Pagkapasok namin ng faculty, walang tao.
Baka nasa kaniya-kaniyang klase.
Dumiretso ako sa Guidance office. Pagka-tatlong katok ko'y nakita ko si Sir Raul na nasa upuan niya, nakaupo.
" Ma'am Jaz, okay ka na ba?"
Na nasa mukha rin nito ang pag-aalala.
" Upo ka."
Pagtutukoy sa bakanteng upuan.
" Opo, Sir Raul."
At umupo.
" Sorry, Ma'am Jaz. Kung alam ko lang pala na hindi mo kaya yung Section E, hindi ka makikita ni Sir Chris na walang malay sa sahig."
Na saglit kong ikinatingin kay ABC na nasa gilid ko, na saktong tumingin siya sakin. Tumingin muli ako kay Sir Raul.
" Kung ayaw mo talaga sa Section E, bukas na bukas, hindi ka na papasok sa kanila."
Tama nga si ABC.
Napabuntong hininga ako.
" Sir Raul, ipapagpatuloy ko po yung pagiging adviser ko sa kanila."
Na ikinatulala nito sakin, di siya makapaniwala sa sinabi ko.
" Hindi ako nahimatay dahil sa kanila, nawalan po ako ng malay dahil lang sa pagod."
Pagsisinungaling ko.
" A-ah... akala ko, nawalan ka ng malay dahil sa Section E."
Na nasa mukha pa rin nito ang gulat.
" Sige, kung yan ang gusto mo."
At tumango ito.
" Pero paalala ko lang sayo, kung sakaling ayaw mo na sa kanila, sabihin mo lang sakin, maliwanag ba?"
Na ikinatango ko at nagpaalam na umalis. Umupo ako sa upuan ko at maya-maya'y magsidatingan na yung iba na agad silang lumapit sakin para mangamusta. Pinaliwanag ko nalang dahil lang sa pagod kaya ako nahimatay.
Naniwala naman sila.
Pagkadating ko sa bahay, humiga agad ako na agad kong naramdaman ang pagod.
" Maliit pero malinis."
Na ikinatingin ko rito. Kita kong sinusuri niya ang bawat sulok ng kwarto ko.
Malapit lang ito sa school kaya ito yung kinuha ko. Nangungupahan lang ako.
" Sa totoo lang, ito yung unang araw na lumabas ako ng school."
At tumingin sakin na ikinabangon ko.
" Bakit naman?"
" Sa tuwing nasa gate na ko at tatangkaing lumabas, para bang di ko kaya?. Siguro dahil di ko alam kung saan ako pupunta. Sa huli, bumabalik nalang ako sa loob."
Na hindi naman ako nakapagsalita.
" Lagi akong nakatambay sa clinic. Pero ang gusto kong spot sa school yung sa mini garden."
At tumingin sa paligid.
" Ngayon, nakalabas na ko dahil alam ko na kung saan ako pupunta."
Kasabay ng pagtingin nito sakin at ngumiti, na unti-unti akong nakaramdam ng saya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Pero masaya akong nakalabas siya ng school.
Tumingin muli siya sa paligid.
Pero parang nakakalungkot yung hindi mo alam kung saan ka pupunta kaya nananatili ka nalang kung saan lang ang kaya mong puntahan.
Habang nakatingin ako sa kaniya, rito ko lang napagmasdan yung mukha niya. Di gaanong kalakihan yung mga mata niya, mahahaba na pilikmata, matangos ang ilong, at round yung shape ng face nito na manipis ang lips nito. Unang kita ko rito, unang pansin ko rito, maamo yung mukha nito pero di ko aakalaing ganun yung ugali niya kanina.
Ilang taong na siya roon. Ibig sabihin matagal na siyang patay.
" Wala ka bang naalala nung nabubuhay ka pa?"
Curious kong tanong sa kaniya na ikinatingin niya sakin.
" Wala. Kahit ni isa."
At napahawak ito sa chin niya na para bang may iniisip ito habang nakatingin sa taas.
" Rinig ko sa mga estudyante na nag-uusap tungkol sa mga patay. Pag-daw namatay yung isang tao, di niya na raw maaalala yung nakaraan niya."
At tumingin sakin.
" Mukha namang totoo dahil wala akong maalala o sadyang bilang lang yung mga kaluluwa na may alaala, nagkataon lang na wala talaga akong maalala."
