Sa isang baryo makikita ang lalaking nakabalot ng isang puting tela ang ulo, at mga braso. Ang kasuotan nito ay purong itim, pantaas hanggang pang ibaba. Nakamasid sa malayo na parang bang nalulunod ito sa kanyang isipan. Sa baryong iyong makikita ang nag gagandahang tindig ng mga puno na purong berde at abelyana, mga halaman na pinag sama-samang kulay na sumasayaw sa hangin,at isang kubo na may kalumaan na. Maya maya lamang ay bumalik na sa wisyo ang lalaki at nag lakad papunta sa kubo.
Sa bawat hakbang na kanyang ginagawa ay sya ring pag sabay ng mga ruot sa galaw nya. Malapit na ito sa kubo na sya namang pag sulpot ng isang babae sa kanyang kanan. Ang babaeng ito ay parang sinilang sa isang nyebe sa taglay nitong puti, mga pilikmatang may katamtamang haba, ilong na kasing tayog ng bundok, mapulang labi na maihahambing mo sa isang rosas at magandang hugis ng mga mata na mala amygdalus. Ang babaeng ito ay hindi lamang nag tatagalay ng kagandahan pansin rin ang magandang postura nito at pinong pag uugali. Lahat ng katangian nya'y mahuhulma mo sa isang diyosa.
"Bakit ngayon ka lang dumating?" Malambing na tanong ng babae habang naka sukbit ang braso sa lalaki.
"Nag karoon ng problema sa isang kuta natin, mamaya ay pupunta pa ako ulit doon. " saad ng lalaki habang patuloy silang nag lalakad papunta sa kubo.
Ang kubong ito ay may kalumaan na, ngunit kahit may katagalan na ay tiyak na matibay. Ang kubong ito ay hindi kalakihan, pag pasok sa pinto sasalubong agad sa iyong paningin ang maliit na espasyo kung saan sa kanan ang iba't ibang nakasabit na bulaklak sa palaso, sa kalayuan nito unti ang sinkâ na nag sisilbing hugasan ng pinggan at ng kamay, sa kaliwa naman ang hindi kalakihang hapag na gawa sa kahoy at silya na gawa sa kawayan at kalang uling na kanilang ginagamit sa pagluto, pang huli ang kama na hindi kaliitan hindi rin kaliitan sakto lang para sa kanilang apat na naka pwesto sa espasyo sa gilid.
Pag pasok ng dalawa ay tumalima na ang babae at nag simula nang mag lagay ng uling at ng kahoy para sa kanilang pag luluto.
"Tawagin muna ang mga bata, sigurado ako nandoon nanaman iyon sa likod ilog, nag tatampisaw."maririnig sa tono ng babae ang kasiyahan, umiling na lamang ang lalaki at lumabas na upang tumungo sa ilog. Pag karating naabotan nya pang nang huhuli ng isda ang mga bata.
" Aba'y hindi nyo man lang ako hinintay" mamumutawi ang lungkot na may bahid ng kalokohan sa tono.
Makitang naroon na ang kanilang sundo ay agarang nag sipag lisan sa ilog ang dalawang paslit. Mag kamukha ang dalawang paslit , Isang babae na nag umaapaw sa ka-kikayan na matutulad natin sa lalaki, ang pag ka-kaiba lamang ng dalawa ay ang nunal at buhok nila. Ang paslit na babae ay hanggang pang upo ang buhok at ang kanyang nunal ay malapit sa kanyang kaliwang mata samantalang sa lalaking paslit naman ay hanggang tenga ang buhok, mukha ngang bao ito. Siguradong hindi marunong mag gupit ang nakahawak sa buhok nya at ang kanyang nunal ay nasa kanan nitong mata.
Sa pag lapit ng dalawa ay nag nining-ning ang kanilang mata at kitang kita ang saya sa kanilang mukha.Dahil sa wakas dumating na ang paborito nilang 'Kuya'.
"Kuya, bakit ngayon ka lang? " tanong ng batang babae habang naka yakap na sa kaliwang binti ng lalaki, "Oo nga 'ya, bakit ngayon ka lang? Kanina kapa namin hinihintay" tanong rin batang lalaki habang nakayakap sa kanang binti nito.
