Sa pag mulat ng kanyang mata, unang sumalobong sa kanya ang sinag ng araw sa kanyang mukha. Unti-unti syang bumangon sa kama na kinahihigaan nya, nakita nyang kasama nya ang mga paslit na naka pwesto sa kanyang mag kabilaang gilid habang nakatingin sa kanya nang may pag-aalala sa mukha. 'Anong nangyar—' sa biglaang pananakit ng ulo muntik na syang matumba buti na lang at naalalayan sya agad ng dalawang bata.
"Ya, saang lupalop kaba nakarating kahapon? Hinahanap ka ni ate buong mag hapon.. " nag-aalalang tanong ni Crismo ang batang lalaki.
"Hindi ko maalala—" biglang pumasok sa pintuan si Ventile habang hawak hawak ang isang tray na naglalaman ng sabaw ng pinakuluang manok at kanin na dinurog kasama ng isang basong tubig.
Inilagay nya ang tray sa lamesa bago naglakad papunta sa pwesto ng binata, naka pameywang.
"Kung saan-saan ka nag si-sipasok, hindi mo ba alam kung gaano kami nag-alala sayo?" Mahihimigan mo ang inis sa kanyang tono pero mas nangingibabaw parin ang pag-aalala.
Gamit ang timba na nasa tabi ng kama namay tubig, kinuha nya ang tela na naka sabit sa bangko bago inilublub sa timba at pinigaan.
"Naalala ko lang kahapon nasa lawa ako—" bigla syang napahawak sa sintido ng sumakit nanaman ang ulo nya.
Sa sobrang sakit napa higa na lamang syang muli sa kama bago nag sipag gulong gulong habang naka hawak parin sa sintido nya. 'Arghhhhhhhhhh putik ang sakittt!!!' hindi alam ng tatlo kung anong gagawin nila pero mas minainam nilang lapitan ito at niyakap ng mahigpit habang tinataas, baba ang kamay sa likod ng binata, pinapahiwatig na nandyan lang sila sa kung ano mang, mangyari.
"Kuya ano bang nangyayari!!?? " nakayakap parin sila sa binata, hindi na nila alam kung anong gagawin, dahil unang beses pa lamang itong nangyari sa kuya nila at pawang pag yakap at pag haplos lang sa likod nito ang kaya nilang gawin.
Nakahawak parin sa sintido ang binata dahil sa sakit ng bigla syang nakaramdam ng init sa mag kabilaang tagiliran nya na parang sinusunog ang kanyang balat at laman. Mas lalo syang nanghina sa kinahinatnan, 'kagigising ko lang ito agad ibinubungad napaka walang hustisya, wala bang pasabi muna bago atake' puno ng reklamon ang isip nito. Kahit nanghihina sa sakit ng ulo na tinutulongan pa ng pagkirot nang mag kabilaang tagiliran, unti unti nyang tinaas ang kanang kamay sa harapan ng tatlo, na nag papahiwatig na umalis na muna sa kanyang tabi, kahit na naguguluhan sila sa nangyayari ay sinunod parin nila ito.
Unti-unti nyang tinaas ang kanyang saplot pang itaas, sa bawat pag angat ng saplot ramdam nya ang kakaibang sakit na ngayon nya pa lamang naranasan sa tanang ng buhay kanyang buhay, dahil kahit na nakikipag- laban man sya sa mga Peslianlyn, at nag tatamo ng mga sugat o hiwa, hindi maikukumpara ang sakit na nararanasan nya ngayon sa mag kabilaang gilid. Nang tuluyang naitaas ang saplot nagulat sya sa kanyang nakita.
"K-kuya ano yan? " nauutal na tanong ng batang babae na si Cristal.
