Napatingin si Lucas sa kanyang repleksyon sa salamin.
Nakasuot pa rin siya ng manipis na nightgown, at kahit anong gawin niya, hindi niya matanggap na ganito ang hitsura niya.
Pero ngayon, hawak na niya ang isang puting shirt at simpleng pantalon, isang bagay na mas malapit sa kung ano ang tingin niya sa sarili.
Pero bago iyon...
"Maliligo muna ako," bulong niya sa sarili.
Nilibot niya ang kwarto at agad dummiretso sa banyo.
Sa pagpasok ni Lucas sa banyo, hindi niya maiwasang humanga.
Ang loob nito ay mas malaki pa sa mismong kwarto niya dati. May malaking bathtub sa gitna, yari sa marmol at puno ng maligamgam na tubig. Sa paligid, may mga gintong gripo, mamahaling sabon, at kung anu-anong gamit na mukhang hindi pa niya alam kung paano gamitin.
Ngayon lang siya nakakita ng ganitong karangyaan.
Grabe. Ganito ba kayaman ang may-ari ng katawang 'to?
Hinubad niya ang suot niyang nightgown at lumapit sa bathtub.
Sa bawat hakbang, lalo siyang nakukumbinsi na hindi ito ang tunay niyang katawan. Masyadong makinis ang kanyang balat, masyadong maputi, masyadong perpekto, parang hindi siya sanay na ganito kaganda ang kanyang kutis.
Napabuntong-hininga siya at dahan-dahang lumusong sa tubig.
Nang lumapat ang init ng tubig sa kanyang balat, hindi niya napigilang mapaungol nang mahina.
Ang sarap sa pakiramdam.
Parang nawala lahat ng bigat sa kanyang katawan.
Napapikit siya habang nakahiga sa bathtub, hinahayaan ang sarili na magrelax.
At doon niya naisip...
Ano nga ba ang gagawin niya sa buhay na ito?
Wala siyang maalala kung paano siya napunta rito. Wala siyang ideya kung sino si "Ellie" at kung anong dahilan bakit siya kailangang magpanggap bilang babae.
Pero, sa totoo lang... wala na rin siyang pakialam.
Dati, wala siyang oras para sa sarili. Palaging trabaho, palaging responsibilidad, palaging pagod. Ngayon, nasa isang magarang mansion siya, may mga tagapaglingkod, may pagkain, may yaman.
Bakit hindi na lang niya i-enjoy ang lahat ng ito?
Napangiti siya.
"Siguro, para na rin akong nag-retire," bulong niya sa sarili. "Isang magandang buhay, walang stress, walang problema."
Napahawak siya sa kanyang mukha, pilit inuunawa ang repleksyon niya sa tubig.
Ang lalaking ito, o babaeng ito, ayon sa sinasabi ng iba ay siya na ngayon.
Wala na siyang magagawa.
So might as well... enjoyin ko na lang.
Ngunit kahit pa anong pagpapakasaya ang gusto niyang gawin, hindi niya mapigilang magkaroon ng kaunting curiosity.
Bakit nga ba kailangang magpanggap bilang babae? Ano ang rason sa likod ng lahat ng ito? Anong istorya ng totoong nagmamay-ari ng katawan na ito? Asan na kaya sya?
" Wait ibig sabihin ba yung may-ari ng katawan natoh nasa katawan ko den? Pero imposible yun ang naalala ko nabaril ako eh, hayyssst ewan bahala na"
Hindi niya kailangang alamin... pero gusto niya pa ring malaman.
Baka sa tamang panahon, mahahanap niya rin ang sagot.
Matapos ang halos kalahating oras sa tubig, napagpasyahan niyang tapusin na ang kanyang paliligo. Mabilis siyang kumuha ng sabon at siniguradong malinis siya bago lumabas ng tub. Pagkatapos ay tinuyo niya ang kanyang buhok gamit ang malambot na tuwalya.
Matapos matuyo ang kanyang katawan, napatingin si Lucas sa salamin.
