PAGKADILAt ko ng mga mata ko'y agad kong napansin na wala na ko sa classroom.
" Buti naman, dumilat ka na. Akala ko bukas ka pa magigising."
At nang dahil sa narinig ko'y agad akong bumangon, na agad ko siyang nakitang nakalutang sa gilid ko habang naka-cross arm na nakatingin sakin. Bigla kong naalala yung katawan ko na ikinatingin ko rito.
Nasa loob na ko ng katawan ko.
Na agad akong nakahinga ng maluwag habang nakatingin sa mga kamay ko.
Nakabalik na ko.
Sumagi sa isipan ko yung sinabi niya sakin bago niya kuhanin yung katawan ko at tumingin sa babaeng nakatingin pa rin sakin.
Totoo nga yung sinabi niya.
" Nung umalis ako sa katawan mo, nawalan ka ng malay. Buti nalang nakita ka ni Chris at dinala ka rito."
Pagpapaliwanag niya na ikinatingin ko sa paligid---- nasa Clinic ako. Hindi ako nagsalita bagkus nakatingin lang ako sa kaniya.
Hindi pa rin ako mapaniwala hanggang ngayon na nakikita ko siya at nakakausap kahit na kaluluwa siya.
" Tititigan mo lang ba ako?"
Na mataray nitong tanong na ikinawala ko sa pagkatulala.
" Sino ka?"
Na ito nalang yung lumabas sa bibig ko dahil naku-curious ako kung sino siya.
" Hindi ko alam."
Na ikina-huh kong tingin sa kaniya.
" Basta ang alam ko lang nandito lang ako, matagal na."
Na hindi agad ako nakapagsalita bagkus napatulala lang ako.
" Hindi ko alam kung ilang taon na kong nandito. May mga estudyanteng nakakakita sakin pero ramdam kong nilalayuan nila ako."
Nakaramdam ako ng lungkot habang pinapakinggan ko siya. Unti-unting may pumapasok sa isip ko na senaryo na nandito siya't mag-isa lang.
Alam kong nakakalungkot mag-isa, pero mas nakakalungkot yung ilang taon mong nararanasang mag-isa.
" Kahit na maganda naman ako."
At nang dahil sa sinabi nito kasabay ng pag-cross arm, para namang umatras yung lungkot ko at napanganga ako.
" At sa tuwing tatangkain kong pumasok sa katawan nila'y hindi ko magawa na para bang hindi ako pinapayagang pumasok sa katawan nila. Pero nung makita kita kanina at sinagot mo ko ng walang pag-aalinlangan lalo pa't nakapasok ako sa katawan mo..."
At nakita kong nag-aalanganin siyang ituloy ito.
" Sobrang saya ko."
At ngumiti. Sobrang lawak at lapad na ngiti ang umukit sa labi nito na para bang ito yung unang araw na nakita kong sobrang lawak at lapad ng ngiti niya.
" Salamat Jaz."
Na unti-unti akong nakaramdam ng saya habang nakatingin sa kaniya.
Hindi ko alam na sa pagsagot ko sa kaniya at pagpasok niya sa katawan ko'y sobrang saya niya na.
Naalala ko yung ginawa niya kanina.
" Salamat din kanina."
Na ikinawala ng ngiti niya.
At di ko ikakailang sobrang galing niya. Kaya niyang makipagsabayan habang ako, hindi ko kaya.
Na unti-unti akong nakaramdam ng lungkot.
Ako pang teacher, hindi ko kaya.
" Gusto mo bang tulungan kita?"
Na ikinatingin ko sa kaniya na kita kong nakangiti na ito.
" Kapag alam kong di mo na sila kaya, ako ang haharap sa kanila."
Na ikinatitig ko sa kaniya at para bang sa sinabi niya'y may konting liwanag akong nakita sa nakakatakot kong nararanasan ngayon.
" Basta tulungan mo ko."
At umupo siya sa hinihigaan ko na di naman talaga nakaupo dahil kaluluwa lang ito.
" Rinig ko sa mga estudyante o teacher dito, may mga kaluluwa raw na kaya nananatili rito dahil may mga gusto pa silang gawin."
At tumingin sa kawalan.
" Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin kaya pa rin ako nandirito. Pero..."
At ngumiti. Ngiti na pansin kong may bahid ng lungkot.
" Kahit na di ko alam kung anong gusto kong gawin, gusto ko pa ring malaman kung ano yun."
Na ilang minutong nanatili samin ang katahimikan. Wala akong masagot sa kaniya dahil di ko alam kung yung isasagot ko ay tama ba.
Kapag sinagot ko yung 'Oo' pakiramdam ko, nakakababa naman iyon ng pagiging teacher ko dahil siya yung haharap sa mga estudyante ko at hindi ako. Kaya ako nag-teacher dahil gusto kong magturo sa mga estudyante.
Naisip ko yung mga estudyante ko ngayon
Pero di ko naisip na magtuturo ako sa mga ganung klaseng estudyante.
Napayuko ako.