Nakatago na ngayon sa likod ng kaliwang bahagi ng hita ni Ventile ang paslit na babae, at sa kanang bahagi naman ang lalaking paslit.Pansin ang pinaghalong takot at gulat sa kanilang mukha, kahit si Ventile na nakatayo sa harapan ng kama ay parang na Estatwa dahil sa nakita. Hindi na kata-taka kung bakit halo-halong emosyon ang makikita sa tatlo. Ang mag kabilaang tagiliran nya ay nababalot ng maraming itim na bilog, hindi lamang ito simpleng itim na bilog dahil may lumalabas na usok at masangsang na likido sa mga bilog na iyon, na kahit na sino man ay matatakot kung sakaling makita man iyon sa kanilang katawan, pero sa mukha ng binata wala man lang bahid ng kung anong emosyon na natural na nakikita sa ganitong sitwasyon dahil ang expresyon nito ay mahinahon lamang, na para bang sanay na sanay na ito sa mga ganitong sitwasyon. Pero kabaliktaran ng expresyon nya ang tunay na emosyon na sya lamang ang nakakaalam.
Simula ng makita ang mga bilog na iyon sa kanyang tagiliran kanina nya pa gustong mag si-sipag talon at iyak sa takot pero dahil kasama nya ang tatlo hindi nya ito magawa- gawa. Ayaw nyang mas lalong mag-alala ang mga ito kung kaya't mas minabuti nyang maging mahinahon kahit kanina nya pa talaga gustong katayin ang gumawa nito sa kanya, kung makita nya lamang ito ay siguradong hindi iyon makakauwi nang walang dalang sakit sa katawan.
"Ventile akina ang tela"
Kahit nanginginig ang dalawang tuhod ng dalaga ay inabot nya parin ang tela na binasa sa binata. Siguro dahil narin sa nasaksihan nawala ang atensyon ng binata sa sumasakit na ulo bagkus ang atensyon nito ngayon ay nasa tagiliran nya na. 'Kahit isang araw hindi mo ba talaga ako kayang pag pahingahin!? 'Gamit ang tela unti-unti nya itong pinunas sa mga likido na lumalabas sa mga bilog. Gamit ang isang kamay tinakpan nya ang kanyang ilong dahil sa lumalabas nitong masangsang na amoy.
"Pabanlawan ako" inabot nya ang pinunas na tela kay Ventile bago humiga sa kanilang higaan.
"A-ayos ka lang ba kuya Lyriel? " Nag-aalala na ng husto ang dalaga dahil sa nasaksihan, hindi lang sya pati narin ang dalawang paslit na hanggang ngayon ay nanlalaki parin ang mga mata sa gulat at takot para sa kanilang kuya.
"O-okay lang ako"
Inabot ng dalaga ang bagong banlaw na tela sa binata, kinuha nya ito bago tinapal sa kanyang tagiliran. "Isa pang tela" agarang umalis si Ventile para kunin sa labas ang kanyang sinampay na mga tela, nang makarating ibinigay nya ito agad sa binata. Katulad ng kanina tinapal nya rin ito sa kabilang bahagi ng kanyang tagiliran nag sisilbing pangtakip upang hindi na gaanong tumulo ang likido at iwas narin sa masangsang nitong amoy sa ilong.
"Lumabas muna kayong tatlo, bumalik kayo mamayang dapi't Hapon na" seryosong sabi nito bago tumalikod sa tatlo at parang may kinukuha sa ilalim ng higaan.
"Pero—" hindi na nya pinatapos sa pag-sasalita si Ventile at tinulak na ito palabas kamasa ng dalawang paslit.
"Sige na, lumabas na muna kayo at may aasikasohin lang ako" nang malabas nya ang tatlo ibinigay nya ang tatlong piraso ng tanso sa dalaga bago agarang sinara ang gawa sa kahoy nilang pintuan. 'Ano ba yung nangyari kahapon? Bakit wala man lang ako masyadong maalala? At ano naman tong nasa tagiliran ko!!??' Napakaraming nyang tanong na wala man lang makasagot para sa kanya. Kahit sino namang tao ay maguguluhan kung pag gising mo ay perwisyo na agad ang bubungad sa iyo.
Nakaupo lang sya sa kama habang ang kanyang isipan ay nasa malayo.
Tnick-trock-tnick-tork-tekekkkkkkkk....
