-EMMA-
Sabi noon ni Mama, tapusin ko muna ang pag-aaral bago makipagrelasyon. Sabi rin niya, kapag may trabaho na ako, mabibili ko na lahat ng gusto ko. Kaya naman, nag-focus ako sa pag-aaral at hindi nakipagrelasyon.
Tapos? Wala pa ring nanligaw... o kahit naligaw man lang!
Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame. Well... may naligaw naman, pero mas gugustuhin ko pang maligaw sila nang tuluyan.
Noong nakapagtapos naman ako, sabi ni Mama, unahin ko muna ang paghahanap ng trabaho. Madali lang daw humanap ng karelasyon.
Syempre, masunurin akong anak... also dahil takot ako mama, kaya inuna ko ang trabaho. Nahanap ko nga agad... pero bakit ganun? Sabi niya madali lang makipagrelasyon, pero hindi niya nasabi na madali lang 'yon kung may magkakagusto sa'yo.
Ngayon, nag-resign na ako at lahat-lahat, pero wala pa ring nagka-interes sa akin.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mabili lahat ng gusto ko. Akala ko ba kapag may trabaho na ako, kaya ko nang bilhin ang lahat? Kasinungalingan! Isang malaking kasinungalingan!
Also, I'm bored. Akala ko I'd enjoy doing nothing on my day off, just staying home, watching shows, and playing games but I never thought I'd get tired of it. Kanina pa ako gising, pero hindi pa rin bumabangon.
Bakit nga ba ako umalis ng bahay?
"..."
Ah, oo nga pala. Kinasal na si Kuya. My dearest brother finally got married after 40 years of being single. I'm so happy for him. Syempre, kailangan nila ng privacy ng asawa niya.
Pero hindi lang naman 'yun ang dahilan. Gusto ko rin matutong maging independent. Hello, 27 na ako, pero hindi ko pa nasubukang mabuhay nang mag-isa. Dito rin naman ako nag-aral noong college, pero nakikitira lang ako sa kamag-anak. Kaya naisip ko, ito na ang tamang oras para subukan mamuhay mag-isa.
Lumuwas ako sa siyudad kung saan ako nag-aral at kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nakahanap ako ng maganda at affordable na apartment. Binigyan pa ako ni Kuya Erick ng pera bago umalis, tapos nang malaman ni Kuya Emman ang aking very adult decision, pinadalhan pa niya ako ng pang-renta. Solve na ako doon, plus may ipon din naman ako.
Tatlong linggo na mula nang lumipat ako. So far, other than adjusting to being independent and hating it... everything is going well.
I mean, oo nga, nag-resign ako para makapagpahinga. After six long years of working non-stop, deserve ko naman, 'di ba? Pero hindi ko rin naisip na malulubog ako sa boredom kapag wala akong ginagawa.
Akala ko mage-enjoy ako, pero isang linggo ko lang pala siyang na-enjoy bago ako nabagot. I wanted to rest, and I thought it would take a long time, but I didn't realize I only needed a week. Now, I wonder if resigning was the right decision.
For now, wala pa akong balak maghanap ng steady job. Anim na taon akong nagtrabaho, at ni minsan, hindi ako nakapagbakasyon. Kahit day off ko, may trabaho pa rin. Kaya ngayon, ee-enjoy-in ko muna ang pagpapahinga.
Wala man akong permanenteng trabaho, may extra income pa rin ako. Salamat kay Hilda. Noong nagsimula akong mabagot, binigyan niya ako ng gagawin.
Nag-resign kasi ang tagalinis ng bahay niya, kaya nagprisinta akong kapalit. Tuwing hapon lang naman ako naglilinis at nagluluto ng hapunan, tapos maganda pa ang pasahod! Hindi man halata, pero magaling akong maglinis.
Napabuntong-hininga ako.
Maliban sa panenermon ni Kuya, namimiss ko rin 'yung tinatawag niya ako kapag kakain na. Speaking of pagkain... nagugutom na talaga ako.
Adulting is so real. I hate it so much.