May pinag manahan talaga ang dalawang ito, sa isip ng lalaki. "Bakit hindi nyo ako sinabihan na mangingisda kayo" nag tatampong tanong ng lalaki.
"Eh 'ya, paano ka namin sasabihan eh wala ka naman dito" saad ng paslit na babae, "Oo nga kuya" gatong naman ng lalaking paslit. Kinuha ng lalaki ang dalawang paslit sa kaniyang binti at nilagay sa kanyang braso upang kargahin. "Aba'y pinag kakaisahan nyo pa akong dalawa ha" namutawi na lamang ang tawa ng dalawa.
»»----> <----««
"Upo na, upo na" saad ng babae ng makitang nakarating na ang tatlo.
Unang lumikot ang batang babae bago bumaba sa karga ng lalaki, sumunod naman ang paslit na lalaki bago tumakbo papuntang hapag at umupo sa silya.
"Napaka kulit, sa susunod ipapakain kona kayo sa mga lobo" hindi na lamang sya pinag tuonan ng pansin ng dalawang paslit bagkus ang atensyon nito ay nasa hapag kung saan wala pang naka hain na pagkain.
"Sandali na lang at maluluto na rin ito"patuloy parin sa pag paypay ang babae gamit ang isang kamay samantalang ang isa naman ay nag sisilbing pang punas sa kanyang pawis. Tumayo ang lalaki bago pumunta sa direksiyon ng babae.
" Ako na Vile" kinuha ang pang paypay, habang pinapaalis si Vile. dahil alam ng babae na wala na syang magagawa ay tumayo na ito at umupo kasama ng mga paslit.
"Kuya, ano pala ang problema sa kuta? "
Naka patong ang braso sa lamesa, ginagawang unan habang naka tingin sa binata nag hihintay ng sagot.
"Sinalakay nanaman ng mga Peslianlyn, hindi talaga sila tumitigil hangga't hindi nauubos ang lahi natin" mamumutawi ang galit sa tono nito.
Simula noon pa man palagi na nilang nakaka laban ang mga Peslianlyn, galit at lungkot ang nararamdaman ng mga tao tuwing susugod sila upang puksain ang mga halimaw, nababawasan pero di' nawawala, ganyan kalakas ang Peslianlyn. Saksi sila kung paano naki pag sapalaran ang mga magulang, at mahal nila sa buhay sa pag puksa sa mga halimaw pero walang nangyayari, na mapa hanggang ngayon ay prinoproblema parin ng angkan. Ang Peslianlyn ay isang kalahating halimaw, kalahating tao. Malalakas ang mga ito dahil sa taglay nilang liksi, lakas at ang nakaka mangha nitong bilis sa pag likha ng kanilang lahi.
"Hindi talaga sila tumitigil hangga't hindi tayo nauubos"
"Wag kang mag-alala, matatapos rin ang lahat ng ito"
"Sana nga.... "
Binalik ng lalaki ang atensyon sa niluluto, nang mapansing tapos na, tumayo sya bago nag hanap ng pwedeng pang hawak upang hindi mapaso, ng makahanap ng tela kinuha ng lalaki ang kalan bago inilagay sa kanilang lamesa.
"Kumain na kayo, doon muna ako sa lawa" naintindihan agad ng tatlo ang nais nyang ipahiwatig kaya binigyan lang nila ito ng simpleng tango at ngiti.
Pag kalabas dumiretso sya sa batohan malapit sa lawa at ng masiguradong walang iba kundi sya lang ay unti unting tinanggal ang nakalagay na puting tela sa mukha, braso at hinubad ang pang itaas na saplot bago sumampa sa lawa. Ramdam agad ang lamig ng tubig, sinabayan pa ng hangin kaya hindi niya maiwasang manginig ng unti. Tumingin sya sa kanyang repleksiyon, sa repleksiyon ng tubig sumasalamin ang lalaking naka tingin ng malalim sa kawalan, mayroon itong kulay berdeng mata na mala abo, magandang kurba ng kilay, katamtamang haba ng pilikmata, maputlang labi at kutis ng balat. Maganda rin ang pangangatawan nya hindi katulad ng iba na puno ng mga mayayamang kalamnan kundi katamtaman lamang.