May kakaibang tunog ang maririnig sa labas ng pintuan, hindi ordinaryo ang tunog na maririnig. Sa una mahina lamang ito na parang nasa malayo pero habang patagal ng patagal unti-unti na itong lumalakas. Agarang tumayo ang binata at kahit na masakit ang dalawang tagiliran hindi nya ito ininda at kinuha ang sibat na naka lagay sa isang kahon sa ilalim ng kanilang higaan. Puno ng pag tataka at pag-aalinlangan ang kanyang mukha, unti-unti syang lumapit sa pintuan kung saan may hindi kalakihang butas na sakto pang silip kung sino ang nasa labas.
Sa bawat hakbang na kayang ginagawa palapit sa pintuan ay sya ring pag bilis ng tibok ng kanyang puso. Pag kasilip sa butas, walang bumungad sa kanya kundi ang nakagisnan nyang tanawin sa labas ng kanilang kubo.'hayst baka kung anong hayop lang yun at napadaan rito.' sa ganitong sitwasyon babalik na sana syang muli sa higaan para ipag patuloy ang pag papahinga nang marinig nya na naman ang tunog. Mas malakas na ito kumpara sa kanina.
TNICK-TROCK-TNICK-TORK..TEKEKKKK!!!! !!!
Tumingin syang muli sa butas pero wala paring nag bago sa nakita nya kanina. Puno na ng pagtataka ang naka paskil sa kanyang mukha. 'Ano ba 'yon!!??' Umalis sya sa butas at hinawakan ng maigi ang sibat. Dahil narin sa pikon na dinudulot nito sa kanya, tuloyan nya nang binuksan ang pinto. Ngunit katulad kanina wala ka paring maaaninong kahit na anong kakaiba.
"Hmmp.. Hmmp"
Hinanap nya kung saan nanggagaling ang tunog na kanyang naririnig, sa kaliwa, o kanan pero wala roon ang kanyang hinahanap. "Hmmp... Hmmp—" saktong pagkarinig nya ng tunog may kung anong tumulong likidong ang tumulo sa mukha nya. Hinawakan nya ang pisnging natuluan ng likido at nalamang para itong tubig.
Inanganat nya ang kanyang paningin at hindi maiwasang mamangha sa nakita, isa itong hindi kapani-paniwalang nilalang na minsan lang mag pakita sa mga mortal. Ang ganitong uri ng halimaw ay kadalasang nakikita sa mga matatayog na kabundukan at nag li-lilim sa mga madidilim na kweba. Pumapangatlo ito sa rango pag dating sa antas nang lakas ng isang halimaw.Kahit na malalakas ang mga ito minsan lang sila maka pinsala pero kung sakali mang sila'y magalit o nagambala matindi ang mga ibinabalik nitong parusa.
Ang ganitong uri ng halimaw ay nag tataglay ng mahahaba at malalaking pakpak na kulay chocolate na kasing laki at haba ng isang normal na iyong makikitang puno at ang pangil nitong isang pulgada ang haba, ang mukha nitong akala mo'y nasapak dahil sa palobo nitong wangis at ang apat nitong mata na kulay berde na hugis patusok. Ganun ang ang tunay nilang wangis pero ngayon sa kanyang harapan makikita ang di malalayo sa kanyang tangkad ang lumilipad sa kanyang itaas na nag tataglay ng magandang kutis ng balat, hindi lamang makinis kundi maputi pa ito na parang hindi man lang nakaranas ng araw sa tanang ng buhay.
Ang mga mata nito ay dapat kulay berde at apat na piraso ngunit ang sumalobong sa kanya ay isang magandang paris ng mata na kulay asul na kasing kulay ng isang malalim na karagat na hugis amygladus, ang mukha nito na dapat palobo ay nag tataglay ng magandang pag hulma na para bang ito ang pinaka paborito ng kanilang Panginoon noong ito'y ginawa at ang mala kulay nitong dugong labi na halatang malambot sa isang iglap lang.
"Tapos kana bang tumitig? " naka ukit ang isang napaka tamis na ngiti sa mga labi nito habang naka tingin sa binata.
'Napaka aroganteng nilalang' sa totoo lang hindi dahil sa wangis nito ito namangha kundi sa asul nitong mata dahil ang mga nilalang na may ganitong uri ng kulay ay tanda ng pumapang-apat sa rango pag dating sa lakas at hindi lamang lakas ng pwersa ang kanilang angking talento sapagkat kilala rin ang mga ganitong uri pag dating sa paghilom ng kanilang sugat o sakit na natamo sa panandaliang segudo kung kaya't mahihirapan ka talagang matalo ang mga ganitong nilalang.
