Ika-lima na Bahagi

Nahulog ang maskara sa lapag sa pagsara ko ng pintuan sa aking silid.

Agad akong hinarap ni Marius, tapos ay biglang sinampal!

"Ano ang problema? Bakit mo ako pinagbuhatan ng kamay?" tanong ko sa kaniya.

"Nakipagsayawan ka sa prinsipe ng Ignus!" singhal niya, "Bakit mo ginawa iyon? At sa tao pa na nais akong dakipin!"

"Ako'y nakipag sayaw lamang!" tugon ko sa kaniya habang nakakunot ang noo. "Bakit ka nagagalit? Isa pa, sa tingin ko ay walang kinalaman si Prinsipe Lucius sa tangkang pagdakip sa atin."

"At paano ka naman nakasisiguro?" galit pa ring tanong ni Marius.

"Kinausap niya ako, kaya siya nakipag sayaw sa akin. Nais niyang makipag kaibigan sa atin," paliwanag ko sa kaniya. "Isang kapatiran, isang pagbubuklod ng mga kaharian ang nais niya, bakit siya manggugulo sa iyong pagdiriwang kung nais niyang makipag sundo sa atin?"

Natahimik si Marius, ngunit hindi nawala ang galit as kaniyang titig. "Isang panlilinlang!" sabi niya. "Marahil ay sinabi lang niya iyon upang hindi natin siya pag-isipan nang masama!"

"Kung gayon, bakit hindi siya nalagutan ng hininga nang iutos mo ang kamatayan ng mga nagnanais ng iyong kapahamakan?" paalala ko sa kaniya.

Muling natahimik si Marius.

Umiwas siya sa akin ng tingin at nagpunta sa aking kama para maupo. Lumapit ako sa kaniya at binalak siyang hawakan, ngunit pinigilan niya ako.

"Hinawakan ng Lucius na iyon ang iyong kamay, gayon din ang iyong damit!" sabi niya sa akin. "Ayokong ikapit mo iyan sa akin!"

Napahinga na lang ako nang malalim.

"Ikaw din naman ay nakipag sayaw sa iba't-ibang babae," paalala ko sa kaniya. "Kung hindi nga lang nagkagulo, ay kailangan mo pang pumili sa kanila ng isang makakasiping sa gabing ito," patuloy ko. "Iyon ay ayon sa tradisyon ng pagbibinata sa ating imperyo."

Sumama lalo ang tingin sa akin ni Marius.

"Katulad ng iyong ginawa, dalawang taon na ang nakalipas, hindi ba?" galit niyang sinabi. "Katulad ng inyong ginawa ng aking kapatid na si Marielle?!"

Hindi ako nakasagot.

Iyon ang naaayon sa tradisyon.

Kahit pa man si Marius ang aking kabigkis, kailangan ko pa rin pumili ng isang babae na makakapares na siyang magpapatuloy ng aking lahi. At ang napili ko nang gabing iyon ay ang kapatid ni Marius na si Marielle na mas nakatatanda sa kaniya ng isang taon.

Iyon ang unang pagkakataon na makasiping ko ang isang babae.

Oo nga at may klase kami ukol sa kalusugan at pakikipagtalik. Alam ko ang ginagawa ng lalaki at babae sa kama. Alam ko rin kung paano nagbubuntis at nanganganak ang isang ina, pero sa pagkakataong iyon ay wala akong nagawa sa kama.

Si Marielle ang siyang kumilos.

May klase sila kung saan itinuturo sa kababaihan kung paano nila mapagsisilbihan nang mabuti ang lalaki sa kama, at masasabi kong magaling siya sa larangan na iyon.

Ngunit walang ibinunga ang aming pagtatalik.

Buti na lang.

Inalis ko ang aking damit.

Binuksan ko isa-isa ang mga botones ng suot kong chaleko, pati na ang panloob kong tunika, at tuluyang naghubad sa harap ni Marius hanggang sa wala nang natira.

"Halika, samahan mo akong maglinis sa palikuran," aya ko sa kaniya.

Pinanood kong mamula ang mukha ni Marius. Sinumulan na rin niyang alisin ang kaniyang saplot sa katawan, at sa pagkakataong ito, nadama kong mag-init ang aking katawan, kahit pa ilang ulit na namin itong ginagawa mula pa noong kami ay mga bata pa.

Magkasama kaming pumasok sa aking palikuran. Tumawag ako ng tubig upang mapuno ang malaking paliguan, tapos ay ng apoy upang uminit ito. Nauna akong lumusong dito, at iniabot ang aking kamay kay Marius.

"May tampo ka pa ba sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso?"

"Kanina... habang kayo ay nagsasayaw... nakaramdam ako nang kakaibang inis..." pag-amin niya sa akin. "Para bang gusto ko kayong sugurin at paghiwalayin!"

Tuluyan ko'ng hinatak si Marius papasok sa palikuran. Hinimas ko ang kaniyang kamay ay hinilod ito sa tubig. Pinagpatuloy ko iyon at nilinis pati ang kaniyang mga braso at balikat.

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" nakasimangot niyang sinabi.

"Nang gabi ng aking ika-labing walong kaarawan, pinaliguan din ako ng iyong kapatid. Nilinis niya ako nang mabuti bago kami nagtalik."

