Habang bumabagsak ang abo mula sa mga nawasak na gusali, dahan-dahang dumating ang mga pulis. Ang mga natitirang tao sa barangay ay tahimik na nakamasid habang inilalagay sa posas si Wenndys Piattos. Ang dating makapangyarihang Bise Alkalde ay duguan at sugatan, ngunit ang kanyang mga mata ay hindi nawalan ng ningning.
"Hahaha… Hindi pa tapos ang lahat," mahina niyang bulong habang hinihila siya papunta sa police van.
Sa gilid ng daan, nagising si Yoru mula sa kanyang pagkaka-unconscious. Agad siyang napatingin sa paligid at nakita ang kanyang mga kaibigan. "Ano'ng nangyari?" tanong niya, sabay dampi sa kanyang sugatang dibdib.
Kingston agad na sumagot, ngunit sa kanyang karaniwang estilo. "Grabe, tol! Sobrang epic! Si Kenji parang dragon na sumisipa, si Tres parang apoy na sumasampal, tapos ako? Ako 'yung moral support!"
Mika, na nakaupo sa tabi niya, ay umiling. "Ang ibig niyang sabihin, nanalo tayo. Pero muntik na tayong mamatay."
Kenji lumapit at ngumiti, bitbit ang pagod sa kanyang katawan. "Tapos na… umuwi na tayo."
Pumayag ang lahat, at dahan-dahan silang sumakay sa kanilang iconic na Orange Jeepney. Habang umaandar ito sa sirang mga lansangan ng lungsod, ramdam nila ang katahimikan—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa wakas, natapos na ang laban.
Sa huli, isang simpleng tanong ang bumasag sa katahimikan.
Mika, nakangiti habang nakasandal sa upuan, ay nagtanong: "Saan tayo pupunta?"
Kenji, nakatingin sa malayo, ay sumagot ng may banayad na kumpiyansa.
"Sa bahay."
City Hall, isang araw matapos ang laban.
Nakaupo si Mayor sa kanyang opisina, nakatitig sa isang kumpol ng mga dokumento habang kausap ang hepe ng pulisya. "Siguraduhin n'yo na mabulok sa kulungan ang babaeng 'yan. Wala na siyang kapangyarihan. Hindi na siya bise alkalde—isa na lang siyang kriminal."
Sa kabilang banda, si Wenndys ay nakatayo sa loob ng isang selda sa basement ng gusali. Puno ng pasa ang kanyang katawan, ngunit hindi pa rin siya sumusuko. Nakatitig siya sa rehas, isang matalim na ngiti ang nakaukit sa kanyang labi.
"Mabulok sa kulungan?" bulong niya sa sarili. "Hindi ako nilikhang para ikulong."
Sa isang iglap, umatake siya sa pulis na nagbabantay, mabilis na pinilipit ang baril mula sa kamay nito. Isang hiyawan ang narinig sa hallway.
"BITIWAN MO ANG SANDATA!" sigaw ng mga pulis, nakatutok na sa kanya.
Ngunit ngumiti lang si Wenndys. "Kayo ang bitawan ang mundo ko," sagot niya bago biglang sumugod sa opisina ng alkalde.
Sa loob, nagtaas ng tingin ang Mayor, walang takot sa kanyang mukha habang pinapanood ang papalapit na si Wenndys.
"Hinding-hindi mo ako tatalunin," sabi niya nang walang pag-aalinlangan.
"Tingnan natin!" sigaw ni Wenndys at lumipad siya tulad ng isang agila, handang patayin ang taong nagkanulo sa kanya.
Ngunit bago pa siya makalapit—
"BANG! BANG! BANG!"
Tatlong bala ang tumagos sa kanyang dibdib.
Dahan-dahan siyang bumagsak sa sahig, duguan at humihingal.
Habang nawawalan ng buhay, lumingon siya sa bintana ng opisina, tanaw ang maaliwalas na langit. Sa huling sandali, isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.
"Heh… kaya pala lumilipad ang mga ibon… dahil ayaw nilang makulong."
At sa huling hininga niya, pumikit ang kanyang mga mata.
Samantala, sa isang lumang warehouse, isang grupo ng mga dating tauhan ni Don Corneto ang nagtipon. Ang lugar ay puno ng anino, tanging ilaw mula sa sirang bombilya ang nagbibigay-liwanag sa paligid.
Sa gitna ng madilim na silid, isang lalaking may duguang labi ang umakyat sa itaas ng isang luma at kinakalawang na mesa.
Si Van V-Cut.
"Mga kapatid ko sa kadiliman… mula ngayon, ako na ang inyong bagong hari!"
Napuno ng katahimikan ang lugar.
At pagkatapos, isang sigaw ng pagsang-ayon ang umalingawngaw sa warehouse.
"MABUHAY SI PALABIRO!"
At sa gitna ng kanyang tagumpay, isang baliw na halakhak ang muling umalingawngaw sa buong lungsod.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Wakas ng Book 1