Hawak hawak nito ang tatlo sa kanyang dalawang braso at kahit na tatlo itong bit-bitbit nya ay para bang wala lang sa kanya ang bigat dahil sa maganda nitong postura habang lumilipad at ang expression na kasing kalma ng isang karagatan. Kabaliktaran naman ng expression nito si Lyriel na halos maging bulkan na dahil sa inis at kulang na lamang ay umusok ang bukana ng ilong.
"Ibaba mo ang kapatid ko!!!! " ngiti ang naging tugon nito bago lumipad ng mas mataas kesa sa kanina nitong pwesto.
'Ano bang binabalak nito? Wala naman kaming ginambala na kahit na sino sa kanilang uri, kaya bakit ngayon kami pa ang peniperwisyo!!!?? hindi koba malaman at sa mga nag daang araw ay palaging kaming ang ginugulo ng mga hayop na toh' Tumingin sya sa kung saan naka pwesto ang nilalang. Luminga linga sya sa paligid at nag hanap nang pwedeng pang atake dito, kinuha nya ang mga maliliit na bato sa kanyang paahan bago pinag babato ang halimaw na sya namang mabilis na inilagan nito.
"Haha yan lang ba kaya mo? " nang uuyam na wika nito sa kanya, hindi nya naman maiwasang mapikon sa turan kaya mas dinamihan nya pa ang pag kuha sa mga bato na nasa papag at pinag babato ito, babatohin nya pa sana nang mapagtanto na may hawak pala syang sibat na pwedeng pang atake, kanina pa sya nag hahanap eh nasa kamay nya lang pala ang sandata na pwedeng magamit.
'Napaka tanga mga unti, hindi naman halatang lutang' sa isip ng halimaw habang may naka ukit na matatamis na ngiti sa mga labi. 'sa totoo lang hindi ba ito na ngangalay sa ka ngi-ngiti? kulang na lang ay mag pakulot sya ng buhok at kulayan ng pula ang kanyang ilong' sa isip ni Lyriel.
"Hmmph... Hmmmmph" tumingin si Lucurius sa hawak hawak nyang magandang dilag sa isang braso at dalawang bulinggit sa kabila na nag pupumiglas sa kanyang pag kakahawak.
"Sige mag sipag likot kayo, iwan ko lang kung hindi masira ang mga bungo nyo pag nilagla—" hindi nya na natuloy ang sasabihin ng bigla na lamang may lumipad na sibat papunta sa pwesto nya buti na lamang at agaran syang naka ilag dahil kung hindi ay sasakto talaga ito sa kanyang bungo.
''Ha! ang pangit ng pag ka-ka anggulo mo, yun lang ba ang kaya mo? " naka bahid parin ang nakakainis na ngiti sa labi habang hawak ang tatlo.
"Anong pangit???!!!! Ikaw kamo napaka pangit!!!!!! Mukha kang paa ni Intrigpo. Ibaba mo na ang mga kapatid kooo!!!! "
Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng marinig ang tinuran ng binata. "Ako?...pangit??? "Hindi makapaniwalang turan ni Lucurius sa kanyang sarili dahil alam nya mismo sa kanyang sarili kung gaano sya pinag pala sa kanyang physical na anyo. Sa isang iglap nasa papag na ito habang bitbit parin ang tatlo. Mas matangkad ito kumpara sa binata kaya halos mabali na ang leeg nya sa kaka tingala at tinukod pa ang paa para lang mapantayan ang mapanuyam nitong tingin . Hindi sya kaliitan sa katunayan nga'y mas matangkad ito kesa sa mga lalaki na kilala o nakikita nya sa kanilang nayon, sadyang halimaw lang talaga sa tangkad ang nasa harapan nya ngayon.
