WebNovelSection E50.00%

Chapter 2

" Go- Good morning."

Habang nakatingin sa kanila.

" I'm Ms-----"

Na hindi ko na naituloy nang may nagsalita.

" Tang***, sino yun?"

Na tanda kong si CBX ito. CBX Alkar at tumingin sa pwesto ng dalawang kaklase niyang babae. Tanda kong si Keyshen Quesana at si Talia Fraeleen Cruzial 'to. Nakita kong binato ni Keyshen si CBX ng nalukos na papel. Pero mas lalong natuon ang atensyon ko sa mura ni CBX.

Ganito ba sila kalala na magmumura sila habang nandito yung teacher?.

" Tang*** mo rin."

Mataray na sabi sa kaniya ni Keyshen na ikinatawa ng mga naririto. Natawa naman si CBX.

" Tang*** mo, bakit mo ko binato?"

" Binato mo ko kanina."

Na halos sa sagutan nila'y para bang wala silang pakialam sakin.

" Tang*** mo, kanina pa yun bago ako pumasok dito."

- CBX kasabay ng pagkuha nito ng papel na binato sa kaniya. Nagtawanan naman yung mga naririto--- mga nakatingin sa kanila habang ako'y nakatingin lang sa kanila at kinukuha yung tiyempo na mag-introduce ulit ako.

" Gag* ka, ngayon ka lang babawi."

At binato niya yung papel kay Keyshen na ikinatayo nito at nailag niya yung binato sa kaniya na naging dahilan para magbatuhan sila, na ikinagaya ng mga naririto.

" Ahmm..."

Na hindi ko alam kung anong gagawin ko ni sasabihin ko dahil di ako makakuha ng tiyempo. Nakagat ko yung ilalim ng labi ko.

Umpisa palang di ko na kaya.

Lumipad yung tingin ko sa babaeng nasa pangalawang row na nasa gilid, malapit sa bintana na nakayuko lang. Natatandaan kong si Filipina 'to. Filipina Maharliqa habang sa dulo naman na malapit sa pintua'y lalaking nakangalumbaba na ikinaiwas niya sakin ng tingin nang tumingin ako sa kaniya--- si Larries. Larries Hinanes 'to. Ngayo'y nakaharap na siya sa pader. Silang dalawa lang yung hindi sumasabay sa ginagawa ng iba nilang kaklase.

Siguro wala lang sila sa mood para makipagsabayan sa iba.

Tumingin muli ako sa iba na halos nakatayo nang nagbabatuhan.

" Ahmm... Pleas---"

Na hindi ko naituloy ng may dumaan na matigas na bagay sa gilid ng mukha ko na para bang ilang dangkal lang at sapol na ko sa mukha na sobrang lakas ng tunog nito nang sumalpok sa black board. Tiningnan ko yung bagay na tumama sa blackboard. Bola ng baseball na ikinatulala ko rito.

Paano kung tumama to sakin kanina?.

Na rito ako nakaramdam ng kaba--- hindi, mas lalo akong nakaramdam ng takot at unti-unti kong naramdaman ang init sa magkabilang pisngi ko.

" Oopppsss..."

Boses babae ito na unti-unting tumungo yung tingin ko kina Keyshen.

" Sayang."

- Talia Fraeleen habang nakangiting nakatingin ito sakin, na mapapansin sa mukha nito ang pagiging mataray o maldita tulad ng katabi niyang si Keyshen na sa di ko inaasahang maririnig ko sa kaniya'y natulala ako.

Estudyante ba talaga to?. Na kaya pang sabihin yung ganiyan kaysa sa sorry?

" Akala ko Lia, sasabihin mo, sorry. Pero sayang pala."

Lalaking nasa gilid sa kaliwang dulo habang tumatawa--- si Mikaelo Queroso 'to. Nagtawanan muli sila.

" Bakit ako magso-sorry? Hindi naman siya natamaan."

- Talia habang nakataas yung kalinang kilay nito na di makapaniwalang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Nagtawanan naman sila na yung iba'y sumang-ayon pa.

Porket di ako natamaan, di na siya magso-sorry?.

Gusto kong magsalita pero para bang dahil sa takot na nararamdaman ko'y di ko magawang ilabas sa bibig ko yung mga gusto kong sabihin bagkus, di makapaniwalang nakatingin lang ako sa kanila.

" Hoy. Ikaw."

Na ikinatingin ko rito--- lalaking katabi ni CBX na alam kong si Charls Aquio Amaque ito habang nakaturo pa siya sakin.

" Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka ng lumabas."

Nagtawanan muli sila.

Seryoso, Hoy?. Ako?.

" Hoy am'put*."

Natatawang sabi ng lalaking katabi ni Mikaelo na si Mohito--- Mohito Marique.

" Tang*** mo par. Maka-hoy ka naman."

Natatawang sabi ni CBX.

" Hoy, Larries."

- Keyshen na ikinatingin ni Larries dito.

" Buksan mo yung pinto."

Na ikinasaglit nitong iwas ng tingin kay Keyshen. Piinatong nito yung braso niya sa sandalan ng upuan niya at inangat nito yung gitnang daliri niya kasabay ng seryosong tumingin ito kay Keyshen na ikinatawanan nila. Minura naman siya ng pinaky*han niya.