Kahit wala na ang wig at contact lenses, may isang bagay pa rin siyang hindi matanggap, masyadong mahaba ang kanyang buhok.
Puting-puti ito, hanggang balikat ang haba. Bagay siguro ito kung gusto niyang magmukhang maharlika, pero sa paningin niya, parang hindi ito angkop sa kanya.
Hindi bagay.
Napansin niya ang isang gunting sa ibabaw ng vanity cabinet. Kinuha niya ito at muling humarap sa salamin.
Huminga siya nang malalim.
"Wala nang atrasan."
Sinimulan niyang gupitin ang kanyang buhok, maingat na tinatantiya ang haba sa bawat hiwa. Hindi siya eksperto, pero may natural siyang pakiramdam para sa istilo. Isa-isa niyang tinabas ang buhok hanggang sa umabot ito sa tamang haba na sakto lang para magmukhang malinis at lalong lumabas ang anggulo ng kanyang mukha.
Sa huli, maayos ang naging resulta. Perpektong bumagay sa kanya ang gupit.
Lalo siyang gumwapo.
Matapos nyang gupitin ang buhok, nagbanlaw ulit sya upang maalis ang mga buhok na nagupit at agad syang nagpatuyo ng kanyang sarili.
Lumapit siya muli sa salamin at pinagmasdan ang kanyang sarili. Ang kanyang matalim na panga, ang matingkad na asul na mata, at ang bagong gupit niyang buhok, lahat ng ito ay nagbigay sa kanya ng isang matikas at preskong hitsura.
Ngumiti siya.
"T*ngina walang sinabi ang dating itsura ko rito. Napakagwapo ko!" bulong nya sa sarili.
Bumalik siya sa kama kung saan nakalatag ang puting shirt at pantalon na hiniram niya. Mabilis niyang isinuot ang mga ito at muling humarap sa salamin.
Hindi na niya makita ang kahit anong bakas ni "Lady Ellie."
Ang tanging nasa harap niya ngayon ay si Lucas, isang bagong tao, isang bagong simula.
At sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng tunay na kalayaan.
Matapos magbihis, huminga nang malalim si Lucas at tumingin muli sa salamin.
Wala na si "Lady Ellie."
Sa kanyang paningin, tanging isang gwapong lalaki ang nasa harap niya na may maputing buhok, asul na mata, suot ang isang simpleng damit. Mukha siyang isang maharlikang lalaki na puno ng dignidad at kagandahang lalaki.
Mas bagay ito sa akin.
Bahagyang napangiti siya, saka bumaling sa malambot na kama.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari simula nang magising siya sa katawan na ito, ngayon lang niya naramdaman ang totoong pagod. Mula sa pagkatuklas na puro pambabae ang gamit niya, sa paliligo, hanggang sa paggupit ng kanyang buhok, lahat ng iyon ay parang isang mahabang araw kahit ilang oras pa lang ang lumilipas.
Dahan-dahan siyang humiga sa kama, nakatitig sa engrandeng kisame na may mga detalyadong ukit.
Sa wakas, tahimik na sandali.
Dito niya tuluyang napag-isipan ang sitwasyon niya.
Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Bakit ako nasa katawan na 'to?
Hindi niya maalala ang dahilan kung paano siya napunta rito. Ni hindi niya maalala ang dating buhay ni "Ellie."
At sa totoo lang, hindi niya alam kung gusto pa niyang alamin.
Kung tutuusin, mas gusto niyang magpatuloy na lang at tamasahin ang bagong buhay na ito.
Wala na ang dating bigat ng buhay niya. Wala nang trabaho, wala nang responsibilidad na nagpapabigat sa kanya.
Bakit hindi niya na lang i-enjoy ang lahat ng ito?
Pero...
May bumabagabag sa kanya.
Ang tanong na ayaw niyang sagutin pero patuloy na kumakatok sa isipan niya.
Bakit kailangang magpanggap bilang babae ang may-ari ng katawan na ito?