Dahang dahang itong naglakad sa harapan ng binata habang napapaligiran ng aroganteng aura. Galit ang naka pinta sa mukha ng lalaki. "Ano bang kailangan mo sa amin???!!!!" huminto ng panandalian si Lucurius sa paglalakad.Samantalang si Lyriel naman ay inis na inis na at wala man lang syang magawa dahil ang sibat nya ay kung saang lupalop na nakarating, ang tanging magagawa nya lamang ay ang umasa sa sariling lakas pero kung tutuusin wala syang panamba kung pag-uusapan ay pag dating sa angking galing sa pakikipaglaban ng physical.
"Ano bang problema mo sa amin? alam mo naman siguro sa sarili mo na hindi namin kailan man ginambala ang lahi nyo diba???'
Ang pakpak na nakasara nito ay unti-unting bumukas kaya unti-unti ring nagpapakita ang magagandang balahibo na nakapaligid sa kanyang pakpak.
"May gusto lang akong malaman" mahinahong sagot sa binata.
"Ano naman iyon??!!"
"Yun— "
"Arrghhhhhh" biglaang napahiyaw sa sakit si Lyriel nang maramdaman nyang parang may kumakain ng kanyang laman sa mag kabilaang tagiliran. 'Puta, hanggang ngayon hindi parin toh tapos?! Anak ka ng ama mong pinag pala' halos mapaluhod na ito sa damuhan habang mag kahawak sa mag kabilaang tagiliran.
Nakamasid lang sa kanya si Lucurius tila ba'y aliw na aliw pa sa nangyayari kay Lyriel dahil sa ngiting naka ukit sa labi. "Oh ano na ang nangyayari sayo? Asan na yung tapang iyong ipinapakita kanina? " tumawa pa ito bago inuyog ang tatlong taong bitbit sa kamay.
"Hmmppp....hmmmpppp" halos mahilo hilo na ang tatlo sa yugyug nito buti na lamang at hininto nya rin ito. Naka yuko si Lyriel habang nanginginig kaya nag iiwan ito ng imahe na parang umiiyak pero ang kakaiba rito ay wala man lang lumalabas na tono ng paghihinagpis sa kanya, kaya hindi maiwasang pangunahan ng pagtataka si Lucurius.
"Oh~ ano na? " lumapit ito sa binata at ng nasa harapan na sya nito mismo naka yuko parin si Lyriel kaya lumuhod sya upang mapantayan ito.
"An—" saktong pag buka ng kanyang labi upang mag tanong biglang umangat ng tingin si Lyriel. Kitang kita ang mga usok na itim na lumalabas sa buong katawan ng binata, nang mag tama ang kanilang mata hindi maiwasang matulala ni Lucurius na tila ba'y nagulat ito sa nakita. Ang normal na kulay abong mata ni Lyriel ay naging purong asul na kasing kulay ng mata ni Lucurius. Tila'y nawala sa alimuat si Lucurius dahil hindi nya nailagan ang kamao ni Lyriel napaparating kung kaya't mabilis itong dumapo sa kanyang mukha , ang lakas nito ay hindi pangkaraniwan dahil pagkatama nito sa kanyang mukha ay sa isang iglap nawala na ang kanyang ulo.Makikita na lamang itong gumugulong gulong sa papag papalapit sa isang lobo na nasa tabi ng isang matayog na puno. Pag ka lapit nito sa pwesto ng lobo wala itong sinayang na oras at kinain ito ng buo, samantalang naiwan naman ang kanyang katawan kung saan ito naka pwesto habang hawak parin ang tatlo sa kanyang braso.
"hmmmppp.....hmmmmmpp" halos hindi makapaniwala ang tatlo at gusto na nilang lumuha at sumuka ng balde-balde dahil sa mga nasaksihan nila ngayong araw, masyadong kakaiba ang mga nakita nila ngayon.
Kukunin na sana ni Lyriel ang tatlo sa braso nito ng bigla na lamang itong mabilis na lumipad papunta sa itaas. Ang katawan nito na walang ulo ay unti unting umuyog at sa pag-uyog nito lumabas ang isa isang tinik na parang puno ng kahoy sa parte ng kanyang leeg, bago bigla itong nagsama-sama at sa isang iglap ay mayroon na itong muling ulo na gawa sa kung ano mang lumabas sa katawan nito at ngayon ay nakatingin na kay Lyriel.