Masyado na bang malupit ang mundo kaya may mga ganung estudyante?
" Hindi ka na ba iimik diyan?"
Na ikinatingin ko sa kaniya. Naka-cross arm itong nakatingin sakin.
" Anong sagot mo?"
Na bago pa ko makasagot, napatingin ako kung nasaan yung pintuan nang marinig kong bumukas ito. Bawat bed, may kurtina ito kaya di ko makita kung sino yung pumasok. Narinig ko yung hakbang nito papunta samin at hinawi nito yung kurtina. Nakita kong si Ma'am Anj ito.
" Buti naman, gising ka na."
- Ma'am Anj, lumapit sakin at umupo sa bakanteng upuan na nasa gilid ko.
" Sabi ni Sir Chris, nakita ka raw niya kaninang walang malay kaya dinala ka rito. Okay ka na ba?"
Na makikita sa mukha nito ang pag-aalala. Tumango ako.
" Opo."
" Bilin ni Sir Raul, pag-gising ka na at kaya mo ng maglakad. Pumunta ka raw agad sa kaniya. Maguusap daw kayo."
Na ikinasaglit kong titig sa kaniya at tumango.
Tungkol yata sa Section E.
" Sige po, Ma'am."
Nag-usap pa kami kaunti at umalis na siya para sa susunod na tuturuan niya. Napasandal ako sa hinihigaan ko at bumuntong hininga.
" Tungkol yata sa Section E yung pag-uusapan niyo."
Na ikinatingin ko rito. Nakaupo pa rin ito sa gilid ng higaan ko.
Naisip niya rin. Ano kayang sasabihin sakin ni Sir Raul?.
" Sa tingin ko, babawiin ni Raul yung pagiging adviser mo sa Section E.",
Kung sakaling yan yung sabihin ni Sir Raul, papayag ako dahil pwede ko naman siyang tulungan kahit na hindi ako advisr ng Section E.
" Pag-binawi niya yung pagiging adviser mo sa Section E, wag kang pumayag."
Na umukit sa mukha ko ang pagtatanong.
Bakit hindi?
Umalis siya sa pagkakaupo niya sa gilid ng higaan ko.
" Kung sakali mang pumayag ka sa gusto ni Raul. Sa tingin mo, makakalayo ka rin sa kung anong gagawin nila sayo?",
Na ikinatulala ko at naalala ko yung ginawa nito sa Section E lalo na kay Keyshen.
Hindi sila papayag na di makaganti. Baka sakaling pati yung ibang estudyante ko'y gawan din nila ng di maganda.
" Hindi ka na makakatakas ni makakalayo dahil nasimulan na natin."
Hindi, ikaw lang yung nagsimula nun.
" Kaya kung ako sayo, wag mo ng pag-isipan yung sinabi ko't pumayag ka na."
At ngumiti kasabay ng paglahad nito ng kanang kamay niya sa harapan ko na para bang hinihintay niyang hawakan ko ito.
May tama lahat ng sinabi niya.
Napabuntong hininga ako at walang pagdadalawang isip na hahawakan ko na sana yung kamay niya pero tumagos ito. Malawak na ngiti yung ibinigay niya sakin.
Tanggalin ko na sa isipan ko yung pagbaba ko ng tingin sa pagiging teacher ko dahil kahit anong gawin ko, di ko sila. Kailangn ko siya.
Napatulala ako sa kawalan ng may naalala ako.
" Tanong ko lang, ano yung binulong mo kay Keyshen kanina?"
Na ikina-huh? nitong tingin at nang makita kong na-gets niya yung tanong ko'y ngumiti siya.
" Secret."
Na may paglagay pa to ng hintuturo niya sa labi niya.
" Malalaman mo rin yun sa tamang panahon."
Na agad akong na-disappoint sa sinagot niya.
" Basta ang masasabi ko lang."
At lumutang siya sa ere na ikinaangat ko ng tingin.
" Sa sobrang tagal ko rito'y marami na kong alam sa kanila na hindi ninyo alam."
Na ikinaawang ng bibig ko. Maya-maya'y napatango nalang ako.
Pakiramdam ko, isa yun sa mga gagamitin niya sa Section E tulad kanina kay Keyshen.
Bumangon ako at inayos yung sarili ko. Wala si Nurse Ali sa clinic kaya lumabas nalang ako. Napatingin ako sa sumusunod na kaluluwa sakin.
Ano kayang itatawag ko rito?. Hindi naman pwedeng wala akong itatawag sa kaniya.
" Anong pwedeng itawag ko sayo pansamantala habang di mo pa alam kung anong pangalan mo?"
Na ikinatingin niya sakin at nag-isip siya.
" Hmn..."
At tumingin-tingin sa paligid na para bang kumukuha siya ng pwedeng kuhanan ng pangalan. Nang mapadaan kami sa isang bulletin board.
" ABC."
At tumingin sakin.
" Yun nalang."
Na ikinatango ko.
ABC. Maganda rin naman.
-----------------------