Dahan dahang inilagay ng lalaki ang kanyang kaliwang kamay sa repleksiyon sa tubig at ng malapit na sya ay bigla na lamang may lumitaw na kamay na mayroong mahahabang kuko na sinabayan pa sa tulis at maputlang balat. Sinubukan nyang umiwas pero walang nangyari dahil sa mabilis na kilos ng kamay na iyon, hinawakan nito ang kamay nya bago sa isang iglap hinila sya pailalim ng lawa. Naka pikit sya habang pumipiglas sa pagkakahawak nito, ang isang kamay lang na nararamdaman nyang humihila sa kanya paibaba ay biglang dumami.Nararamdaman nya ang napakaraming kamay na sa iba't ibang parte na ng kanyang katawan nakahawak habang hinihila sya sa pinaka malalim ng parte ng lawa!!!.
Sa bawat pag pupumiglas nya ay sya namang pag ka hirap nya sa pag hinga. 'Ito na ba ang huling sandali ko? Hindi, hind pwed-' sa isip nyang non unti unti nyang nararamdaman ang pag bigat ng katawan nya, nag papaubaya na sa mangyayari.
Sa kabilang banda may isang nilalang naka tago sa puno habang pinagmamasdan kung saan naka pwesto ang binata kanina. Naka suot ito ng pinong puting bestida, hindi mo malalaman kung sino ito dahil sa maskarang suot ,ang maskara nito ay kakaiba dahil imbes na may butas ang sa may parte banda ng mata ay wala at isa pa sa kakaiba rito ang maskara na kanyang suot ay kulay pula na kasing kulay ng dugo, kalahati lang rin ng kanyang mukha ang natatakpan. May kahabaan rin ang kanyang buhok na umaabot hanggang baywang at sa bawat kilos nito ay parang hangin ang kanyang kasuotan sa pag sabay nito sa kanyang bawat galaw. Dahan dahan syang pumunta sa lawa, luminga linga at ng masigurong walang iba ay lumusong sya sa tubig.
Sa ikalaliman ng lawa ang isang lalaking naka pikit na parang natutulog. Ang isang kamay nito ay naka taas na para bang may inaabot sa kalangitan. Unti unting may lumalapit na bulto sa lalaki, malalaki ang mga ito at pinapaligiran ang lalaki. Mga kalansay ito ng mga yumaong tao sa lawa na mapa hanggang ngayon ay hindi natanggap ang kinahinatnan ng kanilang kalagayan kaya imbes na maging isang magandang paliguan ang lawa ay nagiging iponan ng mga yumaong tao dahil sinasama nila sa kanilang pag dudusa. Hindi basta bastang kalansay lamang ang mga ito dahil kaya rin nilang mag sama sama upang maka buo ng isang imahe ng higanteng kalansay.
"Krek, krek.... Krek" sa pag lapit nila maririnig ang mga buto nilang nag kakalampagan sa isa't isa. Nag papaligsahan silang lahat para makuha ang tao, hindi lamang basta bastang paligsahan ito dahil nasaktohan na sa araw na iyon ang tinatawag nilang »Massacres of the dead« ang may pinaka maraming napatay ay nag kakaroon ng pag kakataon na bumalik sa lamang lupa. Hindi simpleng proseso ang napapaloob dito, ang syang makuha nilang tao sa araw na iyon ay kanilang unti-unting tatanggalan ng laman habang may malay.
Sa bawat pag tanggal nila sa parte dapat makakaramdam ng pinong sakit ang napili at ang sakit na iyon ang tutulong sa kanila upang mag ipon ng enerhiya, sa madaling salita ang enerhiya na iyon ang nag bibigay sa kanila ng kapangyarihan upang mag karoon ng abilidad na bumuo ng katawan ng tao na gagamitin nila.
"Akin.... Akinnnnn... " muntawi ng isang kalansay habang nakiki pag paligsahan sa iba
"Hindiiii!!!!!..... Akinnnn!!!!! " bago tinulak nya ang kalansay na nag salita kanina
"Anong iyo!!???? Ako, akin syaaa!!!! "
"Hindiiiiiiii!!! Akin syaaa!!! "
"Mga putaaa akin syaa!! "
Habang nag papaligsahan, mayroon ring mga nag si-sipag tulakan, sa pag tulak na iyon nag resulta ang pag ka watak watak ng parte kalansay.