"aba tila ba'y may dayaang nagaganap" na iinis na sabi ni Lucurius kay Lyriel habang kampante itong lumilipad sa itaas bitbit parin ang tatlo sa kanyang braso.
Hindi tumugon ng binata kundi nilisikan nya lamang ito ng mata at ang mga usok na lumalabas sa kanya kanina pa ay mas lalong nag sipag siklaban na nasinabayan pa nang isang itim na likido.Ang likido na ito ay unti-unting nag anyong pakpak. Hindi nya malaman kung anong nangyayari sa kanyang katawan pero dahil narin sa lakas na ito ay magkakaroon sya ng pag-asa para maligtas ang kanyang mga kapatid at yun ang mahalaga para sa kanya, wala na syang paki kung ano mang mangyari sa kanyang katawan.
Nang matapos itong mag anyo ay agaran syang lumipad sa himpapawid.
"Oh~? Ano sasamahan mona rin ba ako? Haha"
Gamit ang likidong tumutulo sa kanyang katawan naka buo sya ng armas, ang armas na ito ay kakaiba dahil sa angking desenyo nito. Mayroon itong matulis na dulo sa mag kabilaan at kadena na pawang akalay mo'y desenyo lamang ngunit kapag ginamit ay tiyak na maagkakaroon ng matinding galos sa katawan ang madadapuan nito.
"Ganda ng armas natin ah? bagong- bago~"
Wala pang segundo ay agaran syang inatake ni Lyriel gamit ang kanyang armas na kadena, marahil parang alam na agad ni Lucurius kung anong magiging atake ng binata kaya naka handa ito upang labanan ito. Bumuka ang pakpak ni Lucurius at pagkasara nito ay gumawa ito ng isang napaka lakas na hangin papunta sa binata,hindi nya ito inaasahan kaya naging malakas ang impact nito sa kanya.Tumama sya sa isang malaking tipak ng bato na naging sanhi ng pagsuka nya ng dugo, pinunasan nya lang ito gamit ang kanyang palad at lilipad na sanang muli ng tumingin sya sa himpapawid ay parang nawala ang apat na parang bula.
"ANO BA???!!!! NASAAN NA KAYO??!!" lumipad sya sa himpapawid at naghanap-hanap nag babakasakaling nandoon lamang ang mga ito at nag tatago lang, ngunit kahit anong hanap nya ay wala syang napala.
Bumalik sya sa kanilang kubo at kumuha ng isang tela, ang tela na ito ay ginamit nya para pang dala sa mga pagkain na kanyang inihahanda at inumin para sa magiging byahe. Siguro na sya sa kanyang pag papasiya, hahanapin nya ang kanyang mga kapatid at kahit na ano pa man ang maging kapalit nito ay hnda syang harapin ito. Abala ito sa pag aasikaso ng mga kailangan nyang dadalhin ng bigla na lamang syang nakaramdam ng presensya sa kanyang likod. Humarap sya at nakita ang pamilyar na mukha.
"Mag hahanap ka na lang ba talaga ng walang plano?" sambit ng taong nakasuot ng isang puting kasuotan sa kanya.
Naka sandal ito sa hamba ng pintuan at ng matapos nyang masabi ang mga kataga na iyon ay lumapit sya kay Lyriel. "Hayaan mong tulungan kita, wala naman sigurong mawawala diba?" napa isip ang binata 'Wala naman sigurong mawawala sa akin diba? diba? ayst' tumalikod sya dito at pinagpatuloy ang pag aasikaso at ng matapos ay humarap sya sa estranghero.
"Sige pero sa isang kondisyon" lumapit pa ng husto ang estranghero sa kanya at nang ilang pulgada na lamang ang kanilang layo ay yumuko ito para mapantayan si Lyriel. "hmm" mas lumapit si Lyriel "ipangako mong kung sakaling mang mag karoon ng aberya ay ilalayo mo ang kapatid ko sa akin at dalhin mo sila sa mas ligas na lugar" Umayos ng tindig ang estranghero bago ito pekeng umubo at nginitian ang binata. Sa hindi malamang dahilan ay napakampante si Lyriel.