WebNovelSection E66.67%

Chapter 3

Natahimik silang lahat. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat habang nakatingin sakin--- hindi sa babaeng nasa loob ng katawan ko. 'Kita ko sa mga mata nila ang di makapaniwala na para bang yung inaasahan nilang kayang-kaya nilang teacher, biglang naglaho dahil sa narinig nila mula rito. Napatingin ako sarili ko. Hindi sa sarili ko na kaluluwa kundi sa katawan na may babaeng nasa loob nito. Nakatingin pa rin siya sa kaharap niya pero wala na sa mga tingin niya ang kanina kong nakikita sa kaniya. Yung tingin na minamaliit niya yung mga nasa harapan niya. Bumalik muli sa isipan ko yung nangyari bago ako mapunta rito na ikinalunok ko.

Hindi ako makapaniwalang humiwalay ako sa katawan ko at nandito ako sa gilid na di gaanong malapit sa kaniya habang nakatayong nakatingin lang sa kaniya. Anong gagawin ko?. Makakabalik pa ba ako?.

Na naisip ko muli yung sinabi niya sakin bago siya pumasok sa katawan ko.

Akala ko isa siya sa mga Special Section. Yun lang ang pagkaka-alam ko, kaya hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi niya saking tutulungan niya ko.

Lumaki ang mga mata ko at para bang napatingin ako sa kawalan na may maalala ako. Yung kaninang tinitingnan ko siya habang papasok dito.

Hindi ko yun binigyan ng pansin kasi hindi ko masyadong tiningnan ng mabuti. Pero napansin kong parang tumatagos yung tingnan ko sa kaniya.

Napalunok ako habang nakatingin dito.

Kaluluwa na pala siya.

" Sabi nila, kayo raw yung pinaka-malala."

Pagtutukoy nito sa lahat ng mga Special Section, kasabay ng paglakad niya papunta sa unahan ng teachers table habang nakatingin sa kanila. Tingin na walang makikitang takot bagkus pansing kayang-kaya niyang makipagsabayan--- hindi, higitan yung mga nasa harapan niya.

" Pero bakit parang..."

At tumabingi yung tingin niya sa mga to.

" Hindi naman."

At ngumiti. Pasnsin kong hindi totoo yung ngiti niya na para bang ngumiti lang siya para asarin yung mga nasa harapan niya na ikinaawang ng bibig ko, kasabay ng pag-balik sa isipan ko nang nangyari sakin kanina sunod yung sinabi nito ngayon.

Para bang mas malala pa siya kaysa sa mga 'to.

" Kaya pala, parang paiyak ka na kanina."

Napatingin ako sa nagsalita---- si Keyshen na mataray itong nakatingin na nagsimulang magsang-ayon yung mga kasama nito. Naalala ko yung kaninang sitwasyon ko bago mapunta yung babae sa katawan ko.

Tama. Paiyak na ko kanina. Kung hindi lang dumating 'to, konti nalang tutulo na luha ko.

" Sinong niloloko mo?"

- CBX.

" Kaya labas na madam."

At nang dahil sa sinabi ni Mohito'y nagtawanan sila. Nagsimula muli silang sabihan ako ng "Lalabas na yan". Napatingin ako sa babaeng gumagamit ng katawan ko na nakatingin lang siya sa harapan. Hindi ko maiwasang hindi hintayin ang sunod niyang gagawin o sasabihin.

Dahil kung ako yan, itutuloy ko ng lumabas. 

Natulala ako nang tumawa ito. Yung para bang may nakakatawa siyang narinig mula sa mga to.

Pero wala naman.

Na ikinatahimik muli ng mga nasa harapan niya.

" Keyshen~"

Na malambing nitong tawag at tumingin dito--- nakangiting tumingin ito. Hindi na yung kaninang nakikita ko na hindi totoong ngiti bagkus totoong ngiti na ito. 

" Paano mo nasabing paiyak na ko?."

At sinandal niya yung palaupuan niya sa teacher's table na nasa likuran niya.

" Malamang nakita ko."

Mataray nitong sagot.

" Sa tingin mo, ganito ba yung paiyak sayo?."

Pagtutukoy nito sa mukha niya na nakangiti. Ngumisi si Keyshen.

" Malamang, pinunasan mo na o kaya naman pinigilan mong tumulo yung luha mo."

Na naiirita na ito sa kausap niya. Natawa naman yung kausap nito.

" Sa tingin mo ngayon, ginawa ko yun?."

At di pa rin nawawala yung ngiti niya na para bang nag-eenjoy ito sa kausap niya.

" Kung hindi ninyo kayang patunayan..."