"Ano ba!!??? Sabing akin ngaa!!! "
Ang atensyon nilang lahat ay nalipat imbes na mag paunahan para makuha ang tao ngayon ang pokus nila ay masira ang mga kauri nila.
"ARGHHHHHH"
Habang nag kaka abala sila hindi nila napansin ang isang estranghero na lumusong sa lawa at ngayon ay tinatangay na ang lalaki. Naka palibot ang braso nito sa lalaki habang dahang dahang inaangat. Malapit na sila sa itaas ng mapansin ng isang kalansay na wala na ang pinupuntirya nila.
"Asan na yung lalaki!!?? "
"Nandito lang yun kanina!!"
Ng tumingin sila sa kaliwa't, kanan nila wala silang nakita pero nong inanganat nila ang paningin nakita nilang tinangay na ito ng naka puting anino at malapit narin itong maiahon.
"Habulin nyooo!!! "
"Ang katawan kooo!!! "
Gagalaw na sana sila upang habulin ito ng maramdaman nilang hindi sila maka kilos.
"A-anong nangyayari!!?? " sinusubukan parin nitong maka galaw, hindi lang sya kundi silang lahat pero walang nangyayari. Para silang naka bara sa isang matigas na bagay kung kaya't hindi sila maka alis-alis sa pwesto nila.
"S-sya yun!!! "
"Sinong sinasab-" hindi nya na natuloy ang sasabihin ng makita kung sino ito.
Nanginginig nyang tinuro hintuturo nyang buto sa estranghero.
"S... S-sya!!!??? "
Sabay sabay silang napatingin sa tinuro nito at nakita ang tumangay sa lalaki kanina, bagama't hindi mo talaga malalaman kung naka tingin ba ito o hindi dahil sa maskara nito malalaman mo naman na ang kanyang atensyon ay nasa kanila. Hawak parin niya ang binata, naka yapos ang dalawang braso ng binata sa leeg ng naka maskarang estranghero, habang ang kaliwang braso ng estranghero ay nasa baywang nito.
"Sa pag daan ng panahon hindi parin kayo nag babago?.... " galing ang mga salita na iyon sa estranghero, mahihimigan mo ang bahid ng lamig sa tono nito.
Kahit alam na ng mga kalansay na patay na sila ay hindi parin nila maiwasang manginig sa takot.
"A- amin s.. sya" kahit nanginginig nagawa paring sumagot ng isang kalansay, ito yung unang nag pasimuno nang pag tulak sa isang kalansay kanina.
"At sinong nag sabi? " mahinahong sambit nito, ngunit kahit na ganoon ramdam nila ang panginginig ng kanilang mga buto.
"P-patawad, p-patawad, humihingi kami ng kapatawar-"
"P-patawad... P-patawad"
"H-hindi na ito mauulit"
"H... H-huli na ito"
"B-bigyan m-mo pa kami i-isang...p-pag kakataon"
Sunod sunod silang humingi ng kapatawaran sa estranghero, kung maayos lang sana silang nakaka galaw ay lumuhod na ang mga ito kahit walang papag at purong tubig lamang ang naroon, bagama't hindi sila maka luhod ginamit parin nila ang kanilang leeg upang yumuko. Ramdam ang takot ng bawat isa. Pansin sa kanila ang kulang kulang na parte ng kanilang katawan, mayroong nahanap na ang parte at ibabalik na lang ngunit hindi parin maibalik balik dahil sa takot.'Mas maganda ng isang parte lang ng katawan ko ang mawala kesa maging pinong abo ang lahat' lahat sila ay may kanya kanyang reklamo sa kanilang sarili na sila lang mismo ang nakakaalam.
Hindi nag salita ang estranghero bagkus ay tinaas nya ang kanang kamay, ginalaw nya ito papuntang paitaas, kanan, baba. Sa bawat kumpay ng kanyang kamay lumalabas ang isang hugis tatsulok na apoy. Kulay itim ito na hinahaloan ng pinong pulang kulay. Nakakamangha ito dahil alam ng karamihan na hindi pwedeng mag sama ang apoy sa tubig pero ngayon sa kanilang harapan nasaksihan nila ang pag sama ng apoy sa tubig.