" Ako nalang yung magbubukas. "

Pagbo-volunteer ni Mohito at agad na lumapit sa pintuan at binuksan ito.

" Labas na madam."

Kasabay ng tingin nito sakin na ikinatawa nila. Napatingin naman ako sa di gaanong mahabang pasilyo, na para bang tinatangay ako nito palabas.

" Madam am'put*."

Na alam kong si Mikaelo ito na pansin na pansin ang saya sa boses nito.

Sa samu't sari kong nararamdaman lalo na sa nangingibabaw na takot, gusto ko ng umalis--- lumabas.

" La-labas na yan!"

Na ikinatingin ko sa kanila.

" La-labas na yan!"

Na huminto ang tingin ko kay CBX na ikinagaya ng lahat.

Grabe ang hiyang nararamdaman ko lalo na para bang pinamukha sakin na kayang-kaya nilang banggain ang isang tulad ko--- na teacher.

Nanikip yung dibdib ko at unti-unting kong naramdaman ang pamamasa sa mga mata ko, na ikinayuko ko dahil ayaw kong makita nila ito. Nakatingin lang ako sa teachers table habang naririnig ko ang tuloy-tuloy nilang binabanggit.

Anong gagawin ko? Lalabas ba ako--- lalabas nalang ba ako?.

Sa hindi ko alam na gagawin ko'y para bang napako ako sa kinatatayuan ko.

Pag-lumabas ako... nakakahiya.

Pinatong ko yung dalawang kamay ko sa teachers table dahil sa nararamdaman kong panghihina sa magkabilang tuhod ko.

Pakiramdam ko bukas, wala na kong ipapakitang mukha sa kanila.

Nawala ako sa iniisip ko ng magbago yung binabanggit nila. Kung kanila'y "lalabas na yan" ang paulit-ulit na naririnig ko, ngayo'y "Iiyak na yan" na para bang napapasunod nila ang mga mata ko, mas lalong namasa ito. Hiyang-hiya ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa oras na lumabas ako'y para bang hindi ko na sila kayang harapin pa bukas.

" Sabi na, hindi mo sila kaya."

Na para bang nawala ako sa atensyon ng nararamdaman ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa likuran ko. Gusto sana siyang tingnan pero di ko magawa dahil wala na akong lakas para lingunin siya.

Pero, kanina wala siya. Bakit ngayon, nandito na siya at nasa likuran ko pa?.

" Hanggang ngayon, di ka pa rin lumalabas."

Na nakikinig lang ako sa kaniya.

" Kung di mo na kaya, pwede ka naman ng lumabas."

Na ikinatulala ko sa teachers table.

Tama siya. Pero, sa nararamdaman ko ngayon at sa naiisip kong posibleng mangyari pag-lumabas ako, para bang hindi ko kayang ihakbang yung mga paa ko.

Napalunok ako. Narinig ko siyang tumawa.

" Jaz."

Na malumanay nitong sabi na napansin ko siya sa gilid ng kanang mata ko, na ikina-unti-unti kong lingon sa kaniya, na para bang konti lang yun galaw ko sa ulo ko na nakita ko siyang nakatingin sakin.

" Gusto mo bang... tulungan kita?"

Kasabay ng pag-ngiti--- nakakatakot at nakakataas na balahibong ngiti na ikinalaki ng mga mata ko. Yung takot at kaba na nararamdaman ko sa Section E, agad na pumunta sa kaniya kasabay ng pagtaas ng balahibo ko sa buong katawan ko. Hinawakan niya ko--- hindi, tumagos yung kamay niya't papunta sa gitna ng katawan ko na unti-unting lumamig yung buong katawan ko at mabili na huminto ang pagtibok ng puso ko na unti-unting dumilim yung paningin ko.

" Iiyak?"

Na ikinadilat ko kaagad ng mga mata ko nang marinig ko yung boses ko.

Hindi--- hindi ako yun.

Lilingunin ko sana kung saan nanggagaling yung boses ko nang matuon ang atensiyon ko sa sarili ko na ikinaawang ng bibig ko. Di makapaniwalang tiningnan ko yung mga kamay ko na halos makita ko rin ang sahig na nakikita ko lang sa mga tv, para akong patay--- hindi, kaluluwa.

" Hmn... sino yung tinutukoy niyo?"

Na ikinatingin ko sa sarili ko na magsalita muli ito, na mapapansin sa boses nito na walang halong takot ni kaba bagkus mataray at may kumpiyansa sa sarili. Nakataas ang noo habang nakahawak yung isa niyang kamay sa baba at nakapikit na para bang may iniisip ito.

Hindi ako yan.

Na ikinatulala ko nang bumalik sa isipan ko yung nangyari.

Paanong--- siya ba yan?

" Ako..."

Kasabay ng pagdilat nito ng mga mata habang nakatingin sa taas.

" O..."

At tumingin sa kanila.

" Kayo?"

At ngumiti--- ngiting di ko nagawa sa tanang buhay ko. Ngiting mapapansing minamaliit ko yung kausap--- mga kausap ko.

------------------------------