Na ikinatango ko.
Sa totoo lang, may mga naririnig nga ko na kapag patay ka na, wala ka ng maalala. Pero may iba ring nagsasabi, na may naalala pa yung iba. Sadyang nagkataon na isa siya sa mga kaluluwa na walang alaala.
" Tutulungan kita sa gusto mo."
Na ikinatulala niya.
" Kahit na anong mangyari."
Hindi siya nagsalita bagkus nakatingin lang siya sakin. Maya-maya'y ngumiti siya. Ngiting mapapansing nagkaroon siya ng pag-asa.
" Tutulungan din kita sa kanila."
Na makikitang may kumpiyansa siya sa sarili niya.
" Kahit na ano ring mangyari."
Kinabukasan.
" Wag kang kabahan."
Na ikinahinto ko sa kaniya. Papunta kami sa classroom ng Section E.
Di ko maiwasang di kabahan lalo na pagnaaalala ko yung nangyari kahapon. Kahit na alam kong back up ko siya, di ko pa rin maiwasang di iisipin yung mangyayari sakin--- yung gagawin nila sakin.
" Nandito ako. Hindi kita pababayaan."
Na ikinatulala ko. Nawala kaunti ang sobrang kaba kong nararamdaman na ikinabuntong hininga ko.
Pakiramdam ko tuloy, may guardian angel ako at siya yun.
Pagliko ko sa corridor, kita ko agad ang pintuan na nasa dulo nito. Kita kong nakaawang ng kaunti yung pintuan. Naglakad ako palapit dito.
"Hmn..."
- ABC at nakalutang ito na lumapit sa pintuan. Pagkalapit niya'y kita kong tinitingnan niya yung taas ng pinto at lumapit sakin.
" May eraser sa taas. Buksan mo muna yung pinto bago ka pumasok."
Na ikinatingin ko sa tinutukoy niya.
Kaya pala nakaawang ng kaunti yung pinto, nagpatong sila ng eraser sa taas.
Gusto nilang malaglag sakin yung eraser sa pagbukas ko.
Ginawa ko yung sinabi sakin ni ABC. Tinulak ko muna yung pinto na agad dumiretso sa sahig yung eraser. Tumingin ako sa mga estudyante na nasa loob, wala na ang ingay at lahat sila'y y nakatingin sakin, na agad na namang nangibabaw ang kaba ko. Umiwas ako ng tingin at dumiretso palapit sa teacher's table.
" Sabi nang wag kang kabahan."
Na nenermong sabi ni ABC, na saglit ko itong tiningnan at binigyan siya ng tingin na humihingi ng pasensya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila, pinagpatuloy muli nila ang mga ginagawa nila na para bang wala silang nakikitang teacher sa harapan. Napatingin ako sa dalwang nasa unahan na sina Filipina at Larries, nakaupo lang sila sa kani-kanilang upuan tulad kahapon. Sunod kong tiningnan si Keyshen nang maalala ko yung ginawa rito ni ABC lalo na yung binulungan siya nito. Umiwas ako ng tingin ng masama itong nakatingin sakin.
Ano ba kasing binulong mo rito, ABC?
" Mukhang di pa rin siya nakaka-move on sa sinabi ko."
- ABC na nasa tabi ko ito at saglit ko itong tiningnan, nakatingin ito kay Keyshen.
Pakiramdam ko, di maganda yung binulong nito kahapon. Kung nakakapatay lang ang tingin ni Keyshen, pinaglalamayan na ko.
Tiningnan ko sila kasabay ng pagbibilang ko.
Walang dumagdag. Sila-sila pa rin.
Naalala ko yung binilin ni ABC sa mga to bago umalis.
Hindi yata nila pinaalam sa mga kaklase nila.
" Paluin mo yung table para tumahimik sila."
- ABC ns ginawa ko yung sinabi nito na hudyat para makuha ko ang atensyon nila na ikinatingin nila sakin na agad ko muling naramdaman ang kaba.
" Ahm..."
At nang dahil sa kabang nararamdaman ko para bang na blangko ako. Di ko na alam ang susunod kong sasabihin.
" Magpakilala ka."
Rinig kong sabi ni ABC na para bang tinuturuan niya ko sa mga gagawin ko. Magpapakilala na sana ako nang may nagsalita.