Isang kumpay pa ng kanyang kamay sa isang iglap ang mga hugis tatsulok na apoy ay nasa harapan na ng mga kalansay. Ramdam nilang lahat ang sobrang init ng tatsulok na apoy sa kanilang harapan. 'Puta- bakit ba minamalas ako ngayon? Mama, Papa ayaw kona isama nyo na po ako huhuhuh... ' Ang iba ay unti unting inanganat ang kanilang bungo kung kaya't sumalobong sa kanilang harapan ang tatsulok na apoy, sa una makikitang normal na apoy lamang ito pero habang patagal ng patagal unti unti itong lumalabas ng usok, at likido. Ang likido na iyon ay sobrang lagkit at mabaho sa pang amoy.
Sa bawat usok, likidong lumalabas sa tatsulok na apoy ay sya namang pag litaw ng mga imahe ng wangis ng tao, unang lumitaw ang isang bibig, pero hindi mo ito maitutulad sa naka gisnan na mayroon sa mga tao dahil may matutulis na pangil ito at kumpara sa normal na bibig masyado itong malaki at nakakatakot tignan, sumunod naman ang mga mata, hindi dalawang pares ang sumalubong sa kanila, hindi rin tatlo, apat, o lima kundi sampung mga mata!!! Bagkus nakapikit ito, makikita ang saya ng mga ito dahil sa pag hugis Gasuklay nito.
Ang tatsulok na apoy ay biglang nag hugis bilog na may patusok sa bawat gilid nito, mahahalata mo ang tulis ng bawat isa sa isang tingin pa lang.Pagkatapos mabuo ang nagsisilbing ulo nito ay mas lalo pa itong nag labas ng likido at usok sa bawat parte, ang likidong tumutulo ay unti unting bumubuo ng leeg, balikat, bisig hanggang maka buo ng isang imahe ng katawan.
Kahit tapos na ang pag buo ng katawan patuloy parin ang pag labas ng usok at mabahong likido nito. Ang nakasarang mga talukap ng mata ay unti unting bumukas bago diretsyong tumingin sa mga kalansay. Mas lalong nanginig ng husto ang mga kalansay 'b-bakit nasaktohan pa!!!???? B-' hindi na nito natuloy ang pag-iisip ng bigla na lamang bumuka ng sobrang laki ang bunganga ng tatsulok na apoy na ngayon ay may katawan na. Sa pag buka ng bunganga nag pakita ang mahahaba nitong pangil bago sa isang iglap nasa bibig na nito ang kalansay at nginunguya na.
"Hmmm, Masarap~" nakahawak sa mag kabilang pisnging sabi nito habang nilalasap ang bagong kinain.
"Sinong sunod!? ~hmmm"
Unti unti nyang tinuro ang mga kalansay. "Ikaw? ~" umiling iling naman ang kanyang naturo kaya mas lalong nag hugis gasuklay ang kanyang mga mata.
Lumabas ang mahaba nyang dila na kung susukatin ay aabot ng ilang pulgada.Ang itsura ng dila ay tunay na nakaka iba dahil sa kulay nitong purong itim na sinabayan pa ng berdeng usok na lumalabas sa mga butas ng kanyang dila. Sa pag labas nito, pinaikot nya na parang nag lalaro ng bola bago isa-isang pinasadahan ang mga bungo ng kalansay. 'Nawala na nga ng isang beses ma pa-pangalawan pa ng wala sa oras huhuhuh' ng matapos sa pag lasap, mas pinahaba nya pa ang kanyang dila at tinira ang tahimik na tatlong kalansay sa gilid na naginginig.
Pinalibutan nya ito ng kanyang dila bago unti-unting lumapit sa pwesto nila.
"W-wag, n-nakikiusap a-" hindi pa ito natatapos mag salita ng biglaan na lamang mas lumaki ang bunganga ng tatsulok na apoy at nilamon sya ng buo habang naka labas parin ang dila nito, hawak hawak ang dalawa pang kalansay.
"Hahahahaha, a-gn sharap" marahil naka labas ang dila nya kung kaya't hindi maayos ang pag ka bigkas ng salita.
Ang dalawang kalansay na nasa dila nya hindi man lang maka galaw, katulad ng pagkain ng gagamba na sinaputan.Tanging sigaw lamang ang kaya nilang
Sunod sunod ang naging hiyawan nilang dalawa. "AHHHHHHHH!!!!!!!! W-WAG... WA-" sa sobrang rindi sa ingay walang sinayang na oras, kinain nya agad ang dalawang kalansay.