Na rito nawala yung ngiti niya at lumibot yung tingin nito sa harapan, mula pakanan hanggang pakaliwa huminto kay Keyshen.

" Manahimik ka nalang."

At nang dahil sa sinabi nito'y na mapapansin pang my diin sa huli niyang sinabi'y ang kaninang mataray at iritang tingin ni Keyshen ay napalitan agad ng galit.

" Anong sabi mo?!."

Sigaw ni Keyshen na halos mangibabaw ito sa buong classroom kasabay ng pagtayo nito habang naniningkit ang mga matang nakatingin ito sa kausap niya.

" Hindi ko na inuulit yung nasabi ko na."

Seryosong sabi ng nasa harapan na mas lalong sumingkit yung mga mata nito.

" Wag mo kong sabihin ng ganiyan dahil totoo namang paiyak ka na kanina!."

Kasabay ng pagkuha nito ng ID na nasa desk niya at ibinato sa kausap niya, na hindi man lang umabot sa binabato niya dahil umabot lang ito sa gitna.

" Pero totoo naman."

Na bakas sa mukha nito na para bang wala na siyang kaamor-amor sa kausap niya.

" Sinungaling!."

- Keyshen kasabay ng paglakad nito papunta sa gitna habang galit na galit na nakatingin sa kalmado lang na kausap niyang nakatingin din sa kaniya. Walang kahit ni isang pumapagitna sa kanila bagkus lahat sila'y nakatingin lang sa dalawang nagsasagutan, kahit yung katabi ni Keyshen na si Talia Fraeleen. Nakaupo't nakatingin lang ito sa kaniya habang ako'y manghang-mangha sa nakikita ko lalo na sa babaeng pumasok sa katawan ko, na di ko alam kung tama na ito yung maramdaman ko sa sitwasyon ngayon.

Hindi ko ikakalang magaling siyang makipagsabayan. Kung totoo lang siya--- ang ibig kong sabihin, kung buhay pa siya at naging teacher siya, paniguradong siya yung teacher na hinahanap namin.

Napalunok ako at sumagi sa isip ko yung ugali ko sa ugali niya na unti-unti'y lumiliit yung tingin ko sa sarili ko.

Magagawa ko rin ba yung ganiyan?. Hindi, kaya ko bang gawin yan?.

Napayuko ako dahil agad kong nasagot sa isipan ko yung tanong ko.

Hindi ko kaya.

" Sinungaling?"

Na ikinawala ko sa iniisip ko at tumingin dito na saktong tumawa ito. Tawa na makikitang nag-eenjoy muli siya sa kausap niya. Napa-cross arm siya't dahan-dahang lumakad palapit kay Keyshen na pagtiningna'y para bang mas maldita ito kaysa kay Keyshen.

" Sino kayang mas sinungaling satin?"

Pagkalapit niya rito at hindi ko na narinig pa yung sunod niyang sinabi dahil binulong niya ito kay Keyshen.

Ano kayang sinabi niya rito?.

Pagkalayo niya kay Keyshen, kita ko ang gulat at di makapaniwalang tingin nito rito na para bang may gusto siyang itanong ngunit di niya magawang ilabas sa bibig niya. Napayuko ito habang kaming lahat ay nakatingin na yung iba'y nasa mukha ang kuryosidad kung anong ibinulong nito kay Keyshen.

" Pasabi sa mga hindi pumasok ngayon, pumasok bukas."

At pumunta sa teacher's table. Kinuha niya yung papel at lapis ko. Pagkakuha niya'y kahit na madadaanan niya ko'y di niya ko binigyan ng oras para tingnan.

" Mohito."

Pagkalapit niya rito na nasa pintuan.

" Sa susunod na pagbuksan mo ko ng pinto..."

At in-open niya ng maigi yung pintuan as in open na open, hindi tulad ng pag-open ni Mohito na kalahati lang.

" Gusto ko ganiyan, maliwanag ba?."

Na di makapaniwalang nakatingin ito rito at nagdadalawang isip na tumango ito. Pagkalabas nito'y susunod na sana ako nang magsimulang mag-ingay yung mga nandito, na ikinahinto ko't tumingin sa kanila.

" Key."

- Talia Fraeleen.

" Okay ka lang?"

Pagkalapit nito kay Keyshen na agad itong nawala sa pagkatulala.

" Par, isarado mo na yan."

- CBX, utos kay Mohito na isinarado naman nito yung pintuan.

" Tang*** par, akala ko ba mahin---"

Na hindi ko na narinig pa yung sinabi nito nang biglang manghina ako at pumikit.

-------------