"At bakit kailangan mo pang sabihin sa akin ito?"

Galit siya, tumayo at paalis na sana, ngunit hindi ko binitawan ang kaniyang kamay.

"Marius, huwag kang umalis."

"Alam mo naman na ayokong malaman ang ginawa ninyo nang gabing iyon!" sabi niya sa akin. "Ayokong isipin na may babae kang nakasiping sa kama!"

"At ang inisip ko noon ay nagalit ka dahil pinili ko ang pinakamamahal mong kapatid," sagot ko.

Napalingon sa akin si Marius.

"Kanina... habang nasa kuwadro tayo ng mga kabayo... hindi... mula pa man nang mag-plano ang iyong ama para sa iyong kaarawan..."

Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

"Alam ko na ikaw ang aking kabigkis, ang taong hahalili sa akin bilang tagapamahala ng imperyo," patuloy ko. "Isang matalik na kaibigan lang ang tingin ko sa iyo, Marius."

Hinatak ni Marius ang kamay niya palayo, ngunit lalo ko lang hinigpitan ang kapit dito, lalo na nang makita ko ang mga luhang namuo sa kaniyang mga mata.

"Ngunit," aking pahabol. "Ngunit habang palapit ang iyong kaarawan ay lalong nababagabag ang aking damdamin, lalo na kapag iniisip ko na kailangan mong pumili ng makakasama pagkatapos ng gabing ito... na kailangan mong makipagtalik sa kaniya... at kanina, habang nasa kuwadro... kahit pilit kong iniisip na kaibigan lang kita..."

Biglang nagpakahulog si Marius sa tubig at ako'y niyakap nang mahigpit.

"Kanina sa kuwadro... ipagpatuloy mo, Theo," bulong niya sa aking taenga.

"Kanina, sa kuwadro... ninais kong kunin ang iyong dangal. Naisip ko na hindi ko makakayang isipin na may ibang makikipagtalik sa iyo..." Humigpit lalo ang yakap sa akin ni Marius. "Noong una ay naisip ko pa na matatanggap ko kung ang kapatid ko na si Camilla ang iyong makakasiping, ngunit kahit nakarating man siya ngayon, alam ko na hindi ko iyon kakayanin. Kung hindi lang dumating ang mensahe mula sa aking ama... kung hindi ko napigilan ang aking sarili... marahil ay kinuha ko na ang nais ko nang mga sandalaing iyon..."

"Theo..." singhap ni Marius. "Ngayon, ako'y ganap na lalaki na... at ngayon magkasama tayo... mag-isa..."

"Marius..." hinimas ko ang mukha niya, tinitigan ang mga lilak niyang mata. "Tatanggapin mo ba ako?" tanong ko sa kaniya.

Napaiyak si Marius.

Tumulo ang ilang butil ng luha sa kaniyang namumulang pisngi, habang tumatawa siyang sumagot sa akin.

"Wala akong ibang tatanggapin kung hindi ikaw, Theo," sabi niya. "Wala nang iba."

Kami ay naghalikan.

Tulad nang una, idiniin niya ang mga labi niyang walang kasing lambot sa aking bibig.

Hinalikan ko rin siya na para bang gusto ko siyang kainin nang buhay.

Madali kaming umahon at nagpunta sa aking kama. Hindi na kami nag-isip na magpunas pa. Sinundan ko siya sa paghiga, pumaibabaw sa kaniyang napaka gandang katawan na kulay gatas at muli siyang hinalikan.

"Theo..." ungol niya, naghahabol ng hininga, "Gawin mo sa akin ang ginagawa ng lalaki sa isang babae kapag sila'y nagsisiping."

Hindi ko na rin mahabol ang aking hininga.

Muling tumakip ang aking bibig sa kaniyang mga labi. Naglaro ang aming mga dila sa loob nito. Hinimas naman ng aking mga kamay ang kaniyang katawan, mula sa kaniyang mahabang leeg, pababa sa kaniyang matipunong braso at dibdib. Nagpadulas ang aking mga daliri sa balat niyang sing kinis ng sutla, papunta sa dulo ng kaniyang dibdib na kulay rosas.

Bumaba ang aking mga labi sa kaniyang leeg, dinilaan ko ang kaniyang lalagukan, ang kalaliman ng kaniyang clavicula, at pababa sa kaniyang dibdib. Napabuntong-hininga siya, at lalong napaungol nang magsara ang aking mga labi sa katulisan nito.

"Theo!" singhap niya, "Napaka sarap niyan..."

Lalong nag-init ang aking katawan.

Ramdam ko ang aking kalalakihan na kasalukuyang nakatayo at walang kasing tigas. Walang kahit na anong namamagitan sa amin, at naisip ko kung gaano ko kamahal ang aking kabigkis na kayakap ko ngayon.

"Marius," tawag ko sa aking irog. "Mahal na mahal kita."

Inabot niya ang aking mukha, "At mahal na mahal din kita, aking Emperador, Theodorin..."

Hinawakan niya ako sa dibdib, muli ko namang binihag ang kaniyang mga labi.

Mukhang hindi kami matutulog sa gabing ito.