Habang nag-iisip kung tatayo ba ako para magluto, biglang tumunog ang cellphone ko. Nasa paanan ko ito sa hindi malamang dahilan. Kinapa-kapa ko gamit ang paa, saka hinila papunta sa kamay ko.
"Bakit?" tanong ko pagkasagot ng tawag.
"Emma Maria Santos," ani Jake sa kabilang linya.
Natawa ako. Full name talaga, sis?
"Bakit? Jacob Delos Santos," sagot ko naman.
He is a good friend of mine. I was working part-time at a café near campus during my third year of college when we first met. He was also working part-time at the same café. Habang tumatagal, nalaman naming pareho kami ng trip, at simula noon, naging close na kami.
"'San ka?" tanong niya.
"Bakit nga?" takang tanong ko.
"Ako yung nagtatanong, 'di ba?" sagot naman niya.
Ai, ang sungit. May dalaw ka, sis?
"Xarry naman. Somewhere over the rainbow," nababagot na sagot ko.
"Fine. Manlilibre pa naman sana ako ng lunch, pero huwag na lang."
Bumangon ako agad. Libre? Sino bang may ayaw sa libre?
"Boss, nasa bahay lang naman ako, at sakto, hindi pa ako kumakain. Kanina pa nga ako nagugutom dahil walang laman iyong ref ko. Saan pala tayo kakain?" deretso kong sabi habang kumukuha ng pampalit sa cabinet.
"Magbihis ka na. Hintayin mo ako sa sakayan sa inyo. Papunta na ako jan," aniya bago pinatay iyong tawag. Mabuti na lang talaga at may kaibigan akong nagngangalang Jake.
Pumunta akong banyo at binilisan ko talagang maligo. Matagal ko nang kilala si Jake, at ayaw na ayaw niyang pinaghihintay. Pagkatapos kong naligo, nagbihis na ako agad at nagsuklay lang bago lumabas ng bahay at nagtungo sa sakayan para hintayin si manager.
Sakto lang iyong dating ko dahil nung malapit na ako sa waiting shed ay nakita kong tumigil ang sasakyan ni Jake sa tapat. Tumakbo ako papunta sa sasakyan at pumasok, saka kami pumunta sa restaurant.
"Dito ba yung sinabi mong bagong Japanese-Korean restaurant?" tanong ko sabay subo.
"Oo. Masarap, 'di ba?" ani Jake sabay subo.
Tumango naman ako habang ngumunguya.
"Kumain ako dito nung isang araw at nagustuhan ko agad kaya dinala kita dito."
"Kaya ba nating ubusin lahat to? Pwedeng mag-take out para may ulam na ako mamayang gabi." Nag-order ba naman siya ng unli samgyup at unli hotpot pa. Ang dami pa naman niyang kinuhang iluluto.
"Bestpren, para saan pa at ikaw ang naging food buddy ko kung hindi kita bibilhan ng takeout? Hindi rin pala pwedeng itakeout kapag hindi natin naubos at may extra bayad, kaya damihan mong kumain," aniya sabay subo niya sa sobrang laking lettuce wrap na ginawa niya na ilang karne ang laman at talagang nagkasya sa bibig niya yun, hah.
"Okay lang talaga kahit isa lang ang kaibigan ko basta ang pangalan niya ay Jake," biro ko, sabay tawa naming dalawa.
Napansin kong natalsikan ng mantika ang kamay niya at may kaunting kimchi sa damit niya, kaya agad akong kumuha ng tissue at iniabot ito sa kanya.
Kinuha iyon ni Jake at pinunasan ang kamay niya. Pero bago pa niya abutin ang damit niya, inunahan ko na siyang punasan ang bahid ng kimchi.
Hindi talaga madamot si Jake. Noong nalaman nga niyang dito na ako titira, hindi na siya tumigil sa pag-aaya sa akin na kumain sa labas. Gaya nga ng sabi niya, ako ang kaniyang food buddy.
"Akong bahala sa'yo," aniya sabay tapik sa kanyang dibdib. "Kumusta nga pala ang buhay independent?"