Habang nag kaka abala ito sa saya dahil sa pagkain na nasa harapan nya, ang estranghero sa taas ay nakatingin lang habang may nakaukit na nakakatakot na ngiti sa mapupulang labi nito. Kinumpay nyang muli ang kanyang kamay , sa pag kumpay nya lumabas ang isang hindi kalakihang bilog pero hindi rin kaliitan, ka-kasya ang isa o dalawang tao dito.
'Veonelom' gamit ang kanyang isipan nakipagkomunika sya sa tatsulok na apoy o mas kilala sa ngalan na [Veonelom].Si Veonelom ay hindi pangkaraniwang halimaw na basta basta mo na lang matatalo, kahit mag sama sama pa ang isang daan o libong tao sa pag kitil dito ay walang mangyayari. Ang tinataglay nito ay hindi isang pambihira lamang at minsan ka lang makikita ng ganitong lakas.
Binitawan ni Veonelom ang kalansay na kakain nya pa lang sana bago panandaliang tumingin sa itaas kung saan nandoon ang estranghero. Pag kabalik nya ng atensyon sa mga ito nag labas sya ng isang kulay pulang usok na nag palibot sa mga kalansay.
"AGHHHHHHHHHH!!!!!! -"
"W-WA!-"
"P!!!! -"
Kanya kanya ang hiyawan nilang lahat bago sa isang segundo lamang umalis na ang usok kasabay ng pag kawala ng mga kalansay. Unti unting nag lalabas si Veonelom ng likidong itim sa bawat parte ng kanyang katawan na sinabayan pa ng usok. Sa bawat likido at usok na lumalabas, unti unting natutunaw ang ang kanyang katawan hanggang sa naging isang pinong likido na lamang ito na hugis bilog. Ang likidong hugis bilog ay agarang pumunta sa pwesto ng estranghero at ng malapit na bigla itong pumasok sa katawan nito.
"Nabusog ka na ba? " mahinahong tanong ng estranghero.
Lumabas sa kamay ng estranghero ang isang likidong itim bago nag hugis puso at bumalik na agad sa loob ng katawan nya, ng masigurong maayos na ang lahat pumasok na ang estranghero sa ginawa nyang bilog kanina. Ang bilog na iyon ay may kakayahan na dalhin ang sino mang makakagawa dito sa kung saan nito gusto.
Pag ka labas sa bilog, tumambad sa kanila ang isang baryo na napapalibutan nang nag gagandahang tindig ng mga puno na purong berde at abelyana, mga halaman na pinag sama-samang kulay na sumasayaw sa hangin,at isang kubo na may kalumaan na.
Tanaw mula sa malayo ang isang magandang babae sa labas ng kubo na nababalisa dahil sa pabalik balik nito ng lakad. Nag lalakad ang estranghero sa isang mabagal na galaw na para bang nasa kanya ang oras ng buong mundo, ng nasa harapan na sya ng dalaga nilagpasan nya lang ito bago dire-diretsong pumasok sa kubo at ibinaba ang binata sa tabi ng dalawang paslit na natutulog sa kanilang higaan. Saktong pag baba nya rito ang pag mulat ng mata nito, hindi nya ito napansin at patuloy lang sa pag ayos ng pwesto sa binata.
"S-sino ka? " mahina lamang ang pag ka ka bigkas ng binata, dahil nawalan na ito ng lakas sa lahat ng nangyari kanina sa kanya.
Lumingon sa kanya ang estranghero bago unti unti nitong inangat ang kaliwang kamay at pwenisto sa mata ng binata. Gusto mang alamin ng binata kung sino ang nasa kanyang harapan ngunit hindi sya pinahintulutan ng kanyang katawan dahil unti unti nyang naramdaman ang pag pikit ng kanyang mata pero bago yun narinig nya ang isang napaka gandang boses ng tinig na, nababahidan ng emosyon ng saya.
"Malapit na"
Hello po!! Thankyou for reading the first chapter (❁'◡'❁) I hope you have a fun experience. Expect more chapters to come and I hope na kasama kopo kayo hanggang sa dulo. ❀(*'▽'*)❀.