban kay Wenndys Piattos, nakatayo sa guho ng Barangay Dos si Kenji at ang kanyang mga kaibigan—hingal, sugatan, at pagod. Ang paligid ay punong-puno ng alikabok, basag na konkretong sahig, at wasak na mga istruktura. Ang mga tao na kanina'y nagmamasid ay unti-unting nag-alisan, bitbit ang takot at pag-asa na tuluyan nang natapos ang sagupaan.
Tres ay napabuntong-hininga, ramdam ang sakit sa kanyang katawan. "Tangina… sobrang nakakapagod 'to," aniya habang hinihimas ang kanyang tagiliran.
Kingston, sa kabila ng pagod, ay napangisi. "Pero panalo tayo! HAHAHA! Si Kenji, ang OP na bata! HAHAHA!" Tumatawa siya, ngunit halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.
Mika naman ay nanatiling seryoso, nakatitig sa malayo na tila may masamang kutob. "Tsk, parang hindi pa tapos ang lahat," bulong niya.
Habang sila'y nagpapahinga, sa kabilang bahagi ng lungsod, isang madilim na eskinita ang naging tagpo ng isang maruming pagtataksil.
Sa isang abandonadong gusali, walang patid ang mabilis na paghinga ni Don Corneto habang patuloy siyang tumatakbo. Kasama niya si Van V-Cut, kapwa balot ng pagod at kaba. Alam nilang wala na silang matatakbuhan.
Don Corneto ay nagpatigil sandali at napatingin sa paligid, ramdam ang kabigatan ng kanyang mga hakbang. "Tangina, Van… talo tayo. Wala na 'to. Tapos na ang laban," aniya, bakas sa mukha ang panghihinayang.
Ngunit si Van V-Cut ay hindi natinag, bagkus ay isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Hmm… baka ito na ang oras ko para lumiwanag," aniya.
Napakunot-noo si Don Corneto. "Anong ibig mong sabihin? Huwag mo akong gawing gago, Van," wika niya, ramdam ang panganib sa tono ng boses ni Van V-Cut.
Bago pa siya makagalaw, isang mabilis at brutal na sipa ang dumapo sa kanyang mukha.
"BOGSH!"
Tumilapon si Don Corneto sa semento, ang kanyang bibig ay agad na napuno ng dugo. Hindi pa siya nakababawi nang maramdaman niya ang bigat ng isang paa sa kanyang dibdib—si Van V-Cut, nakatapak sa kanya na tila isang basurang walang silbi.
"Matanda ka na, Corneto. Wala ka nang silbi!" bulalas ni Van V-Cut, puno ng pangungutya ang tinig.
Sa kabila ng sakit, napakuyom ng kamao si Don Corneto at sa isang iglap, sinuntok niya nang malakas ang panga ni Van V-Cut.
"BAG!"
Napaluhod si Van V-Cut, ngunit sa halip na sumigaw sa sakit, isang malalim na halakhak ang lumabas sa kanyang bibig. "HAHAHAHAHAHAHAHA! Ang sakit, gago! Pero alam mo? Mas gusto ko 'to! Ang sakit ay nagbibigay saya!"
Hindi nagpatinag si Don Corneto. Alam niyang wala na siyang ibang pagpipilian kundi lumaban. Sumugod siyang muli, ang kamao niya'y handang ibigay ang kanyang natitirang lakas.
Ngunit si Van V-Cut ay mas mabilis. Sa isang iglap, inilabas nito ang isang patalim mula sa kanyang dyaket at lumusot sa depensa ni Don Corneto.
"SWOOSH!"
"CHAK!"
Isang matalim na saksak ang tumama sa tagiliran ni Don Corneto.
Napahinto siya, unti-unting bumagal ang kanyang paggalaw.
"Tsk tsk tsk… Mukhang ito na ang huling kabanata mo, Don Corneto. Masaya ka ba sa buhay mo?" bulong ni Van V-Cut habang iniikot ang patalim sa loob ng sugat.
Habang naghihingalo, bumalik sa isip ni Don Corneto ang araw na namatay ang kanyang anak.
Noong araw na iyon, isang masayang pamilya sila—ang kanyang anak ay masipag mag-aral, malayo sa imahe ng isang kriminal. Ngunit isang gabi, dumating ang pulisya sa kanilang tahanan. Sinabing nahuli itong gumagamit ng droga. Hindi siya makapaniwala—wala namang bisyo ang kanyang anak!
Ngunit makalipas ang ilang oras, isang balita ang dumurog sa kanyang puso.
"Nanlaban ang suspek."
Hindi siya naniwala. Alam niyang bahagi lang ito ng sistemang ginagamit upang pataasin ang ranggo ng mga pulis.
At doon siya nagdesisyong bumuo ng kanyang sariling gang.
"Kung hindi ako lalaban, sino pa?"
Pilit niyang iniunat ang kanyang kamay, parang may nais abutin sa kawalan.
"Para sa'yo... anak ko..." mahina niyang bulong bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata.
Si Van V-Cut ay nakatayo sa ibabaw ng bangkay ni Don Corneto. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago dahan-dahang dinampot ang sariling dugo mula sa sahig. Sa isang kilabot na kilos, ipinahid niya ito sa kanyang labi, parang isang clown na nagpipinta ng sarili niyang bangungot.
At pagkatapos ay sumabog ang kanyang tawa sa buong kalye.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Nagsimula siyang sumayaw sa gitna ng ulan ng dugo, paikot-ikot na parang isang sira-ulong aktor sa entablado ng isang madilim na mundo.
Sa kanya na ngayon ang trono.
At walang makakahadlang sa kanya.