"Okay naman. I still hate it, pero siguro dahil nag-a-adjust pa rin ako," sagot ko habang nilalagay sa plato niya iyong nalutong karne. Sabay tingin ko sa hotpot, baka kasi ma-overcook yung mga linagay ko. Linagyan ko rin ng sabaw iyong bowl niya dahil alam kong gusto niya yung sabaw.
"Wala ka pa ring balak maghanap nang trabaho?" tanong niya.
Tumingin ako sa labas, at pinagmamasdan ang mga tao at sasakyang dumadaan sa kalsada. Nag-pause ako sandali, may pabuntong hininga effect pa talaga ako bago nagsalita. "Apat na taon akong nagpuyat at walang pahinga. Oras naman na para unahin ko ang sarili ko. Siguro naman, karapat-dapat din ako magpahinga ng konti."
Kahit gusto ko pang magpahinga, hindi ko maiwasang mag-alala. Lalo na at may mga expenses akong kailangang isipin.
"Ganun ba, may alam pa naman akong sideline," ani Jake.
Lumingon ako agad sa kanya. Sideline? Anong sideline?
"Pero mas mabuti kung magpahinga ka muna."
"Pahinga? Ano 'yon, nakakain ba 'yon?" sarkastikong sagot ko bago ko nilagok ang natirang inumin sa baso ko. "Anyway, anong sideline 'yan? Malaki ba ang bigayan?" tanong ko, medyo excited habang linalagyan ulit ng tubig ang baso ko.
"Gusto mo bang maglinis sa bahay ng Tito ko? Malaki ang bigayan nun."
"Depende," naka-ngiting sagot ko, sabay lumapit ng kaunti sa kanya at tinitigan siya. "Gaano kalaki?"
Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro, kaya tiningnan ko siya ng mabuti, parang hinihintay kong makitang may ngiti siya sa mukha. Pero hindi. Mukhang may plano siya.
Kung may kaya ang pamilya ni Jake, sigurado malaki ang kita nito. Sinubukan kong magpanggap na hindi ako interesado, pero ang totoo, curious na curious ako. Kung malaki nga, baka yun na ang sagot sa ilang mga alalahanin ko. Sure, may naipon ako, pero mauubos yun kung wala akong sideline.
Nakita ko siyang ngumiti, at parang alam na niya na nahulog na ako sa idea.
"1k a day."
Lumaki ang mata ko. "Shutanginamers!" Mas malaki pa kaysa kay Hilda. "Seryoso? 1k a day? Talaga?"
Tinanong ako ni Hilda kung magkano ang gusto kong sahod, at sinabi ko 400, para pantay lang sa mga kasambahay. Okay na yun, hindi naman siya makalat. Nagluluto pa ako ng dinner niya paminsan-minsan... frozen nga lang, pero kinakain naman niya nang walang reklamo.
"Oo, malaki, 'di ba? Ano, bet na?" tanong niya sabay tingin sa akin bago sumupo ng fish ball.
Nag-isip ako sandali, nag-pretend na hindi ako interesado, pero sa totoo lang, iniisip ko kung anong mga benepisyo at convenience ang pwede ko makuha mula rito. Hindi naman siguro ako lolokohin ng damuhong 'to. "Pwedeng tingnan kung gaano kahirap 'yung gagawin ko?"
"Sure. Sasamahan kita bukas ha. Mamaya na tayo mag-tsikahan, unahin muna natin ang pagkain," sagot ni Jake na parang wala lang, mas focused pa siya sa pagkain kesa sa mga seryosong usapan.
"Truuuue," sagot ko sabay ngiti.
Kagaya ng sinabi niya, nag-concentrate kaming kumain. Inubos talaga namin ang order, hindi na kami naghanap ng dessert kasi busog na busog kami. Si Jake pa nga, hindi lang basta kumain, nag-takeout siya para sa akin, kaya solve na naman ang agahan ko... at pati na yata ang hapunan.
Pagkatapos naming kumain, hinatid niya ako pauwi. Solve na naman ako. At least, kahit papaano, may extra income na ako at hindi na ako mabo-bored masyado.