" Hoy, ikaw."
Na ikinatingin ko rito--- si Talia Fraeleen habang nakatingin sakin. Pansin dito ang nakataas pa na kanang kilay niya na para bang kahit na anong oras, makikipag-away ito sakin.
Seryoso, hoy talaga?. Kahapon din, tinawag din akong "Hoy". May pangalan naman ako.
" Anong nangyari kay Anj? Di pa ba siya aalis?."
Na agad kong naisip si Ma'am Anj.
Si Ma'am Anj ba yung tinutukoy nito?.
Na agad kong naalala yung nangyari sa kaniya at umulit sa isipan ko yung tanong nito.
Para bang sa tanong nito'y hinihintay niyang umalis si Ma'am Anj. Sabagay, sila nga yung gumawa nu'n duon.
" Parang hindi yata papaalisin, Tal. Tangina, kung papaalisin yun dapat nung isang araw pa, diba?."
- CBX.
" Hindi ikaw yung tinatanong ko."
At nang dahil sa sinabi--- mataray na sabi nito'y nagtawanan sila na natatawang minura siya nito.
" Gago, sinagot ko na. Baka di ka niya sagutin, mamuti pa mga mata mo riyan."
- CBX.
" Bakit di niyo pa pinapaalis?"
Mataray na tanong ni Talia Fraeleen habang nakatingin sakin.
" Diba dapat yung mga ganung babae, pinapaalis dito?"
At tumingin sa mga kaklase niya na para bang sa tingin nito'y kinukumbinsi niya ito.
" Babaeng pokpok."
At nang dahil sa sinabi nito na yung huli niya pang sinabi'y pansing may diin ito, na agad kong ikinatulala.
Sandali, tama ba yung narinig ko, pokpok?.
Na halos paulit-ulit ito sa isipan ko na unti-unti'y ang kabang nararamdaman ko'y napalitan ng inis.
Sino siya para tawagin niya si Ma'am Anj ng ganiyan?.
Na sumagi sa isipan ko yung dahilan para pasukin iyon ni Ma'am Anj.
Hindi niya alam ang dahilan kung bakit pumasok si Ma'am Anj sa bar.
Naalala ko yung mga mabubuting ginagawa ni Ma'am Anj sakin lalo na yung kahapon na binisita ako.
Wala siyang alam tungkol kay Ma'am Anj.
Mas lalo akong nainis ng marinig ko ang pagsang-ayon ng mga kaklase niya. Unti-unting nanikip ang dibdib ko sa inis.
" Kung alam ko lang palang hindi mapapaalis yung babaeng yun. Edi sana, hindi na ko nagkandahirap na kumuha ng mga picture niya."
- Talia Fraeleen na para bang pinamukha sakin na siya yung gumawa nu'n na mas lalong sumang-ayon yung mga kaklase niya, at sa huli'y ngumiti siya. Ngiting nasisiyahan siya sa sinabi niya. Napayuko ako na unti-unting nangingibabaw ang inis ko--- hindi, ang galit ko habang sunod-sunod ang paghinga ko.
Mahina ako ni hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila. Pero hindi ibig sabihin na mahina ako, hindi na ko pwedeng magalit sa kanila lalo pa't ganiyan ang mga naririnig ko sa kanila.
Napakagat ako ng kaunti sa ilalim ng labi ko.
Pero kahit na nagagalit ako, di ko magawang magsalita dahil sa huli'y mahina ako--- natatakot akong magsalita.
Binitawan ko ang pagkaka-kagat ko sa ilalim ng labi ko.
Gusto ko silang pagsabihan dahil ayaw ko ng sinabi nila pero di ko magawang ilabas sa bibig ko. Anong gagawin ko?.
" Jaz."
At nang dahil sa tawag sakin ni ABC na para bang pinapaalala niya saking nandito siya--- nasa tabi ko siya, na unti-unti'y para bang nagkaroon ako ng pag-asa. Bumuntong hininga ako.
Oo nga pala, nandito siya.
" A-B-C"
Na walang tunog kong binigkas ito dahil ayaw kong marinig ito ng kahit na sino at walang kasiguraduhan kung makikita niya ito.
Pero sana makita niya.
Pero mukhang nakita niya dahil nakita ko nalang ang sarili kong wala na muli sa katawan ko.
-------------------------------------------