Alam niyang hindi siya tunay na babae. Kitang-kita niya kanina nang maligo siya, ang bawat bahagi ng kanyang katawan ay walang dudang panglalaki.
Pero kung ganoon, bakit siya tinuring na isang babae? Bakit puro pambabae ang gamit niya?
At higit sa lahat... ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa manor kapag nakita siyang ganito?
Napapikit siya at huminga nang malalim.
Wala na siyang pakialam kung ano ang iniisip ng iba.
Ang mahalaga ngayon, siya si Lucas.
At gagawin niya ang gusto niyang gawin.
"Hayssttt! Ewan bahala kayo jan".
Napapikit si Lucas, pinapakiramdaman ang lambot ng kama. Isang bagay lang ang sigurado siya, hindi na siya kailanman babalik sa dati niyang hitsura.
Tahimik ang paligid. Nakakapanibago ang katahimikang ito, hanggang sa biglang bumukas ang pinto.
BAM!
Napadilat siya, agad na bumangon mula sa kama.
Isang babaeng nakasuot ng maid uniform ang pumasok, may hawak na tray ng tsaa.
"Lady Ellie, dinalhan kita ng tsaa. Alam kong napagod ka ngayong umaga, kaya naisip kong-"
"Sinong nagsabing pumasok ka?" malamig na tanong ni Lucas, ang mga mata niya'y matalim na nakatingin sa dalaga.
Napaatras ang maid, halatang nagulat sa tono niya.
"A-Akala ko po..."
"Hindi ko tinatanong kung ano ang akala mo," madiin niyang sabi. Bumaba siya mula sa kama at lumapit nang dahan-dahan sa babae. "Tinatanong ko kung sinong nagsabing pumasok ka nang walang paalam."
Hindi na siya ang mahinhin at kiming "Lady Ellie" na alam ng mga tao sa mansion.
"H-Hindi ko po intensyon na bastusin kayo, Lady Ellie..." nag-aalalang sabi ng maid, pero hindi niya maiwasang mapatitig sa anyo ng binata sa kanyang harapan.
Hindi ito ang babaeng sanay siyang pagsilbihan.
Ang puting buhok nito ay maayos ngunit maikli, at ang mala-dagat na mata nito ay puno ng matalim na awtoridad. Masyadong gwapo... ngunit hindi ito ang "Lady Ellie" na kilala niya.
Napansin ni Lucas ang pagbabago sa tingin ng maid at mas lalong naningkit ang kanyang mata.
"Ano? Nagugulat ka ba? Hindi mo ba inaasahan na makikita mo akong ganito?"
"H-Hindi naman po, milady... A-Ang ibig kong sabihin ay-"
Hindi na niya pinatapos ang maid.
"Labas!" Sigaw nya rito.
Napatingin ito sa kanya, halatang hindi makapaniwala sa sinabing iyon.
"A-Ano po?"
"Sinabi kong lumabas ka! Bingi kaba?!," malamig niyang ulit. "At sa susunod, matuto kang kumatok bago ka pumasok!."
Napanganga ang maid, pero hindi na ito nangahas na sumagot. Mabilis itong yumuko at lumabas ng kwarto, marahang isinara ang pinto.
Naiwan si Lucas, nakatayo pa rin sa gitna ng kwarto.
Huminga siya nang malalim.
Kung ganito lang ang trato ng mga tao sa mansion sa kanya noon na parang wala siyang sariling pribadong espasyo, hindi na siya magtataka kung bakit siya lumaki sa isang katauhan na hindi niya naman ginusto.
Lumapit siya sa pinto at binuksan ito at wala syang nakitang tao.
Ngayon na wala nang istorbo, gusto niyang libutin ang mansion.
Malamang ay lumaki si "Ellie" rito, pero siya? Ngayon lang niya makikita ang kabuuan nito.
At higit sa lahat... gusto niyang malaman kung paano talaga siya tinitingnan at tinatrato ng mga tao rito.